DAHAN-DAHANG iminulat ni Eugene ang kanyang mga mata. His eyes met the whiteness of the room. He realized he was on the hospital. Naramdaman rin niyang may nakahawak sa kanang kamay niya. Napatiim ang mga bagang niya. It was Clari.
Memories flashed again on his mind. Naalala na niya ang lahat. Pati ang mga nangyari pagkatapos ng graduation. They weren’t together. Simula nang graduation ay hindi na siya nagpakita at wala na rin siyang naging balita rito. So why the hell she was with her and pretended to be her girlfriend?
Kaya pala wala pang level-up sa relasyon nila sa kabila ng mga edad. Kaya hindi pa sila kasal o engage man lang. They are over a long time ago. Ang saya-saya siguro nito na napaglaruan siya nito sa pangalawang pagkakataon. At siyang si tanga, inalok pa ng kasal ito! Eugene felt like a total fool. Nagpropose siya kay Clari dahil ang akala niya ay matagal ng sila at talagang nararapat na iyon sae dad nila. Nagpaapekto na naman siya sa nararamdaman niya.
Nakaramdam ng galit si Eugene dahil sa mga naalala. It still seven years and he still feels affected. Pero mas nainis siya hindi dahil sa nalaman niyang panloloko nito, iyon ay dahil after all this time ay may nararamdaman pa rin siya rito.
Eugene still loves Clari.
Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak rin sa kamay niya. Napansin niya ang suot-suot nitong singsing. It fitted perfectly on her. It looked very well. Naalala rin niya ang saya sa mukha ni Clari nang mag-propose siya rito. She seems like she was the happiest girl in the world. Parang ganoon rin ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Pati ngayon ay masaya siya na nasa tabi niya muli ito. Hindi niya nga lang alam kung tama ba talaga na maging masaya siya sa kabila nang mga nalaman.
Maatim ba niyang alisin ang kaligayahang nararamdaman ni Clari ngayon? At paano siya? Would he live on misery again without Clari?
His life became boring again since he decided to left Clari. Nag-ayos siya nang sarili pagkatapos ng paghihiwalay nila pero hindi iyon nakaaapekto nang husto sa kanya. Oo, hindi na lang siya kinilala noon bilang nerd. He have been a heartthrob in the medical school. Kahit ngayon ay ganoon na rin ang tingin sa kanya ng mga tao. Gone was his glasses and braces. Kuminis rin ang mukha niya. He had achieved those by the power of technology. Pero kahit maraming tao na ang pumupuri sa kanya at nagkakagusto, he had never saw anyone like Clari. He never fall in love to anyone except for her.
And now...he was with her. Pinaglaruan na naman siya nito ngayon. Niloko. Pero mas naging mature na siya at hindi niya maikakailang sa bawat kilos at salita nito ay nakita niya ang pagmamahal roon. Inalagaan siya nito. Hindi man niya alam kung ano ang totoong dahilan, ramdam niyang importante siya rito. And the way she accepted her proposal, it was something that is hard to ignore. There were sparks in her eyes. At kapag nagkakatinginan silang dalawa, it seems like there were fireworks between them.
“E-Eugene...” naramdaman yata ni Clari na gising na siya kaya nagising rin ito. “You’re awake! Finally!” akmang tatayo ito para lumabas at tawagin ang mga nurse nang pigilan niya ito.
“I-I’m fine, Clari. Don’t disturb them,”
“Are you sure? Sinabi nila sa akin na once na magising ka ay tawagin ko sila...”
Umiling siya. “You can do that later. Right now, I-I just want to hold you,” hinawakan niya ang kamay ni Clari. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. He should be mad right now. But being mad with Clari doesn’t seem right. Kapag nagalit siya rito, alam niyang hindi na naman niya mapipigilan ang sarili niya na palayuin na naman ito. Ayaw niyang mangyari muli iyon. Ayaw niyang bumalik muli sa dating Eugene na parang gumagalaw lang na isang robot.
Napansin niyang sandaling nag-alinlangan si Clari. Pero sa huli ay willing rin nito na ibinigay ang kamay. Niyakap rin siya nito. It felt like coming home. Maatim ba niyang magalit pa kay Clari kung ganoong klaseng saya naman ang nararamdaman niya kapag narito ito sa tabi niya? Maya-maya pa ay naramdaman niyang may tumulong luha mula rito. Tumulo iyon sa hospital dress niya.
“C-Clari, why?” `di napigilang tanong ni Eugene. Kumalas siya sa pagkakayakap nito.
“Tears of joy. You made me really worried, Eugene. I am glad that you are okay now,”
Hinawakan niya ang pisngi nito. Pinahid ang mga luha. “Hush now. I am safe. Magpapakasal pa kaya tayo,”
Tinignan ni Eugene ang singsing sa mga kamay nito. Ganoon rin si Clari. Pinahid rin nito ang mga luha. Tumango-tango ito. “Right. Magpapakasal pa tayo kaya `di ka puwedeng mawala muli sa buhay ko,”
He smiled. He felt the same way too. Ayaw niyang mawala muli sa buhay niya si Clari sa kabila ng lahat. “How’s the ring? Do you like it?”
“Its perfect, Eugene. Thank you for it,” sincere na sincere pa na sabi nito. Happiness overflowed her beautiful face again.
“You’re welcome. Can I have my thank you gift now?”
“Thank you gift?”
“How about to get my delayed kiss?” hindi pa man ito nakakasagot ay inunahan na niya ito. He kissed her passionately. Deeply. She even responded to it. Lalo lang `yung nagpalalim sa dahilan kung bakit hindi niya maggawang komprontahin ito sa lahat. Alam kasi ni Eugene na kapag ginawa niya iyon ay maari pang magulo ang maganda na nilang relasyon. The memories would create a big scratch in the beautiful thing they have now. Para ngang mas gusto niya pang hindi na lang niya naalala ang lahat. Pakiramdam kasi niya ay mas sumama pa ang mga bagay tungkol sa kanya ngayon kaysa noong wala pa ang mga nakaraang alaala.
Pero hindi naman niya puwedeng balewalain ang lahat. Gusto rin niyang malaman ang katotohanan kung bakit siya nito inaalagaan. Kung bakit ito nasa tabi niya. Sinusubaybayan ba nito ang buhay niya? Gusto niya itong tanungin pero ibig sabihin lang noon ay kailangan niyang sabihin rito ang tungkol sa pagbalik ng alaala niya.
Sa ngayon ay nagpasya muna si Eugene na huwag ipaalam kay Clari ang nangyari. Makakagulo lang iyon sa sitwasyon. Hindi pa rin kasi siya sigurado kung tama bang sundin niya ang nararamdaman niya. May takot pa rin kasi sa puso niya na kagaya ng nakaraan ay saktan ulit siya nito. Ayaw niyang maulit muli iyon. May pag-asa kasing niloloko lang siya nito muli. Paano kung palabas lang pala ang lahat? Na kaya lang ito bumalik sa buhay niya ay may nagbayad dito dahil ito lang ang naaalala niya? Ganoon ang madalas na nangyayari sa mga teleserye. Binabayaran ang mga bida babae para lumapit o kaya ay lumayo sa hero ng mga ito. But one thing is for sure right now. Eugene would enjoy this wonderful experience with Clari. Hahayaan na muna niya ang nakaraan tutal ay nasa kasalukuyan naman sila ngayon.
Mag-aalas nuwebe ng umaga nang pauwiin niya muna si Clari para kumuha ng gamit nito. Nalaman kasi niyang wala man lang itong kagamit-gamit dahil sa diretsong pagpunta nila sa ospital simula nang nangyari. Pinasundo niya ito sa family driver nila na siya rin kumuha ng kotse niya na naiwan sa resort. Babalik rin ito pagkatapos. Kaya na naman niya ang sarili at may mga nurse naman siyang puwedeng tawagin in case na may mangyaring kakaiba o masama sa kanya. Sa ngayon ay ayos na siya.
Pagkaalis ni Clari ay kinuha niya ang cellphone. Hinanap niya roon ang numero ng babaeng alam niyang puwedeng makasagot sa katanungan niya kung bakit biglang sumulpot si Clari sa buhay niya.
Tinawagan niya ang kanyang ina.
NAPANGITI si Clari nang sa wakas ay may relo rin na umagaw ng atensyon niya. Isang oras na siyang nagpapalibot-libot sa mall na iyon para humanap nang maireregalo kay Eugene. Birthday ngayon ng fiance niya at gusto niya itong bigyan ng regalo. Dahil napansin niyang wala itong relo ay iyon ang naisip niyang iregalo para rito. Nahirapan nga lang siya dahil wala siyang makita na relong babagay rito until she saw that stylish mens Bulova marine star watch. May kamahalan ang relo pero kahit ganoon ay handa siyang gumastos dahil nagustuhan niya iyon. After all ay para kay Eugene naman ang relo. Para iyon sa taong mahal niya. He was worth everything.
May ipon si Clari kaya kahit gusto ni Eugene na i-provide ang mga kailangan niya habang nandoon siya sa Maynila ay hindi niya pinipilit ito. Hindi rin naman kasi siya magastos at bihira lang din siyang lumabas. Kapag lumalabas pa siya ay kasama niya pa ito at libre nito ang lahat. Ngayon lang siya lumabas nang hindi ito kasama at hindi rin nito alam para masurpresa niya ito sa birthday nito. Bukod sa regalo ay balak niyang magluto ng masarap na dinner at mag-bake ng cake. Pagkatapos niyang mabili ang relo ay pumunta na siya sa Supermarket.
Mag-a-ala una na nang matapos siya sa pamimili kaya napagdesisyon na ni Clari na kumain. Papunta na siya sa restaurant na napili nang may isang taong tila sinasadyang banggain siya. Muntik nang malaglag ang mga ipinamili niya dahil rito. Nang mag-angat siya nang tingin ay sinalubong siya nang napakagandang ngiti nito.
“Seems like Destiny wants to meet us again, Nurse Clari,”
Na-recognize naman agad ni Clari ang lalaki. It was Doctor Patrick---ang nanliligaw sa kanyang Doctor noong nasa Cebu pa siya.
“Oh, Hello Doc. Nandito ka pala sa Manila ngayon,” bati naman niya.
“Yeah. Actually, I am here for good. Dito na ako sa Manila nagtatrabaho ngayon,” pagkukuwento pa nito sa kanya.
“Really? Bakit naman?”
“Hmmm... Well, I heard that you moved here already. That is why,” ngiti-ngiti pang sabi nito.
“Doc...”
Tumawa ito. “`Di ko naman talaga expected na magkikita tayo rito and its just a half-meant joke. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong dahilan pa para manatili sa ospital sa Cebu dahil wala ka na roon. But I’m glad we have met again,” tumingin ito sa relo nito. “Anyway, kumain ka na ba? Can I invite you for a late lunch?”
Sandaling nagdalawang-isip si Clari. Wala naman sigurong masama kung kakain siya kasama si Doctor Patrick. Alam niyang may gusto ito sa kanya pero harmless naman ito. Isa pa ay kakain naman talaga siya at hindi naman masayang kumain na walang kasama. Nagpaunlak na siya sa gusto nito.
Habang kumakain si Clari ay napansin niyang parang hindi makakain si Doc Patrick dahil sa kakatitig sa kanya. Nailang siya kaya nagtanong na siya rito. Tumigil siya sa pagkain. “May problema ba, Doc?”
Umiling ito saka ngumiti. “I’m just admiring your beauty, Clari. Lalo kang gumanda ngayon,” hinawakan pa nito ang kamay niya. “I really like you. Puwede bang bigyan mo ulit ako ng chance? I want to be with you again,”
Hindi agad nabawi ni Clari ang kamay niya. Pinakiramdaman niya kung ano ang feeling ng kamay ni Doc Patrick at ng kay Eugene. Napakalayo ng diperensya noon. When Eugene held her hand, she always felt like it was the most wonderful feeling in the world. Ang kay Doctor Patrick naman ay tila simpleng pagdadait lang ng mga kamay. Walang kakaiba, wala siyang maramdaman.
“I’m sorry, Doc. But I am already engaged now,” ipinakita niya rito ang singsing na suot niya.
Tinanggal ni Doc Patrick ang mga kamay nito. “What? Oh, Clari.... I’m sorry. I didn’t knew,”
“Its okay. It was my mistake dahil hindi ko agad sinabi sa `yo,”
“S-so totoo pala na kaya ka lumipat dito sa Manila dahil sa kanya? And you are lucky to be engaged with him,”
Tumango si Clari. Ikinuwento niya kay Doctor Patrick ang mga nangyari. Mukhang masaya naman ito para sa kanya. Masaya rin si Clari na natanggap rin nito agad ang lahat. She wished him happiness before they went apart.
Mag-aalas tres na nang hapon nang makauwi si Clari ng bahay. Napahaba kasi ang kuwentuhan nila ni Doc Patrick. Napakunot noo pa siya nang mapansing nasa garahe ang kotse ni Eugene. Nanlumo siya nang maisip na hindi na pala niya masusurpresa ito ng masarap na dinner dahil naunahan siya nitong makauwi. Nang makapasok siya ay sinabihan siya ng mayordoma ng bahay na pumunta sa Study Room. Gusto daw siyang makausap ni Eugene.
Inilagay muna ni Clari ang mga ipinamili sa kusina pagkatapos ay umakyat sa Study Room. Madilim roon dahil palaging gusto ni Eugene na sarado ang mga bintana at nakatabing ang mga kurtina kapag naroon ito. Hindi daw kasi ito komportable sa sikat ng araw kapag may pinag-aaralan.
Malaki ang study pero hindi naman nahirapan si Clari na hanapin si Eugene. Nakatayo ito sa paborito nitong lamesa habang nakatiim-bagang na nakatingin sa kanya. He looked really mad. Kinabahan si Clari. Bakit ganoon ang reaksyon ni Eugene? Galit ba ito sa kanya? Naalala na ba nito ang lahat kaya ganoon na lang ang salubong nito sa kanya? Sa kabila kasi ng nangyari sa La Virginia ay tila wala pa rin epekto iyon rito. He still didn’t gain his memory...
But now...
Nakagat ni Clari ang labi niya. Huminga siya nang malalim at sinubukang salubungin ang tingin nito. She didn’t want this scene to happen but its already happening. Kailangan niyang maging matatag kagaya ng maraming nakakilala sa kanya. Kailangan niyang harapin ang katotohanan. Akmang magsasalita na sana si Clari nang mapansin na may LCD sa likod nito at may naka-flash roon na malaking picture. It wasn’t about his lost memory.
Ang picture ay kinuhanan kani-kanina lang. When Doctor Patrick held her hand in the restaurant.
Nahuli siya ni Eugene.
“I’M GIVING you a minute to explain this picture to me,” dumagundong ang boses ni Eugene sa loob ng Study Room dahil sa galit. He can’t help it. He was in rage. Paano naggawa ni Clari na magtaksil ulit sa kanya? At talagang palagi na lang maganda ang timing nito. Ngayon ay sa kaarawan niya pa. They should celebrate and love. Not hate each other. Or maybe on his part.
Hindi naman talaga dapat maagang uuwi ngayon si Eugene pero dahil sa nakita niya sa mall ay nagdesisyon siyang i-cancel ang lahat ng appointments niya ngayong hapon. He had a lunch meeting outside with one of his business colleagues and he accidentally saw Clari eating at a restaurant with that guy before he went out. Nabulag agad siya nang selos sa nakita. Lalo na nang makita niyang magkahawak kamay ang mga ito. And worst, hindi lang sandali iyon! He was furious as hell.
Eugene wanted to confront Clari. Pero pinigilan niya ang sarili niya dahil kapag kinaladkad niya ito sa loob ng restaurant ay siguradong magiging malaking eskandalo iyon. He doesn’t want to be in that situation. Kaya sa halip na gawin iyon ay pasimpleng kinuhanan na lang niya ito ng litrato at hinintay na makarating para komprontahin ito ng sarilinan.
“Eugene, it is all a mistake. Kung iniisip mo na may relasyon kami ng lalaking `yan, nagkakamali ka. Doctor siya sa ospital na pinagtatrabahuhan ko sa Cebu. He just happens to be one of my friends. And well, one of my admirers. Pero hanggang doon lang `yun. Walang ibig sabihin ang paghawak niya ng kamay ko. Aaminin ko, he wanted to pursue me but I didn’t allow him, too. We are engaged. And I don’t feel anything for him.”
Matamang tinitigan ni Eugene si Clari. `Di alam kung papakinggan ba niya ang paliwanag nito.
“You went to the mall without telling me. Bakit? Puwede kong i-assume na talagang sinadya mo ang lahat ng `yun. Na nakipagkita ka talaga sadya sa kanya. Explain that to me, too,”
Napansin ni Eugene na tila nalito si Clari sa sinabi niya. Hindi agad ito nakapagsalita.
“W-well I just---“
“Tell me the truth, Clari. I don’t want to live with your lies anymore. Masyado nang marami at kung gagawin mo pa ulit iyon ngayon, I won’t be responsible with my actions,”
Kumunot ang noo ni Clari. “Lies? Anong ibig mong sabihin? Y-you mean?” natutop nito ang bibig.
“Yes, Clari. Nakakaalala na ako. I know that you are just a great pretender,” pag-amin na ni Eugene.
“K-kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Because I thought you have changed. Na sa kabila ng mga pagpapanggap mo ay may nararamdaman ka pa rin sa akin. I am learning to accept it because I don’t want to live in misery again. I want you to be with me even if I am not sure what is holding you into entering my life again. Wala, eh. Mahal pa rin kita sa kabila ng lahat. I didn’t regret all the things I have done when my memory is lost and gain it back again because after all this years, I still feel something for you. Hinayaan ko ang lahat ang nakaraan dahil para sa akin ay mas importante ang sa ngayon. But with the picture I saw, it seems I am a fool again. Mali pala ako ng isipin ko na kaya ka bumalik sa buhay ko ay dahil ganoon rin ang nararamdaman mo.
“Those actions, God! How did you come up with it? Ang galing mong umarte. Napaniwala mo ako na mahal mo talaga ako. Pero ano ang nakita ko? Bakit hindi mo masabi sa akin ang tunay na dahilan ng pagpunta mo sa mall? You can really tell me kung siya nga ba ang boyfriend mo bago ako. Wala naman akong magagawa doon dahil siya ang nauna. Pero sana `wag mo akong binulag ng actions mo. Ayaw ko sa lahat ay ang mga sinungaling na palagi mong ipinapakita sa akin!” halos humihingal na siya sa tuloy-tuloy na pagsasalita.
Isang naniningkit na tingin naman ang isinukli sa kanya ni Clari. “For a genius like you, I can’t believe na ikaw ang pinakamahirap umintindi sa atin! At napaka-immature mo pa! Akala ko nagbago ka na kasi binigyan mo ako ngayon ng oras para mag-explain. But damn it! `Di mo pinaniwalaan. Ano bang gusto mong patunguhan, Eugene? Sasabihin mo na mahal mo ako sa kabila ng mga nangyari pero hinayaan mong magpabulag sa mga nakita mo? You didn’t even hear out my explanation. Nag-stutter lang ako saglit, may sinabi ka na agad!
“Then now, you accused me of being a liar when you are the one who is it! Hindi mo sinabi sa akin na nakakaalala ka na pala. Oo na, sige na. Sinungaling rin ako. Pero ginawa ko ang pagpapanggap na `yun dahil mahal kita! Na gusto kong bumalik muli sa buhay mo kaya kahit alam kong kakainin ko ang galit mo kapag nakaalala ka na, I take the risk. Because I have given the second chance to be with you again. I don’t want to blew it away. Kahit ang mga magulang ko na hindi naman talaga totoong nasa Davao ay tiniis ko dahil alam kong kapag nalaman nila ang plano ko ay puwede nila akong pigilan. Iniwan ko ang trabaho ko sa Cebu kahit alam kong mahihirapan muli akong humanap para lamang sa `yo. Alam mo kung bakit? Its because I have given the second chance to be with you again. I don’t want to blew it away. Pero sinayang mo lang ang lahat ng paghihirap ko. Sinayang mo lang ang lahat ng pagtitiis kong malagay sa alanganin para sa `yo dahil lang diyan sa pagseselos mo! Sa pagiging makitid ng utak mo!
Dinuro pa siya ni Clari. Kung kanina ay siya ang galit ngayon ay ito na ang sumabog sa galit. Hindi makapagsalita si Eugene dahil sa mga sinabi nito. Masyado siyang na-shock dahil kahit na tinangka niyang tawagan ang kanyang ina para sa totoong pakay sa kanya ni Clari ay wala siyang napala. Wala pala kasi ito sa Pilipinas at hindi niya alam kung paano ito ko-contact-in sa ibang bansa kaya hindi niya ito natanong. Ngayon niya lang nalaman ang mga tunay na dahilan ni Clari. His heart melt. Pero kay Clari naman ang tila naging matigas.
“Ang dami-dami ko ng isinakripisyo para sa pag-ibig ko sa `yo. Ewan ko ba kung bakit ikaw pa rin ang iniibig ko sa kabila ng lahat. Ganoon ba talaga ang epekto ng first love? Highschool pa lang tayo at malamang ay hindi mo pa ako kilala noon ay crush na kita. Nag BS nursing ako para makita at makasama ka kahit hindi ko naman talaga iyon gusto. Tiniis ko ang mga pangungutya sa akin ng mga kaklase ko noon nang inaakala lang nila na nobyo kita dahil mahal kita. I’ve been through a lot just because of you pero naggawa mo pa rin akong saktan. At ngayon ay akusahan. Ang sakit, Eugene. You don’t know what I have been through. If I didn’t care about you, I wouldn’t put up with all the shit you put me through,
“Gusto mong malaman ang totoong dahilan kung bakit ako nagpunta sa mall ng hindi sinasabi sa `yo? Fine! Its because I bought a gift for you!” may inilabas pa ito mula sa bag nito. “I wanted to surprise you for your birthday. Then I have bumped with Doc Patrick. `Yun lang `yun! But you didn’t even bother to hear,”
Pagkatapos noon ay patakbong umalis ito sa loob ng Study Room. Gusto sana niyang habulin ito pero parang idinikit ang kanyang mga mata sa sahig. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Nagulat siya sa mga pinagsasabi nito pati na rin sa tinig na ginamit nito. Noon lang siya pinagsalitaan nito ng ganoon. Clari must be really mad and hurt. Nanlumo siya nang ma-realize kung ano ang ginawa niya. Masyado siyang nabulag sa nakita niya at akala niya pang pagsisinungaling nito.
He blamed himself for having a doomed birthday. Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Nag-isip siya sandali saka nagdesisyon na habulin si Clari kung saan man ito nagtungo. Pero bago pa niya maggawa iyon ay may tumawag sa cellphone niya. It was his mom. Kinausap niya muna ito and made her explain everything.
Then he realized, the situation became worse. Mas lalo siyang nakonsensya sa mga ginawa niya. Hindi lang sa mga nangyari kanina kundi pati na rin ang mga ginawa niya pitong taon na ang nakaraan.
As a geek, Clari was his bittersweet failure.