Belle Trilogy Chapter 14

NAPABUNTONG-HININGA si Alexandros nang sagutin na naman siya ni Lora na para itong pipi. Ngiti, tango at iling na naman ang sagot nito sa bawat tanong niya. Hindi naman niya ito masisisi. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa ng Mommy niya na kahit na nasa tagong parte lang ito ng dining room ay kitang-kita nito ang mga pangyayari.

Kahit siya ay nasasaktan para sa asawa. He hated her mother for what she has done. Alam niyang mas matanda ito kay Lora pero sana man lang ay nirespeto nito ang asawa niya. Kaya naman para maiwasan ang gulo ay nagpasya na siyang bumalik sa New York kasama si Lora. Ngayon ay kahit naka-isang oras na silang nakasakay sa private plane niya ay hindi pa rin ito nagsasalita sa kanya. Nagtatampo pa rin ito.

He hated seeing Lora in that situation. Parang may kumukurot sa puso niya sa isiping nasaktan at malungkot ito. Sa isang iglap ay nawala ang nakita niyang pagkinang ng mga mata nito habang pinapanood noong una ang aprubadong luto nito para sa magulang niya. Noon lang niya nakitang ganoon kasaya si Lora. Mukhang pinaghirapan nito ang pagluluto para lang ma-appreciate iyon ng Mommy niya. Ni siya nga ay hindi nito maipagluto noon kahit nagre-request siya.

Sobrang na-appreciate ni Alexandros ang kagustuhan ni Lora na mag-work-out ang relasyon nila. Hindi ganoon ang Lora na kilala niya. Madalas ay makitid ang utak nito at mas matigas pa ang ulo kaysa sa kanya kaya nagugulat siya sa mga ginagawa nito sa mga nakaraang araw. She opened up to her and also considers his suggestion to work their relationship up even though she is the first one who disagrees with it.

“Sige na nga. `Di na muna kita kakausapin tutal ay mukhang pagod na pagod ka na,” ipinalibot niya ang kamay sa katawan nito. “You can use my chest as your pillow---“

Hindi pa man tapos si Alexandros sa sasabihin ay muling ginulat na naman siya ng asawa. Hinilig nga nito ang mukha sa dibdib niya at pumikit.

Nakaramdam na naman ng kakaiba si Alexandros sa dibdib niya habang yakap-yakap ito. Lumakas ang tibok ng puso niya at parang wala na siyang gustong gawin pa sa buhay niya kung hindi ang yakapin ito. He felt an unexplained happiness. Pero nang maramdaman niyang unti-unti yatang nababasa ang polo shirt na suot niya ay piniga ang puso niya. Theos! Lora was crying again! And eventhough she didn’t say a thing…he felt a knife stabbed his heart. Naramdaman rin niya ang sakit na nararamdaman nito. Tila kinakain sa sakit ang puso niya at parang gusto niyang utusan ang piloto niya na bumalik sa mansion nila para lang pagsabihan pa lalo ang mga Mommy niya sa ginawa nito sa asawa. He couldn’t bear Lora crying like that again. She was a strong woman yet…dahil sa kanya, dahil sa pamilya niya ay nagkakaganito ito. Gusto rin niyang sapakin ang sarili kung bakit ba niya inilagay rin ito sa alanganin.

Nang dahil roon ay nakabuo si Alexandros nang kailangang gawin. Kailangan niyang protektahan si Lora. Hindi niya hahayaang masaktan ito. Because when she felt pain, he felt it, too. He promised to himself that after that, she wouldn’t encounter it. Papasayahin niya ang asawa. Ibibigay niya ang lahat nang makakaya niya para maayos silang dalawa. Para rito at para na rin sa magiging anak nila. He would give everything in exchange of Lora’s happiness.

Ilang sandali pagkatapos ay naramdaman na lang ni Alexandros na nakatulog na si Lora sa dibdib niya sa pag-iyak. Inutusan niya ang assistant niya na nakaupo sa likod ng upuan nila na kumuha ng unan para mas lalong maging komportable ang asawa. Nang maibigay ng assistant ang kanyang hinihingi ay siya mismo ang nag-ayos ng puwesto nito para maging mas komportable ito sa pagtulog. Habang ginagawa niya iyon ay napansin niyang may nakalabas sa tabi nitong isang malaking notebook. Sa tingin niya ay para iyong diary.

Out of curiousity ay kinuha ni Alexandros ang diary pagkatapos niyang ayusin ang puwesto ni Lora. Binasa niya ang diary. Napataas ang kilay niya sa mga nabasang entry at listahan nito. Pero at the same time ay nagkaroon pa siya nang maraming ideya kung paano siya magtatagumpay sa planong pagbibigay ng kasiyahan sa asawa.

NAPANGIWI si Lora nang sa pangatlong pagkakataon ay humikab si Alexandros habang nasa biyahe sila papunta sa ospital. May appointment siya ngayon sa OB Gynecologist niya para sa regular check-up niya. Kahit halos mag-a-alas tres na ito nang umaga nakauwi mula sa tambak na trabahong inabutan nito sa opisina ay nagpumilit pa rin itong sumama sa kanya para sa maagang check-up niya. Gusto daw nitong malaman kung ano na ang lagay ng anak nila.

“Dapat kasi ay hindi ka na lang sumama. Tignan mo, antok na antok ka pa rin,” puna na ni Lora rito.

“I want to, okay? I want to know everything about the baby. Anak ko `yan at entitled naman siguro akong malaman ang tungkol sa lagay niya at pati na rin sa `yo,” kahit inaantok ay nakuha pa rin nitong maging matatag ang boses.

Nagningning ang mga mata ni Lora. Tumaba ang puso niya sa ginagawi ni Alexandros. Kahit pagod ito sa trabaho ay hindi pa rin sila nakakalimutan nito. Ilang araw na silang nakabalik sa New York. Sa pagbabalik nila roon na may bagong status sa buhay ay siya ring pagbabago ng pakikitungo ni Alexandros sa kanya. Sa apartment na siya nito nakatira at hindi rin siya muna nito hinahayaang magtrabaho. Palagi rin siyang tinatawagan at kinakumusta nito. Kapag late ito makakauwi kagaya na lang nang nangyari kagabi ay hindi maaring hindi nito ipapaalam sa kanya. Umaakto ito na isang tipikal na asawa kahit hindi naman niya hinihingi iyon rito. He is becoming sweet, too. Palagi siya nitong tinatanong kung ano ang gusto niyang kainin, kung may pinaglilihian ba siya, at kapag nagsasabi siya ay hindi maaring hindi nito dala iyon sa kanya sa gabi. Tuwing umaga rin ay hindi pupuwedeng walang “Good morning Beautiful” na bati ito sa kanya kapag sabay silang nagigising. Kapag naman nauuna itong umalis, nagpapadala na lang ito ng bulaklak sa kanya at doon nito ilalagay ang katagang iyon. At ang gustong-gusto niya pa, hindi na long-stemmed pink roses ang binibigay nito sa kanyang bulaklak. Isa ng yellow tulip na siyang totoong paborito niya. Hindi niya alam kung paano nito nahulaan iyon pero ganoon pa man, hindi na niya tinanong. Nagpakasaya na lang siya at hindi na nagreklamo pa.

Ganoon pa man, hindi maiwasang matakot rin ni Lora sa mga nangyayari. Alexandros seems to be too good true now. Natatakot rin siya dahil gustong-gusto niya ang ginagawa nito. Baka mamaya ay masanay siya at paano na lang kung bigla-bigla ay maging one hundred eighty degrees rin ang ugali ni Alexandros? He never promised her love. Pinakasalan lang siya nito para sa bata at sa sex. At magkaibigan lang siya. Tama bang bigyan niya nang kulay ang mga pinapakita nito sa kanya?

Ganoon pa man ay kaya niya bang ipagkait sa sarili at sa anak niya ang dalang saya ni Alexandros sa buhay niya? Ayaw niyang isipin ang mga sakit kung sakaling pagpapakitang tao lang nito. Makakasama lang iyon sa kanya. Kaya sa halip ay ninanamnam na lang niya ang sarap nang makasama ito nang ganoon ang ugali.

“Sige na nga. Ikaw ang bahala,” pagpayag ni Lora. Ngumiti ito at pagkatapos ay hinawakan pa ang kamay niya at sumunod ang medyo umuumbok ng tiyan niya. He caressed it softly.

Nang dumating sila sa ospital ay parang nawala lahat ng antok nito habang nakikipag-usap sa Doctora niya. Halos ito na lang ang nagsalita sa kanilang dalawa. Ang dami rin nitong tanong na giliw na giliw naman ang Doctora na sagutin. Lahat ng dapat malaman sa pagbubuntis niya ay tinanong nito. Mula sa vitamins niya, mga dapat kainin at pati na rin mga safety measures para maging lalo pang maayos ang pagbubuntis niya. Para lang itong ordinaryong lalaki na sobrang excited dahil magiging tatay sa kauna-unahang pagkakataon. At nang maibigay ng Doctora ang mga kinakailangan niyang vitamins at gamot, halos ubusin nito ang stocks sa pinuntahan nilang pharmacy para raw hindi sila kulangin. Ayon rin sa Doctor ay wala namang malalang ikababahala sa pagbubuntis niya. May pagkamaselan man siya dahil panganay iyon, kung iingatan naman raw ay walang magiging problema. Bukod sa paminsan-minsang nahihilo siya ay wala na naman siyang nararamdamang kakaiba kaya panatag rin siya.

Ang akala ni Lora ay babalik na muli sila sa apartment nito pagkatapos nilang makabili ng mga gamot. Sabado ng araw na iyon at walang pasok sa opisina si Alexandros pero dahil puyat nga ito ay naisip niyang baka magpapahinga na lang ito. Pero sa gulat niya ay pinadiretso ni Alexandros ang sasakyan nito papunta sa mall.

“Why? Anong gagawin natin sa mall?” wala siyang maisip na gagawin nila roon. Hindi naman kasi nakain sa restaurants si Alexandros. Hindi rin nila kailangan mag-grocery para sa pagkain dahil gawain iyon ng mga kawaksi nito sa bahay.

“I’ll buy you dresses,” sabi nito at nang makababa sila sa mall ay masayang niyaya agad siya nito sa unang maternity dresses boutique na napasukan niya. Gusto sana niyang sawayin si Alexandros sa pag-i-spoiled sa kanya pero nang makita niya ang saya sa mukha nito ay hindi niya na naggawa. Isa pa ay nag-e-enjoy rin siya sa ginagawa nito. Para siyang paper doll na binihisan nito at kada-lalabas siya ng dressing room ay hindi ito nauubusan ng papuri.

“We’ll get it all,” sabi nito nang matapos niyang sukatin ang panghuling damit na pinili nito para sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Lora. Kulang-kulang dalawampung maternity dresses ang pinasukat nito at bibilhin ni Alexandros lahat ng iyon? Marahas na hinawakan niya ang kamay nito nang iabot nito ang card nito sa sales lady.

“Are you out of your mind? Ilang buwan lang lalaki ang tiyan ko. Hindi mo kailangang bilhin lahat ng damit! Saka nakita mo ba ang presyo ng isa? Its more than 100 dollars each!”

“So? Kulang pa `yan kung isusuot mo pang-araw-araw. And please, `wag mo na akong pigilan. Pera ko naman ang gagamitin ko at para sa `yo ito,”

“Alexandros…”

“Please,” nakangiting wika nito. “Let me do this for you. You are my wife now. You deserve everything in this world. Hindi ikalulugi ng mga kompanya ko ang pagbili ng mga damit na ito,”

Sa huli ay wala ng naggawa pa si Lora dahil mas mapilit ito sa kanya. Pagkatapos nila roon ay hinila naman siya ni Alexandros papunta sa department store. Napataas lalo ang kilay niya nang sa infant section sila nagpunta. Agad na kinompronta niya ito.

“`Wag mong sabihin na pati ngayon ay ka-career-in mo na rin ang pagbili ng gamit ng bata?”

Tumawa ito. “Relax. Alam kong hindi pa naman kailangan dahil hindi pa natin alam ang gender ng Baby. Gusto ko lang magtingin-tingin,” paliwanag agad nito.

“You seem so excited…”

“Well, I really am,” seryosong sabi nito. Ilang sandali lang na napatanga si Lora sa sinabi ni Alexandros. Is it really for real? Ang isang kagaya nito na babaero at arogante ay excited maging isang ama? Na mag-alaga ng isang bata? It seems so unbelievable and Lora wanted to cry because of too much happiness at the moment. Parang ang laking tagumpay na nang nakamit niya dahil siya ang nagpabago nang ganoon kay Alexandros.

Minsan ay gusto niyang tanungin ang sarili kung deserve ba niya na nangyayari sa kanya. Oo at hindi naging maganda ang pakikitungo ng Mommy ni Alexandros sa kanya. Pero ang anak naman nito, kung ituring siya ay para siyang kailangang ingatan na mamahaling krystal. Para siyang prinsesa nito. Parang nasa kanya na ang lahat ng magagandang bagay sa mundo…puwera lamang sa puso nito.

Kahit kasi maganda ang pakikitungo sa kanya ni Alexandros, alam niya na hanggang doon lang iyon. She felt loved but still, he doesn’t say those three-words to him. Hindi pa rin niya tuluyang nakukuha ang puso nito. Pero magrereklamo pa ba siya sa mga masasarap na pinaparamdam nito sa kanya?

Mukhang hindi naman napansin ni Alexandros ang sandaling pagtahimik ni Lora. Lumayo ito sa tabi niya. Nang sundan niya ito ay nakita niyang nakangiting nakatingin lang ito sa kiddie stuff toy ng mga Marvel characters. Napataas na naman ang kilay ni Lora nang dahil roon. Bakit ngayon lang niya nakikita ang mga soft sides ni Alexandros?

“Gusto mo ba ang stuff toy na `yan?” natanong niya rito.

Umiling ito. “I have collections of Marvel stuffs when I was young. Natuwa lang ako nang makita ko ito. Naalala ko lang kasi noon na gusto kong maging super heroes rin kagaya nila,”

Now, he was also opening up to him. “Talaga? Sino naman ang paborito mo sa kanila?”

“Spiderman, actually. Pero ngayon nagbago na ako ng gusto,”

“At sino naman `yun? Si Iron Man?”

Nakangiting umiling ito. “Paano kung sabihin kong Your Man?” hinawakan pa nito ang pisngi niya pagkatapos. Hindi na naitago pa ni Lora ang pamumula ng pisngi. Gah! Kinilig siya sa sinabi nito!

“Tse! Tigilan mo nga ako!”

Natawa ito. “But you are blushing. Surely, you feel something,” tukso pa nito sa kanya.

“You know you are already my man. Asawa na kita. Hindi mo na naman kailangang sabihin `yun,”

“Sabi ko nga. Why am I being so corny? You are already my wife. Entirely and exclusively mine,” pagkasabi noon ay hinalikan pa siya nito at inakbayan.

Pakiramdam ni Lora ay siya na talaga ang pinakamaganda at pinakamasuwerteng babae sa mundo. Hindi man siya mahal ni Alexandros ay asawa naman niya ito. She also have an entirely and exclusively access to him. It matters a lot.

For now.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.