Camp Speed Chapter 21

NAPANGITI SI Nick sa kanyang sarili. Kung malalaman lang ng mga kaibigan niya ang ginagawa niya ngayon ay siguradong pagtatawanan siya ng mga ito. Pero kung malaman man ng mga ito iyon, wala na siyang pakialam kung tuksuhin siya ng mga ito. He’s doing it for love anyway.

He watched Rodgine as she bought a movie ticket. Nakasombrero siya at naka-dark sunglasses para hindi siya nito makilala. Mamaya ay isusuot naman niya ang pangalawang disguise niya—ang curly wig at fake mustache—sa loob ng sinehan. Pumila siya limang tao malayo dito para hindi agad siya nito makita. Buong araw na niyang sinusundan si Rodgine sa mall na iyon pero hindi siya nagsisisi dahil gusto niya itong makita. Kailangan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob nito.

Remus can live without her, but not him. Kung nagagawa ni Remus na makipag-date sa ibang babae, he doesn’t deserve Rodgine. At kung bibigyan siya ng pagkakataon ni Rodgine—hindi siya titigil hangga’t bigyan siya nito ng pagkakataon—ay sisiguraduhin niyang hindi na ito muling masasaktan pa.

Nagbayad siya sa cashier ng movie ticket. Pitch Perfect ang napiling panoorin ni Rodgine. Pero alam niyang nagpapalipas oras lang ito dahil wala ang mag-amang Remus at Toffee sa bahay ng mga ito sa Maynila. Nasa Camp Speed ang mag-ama para sa karting lessons ni Toffee. Isa sa triplets ang magtuturo sa mga ito ngayon. Tapos na kasi ang obligasyon niyang pagtuturo sa mga bata kaya nagagawa niyang sundan si Rodgine ngayon.

Oh, you mean, stalking, anang isang bahagi ng isipan niya.

When you want to know what your special someone is doing and you went all the way—even trailing her wherever she go—it’s not stalking, it’s loving and caring for her. You wanted to know every single move of her because you can’t miss a chance to see her or to be with her, sabi niya sa sarili.

Hinanap niya si Rodgine sa mga nakaupo sa loob ng sinehan. Tinanggal na niya ang dark sunglasses niya dahil sagabal lang iyon sa paghahanap niya at isinuot na niya ang wig at fake mustache. Nakita niya ito sa may gitna—sa ibabang parte—ng sinehan. Nakatutok ito sa panonood ng movie trailers sa malaking screen kaya siguro hindi siya nito napansin. Pati ang pagtabi niya rito’y hindi rin nito pinansin.

Good thing. Kung hindi ay masisira agad ang diskarte ko.

He extended his hands across the top of her seat. Pagkuwa’y unti-unti niya iyong binaba patungo sa balikat ni Rodgine. Nag-slouch siya ng kaunti sa upuan saka niya inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Noon ito napatingin sa kanya.

Parang katulad din niyon ang ginawa ni Rodgine sa kanya noon sa eroplano nang magkatabi silang dalawa.

“Would you mind? Hindi kasi ako sanay manood ng sine nang hindi nakaakbay at nakahilig sa isang babae eh,” sabi niya rito. Pinigilan niya ang sariling mapatawa dahil sa nakita niyang reaksyon nito. Napatanga lang ito sa kanya. Doon niya tinanggal ang wig at fake mustache niya at nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya.

“What the hell are you doing here?” pasigaw na tanong nito sa kanya. Tinanggal nito ang braso niya sa pagkakaakbay dito. Other viewers hushed her. Nginitian naman niya ito.

“Manonood ng Pitch Perfect katulad mo,” kaswal na sabi niya rito. Masama siya nitong tiningnan saka lumipat ito ng upuan palayo sa kanya. Pero sumunod lang siya rito. Muli na naman itong lumipat ng upuan pero sumunod na naman siya rito. “Sumunod ka pa sa’kin and you’ll regret it,” banta nito sa kanya.

Nginitian lang niya ito saka mabilis na hinalikan ang mga labi nito. “Lumayo ka man sa’kin, susundan pa rin kita,” sabi niya rito. Mukhang gulat na gulat ito sa ginawa niya kaya muli niya itong hinalikan. Just like what you did to me then, Rodgine. “I’m sorry if you ever felt being stalked by. Gusto lang kitang makita,” aniya rito saka muli niya itong hinalikan. “I liked kissing you and I’m not even sorry for doing that,” nakangiting sabi niya rito saka ito kinindatan. “Nood na tayo, okay?” sabi niya rito.

Hindi pa doon natapos ang pagdiskarte niya rito. Sinamantala niya na hindi pa nakakapag-react si Rodgine kaya ginagap niya ang kamay nito. Katulad noong nanood sila ng pelikula sa entertainment room niya.

“Uuy, perfect fit,” sabi niya rito saka itinaas sa ere ang magkahugpong nilang kamay. Saka niya iyon dinala sa tapat ng kanyang mga labi at hinalikan ang likod ng kamay ni Rodgine. “Please give me a chance, Rodgine,” nagsusumamong sabi niya rito.

Mataman siya nitong tiningnan. Nang nagpalakpakan ang mga nanonood ay tila natauhan si Rodgine. Binawi nito ang kamay nito sa kanya.

“You don’t deserve a chance, Nick. Bakit ba ganyan ang ginagawa mo ngayon? Pinagti-trip-an mo ba ako? Are you enjoying this game?” paninita nito sa kanya.

“I’m not enjoying this game. But I like you to see and feel that I’m sorry and I love you,” sabi niya rito.

“Love?” she smirked at him. “Alam mo ‘yon? Wow,” sarkastikong sabi nito sa kanya.

“I deserve the doubt. Pero hayaan mo sanang ipakita ko sa’yo ang mga sinasabi ko, Rodgine,” aniya rito.

“Let me guess. You’re starting to get all sweet to me ‘cause you wanted to get laid again? Is that it? Well, sorry to burst your bubble, but I love my husband, Nick. So, back off,” mariing sabi nito sa kanya saka tumayo ito mula sa kinauupuan nito at patakbong tinungo ang exit ng sinehan.

You deserve the hurt, doubt and rejection, Nick. But don’t give up just yet.

HINDI NA hinintay ni Rodgine na matapos ang pelikulang pinapanood niya dahil kay Nick. Mabilis na lumabas siya ng sinehan dahil baka masundan siya ni Nick at pagkalabas niya ng mall ay agad siyang pumara ng taxi para sumakay doon. Kailangan niyang lumayo kay Nick dahil nagiging delikado na naman ang lagay ng puso niya.

How dare him para gawin ang mga ginagawa ko sa kanya noon!

Ang paghalik nito sa kanya pati na ang paghawak-kamay nila kanina, dalawa iyon sa mga ginawa niya dito noon para makuha ang loob nito. Bakit nito gustong makuha ang loob niya ngayon kahit na alam nitong asawa na niya si Remus? At pati ang “para-paraan” na ginawa niya noon dito sa eroplano nang una silang magkakilala noon ay ginawa din nito sa kanya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat maniwala sa mga sinabi ni Nick sa kanya. Love? Hindi ito marunong magmahal. She was a mistake for him then. Bakit siya nito sasabihan ng ganoon ngayon?

Maybe he wants to get laid back again, anang isang bahagi ng isipan niya. As if she would fall for that. She wouldn’t make the same mistake again. She’s too tired of regretting.

“Curse him!” naiinis na sabi niya.

Pero aminin, kinilig ka kahit papaano sa effort, tudyo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

Whatever! Dapat ay hindi na sila muling magkita ni Nick. Kailangan na niyang mag-ingat sa bawat galaw niya para hindi na sila muling magkita nito. She doesn’t want to gamble her heart to him.

“ANG SWEET naman ng admirer mo.”

Naiikot ni Rodgine ang kanyang mga mata dahil sa panunuksong iyon ni Remus. May nadatnan na naman kasi silang bouquet ng mga bulaklak sa may gate ng bahay nila.

Kagagaling lang nila sa Chipud dahil tsinek nila ang lahat para sa opening nila bukas. Sa wakas ay matatapos na rin ang misyon nila sa Maynila. Isang linggo na lang ang itatagal nila sa Maynila dahil hihintayin na lang nila ang graduation ceremony ni Toffee sa Camp Speed Racing Academy bilang pagtatapos ng pag-aaral nito roon. Uuwi na sila sa Cebu at tuluyan na siyang malalayo kay Nick.

“Itapon mo na ‘yan,” utos niya kay Remus.

“Sayang naman. Mahal kaya ‘to,” anito sa kanya.

“Eh, ‘di ibigay mo sa mga babae mo kung gusto mo,” mataray na sabi niya rito.

“Ang sungit mo naman. Ilang linggo na ba niya itong ginagawa? Araw-araw pa. Hindi pa ba lumalambot ‘yang puso mo?” tanong sa kanya ni Remus na ang tinutukoy ay ang regular na pagpapadala ni Nick sa kanya ng mga bulaklak na may kasamang mga poem lines mula sa mga popular na love poets.

“Kung seryoso siya, ‘yong galing sa puso niya ang ilalagay niya sa mga card kasama ang mga bulaklak na ‘yan hindi ‘yong galing sa ibang tao ang mga linya niya. Wala siyang originality,” sabi niya kay Remus.

“Pinapahirapan mo naman siya ng sobra. Bakit daw ba niya ito ginagawa? Alam niyang may asawa ka na ‘di ba?”

“He said he loves me and he’s sorry,” kaswal na sabi niya kay Remus.

“Mahal ka naman pala eh. Bakit hindi mo pa sagutin?”

“Ano’ng sagutin? Remus, wala akong balak na pans—“

“Nicholai Velarde loves Rodgine Lores Ruiz,” ani Remus. Mawi-wirduhan sana siya dito pero nakita niya itong binabasa ang card na kasama ng mga bulaklak. “’Yon lang ang nakalagay dito. Siguro naman hindi na niya ginaya ‘yon sa ibang tao ‘di ba?”

“Remus, itapon mo na ‘yan,” naiinis na sabi niya rito.

“Mag-usap nga tayo ng maayos, Gine. Ano ba ang inaayaw mo kay Nick ngayon? Ito na o. May magiging katuparan na ‘yong gusto mong mangyari noon. Mahal ka na niya at nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sa’yo noon—“

“Sinaktan niya ako ng labis noon, Remus! You don’t know how bad it hurts!” naiinis na sigaw niya rito.

“Rodgine, maswerte ka nga dahil ‘yong taong mahal mo, bumabalik pa rin sa’yo kahit na nagkasakitan na kayo at lahat. Iilang taong nagmamahal lang sa buong mundo ang nabibigyan ng ganyang pagkakataon kaya ‘wag mo nang pakawalan pa ‘yan. It’s your chance to be happy. And I doubt it if running away, avoiding him, or hurting him would ever give you pleasure and happiness. Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinipilit pa rin ni Nick ang sarili niya sa’yo kahit na alam niyang asawa mo ako? He really loves you.”

“Nakasabay ko siya sa isang restaurant dati. Nakita niyang may kasama akong ibang babae. Nilapitan niya ako, sinita kung bakit iba daw ang kasama kong babae. Sinumbatan niya ako at gano’n din ang ginawa ko sa kanya. He has the guts to tell me I’m a jerk when he himself was one too, right? Pero alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa’kin noon? He told me not to make the same step he did when he hurt you. At na-amuse ako ng sabihin niya sa’king kukunin ka niya sa’kin. Right there and then, alam kong nagbago na siya, Gine. Alam kong pinagsisihan na niya ang ginawa niyang pananakit sa’yo. Alam kong may rason kung bakit niya nagawa ‘yon. So, hear his side. Let him explain.”

Hindi niya alam kung bakit pero habang nagsasalita si Remus sa harapan niya ay hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya at hindi niya iyon agad na maampatan. Pinahid ni Remus ang mga luha niya saka siya nito niyakap.

“You’ve been tough to handle all the pain inside, Gine. But it’s time to let it all go. Hindi mo man aminin sa’kin, alam kong mahal mo pa rin siya. Don’t hold it back,” sabi pa ni Remus sa kanya.

But she didn’t know if she’s now ready to let go of the hate she had for Nick. She didn’t know if she’s ready to face him like how she used to then.

NANG MAKATANGGAP ng tawag si Nick mula kay Remus at sinabi nitong kailangan nilang magkitang dalawa ay agad na pumunta siya sa sinabi nitong meeting place nila. Doon iyon sa restaurant kung saan sila nagkita dati. Pagkarating niya roon ay iginiya siya ng isang hostess kung saan nakapwesto si Remus.

“Are you ready to give her up to me?” bungad na tanong niya rito.

“Do you love her?” nakangising tanong nito sa kanya.

“Yes,” sagot niya rito. Kahit na apat na taon siya nitong inilagay sa impyerno—dahil sa kagagawan din niya—idagdag pa ang ilang linggong pagto-torture nito sa kanya ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya rito. Mahal pa rin niya ito.

“Seriously? Baka naman saktan mo lang ulit siya,” anito.

“I’ve had enough hell in life. Hindi na ako gagawa ng makakapagpabalik sa’kin sa impyerno. I wouldn’t hurt her,” sabi niya rito.

Siguro, kung may makakarinig lang sa usapan nila’y mawi-wirduhan ang mga ito sa kanilang dalawa ni Remus. Nandoon siya para kunin dito ang babaeng mahal niya—at kung gugustuhin ni Remus—ibibigay naman nito sa kanya ang asawa nito. What’s more awkward than that.

“Gine might kill me for this but...she’s not really my wife.”

Oh, dear Lord, thank You!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.