Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 44

When he started to strip his clothes, he looked like an apparition. Mistula itong diyos ng Olympus na inaalay sa kanya ang kaligtasan niya at ang katawan nito.

Nakatitig ito sa mga mata niya habang pinag-iisa sila. Pakiramdam niya ay lumulutang sa langit ang kaluluwa niya at ipinapagaspas ng hangin. Malakas na malakas ang pagragasa ng dugo sa tainga niya nang halikan nito ang leeg niya. Naramdaman niya ang pagbaon ng pangil nito sa leeg niya. “You are mine now,” bulong ni Kristian.

She loved the sound of his possessive voice and she was also relishing his possession of her body. Kasabay ng paghulagpos ng dugo mula sa kanya ay kanya ay ang pagsabog ng milyon-milyong sensasyon. Bumaon ang daliri niya sa likuran nito.

Parang pumailanlang ang kaluluwa niya paitaas at hinila pabalik sa lupa. Pakiramdam niya ay hindi na babalik pa ang kaluluwa niya sa kanyang katawan hanggang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Kristian sa mukha niya. Habol rin niya ang sarili niyang hininga.

“Buhay pa ako?” mahina niyang tanong.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito at kinintalan ng halik ang labi niya saka gumulong sa tabi niya. “Buhay na buhay ka pa. Nasaktan ba kita?”

Umiling siya at niyakap ito. “Okay na okay lang ako.” Mas buhay na buhay ang pakiramdam niya ngayon kundi lang siya napapagod. Sensation was still humming in her whole body. Subalit wala na siyang lakas pa para sundin pa ang utos ng katawan niya. Masaya na siyang maramdaman ang init ng katawan nito.

“Matulog ka na,” bulong nito. “Hindi ka na makokontrol pa ni Homer.”

Unti-unting pumikit ang mga mata niya. Masaya siyang malamang hindi siya makokontrol pa ni Homer subalit saka na nila pag-uusapan iyon. “Kristian, huwag mo akong iiwan,” usal niya at mahigpit itong niyakap bago tuluyang angkinin ng pagod at ang antok ang kamalayan niya.

NAKANGITING iminulat ni Alta ang mga mata niya. She felt refreshed and revitalized. Pakiramdam niya ay bagong tao siya. She had a wonderful dream last night. Kristian made love to her. Ginawa siya nitong tunay na babae.

Isang magandang panaginip matapos ang bangungot na pinagdaanan niya kay Homer. Siguro ay na-distract lang siya ng panaginip na iyon para maisagawa ni Kristian ang ritwal at tuluyang magapi si Homer sa dominasyon sa isipan niya. Kailan kaya mauulit ang panaginip na iyon?

"Finally, you are awake," Kristian said in a deep, sombre voice. Bigla siyang bumalikwas ng bangon. Nakaupo ito sa overstuffed single sofa at pormal na pormal sa suot na blue gray business suit. Quite a contrast to her...nakedness. Bigla niyang nahapit ang kumot bago pa iyon tuluyang bumagsak at mahantad ang kahubdan niya. "Anong nangyari sa akin?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi mo natatandaan ang nangyari?"

Hinaplos niya ang noo niya. She felt the discomfort at the center of her body. "May nangyari sa atin?" marahan niyang tanong. "Anong nangyari sa ritwal?"

"Iyon mismo ang ritwal para maputol ang koneksiyon ng dominare mo sa iyo. We are mated, bonded for life. Hindi ka na niya mapapangibabawan. Hindi na niya makokontrol ang isip mo."

"H-Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin."

The first time she had sex and she didn’t remember a thing. Iyon sana ang pinakamagandang pangyayari sa buhay niya, ang maramdaman na angkinin ng lalaking mahal niya. Pero tanging kahungkagan ang nadama niya.

"Wala kang kailangang sabihin. Magbihis ka na dahil hinihintay ka ni Padrone Kristoff at Padrona Olivia sa Valle. May bagong damit at sapatos sa closet. Iyon ang isuot mo,” sabi nito at lumabas saglit ng silid.

Dapat ba siyang magpasalamat dito? Sinagip siya nito mula sa pagkasira. Subalit isang bahagi niya ang nagluluksa. Inangkin nga siya ng lalaking mahal niya ngunit hindi niya narinig dito na mahal siya nito. Ni-reject nito ang pagmamahal. Kundi lang nanganganib ang buhay ay hindi ito magtatangkang sulyapan man lang siya. Making love with her was a charity case. Ganoon ba siya kabusabos? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging unang karanasan niya.

Hindi siya halos kinibo ni Kristian nang bumibiyahe na sila pabalik ng Valle sakay ng sportscar nito. May security na nakasunod sa harap at likuran nila.

“Anong nangyari?” tanong niya. “Anong nangyari kay Felipe at Castor?”

Tumalim muna ang mata ni Kristian bago sinagot ang tanong niya. “Nasa custody sila ng security ng Valle. Nasa impluwensiya sila ni Homer. Gumagamit sila ng mga tao na gustong maging sanguis para hindi mahalata ang mga kilos nila. Iniimbestigahan pa sila para malaman pa ang ibang impormasyon tungkol sa mga Umbra. Nandoon si Fleur para sa regression session nila. Susubukan niyang i-retrieve ang mga impormasyon sa kanila. Nagawa lang daw i-lock ng mga Umbra ang impormasyon sa isip nila. Hindi magagawang burahin ng isang bampira ang alaala ng isang tao maliban kung magkaharap sila.”

“S-Si Rafflesia?” tanong niya.

“Grounded siya at isang buwang hindi makakalabas ng Valle. Kasalukuyang iginigisa si Hideo dahil pinayagan niya kayong umalis. Hindi nakakatuwa na umalis ka ng Valle. Marami kang ipinahamak na tao.”

Nakagat niya ang labi. “I am sorry. Siguro galit ka sa akin dahil umalis ako. Kasi…”

Pwede ba niyang sabihin dito na nababaliw siya kaiisip dito? Na nalulungkot siya dahil hindi niya ito nakikita? Na awang-awa siya sa sarili niya na mukhang baliw na nagmamahal dito subalit hindi siya nito magawang mahalin?

“Huwag mong sabihing kasalanan ni Rafflesia!” anito sa maigting na boses. “Hindi ka niya mailalabas ng Valle kung ayaw mo. Nakita mo ba ang gulong ginawa mo? Muntik nang mapahamak ang marami. Six months! Why can’t you stay put in six months even if you life depended on it? Ayokong isipin na nai-spoiled ka na rin tulad ni Rafflesia. Mas disiplinado ka pa dati. Anong nangyayari sa iyo?”

Yumuko siya at tahimik na umiyak. “I am sorry. Kasalanan ko. Tinatanggap ko naman. H-Hindi na ako uulit.” Wala siyang maidedepensa pa dito. At oras na malaman na ito ang dahilan kung bakit siya umalis ay tiyak na magagalit ito lalo.

“The damage had been done. Hindi na natin maibabalik ang nangyari. Kausap nila Nanay at Tatay ang mga de Angelis. Pinaplano na ang kasal natin.”

Bigla niya itong nilingon. “K-Kasal? Magpapakasal tayo? Bakit?”

“May nangyari sa atin. Hindi ka ba umaasang aalukin kita ng kasal?”

“Pero ayaw mo akong pakasalan,” argumento niya. Halata naman sa itsura nito na hindi iyon ang gusto nito. Na parang napikot lang ito at napipilitang pakasalan siya.

“It doesn’t matter. Just be happy. You will get your wish after all.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.