Camp Speed Chapter 22

FOOD RUSH. Pumunta siya doon bago siya pumunta sa Racer’s Haven—kung saan siya magpapa-spa mamaya—para i-order ng pagkain sina Remus at Toffee. For take out ang mga pagkaing in-order niya para mamaya pagkatapos ng graduation ceremonies ay maaari na silang makaalis agad.

Hindi siya sumama sa graduation ni Toffee dahil alam niyang makikita niya roon si Nick. Pinagbigyan lang niya si Toffee na sumama siya roon sa Camp Speed para hindi ito magtampo sa kanya. Kaya sa Racer’s Haven siya magpapalipas ng oras. May final karting race pa kasi sina Toffee kaya matatagalan pa ang mga ito doon.

“Hi! You’re Rodgine, right?” anang isang gwapong lalaki sa kanya. Walang pasabing umupo ito sa tapat niya.

“Paano mo ako nakilalala, eh hindi naman kita kilala?” tanong niya sa lalaki.

“I’m Azeriel Villaraza,” pakilala nito sa kanya. Pinangunutan niya ito ng noo dahil hindi pa rin niya ito kilala kahit na nagpakilala na ito sa kanya. “Raoul and Nick keeps on talking about you. Actually, sikat ka dito sa Camp Speed and probably, around the country.”

“Bakit? Paano nangyari ‘yon? Ito pa lang ang ikalawang beses na nagpunta ako rito. At saka, hindi naman ako artista para maging sikat katulad ng sinasabi mo,” nagtatakang paliwanag niya rito.

“Well, you have to read this,” sabi nito sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang isang tablet pagkatapos. Naka-bookmark doon ang website ng Camp Speed kung saan headline ang “A Loss For Love”.

Ano’ng kinalaman ko dito? tanong niya sa sarili habang nag-scroll down sa website para mabasa ang buong artikulo na isinulat ni Kaycee Jean—ang official journalist ng Camp Speed. Nagulat siya ng makita ang litrato ni Nick doon habang ini-interview ng ito ng isang babae. Sa unang bahagi ng artikulo ay ipinakilala kung sino si Nick sa motorsport pati na ang mga achievement nito. He’s one good racer all right. Pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin niya kundi ang mga naka-quote na sinabi nito.

“I lost because I chose to. I want to try if the myth is true. Imposibleng maayos ang love life ko pero gusto kong subukan ang bisa ng ‘myth’ na ‘yon. I need to believe in the myth because I want to have the woman I love even if it’s too impossible to have her,” the superbike champion told us with googly eyes. And when asked of who is lovey was, “Rodgine Lores Ruiz, still. I love her and I want to take her back,” he said.

After a month, we’ll see if Nick Velarde’s love life would have its ‘happy ever after’. Based from personal experience, the ‘myth’ is real. So, I hope everything woul turn out good for Nick and Rodgine, sabi pa sa article.

Habang binabasa niya ang buong article ay nanlalaki ang mga mata niya. That’s why they knew her! Nick announced it on an interview that can be seen by everyone!

Damn him! Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya. Kinikilig siya, naiinis at nahihiya. Pinatay niya sa mura sa kanyang isipan si Nick. Pagkatapos nang ginawa nito sa kanya kanina sa may karting track ay ito naman ang ginawa nito sa kanya. Nakakahiya!

“How sweet,” sabi ni Aze sa kanya kapagkuwan. Ibinalik niya rito ang tab na pinahiram nito sa kanya.

“Screw him,” sabi naman niya rito na ikinatawa nito.

“What myth are they talking about?” curious na tanong niya kay Aze.

“Ah, a lot of patron racers are afraid of that ‘myth’. It was actually told by the former Camp patron racers known as ‘The Formers’. Tuwing patron monthly race kasi, may sampung patron racers na nagko-compete sa isa’t isa. The top five would have a chance to use the winning vehicles sponsored by the Camp for a month until their reign, while the lowest five would have a chance to have a love life. Gano’n daw kasi ang nangyari noon sa mga natatalo. And just last month, the five losers coincidentally or not, found their true loves. Masaya na sila ngayon. I guess Nick really loves you for him to even risk his career. Maraming expectators last race pero hindi niya inisip ang mga ‘yon dahil mas naisip niya ikaw,” mahabang litany ni Aze.

Ang sweet nga, anang makulit na bahagi ng isipan niya. Nagiging bipolar na naman ang puso’t isipan niya. That means trouble.

“Ahm, thank you, Aze,” sabi niya rito. Nang dumating ang take-out order niya ay nagpaalam na siya rito. Sinaluduhan naman siya nito pagkatapos. Nilagay muna niya sa kotse ni Remus ang mga pagkaing in-order niya bago siya nagpunta sa Racer’s Haven. Kailangan nga niyang ma-relax para makapag-isip siya ng maayos.

Hay, Nick would forever be a trouble for me.

PRENTENG naglunoy sa spa sa Racer’s Haven si Rodgine. Walang ibang tao doon kundi siya lang—dahil baka siguro nanonood ang guests ng The Garage Suites sa graduation ceremonies ng Camp Speed Racing Academy—kaya makakapag-relax siya at makakapag-isip siya ng maayos.

Nakapikit siya nang maramdaman niyang biglang may dumapong kung ano sa pisngi niya. Nang magmulat siya nang mata ay nakita niya si Nick. At tanging isang maliit na tuwalya lang ang saplot nito na nakatali sa baywang nito!

Napatili siya pagkakita dito. Humalukipkip siya para tabunan ang dibdib niya. Dalawang maliit na tuwalya lang ang suot niya. Isa para sa dibdib niya at isa para sa baywang niya. “Ano’ng ginagawa mo dito?” pasinghal na tanong niya rito.

“I want to bring back the old days,” kaswal na sabi nito sa kanya saka lumusong ito sa tubig at lumapit sa kanya.

Old days, my foot! My god! Bakit may ganito?

Napaatras siya sa patungo sa kabilang dulo ng spa. Lumapit naman ito sa kanya at kinorner siya hanggang sa dumikit na ang likod niya sa gilid ng spa. His two arms trapped her by the edge. Hindi siya makatingin ng deretso dito. Her heart raced with equal irritation, excitement and...anticipation?

“Paano mo nalamang nandito ako?” tanong niya dito.

“Sinabi sa’kin ni Remus ang plano mong dito mag-stay habang ginaganap ang graduation ceremonies nina Toffee,” anito sa kanya.

“Alam mo nang...” She cursed Remus. Ipinagkanulo siya nito kay Nick.

“Don’t fight me, babe,” sabi sa kanya ni Nick.

Damn him, his hot body and his sexy voice!

“Do you know why I took you in four years ago? It’s because I was attracted to you. Remember when you nuzzled on my chest? Damn, you turned me on, then. Mas matindi pa ang atraksyon na naramdaman ko sa’yo kaysa kay Muriel noon. At dahil na rin sa pagkamakulit mo, hindi ako naka-hindi sa’yo noon. Pero hindi nawawala sa sarili ko ang magpigil nang nararamdaman dahil natatakot akong masaktan muli. Natatakot akong makaramdam muli ng sakit katulad nang naramdaman ko noong mawala si Polyanna noon.”

“Kung inakala mong hindi ko pa nale-let go si Polyanna noon, nagkakamali ka. The moment I gave ‘us’ a chance, I already let go of the love I have for her. I’m sorry for everything that happened. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Nasaktan din ako pero hindi naman pala dapat. I’ve been jealous of Daniel and Remus then. Natatandaan mo ba no’ng sinama kita sa Batangas? Hiwalay na talaga kami ni Muriel noon. At pinilit kong maisama ka doon dahil kung hindi kita isasama ay sigurado akong pupunta ka sa photoshoot ni Daniel para sa Rapture. I don’t want you near him. Pero i-d-in-ate mo rin naman siya no’ng huli. Natatandaan mo pa ba ‘yong mga iniutos ko sa’yo noon? Kung bakit bigla ko na lang inutos sa’yong paliguan si Snowy noon? Dahil nagalit ako sa’yo.”

“I was supposed to take you to Tagaytay dahil gusto kang makilala nina mommy. Frustrated na frustrated ako noon dahil out of coverage area ang number mo. Ilang oras akong naghintay ‘tapos makikita ko pang si Daniel ang naghatid sa’yo. Akala ko no’ng una, inis at galit lang ‘yon dahil hindi ka man lang nagpaalam sa’kin pero sa huli ay na-realize kong nagseselos na pala ako sa kanya. Natakot ako sa naramdaman ko sa’yo noon. Yeah, I’m more of a coward than a cold monster.”

“Nang magkasakit ka noon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil nagkasakit siya. Katulad nina Manang Yolly, hindi ako sanay na makita ka sa ganoong kalagayan. Sanay kaming makita kang masigla at makulit at palaging on-the-go hindi ‘yong hinang-hina ka. I don’t want to leave your side until you’re fully recovered. At kung inakala mong scripted ang pagiging sweet ko sa’yo katulad ng sinabi ko noon sa’yo, hindi. Kusang lumabas ang sweetness ko dahil matagal ko nang gustong iparamdam ‘yon sa’yo. Blessing in disguise ang pagkakasakit mo noon dahil nagawa kong iparamdam sa’yo kung ano talaga ang nararamdaman ko. Nang tumawag noon si Daniel sa’yo at sinabi mong makikipagkita ka ulit sa kanya, na-threaten ako. Ayaw ko nang makita ka ulit na kasama siya. So, I let my feelings all go to show.”

“At ‘yong kay Remus? Siya ang dahilan kung bakit kita nasaktan noon. I saw your text to him. The one with the ‘I love you’. ‘Tapos, narinig pa mismo kita sa loob ng kwarto ko na nagsasabi ng ‘I love you’ sa kanya. You’ve hurt my ego, yeah, that’s easy to say. But you can’t imagine how hurt I was back then. To save my ego and to guard my heart, I called up Muriel. Para palabasin na bale-wala lang sa’kin ang lahat. Pero ang totoo, you’ve messed up my heart. Noong unang kita ko pa lang sa’yo sa eroplano, I knew you were trouble. And since then, you’ve been a trouble for me. Hindi lang dahil sa sarili mong problema o sa mga panunukso mo, but because you wouldn’t leave my mind at aminin ko man noon o hindi, I know you’ve invaded my heart and I was just a coward to admit that to myself. Kaya nasaktan talaga ako nang makita ko ang text mo kay Remus noon na ‘I love you’. You never told me that. Kaya nagselos talaga ako kay Remus,” paliwanag nito sa kanya na ikinawindang niya.

Is this all for real? Naririnig ba talaga niyang nagko-confess sa kanya si Nick ngayon?

“Kung mahal mo naman na pala ako noon, bakit hindi mo ako sinundan sa Cebu?” tanong niya rito pero nanunumbat din ang tono niya.

“Dahil sinabi sa’kin nina Laida na kasal ka na. I thought nagpakasal ka talaga do’n sa in-arrange marriage sa’yo ng mommy mo,” paliwanag nito sa kanya.

“Remus helped me up with everything. Binayaran niya lahat ng utang ni daddy pero hindi na namin naisalba ang kompanya. Ayos na rin ‘yon, at least, may bahay pa rin kami sa Cebu at okay na kami nina mommy at lola. Best friend ko si Remus kaya palagi ko siyang sinasabihan ng ‘I love you’. Bakit ikaw? You never told me you love me too, then,” sabi niya rito.

Ah, peste! Kahit kailan talaga, hindi pwedeng magkasundo ang puso’t isip. The one would always out-power the other. And this time, her heart won. She heard what she needed to hear from Nick. And maybe, if he hadn’t explained it all, she would still go for him. Dahil kahit na anong tanggi ang gawin niya sa kanyang sarili, mas malakas pa rin ang hangarin ng puso niya para sa pag-ibig nilang dalawa.

“Ah, so hinihintay mo lang akong magsabi sa’yo ng ‘I love you’ noon bago ka magsabi ng ‘I love you’ sa’kin?” anito sa kanya. A sexy smile curved up to his lips.

“Sobra na ang pagka-‘cheap’ ko kung ako pa ang unang magsasabi sa’yo ng ‘I love you’ ‘no,” aniya rito. Noon lang niya ito nagawang tingnan ng deretso sa mga mata. His eyes weren’t cold and serious anymore. Love put an incredible glow in his eyes as he stared deeply at her now.

“Kinausap ka ba ni Aze kanina?” tanong nito sa kanya.

“Yeah. Pinabasa niya sa’kin ang article tungkol sa’yo. And he told me about a myth. Let me guess, kakuntsaba mo rin siya?” tanong niya rito.

“Guilty,” natatawang saad nito siya niyakap. “I’ve missed you so much,” anito sa kanya.

“I’ve missed you too,” naiiyak na sabi rin niya rito.

“And before I forgot, I love you,” he told her tenderly before his lips descended on hers. The thrill and ache she felt weren’t new to her. But the burning sensation grew more powerful and hotter. Pero hindi pa rin matatalo ng mga iyon ang kasiyahang nararamdaman ng puso niya ngayon. She really missed him. She loves him.

“I love you too,” she told him in between his kisses. “I wonder kung ano ang sinabi mo kay Remus kaya bigla na lang naging sa’yo ang loyalty niya,” aniya rito.

“I told him I love you. Sabi pa niya, gusto na daw niyang maayos natin ang relasyon natin dahil gusto na niyang makakita ng bagong mommy ni Toffee. At gusto na rin daw niya tayong magkaroon ng little Toffee para hindi mo na panggigilan ang pisngi ni Toffee. Do you want to make our own Toffee now?” pilyong tanong nito sa kanya.

“Hindi porke’t mahal kita, makaka-base ka agad ngayon. Marry me first,” aniya rito. Sukat sa sinabi niyang iyon ay bigla siya nitong hinalikan ng walang warning. Then, he held her hand and murmured ‘perfect fit’ in between his kisses. She felt him glide something through her finger. At pagkatapos nang halik nito’y nakita niya ang isang diamond ring sa isang daliri ng kamay niya.

“Let’s get married,” masuyong sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang unang magiging reaksyon niya. Gusto niyang tumili dahil sa kilig at gusto rin niyang magtatalon dahil sa tuwa.

Tama nga si Remus. Kahit kailan ay hindi madaling umibig, pero kapag nalampasan mo naman ang lahat ng pagsubok niyon ay labis na kasiyahan ang mararamdaman mo. Katulad nang nararamdaman niya ngayon.

“Let’s get married,” nakangiting sabi niya rito. Long overdue na ang love story nila kaya kailangan na nga nilang magpakasal.

Ah, this is love.

“’TOLD YOU the myth is real,” narinig ni Rodgine na sabi ni Kaycee kina Nate, Rhyu, Dennis, Terrence at Kent—ang mga fresh losers nang katatapos lang na monthly patron race. Ini-interview ni Kaycee ang lima sa may committee garage nang mamataan nito sila ni Nick.

“Hindi pa rin ako naniniwala. Coincidence lang ‘yon. Nick chose to fix his love life kaya sila na ngayon ni Rodgine,” mariing sabi ni Kent.

“Bata pa ako. I still don’t want to settle down,” sabi naman ni Terrence.

“Eh, bakit naman kami ni Mitch? It doesn’t mean na magpapakasal ka na agad,” sagot ni Kaycee dito.

“Ah, basta ako, gagawin ko ang lahat hindi lang magkatotoo ang myth na ‘yon. Hindi muna ako makikipag-date,” sabi naman ni Dennis.

“Love will come kahit hindi ka makipag-date, Dennis,” sabi dito ni Nick.

“Good luck na lang sa inyong lima!” nangingiting sabi niya sa mga ito. Tanging sina Nate at Rhyu lang ang hindi nagkomento tungkol sa ‘myth’ na iyon.

“Kuya Nick, sino sa tingin mo sa limang natalo ngayon ang susunod sa yapak mo?” tanong ni Kaycee kay Nick.

“Sa yapak ko na kusang nagpatalo at susubukan ang bisa ng ‘myth’?” ani Nick.

“Oo. Sa tingin mo may kusang magpapatalo sa sunod?” tanong ni Kaycee dito.

“I guess...si Nate,” nakangising saad ni Nick.

“Bakit?” naiintrigang tanong ni Kaycee.

“Ask him,” sabi ni Nick dito. Pero bago pa man matanong ni Kaycee si Nate ay umalis na ito sa committee garage. “Hayaan mo na siya, Kaycee. You’ll soon have your scoop about his love life. In the meantime, take a look at this,” sabi ni Nick saka ipinakita kay Kaycee ang magkahugpong nilang kamay.

“Oh-my-god! Congratulations!” pasigaw na sabi nito sa kanilang dalawa ni Nick pagkakita sa diamond ring sa kamay niya. Narinig nang lahat ang sigaw ni Kaycee kaya nagsilapitan din ang ibang tao sa kanila para i-congratulate silang dalawa ni Nick.

“Tell me, I’m lucky,” bulong ni Nick sa kanya.

“No. You’re trouble,” nakangising sabi niya rito.

Starting then, she sure know they would be troubling each other from time to time—with love.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.