Belle Trilogy Chapter 4

Present

NAGISING si Clari nang may maramdamang humawak sa kamay niya. Nang matapos ang duty niya ay dumiretso siya sa private room kung saan inilipat si Eugene pagkatapos nitong magkamalay. Stable na kasi ang vital signs nito at sa ilang oras na obserbasyon ng Doctor ay ipinasya na ng mga itong ilipat roon si Eugene. Nakaub-ob siya sa hospital bed nito.

“Love...” narinig niya pang wika ni Eugene. Kahit kulang pa sa tulog ay naggising agad lahat ng diwa niya nang sabihin nito iyon. Ibig sabihin lang ay hindi pa rin nakakaalala si Eugene. Bumangon rin ang kakaibang sensasyon sa katawan niya nang sabihin nito ang endearment nito sa kanya. Hindi pa rin talaga siya nakaka-move on.

“G-gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa `yo? Teka, baka nagugutom ka na,” tumayo si Clari at akmang kukuha ng pagkain na nasa beside table nang hawakan nito ang baywang niya at hapitin siya palapit rito.

“E-Eugene! May sugat ka pa!” hintatakot na sabi niya. Tumawa lang ito na parang balewala lang kung nadali man niya ang sugat nito.

“It doesn’t ache that much. Lalo na ngayong alam kong nandito ka sa tabi ko at alam kong hindi naman ako pababayaan magka-infection man `yan,” naggawa pa nitong kumindat sa kanya.

Pinilit ngumiti ni Clari. Masaya siya na bumalik sa dati si Eugene. Kay tagal rin niyang umasa noon na babalik ito sa dati. Na sa kabila ng mga narinig nitong sumira sa pag-ibig nito ay mamahalin pa rin siya nito. Pero kahit anong gawin niya ay naging makitid ang utak nito sa mga paliwanag niya. Ngayon ay pinaparamdam na naman sa kanya ni Eugene ang pakiramdam na mahalin nito. It was an overwhelming feeling but it scares her a lot, too. Paano kung kagaya ng alaala nito ay bumalik rin ang lahat ng sakit ng naging relasyon nila noon? Hindi na niya yata kakayanin pa ang second time around.

Ngunit sa ngayon ay walang maggagawa si Clari kundi mag-go with the flow. Napag-usapan kasi nila ng ina ni Eugene ang gagawin nila ngayon sa sitwasyon ng lalaki. Naikuwento niya rin dito ang mga nangyari noong nakaraan nila. Nang dahil doon ay pinakatiwalaan siya nito sa anak.

Si Clari muna ang mag-aalaga kay Eugene at kailangang out of the picture ang ina nito. Naisip kasi nilang baka makasama sa kondisyon ni Eugene kung ipapaliwanag nila ang lahat nang mga nangyari sa nakaraang taon lalo na ang paghihiwalay nila. Isama pang hindi rin nito gustong makasama ang ina kagaya nang palaging sinasabi nito sa kanya noon dahil sa panahong naalala nito.

Okay kay Clari ang ganoon lalo na at matagal na niyang hinahanap-hanap ang pagmamahal ni Eugene. Nakakatakot man ang puwedeng maging conclusion ng plano nila pero gagawin niya iyon para sa ikabubuti ni Eugene. Hindi nila dapat ito biglain sa lahat.

“Pero Eugene, mamaya na ang paglalambing. Kailangan mo munang kumain,” alam niyang gutom na ito dahil halos hindi pa ito kumakain ng tunay na pagkain.

“All right. But later,” sinamahan pa nito iyon ng ngisi. Hinanda ni Clari ang pagkain nito at sinubuan ito. Hindi naman ito nagreklamo sa ginawa niya bagkus ay tuwang-tuwa pa sa pag-aasikaso niya. It melts her heart seeing Eugene that happy again.

Nasa pang-apat na subo na niya si Eugene nang napansin niyang natigilan ito. Kinabahan siya bigla. Puwede kasi iyong maging indication na nakakaalala na ulit ito. Amnesia could be a temporary disease. Anumang oras ay puwedeng bumalik ang alaala nito.

“E-Eugene, may problema ba?” agad na tanong niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang itaas nito ang isang kamay at hawakan ang pisngi niya. “I am just admiring your beauty. You are still beautiful, Clari. Kahit sabi mo ay pitong taon na ang nakalilipas. No wonder that despite my accident and memory loss, I still have this wonderful feeling just by looking at you,”

Namula ang mukha ni Clari dahil sa sinabi nito. She could tell the same thing to Eugene, too. Despite of the bruises that he gained, she could say that he looks good. Actually talaga namang ang laki ng iginuwapo nito ngayon. Wala na ang mga tagihawat sa mukha nito at ang malaking eyeglasses at braces nito sa ngipin.

“I just hoped that you still feel the same way, too,” wika pa nito. “Pero bakit ko ba sinabi pa `yun? If we are not together for the past years, you will not be here for me,”

Gusto man na i-explain ni Clari ang lahat ay pinili na lang niyang tumango. Kapag sinabi niya rito ang totoo ay darating pa sila sa mahabang explanation.

“Pero bakit nakapang-nurse ka pa rin na damit? At noong nasa ICU ka ay...?” kumunot ang noo nito.

“A-ah, dito rin kasi ako nagtatrabaho. And you happened to have an accident near in this hospital kaya dito ka dinala. May medical mission ang kompanya niyo malapit rito at naaksidente ka habang nagda-drive,” sa pagkakataong iyon ay totoo na ang sinabi niya kay Eugene. Iyon kasi ang kuwento ng ina nito. Ang ina naman nito ay kasama rin sa medical mission para tumulong pero dahil magkaibang kotse ang sinakyan ng dalawa ay hindi ito nasangkot sa aksidente. May-ari ng isang pharmeutical company sina Eugene.

“So that concludes I am already working on my Dad’s company. Well, its kind of expected as you say that seven years had passed. Pero speaking of Daddy, nasaan nga pala siya? `Wag mong sabihin na busy pa rin siya at hindi man lang ako mapuntuhan dito?”

“E-Eugene, I’m sorry to say but...” hindi naituloy agad ni Clari ang sasabihin. Puwede kasing makasama sa kondisyon ni Eugene iyon.

“H-he died...?” hula naman nito. Pain was registered on his face.

Wala ng naggawa si Clari kundi tumango. Nalaman niyang namatay ang ama ni Eugene ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay. Sikat na personalidad kasi ito sa larangan ng medisina. Nabalita pa sa TV ang pagkamatay nito. Ikinuwento niya kay Eugene ang nangyari nang magtanong ito.

Hindi agad nagsalita si Eugene nang makatapos siya. Waring dina-digest pa nito ang mga nalaman. Pero sa huli ay tumango-tango rin ito, waring naintindihan at tinaggap na rin ang lahat.

“So there is no one to take care of me at all except for you. But good thing I am near you or else... baka naistorbo pa kita. Pero teka, you seem to be a duty nurse last night. `Wag mong sabihin na nag-straight ka ng duty at nandito ka pa rin?”

“No. `Di lang ako umuwi kaya ganito pa rin ang ayos ko. Inaantay kitang gumising,”

Ngumiti ito. “How sweet. Ang suwerte-suwerte ko talaga sa pagkakaroon ng girlfriend na kagaya mo. Always there to take care of me no matter what,”

I will be there for you no matter how hard you push me away back then. I will take care of you even if I know that in the end, I might lose. Gusto sana niyang sabihin kay Eugene. Bukal sa loob ang lahat ng ginagawa niya ngayon dahil gaano man na sakit ang dinulot nito sa kanya, she will keep coming back to him because she loves him.

Hinawakan niya ang pisngi nito. “Of course, Love. Of course,”

“KAPAG itinuloy mo ang leave na `yan, hindi ko maipapangakong puwede ka pa rin na makabalik sa ospital na ito, Clari. Alam mo na hindi maganda ang naging mga performances mo sa pananatili mo rito,” pagkausap kay Clari ng HR manager ng ospital kung saan siya employed. Doon sila pumupunta kapag kailangan nilang mag-leave nang matagal sa trabaho.

“B-but Sir...I need to be with Eugene. He needs me a lot this time. `Di ko siya puwedeng iwan sa mga panahong ito,”

Tumaas ang isang kilay nito. “As of now ay hindi na natin siya pasyente para alagaan mo siya. Alam kong may espesyal na relasyon kayo but that is out of our business.. Masyadong mahaba ang tatlong buwan na hinihingi mo na leave. Okay sana na pagbigyan ka namin kung maganda ang performance mo. But we both know that you are not. Mabait ka sa mga pasyente, oo. Pero kapag nagtatanong na sila sa `yo ng other facts about their disease ay kaunti lang daw ang naibibigay mo. They don’t like your performance. Hindi ka rin nagsa-submit ng mga case studies na time to time ay pinapaggawa namin sa mga nurses rito kapag nakakahawak ng rare case. I hate to say this but I can’t give you the leave not unless you submit a resignation letter. I’m sorry,”

Tumango si Clari. Inilabas niya ang inihanda na niyang resignation letter kahapon pa. Nakausap na rin kasi niya ang HR manager bago pa iyon at sinabihan na siya nang halos ganoon rin na salita.

Kumunot ang noo ng HR manager. “Are you really serious about this? Ipagpapalit mo ang trabaho mo para lang maalagaan ang lalaking `yun?”

Tumango si Clari. Alam niyang napakalaking risk ang gagawin niya para kay Eugene. Sa panahon ngayon, lalo na sa mga kagaya niyang nurse ay napakahirap maghanap ng trabaho. Hindi ba’t isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa Cebu siya nagtatrabaho ngayon? Hirap siyang makahanap ng trabaho sa Maynila dahil karamihan ay doon naghahanap ng trabaho o `di man ay sa ibang bansa. Tiniis niyang malayo sa pamilya para lang sa trabahong iyon pero dahil kay Eugene ay halos wala na siyang pagdadalawang-isip na bitawan ang trabaho.

Gagawin niya ang lahat kay Eugene gaano man siya puwedeng masaktan sa mga consequences noon. Masyado niya pa rin itong mahal para balewalain na lamang ito. Mahal niya pa rin ito sa kabila ng mga nakalipas na taon. Kaya nga hindi niya maggawang magmahal gaano man karami ang magtangkang lumapit sa kanya.

Ang muli nilang pagkikita ay ang natatanging pag-asa na lamang ni Clari para mapalapit muli siya kay Eugene. Alam niyang mahihirapan siya lalo na kapag bumalik na ang alaala nito. Puwede siyang itaboy muli nito. Pero hindi na niya pakakawalan pa ang tsansa niya. Malay niya ba kung magtagumpay siya sa pagkakataong iyon na sa kabila ng mga nangyari sa nakaraan ay patawarin siya nito at mahalin muli. May pag-asa naman siya lalo na at wala naman daw naging seryosong relasyon si Eugene noon ayon sa ina nito. Wala siyang magiging kaagaw rito puwera na lamang sa alaala nito.

She will do everything for Eugene to come back again in her life. Masyado na niyang matagal na tinikis na wala ito sa buhay niya. Na hinayaan niya itong itaboy siya at siya naman ay lumayo sa piling nito. This time, she will take the chance. She is just praying that destiny would do justice and tell her...its all worth it.

“SIGURADO ka ba na naka-on leave ka lang? It seems like you have packed all your belongings,” hindi maiwasang punahin ni Eugene nang makita ang mga dalang gamit ni Clari nang makauwi sila sa Manila. Ang sabi kasi nito ay naka-leave lang ito sa trabaho sa kanya. Gusto raw kasi siya nitong maalagaan hanggang bumalik ang alaala niya at maghilom ang kanyang mga sugat.

“W-well, nagdala na ako nang marami kasi natatakot lang ako na baka maubusan ng damit. Lumipat na sina Mommy sa Davao kaya wala na kaming bahay dito. Baka mamaya ma-short pa ako sa gamit,” pagdadahilan nito sa kanya.

“Bakit? Wala ka bang gamit na naiwan sa bahay ko? Kung wala na kayong bahay sa Manila, siguro naman ay sa bahay ko ikaw pumupunta kapag bumibisita ka roon,” hindi ulit niya maiwasang magtanong. Tila hindi kasi confident si Clari sa mga sinasabi nito.

“S-sleeping in your house is not an option, Eugene. Not until now,”

Tumaas ang isang kilay niya. “Sabi mo, we are together in seven years. Hindi pa ba sapat ang mga taon na `yun para magsama tayong dalawa sa isang bahay?” tanong muli niya. Sa totoo lamang ay maraming tanong pa ang naglalaro sa utak ni Eugene. Para kasing maraming mali sa sinasabi ni Clari. Isa pa ay madalas na parang kinakabahan ito sa mga pinagsasabi sa kanya. Hindi ito confident. Magaling na speaker si Clari. Hindi dapat ito kinakabahan habang nagsasalita sa kanya. Isa pa ay parang nahihiya rin ito sa kanya. Kung matagal na sila, dapat ay wala na itong hiyang nararamdaman pa. She should be comfortable to him. Isa pa ay sa tagal nila, kataka-taka rin na hindi man lang sila engage o kasal na. He was madly in love with Clari. Dapat ay nagle-level up na ang relasyon nila ngayon. Ni wala siyang nakikitang engagement ring sa daliri nito.

“I’ve been working in Cebu, Eugene. At ikaw ay dito sa Manila. Ikaw ang madalas na bumibisita sa akin sa Cebu,” paliwanag naman nito.

Tumango siya. Magtatanong pa sana siya nang mapansin niyang nag-iiwas ng tingin sa kanya si Clari. Kapag ine-interrogate siya ay madalas nitong gawin iyon. Hindi niya sigurado kung umiiwas ba talaga ito o baka kaya ito ganoon ay pagod ito. Alam kasi niyang ilang araw na itong puyat para alagaan siya. Hinayaan na lang niya ito at naisip na sa ibang araw na lang siguro siya magtatanong.

Nang dumating sila ng bahay ay halos mag-a-alas dose na nang gabi. Sinalubong sila ng mayordoma ng bahay na hindi pa rin naman nagbabago. Tinulungan pa sila nito ni Clari na mag-ayos ng mga gamit nila. Binigyan rin nito ng magagamit na kuwarto ang kanyang nobya. Siya naman ay hindi pinabayaan ni Clari kahit tapos na itong makapag-ayos.

“Are you sure you’ll be okay here?” paninigurado pa nito sa kanya nang sabihan niya itong magpahinga nito.

“I’ll be fine,” he promised. Naiwan na siya sa kuwarto niya. Kaggaya ng bahay ay halos wala rin pinagbago iyon maliban sa ilang mga frames na nakasabit. Karamihan roon ay mga pictures niya at ng mga award na natanggap niya. Mayroon rin silang picture ni Clari na kuha pa sa Star City kung saan una silang nagdate. Napangiti siya nang maalala niya ang mga nangyari sa kanila noon. It was one of his precious moments. Iyon kasi ang unang beses na may naramdaman siyang kakaiba sa babae and he was lucky that she don’t even reject it. She was his first love and they are still together. Oh how life has been good to both of them.

Nasa ganoon siyang katayuan nang mapansin siyang may nakatagong frame sa isang tabi. Nasa shelf iyon katabi ng mga frames. It was their college batch picture. He looked wasted on the picture and so was Clari. Parang pareho silang may problema. Hindi ulit niya maiwasang magtaka kung bakit parang may mali sa itsura nila. They should look happy and in love. Kahit na ba batch picture lang iyon.

Sa isiping iyon ay nakaramdam si Eugene nang pananakit ng ulo. Napaupo siya sa kama. Parang pinipitik ang ulo niya sa sikat. Gusto niyang sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa bibig niya. Umiikot rin ang buong paligid niya. Hinawakan niya ang ulo niya. Napapikit na lang siya sa sakit hanggang sa mamalayan na lang niyang nakatulog na lang siya na may halong panaginip ng nakaraan...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.