Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 45

“Bakit naman ayaw mong pakasalan si Kristian? Siya ang destiny mo. You are meant to be together. Kaya ka nga niya nagawang iligtas mula sa dominare mo dahil ang lalaking nakatadhana lang sa iyo ang mas makapangyarihan kaysa sa bampirang lumikha sa iyo.” Sinapo ng tiyahin niyang si Olivia ang dibdib at suminghap. “That is so romantic. Pangarap ng kahit sinong babae na pakasalan siya ng lalaking mahal niya at ng lalaking nakatadhana sa kanya. Hindi lahat ng bampira ay kasing swerte mo. Sana nga makita ko ring ikasal si Rafflesia. Wala nang gustong manligaw sa kanya dahil lahat hinahamon niya ng suntukan.”

Nanlumo si Alta nang marinig ang pahayag ni Olivia at malungkot na pinagmasdan si Rafflesia na behave na behave matapos ma-grounded nang buong isang buwan.

Iniikot lang ni Rafflesia ang mga mata. “No comment.”

Si Hideo naman ay isang linggong suspendido sa trabaho. Matapos pagdiskusyunan ang kasal nila ni Kristian ay umaasa siyang makakahingi ng tulong dito para huwag ituloy ang kasal. Pero masyado itong romantic para makinig sa kanya. Akala yata nito ay isang fairy tale love story ang nangyari sa kanila ni Kristian. Ang hindi nito alam ay isang kontrabida ang tingin sa kanya ni Kristian.

“Zia Olivia, hindi naman po ako mahal ni Kristian,” argumento niya. “Kaya lang may nangyari sa amin para iligtas niya ako kay Homer. Pakakasalan niya ako para may mangyari sa akin.” At mabigat sa loob ni Kristian na pakasalan ko siya. Halata namang napipilitan lang ito. “Wala akong planong pikutin siya.”

Napailing na lang si Olivia. “He is a respectable man. Siguro mamahalin ka rin niya. Hindi naghihiwalay ang mga nakatadhana sa isa’t isa. At sigurado ako na wala siyang ibang masamang interes sa iyo. Maraming nagsasabi na mahal nila ang isang tao pero lumilipas din naman. Marami pang bagay na dapat ikonsidera bukod sa pagmamahal. Mas mahaba ang buhay nating mga sanguis kaysa sa karaniwang tao. Kilala ko si Kristian at maipagkakatiwala ka namin sa kanya. Matanda na siya at alam niya ang ginagawa niya. Hindi lahat ng lalaki ay kayang harapin ang responsibilidad niya. Learn to appreciate that.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “Pag-uusapan namin ni Lupita kung anong magandang wedding gown ang bagay sa iyo. Dapat ba Rennaisance theme o pre-Spanish theme ang kasal ninyo.”

“Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw kong magpakasal,” usal ni Rafflesia nang makalabas ng kuwarto niya si Olivia. “Siguradong pakikialaman ni Nanay ang preparation sa kasal. Sa palagay ko iyan din ang sentiments ni Kuya Gianluca.” Nasa Italya ang nakatatandang kapatid ni Rafflesia na si Gianluca dahil ini-request na bantayan ng isang prinsesa ng mga bampira na nakabase doon. May mga grupo ng bampira sila na kaalyansa sa ibang bansa.

Ikiniling nito ang ulo nang mapansing hindi niya halos naiintindihan ang sinasabi nito. “Alta, ano na naman ang iniisip mo?”

“Sa palagay ko hindi dapat matuloy ang kasal namin ni Kristian. Anong mangyayari sa amin kung hindi namin mahal ang isa’t isa? Pakiramdam ko nga pakakasalan lang ako noon pero hindi na niya gugustuhing hawakan ang dulo ng daliri ko. Nakita mo ba ‘yung mga babaeng idine-date niya. Malayong-malayo ako sa kanila.”

Nagkibit-balikat ito. “Kung ako sa iyo pakakasalan ko si Kristian. Chance mo na ito para mahalin ka niya. Hindi na rin siya madidikitan ng mga babaeng nagkaka-interes sa kanya. May lisensiya ka nang kalbuhin ang mga babaeng aakit sa kanya. Kahit si Kristian hindi na pwedeng tumingin sa iba.”

“Hindi ba parang pinikot ko siya?”

“Hindi mo kasalanan na kayo ang itinadhana sa isa’t isa. It was his choice to make love to you and save you. Siya rin ang gustong magpakasal sa iyo. It is just destiny. Just try to make your marriage work. Hindi mo matatakasan ang tadhana mo. Tandaan mo iyan. Ang magagawa mo lang ngayon ay gawin ang lahat para mahalin ka rin niya.”

Huminga siya ng malalim. “Pupunta muna ako sa hot spring. Kailangan kong mag-relax.”

“Hindi kita masasamahan. Dalawang linggo akong di pwedeng umalis ng bahay. Basta ako pa rin ang maid of honor mo.”

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya dito at lumabas ng kuwarto. Gusto niyang mag-isip-isip at mapag-isa. Bahagya siyang naginhawahan nang maibabad ang katawan sa mainit na tubig ng private hot spring pool na nakalaan para sa mga de Angelis.

Bakit kailangang maging komplikado ang buhay niya? Napapagod na rin siya na laging umaasang may magmamahal sa kanya. Laging naghihintay ng pagmamahal. Kung napipilitan lang si Kristian na pakasalan siya, mas mabuting ipakita niya ang pagtutol niya. At kailangang pangatawanan niya ang desisyon niya. Lalo lang siyang masasaktan kung magkakasama sila ni Kristian subalit hindi siya nito kayang mahalin. Lalo itong mamumuhi sa kanya.

Nang dumating siya sa villa ay siya naman nagmamadaling lumabas si Kristian. “Bakit nagpunta ka sa hot spring na mag-isa?” bungad na tanong nito sa kanya.

“Maglakad-lakad muna tayo. Marami tayong dapat pag-usapan,” aniya at naunang naglakad papunta sa kakahuyan. Kahit paano ay may privacy sila doon. Nami-miss niyang maglakad-lakad na kasama si Kristian. Mga panahong ito lang ang sandigan niya at nagsisimula pa lang siyang mahalin ito. Noong hindi pa siya nito kinamumuhian.

“Nahihirapan ka ba sa wedding preparation? Naguguluhan ka ba sa bangayan ng ideas ni Nanay at ni Padrona Olivia? Pwede namang ikaw mismo ang mamili ng gown mo at magdesisyon sa iba pang kailangang paghandaan sa kasal natin. Kung ano ang gusto mo, iyon din ang gusto ko,” sabi nito at sinabayan siya sa paglalakad.

“Ayokong magpakasal.”

“Come again. Hindi mo ako pakakasalan? Are you crazy?”

Tumigil siya sa paglalakad at tiningala ito. “Kristian, alam kong napipilitan ka lang. Hindi lahat ng babaeng nakasama mo ng isang gabi, inalok mo ng kasal. Wala naman akong inaasahan sa iyo na kahit ano.”

“Hindi ako napipilitan. I made love with you so you are my responsibility.”

“Iyon na nga. Ayokong magpakasal dahil sa responsibilidad. At nagawa mo na ang responsibilidad mo sa akin. Nailigtas mo ako. Nagawa mo na ang responsibilidad mo bilang lalaking itinadhana para sa akin. Hindi ako nakuha ni Homer. Naputol mo ang koneksiyon sa aming dalawa. Hindi mo na ako kailangang pakasalan. Binigyan mo ako ng buhay. Hindi natin kailangang gugulin ang buong buhay natin kasama ang isa’t isa kung hindi mo naman ako mahal. Mahihirapan lang tayong dalawa.”

Pinigilan nito ang braso niya at tinitigan siya. “Stop being emotional for once, Alta. Hindi lahat ng bagay iikot sa pag-ibig. There are so many things to consider aside from love. Isang alyansa ito sa mga angkan natin. For all we know, you might be pregnant right now.” Natigagal siya at biglang nasapo ang tiyan. Magkakaroon sila ng anak ni Kristian. Binitiwan siya ni Kristian. “You see, wala akong planong magkaroon ng bastardong anak.”

“At paano tayo magsasama? Laging malamig ang trato mo sa akin dahil responsibilidad mo lang ako at ang magiging anak natin? Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng maging responsibilidad lang at hindi ka makaramdam ng pagmamahal.”

“Lawakan mo ang isip mo. Kung hindi ka magpapakasal sa akin, magkakalamat ang relasyon ng mga Maharlika at de Angelis. Alam mo ba kung ano ang isa sa dahilan ng giyera ng mga umbra at rojo dati?”

Marahan siyang umiling. “Ayaw ninyo sa mga pumapatay ng tao?”

Bumuga ang lalaki ng hangin. “Ayaw pakasalan ng ama mong si Romeo ang prinsesa ng mga umbra. She got pregnant and killed herself. Kaya sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Umbra at ng grupo natin. Hindi niya hinarap ang responsibilidad niya. At hindi ko sisirain ang magandang samahan ng mga angkan natin dahil sa simpleng kapritso ko lang. I will be a good husband to you and our child. Alamin mo rin ang responsibilidad mo. This is your destiny, Alta. I am fulfilling mine so it is high time that you accept yours.”

Tinalikuran siya ni Kristian at naglakad palayo. Nanlulumo siyang umupo sa tabi ng daan at niyakap ang sarili. Isang giyera ang sisimulan niya oras na umurong siya sa kasal. Hindi niya gustong magkalaban ang mga Maharlika at de Angelis dahil sa kanya.

Responsibilidad. Kahit na gaano kasakit para sa kanya na pakasalan ni Kristian dahil sa responsibilidad ay tatanggapin niya kahit parang pinapatay ang puso niya

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.