NICK CURSED under his breath. Kumakain sila ng mga kaibigan niya sa isang restaurant sa Makati nang makita niya si Remus—ang asawa ni Rodgine—na may kasamang ibang babae habang papasok sa restaurant na iyon. Imposibleng ka-meeting nito ang babaeng kasama nito dahil ‘intimate’ ang dating ng mga ito para sa kanya. He’s cheating on Rodgine.
So? You’re out of the picture. Problema nilang mag-asawa ‘yon, anang isang bahagi ng isipan niya.
He’s hurting the woman I love, sabi niya sa sarili. Kailangan niyang makagawa ng paraan para hindi masaktan si Rodgine.
Spoken like you didn’t break her heart then, nang-uuyam na sabi pa ng isang bahagi ng isipan niya. At dahil doon ay nakaramdam siya ng galit para sa sarili. Masasakit na salita ang nabitawan niya noon kay Rodgine dahilan para masaktan niya ito—mga salitang hindi niya pinag-isipan dahil nasaktan din siya.
Nah. You’re ego was bruised, that’s all, paalala niya sa sarili.
Five years ago, after Rodgine’s birthday celebration, he woke up at a sound of a cell phone tune. Hindi ringing tone ng cell phone niya ang tumutunog kundi kay Rodgine. Walang anu-anong tiningnan niya kung sino ang nag-text dito at nakita niya ang pangalang “Remus” na naka-register sa screen ng cell phone ni Rodgine. Natukso siyang basahin ang text conversation ng dalawa at nasaktan siya ng makitang nag-“I love you” si Rodgine kay Remus. Mabuti sana kung isang beses na “I love you” lang iyon pero hindi. Lalo siyang nasaktan nang marinig niya mismo mula kay Rodgine ang mga katagang iyon habang kausap nito si Remus sa cell phone sa mismong kwarto pa niya.
Nasaktan siya dahil doon. Kung kailan handa na siyang magmahal muli ay doon naman niya nalaman na hindi naman pala seryoso sa kanya si Rodgine. Noong una ay hindi niya pinapatulan ang panunukso nito dahil akala niya’y pinagti-trip-an lang siya nito. Pero ipinaramdam sa kanya ni Rodgine na hindi basta trip lang ang mga panunukso nito. At nalaman din niya mula sa kanyang mga kaibigan na seryosong may gusto sa kanya si Rodgine. So, he gave ‘them’ a chance.
Hindi naman siya nagsisi dahil napasaya siya nito. He learned how to smile and laugh again because of her. Alam niya noon na unti-unti ay nahuhulog na ang loob niya rito. Just when everything was falling into place, he saw her “I love yous” to another man. He was hurt. To save his ego, he called up his ex-girlfriend Muriel and reconciled with her then. Para palabasing hindi siya “nahulog” sa bitag ni Rodgine. But God only knows he’s already there.
Nakaramdam siya ng inis at galit kay Rodgine noon dahil sa mga sinabi nito sa kanya na may kinalaman kay Polyanna. Hindi nito alam iyon pero isinuko na niya si Polyanna noong binigyan niya ng pagkakataon ang relasyon nila ni Rodgine. Pero nagkasakitan din silang dalawa.
Si Polyanna ang babaeng pinakamamahal niya noon. Kolehiyo pa lang ang silang dalawa na. Handa na siyang makasama ito habang buhay pero pinaglaruan naman sila ng tadhana. Naglihim sa kanya si Polyanna tungkol sa sakit nitong leukemia. Hindi niya napansin ang mga senyales ng sakit dito dahil abala siya sa pagte-training sa kompanya nila noon pati na rin sa superbike racing career niya kaya madalas ay hindi niya ito nakakasama. Pero suportado ni Polyanna ang lahat ng ginagawa niya.
Nang mamatay ito’y sinisi niya ang sarili sa kapabayaan niya rito. Kung sana’y nanatili siya palagi sa tabi nito’y naagapan sana ang sakit nito. Kaya ipinangako niya sa sarili na buong buhay na niya siyang magiging malungkot—na wala siyang karapatang maging masaya dahil hinayaan niyang mamatay ang babaeng mahal niya. He’d been living in hell since Polyanna died until Rodgine came in the picture. He knew she’s going to be trouble but still, he let her mess up his heart.
Ngunit nagkamali siya. Umalis ito sa poder niya at bumalik sa Cebu. When he realized that he’s not used to not having her around, he planned to take her back but he was too late. May komunikasyon pa kay Rodgine noon ang kasambahay niyang si Laida at napakinggan niya sa pag-uusap nito at ni Manang Yolly—ang nagpalaki sa kanya—na kasal na daw si Rodgine.
For these past five years, he’d been living in hell—more hellish than he used to have after Polyanna died. Katulad nang sinabi sa kanya ni Rodgine noon, hindi na nga siya naging masaya pa. Nawala na kasi ito sa buhay niya at labis niyang pinagsisisihan ang mga sinabi niya rito lalo na ang pananakit niya sa damdamin nito.
At kaya gusto mong hanapan ng butas ngayon si Remus ay para makasingit ka sa relasyon nito at ni Rodgine, kastigo niya sa sarili.
I have to take every opportunity that comes along the way, aniya sa sarili.
“Ano ‘yang tinging ‘yan? You want that chick?” tanong sa kanya ni Chord saka sinulyapan ang babaeng kasama ni Remus.
“No. I want that guy’s wife,” sabi niya rito na ikinalito nito. “That’s Remus. Rodgine’s husband,” aniya rito.
“Oh, really?” manghang sabi nito saka muling tumingin sa gawi nina Remus.
“Asawa naman na pala eh. Wala ka nang pag-asa. Ikaw kasi, pinakawalan mo pa noon,” sabi sa kanya ni Red.
“Ano ka ba, Red! Nasusulot pa ang asawa,” pilyong saad ni Chord.
“Ulol! Thirty ka na pero isip-bata ka pa rin, Chord. Magbago ka na nga,” sabi naman ni Kyle kay Chord. Palibhasa’y limang taon na itong happily married kay Yngrid. Sa katunayan ay may limang taong gulang na anak na ang mga ito—ang inaanak niyang si Frynce Steffen. Sa kanilang apat ay si Kyle pa lang ang tanging may asawa.
“Nagbabago na ako,” sabi naman ni Chord saka tumahimik na lang sa kinauupuan. Muli siyang sumulyap kina Remus. Nakita niyang nakikipagtawanan ito sa babaeng kasama nito.
“I can’t take this. I need to talk to him,” hindi napigilang sabi niya. Tumayo na siya pero pinigilan siya ni Red na katabi niya.
“Kung masira mo man ang relasyon nilang dalawa, what makes you think that Rodgine would take you back after what you’ve done to her?” kastigo nito sa kanya.
“I’m willing to do everything just to make things work for us, Red. I can’t spend another day, another week, another month or another year without her. I’ve been in hell for five years. Ngayong nakita ko na siyang muli, gagawin ko ang lahat makuha lang siya. If I have to tease and trouble her like she used to do to me then, I would. And I don’t care if she’s married,” matigas na sabi niya sa mga ito.
Hindi na niya hinintay pa ang isasagot ng mga ito sa kanya. Tuluyan na siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit kina Remus.
“Remus,” bungad niya rito. He looked up at him. Pagkuwa’y ngumiti ito sa kanya.
“Jackie, this is Nick Velarde. Nick, this is a very special friend, Jackie San Juan,” pakilala ni Remus sa kanilang dalawa ng babaeng kasama nito.
“Hi,” bati sa kanya ng babae. Naglahad ito ng kamay sa kanya na tinaggap naman niya. “Mag-uusap ba kayong dalawa?” tanong nito sa kanila ni Remus.
“Yes. If you would let us talk. It would just take a minute,” sabi niya rito.
“Sure. I’ll just go to the comfort room,” paalam ni Jackie. Nang makaalis ito’y agad siyang umupo sa binakante nitong upuan.
“Hindi mo naman siguro ako sinundan dito para mag-spy sa’kin para hanapan ako ng butas para makasingit ka sa’min ni Rodgine ‘no?” deretsong sabi sa kanya ni Remus. “Ang redundant ko,” natatawang sabi nito sa sarili.
“Hindi. Nagkataon lang na dito din kami kumakain ng mga kaibigan ko. Actually, nauna pa kami kaysa sa inyo. So, who’s her? What’s her role in your life?” prangkang tanong niya rito tungkol kay Jackie.
“She’s my date for tonight, that’s all,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Bakit hindi na lang si Rodgine ang i-date mo?” kunot-noong tanong niya rito.
“Ayaw niyang lumabas ng bahay eh,” kaswal na sabi nito sa kanya na para bang hindi ito nakagawa ng kasalanan sa asawa nito.
Naikuyom niya ang dalawang kamao niya dahil nakaramdam siya ng galit dito. Hindi nito dapat pagtaksilan si Rodgine. He can’t bear to see her hurt again.
“You’re a jerk,” sumbat niya kay Remus.
“Back at you. ‘Wag kang magmalinis, Nick. Alam ko kung ano’ng ginawa mo kay Rodgine. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako nilapitan dito? Get straight to the point,” sabi nito sa kanya. Alam na pala nito ang nangyari sa kanila ni Rodgine noon. Inis at galit na ang nararamdaman niya rito ngayon. He wanted to punch his cool face right now.
“I want your wife back,” agad na sabi niya rito. Ang awkward sigurong pakinggan para dito ng sinabi niya pero wala siyang pakialam dahil iyon naman talaga ang gusto niyang sabihin dito. Sukat sa sinabi niyang iyon ay tumawa ito ng malakas. He’d drawn everyone’s attention to them.
“Sinasabi mo ba talaga sa’kin ‘yan? Asawa ko si Rodgine. Do you think I’ll give her to you? At isa pa, hindi siya isang bagay na binibigay lang. Oh, right. I forgot that you’re a very good player. You played with her heart,” sumbat nito sa kanya.
Guilt rose through his system. Sa sarili naman niya siya nagalit ngayon. Masakit na ipinapamukha pa sa iyo ng kalaban mo kung ano ang nagawa mong mali noon. Ipinaparamdam sa kanya ni Remus na wala na talaga siyang pag-asa pa kay Rodgine. Pero hindi siya titigil. Katulad nang sinabi niya kay Remus kanina, gagawin niya ang lahat makuha lang muli si Rodgine.
“Then, don’t make a step like I did to hurt her,” sabi niya kay Remus saka tumayo mula sa kinauupuan niya at deretsong tinahak ang daan palabas ng restaurant.
Ano’ng laban mo kay Remus? Paano ka nakakasiguradong makukuha mo nga si Rodgine? kastigo niya sa sarili.
We shared a past together. I‘ll use that to get her back, determinadong sagot niya sa sarili. Oh, God, help me.
PAULIT-ULIT na pinapatay ni Rodgine ng mura si Remus sa kanyang isipan. Iniwan na naman nito sa kanya si Toffee kaya siya tuloy ang nakasama ng bata ngayon doon sa Camp Speed. Ngayon ang unang araw nito sa Camp Speed Racing Academy at excited na excited ito. Maaga itong nagising at binulabog siya. At ang damuho naman nitong tatay ay hindi pala umuwi sa kanilang bahay. Wala tuloy siyang choice kundi samahan si Toffee sa Batangas dahil kung hindi naman niya ito sasamahan doon ngayo’y alam niyang buong maghapon itong ngangawa sa kanya.
“Tita Gine, take a picture of me later ha? Ipapakita ko kay daddy mamaya,” bilin sa kanya ni Toffee.
“Sure. Basta be careful sa track later, okay?” bilin din niya rito.
“I will,” nakangiting sabi nito sa kanya saka tumakbo papunta sa nakaparadang kart sa tapat nito.
Iyon ang ibinigay dito ng isang camp aide na mag-aasiste sa mga magtuturo sa mga bata doon mamaya. Bagay na bagay kay Toffee ang suot na kulay puting racing suit na uniporme ng mga batang nag-aaral sa academy. Napakagwapong bata talaga nito. Nagmana sa ama nitong si Remus.
“I’ll take care of him,” anang baritonong tinig mula sa likuran niya. Alam niyang si Nick iyon. Naamoy niya ito.
Talagang pati ang amoy niya’y tanda mo pa rin ngayon, tudyo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Ipinilig na lang niya ang ulo para palisin ang isipin.
Nang humarap siya kay Nick para sana sagutin ito’y nagulat siya dahil napakalapit ng mukha nito sa kanya. Agad siyang napaatras. Pero tila nanunukso pa ito dahil muli ay lumapit ito sa kanya. He grabbed her by the waist and drag her close to him giving her full access to smell and feel his warmth.
“You worry too much,” sabi ni Nick sa kanya. His voice husky with raw passion and...desire?
He has no right to desire her now. Kaya itinulak niya ito palayo bago pa man Ano ba naman kasi ‘yang naiisip mo, Rodgine, saway niya sa sarili.
“Umayos ka nga, Nick!” naiinis na sabi niya rito saka ito tinalikuran para umupo sa may bleachers na nakahanda para sa bantay ng mga batang nag-aaral doon.
“We’ll talk later, babe,” pahabol na sabi sa kanya ni Nick.
Babe? Ang kapal ng mukha niya!
“Ang sweet n’yo naman ni Sir Nick,” anang isang babae na nakatabi niya sa bleachers.
Kunot-noong tiningnan niya ito. “Wala lang ‘yong magawa,” aniya rito.
Nakita niyang pumwesto si Nick sa unahan ng mga kart na nakahilera. Nakasakay na sa mga iyon ang mga batang tuturuan ni Nick. Ito pala ang nakatakdang magturo sa mga bata ngayon bilang consequence ng pagkatalo nito sa monthly patron race ng Camp Speed noong nakaraang weekend.
May mga sinabi si Nick sa mga bata at ipinaliwanag din nito kung paano pinapatakbo ang isang kart. Ipinakita din nito sa mga bata at sa kanilang mga taga-bantay ang hawak nitong remote control na maaaring mag-control sa mga kart na gamit ng mga bata. Safety precaution daw iyon. He seemed like Superman in every kids’ eyes on that race track. But he’s no hero. He doesn’t deserve to be called one. He’s a villain because he breaks hearts—he broke her heart.
Ang bitter mo lang, ‘te!
“Ano’ng pakiramdam na makulong sa mga bisig niya? Masarap ba sa pakiramdam? Ang gwapo-gwapo niya. Ang swerte mo,” kinikilig na tanong sa kanya ng babaeng katabi niya.
“Miss, ang mga lalaking katulad niya hindi dapat pinagpapantasyahan,” sabi niya rito pero hindi ito natinag sa pagkakilig.
“Sana mapansin din niya ako o kung sinuman sa mga patron racers. Pangarap kong mayakap ng isang gwapo,” anang babae na tila nananaginip ng gising. Pinitik niya ito sa noo.
“Stop dreaming. Kung siya din lang ang pinapangarap mo, tumigil ka na. He’s not worth it,” sabi niya rito.
“Ouch. That hurts,” anang pamilyar na tinig ni Nick sa gilid niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.
“It’s a wonder you even know how to be hurt. Akala ko kasi manhid ka,” mataray na sabi niya rito. Ngunit hindi nito pinansin ang pagtataray niya. Tila nanunuksong lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Natulili naman ang tainga niya dahil biglang tumili ang babaeng katabi niya.
“Actually, I’m not numb because I can feel you,” bulong ni Nick sa tapat ng tainga niya. His voice was rough and sexy, it sent shivers down her spine. She had goosebumps. Tila tuksong nag-replay sa utak niya ang mga nangyari sa kanila noon. The times when she used to tease him, the times when she used to ignore her, his body—
His body talaga?
Bwisit talaga! Nadedemonyo na naman ako.
Pero hindi pa natapos doon ang panunukso sa kanya ni Nick. He laced his fingers with hers. Pagkuwa’y itinaas nito iyon sa ere. Muli ay napatili ang babaeng nasa tabi niya. Gusto na niyang sampalin ito para matigil na ito sa pagtili. Pilit niyang binabawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Nick pero mas hinigpitan pa nito ang kapit doon.
“See? Perfect fit,” anito na ang tinutukoy ay ang magkahugpong nilang kamay.
“Bagay kayo,” sabi naman ng isa pang babae mula sa mga nagbabantay. Doon siya mas nagpilit na bawiin ang kamay niya kay Nick.
“Ah, gano’n? Ayaw mo? Fine!” inis na sabi niya rito saka niya kinagat isa-isa ang mga daliri nitong nakakapit sa kamay niya.
“Ang brutal mo naman, Rodgine! Your lips used to be gentle—“
“Tumahimik ka!” inis na sigaw niya rito. Nag-init ang buong mukha niya sa sinabi nito. Nahihiya siyang napatingin sa mga kasama niyang nagbabantay pagkatapos ay muli siyang bumaling kay Nick. “Seryusohin mo nga ang pagtuturo sa mga bata. Kung hindi, isusumbong kita sa may-ari ng Camp na ‘to. Sayang lang ang binabayad ng mga parents ng mga batang ‘yan,” aniya rito.
“Ikaw naman. Masyado kang hot,” pabirong sabi sa kanya ni Nick. Tinaasan niya ito ng isang kilay.
“You used to be so cold and serious,” aniya rito.
“And you used to be cheerful. What happened to you?” tanong nito sa kanya.
“You broke my heart. And now, you’re just somebody that I used to know,” aniya rito.
Take that! Hurrah! Sa wakas! Nasabi ko rin ‘yon sa kanya! nagbubunyi na sabi ng isang bahagi ng isipan niya.
“I want to take you back, Rodgine. I want to make things right between us,” seryosong sabi sa kanya ni Nick. Nagulat man siya sa sinabi nito’y umarte siyang hindi napakinggan ang sinabi nito. “I’ll take everything you’ll give me as long as I’ll have you in the end,” determinadong sabi nito sa kanya.
“Wow, ha. Hindi pa ba malinaw sa’yo na may asawa na ako?” aniya rito.
“Do you love him?”
“Of course! Pakakasalan ko ba siya kung hindi ko siya mahal?”
“Yes. Kailangan mo ng pera noon para maisalba ang mga ari-arian n’yo ‘di ba?” anito sa kanya.
Hindi napaghandaan ng puso niya ang sinabi nito kaya hindi niya nailagay ang harang doon. Nakalimutan niyang si Nick nga pala ang kausap niya kaya dapat ay palaging may harang ang puso niya. Sa sinabi nito’y parang bumalik lang ang sinabi nito noon sa kanya. When he said that she’s juggling three guys at a time.
“Alam mo, Nick, nang umalis ako sa poder mo, I’ve learned not to juggle three guys at a time. Pero ikaw? Kailan mo kaya matututunang ‘wag humusga sa isang taong hindi mo naman talaga kilala—or matagal mo nang hindi nakikita? People change, but I guess not you,” mataray na sabi niya rito saka ito tinalikuran. Pero may naisip siyang sabihin dito kaya muli niya itong hinarap. “’Wag mo na akong habulin, Nick. You’ll look cheap. May asawa na ako at mahal ko si Remus,” sabi niya rito. He looked flushed with hurt.
Oh, how she wanted to hurt him badly. Kahit man lang sa pagturing at paraan ng pagsasalita niya rito. Sana ay maramdaman nito ang sakit na pinaramdam nito sa kanya noon. It would be the greatest revenge and pleasure ever.