“O, SAAN KA pupunta, Laida?” tanong ni Rodgine kay Laida nang makita niyang palabas ito ng gate ng bahay ni Nick. Bihis na bihis ito.
Kadarating lang niya galing sa grocery store dahil namili siya ng lulutuin niya. Gusto niyang magluto ng espesyal para sa mga kasama niya sa bahay dahil birthday niya ngayon. Hindi man iyon naging espesyal dahil walang nakakaalam niyon sa mga taong nakakasalamuha niya ngayon ay ayos lang sa kanya dahil masaya naman siya.
“Pinag-day-off ako ni Sir Nick. Nagbago na talaga siya. Salamat ha,” nakangiting sabi nito sa kanya na ikinangiti siya. Kinilig kasi siya sa isiping nagbago na si Nick dahil sa kanya.
Simula nang magkasakit siya at alagaan siya nito ay nabawas-bawasan na ang pagiging masungit at seryoso nito. Madalas na rin niya itong nakikitang nakangiti kaya tagumpay ang misyon niya. At, naging mas malapit na sila sa isa’t isa ngayon. Hindi na niya ito madalas “patayin” dahil palagi na siya nitong napapansin ngayon sa katunayan ay nagiging sweet na ito sa kanya.
“Ikaw lang? Eh, sina Manang Yolly at Manong Julio?” tanong niya rito. Tinulungan siya nitong magpasok ng mga pinamili niay sa loob ng gate.
“Ay, naku! Kanina pa sila umalis. Pinagamit ni Sir Nick sa kanilang dalawa ‘yong isang sasakyan para sa date nila. Ang daya nga eh. Kung siguro’y marunong akong mag-drive, pinahiram din ako ng sasakyan ni Sir Nick,” ani Laida na ikinatawa niya.
“Maghanap ka na lang ng date na may wheels,” aniya rito.
“Ay, mayro’n do’n sa kabilang kanto. ‘Yong gwapong tricycle driver. Pwede na,” nakangising sabi nito sa kanya.
“Oo. At least, may wheels,” pagsakay niya sa trip nito. “Saan ka naman pupunta? At saka, bakit kayo pinag-day-off ni Nick? Ako kaya?”
“Ay! Ang slow mo naman. Malamang para ma-solo n’yong dalawa ang bahay. Kaya umiskor ka na sa kanya ngayon,” pilyang sabi sa kanya ni Laida. Pakiramdam niya’y pinamulahan siya ng mukha dahil ang init ng pakiramdam niya.
“Gaga! Inosente pa ako sa ganyang bagay,” natatawang sabi niya rito.
Kaya pala marunong kang manukso, tudyo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.
Tukso lang! Virgin pa ako!
“Asus! Eh, ano pala ang gagawin n’yo sa loob? Magtititigan?”
“Ikaw, Laida! Kung anu-ano ‘yang pumapasok sa isip mo ha. Ang berde mo,” aniya rito.
“You’re both consenting adults. Pwede na,” nakangising sabi nito sa kanya.
“Wow! English ‘yon ah. Nosebleed ako,” biro niya rito.
“Sige na. Pumasok ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Nick. Hindi ka daw nagpaalam,” pagtataboy nito sa kanya.
“Tulog pa kasi kanina eh. O, siya. Mag-enjoy ka ha. Behave, Laida,” bilin niya rito.
“Kayo ang mag-behave na dalawa ni Sir Nick. Good luck and enjoy!” anitong pilyang kumindat pa sa kanya. Napailing na lang siya rito pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Pero hindi niya mapigilang maisip ang mga sinabi ni Laida.
Stop right there, Rodgine! saway niya sa sarili. Nagulat naman siya ng sinalubong siya ni Nick sa may pintuan at kinuha nito sa kanya ang lahat ng dala niya. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling matukso dito. Si Laida kasi.
“Bakit hindi ka nagsabi na mamimili ka pala? Nasamahan sana kita,” sabi ni Nick sa kanya.
Napangiti siya. Na-touched siya sa thoughtfulness nito sa kanya. “Tulog ka pa kasi,” aniya rito.
“So? Ginising mo sana ako,” giit nito.
The thought of her going inside his room sent shivers down her spine. Tila tuksong bumalik sa isipan niya ang hitsura ni Nick noong isang umagang nakahubad ito pagkatapos mag-jogging. His abs, his tousled hair and his oh-so sexy lips got her that achy feeling she never felt before.
Rodgine, ang halay mo na naman! saway niya sa sarili.
“’Wag kang mag-alala. Bubulabugin na kita next time,” aniya rito. Napailing na lang ito sa kanya.
“Ano ba ang lulutuin mo?”
“We’ll go European,” aniya rito. Kahit papaano ay na-distract siya dahil sa tanong nito.
Balak niyang magluto ng Moussaka o eggplant lasagna, Baklava—Greek dessert of layered nuts in phillo pastry—at Horiatiki Salata o Greek salad. Iyon lang kasi ang madadaling lutuin.
Nag-aral siya noon sa isang Culinary school sa Cebu sa loob ng anim na buwan dahil wala siyang magawa sa buhay. Ayaw pa niya noong pumasok sa kompanya ng papa niya at ang ilang kaibigan niya’y nag-enrol sa Culinary school kaya nakigaya na rin siya. Gusto niyang ipatikim sa mga kasama niya sa bahay ngayon ang mga natutuhan niya sa Culinary school noon. Ngunit mukhang si Nick lang ang makakatikim doon agad ngayon.
“Do you really know how to cook?” tanong ni Nick sa kanya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Oo naman. Ano’ng akala mo sa’kin, senyorita lang? For your information, nag-aral ako sa Culinary school ‘no,” aniya rito.
“Oh, really? Wow,” naa-amuse na sabi nito sa kanya.
“Oo nga pala. Bakit pinag-day-off mo sila?”
“Bakit? Ayaw mo bang ako lang ang makasama ngayon?”
“Aba, marunong ka nang gumanyan ngayon ha. I’m so proud of you,” sarkastikong sabi niya rito. Sukat sa sinabi niya’y naging seryoso ito. Pero tinawanan lang niya ito. “Tutulong ka bang magluto sa’kin?”
“No. May pupuntahan ako,” anito sa kanya.
“Ano? So, iiwan mo akong mag-isa dito?” tanong niya rito. Hindi niya naiwasang tumaas ang boses dahil sa naramdamang pagkainis dito. Akala pa naman niya’y magiging masaya para sa kanya ang araw na iyon.
“May importante lang akong gagawin. My team needs me,” anito sa kanya pero hindi na niya pinansin pa ang sinabi nito.
Parang bigla ay nawalan siya ng ganang magluto. Pero naisip niyang babalik din ang mga ito sa bahay na iyon at makakain pa rin ng mga ito ang luto niya mamaya kaya magluluto pa rin siya.
“I’ll come home as soon as possible,” sabi nito sa kanya saka siya hinalikan sa noo.
Pampalubag-loob na halik, aniya sa sarili.
PAGKATAPOS magluto ay nag-movie marathon na lang si Rodgine para palipasin ang oras habang naghihintay sa mga kasambahay niyang bumalik ng bahay. Pahapon na pero nag-iisa pa rin siya roon. Frustrated siya sa araw na iyon dahil sinira ni Nick ang plano niya. Hindi man lang nito ibinigay sa kanya ang araw na iyon. Alam niyang hindi nito alam na birthday niya pero sana’y naisip nito na mag-iisa siya sa bahay. Bakit pa nito pinaalis ang mga kasama nila sa bahay kung aalis din pala ito?
Bored na bored na siya sa pelikulang pinapanood niya ng tumunog ang cell phone niya. Isang text iyon mula kay Kyle.
Turn on your radio, anang text nito. Nagtataka man ay binuksan niya ang radio sa entertainment room ng bahay ni Nick pagkatapos ay p-in-ause ang pelikulang pinapanood. Pumailanlang sa ere ang isang musikang hindi niya alam kung kaninong singer. Nag-reply naman siya kay Kyle at tinanong ito kung bakit pero hindi naman ito nag-reply. Pagkatapos ay nagulat siya ng pumailanlang sa ere ang boses ni Kyle. Sinabi nito kung ano ang title ng kanta at kung sino ang kumanta niyon.
“Let me take this opportunity to greet one special lady who’d turned my friend Nick’s life upside-down. Happy birthday, Rodgine! I’m not allowed to tell much but be happy today,” bati sa kanya ni Kyle mula sa radyo na ikinagulat niya. Paano nito nalaman na birthday niya ng araw na iyon? Wala siyang pinagsabihan kahit na si Yngrid.
Agad niyang t-in-ext si Kyle at tinanong kung paano nito nalaman pero hindi na naman ito nag-reply. Baka abala na ito sa radio booth. Sinubukan niyang tawagan si Nick pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.
Isang hindi inaasahang text ang natanggap niya mula sa isang unregistered number. Pero nagulat siya nang magpakilala ang texter sa kanya. Ang kaibigan niya iyong si Remus na naninirahan sa Amerika! Ngunit nang tingnan niya ang numero ay carrier naman sa bansa ang gamit nito. Ibig sabihin ay nasa Pilipinas na ito. May tutulong na sa kanya. Kaya agad siyang nag-reply dito.
Si Remus ay ang kababata niya sa Cebu. They were the best of friends until he left for the States to continue his study there. Hindi na ito nakapabalik pa sa bansa mula noon dahil nakapag-asawa naman ito sa Amerika. Constant pa rin ang komunikasyon nilang dalawa lalo na sa chat at natigil lang iyon nang magbago siya ng numero. Malamang ay kay Mimi nito nalaman ang bago niyang number.
She’s in the middle of texting Remus when someone entered the room. Nagulat pa siya ng bigla na lang may humalik sa kabilang pisngi niya. Napaigtad siya sa gulat at sa sensasyong dulot ng init ng katawan nito sa kanya. Alam niyang si Nick iyon. She smelled him when he entered the room. At pagharap naman niya rito’y saktong tama ng labi niya sa mga labi nito.
Birthday kiss! Yey! Happy birthday to me!
“Happy birthday,” bulong sa kanya ni Nick. “I brought wine and cake,” anitong ipinakita sa kanya ang isang bote ng alak pati na ang isang kahon ng cake na bitbit nito sa magkabilang kamay.
Napangiti siya rito. “Thank you! Paano mo nalaman?”
“I did some research about you. Matagal ko ng alam,” anito sa kanya.
“Ah, so, pinaimbestigahan mo ako,” aniya rito. Hindi naman siya nagalit sa ginawa nito. Naiintindihan niya ito. Kaya pala hindi na ito nagprotesta pa na doon siya patirahin noong una. Baka alam na rin nito ang tungkol sa problema ng pamilya nila.
“Yeah. I managed to know about your problem,” anito sa kanyang para bang nabasa nito ang naiisip niya.
“Wala naman talaga dapat problema eh. Hindi naman ako dapat aalis sa Cebu kung hindi nila sinabing ipapakasal nila ako sa isang milyonaryong hindi ko naman mahal. I can live poorly. Pwede namang pagtrabahuhan ang pera pero ang pagmamahal, hindi,” paliwanag niya rito.
“Very well said. ‘Wag kang mag-alala, hindi kita ibabalik sa kanila hanggang gano’n ang paniniwala nila,” sabi nito sa kanya.
Akala ko, hindi niya ako ibabalik sa’min dahil mahal niya ako. Oh, well. Malapit nang mangyari ‘yon, Rodgine. Tiwala lang, aniya sa sarili.
“Kukuha muna ako ng pagkain sa kitchen,” paalam niya rito.
“Ako na lang ang kukuha. Just sit there,” sabi sa kanya ni Nick. Hinayaan na lang niya ito at bumalik sa pakikipagtext kay Remus.
Bumalik na talaga ito sa Pilipinas at kasama nito ang limang taong gulang nitong anak na si Toffee. Divorce na raw ito sa asawa nito kaya nagpasya itong bumalik na sa bansa. Kay Mimi daw nito nakuha ang number niya. Pinag-usapan din nila ang problema niya at kung paano ito makakatulong sa kanya. Kaya nakahinga siya ng maluwag.
Nang makabalik si Nick sa entertainment room ay agad silang kumain. Tama lang talaga para sa kanilang dalawa ang kinuha nitong pagkain. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng kaba at tensyon. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang indikasyon ng mga sinabi ni Laida kanina at nademonyo na naman siya kaya napailing siya.
“What was that for?” tanong sa kanya ni Nick habang iniaabot sa kanya ang kopita ng wine.
“Huh? Ah, wala,” aniya rito. Kumunot ang noo nito sa kanya. Para maiwasan ang tingin nito at para na rin mawala ang kung anu-anong mga inisiip niya’y inisang-lagok niya ang alak. Gumuhit sa lalamunan niya ang alak pero hindi niya iyon ininda. Humingi pa siyang muli kay Nick.
“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Nick.
“Ayos na ayos,” aniya ritong nag-thumbs up pa. Itinutok niya ang atensyon sa pelikulang kanina pa tumatakbo pero hindi naman niya maintindihan.
Hay, naku, Laida! Kung anu-ano ang pinasok mo sa isipan ko.
Nick grabbed her nape and made her lean into his chest giving her full access to feel and smell him. Nawala na ng tuluyan ang atensyon niya sa pelikula. He’s one major distraction she can’t just ignore. Nakuha na nito ang buong atensyon niya—pati ng katawan niya. She looked up at him and she found him looking at her too.
“Problem?” muling tanong sa kanya ni Nick. Umiling siya rito. Muli naman nitong ibinalik ang tingin sa pelikulang pinapanood nila. Tila enjoy na enjoy ito sa iniinom na wine.
Natutukso siyang tumingin sa mga labi nito at nainggit siya sa basong ininuman nito. His nude expression just makes him look hotter and sexier. She wondered what it feels like to taste those lips—how it would feel against hers. Wala sa sariling nahawakan niya ang kanyang mga labi.
“Don’t do that,” pagkuwa’y sabi ni Nick.
“Huh? Don’t do what?” maang na tanong niya rito.
“Ah, you’re such a tease, do you know that?” Before she could even utter a word, his lips were suddenly on hers.
Heat flared instantly between them. His lips were warm and it tastes as sinfully sweet as the wine they had. It wasn’t her first kiss but he make it seem like it was. Her kissing experience were no match to his skillful mouth so she let him took over her. His hands glided gently through her body. Before she could even think of what he was doing, she didn’t want him to stop.
“Tell me if you want me to stop. You still have a chance,” he said panting. Her stomach churned with thrill and ache. She thought of this—sometime. She wanted this to happen. There’s no turning back.
Bilang sagot sa sinabi nito’y muli niya itong hinalikan. He answered her by kissing her breathlessly. Happy birthday to me, anang pilyang bahagi ng isipan niya.
Without breaking of their kiss, they both managed to take of their t-shirts. Hindi na niya inintindi kung paano nangyari iyon. Maybe it’s because they’re both hungry for each other. She reached for his fly as he caressed her breast which made her moan with pleasure.
“Don’t be too eager, babe. We have all the time,” sabi ni Nick sa kanya nang maghiwalay ang kanilang mga labi. His voice was rough with desire. She felt herself flush with fire burning inside. They continued to undress and caress each other. The heat and hunger still not subsiding but it grew more intense.
He managed to glorify all of her. Her heart raced, her breath numbered as he lay her on that big couch. Tinawanan na lang niya sa isipan niya ang isiping hindi sa kama ang kanyang “first time”. What’s more important is that she did it with the man she loves.
Ah, yes. I love him.
She took a deep breath and swallowed hard as he positioned himself on her. He kissed her senseless as he glided inside her but then, he stopped instantly. Her gaze shot up to meet his. It was painful but she knew it wouldn’t be for too long.
“W-Why didn’t you tell me?” anito sa kanya.
“You didn’t ask,” sabi lang niya rito. He chuckled before continuing what he was doing. She bit her lip as her hand clawed at his back. She could feel him skin to skin as she rode with his rhythm. They both had staggering breaths as they reached the climax.
The next minutes were the most delicious time of her life. And she felt loved.