“MAGIGING maayos ba siya?” tanong agad ni Lora kay Alexandros nang sa wakas ay pumasok na ito sa kuwarto. Pagkatapos nang nangyari sa Mommy nito ay pinagpahinga muna siya nito sa kuwarto nito at ito na raw muna ang bahala sa Mommy nito. Doon na rin siya nito pinahatiran ng pagkain para sa hapunan. Gustuhin man niyang magtanong ng mga detalye rito tungkol sa dahilan kung bakit biglang ganoon na lang kalala ang nangyari ay hindi na niya naggawa dahil na rin sa pagmamadali nito.
Bihirang mag-alala si Lora pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasan. Natakot siya sa maaring mangyari sa ina ni Alexandros na basta na lang bumulagta sa harapan nila sa sobrang gulat. It seems exaggerated but she really fainted in front of them. At ramdam niya na siya ang pinakarason kung bakit nangyari iyon dahil tungkol lang naman sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Lumapit si Alexandros sa kama at hinawakan ang pisngi niya. “Huwag kang mag-alala. Magiging maayos siya. Masyado lang siyang nagulat kaya siya nagkaganoon.”
“She doesn’t approve of me,” it was not a question but a statement. Huminga nang malalim si Lora. Naglihis rin siya ng tingin kay Alexandros.
“Hey, don’t think too much of it. Hindi naman siya ang pinakasalan mo kaya hindi mo siya kailangang i-please,”
“Pero dahil asawa kita, magiging pamilya ko rin siya,” hindi alam ni Lora kung saan nangangaling ang mga sinasabi niya. She is becoming open to Alexandros. Ganoon ba talaga ang epekto ng namimilit na kaibigan? Napapa-open up nga siya sa mga isipin niya.
Hinagod ni Alexandros ang buhok nito. “Well, `yun lang. Pero sa una lang siguro `yun. Mom could be so exaggerated most of the times. Matatanggap ka rin noon kapag nagkataon. Lalo na siguro kapag lumabas na ang baby natin,” sa sinabi nitong iyon ay mas lalo itong lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang pipis pang tiyan niya. “Speaking of the baby, how are you feeling? Hindi ka ba napagod sa biyahe? May nararamdaman ka bang kakaiba?”
Concern was all over Alexandros voice. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lora na maririnig at makakaramdam siya nang ganoon kay Alexandros. He was known to be arrogant, cruel and rude. Pero kapag napapag-usapan ang anak nila ay nagiging mahinahon ito. Tama talaga ang desisyon niya na pakasalan ito. Alexandros would be a great father.
Ngumiti si Lora. “We are fine,” hinawakan rin niya ang pipis na kamay niya. Hinuli naman nito ang kamay niya. Iyon ang sinunod nitong hawakan at paglaruan. Pagkatapos noon ay niyakap naman siya nito at inumpisahang halikan. Napaungol si Lora nang halikan siya nito sa leeg habang yakap-yakap.
“I missed this,” bulong ni Alexandros sa tainga niya. Nakiliti si Lora sa ginagawa nito lalo na at dumadampi rin ang mumunting stubbles nito sa balat niya. And she couldn’t help but agree with what he is saying, too. Ganoon rin ang nararamdaman niya. God, ilang araw na silang hindi nagiging intimate sa isa’t isa.
Lora missed his hugs, kisses and most especially, his touch that gave him a thousand of tremendous sensations. She gets thrilled with his touch. Lalo na nang unti-unting ibinaba nito ang blouse na suot niya.
“Oh…” Lora breathed as Alexandros bewitched her again. Nang suklian niya ang halik nito ay ito naman ang napaungol pero hindi iyon naging dahilan para tumigil ito sa pag-e-explore sa katawan niya. Parang sandali lang ay hinuhubad nito ang damit niya at ngayon naman ay naglalaro na iyon sa dibdib niya. Then he stripped more of his dress, kissing more parts of her body. Pakiramdam ni Lora ay mababaliw na siya sa sensasyong binibigay sa kanya ni Alexandros.
Kung mayroon sigurong kahinaan na gustong ipakita si Lora sa asawa, iyon ay ang kahinaan niya pagdating rito sa kama. She can’t control it when she touched him.
“`Wag kang gagalaw,” maya-maya ay wika ni Alexandros. “I need to get rid of these damned clothes,”
“H-hindi naman ako aalis,”
“Good,” then Alexandros started to unbuttoned his shirt with fingers.
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Lora habang pinapanood niya si Alexandros sa ginagawa. Then he jumped off in bed and began to start their unfinished business.
Kagaya ng dati ay maihahalintulad niya ang lovemaking nila ni Alexandros sa fireworks sa bagong taon. It was explosive and simply amazing.
“Hinding-hindi yata ako magsasawa sa `yo,” wika pa ni Alexandros pagkatapos. Hinalikan muli siya nito. From wild kisses, he tried soft kisses, too. Ngayon lang ginawa ni Alexandros ang ganoong paghalik sa kanya. It seemed so gentle. Hindi sa nagrereklamo siya. Gusto niya ang mapapangahas na kilos nito sa kama pero tumataba ang puso niya sa ginawa nito ngayon. Parang pinaparamdam nito sa kanya na isa siyang mamahaling bolang krystal na kailangang ingatan. She felt cared…and loved. Alam niyang dapat ay huwag siyang mag-isip ng ganoon pero hindi niya maggawa. Tila kay sarap mangarap.
Ihinilig ni Lora ang mukha sa dibdib nito. Bilang ganti ay niyakap naman siya ni Alexandros. They stayed out on that position until Lora felt the slowly breathing of Alexandros. Nang tignan niya ito ay nakatulog na ito.
Si Lora naman ay pinagsawa ang mata ng tingin kay Alexandros. He looks so peaceful while sleeping. Nakangiti pa nga ito na tila tuwang-tuwa sa nangyari. Ngayon lang niya napansin na nakangiti ito pagkatapos nilang magniig. Bakit masaya ito? Tama ba na mangarap siya na mukhang may nagbabago na rito?
Parang hindi ito ang aroganteng si Alexandros na unang nakilala niya. Napakaamo ng mukha nito ngayon sa kabila nang mababakas na pagod dahil sa ginawa lang nila. Bigla tuloy may pumasok sa isipan ni Lora. Magiging ganoon rin kaya kaguwapo ang magiging anak nila? Mamamana kaya nito sa ama ang kulay berdeng mga mata nito? Tatangkad rin kaya ito nang ganoon kagaya ng ama nito? Magiging magaling rin sa business? At pagkakaguluhan rin ng maraming babae?
Napabuntong-hininga si Lora. Hindi naman siya dating ganoon. Hindi siya nangangarap pagkatapos nilang mag-sex ni Alexandros. Ngayon lang niya naramdaman ang mga ganoong bagay. Pero iisa lang naman talaga ang masasabi niya. Kagaya nito ay hindi rin siya magsasawa rito. But unlike Alexandros, it wasn’t because she is an incredible lover.
Lora knew that it was something deeper than that. Dahil kung hindi, maiisip niya ba ang mga bagay na tungkol sa magulang nito? Kagaya nito ay hindi siya sweet na tao. Bihira lang siyang maging concern sa isang tao. Pero kahit alam niyang puwede siyang tratuhin na mali ng Mommy nito ay naging concern pa rin siya.
It is because she cared not just for his family but also for him. Alam niyang mas magiging maganda ang relasyon nila kung bigyang pagpapahalaga rin niya ang pamilya nito. She wanted to make their relationship work not just for the baby or for what is he suggesting.
Gusto niyang mag-work ang relasyon nila dahil nararamdaman niyang unti-unti na siyang nararamdaman rito. Hindi nga lang niya maisantinig iyon dahil alam niyang hindi nito kayang suklian ang kanyang nadarama.
Alexandros only promised fabulous sex and that stupid word to tell to a girl that is already starting to fall for you.
Friends.
MAGAAN ang pakiramdam ni Lora nang maggising siya. Ang una kasing pumasok sa isip niya ay nakatulog siya sa bisig ni Alexandros. Ang nasa isip tuloy niya ay ang napapanood niya sa mga romance movies kung saan sasalubungin ng lalaki ang babae ng magandang ngiti nito at sasabihan ng “Good Morning, Beautiful,”. Sa lagay kaya nila ni Alexandros, gagawin kaya nito iyon ngayon? Sa ilang taon kasing affair nila ay hindi sila kailanman natulog pagkatapos ng sex. Ngayon lang nangyari ngayon at masaya siya na naggawa pa nila iyon ngayong mag-asawa na sila.
Pero dagling nawala ang sayang nararamdaman ni Lora nang maramdamang hindi balat ni Alexandros ang dinadantayan ng mukha niya. Malambot kasi iyon at tila may kagaspangan rin. Nang imulat niya ang mga mata niya ay saka lang niya napagtanto na hindi na pala siya kay Alexandros nakayakap kundi sa isa sa mga unan sa kama nito.
Inilibot ni Lora ang tingin sa paligid para hanapin ito pero wala ito. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw. Napagpasyahan niyang bumangon para hanapin ito nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Noon lang ulit napangiti si Lora sa isiping si Alexandros iyon. Pero sa malas niya muli, hindi iyon si Alexandros. Mukhang isa iyon sa mga katulong sa bahay. Binati siya nito.
Tinanguan niya ang babae at nagtanong. “May I know where Alexandros is?”
Medyo nag-alinlangan pa si Lora nang mapansing tila nalito ito. Hindi ba ito nakakaintindi ng ingles? Pero sandali lang naman iyon. Sinagot rin siya nito.
“Oh, I’m sorry but Kupie Alexandros said he would be gone for the whole day. He went to Thesaloniki due to some problems of one of their family business there. But he assured that he will be back in the afternoon,”
Tumango-tango si Lora. Pinilit niyang ngumiti pero sa loob-loob niya ay malungkot siya at bigla rin siyang nakaramdam ng takot. Bakit siya iniwan ni Alexandros sa bahay ng mga ito? Hindi niya pa gaanong kilala ang mga tao roon. At ang Mommy nito ay may galit sa kanya. Mabait man ang ama nito sa kanya pero hindi nito kayang lumaban dahil may sakit at matanda na rin ito.
Kinuha ni Lora ang cellphone akmang ite-text si Alexandros nang saktong tumunog naman iyon at ito ang caller. Sinagot agad niya ang tawag.
“I hate you!” bungad agad niya rito. Tinawanan naman siya agad nito. Mukhang naramdaman agad nito ang magiging reaksyon niya sa ginawang pag-iiwan nito.
“Relax, okay? Hindi ka kakainin ng pamilya ko. Isa pa, wala si Mommy sa bahay the whole day so you will be safe. May charity works sila ng mga kaibigan niya. Tanging si Daddy at ang mga kawaksi lang ang nasa bahay. I assure you that Daddy is nice and he seems to like you. So please, huwag ka nang mag-alala. Baka makasama `yan sa bata.”
“I still hate you,” parang bata pa rin na sabi niya rito. Kahit ganoon ay hindi pa rin napanatag si Lora.
“Why do you sound like you are scared? You are a strong woman, agape mou. Ilang board room battles na ang naipanalo mo at ngayon ay matatakot ka sa pamilya ko? Come on,” pagpapagaan naman ni Alexandros nang loob niya.
Ilang sandali rin silang nagtalo pero sa huli ay ito pa rin ang nanalo. Patuloy ito sa pangungumbinsi na kaya niya at wala siyang dapat ikatakot. Kahit si Lora ay pinagtataka rin ang takot na nararamdaman niya. Bakit siya nakakaramdam ng ganoon ngayon? Pamilya lang iyon ni Alexandros. Hindi naman siguro siya kakatayin ng mga ito lalo na at siniguro ng asawa na wala naman ang Mommy nito buong maghapon.
Nang ibinaba niya ang telepono, ilang sandali ay nag-text ito.
Worrying is using your imagination to create things you don’t want. So stop worrying. Malakas kang babae. Naniniwala ako na magiging maayos ka kahit wala ako sa tabi mo. So pretty please? Smile. Good morning :)
May smiley pa ang text nito! Tuluyan nang napangiti si Lora. Hindi kailanman naglalagay ng smiley si Alexandros sa text nito. Masaya ba talaga ito na makasama siya kaya ito ganoon?
Sayang lang, walang beautiful ang pagbati nito. Nasa isip-isip niya nang maalala ang unang naisip kaninang umaga. Maglalakad na sana siya palabas ng kuwarto nang mag-text muli ito.
Nakita mo ba ang bulaklak? Pinitas ko pa sa garden iyan ni Mommy kanina kahit nagmamadali na ako. I hope you like it.
Napakunot noo si Lora sa nabasa. Inilibot niya ang tingin. Noon lang niya napansin ang isang long-stemmed pink roses sa may beside table. Hindi iyon ang paborito niyang bulaklak pero parang gusto na rin niyang gawing paborito dahil iyon ang kauna-unahang binigay ni Alexandros na bulaklak sa kanya. Hindi kailanman siya nito binigyan ng bulaklak. Ngayon lang. Nang hawakan niya ang bulaklak ay saka lang rin niya napansin na may maliit na sticky note na nakakapit sa paligid noon. Binasa niya ang nakasulat. At kung hindi nga lang ipinagbawal sa kanya ng Doctor ang paglundag, malamang ay nakasampu na siya dahil naramdaman sa nabasa sa sticky note.
Good morning, Beautiful.
She felt giddy. Unang beses niya yatang naramdaman iyon. Hindi man nangyari ang nalalarawan niya sa isip bago imulat ang mata… but still…
Lumabas si Lora ng loob ng kuwarto at pinahanda ang kakainin niya nang makita niya ang ama ni Alexandros na nasa garden muli. Nang makita siya nito ay nagliwanag ang mukha nang matanda. Sinenyasan siya nitong lumapit rito. Sandaling nag-atubili si Lora dahil hindi niya alam kung paano siya makikisama rito. Masayang-masaya ang mood niya at ayaw niyang mawala iyon kapag nalaman niyang hindi rin siya gusto nito kaggaya ng ina ni Alexandros. Pero nang nginitian siya nito ay nawala ang alinlangan niya. Lumapit siya sa matanda.
“Magandang umaga, Lorabelle,” bati nito sa kanya nang mapalapit. Napakunot noo siya. Marunong rin itong mag-Tagalog kagaya ni Alexandros? Masyado naman yatang maimpluwensiya ang nag-alaga rito.
“M-magandang umaga rin po, Sir,” magalang naman na sagot niya. “Puwede niyo na lang po ako tawaging Lora. Tanging si Alexandros lang po kasi ang tumatawag sa akin ng Lorabelle. Nakakaintindi at nakakapagsalita rin po pala kayo ng wikang Filipino,”
Tumango ito. “`Wag mo na akong tawaging “Sir”. Better call me your Dad, too. So nasabi na ba sa `yo ni Alexandros ang tungkol sa nag-alaga sa kanya? Pareho kaming natuto ng anak ko sa kanya,” pagpapaliwanag nito.
“Opo, naikuwento nga po niya,” pagkukuwento niya.
“Mabuti naman kung ganoon. Mukhang marami ng naikuwento sa `yo ang anak ko, ah,”
“Well, medyo po. We’ve been together for almost five years po kasi,” pagkukuwento naman niya.
“Ne? Then he must really be in love with you then. Ngayon ko lang nalaman na tumagal sa isang babae si Alexandros. Pero alam mo ba ang katotohanang na-engaged na ang anak ko noon?”
Tumango si Lora. “H-hindi naman po kasi kami talaga---“
“No need to explain. I think I already know it,” putol nito sa sasabihin niya. “But I am glad he chooses you instead of Helene. At least nagkaka-back bone rin ang anak ko pagdating sa Mommy niya. You know, we Greeks have this Mama’s boy syndrome. At alam mo bang hanggang ngayon ay pinagsisihan ko na nagpadala ako sa syndrome na ngayon?”
Naramdaman ni Lora ang lungkot sa tinig nito. Was the old man opening himself to her? Nakaramdamn ng kakaibang damdamin sa puso niya. “M-may problema po ba kayo ng Mommy ni Alexandros?”
Umiling-iling ito at tumingin sa kawalan. Waring may inaalala ang matanda. “Right from the start, the marriage is already doomed. Hindi namin talaga mahal ang isa’t isa. I was just arranged to be married to Alexa because my Mom also thought she was the right girl from me,”
Napatango na lang si Lora. Naalala niyang ganoon rin dapat ang mangyayari kay Alexandros. So uso nga talaga ang ganoon sa Greece.
“Know what? I am happy that Alexandros didn’t end up like me. Hindi siya naikasal sa babaeng pinili lang para sa kanya. Ikinasal siya sa isang babaeng mismong pinili at ramdam kong mahal niya,”
Gustong mapakagat labi ni Lora. Gusto niyang kontrahin ang sinabi ng matanda at sabihin sana rito ang totoo. Ngunit nang makita niya ang saya sa mukha ng matanda ay hindi niya maggawang sangulatin ang akala. Sa tingin niya kasi ay masasaktan ito kapag nalaman ang totoo. Hinayaan na lang ni Lora ito sa akala.
“And you are also a Filipina. Alam mo ba na giliw-giliw si Alexandros sa tagapag-alaga niya dati na Filipina? Kaya nga siya natutong magsalita ng Tagalog dahil halos sila na lang ang palaging magkasama. He adored her that much and I can’t blame him for that. Napakabait niya at napakamaalaga. I wish she was still here…” biglang nahiling naman nito.
“N-nasaan na po ba siya?” curious na tanong ni Lora.
“She was kicked out by my wife…” huminga ito nang malalim pagkatapos sabihin iyon. Mukhang nalungkot ito sa isiping iyon. “She can be cruel as she can be. Kaya hindi mo ako masisisi na pinagsisihan ko na pinakasalan ko siya. Lumabas lang kasi ang tunay na ugali niya nang kasal na kami. She can be controlling,”
“Hindi ko po maintindihan. May kinalaman po ba ang Yaya ni Alexandros kung bakit hinimatay ang Mommy ni Alexandros? A-ayaw niya po ba samin mga Filipina?”
Lora was puzzled with the situation. Naalala kasi niyang nang sabihin ni Alexandros ang tungkol sa nationality niya ay doon bumulagta ang Ginang. Surely, she had a problem with that.
“Kind of. Pero ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol roon. Matagal na simula nang nangyari iyon. At `wag kang mag-alala. My wife could be cruel but I won’t let her do what she did to Alexandros nanny back then. Hindi ka niya sasaktan, I assure you that.”
“H-hindi naman po ako natatakot sa asawa niyo..” tanggi pa ni Lora. Nang tumaas ang kilay ng matanda ay saka siya napabuntong-hininga at umamin. “Fine. Medyo natatakot nga po ako sa kanya but I’ll be fine po. Sabi naman po ni Alexandros ay wala ang asawa niyo sa buong maghapon kaya wala naman po talaga tayong dapat ikatakot,”
Tumango ito. “Tama ka. Pero kung tutuusin ay hindi ka naman talaga dapat matakot kay Alexa dahil may soft spot rin naman siya. Sigurado akong kapag nakuha mo ang kiliti niya ay magugustuhan ka rin noon,” pagpapaliwanag nito. “Gusto mo bang binigyan kita ng tip para makuha mo ang puso ng Mommy ni Alexandros?”
Kumunot ang noo ni Lora. Bakit naman niya kailangang kuhanin ang puso ng ina ng asawa? Hindi ba at si Alexandros na mismo ang nagsabi sa kanya na hindi naman niya kailangang i-please ang Mommy nito? Pero gusto man ni Alexandros o hindi, parang may isang bahagi ng isip ni Lora na nagsasabing gustong kumagat sa gusto ng ama ni Alexandros.
`Di ba at gusto niyang mag-work out ang relasyon nila ni Alexandros? Siya rin ang nagsabi na magagawa niya iyon kung makikipag-ayos siya sa pamilya nito. Ngayon ay bibigyan siya ng tip ng ama nito. Binibigyan na siya nito ng pagkakataon para sa plano niya.
Hinayaan ni Lora na sabihin ng matanda ang paraan para sa puso ng Mommy ni Alexandros.
SABI NILA, the way through a man’s heart is through his stomach. Dahil never pang na-in love si Lora ay madalas na binabalewala lang niya ang katagang iyon. Hindi naman kasi siya interisado na makakuha ng interes ng lalaki o ng kung sinuman. Pero dahil iyon ang ibinigay na tip sa kanya ng ama ni Alexandros, ginawa ni Lora hanggang sa abot ng makakaya niya na magluto ng masarap para sa Ginang.
Hindi mahilig magluto si Lora at bihirang-bihira rin siyang magluto para sa iba. Kahit kay Alexandros ay hindi niya ginawa iyon kahit minsan ay pinipilit siya nito kapag magkasama sila. Minsan ay nagre-request ito sa kanya pero hindi niya ito pinagbibigyan. As a mistress, she knew she was responsible to please Alexandros. Pero sa isip-isip niya noon ay responsibilidad lang ng asawa ang magluto para sa isang lalaki. At malayo siya noon para roon.
Nalaman niya na kahit galit sa Filipina ang ina ni Alexandros ay mahilig pa rin pala ito sa pagkaing Filipino. Mahilig daw kasing magluto ang dating yaya ni Alexandros at sa tuwina ay ito ang nagiging cook sa mansion. Gustong-gusto daw ng Mommy nito ang Sinigang at Adobong Baboy na palaging niluluto nito. Kahit galit ito sa mga kalahi niya dahil pinapaalala nito ang Yaya ni Alexandros na kinagagalitan nito ay hindi pa rin daw nawawala ang pagkahilig nito sa Filipino Foods. Sa tuwina ay nagpapaluto ang Mommy ni Alexandros sa chef sa bahay pero kahit ilang research na daw ang ginawa ng chef para sa kagayang recipe ng kagaya dati ay hindi nito maggawa. Dahil isa siyang Filipina ay naisip ng matanda na kung siya ang magluluto ay maggawa niya ang kagaya ng dating luto ng katulong.
Nag-a-alinlangan man ay sinunod ni Lora ang gusto ng ama ni Alexandros. Wala naman sigurong mawawala sa kanya kung sakaling sundin niya ang gusto nito. Susubok lang naman siya. Kung hindi man nito iyon magustuhan ay at least, sumubok siya. Sabi nga ni Alexandros ay hindi naman talaga niya kailangang i-please ito. Gusto lang niyang subukan.
Marunong naman siyang magluto kahit papaano. Marunong rin siya ng specialty dishes ng Filipino. Katulong rin niya ang chef ng bahay at naging taster pa niya ang ama ni Alexandros. Nagustuhan nito ang luto niya at kalasa raw ng sa dating yaya ni Alexandros. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin maiwasang hindi kabahan ni Lora. Paano kung iba ang naging dating noon sa ina nito?
Hindi sumabay si Lora sa hapunan. Pinalabas niyang masama ang pakiramdam niya pero ang totoo lang ay nakasilip siya mula sa tagong bahagi ng formal dining room kung nasaan ngayon ang Mommy ni Alexandros. Kasabay ito ng asawa na alam ang plano niya. Napansin niyang napataas kilay ang ginang nang makita ang mga pagkaing nakahain sa harap nito.
“Who said that we are going to have Filipino dishes today?” mataray na bungad nito.
“I have suggested it,” sagot naman agad ng ama ni Alexandros. Plinano na nila ang tungkol doon dahil alam nila na magtataka ang Ginang kung bakit ganoon ang niluto ng chef.
“And why? Its because of that gold-digging bitch?” marahas na banat agad rito ng asawa.
“No. I just want it. And come on, I know its one of your favorite. I have tasted it already and the chef seems to be better today. Try it,” pagkukumbinsi pa ng asawa sa Ginang. Mukhang nakumbinsi naman ito ng lalaki at umupo rin ito sa hapag.
Unang tinikman ng Ginang ang niluto niyang adobo. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya habang nginunguya nito iyon. Will her mother-in-law like it? Mas kabado pa siya roon kaysa noong nag-defense siya mag-isa para sa feasibility study noong college siya at ang unang board room meeting kung saan siya ang primary speaker. At nang mapansin ni Lora na nagliwanag ang mukha ng Ginang ay kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa nang mga sandaling iyon. She liked the food she prepared!
Nasa ganoon siyang puwesto nang may naramdaman siyang mga kamay na bigla na lang pumulupot sa baywang niya. Muntik nang mapatili si Lora kung hindi lang nito naagapan takpan ang mga labi niya sa pamamagitan din ng labi nito. Then and there, she recognized the thief. Si Alexandros lang naman ang natatanging nagbibigay sa kanya nang ganoong sensasyon kapag hinahalikan siya. What a way to welcome her!
“Hey, anong ginagawa mo rito?” tanong agad nito nang matapos siyang halikan. Sinilip rin nito ang sinisilip niya kanina. “Pinapanood mo sila Mommy na kumain?”
“Ssh. `Wag kang maingay. Baka malaman ng Mommy mo na binabantayan ko ang magiging reaksyon niya,”
Kumunot ang noo ni Alexandros. “At bakit naman?”
“W-well, I---“ nag-alinlangan si Lora kung sasabihin niya ba rito ang ginawa. Ano ang puwedeng isipin ni Alexandros? Baka mamaya ay maisip nitong gusto niyang sumipsip sa mga magulang nito. Gusto lang naman talaga niyang i-work out ang relasyon nila. Magustuhan kaya nito kapag nalaman nitong nag-e-effort talaga siya kahit no need naman?
Sumilip muli si Alexandros. His gaze particularly spot on the food that his parents are eating. Tumingin ito sa kanya. “You cooked the food?”
Hindi na nakatanggi pa si Lora. Tumango siya. Mas lalong nagdiwang ang puso niya nang pati ang mukha ni Alexandros ay nagliwanag rin. Pero dagli rin nawala ang kanyang pagsasaya nang walang pasabing basta na lang siya iniwan ng asawa at magpunta sa dining room. Sumabay ito sa pagkain sa magulang. Kagaya ng naging reaksyon ng Ginang ay ganoon rin ang reaksyon ni Alexandros nang mapasubo. Tumingin pa ito sa kanya at kumindat na para bang sinasabing masarap ang luto niya.
Unang pagkakataon yata na namula ang pisngi ni Lora. Well, first time rin kasing kumindat sa kanya nang ganoon si Alexandros. Gusto niyang sawayin ang sarili. Para siyang teenager na kinikilig samantalang malaki na sila at magkakaanak na nga. But her heart overflowed with happiness lalo na nang mapansing maganang kumain ang mga mag-anak dahil sa niluto niya.
“Delicious, ne?” tanong ni Alexandros sa ina pagkatapos nitong kumain.
Tumango ang Mommy nito. “I appreciate Chef Ioniko’s cooked today. Finally, he won my taste in Filipino foods. I hope he would made more next time,”
Pasimpleng tumingin sa kanya si Alexandros at binigyan siya ng ngiting tagumpay. Lalong tumaba ang puso ni Lora.
“Don’t worry, Mom. I’ll suggest more to her. And Lorabelle could also help her next time for more recipes. What do you think?”
Mukhang nagpanting naman ang tainga ng Ginang dahil sa suggestion ng anak. “Lora! That gold---!” Hindi naituloy ng Ginang ang sasabihin nang parang may biglang naalala. “To whom did you want to suggest more Filipino recipes? To her?”
“Oh, well---“
Tinignan nito ang pagkain saka tinignan ang mga kawaksing nagbabantay sa pamilya habang nakain. “Tell me, did Chef Ioniko really cook this food or that gold digging bitch?”
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kawaksi kay Alexandros pati na rin sa ama nito. Finally ay nagsalita na ang ama nito. “Fine. I ask Lora to cook the food for us today. But relax, those are edible foods and---“
Baka pa naituloy nang matanda ang sasabihin ay basta-basta na lang itinapon ng Ginang ang mga natitirang ulam sa lamesa at balewalang umalis.