LOVE,
I am sending this letter to tell you that I saw you on the street today. But hey, don’t freak out! I am not stalking. I am just admiring. I saw you wearing that beautiful hanging blouse. With that, I am awed. What a beautiful figure you have, what a waist. I think I can spend a lifetime just watching that one part.
I think circle was found after seeing your waist. I think moon was drawn in the sky after seeing your waist. I think zero was found to measure your waist. You’ve made me understand a lot of secrets just by looking at you. I am so crazy about you.
With Love,
Your Mr. Future
Hindi mapigilan ni Clari na mapangiti nang makatanggap at mabasa na naman ang love letter na galing kay “Mr. Future”. Hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng letter galing dito. Sa tuwina ay kinikilig siya lalo na at ramdam niyang kilala niya kung sino ang nagpapadala noon. Endearment pa lang na gamit nito ay buking na niya ang lalaki. Malaman rin ang mga pinapadalang letters nito. Mukhang matalino ang nagsulat. At sino pa ba ang matalinong lalaki na “crazy” sa kanya? She knew it was Eugene.
Who would have thought that geek like him would create something like this? It was cheesy. It was corny. Iyon rin siguro ang dahilan nito kung bakit hindi nito pinapaalam sa kanya na nagpapadala ito ng love letters. Hindi na lang niya kinokompronta ito dahil naisip niyang baka paraan nito iyon upang “i-spice-up” pa ang relasyon nilang dalawa. Kapag pumupunta siya ng university nila at tinitignan ang taas ng kanyang locker ay nakikita niya roon ang love letter. Alam niyang para sa kanya iyon dahil hindi man nakalagay sa kabubuuan ng sulat ang pangalan niya, nandoon naman iyon sa may envelope.
Sa tingin ni Clari ay isa rin ito sa mga paraan ni Eugene para pansinin niya ito. Ilang araw na kasi niya itong hindi masyadong pinapansin. Malapit na kasi silang mag-sixth monthsary at may hinahanda siyang sorpresa. Dahil ayaw niyang mahalata nito ang excitement niya ay pinili na lang niyang iwasan muna ito. Naramdaman siguro nito ang paglayo ng loob niya kaya bumira na naman ito ng love letter sa kanya. Malamang rin nga ay sinundan siya nito para alamin ang lagay niya dahil na rin sa hindi niya pagpansin rito. Missed na siguro siya nito.
Missed na rin niya ito. At dahil sa love letter na iyon ay nawala na sa isip ang plano niya. Papansinin niya na ito. Kinuha niya ang notebook at pumilas roon ng papel. Gumawa siya ng sulat na nagsasaad na makikipagkita siya rito sa park `di kalayuan sa university nila ng alas-sais ng gabi. Naglagay pa siya roon ng “I Love You” para maramdaman nito na sincere siya sa sinabi niya. Sa tuwina ay sinasagot niya ang mga sulat nito at nilalagay rin sa taas ng locker ang sulat. Nawawala naman ang sulat na sa tingin niya ay nakukuha rin nito. Alam niyang nasa University rin si Eugene ngayon dahil kinakausap ito ng Dean nila bilang siyang mag-i-speech sa Clinical Graduation nila sa isang linggo. Malamang ay madadaanan rin nito ang letter. Nang mailagay na niya roon ang letter ay napansin niyang may nakatingin pala sa kanya. It was Richie.
“Bakla, andiyan ka pala. Anong ginagawa mo diyan, ha? Kanina ka pa hinahanap ng kampon mo. Late ka na sa meeting!”
Napatingin siya sa kanyang relo. Late na nga siya sa once a week meeting nila ng mga officers ng Student Council.
“Ay oo nga! Thanks for reminding,” dahil sa pagmamadali ay iyon na lang ang nasabi niya sa kaibigan. Hindi na rin niya inalintana ang kakaibang tingin nito sa kanya pagkatapos. Nahihiya na kasi siya sa mga officers. Palagi na lang ang mga itong nag-a-adjust sa kanya. Kapag off niya sa duty ay doon sine-set ng mga officers ang every week meeting nila para na rin pagbigyan siya bilang Presidente. Marami ng in-adjust ang mga ito para sa kanya.
Maaga naman natapos ang meeting. Nag-break muna siya bago magpunta sa sinabi niyang usapan nila ni Eugene. Doon rin niya ch-in-eck ang mga messages niya sa cellphone. Nakita niyang may text si Eugene.
“Where are you? Galit ka pa rin ba sa akin? Ano bang ginawa kong masama?”
Napakunot noo si Clari nang mabasa ang text nito. Mukhang hindi nito nabasa ang letter niya. Minabuti na lang niyang sabihin ang tungkol sa pakikipagkita niya rito sa park. She texted him back.
Nang mag-a-alas sais na nang lumabas siya ng university at magpunta sa park. Ang ganda-ganda ng ngiti ni Clari habang naglalakad. Makakasama na niya muli si Eugene. Missed na talaga niya ito. Pero agad na napawi ang ngiti niya na sa halip na si Eugene ang natagpuan niya sa park ay nakita niya roon ang mga kaibigan niya na pinamumunuan ni Richie. May dala pa itong banner na nakalagay na congratulations. Ngunit ang mas ikinagulat ni Clari ay ang makita roon si Gino at may dala pa itong bulaklak para sa kanya.
“Congratulations Clari! We are so happy for you! Mabuti na lang talaga at sinunod mo ang payo namin na si Gino ang gawin mong boyfriend,” tuwang-tuwa pa na wika ni Samantha.
Hindi nakapagsalita si Clari. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Bakit nandito si Gino? Bakit kino-congrats siya ng mga kaibigan niya? At bakit nasabi ng mga ito na boyfriend na niya si Gino?
Unti-unting lumapit kay Clari si Gino. Nanlaki ang kanyang mga mata nang may dala itong box at may laman iyong papel na pamilyar na pamilyar sa kanya. It was her letters!
“I’m Mr. Future, Love. And thank you for finally saying I love you to your latest letter. All I can say is that... I love you more,”
Natutop ni Clari ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala na nagkamali pala siya ng hinala! And she even said her love in her latest letter! She felt horrified. Lalo na nang makita niya si Eugene `di kalayuan sa kanila. Base sa reaksyon ng mukha nito ay mukhang narinig nito ang naging usapan nila. Sobrang dilim ng mukha nito at mukhang masisira yata ang bagang nito sa pagtiim.
“Oh God... No!” ang lakas ng iling ni Clari. Ang bigat-bigat ng loob niya lalo na nang bigla na lang tumakbo palayo si Eugene. She felt like a total fool. Alam niyang nasaktan ito sa maling nakita. Akmang hahabulin siya nito ng pigilan siya ni Richie.
“Ano ka ba, Clari? Nandiyan si Gino sa harap mo! Siya si Mr. Future. Nakita ko siyang kinuha ang love letter na inilagay mo sa taas ng locker mo kanina,” pagkokompronta pa nito.
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ni Richie. Tatakbo sana siya nang mapansin niyang nasa park rin pala ang kapatid na si Lora. Base sa sama ng tingin nito ay mukhang alam na nito ang nangyari. Natakot siya bigla na baka mag-isip na naman ito nang masama and worst, isumbong pa siya sa magulang nila.
Sa pinaghalo-halong emosyon ay napaiyak si Clari at hindi na nahabol pa si Eugene...
“SOMEDAY I would build a castle bigger than that for you,” nangangarap na wika ni Eugene habang pareho silang nakatingin sa loob ng La Virginia Resorts and Hotel sa Lipa City, Batangas. Dahil weekends ay napagpasyahan nilang mamasyal at napunta sila roon. Its a waterpark full of pools and incredible statues. Main attraction roon ang real-life castle na nasa loob rin ng resort. At ngayon ay pareho nilang tinitignan ang kastilyo habang naliligo sa pool na nasa ilalim noon.
“I’m no princess. Hindi mo na kailangan magpaggawa ng ganyan para sa akin,” pagsalansa naman niya sa sinabi nito.
“Yes, you are no princess. Because you are my Queen. The Queen of my heart,” banat naman nito sa kanya. Kinurot niya ito sa tagiliran sa ka-corny-han nito. Natatawa na lumublob ito sa ilalim ng tubig at hinila siya pailalim. Napatili si Clari sa ginawa nito at dahil sa ingay na ginawa niya ay nakaisip naman ito ng paraan para patahimikin siya. He kissed her underwater.
That familiar tingling sensations run in Clari’s veins again. Natahimik nga siya sa ginawa nito at wala ng naggawa pa kundi gumanti sa parusa nito. It was too sweet and passionate she can’t just simply ignore it. His kiss is like a drug. Dahil sa araw-araw na pagbibigay nito noon sa kanya ay naadik na siya roon. She can’t resist it.
Dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang iwan niya ang Cebu at ang trabaho. And she don’t regret anything at all. Clari was very happy being with Eugene. In fact, she was very willing to be with him forever. Even if its a forever full of lies. Hanggang ngayon kasi ay wala pa itong naalala. Pansin niyang hindi naman ito nababahala roon. He never speak anything to him. At kahit alam niyang masama ay nakaramdam siya ng saya roon. Masaya siya na nabubuhay sila sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan.
Nang makatapos libutin ang parte na iyon ng resort at subukang layungan ang mga swimming pools ay napagpasyahan nilang bumalik na sa cottage nila na may kalayuan roon. Ang mga importanteng gamit naman nila ay hindi nila iniwan roon. Kung hindi nila dala sa personal bag na sa tuwina ay nilalagay lang nila sa tabi sa bawat pool na nilulubluban nila ay nasa kotse naman nito ang mga iyon. Tanging mga ginamit lang nila pagluto at sa pagkain ang iniwan nila sa cottage. Mag-a-alas singko na nang makabalik sila sa cottage. Balak sana niyang magpahinga muna nang magyaya si Eugene na mag-zipline. Nagpaunlak na siya lalo na at noon lang niya napansin na hanggang alas singko lang pala iyon.
They ride the zipline in a sitting position way. Medyo kinakabahan kasi siya kung padapang paraan ang pipiliin nilang position kahit kasama niya pa si Eugene. Pumayag naman ito.
“Its really so beautiful,” nawala ang kaba ni Clari nang matanaw ang buong lugar sa papamagitan ng zipline. Medyo mabagal rin ang takbo noon kaya na-appreciate niya ang lugar.
“So are you,” pambobola pa nito sa kanya. Napansin niyang nakatingin ito sa kanya, make her feels that she was the most beautiful and desirable girl in the world.
Two-way ang zipline kaya hindi ito ganoong nakakabitin kahit may kamahalan ang pagsakay sa zipline. Nang nasa pangalawang way na sila ng zipline nang mapansin niyang tila si Eugene naman ang kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganoon samantalang mas mahaba ang naunang zipline kaysa sa pangalawa. Mas mukha rin na safe iyon.
“You seems weird. May problema ba?” hindi na naiwasang itanong ni Clari kay Eugene.
“Kind of. I have a favor to ask,”
“Ano naman `yun?”
“W-will you grow old with me?”
Kumunot ang noo ni Clari. Anong ibig sabihin ni Eugene? Pero agad rin na nag-sink in sa utak niya ang ibig sabihin nito nang may ilabas ito mula sa bulsa. “A-are you asking me to..” hindi na naituloy ni Clari ang sasabihin dahil sa ligayang umaapaw sa dibdib niya. Is all her effort paid of? Hindi siya makapaniwala.
“Marry me, Claribelle Romano,”
“Oh Eugene! Of course you know I will!” hindi na nakapagdalawang isip pa si Clari. She was so happy to think of anything. She let Eugene slip the most beautiful ring she had ever seen in her finger. It was just in time that they reached the end of the zipline. Nagpalakpakan ang mga crew dahil sa nasaksihang proposal.
“I love you Clari. And thank you for accepting my proposal,” akmang hahalikan siya ni Eugene nang biglang sapuin nito ang ulo. Lahat ng nakakalunod na sayang naramdaman niya ay dagling nawala. Hinawakan niya si Eugene at ilang beses na tinanong kung ano ang nararamdaman nito. Pero wala siyang makuhang sagot rito.
“Ahhhh!” parang pinipilit ito sa sakit sa itsura nito. Kulang na lang ay ipukpok nito ang ulo sa semento.
Nagkagulo ang mga crew. Kahit siya ay hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa napansin niyang unti-unti itong pinapawan ng malay. He dropped into her arms.
This time ay si Clari naman ang napasigaw.
“GIRLFRIEND niya ba `yun? Bakit sobrang ganda naman? Hindi sila bagay,”
“Korek. Magaling lang `yang si Eugene pero `di naman guwapo. Pero akalain mo nga naman `yung mga kagaya niya, nagagawa pang tiisin `yung gandang babaeng `yun. Bulag siguro ang babaeng `yun para magpakatanga ng ganyan,”
Hindi binigyang pansin ni Eugene ang mga naririnig na usap-usapan ng mga co-intern nurses niya sa nursing station. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay nakapatay ang music player niya at naririnig niya ang usapan ng mga ito. Break niya nang mga oras na `yun pero dahil wala siyang ganang kumain ay nagpaiwan na lang siya roon. Ang dalawa naman niyang kasama ngayon ay hindi break pero dahil walang ginagawa ay nagtsi-tsismisan na lang. Kanina pa usapan ng mga ito si Clari na kanina pa tinatangkang kausapin siya. Ilang oras na itong nasa lobby ng ospital kung saan siya assigned na mag-intern.
Kanina pa masakit ang ulo ni Eugene. Bukod sa wala siyang wastong tulog kagabi dahil sa masakit na nasaksihan ay nakagdagdag pa roon ang oras-oras na pagtiim ng bagang niya dahil sa mga kasama. Paano kasi ay kanina pa siya hinuhusgahan nito. Kahit ang mga regular nurses ay pinamumukha rin sa kanyang hindi naman daw siya guwapo para magpaguwapo at hindi pansinin si Clari. Lalo lang noong dinadagdagan ang sama ng loob niya. Isama pang ang pagtitiis niyang huwag pansinin ito.
The first time Clari talked to her, she was a mess. Alam niyang kagagawan niya iyon. And he hates it. Pero hindi dapat siya magpaapekto sa nakikitang itsura nito. Mas kasuklam-suklam ang ginagawa nito sa kanya kaysa sa itsura nito ngayon. Masyadong masakit ang mga nalaman niya kahapon at nakakaapekto pa sa kanya ang mga tao sa paligid. Ang sakit-sakit na ng ulo niya sa kakaisip.
Hanggang matapos ang duty niya ay matiyagang inantay pa rin siya ni Clari. Alam niyang um-absent pa ito mula sa duty nito sa ospital. Kahit naghahabol sila pareho ng oras dahil malapit na ang graduation at hindi pa nila tapos ang oras na gugulin para sa kanilang clinical ngayong sem ay sinakripisyo pa rin nito ang isang araw nito para sa kanya. He knew he should appreciate her effort. But pain was already blinding him. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ni Eugene ang nangyari. Nai-insecure rin siya sa mga naririnig sa paligid.
“Makinig ka naman sa paliwanag ko, Eugene...” Clari pleaded until they arrived to the parking lot. Narinig rin niyang humikbi si Clari.
One part of Eugene’s heart melt. Pero pinili niyang magpatatag. “What is there to explain for, Clari? Narinig ko ang lahat. You said I love you to Gino. Fine! Sana lang ay matagal mo ng sinabi sa akin nang hindi naman ako ganoon nabigla. Ang pinakamasakit na parte pa ay talagang pinapunta mo pa ako roon para masaksihan,” pain was all over his voice. He was really hurt. Ang akala niya ay galing lang sa admirer nito ang love letter. `Yun pala ay may nililihim ito sa kanya. Na sinasagot pala nito ang mga sulat.
He felt like a real fool that he didn’t even bother to asks about that letter. Hinayaan niya pang humantong sila sa ganoon. At siya... bakit ba sa talino niya ay hindi siya marunong umintindi? `Di ba’t pinagbantaan na siya ng kaibigan ni Clari na mag-ingat siya at baka masaktan lang siya rito. And it happened.
Masyado siyang nagbulag-bulagan sa damdamin niya. Hindi siya nakinig sa iba. Tama ang mga co-intern niya. Hindi sila bagay. Kailangan na niyang itigil pa ang lahat ng ito.
“Its a mistake, Love. Pakinggan mo---“
“Don’t you dare call me that, Clari! Dahil alam natin na endearment pa lang ay kasinungalingan na ang lahat. There is no love in both of us. Definitely not from you!” he started to open the door of his car. Hindi pa rin ito tumigil. Pinigilan siya ni Clari. Pakiramdam niya ay malapit nang pumutok ang ulo niya sa galit at sakit.
“Ano ka ba, Clari! Bobo ka ba talaga? Bakit ang hirap mong makaintindi? I don’t want to talk to you! Not now and not ever! We are over!” hindi na niya napigilang sabihin.
Shocked was written in all over Clari’s face. “Y-you don’t mean that...”
“Lahat ng lumalabas sa bibig ko ay totoo. `Wag mo akong igaya sa `yo,” seryosong sabi niya. “So if you’ll excuse me.”
Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya tinangkang pigilan ni Clari. Naiwan itong mag-isa sa parking lot. He didn’t bother to look back. Baka kasi kapag nangyari iyon ay magdalawang-isip pa siya. Malaki pa naman ang epekto nito sa kanya. He doesn’t want to melt again. It just gave him an unending pain.