HINIHINGAL pa si Cyrus at ang asawang si Isabelle nang dumating sila sa St. Alexander’s Hospital. Halos wala pang limang minuto nang humahangos na umalis ng bahay ang panganay nilang si Clari ay may tumawag sa kanya upang ipaalam na isinugod sa ospital ang pangalawang anak nila na si Lora. Halos hindi pa siya makapaniwala dahil ang buong akala nila ay nasa New York si Lora. Wala naman itong sinasabing balak nitong umuwi. Pero ayon sa nagsugod rito ay nasa taxi ito galing airport nang panawan ito ng malay.
Hindi maintindihan ni Cyrus kung bakit hindi itinawag man lang ng anak ang pag-uwi nito sa Pilipinas. Gusto ba nitong sorpresahin sila? Pero hindi ganoon ang ugali ni Lora. Hindi ito mahilig sa sorpresa. Bakit naman nito gagawin iyon?
Pagdating sa ospital ay hinanap agad nila ang emergency room kung saan sa tingin nila ay dinala si Lora. Nakita naman agad nila ang anak. Sa ngayon ay gising na ito at kinakausap ng Doctor. Lumapit sila ng asawa rito. Napansin agad niya na namumutla ang anak. Mukhang masama nga ang lagay nito. Kinakabahang tumingin siya sa Doctor.
“Ano po ang lagay ng anak ko, Doctora?”
Nginitian naman siya nito. “Wala namang dapat ipag-alala, Mr. Romano. Normal lang sa mga buntis ang nahihimatay. Pero magrerekomenda ako ng ilang gamot sa kanya para maiwasan ang mga ganoong bagay,”
Pareho silang hindi nakapagsalita agad ng asawang si Isabelle. Pareho silang nagulat sa sinabi ng Doctor. Buntis ang anak nilang si Lorabelle? Sabay rin silang napatingin sa anak na sinalubong naman ang pareho nilang mga mata. She didn’t look bothered at all. Mukhang alam na nito ang kalagayan bago pa iyon.
“Ano?” iritang sabi pa nito sa kanilang dalawa. Ito pa rin ang may pinakamatigas na ulo sa kanyang tatlong mga anak. Kahit sa ganoong sitwasyon ay parang balewala lang rito ang lahat. Balewala ang mga nararamdaman nilang dalawa ng asawa.
Mukhang naintindihan naman ng Doctor na may problema at tensyon na namumuo sa pagitan nilang tatlo. Nagpaalam ang Doctor at sinabing babalik na lang muli kapag naayos na nito ang mga irerekomendang gamot. Naiwan silang tatlo sa emergency ward.
“Bakit hindi mo ipinaalam sa amin ang lahat ng ito, Lora?” hindi maiwasang magalit ni Cyrus sa harap ng anak. Masyado siyang nagulat sa nangyari. Isama pang wala siyang alam na may karelasyon ng anak na si Lora. Wala itong pinapaalam sa kanila.
“It doesn’t matter. Hindi ko naman ipapaako sa inyo ang anak ko,” balewala lang na sagot nito.
“Magulang mo kami! Kailangan naming malaman ang ganitong bagay. Ngayon, sabihin mo sa amin kung sino ang ama niyan?”
Hindi nagsalita agad si Lora. Tumingin ito sa malayo. Inamo-amo si Cyrus ni Isabelle. Kahit alam niya na nasasaktan ang asawa ay nanatili pa rin itong kalmado. Pero hindi nakatulong iyon kay Cyrus. Kailangan niyang malaman kung sino ang hinayupak na gumawa noon sa kanyang anak.
“Boyfriend mo ba ang lalaking iyon?” hindi niya maiwasang itanong. Wala itong kinukuwento sa kanya na may karelasyon ito.
“Hindi ko siya boyfriend. Wala kaming relasyon,” parang balewala lang na sabi nito.
Lalong lumala ang galit ni Cyrus. Pinalaki niya nang maayos ang tatlong anak niya pagkatapos ay ganoon lang ang mangyayari rito? Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makapapayag.
“Kung ganoon ay sino, Lora?!” halos sumigaw na siya sa loob ng emergency ward sa galit.
“The Greek,” maikling sagot lang nito.
Five Years Ago… New York City
“YOU ARE APPLYING for---?” parang sinasadyang bitinin ng hopefully ay future boss ni Lora ang sasabihin nito habang ini-interview siya. Kaharap niya ngayon si Mr. Alexandros Zouvelekis’s, ang General Manager ng AZ Advertising. Dahil ito ang magiging boss niya, ito ang humarap sa kanya para sa final interview.
“Executive Secretary, Sir.” Magalang at professional na sagot ni Lora. Graduate si Lora ng kursong Business Administration with flying colors. Kung sa Pilipinas ay parang hindi nararapat para sa kanya ang posisyon niya, ibahin mo sa New York. Masuwerte na siyang naging qualified siya sa posisyong iyon. Hindi pa naman kasi ganoon kaganda ang work experience ni Lora dahil ilang taon pa lang siyang graduate. Kung mag-a-apply siya sa mas mataas na posisyon ay malamang na hindi siya ma-qualify.
Tumaas ang isang kilay nito. “Really?” tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa. “With your looks, it seems like you are applying to be my girlfriend. And if I am going to have a verdict with it, you are overqualified, Dear,”
Siguradong kung narinig lang ng mga kasamahan ni Lora na nag-a-apply rin sa AZ ang sinabi sa kanya ngayon ni Mr. Zouvelekis ay masasabunutan siya ng mga ito. Lahat yata ng kasamahan niya na nag-apply roon ay may matinding paghanga sa lalaki. Kahit ang HR Manager na may asawa na ay palaging bukang bibig rin ito. Napakasuwerte raw niya kung sakaling matatanggap siya dahil bukod sa napakayaman ay ubod rin ng guwapo si Mr. Zouvelekis.
Hindi maitatanggi ni Lora kung gaano kaguwapo si Mr. Zouvelekis nang una niya pa lang itong nakita. Ang akala niya noong una ay nag-e-exaggerate lang ang mga nakakita rito kung paano ito i-describe. Ang nasa isip kasi niya ay nasa fifties na ito dahil na rin sa posisyon nito. Pero s atingin niya ngayon, mukhang kaka-thirty lang nito. And, she felt like she could hold her breath forever if it is the only thing that could make her look at his physical features forever. Isang Greek business tycoon si Mr. Zouvelekis na nakabase ang negosyo sa New York. Hindi iyon ang unang beses na makakita si Lora ng may Greek Nationality. Bago siya nag-apply sa AZ Advertising ay naging empleyado rin siya sa isang multi-national company roon na isa rin na Greek Business Tycoon ang may-ari. Noong una ay napapakunot noo lang siya kung bakit madalas sabihin ng mga tao na Diyos raw ang lahi ng mga ito. Most of them looks hairy. Ganoon ang dating boss niya sa huling trabaho. Hindi nga ganoon katangkad ito. But when he saw Mr. Zouvelekis, the term Greek Gods just do justice.
Parang tinawag ang sikat na artist na si Michael Angelo sa langit para ikurba ang mukha nito. His features were too close to perfection. Ito rin ang pinaka-sexy na lalaking nakita niya na nakasuot ng suit. His suit emphasized every inch of his lean muscular hardness. Hindi ganoon kalawak ang imagination niya dahil hindi niya masasabi ang sarili niyang artist. Pero ang pagtingin pa lang sa lalaki ay nagpapaggunita na sa kanya ng maraming bagay. He was lethally sexy.
Hindi siya mabilis ma-attract sa mga lalaki. Sa totoo lang, wala pa na lalaking nagbigay kay Lora nang ganoong katinding klaseng emosyon. Parang nawawalan ng hangin ang buong paligid kapag nandoon ito. Isama pang kapag tumitig ito ay para siyang matutunaw. Hindi siya mahilig sa kulay green pero nang mapatingin siya sa mata nito ay nagpalit na ang preferences niya. Nakaramdam si Lora ng udyok na gusto niyang titigan ang mga iyon habang buhay.
“I’m flattered, Sir. But I’m sorry, I don’t mixed business with pleasure,”
Maaring naakit siya rito pero hindi siya sanay na maakit. It is not her thing. Hindi niya papayagang basta-basta na lang makapasok sa buhay niya ang isang lalaki. Sa kabila ng kaaya-ayang papuri, nanatili si Lora na professional. Binalewala niya ang nararamdaman.
Mukhang nakuha ni Lora ang atensyon ni Mr. Zouvelekis. Tumaas ang isang kilay nito. “Wow! Ang akala ko ay mamula ka kagaya ng karamihan sa mga babaeng sinasabihan ko ng ganyan. Marunong talagang humawak ang mga Filipina ng lalaki, ha?”
Nagulat si Lora nang nag-Tagalog ang lalaki. Sa pagkakaalam niya ay Pure Greek ito na may malaking kompanya sa New York. Paano ito natutong magsalita noon? At ang accent nito…parang bihasang-bihasa ito roon.
“Kung iniisip mo na may dugong pinoy ako, I’m sorry but you are wrong. `Yung nag-alaga sa akin simula noong bata ako ang Filipino. That’s why I have learned the Filipino language,” mukhang nahalata naman nito ang pagtataka niya kaya hindi pa man nakakapagtanong si Lora ay sinagot na agad nito ang katanungang namuo sa isip niya.
“And just like most of them, you look exquisitely beautiful,” dagdag pa nito. Hindi na bago kay Lora ang mapuri ang ganda. Kahit masungit siya ay madalas na marami pa rin ang humahanga sa kanya. They said she has deep and expressive eyes. Matangos ang ilong niya at tila kay sarap rin daw hawakan ng mestizang balat niya na namana niya sa kanyang ina. Matangkad rin siya sa karaniwang Filipino kaya hindi siya nahirapan na maka-adjust sa buhay niya sa New York. Pero nang purihin siya ni Mr. Zouvelekis ay parang lalo pa siyang naniwala sa mga papuri sa kanya. Lora was flattered more. Parang mahilig magbigay ng papuri ang bagong boss niya. Hindi pa man nagsisimula si Lora ay nakaramdam na agad siya ng fulfilment. Ang mga papuri ang ilang bagay na gusto niyang matanggap sa boss niya o sa kahit sino man. Tumingin ang lalaki sa resume niya. Namilog ang mga mata nito. “And your resume looks very impressive. Oh Dear, I think I’m starting to like you,”
Hindi napigilan na mapangiti ni Lora. Bihira siyang ngumiti. She was branded to be Miss Emotionless. Pero sa nakitang itsura ng kaharap niya ngayon ay hindi maiwasan iyon. Mukhang hangang-hanga talaga ito. Isama pang pakiramdam niya ay napakalaking tagumpay na nang naabot niya nang purihin siya ng ganoong klaseng lalaki. Mr. Zouvlekis is not just an ordinary man. He was a very successful Greek Business Tycoon. At ang kompanyang pinag-a-apply-an niya ngayon na pagmamay-ari nito ang pinakamalaking advertising agency sa buong America.
Mukhang natigilan pa ang lalaki nang makita ang naging reaksyon niya. Ilang beses pa itong kumurap-kurap. “And ah, you smile! I think you also got my heart,” napakaprangka nito para magkamomento pa ng ganoon.
Kapagkuwan ay tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. “Welcome to AZ Advertising. I could say that it is my honour to have you as my secretary. You are hired,”
HINDI maiwasang mapataas ang kilay ni Lora nang may ma-receive na email galing sa isang hindi kilalang babae. Her name and email address was in Alexandros list of important people. Magdadalawang-buwan na siyang nagtatrabaho rito at ngayon lang niya nakita ang pangalan ng babae na nag-appear sa inbox ng email nito. Bilang secretary ay siya ang nagha-handle ng business emails ni Alexandros. Pero ang email na natanggap niya ngayon, subject pa lang ay malayong-malayo na sa business ang ibig sabihin. Ganoon pa man ay f-in-orward niya sa personal email ni Alexandros ang email. Protocol nito na kapag nasa listahan ng importanteng tao ang sender ay kailangan niyang i-forward ang email sa personal email nito.
Wala pang isang minuto simula nang mai-forward ni Lora ang email ay lumabas si Mr. Zouvelekis o Alexandros na lang daw para sa kanya. Even if she insists to have a professional relationship with her boss, he insists more to be called just by his first name. Ganoon rin kasi ang tawag rito ng mga empleyado nito.
“Lorabelle,” pagtawag nito sa kanya. Iyon ang nakasanayan na tawag sa kanya ni Alexandros. Sa tuwina ay kinaiinis niya iyon. Ayaw niyang tinatawag siya sa ganoong pangalan. Pinapaalala lang noon sa kanya ang pamilya niya, lalong-lalo na ang kanyang mga kapatid. Pare-pareho kasing may “Belle” ang pangalan nila sa dulo. Hindi niya gusto na ipangalan silang tatlo na parang triplets sila. At hindi niya gusto ang mga kapatid niya. Okay, not that much. Masyado kasing sweet at affectionate ang mga ito. At kabaliktaran siya ng mga ito. Kaya sa kanilang tatlo ay siya ang palaging kinaiinisan ng mga tao. Pero kasalanan niya ba kung hindi siya kagaya ng mga ito? If only their parents have given her the right kind of love…Kung hindi lang siya middle child…
Kinalma ni Lora ang sarili. Hindi dapat niya iniisip ang mga iyon. Dapat rin ay sanay na siya at hindi naasar kapag tinatawag siya ni Alexandros nang ganoon. Kahit kasi anong paliwanag niya rito ay hindi nito iyon tinatanggap. He had the “I always get what I want” note on his head. Parang natural na rito ang pagiging arogante. Well, siguro kaya ito ganoon ay dahil na rin sa culture ng mga ito. Greek men always feel the dominant one. Lora had read a lot of books about Greeks and it was a stereotype attitude of them.
Mabuti na nga lang at sa kabila noon ay hindi naman abusado si Alexandros. Mabait rin naman ito at sa kabila nang paghangang ipinakita nito ng in-interview siya ay hindi ito nagte-take advantage sa kanya. He acted professionally though there are times that she felt like he still wanted to flirt with her. Pero palagi niyang pinapaalala rito ang motto niya kapag nagtatangka ito. Madali naman nitong naiintindihan at bumabalik ito sa realidad kapag ginagawa niya iyon.
Attracted man si Lora sa boss niya pero hindi iyon dahilan para patulan niya ito sa mga patutsada nito. For all she know ay gusto lang siya nitong gawin isa sa mga flings nito. Dahil sa pagtatrabaho niya ay nakilala na niya nang husto si Alexandros Zouvelekis. Hindi lang ito isang business magnate. He is also an international lady killer. Hinala nga lang niya ay isa rin ang babaeng nag-email rito sa mga babae nito. Espesyal lang siguro kaya nasa listahan ng importanteng tao nito.
“Yes, Alexandros?” lumingon si Lora sa boss na kunot na kunot ang noo.
“Tumawag ba si Helene? O sino man na may kinalaman sa kanya? May dumating ba na hindi nakalagay sa listahan ng mga expected guests ko ngayong araw?” sunod-sunod na tanong nito.
Umiling siya. “Wala naman. Isasama ko ba siya sa mga kakausapin mo kung sakaling dumating man siya?” sagot ni Lora sa tanong nito in pure Tagalog. Dahil marunong itong magsalita ng Filipino ay madalas na ganoon silang mag-usap sa opisina.
“Yeah. Isa siyang importanteng babae. Kapag sakaling pumunta siya rito o kung sinuman na magpakilala na related sa kanya, please do attend to her immediately,” paliwanag nito sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ni Lora. Hindi maiwasang magtaka at mukhang may espesyal na babae na yata sa puso ng boss niya.
Nang maramdaman ni Alexandros ang pagtataka niya ay nagsalita ito. “For a Greek man, there are two kinds of women: The one’s that bring out splendid passion and every man dreams a boisterous love affair and the one’s we got to have to marry,” Iyon lang at pumasok na ulit ito sa opisina nito.
Lora was left in awe. Ibig sabihin ba noon ay ang Helene na iyon ang pakakasalan nito? Hindi rin maiwasang magtaka ni Lora kung bakit tila may kumirot sa puso niya sa isipin na iyon.
“LET’S have dinner together, Lorabelle,”
Napatigil si Lora sa pag-aayos nang marinig ang anyayang iyon ni Alexandros. Dahil alas-nuwebe na nang gabi ay tanging sila na lang ang natitira sa opisina. Marami kasing kailangang asikasuhin si Alexandros at bilang sekretarya nito ay tinulungan niya ito. Napa-over time tuloy siya kasabay nito sa dami ng gagawin.
“Dinner? Hindi ba masyadong late na para roon?”
“Why does New York branded as the city that never sleeps if we couldn’t have a late dinner? Come on. Nagpahanda ako ng dinner sa apartment,”
“Sa apartment mo tayo magdi-dinner?” napakunot noo si Lora. Pero agad rin niyang binawi ang sinabi nang maalalang hindi nga pala kumakain sa restaurants si Alexandros. Hindi ito mahilig sa mga fast food. May sarili itong chef sa apartment nito sa New York. “I’m sorry. Nakalimutan ko. Nagulat lang ako na aanyayahan mo ako na mag-dinner. Ito ang unang beses.”
Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho rito ay ngayon lang siya nito niyayang kumain kasama ito. Most of the times ay dinadalhan ito ng chef nito sa office ng pagkain at mag-isa lang ito roon. Hindi ito nag-aabalang lumabas para kumain. Kapag nakikipag-date ito ay alam rin niyang sa apartment nito iyon o `di kaya ay sa bar o coffee shops nito dinadala ang mga dates.
“At unang beses rin na makalimot ka ng bagay tungkol sa akin,” ngiti-ngiting sabi nito. “I think that calls for a celebration,” tumawa pa ito. Iyon nga ang unang beses na nakalimot siya tungkol rito. Palagi siyang pinupuri nito dahil magaling siya sa trabaho. Never pa siyang pumalya sa mga inuutos nito sa kanya. She was very efficient to her work. Hindi naman iyon kataka-taka sa kanya. Galit siya sa pagkakamali.
“Pero sa tingin ko ay hindi ako nababagay na sumama sa `yo sa apartment mo. `Di ba’t mga babae mo lang ang dinadala mo roon? You know—“
“Pero babae kita dahil empleyado kita. Come on, Lorabelle. Ilang buwan na tayong magkasama. Eventhough I am frank at the fact that I like you, you know I am harmless,” pagkukumbinsi pa nito sa kanya.
Wala ng naggawa pa si Lora kundi sumama kay Alexandros. After all, gutom na rin siya. At tama naman ito. Kung may gagawin itong masama sa kanya, sana ay matagal na nito iyong ginawa.
Ilang beses nang nakarating si Lora sa apartment ni Alexandros pero hindi pa rin niya maiwasang hindi humanga sa ganda noon. It was on a twelfth floor of one of the most prestigious apartelle in New York. Kapag nagpunta ka sa terrace ng apartment nito ay makikita mo ang nagagandahang ilaw sa buong siyudad ng New York. At tila alam ni Alexandros na iyon ang pinakanagustuhan niya dahil talagang doon pa ito nagpa-set ng dinner nila.
“Nagustuhan mo?” tanong pa nito saka pinaupo siya sa upuang nakahanda. Wala pang nakahandang pagkain pero may champagne sa gitna ng lamesa. Kinuha iyon ni Alexandros. “Drink?”
Tumango si Lora. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba nang makita ang itsura kung saan sila magdi-dinner ni Alexandros. Parang napaka-romantic. It made her imagine a lot of things. At hindi gusto ni Lora ang nararamdaman. Ang lakas-lakas kasi ng tibok ng puso niya. At ang mga mata ni Alexandros kapag nakatingin ito sa kanya, para iyong magnet na kahit na layuan niya ng tingin ay hindi niya maggawa. Siguro ang pag-inom niya ng champagne ang makakatulong para mawala ang kakaibang nararamdaman. Hindi siya sanay uminom pero ginawa niya. Lora gave a little squeak as she sipped it.
“Bubbles up your nose?” nakataas ang kilay ni Alexandros nang magtanong.
“H-hindi ako sanay,” inilayo niya ang wine. “Nasaan ang pagkain?”
Tumingin ito sa may pintuan at saktong papasok ang chef nito para ilagay ang pagkain sa lamesa. Nang bigyan siya ng cue ni Alexandros na puwede na siyang kumain ay pinatos niya na iyon.
“Gutom ka talaga, ha?” komento pa nito.
“Starving,” sagot naman niya at pinagpatuloy ang pagkain.
“Pagod ka siguro masyado sa trabaho kaya ganyan ka,”
“Hindi mo ako masisisi. Sobrang dami mong inutos sa akin ngayon,” hindi maiwasang magreklamo ni Lora.
“The work piles up because of my trip in Greece. I’m sorry,”
“Well, walang pangangailangan na sabihin iyon. Trabaho ko iyon,” sumubo siya pagkatapos. Napansin niyang nanatili lang nakatingin sa kanya si Alexandros. Mabuti na lang at marunong magkontrol ng sarili si Lora dahil kung hindi, siguro ay lantaran niyang ipapakita rito ang pamumula ng kanyang pisngi. He really had those powers that can make a woman melt, ika nga sa isa sa mga sinasabi rito sa mga magazines. At hindi niya maitatangging kahit gaano pa niya ginawang matigas ang puso niya ay naapektuhan rin siya roon.
“What? Kakain ka ba o titigan mo na lang ako?” pinilit ni Lora na tatagan ang boses kahit na ba parang matutunaw na siya sa tingin ni Alexandros. Madalas naman ay ipinapakita niya rito ang katarayan niya. Most of the times, he doesn’t mind. Minsan nga ay sinabi pa nito na gusto nito ang ugali niyang iyon. Mabilis raw kasi niyang mapaalis ang mga taong hindi nito gustong makita sa ugali niya, lalong-lalo na ang mga babaeng naghahabol rito.
“Busog na yata ako sa pagtingin pa lang sa `yo,” kinindatan pa siya nito.
Keep calm and don’t feel affected. Lora chanted on herself. She tried her very best to raise her eyebrows, trying to feel not affected of what Alexandros is saying. “Don’t mixed business and pleasure, Alexandros,”
“But we are out of business tonight, Lorabelle.” Ngisi-ngisi pang sabi nito. God, he really had a sexy and seducing grin. At oo! Lora felt seduced. Damn him!
Itinigil ni Lora ang pagkain. “So ano ba ang totoong dahilan kung bakit dinala mo ako rito? Sinusubukan mo bang akitin ako?”
Tumawa ito. “Papayag ka ba?”
A little more try and I’m all ready. Kung malanding babae lang si Lora ay sasabihin niya iyon kay Alexandros. Pero nuncang sasabihin niya na naakit rin siya rito. “Alexandros, I think this is not---“
Isinuklay ni Alexandros ang kamay sa buhok nito. “Relax. I just invite you to be my companion for tonight. Iyon lang. Masyado akong na-stress sa pagbisita ko sa Greece. I’ve been in a lot of pressure and I want to unwind. At sa tingin ko ay ikaw ang pinakatamang tao para makasama after all of what happened. Nare-relax ako kapag kausap ka, Lorabelle,”
“At bakit naman?”
Nagkibit-balikat ito. “Because you have a sharp tongue? You have a tough personality? Or maybe because you have the face that can launch a thousand ships. Tinitignan pa lang kita, nare-relax na ako kahit palagi kang nakakunot noo at mukhang galit sa mundo,”
Umiling siya. “You are unbelievable,”
“Maari nga. But I think its because I’ve been fed up by girls who are like puppies. `Yung mga tipong kahit anong sabihin ko ay sunod lang nang sunod. Ni hindi man lang marunong kumontra. They also loves to pleased me,” he sighed. Mukhang may problemang dinadamdam ito.
Kumunot ang noo ni Lora. “May problema? Tungkol ba ito sa pagpunta mo sa Greece?” kaya siya natambakan ng trabaho ay dahil wala ito noong nakarang linggo para bisitahin ang pamilya sa Greece. Ngayon lang ito muling bumalik sa trabaho. At sa halip na maging relax dahil sa bakasyon ay mukhang na-stress pa lalo ito.
Tumango si Alexandros. “My mom discussed about my engagement with Helene. It stressed me,”
“B-bakit naman? Dapat ay maging masaya ka. She must be a wonderful girl because your Mom had agreed to engaged you with someone like her,”
Ilang buwan na simula nang malaman ni Lora ang existence ni Helene sa buhay ni Alexandros. It was confirmed that she was the girl Alexandros will marry. Pero pagkatapos noon ay hindi na muli nila napag-usapan ang tungkol kay Helene.
“Wonderful girl?” sarkastikong tumawa si Alexandros. “She is the total definition of boring. Palagi lang siyang naka-“oo” sa mga sasabihin ko. Nasaan doon ang wonderful? At napakabata pa niya.”
“Kung ganoon ay bakit mo siya papakasalan?”
Nagkibit-balikat ito. “It was my Mom’s choice,”
“Uso rin pala ang arranged marriage sa Greece?” takang tanong ni Lora.
“Hindi naman. But it seems a must that we should marry a girl that our Mom’s choice. We believe in the saying “Mother’s Knows Best”. Galing sa isang mabuting pamilya si Helene. Sa tingin ni Mommy ay siya ang nararapat para sa akin,”
“At… mahal mo siya?”
Tumawa si Alexandros. “Come on, Lorabelle. Ako, mai-in love? Wala iyon sa bokabularyo ko. I just can’t commend my Mom for choosing Helene. Mukha siyang maayos at mabait. Umaakma siya sa expectation ni Mommy at ng sa akin ng isang mabuting asawa. Pero napaka-plain niya. I don’t even think my life would be enjoying if I am with her,” paliwanag nito. “Anyway, hindi dapat natin pinag-uusapan ito. Matagal pa naman ang kasal at nai-stress lang ako kapag pinag-uusapan iyon. I am here to relax with you. So tell me, how have you been in the office without me?”
Nagkuwento si Lora sa mga nangyari sa kanya sa office. Its not that interesting pero ikinuwento niya pa rin. Hindi niya kasi naggawang ikuwento rito ang lahat ng nangyari kanina dahil na rin sa pagmamadali nito sa isang biglaang meeting. Protocol pa naman nito palagi na kapag umaalis ito ay kailangan niyang ikuwento ang mga nangyari.
“Magsabi ka pa,” pangungulit pa ni Alexandros nang matapos siyang magkuwento.
“Nasabi ko na sa `yo ang lahat,”
“Okay. Kung ganoon ay kuwentuhan mo naman ako sa personal na buhay mo,”
Tumaas na naman ang isang kilay niya. “Its not business,”
“I told you we are out of business. Shouldn’t we talk about your personal life? Kakasabi ko lang ng akin.”
Tumayo si Lora. Hindi siya ma-relax sa ginagawa sa kanya ni Alexandros. Bakit kailangan nitong alamin ang tungkol sa personal na buhay niya? It seems like he was crossing the life between the employee and employer.
Or maybe you’re just thinking too much, Lora? You could be friends…
“Wait, saan ka pupunta?”
“I’m going---“ bago pa man makapagsalita si Lora ay naramdaman niyang may nag-click sa mga paa niya. Noon lang niya napansin na nabali pala ang takong ng sapatos niya. “Oh crap!”
Umupo muli si Lora para tignan ang sapatos. Napansin niyang wala ng pag-asa iyon. Inalis niya ang strap ng nasirang sapatos para alisin iyon sa kanyang paa. Akmang aalisin na niya ang isa pa nang mapansing nakuha na iyon ni Alexandros. Nakalapit na pala ito sa tabi niya. Sinimulan nitong tanggalin ang strap.
“Let me,”
Naramdaman ni Lora ang mga kamay ni Alexandros na lumalandas sa kanyang mga paa. She hated and loved at the same time the feeling of his hands unto her. Attracted talaga si Lora sa boss niya. Dahil kung hindi, kanina pa dapat niya nasipa ito sa kapangahasang ginagawa nito sa kanya. Pero bagkus ay hinayaan lang niya si Alexandros na gawin iyon sa kanya.
Just one touch and Lora tremble uncomfortably. Naramdaman niyang mas malayo pa sa dapat na puntahan lang ng kamay ni Alexandros ang ginawa nito. “Alexandros…”
“Ano?” tumigil ito sa ginagawa at tumayo sa harap niya. Mas lalong nahirapan si Lora nang bigla na lang nitong hapitin ang baywang niya. Alexandros is driving her crazy! Their bodies are almost pressed to each other. Parang nangangatog rin ang mga tuhod niya.
“Ang akala ko ay mag-uusap tayo tungkol sa personal na buhay ko,” sinubukan niya na huwag manginig.
“Oh, yeah. But I think I have changed my mind. I think I only need one thing to know about you…”
Itinaas ni Lora ang tingin niya kahit parang alam na niya ang sasabihin ni Alexandros. Napalunok si Lora nang makita ang malagkit na tingin nito sa kanya. “Ano naman `yun?”
He answered by crushing her lips.
“BAKIT hindi mo sinabi sa akin?” may halong galit ang boses ni Alexandros nang komprontahin siya nito. They just finished their “business in bed”. Iyon ang unang beses ni Lora.. Hindi niya akalaing ang simpleng dinner ay doon ang kahahantungan.
“Someone has to take it,” simpleng sagot lang ni Lora saka tumayo ng kama. Kinuha niya ang mga damit at nagsimulang magbihis.
“Anong ginagawa mo?” reklamo naman agad ni Alexandros. Nabahiran ng galit ang mukha nito. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at pinigilan siya sa ginagawa niya.
“I’m sorry. I know I have disappointed you,” hindi nagpapigil si Lora. Tumayo na siya kahit hindi pa man niya tuluyang natatapos ang pagbubutones ng damit.
“Damn! Alam mong hindi ako galit!” sumigaw na si Alexandros. Hinarang siya nito na hindi inaalintana na nakabalantra sa kanya ang hubad nitong katawan.
Pakiramdam ni Lora ay napakatanga niya. She was the master of order and control and now she acted impulsively just because of too much sensation Alexandros gave to her body. So nasaan na ngayon ang “Do not mixed business and pleasure” motto niyo? She was so stupid. “I resign, Alexandros,”
“Damn it! Hindi puwede, Lorabelle! Especially after what happened!”
“No. After what happened, it is right for me to quit my job. After all, I just broke my rule. I should just be doing business not tempted on this---“ hindi naituloy ni Lora ang sasabihin dahil sa sobrang hiya sa sarili niya. Ngayon lang siya pumalya sa bagay-bagay. At ang nakitang galit sa mukha ni Alexandros pagkatapos nang nangyari ay ang pinakamalaking failure na yata na naramdaman ni Lora.
Dahil wala siyang karanasan, binigo niya si Alexandros. Hindi siya nakasabay sa bawat galaw nito. Bukod sa hindi niya natupad ang palaging sinasabi iyon ang isa sa mga pinagpuputok ngayon ng butse ni Lora.
“You’re not going to resign, Lora. After that amazing experience, hindi ko papayagan iyon. Naiintindihan mo?” determinadong sabi ni Alexandros.
Napakunot noo si Lora. “Amazing?”
“Yes, Lorabelle. It is amazing. And if you’ll give me another chance, I would gladly have the round two. You were incredible. At hindi mo lang alam kung gaano kaimportante sa isang lalaki na siya ang makauna sa babae. Iyon lang ang tanging pinagtataka ko. Bakit binigay mo ang sarili mo sa akin?”
“Its my business,” she strives to sound as though giving him her virginity was no big deal.
Alexandros snapped. “But now you have made it my business. Hindi ko habit na mang-seduce ng mga virgins. Kung sinabi mo lang agad, titigil ako.”
“Tapos na iyon at wala ng halaga. But I apologize that my performance and experience were less than you’d expected,”
“How many times would I tell you that I am not disappointed? Magaling ka. You were amazing, agape mou,”
Nagulat si Lora sa endearment na tinawag sa kanya ni Alexandros. Agape mou is a love endearment in Greece.
“Alexandros…” nangatog na naman si Lora nang maramdaman ang kamay nito sa baywang niya. “Don’t. Aalis na ako sa buhay mo ngayon. I will resign,”
Hindi pa rin dahilan ang mga sinabi ni Alexandros para hindi ipagpatuloy ni Lora ang pagre-resign. Hindi niya kayang ipagpatuloy pa na maging empleyado ni Alexandros pagkatapos nang nangyari. Sinira niya ang patakaran. Nagpadala siya sa pang-aakit nito. Pumayag siya na maikama nito. She responded to his kiss, to his thrust, to his everything. Alam niyang lubos na makakaapekto iyon sa trabaho niya. Hindi niya gusto iyon.
“Fine. Tatanggapin ko ang resignation letter sa isang kondisyon,” pag-sang-ayon na ni Alexandros.
“Ano `yun?”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Be my mistress,”