Present
“MISTRESS ka?” hindi makapaniwala ang panganay na kapatid ni Lora na si Clari nang ikuwento niya rito ang nangyari sa pagitan nila ng ama ng dinadala niya. At naiinis siya sa reaksyon nito nang marinig ang kanyang panig. Sabi na nga ba at hindi na niya dapat ikinuwento sa Ate niya ang tungkol kay Alexandros. Halatang na-disappoint ito sa kinahantungan ng buhay niya.
Ilang araw makatapos umuwi ni Lora sa Pilipinas ay ngayon lang niya napagdesisyunang magsalita tungkol sa estado niya. Tanging ang Ate Clari niya ang nais sabihan niya sa kanyang problema dahil ang akala niya ay maiintindihan siya nito. Niyaya niya ito sa isang coffee shop di kalayuan sa bahay nila para makapag-usap nang masinsinan. Pero base sa reaksyon nito ay mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang lahat. Para rin itong kanyang ama na kahit hindi pa man alam ang totoong kuwento ng pagbubuntis niya ay halata na ang disappointment sa nangyari sa kanya. Ito ang pinakaunang beses na binigo niya ang pamilya at hindi kagaya ng mga naging pagkabigo ng mga kapatid niya, hindi iyon matanggap ng pamilya niya. Hindi nito tinatago ang sakit na nararamdaman dahil sa nangyari.
“It is the in thing in New York,” simpleng sagot lang ni Lora kahit sa totoo lang ay nasasaktan siya kapag hinuhusgahan siya ng mga tao kapag nalalaman kung ano ang relationship status niya. She was a mistress of one of the most popular Business Tycoon in New York and she has been in that status for almost five years. Kakaunti lang naman ang may alam ng katotohanang iyon dahil na rin sa estado ni Alexandros. Until now, everybody knew that he is still engage to Helene. It is still the truth until now.
Alam ni Lora na isang malaking katangahan ang pagpayag niya sa alok ni Alexandros limang taon na ang nakararaan. Most people looked up at her but her just end up being a billionaire’s mistress. Iyon ang karaniwang itinatawag sa mga babaeng nakaka-affair ng lalaki sa ibang bansa. Alexandros never called her as his lover as they don’t feel “love” between them. Their relationship was just pure lust. Pero alam niyang sa buong durasyon ng relasyon nilang iyon ni Alexandros ay siya lang ang babae nito. Palagi nitong sinasabi na siya lang ang nakakapag-satisfy rito ng ganoon. But still, assuring her that their relationship wouldn’t last a lifetime as Helene was already in his life.
Iyon rin ang dahilan ni Lora kung bakit pinili niyang umalis ng New York nang malaman niyang buntis siya. Hindi iyon planado. Hindi inaasahan. Isang pagkakamali. Hindi dapat nangyari iyon. Kasalanan iyon ni Lora. She forgot about the pills…and now she was pregnant.
“It is the in thing?” nanlaki ang mga mata ni Clari. “Hindi dahil uso ang isang bagay, gagawin mo na `yan! God, Lora! I couldn’t believe you would end up like this! You’re smart and—“
“Became a fool? A stupid? Bakit ikaw, hindi mo ba cl-in-assify ang sarili mo bilang ganyan nang magpakatanga kang magmahal sa isang lalaking matagal ng galit sa `yo?” hindi maiwasang ungkatin ni Lora ang tungkol sa love life ng kapatid. Nalaman kasi niya ang nangyari sa kapatid nitong mga nakaraang buwan.
Ang nangyari sa Ate Clari niya ay isa ring katangahan. Nagkunwari ito, nagpanggap. Pati sa mga magulang niya ay nagsinungaling rin ito. Pero mabilis iyong natanggap ng mga magulang niya. Bakit ang sa kanya ay hindi? Para siyang malaking kahihiyan kung ituring ng mga ito. Hindi madaling makaramdam ng sakit si Lora. Pero palagi na lang pagdating sa pagtuturing ng mga magulang niya sa kanya at sa mga kapatid ay hindi niya maiwasang maramdaman iyon.
Noong bata pa siya ay halos lahat ng gusto ng magulang niya ay ginagawa niya. Sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinakamasipag mag-aral at pinakamatalino. Hindi niya binibigo ang kanyang mga magulang. Hindi niya ito binibigyan ng mga problemang alam niyang ikahihiya ng mga ito.
Hanggang ngayon…
Minsan lang siya magkamali at pumalya pero galit na galit ang kanyang mga magulang. Hindi naman niya ipapaako ang anak niya sa mga ito pero kung maka-react ang mga ito ay parang wala na siyang magagawa pa. Marami siyang naipong pera sa paninirahan niya sa New York. Natanggal man siya sa trabaho bilang sekretarya ni Alexandros ay binigyan naman siya nito ng panibago. He appointed her to be a manager in one of his business in New York, too. Nang dahil roon ay marami siyang naipon. Kayang-kaya niyang buhayin ang magiging anak niya.
“Yes, I am a fool for loving Eugene despite of everything. Pero naging maayos na kami ngayon and fortunately ay ikakasal na rin. Ikaw, Lora… buntis ka at walang ama. Hindi mo masisisi sina Daddy na masaktan dahil sa nangyari sa `yo,” pagpapaliwanag ni Clari. “Anyway, nasaan na si Alexandros ngayon? Alam ba niya ang tungkol sa bata?”
Umiling si Clari. “Nasa Florida si Alexandros nang malaman ko ang tungkol sa kondisyon ko. May business trip siya roon. Walang nakakakaalam ng nangyari sa akin sa New York,”
Tumango-tango ito. “Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako tinawagan? Nalulungkot ka ba nang malaman mo ang nangyari sa kondisyon mo kaya sinabi mo sa akin na nami-miss mo na ako?”
Tumango si Lora. Tama ito. Nang malaman niya ang nangyari sa kondisyon niya ay nalungkot rin siya. Maraming katanungan ang pumasok sa isip niya lalo na at hindi naman sila magnobyo ni Alexandros. Wala sa plano nila ang magkaroon ng anak. Ano ang magigging reaksyon ni Alexandros kapag nalaman nito ang nangyari? Gulong-gulo ang isip ni Lora noon kaya naggawa niyang tawagan ang kapatid.
“But that was months ago. Hindi pa rin ba kayo nagkikita ni Alexandros pagkatapos noon? Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang kondisyon mo?”
“Pagkatapos ng business trip niya sa Florida, lumipad naman siya sa Greece. The wedding has been set. Malapit na siyang ikasal.Anong gusto mong gawin ko, Ate? Maging home-wrecker? Isa pa, naisip kong magagalit si Alexandros sa nangyari. Nag-resign ako sa kompanya nang malapit na siyang bumalik at umuwi ng Pilipinas. Ayaw kong malaman niya ang lahat,”
“And broke your relationship with him? Anong sinabi mong dahilan?”
“Sinabi kong napapagod na ako,”
Kahit paano ay totoo naman ang sinabi ni Lora na dahilan kay Alexandros. Masaya siya sa relasyon nila. Pero ilang beses na rin pumasok sa isipan ni Lora kung hanggang kailan ba sila magiging ganoon? Hindi naman siya binibigyan ng kasiguraduhan nito. At malapit na rin ikasal si Alexandros. Matitiis ba niya na may kahati na talaga siya rito? Kahit na inamin sa kanya ni Alexandros na hindi naman talaga nito mahal si Helene, iba pa rin kapag nagkaasawa na ito. Gagawa na ito ng sariling pamilya nito kapag ganoon. Malilimitahan na ang oras nila para sa isa’t isa. Puwede siyang basta itapon na lang nito.
Isama pang tumatanda na rin siya. Hindi naman maaring habang buhay na lang siya na maging mistress ni Alexandros. Wala siyang mararating sa buhay kung ganoon. Sa kabila naman kasi ng ugali niya, pangarap rin niyang bumuo ng pamilya. Alam niyang hindi niya magagawa iyon kay Alexandros. He was engaged to marry with someone else. Mas lalo pang dumadagdag sa pag-iisip ni Lora ang balitang buntis siya. Iyon ang naging cue niya para lumayo na talaga kay Alexandros.
Umarko ang kilay ni Clari. “Minahal mo ba siya?”
Natigilan si Lora sa tanong ng kapatid. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito kung kahit siya ay hindi maamin iyon sa sarili niya? Paano niya ba malalaman kung mahal niya talaga si Alexandros kung in the first place ay hindi naman niya alam ang pakiramdam ng minamahal o `di kaya ay nagmamahal?
“I enjoyed being with him,” tanging sagot na lang ni Lora. Ayaw na niyang palawakin pa ang usapan tungkol kay Alexandros. Hindi niya gustong pag-usapan ito lalo na at ginagawa niya ang lahat para kalimutan ito. Hindi na dapat niya inaalala ito. Kaya nga siya umuwi ng Pilipinas para maiwasan ang pag-iisip rito. Magbabagong buhay na siya kasama ang anak niya. Simula ngayon ay dito na lang niya paiikutin ang buhay niya.
Pagkatapos noon ay nagyaya na si Lora na umuwi. Kagaya ng nararamdaman kay Alexandros ay napapagod na rin siya ngayon. Simula nang malaman niya ang tungkol sa kondisyon ay palagi na lang niyang nararamdaman iyon. Sabi ng Doctor ay normal lang naman sa mga buntis ang mabilis mapagod. Pero kahit ganoon pa man ay iniiwasan niya iyon. Kapag nakakaramdam siya ng pagod ay gusto na niyang magpahinga dahil natatakot siyang baka makaapekto iyon sa batang dinadala.
Kahit aminado si Lora na hindi niya ginusto ang magkaanak sa ngayon, ngayong nalaman niya ang existence ng bata ay may bumangon na excitement sa puso niya. Magiging ina na siya. The thought of it gives her an unconditional but wonderful feeling. Parang excited siya na may bata siyang aalagaan, poprotektahin at mamahalin. It was a challenged accepted.
Pumayag naman agad si Clari sa gusto niya. Naiintindihan nito ang maselang kondisyon niya. Inalalayan siya nito pauwi. Iyon ang mga katangiang gusto niya sa kapatid niya. Kahit naman iba ang tingin sa kanya ng mga magulang kumpara sa mga ito, nararamdaman niya ang pag-aalaga ng mga kapatid. Iyon rin ang dahilan kung bakit mas nagustuhan niyang umamin nang mga nangyari sa kapatid kaysa sa mga magulang.
Pagdating sa bahay ay balak na sanang magpahinga ni Lora. Ganoon lang ang madalas na gawin niya sa bahay nila. Nagkukulong siya sa kuwarto para iwasan ang mga magulang. Hindi naman siya pinupuwersa ng mga ito sa gusto niya pero halatang galit ang mga ito sa kanya lalo na ang ama. Ilang beses niyang nakikitang masama ang tingin nito sa kanya.
Na-master na ni Lora ang art ng pambabalewala sa loob lang ng ilang araw. Pero nang makauwi sa bahay ay hindi maggawang balewalain ni Lora ang nakitang eksena. Napahawak siya sa kamay ni Clari nang may makitang sinuntok ang kanyang ama sa loob ng bahay. Medyo malayo pa sila pero rinig na rinig nila ang pagdausdos ng kamao nito sa pisngi ng lalaki.
“Kulang pa `yan sa `yo, walang hiya ka! Ginago mo ang anak ko!” sigaw ng kanyang ama.
“Sir, let me explain first. Hindi ko---“
“Tama na ang dada! Pakakasalan mo ang anak ko!”
“Certainly, Sir,” wika ng lalaki saka tumingin sa pintuan. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May hinala na si Lora hindi pa man niya binibigyang tingin kung sino ang kausap ng Daddy niya. Pero ngayong nakumpirma na niya kung sino iyon ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mangamba.
Napahawak si Lora sa tiyan. Pakiramdam niya ay duduguin yata siya nang magtagpo ang kanilang mga mata.
Nasa bahay nila si Alexandros. At anong sabi nito? Pakakasalan siya nito?
No way!
KUNG hindi lang sa kondisyon ni Lorabelle ngayon ay malamang kanina pa nasakal ni Alexandros ang magandang leeg nito sa galit. Mabilis siyang mapikon at mahirap rin siyang magalit. Pero pinipigilan niya dahil alam niyang mas makakasama lang iyon lalo sa mga pangyayari. Isama pa sa maselang kondisyon nito ngayon. He wanted to get mad but he is also considering what Lorabelle is feeling. Bihira iyon na mangyari sa kanya pero ngayon ay kailangang-kailangan niyang pigilan ang sarili. Lorabelle is not just an ordinary woman. She could be more stubborn than him.
“Hindi mo susundin ang gusto ni Daddy. Hindi tayo magpapakasal,” halos sumigaw na ito sa loob ng kotse na nirentahan niya ngayong nasa Pilipinas siya. Dahil wala siyang kotse sa Pilipinas at hindi naman siya magtatagal roon ay nag-rent na lang siya ng kotse para sa ilang linggo na pananatili. Nalaman rin niya na puwede rin gamitin ang driver’s license niya sa loob ng tatlong buwan na pananatili kaya hindi na niya kinailangan pang mag-rent pa ng driver niya. Pero mukhang mali yata ang desisyon niya dahil nahihirapan siyang magmaneho sa pagwawala ni Lorabelle sa tabi niya.
“Don’t be stubborn, Lorabelle. You are pregnant. Kailangan nating magpakasal sa ayaw at sa gusto mo,” mariin na wika ni Alexandros.
Isang araw makatapos magbigay ng resignation letter ni Lorabelle at basta na lang umalis sa kompanya kung saan niya ito in-appoint na manager ay siyang pagdating niya. Sobrang sama ng loob niya nang malaman na umalis ito na wala man lang paalam sa kanya. He had missed her. Mahigit isang buwan din silang hindi nagkita at nagkasama dahil sa business trip niya sa Florida at pagbisita niya sa Greece para ayusin sana ang kasal. At ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing pagbalik niya ay hindi na muli niya ito makikita. He was in rage and furious when he found out that she was gone.
Hindi rin agad naniniwala si Alexandros sa sinabing dahilan nito. Hindi kasi malinaw iyon. Saan ba ito napapagod? Sa trabaho nito o sa kanya? Gusto niyang malaman ang dahilan. Pero naggawa na niya ang lahat ng paraan para ma-contact ito ay wala man lang siyang nakuhang impormasyon. Nag-alala rin siya nang husto. Hindi man niya mahal si Lorabelle, still he cared about her. Natakot siya sa maaring mangyari rito. Marami rin silang pinagsamahan at marami rin itong naitulong sa kanya. Hindi basta-basta na lamang niya ito papakawalan.
Naghanap si Alexandros ng paraan at suwerte naman na may nakapagsabi sa kanya na umuwi ito sa Pilipinas. Alam niya na puwede naman niyang hindi ito sundan roon. Puwede naman niyang papuntahan na lang ito sa isa sa mga tauhan niya at itanong ang maaring mangyari. Pero may nakapagsabi sa kanya na may hinala sa totoong dahilan ng pag-alis nito. Nakita pala ng isa sa mga managers rin niya sa kompanya na nagpa-check-up ito sa isang OB Gynecologist ilang buwan na ang nakararaan. Nang dahil roon ay nagkahinala siya sa maaring nangyari. At tama nga siya. Buntis nga si Lorabelle at hindi na niya ipagtataka pa na siya ang ama noon. Sigurado siya na siya lang ang lalaki sa buhay nito. Siya ang ama ng bata. Lalo pa niyang nakumpirma iyon nang unang beses pa lang niyang tinangkang kausapin si Lorabelle at pumunta siya sa bahay ng mga ito ay sinalubong na agad siya ng matinding galit ng ama nito. Na-disalign yata ng panga niya sa suntok nito. First time niya iyon at talaga namang kung hindi lang ito ama ni Lorabelle ay malamang nagantihan na rin niya ito.
Makapangyarihan man si Alexandros pero marunong naman siyang rumespeto. Lalo na at alam niyang kailangan niyang anihin iyon dahil sa naggawa niyang kasalanan sa anak ng mga ito. Kung kasalanan nga bang maituturing iyon dahil alam niyang si Lorabelle ang nagkamali. She was the one responsible for the contraception. Pero kahit magalit man si Alexandros, wala na rin siyang magagawa. The baby is already there. Ang kailangan na lang niya ay makumbinsi si Lorabelle. Kailangan nilang magpakasal.
“Hindi ang pagpapakasal ang solusyon, Alexandros. Ibibigay ko sa `yo ang custody ng bata pero hindi ang kamay ko. Hindi ako magpapakasal sa `yo kahit buntis ako,” mariin rin na banat nito. “Kung natatakot ka dahil sa ginawa sa `yo ni Daddy at napilitan ka lang rin dahil doon, `wag kang mag-aalala. Ako ang kakausap sa kanya,”
“Alam mo na hindi iyon dahil roon! Matapang ako. Marami na akong nakalaban na malalaking businessmen at iisipin mo na duwag ako dahil lang sa tinamo ko sa Daddy mo? Don’t be ridiculous! No child of mine would be illegitimate, bare that on your mind. Magpapakasal tayo!”
“Pero ayaw kong magpakasal. At ikaw? `Di ba’t malapit na ang kasal niyo ni Helene? Bakit ngayon ay ako ang inaalok mo ng ganyan?” naramdaman niyang bumaba taas ang hininga ni Lorabelle nang sabihin nito iyon. Kinabahan si Alexandros. Masama ba ang pakiramdam nito? Itinigil niya ang pagmamaneho. Ipinarada ang kotse sa isang tabi.
“Lorabelle? Ayos ka lang ba?” hinawakan niya ang kamay nito.
Pinalis naman nito agad iyon. “A-ayos lang ako,” huminga ulit ito nang malalim. Pero hindi na iyon kagaya ng ginawa nitong paghinga kanina. Parang hinga na pinapakalma na lang nito ang sarili.
Doon rin muling nakahinga nang maluwag si Alexandros. Ramdam niya na maselan ang pagbubuntis ni Lorabelle. Kaya nga kahit kanina pa siya nangagalaiti sa pag-iinarte nito ay hindi maggawang tuluyan na lumabas ng totoong ugali niya. Palagi niya kasing naalala ang itsura nito na sapo-sapo ang tiyan nang madatnan nito ang eksena nila ng ama nito. She looked so stress. Nang araw na iyon ay hinayaan niya muna ito sa gusto nito. Ganoon rin naman ang mga magulang nito. Binalikan niya na lang ito kinabukasan at ngayon nga iyon para makapag-usap na sila nang masinsinan. Nagtuloy muna siya sa isang hotel malapit sa bahay ng mga ito. Ngayong umaga ay sinundo niya ito para asikasuhin ang mga kakailanganin sa kasal nila. Kusang ibinigay na sa kanya ng mga magulang nito ang mga kakailanganin ni Lorabelle. Dahil foreigner siya ay hindi na niya kailangan iyon. Madali lang ang mga requirements lalo na at napagpasyahan nilang civil wedding muna. Pumayag naman ang mga magulang nito sa kagustuhan niya dahil naramdaman rin ng mga ito ang sinseridad niya bilang lumipad pa siya ng New York para lamang rito. Nagpakilala rin siya bilang boyfriend nito at kaya lang nito nasabi sa mga magulang na wala talaga silang relasyon ay dahil nag-away sila.
Sincere naman talaga si Alexandros na pakasalan si Lorabelle. Hindi man nila mahal ang isa’t isa pero ngayong magkakaanak na sila, sa tingin niya ay sapat na iyong dahilan. Tutulan man ng lahat ay hindi siya papayag na magkaroon siya ng anak na bastardo. Isa pa ay may chemistry sa pagitan nila ni Lorabelle na mahirap i-deny. Hindi ba’t sinabi pa nga niya rito noon na si Lorabelle ang tipo ng babae niya kahit na ba malayo ang tipo nito sa magugustuhan ng Mommy niya. Hindi rin naman siguro sila magtatagal ng ilang taon na magka-affair kung walang something na espesyal sa kanilang dalawa. Para pa ngang nakahinga siya nang maluwag sa isiping may dahilan na siya para hindi talaga pakasalan ang gusto ng Mommy niya sa kanya noon pa man. Alam kasi niya na mas magiging enjoyable ang buhay niya kung ang isang kagaya ni Lorabelle ang makakasama niya habang buhay.
“Sigurado ka ba? Namumutla ka,” paninigurado pa ni Alexandros.
Tumingin si Lorabelle sa orasan ng kotse. “Tanghali na. Hindi pa pala ako kumakain ng almusal. Masama ang pakiramdam ko kaninang umaga,”
Napatingin si Alexandros sa orasan. It was eleven in the morning. “Damn! Bakit ngayon mo lang sinabi?” pinaandar agad niya ang kotse at naghanap ng pinakamalapit na restaurant. Nang makapasok roon ay halos sigawan na niya ang mga staffs para mapabilis ang paghain ng pagkain sa pagitan nila. Hindi dapat pinababayaan ni Lorabelle ang sarili nito. At siya, bilang ama ng dinadala nito ay responsible rin para pangalagaan ang kondisyon ng dalawa.
“Hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo. You should know that it’s not just yourself who will bear the consequences if you don’t take care of your body. May bata rin na lumalaki sa loob mo,” pangaral pa niya rito habang nakain. Hindi naman siya pinansin ni Lora at pinagpatuloy ang pagkain. Mukhang gutom na gutom nga ito.
Dahil hindi siya mahilig kumain ng mga pagkaing pang-restaurant ay pinagsawa na lang ni Alexandros ang sarili sa pagtingin rito habang nakain. Napansin niya na namayat ito simula nang huli niyang makita. Lalo tuloy siyang napaisip sa naging kondisyon nito. Hindi ba dapat kapag buntis ay tumataba dahil nagiging matakaw ang mga ito? Pinababayaan ba ni Lorabelle ang sarili nito? Nahihirapan ba ito sa unang buwan ng pagbubuntis nito kaya namamayat ito?
Still, hindi pa rin maitanggi ni Alexandros na sa kabila nang pagbabago ng hubog ng katawan nito ay hindi pa rin nawawala ang matinding pagnanais niya na hawakan muli ito. God, its been more than a month since they had sex. And despite of her condition, his desire for her still never fades.
Sa simpleng pagtingin lang ni Alexandros kay Lorabelle ay nakaramdam na agad siya ng kakaiba sa katawan niya. At alam niyang sa maselang parte iyon ng katawan niya. Bakit ba kasi ganoon ang epekto sa kanya ni Lorabelle? Matagal na silang magkarelasyon pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam niya na iyon rito. Sa lahat ng naging naka-affair niya, si Lorabelle ang record holder. Ito ang pinakamatagal dahil hindi yata siya magsasawa na makasama ito.
Lalo pang na-torture si Alexandros nang matapos kumain si Lorabelle ay napansin niyang may mayonnaise sa labi na ginawa nitong sawsawan sa Cream Dory na kinain nito. He wanted to remove that mayonnaise by kissing her. Mukhang naramdaman naman ni Lorabelle ang parang hinuhubaran na niyang tingin sa mga labi at katawan nito. Nagtaas ito ng isang kilay.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong nito.
Alexandros always lost his control when it comes to Lorabelle and today is not an exception. Sa halip na kuhanin niya ang tissue ay ginawa nga niya ang nasa isip kanina pa. He kissed Lorabelle in order to remove the mayonnaise. Mukhang nagulat rin ito sa ginawa niya. They usually don’t do PDA’s as they most don’t go outside. Kapag nagkikita sila ay palaging sa apartment niya o sa apartment nito. Pero ngayon ay hindi na siya makapagkontrol. He missed Lorabelle. He missed her lips, her kissed…and most of all, her beautiful body. He felt crazy over her right now.
“Alexandros…” mas lalo pang pinagtibay ng tinig ni Lorabelle ang pagnanasa niya rito. He wanted to ravish her there. Kung hindi lang nakakahiya ay kanina niya pa siguro natanggal ang strap ng bra o damit nito. Nababaliw na yata siya.
Hindi agad tumugon si Lorabelle sa halik niya pero nang nilaliman niya iyon ay naramdaman niya ang pagtugon nito. It drives him crazier. “Oh God, Lorabelle…”
Ilang sandali rin silang nagsalo sa halik hanggang sa naramdaman niyang tumigil ito. Itinulak siya nito.
“Hindi dapat natin ginagawa ito, Alexandros. Nakakahiya,” kitang-kita niya ang pamumula ni Lorabelle sa ginawa niya. Napansin niyang maraming tao na pala ang nakatingin sa kanila. Pero hindi pa rin iyon nakakaapekto sa apoy na nararamdaman ni Alexandros sa katawan. He wanted more.
“Lorabelle, tama nga siguro na hindi muna tayo pumunta sa munisipyo,”
“Buti naman at nakapag-isip ka na ng---“
“Because I want you more now on my bed,” walang pagkiling na putol naman agad niya. Tumingin pa siya ng diretso sa mga mata nito.
Napansin niyang bahagyang nailang si Lorabelle sa sinabi niya. Naglihis ito ng tingin. Naramdaman rin niya na parang nanginginig yata ito.
“Nanginginig ka. May problem aba?”
“G-gutom pa rin lang siguro ako,” akmang tatawag ito ng waiter nang magsalita siya.
“Seryoso?” ramdam niya na hindi iyon ang dahilan kung bakit ito talagang nanginginig.
“Yeah. I think I would feel better once I have food inside me,”
Ngumiti nang nakakaloko si Alexandros. “I think it would be better if you rather have me inside you,”