“KISS ME…Out of the bearded barley, nightly, beside the green, green grass. Swing, swing, swing the spinning step, you’ll wear those shoes and I will wear that dress. Oh, kiss me…Beneath the milky twilight. Lead me out on the moonlit floor. Lift up your open hand, strike up the band and make the fireflies dance in silver moon’s sparkling…So, kiss me,” kanta ni Kaycee sa napiling kanta para sa kanya ng mga tita at tito niya.
It was “Kiss Me” by Sixpence None the Richer at iyon din ang theme song ng isa sa all-time favorite movie niyang “She’s All That”.
Habang kumakanta siya’y hinanap ng paningin niya si Mitch. Nakita niyang nasa may minibar nila ito kasama sina ang Mama’t Papa niya, mga kapatid na sina Creone, Carriane at Cille pati na rin si Elle. Nais niyang pumunta sa mga ito pero hindi pa tapos ang kanta niya. Baka kung anu-ano na ang sinabi ng pamilya niya kay Mitch tungkol sa kanya na hindi magustuhan ng huli.
“Oh, kiss me…Beneath the milky twilight. Lead me out on the moonlit floor. Lift up your open hand, strike up the band and make the fireflies dance in silver moon’s sparkling…So, kiss me,” patuloy niya sa pagkanta.
Titig na titig siya kay Mitch dahil gusto niyang kunin ang atensyon nito. As always. Nakita niyang may ibinulong dito si Elle. At ang bruhildang ‘to! Feeling close pa sa future husband ko. Nag-e-enjoy pa naman siyang kumanta pero kailangan niya iyong itigil dahil baka mamaya’y madanggit pa ng kaibigan niya ang kinabukasan niya.
Pero nang akmang babaling na siya para ibigay ang mic sa isang tita niya’y nakita naman niyang tumingin na sa kanya si Mitch. Yehey! Kaya naman itinuloy niya ang pagkanta habang nakatitig dito.
“Oh, kiss me…Beneath the milky twilight. Lead me out on the moonlit floor. Lift up your open hand, strike up the band and make the fireflies dance in silver moon’s sparkling…So, kiss me,” pagtatapos niya sa kanta.
Kiss me, Mitch! hiyaw ng isipan niya.
TOTOO nga ang sinabi kay Mitch ni Kaycee. Suportado nga ng pamilya nito ang ginagawa nitong “panliligaw” sa kanya kung matatawag nga ba iyong panliligaw. Habang nagkukwento ang mga magulang, kapatid at matalik na kaibigan ni Kaycee sa kanya’y unti-unti niyang nakikilala ng mabuti ang dalaga.
Sadya pala talagang makulit si Kaycee at hindi ito basta sumusuko sa isang bagay. Kailangan pa nitong umiyak at masaktan bago sumuko sa isang bagay. Patunay na lang daw noong hinahangad nitong maging isang romance novelist. Ayon sa mga magulang nito’y hindi naging madali ang landas na tinahak ni Kaycee sa pagiging isang romance novelist. Marami daw natanggap na rejections ang dalaga bago pa man ito maging isang ganap na manunulat.
At ang isa pang nakakatuwang pag-amin ng mga ito, siya daw ang naging inspirasyon ni Kaycee kaya nakapagpa-approve daw ito ng isang nobela. Simula daw ng makita ni Kaycee ang picture niya sa internet ay hindi na ito tumigil sa kaka-research tungkol sa kanya, sa pagsasalita tungkol sa kanya at sa kakatingin sa mga litrato niya. Kaya nang malaman daw nitong sa Camp Speed siya nanggaling at may bond siya roon ay nagpabalik-balik na ito sa Batangas. Soon enough, she became Camp Speed’s press officer.
Kaya naman daw hindi inaawat nina Tita Susie at Tito Monch ang anak ng mga itong “magpantasya” sa kanya’y dahil hindi rin naman daw titigil si Kaycee kahit na pagsabihan ng mga ito ang anak. Isa pa’y nais daw ng dalawa na matuto ng mga bagay si Kaycee na ito mismo ang makakadiskubre. Hindi daw akalain ng mga ito na makikilala siya ni Kaycee at madadala pa sa bahay ng mga ito.
Sabi naman ng mga kapatid ni Kaycee ay sagutin na daw niya ang dalaga para daw matigil na ito sa kaka-rant tungkol sa kanya. Ang kadalasang litanya daw kasi ni Kaycee ay tungkol sa mga karera niya, kung gaano siya kagaling at kung gaano siya kagwapo.
Ang inamin naman ng matalik nitong kaibigan ay ito, “I promise to myself and to all of you, magiging future Mrs. Mitchell Esguerra ako. I swear! Gagawin ko ang lahat maging asawa ko lang si Mitch. Do or die ‘to!”
Iyon daw ang binitiwang salita ni Kaycee tatlong taon na ang nakalilipas sa harap ng mga kaibigan nito. Doon talaga siya hindi nakapagsalita. Ano ba ang dapat maramdaman ng isang lalaking sinasabihan ng ganoon? Dapat ba siyang matuwa o matakot o kiligin?
“Kuya Mitch, you have to check Ate Kayce’s blog,” ani Creone.
“Sure,” aniya rito.
“Mitch, tumingin ka naman kay Kaycee dahil kanina pa siya nakatingin dito. Baka hindi pa ‘yan tumigil sa kaka-kiss me kapag hindi ka tumingin sa kanya,” bulong sa kanya ni Elle.
Napangiti siya sa sinabi nito. Kaycee was all over his system. Kung base sa sinabi ng pamilya nito sa kanya’y mahihirapan siyang itaboy ito. At base na rin sa determinasyon na nakikita niya rito’y hindi talaga ito titigil hangga’t hindi niya ito pinapansin sa paraang gusto nitong pansinin niya ito.
So, yeah. I would take a chance on her. Sana lang ay maganda ang kalabasan nito, desisyon niya. Hanga siya sa tibay at lakas ng loob nito para makamit ang mga bagay na hinahangad nito. At nagagalak siya dahil siya ang pinili nitong mahalin ng ganoon.
Way to go, Mitch, aniya sa sarili bago tumingin kay Kaycee. She really was one adorable creature. She held his gaze as he held hers. At habang kumakanta ito’y isa lang ang naisip niya, she would be worth a try.
IPINATONG ni Kaycee ang siko niya sa may pantry habang nakapangalumbabang nakatingin kay Mitch. Magkatapatan silang nakaupo sa may pantry kaya malaya siyang pagmasdan ito ng ganoon. Aliw na aliw siyang pagmasdan ito habang kumakain ng cake dahil mukhang sarap na sarap ito roon. Pakiramdam niya’y worth it talaga ang mahal ng pagpapagawa niya sa cake na iyon para sa birthday ng mama niya ngayon.
“Masarap?” tanong niya rito.
“Yeah. Probably the best cake I’ve ever had,” nakangiting saad nito. Napamaang lang siya rito. That was the first genuine smile he gave her. Mas gumwapo ito sa paningin niya at pakiramdam niya’y ibang Mitch ang nasa harapan niya ngayon. He wasn’t frowning and he wasn’t serious. Nakangiti ito sa kanya at enjoy na enjoy talaga ito sa pagkain ng cake.
Tagumpay ka! nasisiyahang hiyaw ng isipan niya. Napangiti niya si Mitch. That’s something she wished for. At nagawa nga niya. Manalig at tiwala lang talaga, magiging boyfriend ko rin siya and eventually, magiging Mrs. Esguerra din ako, aniya sa sarili. Kinikilig siya.
“Worth it naman pala na ‘yan ang iniregalo ko kay mama,” aniya rito.
“Regalo mo ‘to sa kanya?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.
“Oo naman. Siyempre, mahal ko ang mama ko kaya dapat may regalo ako sa kanya. I know how much she loves Sugar Treats’ pastries kaya do’n ako um-order ng cake para sa kanya kahit mahal,” paliwanag niya rito.
Tinanguan siya nito at saka muling ngumiti sa kanya bago sumubo ng cake. “Good choice,” sabi pa nito.
Napangiti siya dahil sa kilig. “First time mo bang makatikim ng pastry ng Sugar Treats ngayon?” tanong niya rito.
“Yeah. I’ve never heard of it before,” anito.
“Alam mo, pwede kitang dalhin do’n next time. Pero ikaw siyempre ang magbabayad,” aniya rito.
“Sure. Kailan ba tayo pwedeng pumunta do’n?” tanong nito na labis niyang ikinagulat.
“Are you pulling a trick on me?” nagtatakang tanong niya rito. Bakit yata bigla na lang itong bumait sa kanya? Kanina lang ay nginitian siya nito na para bang hindi ito nainis sa kanya bago pa man sila pumunta doon sa bahay nila. Pagkatapos ngayo’y papayag ito na mag-date sila sa Sugar Treats?
Hindi mo naman sinabing magde-date talaga kayo. Baka paborito niya ang mga matatamis kaya pumayag siya agad, anang isang bahagi ng isipan niya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong nito sa kanya nang matapos nitong kainin ang isang platito ng cake.
“Bipolar ka ba?” kunot-noong tanong niya rito.
“No. Bakit?” tanong nito na pumangalumbaba din habang nakaharap sa kanya. He looked so cute looking like that. Tila bumata ito ng ilang taon dahil sa hitsura nito ngayon.
Nawi-wirduhan siya sa ikinikilos nito. Pero hindi na siya nakapag-isip pa ng maayos nang magsalubong ang tingin nilang dalawa. Among his thousand fans all over the world, she was given that special chance to look straight into his eyes and have this incredible moment with him.
She could feel her knees suddenly become weak as she look straight into his deep amber brown eyes. Nakangiti ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya na noon lang niya na-realize na nakangiti pa rin pala ito. May sinabi ba ritong kakaiba ang pamilya niya? O baka si Elle? Baka natatawa lang ito sa kanya sa kung anumang nalaman nito sa kanya mula sa malalapit na tao sa buhay niya.
Aaaah! Nakaka-paranoid. Ano ba kasi?
“Bakit ka ngumingiti sa’kin ng ganyan?” tanong niya rito.
“Masama bang ngumiti sa’yo ng ganito?” tanong nito saka mas nginitian pa siya ng matamis. “Ikaw lang ba ang may karapatang ngumiti sa’kin?” dugtong pa nito.
Umiling siya rito, Siguro’y nasanay lang siyang sinusungitan nito at makita itong seryoso kaya nanibago siya sa pag-ngiti nito sa kanya. It’s not as if matagal na kayong magkakilala para malaman mo ang lahat ng ‘yon tungkol sa kanya. Pero kahit na tatlong araw pa lang ang nakalilipas mula nang magkakilala silang dalawa, matagal na niya itong kilala sa kaka-stalk niya rito sa social networking sites.
“What? Ngayong nginingitian na kita, ikaw naman ang ayaw ngumiti sa’kin,” tila nagtatampong sabi pa nito.
And she was hooked with that look of his face. Ang cute nitong tingnan lalo na’t paepek pa itong sumimangot sa kanya. Muli ay naroon na naman ang tuksong nag-uudyok sa kanyang hablutin ang mukha ni Mitch at halikan ang mapupulang labi nito.
Tumikhim siya at saka ito nginitian. Nakipaglabanan siya ng tingin dito. Mas masarap palang titigan ang totoong tao kaysa sa mga litrato lang. Iyon nga lang, nakakailang kung ang totoong taong iyon ay nakatitig din sa’yo.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Matagal niyang inasam na makatitigan si Mitch ng ganito pero ngayong heto na ang pagkakataon ay gusto niyang itigil agad dahil nakakaramdam siya ng pagkailang dito. Malakas ang kabog ng dibdib niya at mabilis din ang tibok niyon na para bang nakikipagkarerahan sa paghinga niya. His intense gaze at her made her want to look to the other direction. Pakiramdam kasi niya’y nakikita na nito ang kaluluwa niya.
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at kumuha ng cake para dito sa katabing mesa nila. She needed to stay away from his stares because if she won’t she feels like she’s going to melt. Her heart would totally melt.
“Oh, so hindi naman pala injured ang paa mo?”
Oh, shit! I forgot about my should-be-injured feet. Nakaka-disorient kasi ang titig mo, ngali-ngaling sabihin niya iyon dito. “Look, I can explain—“
“No. You don’t need to. Naiintindihan ko naman. Mahal mo kasi ako kaya gusto mong makuha ang atensyon ko. It worked, Kayce,” anito saka lumapit sa kanya.
“A-ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya rito. Kailangan mo pa talagang mautal?
Ano’ng magagawa ko eh kinakabahan ako? I didn’t know that it would be this awkward.
“Let’s try,” ani Mitch. And she literally felt her heart skipped a beat. Is he saying what she had always dreamed of?
“W-what made you change your mind?” tanong niya rito. Kinakabahan siya at the same time ay excited siya.
“You,” anitong titig na titig sa kanya. Pakiramdam niya’y nanghihina siya sa mga titig nito. Nawala ang pagkamadaldal niya. Hindi na rin siya makatingin ng diretso dito katulad ng dati. Ni ang ngitian ito’y hindi niya magawa ngayon.
Because she was freaking happy and all that she could do was be thankful. She was living her dream now.