“Magugulat ka na lang sa mga malalaman mo. Ang mga akala mong kwento iyon pala ang totoo pero ang inaakala mong totoo ay iyon pala ang kwento lang,” paliwanag nito.
Iniikot niya ang mata sa paligid. Puro puno lang at mga halaman ang nakikita niya. "Ang ganda dito lalo na siguro kapag umaga. Sayang hindi ko makikita,” malungkot niyang sabi. Pakiramdam niya ay nasa South Pole siya kung saan anim na buwan niyang hindi makikita ang pagsikat ng araw. Kusa siyang inaantok kapag papasikat na ang araw.
"Makikita mo rin iyon. Mabilis na lilipas ang anim na buwan. Makikita mo ulit ang pagsikat ng araw. Mas magiging normal na ang lahat."
"Sana nga." Gusto ko na rin bumalik sa tunay na mundo. Pakiramdam kasi niya ay isang magandang panaginip lang ang lahat sa lugar na iyon. Malayo sa realidad. "Ano pang pwede kong gawin dito?"
"May hot spring dito at maganda doon kahit na gabi. Isa iyon sa dinadayo dito."
"Iyon ang naririnig kong lumalagaslas na tubig nang nakaraang gabi."
Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa hot spring. Dumaan sila sa mga pathwalk sa gitna ng gubat. "Pakiramdam ko may haharang na lang sa ating aswang o kapre dito."
"This is a rojo's territory. Hindi nila ito papasukin. Mga insekto at ibang mga hayop lang ang nandito."
"Kahit nga mga kuliglig kinatakutan ko noong una." Napaka-weird kapag na-heighten ang senses niya.
"Pero ngayon?"
"Hindi na." Natuto na siyang i-focus ang lahat ng atensiyon dito. Magandang exercise nga marahil na isipin o titigan si Kristian kapag gusto niyang mag-focus.
"Magsisimula na ang training mo. Marami kang kailangang malaman tungkol sa sarili mo at sa kakayahan mo. Pati kung paano mo kokontrolin ang kagustuhan mong uminom ng dugo ng tao. Hindi magiging madali ang mga dadating na araw sa iyo. Sa ngayon mag-relax muna tayo. Ayokong maramdaman mo na nakakakulong ka dito. Isipin mo na nagbabakasyon ka lang sa isang exclusive resort."
Hindi na nito kailangan pang i-suggest sa kanya dahil iyon mismo ang nararamdaman niya. Mula sa taas ng tulay ay nakita niya ang tatlong malalaking swimming pools na nagmumula sa maliit na waterfalls. "Ang ganda."
"May two hundred steps pababa ng spring pool. Gusto mo unahan tayo?" hamon nito.
"Sige," aniya at nag-unat-unat. Kampante siya sa running skills niya.
"Ang mananalo mamimili ng consequence para sa talunan."
Sa isang tango ay sabay silang tumakbo. Kahahakbang pa lang niya ay may ilang metro na ang layo nito sa kanya. Ginamit nito ang kapangyarihan bilang bampira.
"Madaya ka!" sigaw niya.
Nakangisi itong lumingon at tumigil sa pagtakbo. "Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Pumikit ka lang at isipin mo na kaya mo."
Pumikit siyang mariin. Naramdaman niya ang ihip ng hanginat naalala kung paano siyang nakatakbo noon nang mabilis pa sa hangin sa kagustuhang makatakas dito. Ibig sabihin ay posible iyon. Muli siyang tumakbo subalit sa pagkakataong ito ay itinulak niya ang lahat ng makakaya ng katawan niya. She took off. Naramdaman niya ang paghaginit ng hangin sa balat niya. Nakita na lang niya na nalagpasan niya si Kristian na nakatayo pa rin.
Nilingon niya ito at nginisihan. "Hindi ba karera 'to? Bakit nakatayo ka lang diyan?"
"Don't be so cocky."
Sa halip na tumakbo sa tabi niya ay sa metal na hamba ito ng sementadong hagdan tumakbo. Sa harapan niya ay may dalawang babaeng naka-two piece bikini na nagpo-pose sa hagdan habang nagpapa-picture. Kumabila siya ng railing ng hagdan at namaybay sa mga puno. Nadulas siya at tuloy-tuloy na gumulong pababa. Nakita niyang babagsak siya sa sementadong gilid ng pool. Tumindi ang kaba niya habang iniisip kung anong mangyayari oras na bumagsak siya. Malamang ay mababasag ang bungo niya at magkakalasog-lasog ang katawan niya.
Sinubukan niyang kumapit sa kahit anong halaman o ugat ng puno na pwedeng magligtas siya. Subalit sa tindi ng acceleration niya ay hindi na niya iyon nagawa pa. Tuloy-tuloy na siyang bumulusok pababa. Isang malakas na tili ang pinakawalan niya nang tuluyan siyang bumulusok pababa.
Nag-panic siya nang makita ang babagsakan niya. "Alta!" tawag ni Kristian sa kanya na nasa baba ng hagdan. Napapikit na lang siya at hinintay ang pagbagsak niya sa lupa. Subalit may malakas na bisig sa kanya. "Gotcha!" usal nito at ngumiti sa kanya. Nanlambot siya at pakiramdam niya ay nalimas ang dugo sa katawan niya. Yumakap siya sa leeg nito at naramdaman ang panginginig ng katawan niya. "M-Muntik na akong mamatay."
"You are a sanguis now. Magre-regenerate ang lahat ng damage sa katawan mo. Hindi ka mamamatay."
"Makakaramdam pa rin ako ng sakit?"
Umupo ito sa isa sa mga lounging chair at hinaplos ang buhok niya. "Oo. Katulad noong tao ka. Pero hindi ko hahayaang masaktan ka."
It gave her some comfort. Kung pwede lang ay manatili siya sa bisig nito habambuhay. Mainit ang katawan nito na pumapawi sa panlalamig niya. He also smelled good Nararamdaman niya ang sinseridad nito. Alam niyang hindi nito hahayaang masaktan siya.
Nang kumalma siya ay saka lang niya napansin na hindi lang sila ang tao doon. Halos puno ang tatlong malalaking spring pool. Mga nakahiga pa sa lounging chair. May ibang nagtaas ng shades at nilingon sila.
Sinubukan niyang kumawala kay Kiev lalo na't may ibang nakataas ang kilay sa kanya. Pinigilan siya nito. "May sugat ka pa at mananakit ang katawan mo. What's the rush?"
"Nakakahiya kasi gumawa pa ako ng eksena. Saka nadumihan ko ang damit mo."
"Don't mind them. Mas maraming eccentricities ang mga bampira. Marami sa kanila ang nabuhay ng mahabang panahon. Nothing could shock them. At wag mong problemahin ang damit ko. May maglalaba niyan. Anong masakit sa iyo?"
"Binti ko at braso ko." Ang totoo ay masakit ang buong katawan niya at daig pa niya ang sumakay sa rollercoaster sa sobrang bilis ng gulong niya. Liyo pa rin siya.
Inilapag siya ni Kristian sa lounging chair at pumalatak habang pinagmamasdan ang sugat niya. Napangiwi siya nang makita ang malaking uka sa balat niya.
"Come. You must clean up. Mare-relax ka rin sa mainit na tubig dito."
Pumunta sila sa shower room. Bago iyon ay may boutique silang nadaanan na puro swimsuit. "Two piece?"
"Ayoko niyan." Boyleg at sando lang ang pinili niya. "Ito na lang."
"Shades?" alok nito.
"Wala namang araw.”
“Ang iba sa kanila sa kanila naka-shades kanina. We can tolerate the sun with our sunscreen. Pero hindi kami pwedeng magbabad sa araw. So moonbathing is a better alternative. Only sanguis can enjoy moonbathing.”
“Hindi ko yata feel mag-moon bathing."
"This way, Sir,” sabi ng staff sa kanila.
Sa isang private jacuzzi pool sila idinala. Napapaligiran iyon ng mga halaman. "Baka mahiya kang bumalik doon. Dito muna tayo. At least you have privacy."
"Salamat. Mai-spoiled ako nito. Lahat ng gusto ko pinagbibigyan mo."
“That’s the main point. I want to spoil you.” Itinuro nito ang private shower room kung saan pwede rin silang magpalit ng damit. “Ikaw na ang mauna.”