PAWISANG nagising si Eugene. Memories flowed into his mind after sleeping. Ipinikit niya muli ang mga mata dahil hindi pa rin kompleto ang lahat. Kakaunti lang ang bumalik sa memorya niya na sa tingin niya ay may malaking halaga sa nakaraan. Gusto niyang matuloy muli ang mga eksena. Pero kahit anong pilit niya ay wala na muli siyang maalala. Napu-frustrate na bumangon siya. Napansin niyang umaga na pala. Napagpasyahan niyang bumaba na ng kuwarto.
Dahil wala namang matinding tinamo ang mga paa niya ay maayos na nakalabas siya ng kuwarto. Hinanap niya si Clari at ayon sa napagtanungan niyang katulong ay nasa garden ito. Napansin niyang may nakahanda ng breakfast roon. Nakita niya si Clari pero nakatalikod ito at may kausap sa cellphone.
May isang tinig na nagsasabi sa kanyang komprontahin ito tungkol sa naalala. Nag-iwan kasi nang maraming tanong ang bagay na iyon. Did the letter affect their relationship? Pero dahil medyo nagdududa pa si Eugene sa mga actions ni Clari sa kanya ay hindi na lang muna niya tatanungin ito tungkol roon. Isa pa, bakit ba niya naisip na naapektuhan ang relasyon nila ng letter na iyon kung nandoon pa rin si Clari sa tabi niya? Maraming admirers si Clari noon pa man. Baka may nagbigay lang dito noon at hindi lang nito natapon. He trust Clari. Hindi naman siguro siya bibiguin nito.
Nang matapos ang tawag ay napansin siya nito. She welcomed him with a sweet smile. Lahat ng sama ng loob na naramdaman niya dahil sa mga naalala ay nawala nang makita iyon. Ano nga `yung sabi niya dati sa sarili niya? When she smiles, he melt inside. And until now, it still happening to him.
“Good morning! Gising ka na pala. `Sorry hindi kita nasundo sa kuwarto mo. Tulog ka pa kasi kanina nang silipin kita,”
Tumango siya at tinignan ang cellphone na hawak-hawak nito. “Good morning, too. You seems so busy. Agang-aga may kausap ka na agad sa cellphone,”
“Ah, tumawag kasi si Lora,”
“Oh, I see. Kumusta na nga pala ang kapatid mo na `yun?” tanging ang kapatid lang kasi nito na si Mira ang naikuwento nito. Ayon rito ay isang missionary teacher sa liblib na lugar sa Davao ang bunso nitong kapatid. Dahil may pagkasakitin si Mira ay sinasamahan ito ng magulang nito kaya nasa Davao rin ang mga ito.
“Nasa New York siya ngayon. She is a manager to a multi-national company. Very successful na si Lora. But today, she seems a little bit weird,” nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito nang ikuwento iyon.
Hindi na nagtaka si Eugene tungkol sa narating ni Lora. She knew she was a good student back then at bagay nga rito ang kurso nitong Business Administration dahil sa ugali nito. She was like most of what business people like---rude. Sabi nila ay maganda raw kasing katangian iyon ng mga business people dahil sa superiority na kahalo ng salitang iyon.
“Why? What happened?”
“She said she missed me. Siguro naman ay naalala mo pa kung anong klaseng babae si Lora. Giving affection is not her thing,”
Tumango siya. `Di ba’t kakaalala nga lang niya tungkol sa pagiging malayo nito sa “affectionate” person? Weird nga iyon para rito. “Have you asked her why?”
Umiling ito. “Nang tanungin ko siya ay hindi siya sumagot. Parang iniiwasan rin niya ako. I tried to call Mira if she was contacted by her. Out of reach naman ang cellphone nito,” paliwanag pa nito sa kanya.
“Hmmm... Baka naman talagang nami-miss ka lang ni Lora. Sabi mo nga ay nasa New York siya. Living alone could be so lonely,”
“Siguro nga,” naglakad ito patungo sa kanya. “Anyway, how are you feeling? Did you sleep well? May nararamdaman ka bang kakaiba?”
Clari sounded so concern. Lalong tumaba ang puso niya. Nang tuluyan na makalapit ito sa kanya ay nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya. Sinubukan niyang hapitin ito sa baywang at halikan ito.
The familiar sensation lingered into Eugene’s nerves when his lips landed into hers. It seems magical again and no, it isn’t just because he have been in a whirlwind situation a while ago because he felt that the world is spinning around him. Iyon lang talaga ang epekto sa kanya ni Clari.
“I’m feeling wonderful now that I have kissed you,” nakangiting sagot naman niya. Pulang-pula ang mukha ni Clari sa ginawa niya. He looked more beautiful because of that. Ngayon naman ay hindi niya maiwasang titigan ito.
Malaki ang pinagbago nito sa huling alaala niya. Still, ang tibok ng puso niya kapag kasama ito ay halos walang pinagbago. Ang mga masarap na emosyong bumabalot sa kanya ay naroon pa rin. Kaya paano niya naiisip na may masamang nangyari sa relasyon nila ni Clari? Hindi naman siguro siya tanga at ganoon kababaw para pakawalan ito makatapos ng mga nangyari sa flashbacks niya.
Unless...kung may mas masama pang nangyari bukod sa mga huling naalala.
MEDYO nanginginig pa ang mga kamay ni Clari habang inaayos niya ang kurbata ni Eugene. Ngayong araw ay babalik na muli ito sa trabaho. Nag-aral pa siya kagabi sa Youtube kung paano mag-ayos noon dahil hindi siya marunong. Sino ba naman kasi ang aayusan niya nang ganoon? He had been with Doctors and Nurses for the past few years. Halos wala siyang naging kaibigan na hindi ganoon ang propesyon. Walang taong hiniling sa kanya na ayusin ang kurbata ng mga ito. Pero dahil ang “nobyo” niya ay hindi lang Doctor, kundi isang businessman rin ay talagang inaral niya pa iyon.
Mag-iisang buwan na sila sa Maynila at ngayon ay fully recovered na ito. Wala na ang sling sa kaliwang kamay nito na siyang napuruhan sa aksidente dahilan para mabali. Magaling na rin ang mga sugat nito sa mukha at iba pang bahagi ng katawan. Puwede na raw itong magtrabaho ayon sa Doctor nito at nagustuhan naman iyon ni Eugene. Ready na raw itong pumasok muli sa opisina. Ito kasi ang tumatayong president ng pharmaceutical company na pagmamay-ari ng pamilya nito at nagko-contribute rin sa mga gamot na dine-develop at pino-produce ng mga ito bilang Doctor. Pagkatapos kasi nilang gr-um-aduate ng Nursing ay tumuloy ito sa Medical School.
Matagal ng plano ni Eugene na mag-medical school. He wanted to be a Doctor. Pre-medical course lang nito ang Nursing. Naalala pa niya noon na pinag-usapan nilang kapag naging Doctor ito ay siya ang magiging Nurse nito palagi. They would be partners in it. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang mapalapit sa mga Doctor gaano man kagusto ng mga itong ligawan siya. Pinanghahawakan pa rin niya ang pangakong si Eugene lang ang magiging partner niya na Doctor.
Noong una ay parang ayaw pumayag ni Clari sa isiping papasok si Eugene sa trabaho. He still doesn’t remember anything. Paano nito mapapatakbo ang kompanya kung wala pa itong naalala? But Eugene is determined to get back to work. Noong isang araw ay pinakuha nito sa sekretarya nito ang mga pending paperworks nito at gusto raw nito iyong pag-aralan. Medyo nagtalo pa sila ng araw na iyon.
“Love, hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo. Sabi naman ng mga VP ay maayos ang takbo ng kompanya. Hindi ka pa tuluyang magaling. Baka makasama sa `yo kapag na-stress ka agad,” payo niya pa rito nang makita niya ito sa study.
“Love, I can do this. Ikaw yata ang nagka-amnesia sa atin. Nakalimutan mo yatang I am a Geek. Madali ko lang itong matutunan,” pangungumbinsi naman nito sa kanya.
Wala na siyang naggawa pa sa determinasyon nito. Isa pa ay kinausap rin siya ng Mommy nito at sinabing hindi naman nito papabayaan ang anak. Gagabayan nito si Eugene in a way na hindi nito malalaman. Kung paano nito gagawin iyon ay hindi na nito sinabi. Pero alam niyang kinausap na nito ang lahat ng empleyado sa kompanya tungkol sa kondisyon ni Eugene.
“You haven’t done this to me before?” nang mahalata ni Eugene ang panginginig niya ay hindi nito naiwasang magtanong.
“N-naninibago lang ako. Matagal na ang huli. I worked in Cebu, right?”
He snorted. “Bakit kasi doon ka pa nagtatrabaho? Hindi ka tuloy nasasanay sa mga wifely duties,”
Namumulang napangiti si Clari. Wifely duties. Napakasarap mapakinggan ng salitang iyon sa lalaking minsang pinangarap niya na tawagin siyang “wife”. And now, her dreams are almost easy to reach. Kung sana nga lamang ay puwedeng permanente na ang lahat ng iyon.
“I told you, doon ako nakakuha ng trabaho. Doon ako na-assign,” sagot na lang niya sa tanong nito.
“Bakit? You could find a good job here in Manila. Nakapasa ka naman siguro sa board `di ba?”
Clari’s happiness faded away just because of that statement. Paano niya ba ipapaliwanag rito ang lahat na bukod sa pagkawala nito ay ang pagbagsak niya sa board exam ang isa sa pinakamasamang nangyari sa buhay niya? At paano kung nagtanong ito kung bakit? Paano niya ito sasagutin? Sawang-sawa na siya sa pagpapaliwanag sa iba kung bakit siya bumagsak. Everyone thinks highly of her...pero ang board exam ay binagsak lang niya.
Dahil hindi naman talaga siya matalino ay nahirapan siya. Isama pa roon na walang tumulong sa kanya hindi kagaya noong nag-aaral pa siya, lalo na nang nandoon pa si Eugene sa buhay niya. Sinusuportahan siya ng pamilya pero hindi sapat iyon. Lalo na at distracted pa siya sa pagkawala ni Eugene sa buhay niya. Hiyang-hiya siya sa nangyari kaya kahit conditional siya ay hindi na niya pinagpatuloy pa ang pagkuha.
“I-I’m sorry,” nahalata ni Eugene ang nangyari. Hindi na ito muli pang nagsalita roon. Pinilit niyang ngumiti. She may failed the board exam and Eugene’s love then. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya hahayaan pang matalo pa sa pag-ibig ni Eugene. Ipaglalaban niya ito. She had given a second chance. Hindi na niya papakawalan pa iyon. Sana lang ay `wag nitong sayangin ang mga panganib na sinuong niya para makuha lang muli ito.
“ARE YOU a model or something? Lahat yata ng damit sa boutique na ito, bagay sa `yo,” nakangising wika ni Eugene sa kanya nang ipasukat nito ang pang-limang damit na kinuha nito. Dahil maaga itong nakauwi galing sa trabaho ay nagyaya ito na mamasyal sila sa Mall. Ang akala naman niya ay mag-i-stroll lang sila at kakain pero pagdating na pagdating pa lamang nila sa mall ay hinila siya nito sa mga boutiques para ibili siya ng mga damit. Wala naman siyang naggawa dahil parang gustong-gusto nito na bisihan siya. She just couldn’t deprive his happiness.
Napasimangot si Clari. “Ginagawa mo na akong paper doll,”
“But you look like one. You are so beautiful, Clari. Kahit ano yatang damit na isukat sa `yo, you’ll still look amazing,” komento pa nito saka tumingin sa sales lady. “We’ll buy it all,”
Nanlaki ang mga mata niya. “Eugene! That costs a lot!”
“So?” natatawang sabi naman nito. “Let me do it for you, Clari. Isipin mo na lang na payment ito sa mga ginawa mong pag-aalaga sa akin,”
Napalabi siya. “Hindi nababayaran ang pag-ibig ko,”
Napangiti ito. “Fine, just take it as a gift by your boyfriend. Isipin mo na lang na monthsary o anniversary natin,”
Napa-“oo” na lang siya sa kagustuhan nito. Gusto rin naman niya ang pakiramdam na parang bine-baby siya nito at talaga namang binibigyan ng oras. Gusto rin niya na na-a-appreciate nito ang ganda niya pati na rin ang mga ginagawa niya. It just feels too good to be with Eugene.
Pagkatapos nilang mag-shopping ay binusog naman siya nito ng dinner sa paborito nilang kainan noong Japanese restaurant. Mas lalong sumarap ang pakiramdam ni Clari sa ginawa nito lalo na ngayong parang naging baligtad na ang lahat. Ito naman ang sinusubuan at pinagsisilbihan siya.
Nang makatapos silang kumain ay nagyaya pa si Eugene na manood ng sine. Nagpaunlak naman si Clari. Para silang mga teenagers sa loob ng sinehan muli. Hanggang doon ay patuloy pa rin ito sa pagsusubo sa kanya pero this time ay ng popcorn na iyon. Kilig na kilig naman siya. Nang matapos ang pelikula ay may napansing pamilyar na bulto si Clari na naglalakad sa kabilang bahagi ng sinehan. Dahil maliwanag na sa loob ay nakita niya ang mukha ng dalawa. It was her parents! Bigla siyang kinabahan lalo na nang mapansin na nakatingin rin doon si Eugene.
“H-hindi ba `yun ang parents mo?” kumunot ang noo nito.
Mabuti na lang at malayo na ang dalawa ng sabihin iyon ni Eugene. Nakatalikod na rin ito sa kanila at mukhang nagmamadali na umalis ng sinehan. Pinagana agad ni Clari ang isip at gumawa ng alibi. “P-parents ko?” tumawa pa siya. “Love, inaantok ka na yata. Sinabi ko na sa `yong nasa Davao sina Mama,”
“They looked like them,”
“Baka kamukha lang nila. Wala naman silang sinabi na pupunta sila ng Manila kaya baka namamalikmata ka lang,”
Tumango-tango ito at hindi na muling nag-usisa. Nakahinga naman siya nang maluwag na hindi na ito nagtanong pa.
Nagsinungaling si Clari kay Eugene. Wala talaga sa Davao ang mga magulang niya. Kinagat naman nito iyon dahil kay Mira. Alam nito ang lagay ng kapatid na mahirap itong pabayaan mag-isa dahil sakitin ito. Pero totoo man na sakitin ito ay hinayaan ito ng mga magulang sa kagustuhan nitong maging independent.
Sinabi lang ni Clari ang mga bagay na `yun dahil hindi niya puwedeng ipaalam sa mga magulang na nasa Maynila siya. Siguradong magtataka ang mga ito. Hindi dapat malaman ng mga ito ang tungkol sa plano niya dahil alam niyang pipigilan siya ng mga ito. Napakadelikado naman kasi ng lagay niya. Ganoon rin kay Eugene. Mamaya ay yayain pa siya nitong bumisita sa magulang o magtanong ito kung bakit hindi siya doon umuuwi. Nagsinungaling siya para sa plano. Alam niyang masama iyon pero handa niyang gawin ang lahat para lang sa pag-ibig ni Eugene.
Hanggang sa ngayon naman ay wala pa rin ipinapakitang sign si Eugene na nakakaalala na ito. Kahit dumaan ito sa mga therapies ay wala pa rin epekto iyon rito. She was still safe. Hindi na muna niya ang iniisip ang mga iyon dahil masaya siya. Ayaw niyang ipagkait sa sarili niya ang saya na iyon. After all, simula nang mawala ito sa buhay niya, ngayon na lang siya naging ganoon kasaya.
Alam niyang mali ang ginagawa niya. Alam rin niya na mali na gustuhin niya na hindi na ito makaalala. Alam kasi niya na kapag nangyari ang araw na iyon ay aanihan niya ang matinding galit nito. Puwede rin siya nitong iwanan sa pangalawang pagkakataon. Iyon ang araw na ayaw niyang dumating muli.
Hindi dapat malaman ni Eugene ang nakaraan. Lalo na ang part na ayaw nitong pakinggan. Ang pinakamasamang parte ng nakaraan na ayaw na niyang balikan...
Ang dahilan ng kanilang paghihiwalayan...