Camp Speed Chapter 4

“MAGUGUNAW na ba ang mundo ngayon? Utang-na-loob, Kaycee! Gusto ko pang magka-boyfriend!”

Nawindang ang buong sistema ni Kaycee pagkarinig niya nang eksaheradang litanya na iyon ng best friend niyang si Elle. Nagbabakasyon ito sa Maynila ngayon at napili nitong makituloy sa bahay nila. Ngunit wala siyang oras para pakinggan ang isa na namang litanya nito tungkol sa bokyang buhay pag-ibig nito. Kailangan niyang bilisang magluto dahil bibiyahe pa siya patungong Batangas para hatiran ng pagkain si Mitch.

Yup. Nagluluto siya para kay Mitch. T-in-ext kasi siya ng Kuya Raff niya at sinabi nitong ngayon ang schedule ni Mitch na magturo sa Camp Speed’s Racing Academy. Kailangan niyang bumalik sa Batangas para rito.

“Funny, ‘te,” aniya rito.

“That’s so sweet of you to cook for Tita Susie pero ‘wag mo nang ituloy, okay? Mamaya n’yan, malason pa si tita,” anito. Birthday kasi ngayon ng mama niya. Pero nagpasabi na siya ritong mamayang gabi na siya makiki-celebrate sa mga ito dahil kailangan niyang pumunta sa Batangas. Isa pa’y may naihanda na siyang sorpresa para rito.

Ah, so ang pagluluto ko pala ang sinasabi nitong si Elle, natatawang sabi niya sa sarili.

“Alam mo namang ayaw ni mama ng luto ko kaya never ko na siyang ipinagluto ‘di ba?” nakangising saad niya rito. Hindi daw nagustuhan ng mama niya ang mga luto niya kaya talagang tinatamad siyang magluto sa kanila. Tamad siyang magluto. She’d rather spend money to eat outside than to cook for herself.

So, bakit ka nagluluto ngayon?

Because if you cook food with love, it would turn out to be a good food, aniya sa sarili. Nagluluto siya nang may pagmamahal kay Mitch kaya sigurado siyang magiging masarap iyon. Hindi naman masama ang mga luto niya noon. Sadyang pihikan lang talaga sa pagkain ang mama niya dahil masarap itong magluto.

“Gano’n? So, bakit ka nagluluto? Ayaw mo rin ng luto mo ‘di ba? Para kanino ‘yan? Kasi, hinding-hindi ko kakainin ‘yan,” parang natatakot pa na saad nito.

“Kay Mitch,” nakangiting sabi niya rito.

“What the hell?” bulalas nito na ikinatawa niya.

“Alam mo, ‘te, ganito talaga ‘pag nagmamahal. Kahit na kinatatamaran mong gawin dati, kapag kinailangan ng mahal mo, gagawin mo,” aniya rito.

“Yuck, Kaycee Jean! Romance writer ka nga. Ang corny mo. Bebenta ba ang nobela mo kapag ganyan ka-corny ang lines na sinusulat mo? Yuck, ha!” pang-aalipusta sa kanya ni Elle.

“I’m in love, Elle,” pairap na sabi niya rito.

“Sure you are. But, no. Napa-fascinate ka lang sa nararamdaman mo para sa Mitch na ‘yon. First time mo pa lang siyang nakikita kaya ganyan ang reaction mo sa kanya. You act as if he was a god or something. Lilipas din ‘yan lalo na kapag wala ka nang balita tungkol sa kanya,” sabi ni Elle.

Umiling siya rito. “Nope. Correction. I am not just fascinated with him. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko and it is love. My love for him will never fade, Elle. Believe me,” aniya rito.

“Eh, siya? In love ba sa’yo?”

“Nope. At least, not yet. Pero sisiguraduhin ko sa’yong magiging Mrs. Mitchell Esguerra ako,” kampanteng sabi niya rito.

Ito naman ang umiling sa kanya ngayon. “Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Kayce. Bakit hindi ka na lang mamili sa mga manliligaw mo? Girls don’t court guys. Nagmumukha kang cheap,” prangkang sabi nito sa kanya.

Sinimangutan niya ito. “This is not cheap, Elle. This is love,” sagot niya rito.

“Whatever. So, pupunta dito ang Mitch mo?”

“Nope. I’m going to Batangas,” aniya.

“What? Dahil sa pesteng Mitch na ‘yan ay mami-miss mo ang birthday ng mama mo? Ang sama mo, Kayce!” nang-aakusang sabi nito sa kanya.

“Silly, dear. I won’t miss her birthday. Makiki-celebrate ako sa inyo mamayang gabi. Malay mo, kasama ko pa si Mitch mamaya,” paliwanag niya rito.

“Hindi pa rin tama ‘yan, Kaycee! Mas importante pa ba ang Mitch na ‘yon sa’yo kaysa sa mama mo?” anito sa tinig na nangongonsensiya.

“Elle, hindi mo ‘ko dapat tinatanong ng ganyan dahil pareho ko silang mahal.”

“You’re acting stupid, Kayce. At ang cheap ng ginagawa mo. Ikaw pa ang manliligaw sa lalaki,” anito sa kanya. Bahagya siyang nasaktan dahil sa tinuran nito. Bakit ba hindi nito maintindihan na ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa kaligayahan niya? Magiging masaya lang siya ng lubusan kapag naging nobyo na niya si Mitch.

“I’m not going to court him, Elle. Ipapakita ko lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal,” aniya rito.

“Seriously, Kayce? Mahal mo ba talaga siya? O in love ka lang sa ideyang maaari kang mahalin ng taong matagal mo ng inaasam? Kaycee, this is real life. Kung ayaw sa’yo ng lalaki, hayaan mo na siya. You’re going to waste your time on him,” ani Elle.

Napaisip siya sa sinabi nito. Kailan nga ba niya nalamang in love na pala siya kay Mitch? Ah, the first time I saw his picture and I’ve read his achievements. I mean, he is so amazing! A karting champion at the age of eight followed by numerous championship trophies plus, he’s very good looking, the most handsome guy she’d ever met, actually. Who wouldn’t be in love with that?

Okay. Probably not the best explanation ever about love. But, does love or being in love really has to have an explanation? Can’t it be just you love him because you love him? naisip niya.

Seriously, though. Nalaman niya ang tungkol kay Mitch nang makita niya sa Facebook ang picture nito. May isang fan na reader niya na nag-post ng picture nito at nang makita niya ang hitsura nito’y na-head over heels agad siya rito. Siyempre, gwapo. Nag-research siya agad tungkol dito at mas lalo niya itong nagustuhan. Nang mabasa niya ang profile nito’y pakiramdam niya’y agad na nahulog ang loob niya rito. Kaya naman tatlong taon na siyang nagpa-fan girl dito. Ngayong nakadaupang-palad na niya ito’y hindi niya dapat pinalalampas ang pagkakataon.

I know. I’m just an ordinary fan, asking for my idol to like me. Come to think of it, she didn’t really “idolize” Mitch. Hindi naman kasi siya marunong mangarera. Gusto lang talaga niya ang pagkatao nito. Maybe his looks did it at first. Pero hindi siya magtitiyagang mag-fan girl dito kung hindi talaga niya ito mahal. Hindi niya pipiliing manatiling isang press officer sa Camp Speed gayong maraming offer sa kanya sa ibang newspaper company. At tinanggihan niya ang offers na iyon dahil kay Mitch. Dahil nananalig siyang kapag nakilala siya nito sa Camp Speed ay magugustuhan siya nito at eventually ay magiging “sila” na.

You and your fantasies, Kayce, aniya sa sarili. Wala namang masama sa babaeng nangangarap, hindi ba? Lahat naman tayo’y may kanya-kanyang hinahangad sa buhay. At ang hinahangad niya ngayo’y ang atensyon at pagmamahal ni Mitch. Hinahangad niyang sana’y pareho din sila nito ng nararamdaman.

“Elle, can’t you just be happy for me?” hiling niya sa kanyang kaibigan.

Bumunot ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Okay, okay. Bahala ka. Basta ‘wag mo ‘kong lalapitan kapag nasaktan ka. My ‘I-told-you-so’ would be ready for you when that happens,” anito.

“Thanks for the encouragement. Really appreciated it,” sarkastikong sabi niya rito.

“MITCH!”

Mitch grunted. “Not her again,” naiinis na bulong niya sa sarili nang makita niyang palapit sa kanila si Kaycee. Paano nito nalamang naroon na naman siya? Ang sabi nina Rev ay tuwing weekends lang ito pumupunta sa Camp Speed. Lunes noon kaya bakit ito naroon?

“There’s your girl, Mitch. I’ll leave you to her. Magiliw siya sa mga bata. Matutulungan ka niya rito,” nakangising paalam sa kanya ni Raff.

Kailangan niya ng tulong para makitungo ng maayos sa mga bata dahil inaamin niyang kaunti lang ang pasensiya niya pero ayaw niyang manggaling iyon kay Kaycee. Ayaw niya itong bigyan ng pagkakataong mas mapalapit pa sa kanya.

“Wala kang kinalaman kung bakit siya nandito?” naghihinalang tanong niya rito habang inaayos ang seatbelt ni Kobi—isa sa pinakamakulit na batang tinuturuan niya sa Camp Speed Racing Academy. Ilang beses na niya itong nakikitang tinatanggal ang seatbelt nito kahit na umaandar ang kart nito kaya palagi niyang inihihinto ang kart nito gamit ang remote control na highly-specialized invention ni Juno para sa safety ng mga bata.

“’Wag mo nang tatanggalin ‘yan ha, Kobi? If you want to be a very good racer, you have to know our number one rule, and it’s discipline. Understand?” tanong niya kay Kobi.

“Aye, aye, captain!” makulit na sabi nito sa kanya sabay saludo pa bago pinaandar ang kart. Inihatid niya ng tingin si Kobi hanggang sa makalayo ito sa kanya bago niya muling hinarap si Raff.

“Well, pinakiusapan kasi niya akong i-text ko daw siya kung kailan ang schedule mo sa pagtuturo dito kaya t-in-ext ko siya kahapon. I’m just being a good citizen, Mitch,” paliwanag nito sa kanya. Ngayon kasi ang nakatakda niyang araw ng pagtuturo sa mga bata. Minarapat na niyang mauna kaysa sa ibang natalo para matapos na agad ang kalbaryo niya at makapagpahinga siya sa buong linggo. Dalawang linggo na lang kasi at babalik na siya sa Europe para sa susunod na karera nila sa Belgium.

“Well, you aren’t being good to me,” naiiritang sabi niya rito.

“Come on, Mitch. Loosen up a bit and have fun. Date her. You’ll have an amazing time with her. Trust me,” anito.

“Bakit hindi na lang ikaw ang makipag-date sa kanya?”

“Nah. She’s too minor for me,” nakangising saad nito. Hindi niya alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam niya dahil sa naging sagot nito.

Oh, man! That’s not a good sign, babala niya sa sarili.

“I’m not here to date,” aniya rito.

“You’re here to have a vacation kaya sulitin mo na. She really likes you, Mitch,” ani Raff.

“But I don’t like her,” sabi niya rito. Oh, really?

“Oh, really? You’re going to eat what you said, Mitch,” confident na saad ni Mitch. It also sounded like a warning and a threat. Sasagot pa sana siya rito pero nasa tabi na nila pareho si Kaycee.

“Hi, Kuya Raff! Hi, Mitch!” magiliw na bati nito sa kanila ni Raff.

She and her adorable smile and bright aura again. It’s crowding him. Ano ba ang mayroon ito at kahit na isang beses lang niya itong tingnan sa isang araw ay nag-i-stuck na sa isipan niya ang mukha nito? Crazy as it seems but her image won’t leave his mind. And now, she’s going to do it again.

“Kayong dalawa na ang bahala dito. May meeting pa ako sa Maynila nang two. Enjoy,” paalam sa kanila ni Raff saka sila tinalikuran.

“So, kumusta naman ang pagtuturo mo sa mga bata?” nakangiting tanong sa kanya ni Kaycee.

“Hindi pa naman ako nauubusan ng pasensiya, so I guess I’m doing fine,” sagot niya rito saka ibinaling ang tingin sa kart track kung saan nagpapaikot-ikot ang mga batang tinuturuan niya kanina. Bago pa man makapagsalita si Kaycee ay lumayo na siya rito at kunwari’y may naging aberya sa kart na sinasakyan ni Kobi kaya tinakbo niya ang kinaroroonan ng bata. Itinigil lang naman niya ang kart ng bata para magkaroon siya ng excuse na lumayo kay Kaycee.

“What happened? Hindi ko naman po tinigil ang kart ko,” nakasimangot na saad ni Kobi saka muli nitong tinanggal ang seatbelt.

“Kobi, ano bang sinabi ko sa’yo about seatbelts?” aniya sa bata.

“Ano’ng nangyari? May problema ba?” ani Kaycee. Sumunod pala ito sa kanya. He heaved a frustrated sigh. Hindi niya alam kung paano ito itataboy ngayon.

“Ate Kayce, I don’t want him for a teacher,” nakabusangot ang mukha na sabi dito ni Kobi. Nanlaki ang mga mata niya sa bata. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.

“Don’t worry, tutulungan kita sa kanila. Ka-vibes ko ang mga batang ‘yan,” nakangiting sabi naman sa kanya ni Kaycee.

Shit! I don’t need your smile! ngali-ngaling sabihin niya iyon dito.

Muli niyang hinayaan na magpaikot-ikot sa track si Kobi. Mabuti na lang at may assistant crews na naroon para tulungan siyang magbantay sa mga bata. “Hindi. Okay lang. Mukhang may kailangan ka pang gawin dito, gawin mo na ‘yon,” aniyang hindi man lang sumusulyap dito at inabala ang sarili sa pagtingin-tingin sa iba pang mga bata sa track.

“I actually came here for you. I brought you lunch. I’ve cooked it myself,” sabi nito sa kanya dahilan para sulyapan niya ito. Only to be greeted by that wonderful smile of hers. Pati ang mga mata nito’y nakangiti kaya alam niyang genuine ang ngiti nitong iyon.

Wrong move, dude. Napatingin lang naman siya rito dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Hinila siya nito palapit sa shade area. Then, she held up a paper bag. At nilabas nito mula roon ang isang lunch box. Kahit na hindi pa niya naamoy man lang ang laman niyon ay na-appreciate na niya ang ginawa nito. She was the first fan to cook something for him and it really touched his heart.

Oh, god. That is really not a good thing to say.

Because he can feel his shield melting down by this adorable girl’s sweet smile. But he has to hold back.

NAPANGIWI si Kaycee nang makita niya ang naging reaksyon ni Mitch matapos nitong makita kung ano ang iniluto niya. Ayaw ba nito ng adobo? But she thought every guy loves adobo. Kaya nga iyon ang madalas niluluto ng mga babae tuwing nagpapa-impress ito sa mga lalaki, hindi ba?

“A-ayaw mo ba ng adobo?” nag-aalangang tanong niya rito.

“Adobo ba ‘yan?” tanong nito sa kanya.

Napaawang ang mga labi niya dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya ang lunch box na naglalaman ng adobo. Mukha namang adobo iyon. Specialty niya ang adobo. Kahit na tamad siyang magluto ay saulo niya ang recipe niyon. Alam niyang adobo ang pagkaing ginawa niya.

“Adobo ‘yan,” malungkot na sabi niya rito.

Inabot niya ang lunch box at muli iyong tinakpan. Nalulungkot talaga siya. Nakipagtalo pa siya kanina kay Elle para ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Mitch pagkatapos ay hindi pala nito matitikman man lang ang luto niya. Nakaka-feel bad talaga. Maybe this is not her lucky day. Kaya naman isinilid niya sa paper bag ang lunch box saka nagpaalam kay Mitch.

“Good luck sa pagtuturo sa mga bata,” aniya rito saka lumayo rito. Babawi na lang siya rito sa ibang araw. Nakakababa ng loob dahil nag-ayos na naman siya sa araw na iyon para kay Mitch pero hindi na naman siya nito pinansin sa paraang gusto niya.

Naka-fitted pants siya, chic blouse at wedge-heeled sandals. Kailangan niyang magsuot ng high-heeled shoes kapag haharap siya kay Mitch dahil mas matangkad ito sa kanya. Maliit lang kasi siya at kailangan niyang lumebel dito. Pero bale-wala na naman ang effort niya.

Or not, anang pilyang bahagi ng isipan niya dahil may naisip na naman siyang gimmick para magpapansin kay Mitch.

“Shit! Ouch!” daing niya nang paepek na matumba siya sa daan. Kunwa’y natapilok siya pero hindi naman. Reasonable naman iyon dahil nakasuot siya ng mataas na takong. She just hopes that this time, she would really get Mitch’s attention.

Bahala na si Batman.

“Okay ka lang?” tanong ni Mitch ng daluhan siya nito.

Sinulyapan niya ang kanyang kanang paa na ang hitsura’y parang nabali pero bahagya lang naman niya iyong iminwestra ng balikot. “Hindi,” umiiling na sabi niya kay Mitch. Ngumiwi pa siya at umaktong tila maiiyak para lalong maging kapani-paniwala ang drama niya. Kinagat naman iyon ni Mitch dahil agad nitong tiningnan ang paa niya.

“Dadalhin na kita sa clinic,” anito. Inilalim nito ang kaliwang braso nito sa ilalim ng mga hita niya samantalang ang isa nama’y nakasuporta sa likuran niya. And then, he lifted her up like he’s some kind of a hero.

My hero, tila nananaginip na sabi niya sa sarili. Minsan talaga, effective ang umarteng damsel in distress para makilala mo kung sino ang hero mo. May kung anong sensasyon at kakaibang kilig ang bumalot sa katawan niya nang maramdaman niya ang katawan ni Mitch.

Hindi na siya nag-isip pa. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Ah, finally. I can hear his heart beat. Kilig na kilig siya dahil nakapuntos siya rito. Binale-wala na lang niya ang pang-aalipusta nito sa luto niya kanina na ngayo’y naiwan sa daanan. Mas maganda pa ang naging dulot ng gimmick na iyon kaysa sa iniluto niya para kay Mitch.

Ah, this is what I dreamed to be—in Mitch’s arms.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.