Barely Heiresses: Amira Chapter 90

Hindi makapagsalita si Amira habang pinagmamasdan ang binata. Totoo na ito. Manliligaw nga ito sa kanya. No pressure. At mukhang wala itong balak na basta-basta siyang sukuan. This was not a cassanova who wanted to play. He was seriously considering her as his girl.

“W-Why me, Francois? Bakit kailangan mo pang mag-exert ng effort para sa akin kung marami namang ibang babae diyan na hindi ka maghihirap? There are other girls with less drama.” At ‘di ba nito alam na maraming pagkakataon na nawawala siya sa sarili dahil dito?

“Hey, I don’t really know. I just found myself stuck with you and your family drama. Masaya ako kapag kasama ka. Masaya ako kapag napapangiti kita. I want to protect you. Gusto ko na ako ang lalaking nasa tabi mo. You might say that I am the biggest flirt on Earth. Wala akong naging seryosong girlfriend. Pero ngayon pa lang seryoso na ako sa iyo. If you don’t want me to be your boyfriend yet, I can always be your friend.”

Umangat ang gilid ng labi niya. “Yet, huh? Confident much?”

“Amira, as long as you are single, I want to stay beside you. Bastedin mo man ako nang paulit-ulit, dito lang ako sa tabi mo.”

She didn’t know how to answer that. Sa huli ay hinawakan niya ang pisngi nito at kinintalan ito ng halik sa pisngi. “Merci, Francois,” pasasalamat niya dito. “Dapat binabasted na kita ngayon pero gusto kong subukan. I appreciate that you are allowing me to breathe and enjoy this thing between us. This is unexpected. Ngayon lang ako nagkaroon ng manliligaw na di ako susukuan.”

“Hindi ka nagagalit sa akin?” tanong nito.

Umiling siya. “No. I want to give you a chance. Pwede mo ba ulit akong tugtugan ng flute?”

“Sure,” anitong mas kampante na ngayon. Habang pinakikinggan niya ang musikang nililikha ni Francois ay nagdiriwang ang puso niya. Hindi mahirap ma-in love dito. She would gladly enjoy that experience.

INIKOT ni Amira ang mata sa paligid habang nagpapaliwanag si Engineer Peralta na assistant project manager ng Lambayan site. Nasa gitna sila ng komunidad Kasama si Francois, ang sekretaryang si Brynette at iba pang staff ay gagawa sila ng assessment sa Lambayan site.

Nasa gitna sila ng basketball court at di kalayuan ay ang elementary school. May mga nagkaklase pang bata noon at tahimik ang paligid. Sa di kalayuan ay ang pabahay para sa pamilya ng mga minero. Maganda at maayos ang community. May palaruan para sa mga bata, may pagamutan at maayos na daan.

Kung titingnan ay malayo na talaga ang narating ng mga Lambayan kumpara sa dating pamayanan ng mga ito. May mga kabataan na nase-cellphone pa habang nasa daan. Walang ipinagkaiba sa ibang normal na pamayanan.

Bumilis ang pulso ni Amira nang marinig ang isang pamilyar na kanta. Isang kanta na kinakanta ng nanay sa kanya kapag matutulog na siya. Oyayi iyon pero sa salita ng mga Lambayan. Inaawit ng isang bata?

Lumakas ang kabog sa dibdib niya. Ang unang senyales ng kulturang Lambayan na nakilala niya pagtapak sa lugar na iyon. Sa pagkasira ng mga ancestral lands minsan dahil sa mga minahan ay nasisira di lang ang pamayanan kundi maging mga tradisyon at kaugalian.

Sinundan niya ang tunog ng kumakanta at nakarating sa harap ng isang classroom. Sumilip siya. Kapuna-puna ang mga likhang sining na nakadisenyo sa silid na pawang mula sa tribo ng Lambayan. Isang batang babae ang nakasuot ng tradisyunal na damit ng mga Lambayan ang nasa harap ng klase at umaawit. Di ito nakasuot ng uniform. Baka nagpe-perform ito para sa lahat bilang project.

Ipinakilala siya ni Engineer Peralta sa guro doon na si Mrs. Ambasing. “That is a traditional Lambayan song.”

“Nagsisikap po kami na ituro sa mga bata ang gawi ng mga ninuno nila. Hindi naman po ako taal na tagadito. Nakapag-asawa lang po ako ng isang Lambayan. Inaaral ko rin po ang mga gawi ng tribo dahil ang mga kabataan dito ay nakakalimutan na ang gawi ng mga magulang nila,” malungkot na sabi ni Mrs. Ambasing.

“This is nice,” anang si Francois at inangat ang isang manyika na hinulma sa clay. Dinamitan iyon ng tradisyunal na kasuotan ng mga Lambayan. “Sino ang may gawa nito?”

“Si Kimea po,” anito at itinuro ang batang nasa harap ng klase. At isang bagong kanta ang kinakanta nito. Ang awit ng mga Lambayan sa papuri sa sagradong talon. Hindi perpekto ang pagkakakanta ng bata at natagpuan na lang ni Amira ang sarili na sinasabayan ang kanta ng bata. At nang mawalan ng boses si Kimea sa taas ng tono ay siya ang sumalo dito.

Nakuha din niya ang atensiyon ng mga kasama at ni Mrs. Ambasing. Pumalakpak si Kimea. “Ang galing! Ang ganda-ganda po ng pagkakakanta ninyo. Mas maganda pa sa kanta ng nanay ko.”

“Ma’am, bakit po alam ninyo iyan?” tanong sa kanya ng guro.

“Itinuro sa akin ng nanay ko,” sagot naman niya at ngumiti.

“Kimea, kailangan mo nang umuwi,” anang si Mrs. Ambasing. Nakita niya ang lungkot sa bata at inikot pa ang mata sa silid. “Huwag kang mag-alala. Di ka naman mahuhuli sa aralin basta basahin mo lang ang libro na bigay ko. Sabi ng ibang mga teacher pwede ka daw magpaturo sa kanila kapag di mo naintindihan.”

Nagningning ang mga mata ng bata. “Talaga po? Salamat po!” Kumaway sa kanya ang bata. “Babay, Ma’am!”

Nakangiti niyang pinagmasdan ang bata nang lumabas ng silid. Lumapit siya kay Mrs. Ambasing. “Bakit maaga siyang umuwi?”

“Irregular student po namin siya dito. Sa kabilang ilog at bundok pa po siya nakaatira. Pumupunta po siya dito kapag nanganguha siya ng halamang gamot na dito lang tumutubo. Dati po kasama niya ang nanay niya pero ngayon siya na lang mag-isa dahil ayaw daw ng nanay niya na umalis sa lugar nila.”

“Bakit sa kanya ka nagpapaturo ng mga kanta ng Lambayan?” tanong niya.

Pinagsalikop nito ang mga kamay. “Siya lang po ang nakakaalam ng mga kakaibang kanta na di alam ng karamihan ng tagadito. Sila ‘yung mga taga-Lambayan na piniling bumukod at doon na lang po sila sa tribo nila. Narinig kong kumakanta si Kimea nang minsang nangunguha siya ng halamang-gamot na kailangan nilang mag-ina. Nagpapaturo ako pero nagalit ang nanay. Di daw iyon itinuturo sa mga dayong gaya ko. Nang di na siya sinasamahan ng nanay niya, saka lang lumapit sa akin ang bata para magpaturo. Gustong mag-aral ng batang iyan. Wala lang siyang pagkakataon.”

Nagpaalam na sila kay Mrs. Ambasing matapos iyon. Matapos i-dismiss ang mga tauhan ay hinatak niya si Francois sa sasakyan nito. “Dalian mo. Baka hindi na natin maabutan.”

“Sino?” tanong ni Francois.

“Si Kimea. Doon siya nakatira sa Kanayama. Sundan natin.”

“Ano? Pupunta tayo sa Kanayama?”

“Titingnan lang natin. Sige na,” sabi niya at pilit itong pinasakay sa driver’s seat. “Kapag di mo ako sinamahan susundan ko siyang mag-isa.”

“Fine. Basta hindi na tayo makakarating sa tribo. Dito lang tayo sa mining site dapat, Amira.”

“Oo na. Oo na,” aniya para matigil na ang kakulitan nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.