Broken Vows Trilogy Chapter 11

SABADO ng araw na iyon at napagpasyahan ni Anna na bisitahin ang kaibigan na si Alexa. Ayon sa kanyang kaibigan nang huli silang mag-usap noong Martes ay babalik na ito sa Pilipinas sa Biyernes at kahit hindi pa niya muli nakakausap ito simula noon, ipinalagay niya sa isip na nakauwi na ito. Dahil matagal-tagal rin na hindi nakausap ang kaibigan ay naisip niyang puntahan ito. After all, routine ni Jaysen na dalawin tuwing Sabado ang pinsan nitong si Santo.

Kadalasan naman ay sinasamahan ni Anna ang anak sa pagbisita nito sa nag-iisang pinsan. Pero ngayon, si Daimon lang ang sumama rito. Wala naman iyong kaso rito dahil Sabado. Wala rin kaso para rito na gusto niyang dalawin ang kaibigan dahil alam naman nito kung ano ang klase ng relasyon na mayroon sila ng kaibigan. Dahil mas masasabi na ngayon ni Anna na unti-unti ng nakukuha ni Daimon muli ang tiwala niya, pumayag rin siya na maiwan rito nang matagal ang anak. Isama pa na gusto niyang mapag-isa sa ngayon. Kailangan niyang mag-isip. Kailangan niya ng makakausap at magpapayo sa nararamdaman niya ngayon, lalo na sa relasyon nila ni Daimon. Dahil si Alexa lang ang masasabi niyang kaibigan at kanyang lubos na mapapagkatiwalaan, naisip niyang puntahan at dalawin ito ng personal.

Isang sorpresa ang pagpunta ni Anna sa apartment ni Alexa dahil kapag madalas ay nag-i-inform siya rito, palagi itong nagbibigay ng dahilan na huwag gawin ang binabalak. Ganoon kasi ang kaibigan niya, ayaw ng schedule dahil walang schedule rin ang utak nito bilang artist. Pero pagdating niya sa apartment na tinutuluyan nito ay siya ang nasorpresa. Hindi kasi si Alexa ang natagpuan niya sa apartment kung hindi isang hindi niya kilalang lalaki. Pareho pa silang nagulat nang makita ang isa’t isa. Sandali niyang tinitigan ang lalaki. Hindi talaga ito pamilyar sa kanya.

Kumunot ang noo ni Anna nang matagal na siyang naka-recover ay nakanganga pa rin ang lalaki sa kanya.

“Hmmm....?”

Tumikhim ang lalaki saka ngumiti nang malawak sa kanya. Dapat ay matakot si Anna dahil na rin hindi niya kilala ang lalaki at nakakapagtaka na nasa apartment ito ng best friend niya. Walang kahit sinong kinakasama si Alexa sa apartment nito at hindi rin ang lalaking ito ang boyfriend nito. Pero may kakaibang ngiti ang lalaki na tila nagpapawala sa takot na dapat ay maramdaman niya. Charming ang ngiti nito.

“Pasok ka,” paanyaya sa kanya ng lalaki. Iniawang pa nito ang pinto.

Umiling si Anna. Mas pinagana niya ang curiousity niya. Nasisigurado niyang ito ang apartment ni Alexa pero bakit wala rito ang kaibigan? Kailangan niya munang malaman bago siya pumayag sa paanyaya ng estranghero na ito. “Sino ka? Si Alexa---?”

“`Wag kang mag-alala, Miss. Hindi naman ako kriminal,”

Kumunot ang noo ni Anna.

“Pero nakakapagtaka lang, unang kita ko pa lang kasi sa `yo...dinakip mo na agad ang puso ko.” Kumindat pa ang lalaki sa kanya.

Bahagyang napanganga si Anna sa gulat sa sinabi ng lalaki. Pero hindi niya maitatago na naaliw siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay nawala na ang pagtataka niya kung bakit ito naroroon. Kaya lang, bago pa siya makapagtanong ay nagulat muli siya nang inilagay nito ang magkabilang kamay sa magkabilang hamba ng pinto. Pinalaki rin nito ang mga mata na tila takot na takot.

“Oh no! Lumilindol! Ramdam mo?”

Biglang kinabahan si Anna. Nanlaki ang mga mata niya. Bahagya siyang nag-panic, lalo na nang maalalang nasa mataas na floor ang apartment ni Alexa. Mas mataas ang yanig kung nandoon. Pero napakunot-noo siya nang hindi naman niya naramdaman ang pagyanig. Ilang sandali pa ang pinalipas niya pero wala talaga. Nang ngumiti muli ang lalaki ay doon niya nakumpirma na niloloko lang siya nito.

“Lumindol sa puso ko. Intensity you. Magnitude me. Epicenter love,” ngumisi ang lalaki pagkatapos.

Napaikot ni Anna ang mga mata sa ka-corny-han ng lalaki. Pero hindi rin niya napigilan ang mapangiti. Infairness, bago sa kanya ang pick-up line nitong iyon. Tila may kakaiba rin na naramdaman si Anna sa lalaki kaya parang bumebenta ito sa kanya.

“Sino ka nga kasi talaga? Saka ano ang ginagawa mo dito sa bahay ni Alexa?”

“Okay, para naman kahit papaano, mapanatag ka. Pinsan ako ni Alexa,”

Hindi niya nakita sa personal ang lahat ng kamag-anak ng matalik na kaibigan pero naikuwento nito sa kanya ang lahat kaya maalala siguro niya iyon kapag narinig niya ang panaglan ng lalaki.

“Pangalan?”

“I’m Van,” inilahad pa ng lalaki ang kamay.

“Van?” inalala ni Anna kung may naikuwento sa kanya ang kaibigan na pinsan nitong ganoon. Kakaunti lang ang pinsan nito pero wala sa mga nasabi ni Alexa ang pangalan ng lalaki. “Walang Van na pinsan si---“

“I’m Van. Babantayan ka habang buhay,”

Nanlaki ang mga mata ni Anna pero hindi na rin napigilan na mapangiti sa panloloko ng lalaki. “Oh God! Pinaglihi ka yata sa keso!”

Nagkamot ng ulo ang lalaki. “`Wag ka kasing magpaka-tambutso.”

“Ano?”

“Umuusok ka kasi sa kagandahan at kaseksihan,” sumipol pa ang lalaki pagkatapos.

“Last mo na `yan, please.” Hindi mapigilan na naman ni Anna na mapangiti.

Ngumiti ang lalaki. “All right. Wala na naman talaga akong maisip. `Cause all I ever think is you.” Kumindat pa ito pagkatapos.

Tumawa si Anna. Ang lakas talaga ng tama ng lalaking ito. Sa unang pagkakataon sa buhay niya pagkatapos siyang saktan ni Daimon, ngayon na lang yata siya napangiti nang ganoong sunod-sunod at tumawa nang malakas dahil sa isang lalaki. And it felt so good.

“Okay, okay, enough.” Natawa na rin ang lalaki sa pang-uulit na panloloko nito sa kanya. “Pinsan nga ako ni Alexa. Kung hindi niya ako kamag-anak, sa tingin mo ba makakapasok ako rito? Okay, siguro sandaling inisip mo na magnanakaw ako. Pero naman! Sa guwapong ito, mukhang magnanakaw?” nag-pogi sign pa ito sa ilalim ng baba. “Magnanakaw ng puso, puwede pa!”

Napataas ang kilay ni Anna. Pinakatitigan niya ang lalaki at kahit maloko ito, hindi naman ito nagloloko na guwapo nga ito. May pagkasingkit ang mata ng lalaki, matangos ang ilong at may kaputian. Matangkad rin ng ilang pulgada ito sa kanya at kahit may kapayatan ay maganda ang tindig. Sa tantiya niya ay mas matanda lang rin ito ng ilang taon sa kanya.

“Ako ang pinsan ni Alexa na seaman. Dumaong lang ang barko namin dito ngayon sa Maynila kaya naisipan kong bisitahin siya. Too bad, na-delay raw ang flight niya. Bukas pa ang dating niya. Tinawagan niya ang land lady niya para papasukin ako kaya naggawa kong makapasok rito.”

Tumango-tango si Anna. Naalala nga niya na may pinsan si Alexa na seaman. Pero sa Canada na raw nakabase ang buong pamilya ng mga ito at dahil siguro si Alexa lamang ang maaaring puntahan nito sa Maynila dahil sa buong pamilya nitong nakatira lahat sa Zamboanga, naisipan nitong dalawin ang kamag-anak sa lugar.

“So ikaw pala si Jed.” Naalala niyang iyon ang pangalan ng pinsan nito na maloko at madalas na ikuwento nito sa kanya. “Ako nga pala si Anna. Best friend niya ako,”

“Oh, ikaw pala iyon. Naikukuwento ka nga sa akin noon ng pinsan ko. Too bad, ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala. Kriminal ka nga siguro. Tago ka kasi nang tago sa taong itinakda sa `yo! Yieee!” panloloko pa nito sa sariling banat. “But anyway, si Alexa lang ang tumatawag sa akin sa first at real name ko. All people call me by my nickname which is JD---the initials of my real name, Jed Dimaano. So Anna, I’m not really Van. I’m JD. Call me by that name, okay? JD.” Ulit pa nito sa nick name nito.

Bahagyang natigilan si Anna. JD... paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Anna ang pangalan na iyon. May naalala rin siya tungkol roon.

“JD. JD ang initial ng pangalan ng lalaking itinakda sa `yo, Hija. Siya ang magpapabago ng lahat ng pananaw mo. Lalo na sa pag-ibig.”

Tumingin si Anna sa lalaking nasa harap. Nakangiti na naman ang lalaki. Mukhang likas talaga rito ang pagiging masiyahin. Nakakahawa rin ang ngiti nito. Ngayon lang nakatagpo si Anna ng lalaking gaya nito.

Kriminal ka nga siguro. Tago ka kasi nang tago sa taong itinakda sa `yo!

JD. Itinakda. Minsan ay naniwala si Anna na maaaring totoo ang sinabi ng manghuhula na isang JD ang lalaki nga na para sa kanya. Si Daimon iyon---ang initials nito na binaligtad ng JD. Pero paano kung hindi naman pala talaga ito ang lalaking iyon? Paano kung nagkamali siya? Paano kung ang lalaking nasa harap niya ang nasa hula?

Pero tama ba talaga na maniwala siya roon kung inakala niya na maaaring si Daimon na iyon?

Ngunit kahit ganoon, hindi nagpapigil si Anna. Tinignan niya nang mabuti ang lalaking nasa harapan. Sinubukan niyang kapain ang kanyang nararamdaman habang ginagawa iyon.

“PAANO natin masisigurado na magiging maayos lang si Jaysen roon? Paano kapag hinanap niya tayo sa gabi? Bago siya matulog?” mababakas ang pag-aalala sa boses ni Anna habang sinasabi iyon. Nakaka-isang kilometro nila ang itinakbo nila palayo sa bahay ng kapatid na si Cristiano para iwan roon ang nag-iisang anak ngayong gabi. Pero kahit si Jaysen mismo ang naghayag ng kagustuhan na magpalipas sa bahay ng tiyuhin nito ay hindi pa rin mapakali si Anna.

“Nag-aalala ka ba talaga dahil kay Jaysen o nag-aalala ka lang dahil mapapag-isa tayong dalawa ngayong gabi?” hindi na napigilan na tanungin ni Daimon ng ganoon ang asawa.

Kinagat ni Anna ang ibabang labi. “Nag-aalala naman talaga ako sa anak natin. Ito ang unang beses na iiwan natin siya ng gabi.”

“Ginusto niya iyon. Matagal na nga niyang sinasabi sa atin na gusto niyang mag-sleep over sa bahay nina Santo pero hindi mo lang siya pinapayagan. Dalawa rin ang yaya ni Santo kaya paniguradong nasa mabuting lagay siya ngayon. Malaki na ang anak natin. Wala ka ng dapat ipag-alala pa sa kanya. Holiday rin bukas kaya hindi naman niya kailangang gumising ng maaga at asikasuhin mo para sa school. Wala siyang pasok. Isa pa, tatawagan rin naman natin siya bago matulog para alamin ang lagay niya,” paliwanag ni Daimon para kumalma ang asawa.

Bumuntong-hininga si Anna. “All right,” pagpapakalma ni Anna sa sarili. Pero napansin pa rin agad ni Daimon ang tension sa mukha nito.

“You’re not comfortable, are you?”

“I-I am. I-I think....” nauutal-utal pa ang asawa. “But don’t worry about it. Pumayag ako. Ibig sabihin lang noon, gusto ko rin ito. Na subukan,”

Sinubukan ni Daimon na hawakan ang kamay ni Anna. Naramdaman niya ang init at panginginig noon. Mukhang alinlangan talaga ito pero gusto niyang sundin ang sinasabi ni Anna na huwag niyang alalahanin iyon dahil pumayag ito. Pinagsaya na lang ni Daimon ang pagpayag nito. “Thanks for the chance, Anna. I really appreciate it.”

Tumango si Anna at kiming ngumiti. Itinaas nito ang ulo. Sinalubong niya ang tingin nito. Napansin niya na tila may gumugulo sa mga mata nito. Was it the tension of being with him? O iniisip nito na baka mali ang ibinigay nitong pagkakataon sa kanya?

Ayaw maging negatibo ni Daimon pero sa mga ipinapakita sa kanyang aksyon ni Anna sa mga nagdaang araw, ilang beses na niyang napapansin na tulala ito. Madalas na nag-iisip. Na nagugulo. Negatibo ang naiisip niya sa mga iyon dahil negatibo rin na pangitain ang ipinapakita nito. Dahil kung positibo iyon, hindi ba dapat ay nakangiti si Anna, hindi natetensyon at mararamdaman niya na gusto talaga nito ang pagpayag?

Niyaya niya si Anna na lumabas ngayong gabi. They are going to have a date. Simula nang naging malaking pag-aaway nila noon, ito ang magiging unang beses na lalabas sila na sila lamang talaga na dalawa. At dahil sa kabila ng lahat ay ayaw pa rin sumuko ni Daimon, sinigurado niya na magiging espesyal iyon.

“Naiintindihan kita. I-I just want us to have a moment. Pero hindi ibig sabihin nito, pinupuwersa kita na pumayag sa gusto ko. No pressure. So smile, okay? Throw the tension, the bad vibes. Sayang ang ayos mo ngayon kung pananaigin mo ang mga masasamang elemento. Napakaganda mo pa naman ngayon.”

Binilhan niya pa si Anna ng evening wear para sa date nila na iyon. Simple lang si Anna, simple lang rin itong manamit. Kaya naman tila nagbagong anyo ito nang isuot ang binili niyang damit para sa date nila. Nag-ayos si Anna at kahit light lang ang make-up na madalas nitong ginagawa sa sarili, bumagay pa rin iyon sa eleganteng ayos nito ngayon. Ilang beses pa nitong napa-wow ang anak at kahit siya nang una niyang makita itong lumabas ng kuwarto.

Namula si Anna sa sinabi niya at sa sinabi niyang iyon, naggawa na nitong ngumiti. Nabuhayan ng loob si Daimon at sa kabila ng sakit na nararamdaman sa mga negatibong pangitain na pinapakita ni Anna, naging masaya na muli siya. Hinalikan niya pa ang hawak-hawak na kamay ni Anna at hindi rin ito tumanggi at nagreklamo.

Inalalayan niya si Anna na makababa sa sasakyan nang makarating sila sa lugar na pagdadausan ng kanilang date. Nang tuluyang makababa ng sasakyan at nagkaroon ng malinaw na tanawin sa lugar kung saan niya ito dinala, naramdaman niya ang paninigas nito.

Dinala niya si Anna sa mismong yate na nakaparada sa Manila Yacht club kung saan sila ikinasal.

Nagtatanong ang mga mata na tumingin ito sa kanya. “Sinabi mo na ‘no pressure’...”

Kiming ngumiti si Daimon. “Kung ganoon, hindi ka pa talaga handa. Hindi mo pa rin kayang balikan ang mga alaala. Ang balikan ang dating maganda nating relasyon. Ang lugar kung saan natin binitawan ang vows natin...”

“Ang vows na sinira mo.”

“At sinira mo rin...” naging masakit ang akusasyon ni Anna kaya hindi napigilan ni Daimon na sabihin rin ang mga salitang iyon.

Tinignan siya ni Anna nang nakakunot noo. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“I-I’m sorry.” Tumigil si Daimon. Pero umiling-uling rin. “No. Silly, why would I be sorry? Its the truth. Sinira mo rin naman talaga ang pangako mo sa akin noon.”

Umiling si Anna, hindi maintindihan ang kanyang sinasabi.

“You vowed to me that you will stay with me for all the good things that I had done and not to leave me for one thing that I would done wrong. Naging isang pagkakamali lang ang gabing iyon, Anna. Pero tila iniwan mo na ako sa pag-iwas mo sa akin...”

Bahagyang napanganga si Anna nang maalala ang mga iyon. Bumakas rin agad ang guilt sa mukha nito. “Daimon...”

“But I don’t want to blame you, Anna. Dahil alam ko na may mali rin ako. Mas mali at malaki ang pagkakamali ko. Pero may mga bagay talaga na sadyang mahirap pigilan, lalo na kapag nasasaktan na. So I’m sorry. Don’t think about it. Lets just enjoy this night,” kinuha niya muli ang kamay ni Anna para alalayan na makaakyat sa yate kung saan siya naghanda ng isang candle light dinner para sa kanilang dalawa. Naramdaman pa rin niya ang paninigas nito at ng tignan niya ang mga mata nito, napansin niyang magulo pa rin iyon. Pero ngayon ay nababasa ni Daimon na ang gulo sa mga mata nito. It was guilt.

“Its okay, Anna...” pagpapakalma niya rito nang maramdaman na mas lalo yatang hindi ito naging maayos dahil sa naging pagbibintang niya. Alinlangan pa rin pero naggawa na niya itong dalhin sa deck ng yate kung saan niya ipinalagay ang table nila.

Sanay na si Daimon na tahimik si Anna lalo na kapag sila lamang dalawa pero naging isang malaking kaibahan ang sa gabing iyon. Halos yukuin siya nito. Hindi ito makatingin sa kanya. Nalungkot si Daimon. Mali talaga siya sa kanyang naggawa. Hindi niya dapat sinisisi si Anna. Now she looks guilty about it and hurt. Ayaw niyang masaktan ito. Tatanggapin niya ang lahat ng sakit huwag lang ito ang dumanas noon.

May mga musikero rin siyang inupahan para gawing romantic ang gabi. Niyaya niya si Anna na magsayaw pagkatapos kumain. Pumayag naman ito pero kagaya kanina, hindi pa rin ito makatingin sa kanya kahit na ba ilang beses na niyang sinusubukan na salubungin ang mga mata nito. Nararamdaman rin niya ang panginginig ni Anna. Sinubukan niyang i-alok rito ang coat na suot niya dahil baka mamaya ay dahil sa lamig lang iyon ng panahon pero tumanggi ito. Hanggang sa sumuko na si Anna.

“I can’t do this, Daimon. I’m sorry,” bumitaw si Anna sa kanya pagkatapos ay nagsimulang lumayo. Hinabol niya ito. Nakababa na ito ng hagdan ng deck nang maabutan niya ito.

“Anna...”

“I’m sorry, Daimon. I-I’m sorry,” tila may bumikig sa lalamunan ni Anna habang sinasabi iyon. Nang mahabol ni Daimon si Anna, pinahirap niya ito. Napansin agad niya na may tumutulo ng luha sa mga mata nito.

“What are you sorry for? Iiwan na lang ba natin ang lahat? Hindi na natin itutuloy ang pagsubok?”

“Y-you made me feel guilty, Daimon. I don’t know how to feel. Sinisisi kita nang malaki pero nagkamali rin pala ako. I-I felt horrible!”

“Don’t. Ayos lamang ang lahat para sa akin, Anna. I took all the blame because I don’t want you to be in pain. Isa pa, ako ang may pinakamalaking pagkakamali rito. Sinaktan kita. Hindi dapat ako natukso kay Geraldine ng gabing iyon. Heck, hindi dapat ako nagpunta sa kanya ng panahong iyon. Wala dapat akong pakialam sa kanya at---“

Tumitig sa kanya si Anna. “Ano talaga ang nangyari ng gabing iyon?”

Umiling si Daimon. “`Wag mo ng ungkatin ang tungkol roon. Nilimot ko na ang gabing iyon.”

“Sinabi mo sa akin na natukso ka. Iyon ang sinagot mo sa akin noong tinanong ko kung pinatulan mo siya. Pero pinatulan mo nga ba talaga si Geraldine? Kaya ka ba nagtagal sa lugar ay dahil may nangyari sa inyo? D-did you give in with her?”

Huminga muna nang malalim si Daimon bago sumagot. “Na-traffic ako papunta kaya nagtagal ako. And we shared a kiss. But nothing more than that.”

Nanlaki ang mga mata ni Anna. “Oh no! Oh God!” napahawak pa si Anna sa bibig nito dahil napanganga rin ito.

“But its already in the past---“

“W-why didn’t you tell me? Bakit hindi mo ipinaliwanag agad ang lahat?”

“What’s the use? Pakiramdam ko ay nagkasala na ako sa `yo kahit maliit lang iyon. Hinalikan niya ako and I was tempted to kiss her back.” Ikinuwento niya pa rito ang ilan pang detalye at kung bakit tila bumigay siya ng ganoon na lalo lamang nagpabakas pa ng guilt sa mukha nito. “Its true, wala talagang nangyari sa amin. Hindi nagpatuloy sa malalim pa ang halik na iyon dahil naisip kita, Anna. While kissing Geraldine, all I can think is you. I can’t have and take her because it is not you. And I never bother to explain dahil iyon nga, tinanggap ko na may kasalanan rin ako sa `yo. Tiniis ko ang lahat ng sakit ng pag-iiwas mo sa akin dahil alam ko na deserved ko iyon. Tama lang iyon na ganti sa akin kahit masasabing hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan ko. Pero hindi ko naiwasan na ma-guilty nang husto nang mag-breakdown ka ng gabi na iyon. It almost killed me seeing you like that, suffering like that because of what I did....”

“But all of this, it could change things....”

“Anna...”

“It’s so...” pumikit si Anna pagkatapos ay akmang lalayo na naman sa kanya. Pero naging maagap si Daimon. Hinawakan niya ang kamay ni Anna at nilapit ang sarili nito sa kanya. Halos yumakap tuloy siya rito. Iminulat ni Anna ang mga mata at sa pagkakataong iyon, nagsalubong ang kanilang mga mata. Unti-unti rin na nagkalapit ang mga mukha nila.

“Daimon...”

“Its okay, Anna. Its okay...”

“Nagkasala rin ako pero bakit ka ganito? Bakit hindi mo ako sinisi? I left your side just because of that single wrong thing yet, you still here, still wanting me back.” Titig na titig ito sa kanya. Her eyes misty.

“Its because I love you, Anna. I still love you. I can’t stop loving you...” iyon lang at sinubukan ni Daimon na ilapit lalo ang mukha kay Anna at gawin ang matagal na niyang gusto rito. “And I can’t stop doing this, too....”

He kissed her.

Nag-aalinlangan pa si Daimon noong una, lalo na at naramdaman niyang nanlamig si Anna. Ngunit sandali lang iyon. Nang subukan niyang laliman ang halik ay bumigay rin ito. Nag-respond si Anna sa kanyang halik at mabilis na nawalan si Daimon ng kontrol.

Daimon kissed Anna passionately like he always dream of. Anna gave back the same intensity. Tila ba kapareho niya ay sabik na sabik rin ito sa labi niya. Naging matagal, mapusok at sa katagalan ay naging mapaghanap rin ang halik. Ramdam ni Daimon na kagaya niya ay ganoon rin ang nararamdaman ni Anna. Naririnig rin niya ang malakas na tibok ng puso nito na tila nakikipag-duet sa puso niya.

“Daimon... oh Daimon...” narinig niya pa na ungol ni Anna, lalo na nang bumaba na ang labi niya patungo sa leeg nito.

“I missed you so much, Anna. I missed this. You’re driving me crazy...”

“And so are you to me...” medyo hinihingal pang sabi nito. Tila kagaya niya ay nalulunod rin ito sa sensasyon sa ginagawa nila.

Sandaling tumigil si Daimon sa ginagawa. Sinalubong niya ang mga mata ni Anna. Kagaya ng nararamdaman niyang ibinubuga ng kanyang mata ay may apoy rin siyang nakikita roon. Lalong lumukob ang masarap na sensasyon sa loob ni Daimon. “I want you, Anna. Always have, always will. Do you want---“

Hindi pinatapos ni Anna ang kanyang sasabihin at hinalikan muli siya. Itinuring ni Daimon na ang halik ang sagot sa kanyang naudlot na tanong. Habang ibinabalik ang halik ni Anna ay kinapa niya ang door knob ng pintong nasa tapat nila kung saan sila dinala ng kanilang mumunting pagpapaliwanagan. Nang buksan niya iyon at mas naging pribado ang lugar, mas lalong kumawala ang pareho nilang damdamin. Natupad rin ang isa sa mga hiling Daimon.

They became one. Hindi niya pinilit si Anna. Naramdaman niya ang kagustuhan nito. Pareho nila iyong gusto.

“I will always love you, Anna...” wika niya nang matapos sila. Hindi sumagot si Anna pero hindi niya ito masisisi. Naging matagal at mainit ang nangyari sa kanila. Kaagad niyang napansin ang pagpikit ni Anna, tanda na napagod ito nang husto sa kanilang ginawa. Nakatulog ito ilang minuto ang nakalipas. Si Daimon naman ay nanatiling nakatitig sa asawa pagkatapos. He watched him sleep peacefully. Napangiti rin si Daimon nang makitang nakangiti ito habang nahihimbing na natutulog. She enjoyed it.

Ito na ba ang simula nang tuluyang pagbabago sa pagitan nila?

Umaasa si Daimon. Nanghihinayang man siya dahil medyo matagal ang inabot ng pagpapaliwanagan nila sa isa’t isa na ayon sa mga narinig niya rito, kung nagkaroon lang siya ng lakas ng loob na sabihin ang lahat at ang katotohanan dati ay maaari palang magbago ang mga bagay-bagay. But it was already done now. What he could do is to live in the moment. Sana nga lang ay tuloy-tuloy ng magbago ang malamig na relasyon nila ni Anna sa loob ng tatlong taon. Sana ay maayos na iyon.

Ang pagkatiwalaan muli ni Anna, ang mahalin muli nito. Unti-unti na niya bang nakukuha ang kanyang hiling? Ang matagal ng pinapangarap?

Ramdam ni Daimon na oo. Napakasaya ng pakiramdam niya.

Nasa ganoon na pag-iisip si Daimon nang marinig niyang tumunog ang cell phone ni Anna na nasa pouch na dala nito na ngayon ay nakapatong sa beside table ng kama. Hindi niya ugali na makialam ng gamit kaya hindi niya pinakialaman iyon. Pero nang dahil roon, naalala ni Daimon ang sarili niyang cell phone. Kinuha niya ang hinubad na pantaloon para tignan ang cell phone. Only to find out it was not there.

Baka nalaglag ko kanina sa kotse, naisip-isip ni Daimon pagkatapos ay tinignan ang orasan na nasa harapan ng kama nila. Napapalatak siya nang makita ang oras. Alas diyes na ng gabi. Naalala niyang pinangakuan niyang tatawagan niya nga pala ang anak na si Jaysen para masigurado ang lagay nito. Pero paano niya gagawin iyon samantalang naiwan niya ang cell phone?

Tumunog muli ang cell phone ni Anna. Kagaya kanina, hudyat lang naman iyon ng isang text message. Nang dahil roon, may naisip si Daimon. Hindi naman siguro magagalit ang asawa kung gagamitin niya iyon upang kumustahin ang lagay ng anak. After all, anak nila iyon. Para kay Anna, ito ang pinakamahalagang tao sa mundo.

Kinuha niya ang bag ni Anna. Tumunog muli iyon na may bagong text message. Lumabas sa screen ng cell phone kung kanino galing ang message at sandaling natulala si Daimon nang makita ang pangalan pa lang ng nag-message rito.

JD...

Napakunot-noo si Daimon. Hindi siya pamilyar sa pangalan pero may isang pangyayaring umalingawngaw sa kanyang isipan.

Ang sabi ng manghuhula, may darating raw na lalaki sa buhay niya na magpapawala ng lahat ng pait at sakit sa pusong bato nitong si Anna. Siya rin ang magiging love of the life ni Anna. May clue nga at ang initial daw ng pangalan ng lalaki ay J at D.

Naalala ni Daimon ang mga salita na binitawan ni Alexa noong una pa lamang niya na makilala si Anna. Nang nagpahula ang mga ito sa Quiapo. Bumangon ang kaba sa puso ni Daimon.

Sino ang JD na ito? Bakit nito tine-text si Anna? Ito ba ang dahilan kung bakit madalas niya na nakikitang tila naguguluhan si Anna sa mga nakalipas na araw?

Hindi siya naniniwala sa mga hula noon at kahit noong sinabi sa kanya ni Alexa na baka maaaring siya nga ang lalaking tinutukoy ng manghuhula para kay Anna noon kahit binaligtad lang naman iyon, hindi pa rin niya pinaniwalaan. Gusto niya si Anna. Natural na lumalabas ang pakiramdam niya rito. Ang puso niya ang nagdidikta, ramdam niya.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Daimon. Pero hindi napigilan ng sakit ang curiousity na naramdaman niya upang alamin kung sino ang lalaking iyon at kung ano ang pinag-uusapan nito at ng kanyang asawa. Binasa niya ang mga bagong padala na text messages nito.

“Century Tuna ka b? Coz u r gud to my heart.”

“Taxi ka cgro. Kasi hbang ptagal nang ptgal nppmahal ako sau!”

“Last na nga 2. Baka ma2ya mgpabili ka na sa akin ng slbabida. Baka mlunod ka na sa pgmamahl ko.”

Napatiim bagang si Daimon. Sino ang lalaking ito at pinapadalhan nito ng ganoong klase ng mensahe ang asawa? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi niya maiisip na mauuwi sa ganito ang lahat. Kinain si Daimon ng selos. Napakasama ng pakiramdam niya. Napakahirap tanggapin na may kaagaw siya sa puso ng pinakamamahal niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.