Belle Trilogy Chapter 8

“ANAK, wala ka ba talagang balak labasin si Eugene? Aba, baka hinahamog na `yun sa labas,”

Napaingos lang si Clari sa sinabi ng kanyang Mama. Pangalawang araw na siyang sinusuyo ni Eugene pero sa tuwina ay hindi niya pinapansin ito. Masyado na siyang nasaktan sa pinag-aakusa nito sa kanya. Siguro naman ay oras na para naman siya ang magalit rito. Marami na itong ginawang kasalanan sa kanya hindi lang noong nangyari sa birthday nito, pati na rin pitong taon na ang nakararaan. Masyado nang masakit ang lahat kahit mahal na mahal niya ito. Kailangan muna niya ng oras para mag-isip. Pero si Eugene ay ayaw siyang pagbigyan sa gusto niya. Patuloy ito sa panunuyo sa kanya.

Makatapos ng birthday nito ay umalis siya ng bahay nito at tumuloy sa mga magulang niya. Umiiyak siyang bumalik sa mga ito. And its all because of Eugene. Naintindihan naman agad ng mga magulang ang nangyari. Ang akala niya ay magagalit ang mga ito sa ginawa niya pero naintindihan ng mga ito iyon. Parte daw iyon ng nagmamahal. Ang hindi nga lang niya maintindihan ay kung bakit sa dami ng sinabi niyang sakit sa mga ito ay hindi pa rin tinataboy ng mga ito si Eugene.

“I don’t want to see him, Ma,” pagmamatigas niya.

“Pero Anak, dalawang araw na siyang nandiyan. Halos hindi umaalis. Alam kong nasasaktan ka pero kausapin mo naman siya. Malay mo ay magkaayos kayo kapag ginawa mo `yun,”

“Sino ba ang anak niyo, Mama? Ako o si Eugene? Bakit parang mas kinakampihan niyo siya?” nagtatampong sabi ni Clari.

“Siyempre ikaw. Pero siya ang kaligayahan mo kaya kailangan ko rin siyang kampihan,” pagtatanggol ng Mama niya. “Ayaw ko lang na bulagin ka ng mga sakit, Anak. It is part of love. Alam kong galit ka ngayon pero sana ay `wag mo ng patagalin iyon. Hindi lang kasi si Eugene ang nasasaktan kundi pati ikaw rin. You are not forgiving him. Hindi ba kapag nagmamahal ay nagpapatawad? Bakit hindi ikaw?”

Bumuntong-hininga si Clari. Alam niyang pati siya ay parang nagiging immature na rin sa ginagawa pero gusto niyang madala si Eugene sa ginawa nito sa kanya. Ito naman dapat ang mag-effort ngayon. Hindi na lang palaging siya. Napakatagal niyang nagtiis para rito.

Tumingin si Clari sa bintana. Doon ay natanaw niya si Eugene na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa bahay nila. Nagtatangka itong pumasok pero dahil sinasabihan niya ang mga magulang na huwag itong i-entertain ay hanggang sa labas lang ito. Nang mapansin nitong tumingin siya sa gawi nito ay napatingin rin ito sa kanya. Their eyes met. Hindi niya maiwasang pansinin ang namayat na itsura nito. He looked like a mess, too. Parang may kumurot sa puso ni Clari sa isipin na siya ang gumawa noon. Para rin gusto na niyang lumabas at kausapin ito. Pero pinilit niyang patatagin ang damdamin.

Tumalikod si Clari at tinignan ang ina. “Ayaw ko lang na magsisi ka sa huli kapag nagsawa na sa panunuyo sa `yo si Eugene. Hindi lahat ng lalaki ay matiyaga, Anak,” iyon ang huling sinabi ng kanyang Mommy bago ito umalis sa kuwarto niya.

Napaisip si Clari. Paano kung hindi kumagat si Eugene sa mga kaartehan niya? Maatim ba niyang mawala muli ito sa kanya sa pangatlong pagkakataon?

Napabuntong-hininga muli siya. She grabbed her cellphone and texted Eugene.

NAASAR si Clari hindi dahil ilang araw na siyang hindi pinapansin ni Eugene kundi sa sarili niya. Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi ba’t siya ang nagsabi sa nobyo na bigyan muna siya nito ng space para makapag-isip? Pero ito siya ngayon sa kuwarto niya at buwisit na buwisit. Nagmumukmok siya dahil hindi man lang siya nito bigyan ng simpleng “Good Morning” upang pampaganda man lang kahit kaunti sa araw niya. Ginusto naman niya na `wag muna silang magpansinan pero pakiramdam niya ay sumobra naman. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Bumangon siya na ganoon pa rin ang anyo. Alam niyang nahahalata na ng parents niya ang mga nararamdaman niya. Tatlong araw na makatapos nang huling bisita ni Eugene at i-text niya na gusto muna niyang humingi ng space. Pumayag ito. Sinunod siya nito pero bakit ngayon ay tila hirap na hirap naman siya roon. Naupo siya sa lamesa.

“Agang-aga, ang sama ng mukha ng panganay ko, ah,” puna ng ama niya. Nagbabasa ito ng diyaryo kanina pero nang makita siya ay ibinaba nito iyon.

“Nai-stress lang ako, Dad,” pagdadahilan niya. Nai-stress lang ako sa pag-iinarte ko, gusto sana niyang idugtong.

“`Kuh, sabihin mo lang ay nami-miss mo na si Eugene,” pang-aasar pa ng Mama niya.

“Mama...”

Ngumiti sa kanya ang Mama niya. “Hindi mo na ba kaya? Bakit hindi ikaw ang unang gumawa ng move tutal ay ikaw naman ang unang nag-suggest kay Eugene niyan?”

Matagal na hindi nagsalita si Clari. Nag-isip siya. Ano ba ang nangyari nang mga nakaraang araw? Nakapag-isip ba siya? Pakiramdam niya ay nag-inarte lang siya dahil sa loob-loob naman niya ay mahal niya si Eugene. Hindi niya kayang mawala ito. Gusto lang niyang magpalipas ng sama ng loob.

Tumango si Clari, sumang-ayon sa sinabi ng ina. Pero kumain muna siya bago niya t-in-ext si Eugene. Tinanong niya kung nasaan ito.

“St. Alexander’s Hospital,” tugon naman nito sa text niya.

Napakunot noo si Clari. Bakit nasa ospital si Eugene? Doctor ito pero hindi naman nito ginagamit ang specializations nito sa ospital. He managed their pharmaceutical company. Kinabahan si Clari nang biglang may maisip.

Kaya ba ilang araw itong hindi nga nagparamdam sa kanya ay dahil naospital ito? Naalala niya nang gabing t-in-ext niya ito. Nag-aantay ito sa labas ng bahay nila at umulan ng gabing iyon. Hindi naman niya natignan kung nag-antay pa rin ba ito nang simula nang umulan. Hindi kaya nang dahil doon kaya ito nasa ospital ngayon? Sa isiping iyon ay naibagsak ni Clari ang cellphone.

“Anak? What’s wrong?” halos sabay pang sabi ng kanyang mga magulang. Pero hindi pinansin ni Clari iyon. Dali-daling kinuha niya ang wallet at lumabas ng bahay. Pinara agad niya ang unang taxi na dumaan sa harap ng bahay nila. Sakto namang dumaan ito nang lumabas siya. Halos sabihan na niya ang driver na paliparin ang taxi papunta sa sinabi nitong ospital. Nang makarating siya roon ay hinihingal pa niyang tinanong ang receptionist.

“Patient?” nagkatinginan pa ang dalawang babae na nasa information desk. Binulungan naman ito nang isa at sinamahan siya kung nasaan si Eugene. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa takot. Bakit kailangan pa siyang samahan ng receptionist sa lugar kung nasaan si Eugene? Madalas ay sinasabi lang naman ng mga ito ang room number ng pasyente.

“Nandiyan po si Sir Eugene, Ma’am,” wika pa ng babae sa kanya nang makarating sila sa fifth floor ng ospital. Ang unang tumambad na pinto mula sa elevator ang itinuro nito.

Tumango siya. Binuksan niya ang pinto. Hindi na siya nag-abala pang tignan kung ano ang pangalan ng kuwartong iyon o kung may nakalagay man sa harap ng pinto. Sa gulat ni Clari ay tumambad sa kanya si Eugene at may kausap pa itong lalaki. Mukhang seryoso ang usapan ng mga ito at naistorbo niya ang mga ito sa pagdating niya.

“Clari? What are you doing here?” kunot noong sabi ni Eugene sa kanya.

Nakagat ni Clari ang labi niya. Hindi siya nakapagsalita. Pinaglipat niya ang tingin kay Eugene at sa lalaking kausap nito. Mukhang hindi naman galit ang lalaki sa ginawa niya pero parang kinakain siya ng hiya sa ginawang basta na lang pagpasok. Sa naramdamang pagkalito ay basta na lang napatakbo si Clari sa labas ng kuwarto. Hinabol naman siya ni Eugene.

“I’m sorry. Masyado akong nag-alala. Hindi ko man lang tinignan kung anong room `yung napasok ko. I’m really sorry,” pulang-pula na wika ni Clari.

“Don’t bother. Ipapa-schedule ko na lang next time ang interview. Ang mahalaga ay nagpakita ka muli sa akin and what did you say? You are worried about me?” naglaro ang mga ngiti sa labi ni Eugene.

Tumango si Clari. “You said you are in the hospital. Nag-isip ako ng kung ano. Ilang araw ka ba naman kasing hindi talaga nagparamdam talaga sa akin. Naisip ko na baka kaya talagang ganoon ay dahil may sakit ka at hindi mo na ulit ako maasikaso kagaya ng dati,”

Namilog ang mga mata nito. “You wish for it,”

“And its my mistake for wishing. Na-realize ko na hindi ko pala talaga kayang magka-space sa pagitan natin. I can’t lose you,”

“And so am I. Kaya sinunod ko nang husto ang utos mo kahit nahihirapan rin ako. I thought it was for good. Ayaw ko namang tuluyan na mainis ka sa akin kung ipagpapatuloy ko pa rin ang pamimilit. But I missed you everyday, Clari. And I am really glad that you are in my arms again,” niyakap siya ni Eugene.

Ginantihan rin niya ito ng yakap. “Ako rin. I’m sorry, Eugene. Sobrang nasaktan lang talaga ako kaya nagtampo at nag-inarte ako sa `yo. You made me mad,”

“And I am sorry, too. Masyado akong nabulag ng mga pagseselos ko. Kagaya ng dati ay hindi pa rin nawawala ang takot na mangyari ang nakaraan. At napakatanga ko para isipin na puwedeng mangyari na lokohin mo ako kagaya noon. Dahil wala naman talagang panlolokong nangyari...” ikinuwento ni Eugene ang nalaman tungkol sa Mommy nito. Naikuwento kasi ni Clari sa Mommy nito ang tungkol sa totoong nangyari sa nakaraan.

“For a geek like you, hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng observation mo ay nagbigay ka na agad ng conclusion,” nakalabing wika niya.

“It is because I am blinded by the pain. Marami akong naramdamang sakit bago pa iyon dahil sa mga magulang ko. Mahirap para sa akin ang magtiwala. I gave that to you. Binigyan kita ng chance pero pakiramdam ko noon ay sinira mo lang ang lahat. Masyado akong nasaktan at nagdamdam sa nakita ko to the point na ni hindi man lang kita binagyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Naghinala agad ako. Isama pa roon na masyado akong na-insecure. Lahat ng mga tao ay tila dina-down ako na hindi tayo bagay and so on. It adds the pain and it hurts more. Nang dahil sa mga iyon ay nakagawa ako nang isang desisyon na talagang pinagsisihan ko. I lost you,

“My life had never been the same again. I became the boring man again. Walang light, walang spark. Mas lalo rin akong nahirapan na magtiwala sa ibang tao. Pati ang Mommy ay hirap din akong patawarin ng bumalik siya dahil ayaw ko ng magtiwala. Natakot na akong mapalapit sa iba kahit na ba sariling dugo niya ako. Masyado na akong maraming pinagdaanang masakit to come with that point. Iniwan ako ng Mommy ko sa Daddy ko. Naisip ko rin noon na baka nga destined kaming iwan ng Daddy ko nang mga mahal namin dahil may mali sa amin. I don’t want that to happen kaya inilayo ko ang sarili ko sa lahat ng tao. I’ve never been with someone except for you. At hindi lang `yun dahil sa mga dahilang `yan. Ikaw lang kasi ang natatanging babae na nagpabigay sa akin ng ganitong damdamin,”

“We are the same. I have never been with someone except for you. There were admirers pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maggawang mapalapit sa kanila dahil ikaw lang ang natatanging iniibig ng puso ko,”

Hinawakan nito ang mga pisngi niya. “We are like magnets. Ako ang negative at ikaw naman ang positive. Sa kabila ng mga naggawa kong kasalanan sa `yo, you still remain to be there and still think of the possibility of being with me. And no matter how much I run away from you, I always end up being attached to you,”

“I love you. And I’m not gonna stop loving you no matter how hard you push me away,”

Clari kissed Eugene. He kissed him back. Naputol ang moment nila nang may marinig silang tikhim sa likod. Namumulang napatigil siya at si Eugene. Napakamot pa ito sa ulo.

“Done already?” nakangiti pero nakataas ang kilay na wika ng lalaking kausap ni Eugene kanina. Nakalimutan na nilang pareho iyon.

“I’m sorry, Sir. Masyado lang po kaming nadala sa damdamin ng isa’t isa. I would understand if you would decline my application,”

Ngumiti ito. “Don’t worry, I will still hire you,”

Nagulat si Eugene. “I’m hired?”

Tumango ang lalaki saka umalis na lang basta sa harapan nila. Siya naman ang napakunot noo sa nakita. “Ano `yun?”

“Well, nag-a-apply ako bilang resident Doctor ng ospital na ito. I think its time to use my specialization in the real field I should. Nandito ka na kasi ulit,”

Tumaas ang kilay niya. “Pero paano ang family business niyo? Saka bakit dahil sa akin?”

“I let Mom handle our business. I think its time to trust her for that. Isa pa ay tutulung-tulungan ko pa rin naman siya time to time. And I want to be a Doctor again because of what I promised to you when we are in college, right? That I’ll be the Doctor and you are my nurse,”

“P-Pero this is a high class hospital. Hindi ako matatanggap dito,”

“Its okay. Puwede naman nating baguhin. How about I am the Doctor and you’ll be the Doctor’s wife?” ngiti-ngiti ito.

Pinindot ni Clari ang ilong nito. Of course she would gladly like that idea. Pareho silang napatingin sa singsing na suot niya. Hinawakan nito ang kamay niya. “I can’t wait to get married to you and start our forever,”

Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito. Inilabas nito iyon at napansin niyang napakunot noo ito bago sagutin ang tawag. “Sino `yan?”

“Its your parents,” sinagot nito ang tawag. Mas lalong lumaki ang kunot ng noo ni Eugene habang nakikinig sa sinasabi ng magulang niya sa cellphone. Nang matapos ang tawag ay hinawakan nito ang kamay niya at kulang na lang ay hilahin siya habang tumatakbo papunta sa elevator.

“Anong nangyari?”

“Lora is back. Isinugod siya rito sa ospital. Nandito ang parents mo ngayon,”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.