Belle Trilogy Chapter 12

HINDI man sabihin ni Lorabelle ay ramdam ni Alexandros na may dinadamdam ito. Kanina pa siya hindi iniimikan nito o kahit sinuman na nagsasalita rito. Tanging ngiti, tango o iling lang ang sinasagot nito kapag may nagtatanong rito. Kahit ang kapatid nitong si Clari ay ganoon lang ang trato nito. Masama ang loob nito pero malinaw kay Alexandros na hindi siya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang ngayon ay asawa na niyang si Lorabelle.

Ngayon ang araw ng kasal nila at hindi nakarating ang mga magulang nito sa maikling seremonyas. Nagpunta kasi sa Davao ang mga ito upang hanapin ang nakababatang kapatid ni Lorabelle na si Mira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang mga ito para kahit papaano man lang ay maka-attend sa kasal ng anak ng mga ito. Pilit man na tinatago at tinatanggi ni Lorabelle na okay lang rito na wala ang mga magulang, ramdam niya na sa loob-loob nito ay malungkot ito.

“Sigurado ba kayo na magiging maayos kayong dalawa?” paninigurado ng nakatatandang kapatid ni Lorabelle na si Clari. Tanging ito at ang nobyo nitong si Eugene ang um-attend ng kasal nila mula sa pamilya nito. Ang dalawa rin ang tumayong witness nila. Pagkatapos ng kasal nila sa municipal hall kung saan nakatira ang mga ito ay nagkaroon sila ng kaunting salo-salo sa isang prestigious restaurant kung saan nasa taas lang ang hotel room niya. Doon na nila ginanap ang reception.

“Don’t worry. Ako na ang bahala sa kanya. She is my wife now and as his husband, I am responsible for her welfare,” pangako naman ni Alexandros kay Clari. Ramdam niyang nag-aalala rin ito sa kapatid. Ilang beses na nitong tinangkang kausapin ang kapatid tungkol sa sitwasyon pero tinatanggi ni Lorabelle ang nararamdaman anumang pilit nito.

Bumuntong-hininga si Clari. “Please take care of her, Alexandros. She is still my little sister despite of everything…”

“I will,” pangako niya rito. Maya-maya pa ay niyakag na ito ni Eugene na umalis. Niyaya niya si Lorabelle na tumuloy na sa hotel room niya. Pumayag naman agad ito. She seems tired though. Ang unang ginawa agad nito pagkapasok roon ay humiga sa kama niya na tila iniiwasan siya. Patalikod na humiga ito sa kanya.

Tinanggal muna ni Alexandros ang sapatos pagkatapos ay dinaluhan ito sa kama. Binato siya nito ng unan. “Not now, Alexandros. P-pagod ako,”

Hinawakan niya ang buhok nito. “Naiintindihan ko. But I need to know what your problem is,”

“Bakit ba ang kulit niyo? Sinabi ng wala akong problema. I’m not mad with my parents for choosing Mira over our wedding…” naramdaman niyang huminga ito nang malalim. “W-who wouldn’t be?”

Umiling-iling si Alexandros. Sa huling sinabi nito ay parang inamin na rin nito ang totoo. “Asawa mo na ako ngayon. You can tell me everything, Agape mou,”

Nagulat si Alexandros nang bigla na lang humarap sa kanya si Lorabelle. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Naramdaman niyang nabasa agad ang damit niya sa ginawa nito. Theos, she was crying! His cold heart melted in the sight of it.

Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Lorabelle ay ngayon niya lang nakitang umiyak ito. She never made him taste even a small size of her weaknesses. Matapang ito. Hindi nagpapatalo. Pero ngayon ay umiiyak ito sa dibdib niya.

“I’m sorry, Alexandros. Ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa mga magulang ko para sa `yo. Nadamay ka pa sa maling pagtatrato nila sa akin. Palagi na lang nila akong tinatrato na para bang ako ang pinakamasamang anak. Na wala akong kuwenta para hindi man lang nila pahalagahan.

“Oo, naiintindihan ko na nawawala si Mira. Na buhay ang kapalit nang pagpalit nila sa pag-attend ng kasal ko. Pero ilang araw na ba silang naghahanap? Bakit hindi man lang nila tayo napagbigyan na puntahan? Alam naman nila ang sitwasyon mo. Alam nila na kailangang-kailangan na nating bumalik sa New York kaya hindi na natin puwede pang i-postpone ang kasal. Na-set na rin iyon sa munisipyo. Pero hindi man lang nila iyon igawang i-consider.

“Naiintindihan ko rin na sakitin si Mira kaya mas kinakabahan sila sa maaring mangyari. Pero malaki na si Mira. Kaya na niya ang sarili niya. Maano ba ang isang araw o ilang oras man lang na itigil nila ang paghahanap? At alam na rin ng mga pulis ang tungkol sa nangyari. Kung tutuusin ay puwede namang ipaubaya na lang nila muna sa mga ito ang paghahanap. Today should be our special day. Dapat ay nandito sila,” nagpatuloy ito sa pag-iyak.

Nakaramdam si Alexandros na kailangan niyang yakapin ito. He comforted him. “Its okay. Ang mahalaga sa akin ay ang maikasal tayong dalawa. Ako rin naman, wala rito ang mga magulang ko pero naiintindihan mo kung bakit. Naiintindihan ko rin kung bakit. Ang pinagtataka ko lang ay---“

“It’s a different case, Alexandros. My parents do not care for me the way they care for my sisters…”

Lalong nagulat si Alexandros sa nalaman. All these years ay ngayon lang niya nalaman na may issue pala si Lorabelle sa pamilya nito. Bakit sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ay ngayon lang niya nalaman iyon?

Its because you only bothered to have sex or business with her. Not to get to know her, sigaw ng malaking bahagi ng isip niya.

Was he really an asshole not to even ask Lorabelle about her family? Pero hindi niya kailanman ginawa na magtanong ng malalalim na bagay sa mga naging nobya o ka-fling niya. Kahit ang supposed-to-be na papakasalan niyang si Helene ay kaunting pagsusubok lang ang ginawa niya. Ngayon nga ay hindi siya sanay mag-comfort ng isang babae. Naasar rin siya kapag nakakita siya ng umiiyak. Naiirita. Pero ang kay Lora… para rin siyang nasasaktan. Bakit ganoon?

Masasabi niyang isa rin sa mga problema ay hindi nagkukuwento si Lora. Pinakasalan niya ito pero kakaunti lang ang alam niya tungkol rito. Siguro nga ay tanga siya. Tanga siya sa pagha-handle sa mga relasyon. Wala siyang kaalam-alam dahil puro laro lang siya. Iyon siguro ang dahilan ni Lorabelle kung bakit ayaw nitong pakasalan siya. They only have chemistry and they can’t get over with each others body but they really don’t know each other. Ni hindi nila masabi sa sarili na magkaibigan sila.

“Kinausap mo na ba sila?” tanong niya rito. Minsan ay iyon rin ang hirap kay Lorabelle. Hindi ito nagsasabi ng nararamdaman nito.

“There’s no use. Nang minsang sabihin ko ay hindi rin nila ako binigyan ng chance,”

“D-do you want me to talk to them?” gusto niyang mapalunok sa sinabi niya. Bakit ba niya sinasabi iyon? Siya, gagawa ng isang bagay para sa ikagiginhawa ng isang babae? Tanging ang ina lang niya ang ginagawan niya nang ganoon. At dahil nasasakal na siya sa ganoon, he never tried to the others. Kay Lora lang. Tama bang isipin niya na ginagawa niya iyon dahil asawa na niya ito o dahil parang ngayon lang niya napapagtanto na may pakialam rin pala siya rito?

Doon tumigil si Lorabelle sa pagsubsob sa dibdib niya. Tumingin ito sa kanya. “What? No way! You wouldn’t dare!”

Kumunot ang noo niya. “At bakit?”

“Because as I said, there is no use! Sinubukan ko na silang kausapin pero napunta lang iyon sa wala,”

“You could take a chance again. Wala namang masama sa pagsubol.”

Umiling ito. “I’m tired of everything about them…” huminga ito nang malalim. “I’m sorry. I shouldn’t be telling these things to you. Mag-asawa man tayo pero hindi pa rin dahilan iyon para mag-open up ako sa `yo. We just married because of the baby. Its just that things are just so hard to bear for a moment. I’m really sorry,” tumalikod na muli ito sa kanya.

Hindi naman nagpapigil sa pag-iinarte ni Lorabelle si Alexandros. Niyakap niya ito mula sa likod nito. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya at pumalag pa. Pero hindi nagpadala si Alexandros sa katigasan ng ulo ni Lorabelle. Niyakap niya ito nang mas mariin pa para hindi na ito makapagprotesta pa.

Sandaling hindi nakagalaw si Lorabelle dahil sa ginawa niya at ganoon rin ang naramdaman ni Alexandros. Parang may kung anong sumuntok sa tiyan niya dahil nakaramdam siya ng saya sa pagyakap rito. His heartbeat seems to race, too. Niyakap lang niya si Lorabelle pero ganoon na agad ang naramdaman niya. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam. It seems like a priceless feeling. Ngayon lang ba talaga niya naramdaman iyon? O sadyang hindi lang niya binibigyang pansin ang nararamdaman kay Lorabelle dahil alam niyang wala rin namang kahihinatnan noon ang magiging relasyon nila?

But now she was his wife. Puwede na niyang aminin ang lahat ng mga sikreto niya rito. Puwede na niyang i-open ang puso niya para rito. It does seem right, though. Pero ganoon rin ba ang nararamdaman nito? Hindi ba’t sa kanilang dalawa ay parang mas ito pa ang napilitan na magpakasal?

Take it one step at a time then, Alexandros…

“Hindi man natin ginusto pareho ang kasal na ito pero kinailangan natin dahil sa pareho nating responsibilidad sa magiging anak natin. Sa tingin ko ay mas mabuting i-work out natin ito hindi lang para sa bata kundi pati na rin sa sarili natin. I think our companiable relationship, based on mutual respect and trust, is the greatest gift we can give to our child. We can be friends as well as lovers. What do you think, agape mou?”

Sa kabila ng sinabi, parang gusto niyang mapangiwi. Friends? It doesn’t sound right…

“THIS is not New York,” nakakunot noong wika ni Lora kay Alexandros nang mapansin na hindi airport sa New York ang pinag-landing-an ng private airplane nito. Isang araw pagkatapos ng kasal nila ay lumipad na sila paalis ng Pilipinas. Dahil mahigit isang buwan ng absent si Alexandros sa trabaho nito sa New York ay kailangan na nitong bumalik roon sa lalong madaling panahon. At bilang ngayon ay asawa na nito, kailangang kasama rin siya nito upang suportahan at alagaan ito. Kaya lang ay malaki ang hinala ni Lora na mukhang sinadya nito na hindi muna sila umuwi ng New York.

“Alam ko. Bago tayo magpunta sa New York, gusto muna kitang ipakilala sa mga magulang ko bilang asawa ko. So welcome to my home country, agape mou,”

Nanlamig si Lora sa nalaman. “Alexandros, you don’t mean---“

“I mean it. Gusto kitang ipakilala sa magulang ko. Hindi ba’t iyon ang nararapat na gawin ko? Asawa na kita ngayon, Lorabelle. Kailangan mo rin makilala ang pamilya ko,” hinawakan nito ang mga kamay niya. “Wait, natatakot ka ba? Parang nanlalamig ka,”

Naglihis ng tingin si Lora. “H-hindi ako takot,” pilit na pinatatag niya ang boses. Ayaw niyang magpakita na naman ng kahinaan kay Alexandros. Nakakahiya na ang ginawa niya rito pagkatapos ng kasal nila.

Sobrang nasaktan siya sa ginawa ng mga magulang niya at nang dahil doon ay hindi niya na napigilan pa na mag-open-up kay Alexandros. Iyon ang unang beses na nag-open up siya sa isang tao. Madalas ay sa diary niya lang nilalagay ang mga sama ng loob. Pero masyadong masakit ang nangyari kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya. Hindi na rin niya naisip noon na nakakahiya ang ginawa niya. Kaya ngayong nasa tama na muli siyang pag-iisip ay hindi niya muli gagawin ang pagkakamali. Hindi niya ipapahalata sa asawa na natatakot nga siya.

One thing she has learned about Greek men is that they suffer a syndrome of being a Mama’s boy. Hindi man niya ganoong kakilala si Alexandros ay ramdam niyang kagaya rin ito ng mga karamihan. Hindi naman ito papayag na i-arrange marriage ng Mommy nito sa iba kung hindi ito Mama’s boy. Palagi nitong sinusunod ang gusto ng Mama nito. Alam niyang kapag tumawag ang ina ay kailangan nitong sagutin iyon. Natatakot siya sa isiping mukhang makikipagtunggali siya sa Mommy nito. Isama pang nase-sense niya na hindi siya magugustuhan ng magulang nito dahil malayo siya sa isang babaeng kagaya ni Helene. Hindi rin siya pinili nito. Greek culture could be conversative, too. Paano kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit siya pinakasalan nito?

“Nararamdaman ko. `Wag mo ng itanggi sa akin `yun. We are friends now, right? Puwede nating sabihin sa isa’t isa ang nararamdaman natin,”

Sandaling hindi nakapagsalita si Lora. Friends. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa salitang iyon dahil wala naman talaga siyang masasabing naging kaibigan niya sa buong buhay niya. Kaya ba niyang panindigan iyon kay Alexandros kung hindi niya alam ang feeling at kailangang gawin ng isang kaibigan?

Ang kailangan lang naman niya ay mag-open-up siya rito at suportahan si Alexandros. Ganoon rin ito sa kanya. Kaya niyang suportahan ito pero hindi niya sigurado kung kaya niyang mag-open up rito…lalo na nang mga kahinaan niya. Kilala siya nito bilang matapang na babae. Hinangaan siya nito nang dahil roon. Maatim ba niyang mawala kahit ang paghangang iyon ni Alexandros sa kanya kapag pinakitaan niya ito ng mga kahinaan niya?

Pero si Alexandros mismo ang nagsuhestiyon noon. Tama naman ito sa gusto nito. Kasal na sila at kahit walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa, ang tanging bagay na puwedeng magpa-work-out sa relasyon nila bukod sa sex ay maging magkaibigan sila. Kailangan nilang gawin iyon hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa magiging anak nila.

Huminga nang malalim si Lora bago nagsalita. “Fine. Kinakabahan ako na makaharap ang Mommy mo. I don’t think she’ll approve of me,”

Tumaas ang isang kilay nito. “At bakit mo naman naisip iyon?”

“Hindi ako kaggaya ng mga sinabi mo sa akin tungkol kay Helene. She doesn’t even know me. I’m not tamed and I am also not a Greek,”

Naramdaman ni Lora na tila natigilan si Alexandros sa sinabi niya. Noon lang ba nito napagtanto ang mga puwedeng consequences ng actions nito? Pero agad rin na nakabawi ito. Hinawakan nito ang kamay niya. “`Wag kang mag-alala. Kahit anong mangyari ay nandito lang naman ako sa tabi mo. You won’t be harmed as long as I am here,” niyakap pa siya nito.

Nakaramdam ng kaginhawaan si Lora sa ginawa nito. Dagling nawala ang mga takot niya dahil parang kagaya ng mga nasa fairy tales ay pinangakuan lang naman siya ng Knight in Shining Armor niya na protektahan siya. It feels so right, so good. Nagkamali siya nang sabihin niya sa sarili na walang sapat na dahilan para magpakasal sila ni Alexandros. Dahil mayroon naman talaga at iyon ay ang makaramdam siya ng saya…at pagmamahal. Hindi man pagmamahal para sa isang babae, pero kahit pagmamahal lang galing sa isang kaibigan.

Na-relax si Lora sa pangako ni Alexandros. Matiwasay silang nagtungo sa bahay ng mga ito. Kahit alam ni Lora na isa sa mga pinakamayamang pamilya sina Alexandros sa Greece ay hindi niya pa rin maiwasang humanga sa laki at ganda ng bahay ng mga ito. Ino-occupy ng bahay ng mga ito ang isang malaking block sa loob ng exclusive subdivision na pinuntahan nila. Pagdating roon ay sinalubong rin sila ng babae na sa tantiya niya mayordoma ng bahay.

“Kalimera Kupie Alexandros,” pagbati ng mayordoma.

Kinausap ni Alexandros sa lenggwaheng ginamit rin ng mayordoma ang babae. Wari niya ay may itinanong ito sa mayordoma. Sinagot naman agad ang babae at itinuro pa ang bandang kaliwa ng bahay. Tumango si Alexandros rito.

“Efkharisto Iris,” sagot naman ni Alexandros. Pagkatapos ay inakay siya ni Alexandros papunta sa garden ng bahay. Doon ay natagpuan nila ang isang babae na may kausap sa telepono at lalaking nakaupo sa wheel chair habang kumakain. Napatigil sa pagkain ang matandang lalaki at napatingin sa kanilang dalawa. Sa tantiya niya ay ito ang ama ni Alexandros. Naalala niyang minsan ay naikuwento ni Alexandros na na-stroke ang ama nito dahilan para maparalisa ang kalahating katawan nito. Hindi na ito naka-recover. Nang dahil roon kaya ito naggamit rin ng wheel chair. Hirap raw kasi itong maglakad.

“Dad,” bati ni Alexandros sa matanda. Tama nga si Lora ng hinala. Isinama siya nito sa paglapit rito. Binigyan si Lora nang matandang lalaki ng tingin na mula ulo hanggang paa.

Sa tuwina ay na-o-offend si Lora kapag tinitignan siya nang ganoon. Pero kakatawang sa pagkakataon na iyon ay wala siyang nararamdamang ganoon.

Ngumiti ang lalaki sa kanilang dalawa. “I’m glad you are back, son. And you brought a girl with you, huh? She is beautiful,”

“Pragmati. And she is my wife,” proud pang wika ni Alexandros.

“Ne? Singariteeria!” hindi maintindihan ni Lora ang sinabi ng matanda pero base sa reaksyon nito ay mukhang masaya ito. Nakaramdam ng kasiyahan roon si Lora. Pero dagli rin nawala ang naramdaman niyang iyon nang may narinig silang bumagsak malapit sa kanila. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya ang gulat na gulat na anyo ng babaeng kanina ay may kausap sa cellphone nito. Ang naibagsak nito ay ang cellphone rin na hawak nito.

“What did you say, Alexandros? She is your---“ hindi naituloy ng babae ang sasabihin sa pagkagitla.

Napahigpit ang hawak ni Lora kay Alexandros. He possessively wrapped his arms around her waist. “Yes, Mom. She is my wife. And I don’t want you to object that I have married her.”

“Theos! This couldn’t be happening! After the scandal with your supposed to be marriage with Helene and this one came?” horror came to her face. “I can’t accept it!”

“She is here now and you can’t do anything about it,” mariing sabi ni Alexandros matigas na tono. “Anyway, I just want you to know about her and the fact that we are going to have a baby soon,”

“Na pari i eychi! You married a girl that not of my choice? And she doesn’t even look like a Greek! From what the hell country did you got this woman?” tinignan siya ng babae. “S-she looks Asian,”

“She is an Asian,” simpleng sagot lang ni Alexandros. “And a Filipina, particularly,”

Lalong nanlaki ang mata ng ginang. At sa gulat nilang tatlo ay bigla na lang itong pinanawan ng malay sa kanilang harap.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.