Belle Trilogy Chapter 11

THIS is crazy.

Kanina pa paulit-ulit na pumapasok iyon sa isip ni Lora pero hindi niya maggawang pigilan ang sarili niya. Pakiramdam niya ay mamatay siya kapag pinigilan niya si Alexandros sa ginagawa nito sa kanya. Pagkatapos siya nitong pakainin sa restaurant ay idiniretso siya nito sa hotel na tinutuluyan nito. Hindi siya makatanggi sa mga gusto nito. Everytime Alexandros kissed her, she was burned. He was like a fire that burns in her veins. Isang lagnat na hindi siya makaalis. He always had the power to control her whenever he touched her.

“Alexandros…” Lora murmured as he kissed her neck. Deeply, madly and passionate.

Tumigil ito. “Ne?”

“I-its---“ hindi naituloy ni Lora ang sasabihin nang lalo pang laliman ni Alexandros ang paghalik sa kanya. Para siyang nawawala. Nangangatog ang tuhod niya, nanginginig ang buong katawan niya.

Hindi na pinatagal ni Alexandros ang mga sandali. Tinanggal nito ang mga damit niya. Hindi na rin siya nito pinagbigyan ng pagkakataon na gawin rin dito ang pagtatanggal. Inihiga siya nito sa kama. Lora was unable to stop the helpless tremble of her body as she kissed him more on the other parts of her body. She was driving her mad and crazy.

He let out a groan as he thrust into her. She gasped for breath but Alexandros catch her lips to kiss her as he moved inside her body.

“Its been too long since I have felt your exquisite body in my arms. But Theos! You still feel amazing as ever…”

“At ikaw rin,” wala ng naggawa si Lora kundi ang umayon sa sinabi nito. Totoo ang lahat ng iyon. Para siyang matutunaw kapag hinahawakan siya nito, lalo na kapag nasa loob niya ito. Hindi siya makatanggi sa mga hawak at halik nito. Nagiging alipin siya ni Alexandros.

Alam niyang mali ang lahat. Pero para siyang nawawala sa sarili niya kapag hinahawakan siya ni Alexandros. Dapat ay nagmu-move-on na siya. Hindi dapat siya pumapayag sa ginagawa nito sa kanya. Binibigyan lang niya ng rason si Alexandros para makuha siya. Hindi siya tanga para pumayag sa kagustuhan nitong magpakasal sila dahil lang magkakaanak sila. They can work something out of this. There are plenty of civilized ways of going through this situation. And most women do it all the time. Hindi sagot ang pagpapakasal sa sitwasyon nila ngayon ni Alexandros.

Hindi nila mahal ang isa’t isa. They only have lust for each other.

At ikakasal na ito…

Sa isiping iyon ay napamulat si Lora. Sinalubong niya ang maapoy na mata ni Alexandros na hindi pa rin tinitigilan ang paglalaro sa katawan niya. Parang gusto niyang umiyak sa isiping papakawalan na niya ito kahit na ba may isa pang bagay ang magpapalapit pa sa kanila. She had been branded as a mistress and it doesn’t do her any good. Not at least to most of the people she knew. Kung ipagpapatuloy niya pa ang lahat ay mas lalo lang siyang sasama sa iba. Makakasakit. Kailangan na niyang itigil ang lahat.

Itinulak niya si Alexandros palayo sa kanya.

“Theos, Lorabelle! Anong problema?” halatang nagalit ito sa ginawa niya. Bumangon siya ng kama at umupo. Hinilamos niya ang palad sa mukha. Hindi niya sinagot si Alexandros. Naramdaman niyang umupo rin ito sa tabi niya.

“Nasasaktan ba kita?”

Sa nalulunod na puso ni Lora ay narinig niya ang concern sa boses ni Alexandros. Napansin niyang simula kahapon pa ay nagiging mahinahon at magiliw ito sa kanya. It was not his common trait. Kung hindi ito malandi o arogante, madalas ay galit ito. Pero ngayon ay may pinapakitang kakaibang ugali ito sa kanya. Dahil ba iyon sa bata?

Bakit palaging bata na lang ang dahilan? Hindi maiwasang maasar ni Lora. Hindi ba puwedeng siya lang ang dahilan kung bakit nagbabago si Alexandros? At hindi ba puwedeng kailangan nilang magpakasal hindi dahil sa bata kung hindi dahil mahal siya ni Alexandros?

“Hindi mo ako nasasaktan. Hindi lang natin puwedeng ipagpatuloy ang lahat ng ito,”

“At bakit? We enjoyed each other,”

“Alam ko. Pero kapag pinatagal pa natin ito, mas lalo lang tayong hindi makakaalis sa isa’t isa. Hindi ako papayag na hindi mangyari iyon. Hindi tayo puwedeng magpakasal,”

Tumiim ang bagang ni Alexandros. “Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Kapag sinabi ko na magpapakasal tayo, magpapakasal tayo! Alam mo na hindi ako isang lalaki na lumalayo na lang mula sa responsibilidad.”

“And you think that offering me marriage will make it better? Sabihin mo nga sa akin, how would that supposed to work?”

“We will make it work. Kailangan natin. There is a baby and we owe it to the baby!” marring sabi nito.

“If it weren’t for the baby, would you still marry me?” ang tanong na iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Lora. Pero hindi niya maggawang isantinig dahil alam niyang masasaktan lang lalo siya. Hindi dapat siya nag-aambisyon na papakasalan siya ni Alexandros dahil mahal siya nito. Wala iyon sa bokabularyo nito.

Naglihis ng tingin si Lora. “Pero magpapakasal ka na. Uso ba sa Greece ang dalawang asawa? Papayag ba ang Mommy mo na papakasalan mo rin ako? Papayag ba si Helene na dalawa kami sa buhay mo?”

Nanlaki ang mga mata ni Alexandros. “Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, Lorabelle? Na kaya kong gawin `yun sa `yo?”

“You have already made it. You make me your mistress while you are engaged to somebody else!” pagpapaalala niya rito.

“Fine. Pero hindi ko kayang gawin na pakasalan kita at may papakasalan rin akong iba. I may don’t have respect for Helene but I have respect for you. And no, hindi iyon uso sa Greece,” paliwanag naman nito. “Wala ng kasalanang magaganap sa pagitan namin ni Helene,”

Nagulat si Lora. Kumunot ang noo. “A-at bakit? Dahil ba sa akin?”

Umiling ito. “It’s a long story and I don’t think its important for me to tell it to you. Basta ang gusto ko ay kailangang ikaw ang pumalit sa puwesto niya. You will be my bride no matter what,”

Hindi pa rin nakontento si Lora. Eh ano naman kung hindi na tuloy ang kasal? Hindi pa rin dapat sila magpakasal dahil lang sa bata. Hindi iyon option para magpakasal. Ilang beses na niya iyong naririnig kapag nakaka-attend siya ng kasalan na misa na tila binibigyang sermon pa ng mga pari ang mag-asawa kapag nagho-homily ito.

“No. Hindi pa rin ako papayag,” hindi pa rin sumang-ayon si Lora. “Listen, Alexandros. This is not some boardroom battle you’ve just had to win. Its about a lifetime commitment. Hindi natin mahal ang isa’t isa. Walang something special sa atin. We can’t be married!”

“Are you sure about that, agape mou? We don’t have something special towards each other?” inumpisahang paglandasin ni Alexandros ang kamay nito sa katawan niya. “Don’t you burn when I touch you? Don’t you melt when I hold you? Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para magpakasal tayong dalawa?”

Napapikit si Lora. Was it logical to marry a man who had never offered anything to her but being the father of her child and tremendous sex?

HINDI lubos akalain ni Lora na mapapangiti siya habang nagsusulat sa diary niya. Matagal na niyang ginagamit ang diary na iyon pero kapag may mga mahalaga lang na nangyayari sa buhay niya siya nagkakaroon ng oras para sulatan iyon. At dahil sa tingin niya ay isa sa mga mahalagang pangyayari ng buhay niya ang nangyari ngayong araw ay naisipan niyang mag-entry. Hindi niya alam kung bakit siya napapangiti. Hindi ba dapat ay mainis pa siya? Pero sa halip ay may excitement na naramdaman si Lora habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw.

Matagal na nakatitig siya sa diary habang sinasariwa ang mga nangyari. Bukod sa mga importanteng pangyayari ay naglalagay rin si Lora ng mga “to-do-list” sa diary niya. Nang maalala iyon ay pumunta siya sa pahina kung nasaan ang mga isinulat. Napapataas ang kilay ni Lora nang mabasang parang ang romantic yata ng mga isinulat niya sa “to-do-list” niya kapag nagkaroon na siya ng boyfriend. Naalala niyang isinulat niya iyon noong college pa lamang siya. Bakit niya naisulat iyon? Marami ba siyang napanood na romantic movie noon kaya ganoon na lang siya ka-cheesy?

Napailing-iling na lang si Lora at isinara ang diary. Hindi dapat niya isinulat ang mga iyon dahil siguradong kapag may nakabasa ng diary niya ay pagtatawanan siya ng mga ito. No one should know that she could be romantic as she was branded to be Miss Emotionless. Pero masyado lang siguro siyang nangangailangan ng pag-ibig at pangangalaga ng mga oras na isinulat niya ang entry. Noon kasi ay nilulon niya ang mga free time niya sa panonood ng romantic movies o `di kaya pagbabasa ng fiction books para maaliw naman siya. Wala kasi siyang masasabing kaibigan niya noon o kahit ngayon man. Paminsan-minsan ay ginagawa rin niya ang mga iyon pero kapag mag-isa lang siya. Makakasama sa image niya kapag may nakaalam na mahilig pala siya roon.

Nasa ganoong itsura si Lora nang naramdaman niyang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Mabilis na itinago niya ang diary sa ilalim ng unan ng kama niya. Umayos siya ng upo. Ang Daddy niya ang pumasok sa kuwarto. Umupo ito sa kama katabi niya.

“Mabuti naman at pumayag ka ng magpakasal kay Alexandros,” panimula nito. Ngayon ay hindi na ito galit.

“I don’t have a choice,” simpleng sagot lang ni Lora rito.

Alexandros never give up. Ginawa nito ang lahat para makuha ang pag-sang-ayon niya sa kasal na inaalok nito. Matigas ang ulo ni Lora pero hindi nagpatalo si Alexandros sa kanya. He was determined to get her.

“I will never give up what is rightfully mine,” naalala pa niyang determinadong wika nito sa hotel room sa kabila ng pagtanggi niya. Kahit anong gawin niyang pagre-resist rito, kapag hinahawakan siya nito ay nagbabago ang pananaw niya. Eh ano naman kung hindi siya mahal nito? Sabi nga nito ay may espesyal sa kanilang dalawa dahil pareho silang hindi nagsasawa sa parehong katawan. They have chemistry. And the feeling he was giving her seems enough…maybe.

Isama pang naisip rin niya ang tungkol sa kanyang anak. Paano kapag lumaki na ito at tanungin sa kanya ang tungkol sa ama nito? Paano niya ipapaliwanag rito na hindi sila kasal ng ama nito at siya ang may gawa noon? Hindi lang dapat ang sarili niya ang iniisip niya. Kailangan rin niyang isipin ang mga taong maaring masaktan sa maaring maging desisyon niya.

At sa tingin ni Lora ay sapat ng paliwanag iyon para pakasalan niya si Alexandros. Ang hindi nga lang niya mabigyan ng paliwanag ay ang excitement na nararamdaman niya sa isiping ikakasal na sila. Alam niyang hindi iyon dahil sa kayang ibigay sa kanya ni Alexandros dahil mayaman ito. Hindi niya habol iyon dahil hindi siya maluho at kayang-kaya rin niyang magkaroon ng mga bagay na gusto niya sa sariling sikap at talino niya. Sinasabi rin niya palagi sa sarili niya na wala siyang nararamdaman kay Alexandros. Na walang espesyal sa kanilang dalawa. Kaya ano ba itong kalokohang masaya siya na ikakasal na sila? Na magiging sa kanya na lang si Alexandros? Na wala ng Helene pa siyang kaagaw sa buhay nito? Hindi niya maintindihan ang sarili niya.

“Sa wakas ay naintindihan mo rin iyon, Anak. Hindi ako papayag na magkaroon ng anak na disgrasyada lat apo na bastardo,” seryoso pang sabi nito.

Umiling-iling si Lora. “Does it really disappoint you the thought that I’m almost became a single mother?”

“Kapag naging magulang ka na ay maiintindihan mo rin ako. Sino ba ang mga magulang na gugustuhin na magkaroon ng disgrasyadang anak? Pinalaki ko kayo nang maayos ng mga kapatid mo at ganoon lang ang isusukli mo sa akin? Siyempre ay masasaktan ako sa una. Hindi mo ako masisisi para roon,”

“Pero ngayon ko lang kayo binigyan ng problema. Ngayon lang ako bumagsak, ngayon lang ako pumalya. Nang bumagsak si Ate Clari sa board exam niya ay hindi kayo nagalit o nasaktan man lang sa nangyari. Kapag nagkakasakit si Mira at kulang na lang ay ubusin niya ang mga naipon niyo kapag naoospital siya, hindi man lang kayo nagagalit. Pero ngayong ako ang nagkamali, ganito agad ang isinukli niyo sa akin,” hindi na nakaya pa ni Lora na itago ang nararamdaman niya. She had kept it for years.

Kumunot ang noo ng kanyang ama. “Anong ibig mong sabihin, Lora? Nagtatampo ka ba sa ginagawa naming pagtrato sa inyong magkakapatid?”

Magsasalita na muli sana si Lora nang biglang humahangos na pumasok ang kanyang Mommy sa kuwarto. Hawak-hawak nito ang cellphone at tila may masamang nangyari.

“Nawawala si Mira! Hindi namin ma-contact ang cellphone niya at ganoon rin ang mga kaibigan niya rito!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.