Three months later...
“I’m home!” masayang hayag ni Drea.
Kadarating lang niya sa kanilang bahay galing sa airport. Alas-diyes ng umaga bumaba ang eroplanong sinakyan niya galing Singapore. Hindi na siya nag-extend pa ng stay dahil kapwa gusto na nilang umuwi ng ka-exchange student niya. At saka, missed na missed na niya ang kapamilya at mga kaibigan niya.
Ang Papa’t Mama lang niya ang sumundo sa kanya sa airport habang naghihintay daw sa bahay nila ang kanyang mga kaibigan.
“Welcome home, sweet!” bati sa kanya ng kanyang ibang kapamilya, kapitbahay at kaibigan.
“Thank you!” masayang pasasalamat niya sa mga ito.
“O, siya. Mamaya na ang kumustahan. Kumain na muna tayo.” anyaya ng Mama niya. Habang kumakain naman silang lahat ay nagbukas ng topic ang Papa niya.
“Bunso, ano’ng gusto mong gawin sa birthday mo?” tanong ng Papa niya kay Drea. Birthday na kasi niya dalawang araw mula ngayon.
“Spending time with my beautiful family is enough, ‘Pa.” aniya.
“Weh?” sabay-sabay na saad ng mga taong naroon.
“Oo nga. Ano ba kayo?”
“Sige. Magsinungaling ka pa Alexandrea nang humaba iyang ilong mo.” sabi ni Tracy.
“Bunso, I don’t want to see you hurt like that. Kakausapin ko si De--------------“
“Papa! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin dahil magagalit talaga ako sa inyo. I can handle that myself, okay?” sabi niya sa mga ito.
“O, bakit high blood ka?” tanong ng kapapasok lang sa living room na Ate Toni niya.
“Hindi raw kasi siya affected, Ate.” ani Freya.
“Kunsabagay, wala ka na rin naman sigurong dapat problemahin dahil single na ulit ngayon si Dereck.” pagpaparinig ng Ate niya.
“Tama!” segunda nina Tracy at Freya.
“Uuuuuy. Nagba-blush siya.” tudyo ng Papa niya sa kanya.
“Papa!” saway niya rito.
“Magplano na tayo ng birthday mo, dali!” hikayat ni Tracy.
“Oo nga. Ano ba’ng wish mo?” tanong naman ni Freya.
“Ang wish ko-----------“
“Huwag mo nang sabihin, baka hindi magkatotoo kami pa ang sisihin mo.” sabi ni Ate Toni.
“Magtatanong-tanong kayo, ‘tapos hindi niyo naman pala ako patatapusing magsalita.”
“Alam na naman namin kung ano ang wish mo eh.” nakangising saad ng Papa niya.
“Ano?”
Magsasalita pa sana ang mga ito ng biglang may sumigaw sa labas ng bahay nila.
“Marquez family! Yoohoo!” tawag mula sa labas. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon pero parang ayaw niyang maniwalang kayang sumigaw ni Dominic ng ganoon.
“Si Dominic ba iyon?” ani Tracy. Tinanaw nito mula sa half-sized window nila sa sala ang taong tumatawag. “Pasok ka!” sigaw nito. “So Dominic nga.”
“I’m getting married!” masayang sigaw nito na may kasama pang talon. Hindi nila mapigilang matawa sa inakto nito. Tila nanalo ito sa lotto sa kasiyahan.
“Congratulations!” sabay-sabay na bati nila rito.
“’Buti pinatulan ka no’n.” kantiyaw rito ng ate niya. Kung sila ni Dereck ay aso’t pusa kung mag-away, parang si Timon at Pumba naman ang mga ito kung mag-asaran.
“Huwag kang KJ, Antonia! Palibhasa, palpak ang lovelife mo.” angil ni Dominic sa ate niya.
“Sige, ganyanin mo ako. Ipinapangako ko sa’yong hindi ako a-attend sa kasal mo kahit na maglupasay ka pa diyan.” anang ate niya.
“So?”
“Aba’t-----!”
“O, tama na ‘yan. Dapat Happy Yipee Yehey tayo ngayon.” awat sa mga ito ng Papa niya.
“Tito, ‘eto kasing anak niyo eh.” sumbong ni Dominic. “Anyway, birthday mo na, Drea! Uy, welcome back nga pala.” baling nito sa kanya.
“Late reaction ka, Dominic, alam mo iyon?” aniya.
“Masaya lang kasi ako.” nakangiting sabi nito.
“Ay, oo. Bulag kami para hindi makita iyon.” sarkastikong sabi ng ate niya.
“So, ano ang balak mo para sa birthday mo, Drea?” tanong sa kanya ni Dominic. Umiling lang siya. “Any special request?” Dominic asked fishing.
“N-nothing.”
“Don’t worry, alam naman namin kung ano ang request mo eh.” makahulugang sabi nito.
“Kayo kanina pa ha, ano naman iyon, aber?”
“Secret!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.
“Hi, Drea! Welcome back.” bati ni Kathreen Sebastian na isa sa mga cashier sa TresKas ngayon kay Drea. Kasama niyang pumunta doon si Tracy para bumili nang ice cream.
“Hello, Ate Kath! Kumusta?”
“Hay, ‘eto. Nababagot na ako sa buhay.” sabi nito na isa-isa nang ipina-punch ang mga pinamili nila.
“Bakit naman? Wala ka bang bagong project?” tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang isa pa nitong trabaho. Ang pagiging designer. Ito ang gumawa ng gown niya noong debut niya. Magaling itong fashion designer. Iyon nga lang, gusto nitong umalis na sa firm na pinapasukan nito dahil ayaw nitong nauutusan.
“Meron. Pero tinatamad na akong mag-isip ng bago dahil nakakainis ang boss ko. Gusto ko na siyang sapakin. At saka, nakakairita ang mga models niya, ‘no. Akala mo kung sinong pagka-gaganda.” himutok nito. Napatawa siya. Pareho talaga silang dalawa.
“Ate, advice ko sa’yo, magtayo ka na lang ng sarili mong clothing line. Tutal, ayaw mo namang mautusan, ‘di ba? Sayang nga naman ang talento mo kung hindi ka madi-discover doon. May pera ka naman, ‘di ba?”
“Ganyan ba talaga ang mga artist, ayaw mautusan? Pareho kayo ni Freya eh.” sabi ni Tracy.
“Saka na, kapag maraming-marami na akong anda.”
“Pare, tulungan mo rin ako ha.” anang isang pamilyar na tinig na nagmumula sa kanilang tabi.
“Ugh! Ano’ng ginagawa dito ng ugok na iyan?” paangil na tanong ni Tracy.
“Sino?” nagtatakang tanong niya rito.
“’Yan o. Iyang Zac Castillo na buwisit na ‘yan!” inis na sabi ni Tracy sabay turo sa gawi ni Zac na palabas ng TresKas café. Kasunod nito sina Zephyr, Prime, Jethro at Jon Drix na pawang teammates nito sa varsity team nila. Pero wala ang hinahanap ng kanyang mga mata. Wala si Dereck.
“Balik po kayo!” nakangiting sabi rito ng isang café crew.
“Ang gwapo niyo talaga, Sir.” hindi napigilang sabi ng isa pang crew kay Zephyr.
“Siya lang ba ang gwapo?” nanunuksong saad ni Zac.
“Namamalimos ka na pala ng papuri ngayon, Zaccario.” sigaw ni Tracy na halos ikabasag ng eardrums niya sa lakas.
“Hey, Trace! Nice to see you here.” sabi naman ni Jethro.
“Damn! Ilayo niyo ako sa babaeng iyan. She’s wicked!” tila takot na takot na sabi ni Zac.
“Magkakilala pala kayo?” tanong niya sa mga ito.
“Of course. Oh. I’m sorry, Drea. Hindi ko pa nasasabi sa’yo na may bago na akong boyfriend.”
“Am I missing something here?” tanong niya. Lumapit si Tracy sa grupo ng mga ito.
“Siya si Zaccario Agustin Castillo. Fiancé ko.” sabi ni Tracy na hindi saya kundi inis ang makikita sa mga mata. Napailing lang siya samantalang napangisi lang ang mga lalaki. Mukhang marami silang dapat pagkwentuhang magkakaibigan.
“Ikakasal ka na pala, Zac?” tanong ng mga babaeng galing sa loob ng café.
“No! Don’t listen to her. She’s lying.” tanggi ni Zac. Natawa lang siya sa naging reaksyon ni Zac. Kilala itong playboy sa buong university nila. At ang isang kinatatakutan nga naman ng mga playboy ay ang salitang kasal. Sa pagkapalaban ni Tracy, no one would like to mess up with her. Lalo na’t minarkahan na nito ngayon si Zac.
“Come on, babe. Mabuti na lang at hindi ako mababaw at selosa kaya naiintindihan kita. Ayaw mo pa nga palang ipangalandakan na ikakasal na tayo kaya ako na ang gagawa.” Tumayo si Tracy sa isang stool na upuan na ginagamit ng crew para maglagay ng goods sa shelf sa grocery. “Listen up everybody. I want you all to know that Zac Castillo is now engaged to Tracy Suazon and that’s me. Okay?” Bumaba ito sa upuan at tinapik-tapik ang mukha ng nakangangang si Zac na hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan niya.
“Ang sweet naman.” kinikilig na komento ni Ate Kath.
“Hey, guys, gusto niyo ba munang pumunta sa bahay?” anyaya niya sa mga ito.
“Drea, request lang ha? Huwag mo nang isali si Zaccario.” ani Tracy.
“Akala ko ba fiancé mo siya?” nanunudyong tanong ni Zephyr.
“Whatever!”
“Ano’ng may’ron sa n’yo?” tanong ni Jon Drix.
“Konting salu-salo lang para i-celebrate ang pagbabalik ko.” nakangiting sabi niya.
“Oo nga pala. Welcome back!” bati sa kanya ng mga ito.
“So, how was Singapore?” tanong ni Prime.
“Okay naman. It’s still Singapore, as usual.” ngiti-ngiting sabi niya.
Naputol ang pag-uusap nila ng mga pinong tawanan na nanggagaling sa loob ng café. Nang tingnan niya kung kanino nanggagaling ang mga iyon ay parang piniga nang sangkaterbang maso ang puso niya sa nakita. Kasama ni Dereck ang isang maputi at magandang babae. Pawang masayang nagtatawanan ang dalawa habang magkatabi.
Dereck seemed so happy being with that girl. They used to be like that, but not anymore. Kung makakausap lang niya ng maayos si Dereck at magiging bukas ito sa pakikipag-ayos ay sisiguraduhin niyang hindi na siya gagawa ng bagay na makakasakit dito. Dahil noong masaktan ito ng dahil sa kanya dati’y, pati siya’y nasaktan din. His pain reflected to her.
“Drea, nag-uusap lang sila.” ani Zac. Tinanguan niya lang ito.
“Hindi ba kayo sasama sa’kin?” tanong na lang niya sa mga ito.
“Sorry, Drea. May pupuntahan pa kasi kami eh. But we’re glad you’re back.” sabi ni Prime.
“Okay lang. Sige. Mauna na kami ha.” nakangiting sabi niya sa mga ito saka niya niyaya si Tracy paalis sa lugar na iyon.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Tracy.
“Iyong totoo? Hindi.”
Nagising si Drea sa tunog na galing sa kanyang cell phone. Caller ringtone niya iyon. Nang tingnan niya ang wall clock sa kwarto niya ay nakita niyang pasado alas-otso na ng umaga. It’s her birthday!
Nang tingnan niya ang tumatawag ay si Freya iyon.
“Hello.”
“Wake up, sleepyhead! Happy birthday! I want you to know that I love you so much and I’ll do anything to make you happy. Kaya huwag kang magagalit sa’min ha?”
“What are you talking about?”
“You’ll see.” iyon lang at naputol na ang tawag. Tumingin siya sa kisame at nag-isip. Twenty na siya. At hindi pa rin niya nakakausap si Dereck. Gusto na niya itong makausap pero nananatili itong mailap sa kanya. Noong isang araw nga’y naabutan niya ito sa TresKas pero hindi man lang siya nito tiningnan.
Papa God, sana po makausap ko na ngayon si Dereck. Thank You for giving me another chapter of my life. dalangin niya sa Diyos. Iyon ang tanging wish niya para sa birthday niya.
Maya-maya ay nag-ring ang cell phone niya. Si Tracy naman iyon.
“Hello.”
“Happy birthday, Alexandrea! I love you. I want you to be happy so ‘wag ka ng magugulat sa makikita mo sa baba ng bahay niyo ha?”
“Ano iyon?”
“Secret.” iyon lang at pinutol na nito ang tawag. Ang weird ng mga kaibigan niya ngayon. Pero na-excite siya sa sinabi ni Tracy. Ano kaya ang nasa baba?
Bumangon siya sa kanyang kama at hindi na binigyang-pansin na ayusin iyon. Pumasok siya sa CR, saka naghilamos at nagtoothbrush bago bumaba sa living room nila. Ngunit palabas pa lang siya ng kwarto niya ay tumunog na naman ang cell phone niya. Ang Ate Toni naman niya ang tumatawag.
“Hello?”
“Merry birthday, merry merry birthday.”
“Ang corny mo, ate!”
“Iyon lang. Mama, ikaw naman.” narinig niyang sabi nito. Pagkatapos ay boses naman ng Mama niya ang kanyang narinig. Pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito. Lahat ay bumabati sa kanya ng maligayang kaarawan at isa rin lang ang wish ng mga ito, ang maging masaya siya.
Pagkatapos ay narinig niyang malakas na tawanan ang sumunod. Magtatanong pa sana siya sa mga ito pero naputol na ang tawag. Nang tawagan niya naman ang mga ito ay out of reach na. Kahit sina Freya at Tracy ay gayundin.
Tiningnan niya ang kwarto ng Ate Toni niya pero wala ito roon, gayundin ang Mama’t Papa niya. Nang bumaba siya sa sala ay wala naman siyang nakitang pagbabago roon. Wala rin siyang nakitang anumang regalong naroon.
“Yaya Linds?” tawag niya. Nakailang tawag na siya ngunit wala pa ring sumasagot. Nagdesisyon siyang pumunta sa dining area at laking gulat niya nang may makitang tao roon. Napaatras pa siya nang mapagtanto kung sino iyon. It’s Dereck!
Titig na titig ito sa kanya. Nang igala naman niya ang paningin sa paligid ay nagulat siya nang makitang may pagkaing nakahain doon pati na cake at iba’t ibang dessert na paborito niya.
“Dumating ka na pala.” anito. Nakatingin pa rin ito sa kanya at wala na ang galit sa mga mata nito na nakikita niya dati. Hindi mo nga pala ako nakita no’ng isang araw dahil busy kang makipagtawanan sa isang babae. ngali-ngaling sabihin niya rito.
“Y-yeah. Two days ago.” naiilang na sabi niya. “Hindi ba nabanggit sa’yo nina Zac na nagkita kami sa TresKas no’ng isang araw?”
“Hindi nila nabanggit.”
Huminga siya ng malalim. “I’m sorry about everything that happened, Dereck. I’m sorry for causing you too much pain.” nakayukong sabi niya rito.
“Alam mo bang no’ng gabing hindi mo ako sinipot sa victory party namin, pakiramdam ko, wala na sa’kin ang lahat? Si Kuya ang pinili mo eh. Sinabi mo na sa’kin na pupunta ka pero isang tawag lang ni Kuya sa’yo, punta ka agad sa kanya.” anito.
“Eh kasi, tumawag siya sa phone mo. Ako ang naka-sagot. Feeling ko, kapag may nangyaring masama kay Dominic, ako ang may kasalanan kapag hindi ko siya pinuntahan. Ang sabi kasi niya, wala raw siyang karamay ng gabing iyon. Umiiyak siya sa telepono, ‘no. Gusto niyang ikaw ang makaramay ng sandaling iyon. I was hoping to fill your place in. May laro ka pa kasi.” aniya.
“At gustong-gusto mo naman dahil pagkakataon mo na iyon para makuha ang loob ni Kuya.”
“Hindi ah! Believe me, gusto ko lang talaga siyang tulungan noon. Kung anuman ang nararamdaman ko noon, simpatya lang iyon.” sagot niya rito.
“Hindi ako makapaniwalang iyan lang ang sasabihin mo. Nakayanan mong paglabasan ng lahat ng sakit ng nararamdaman ni Kuya?”
“Oo naman. Gusto ko siyang maging masaya eh.”
“Paano ka?”
“A-ako? Okay lang ako. Gusto ko lang naman si Dominic eh. Hindi ko pala siya mahal.”
“What made you say that?” tanong nito.
“I don’t feel anything for him anymore.”
“Bakit?”
“Simple lang. Hindi naman talagang pagmamahal ang nararamdaman ko noon kay Dominic. Fascination siguro iyon. Sinasabi ko kasi palagi sa sarili kong si Dominic ang para sa’kin dahil siya palagi ang kasama ko sa mga plano ko. He was my Prince Charming. Para sa’kin, siya lang ang bagay sa’kin. That no matter what happened, kami ang magkakatuluyan. Na naghihintay lang siya ng tamang oras para manligaw sa’kin. Tuwing sinasabi niyang ma-swerte ang magiging boyfriend ko at maganda ako, umaasa ako na manliligaw din siya sa’kin. Sa kanya umikot ang love life ko. Siya lang ang sinasabi ko sa sarili kong gusto ko.”
“Hindi ko naisip na may ibang taong nakapalibot sa’kin. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa’kin. Hindi ko sila napapansin dahil si Dominic ang alam kong gusto ko.
Hindi ko rin na-realize noon na baka hindi ako gusto ni Dominic. Hanggang sa sabihin niya sa’kin na si Ate Kam ang mahal niya. Pagkatapos, hindi ko namalayan na nagmamahal na ako ng ibang tao. Nagulat nga ako na imbes na masaktan ako ng sabihin niya sa’kin ang problema niya, willing pa akong tulungan siya at hindi talaga ako nasaktan. So, fascinated lang talaga ako sa kanya. Dahil alam kong po-protektahan niya ako at aalagaan. Iyon kasi ang katangian ng lahat ng Prince Charming ‘di ba? Pero hindi rin pala maganda na iyon lang ang naging basehan ko. Not until I fell in love.”
“In love, huh?”
“Oo. Sa villain ng fairytale ko who turns out to be my real prince.” nakangitingin tiningnan niya ito. “I love you, Dereck.” masuyong sabi niya rito.
Walang anu-anong niyakap siya nito ng mahigpit dahil tila iyon lang ang hinihintay nitong sabihin niya. Gumanti naman siya ng kasing tindi dahil missed na missed niya ito.
And then, he lowered his head and claimed her lips. His lips were so soft she could kiss him forever. She felt heady, so alive and very warm. She wouldn’t ask for anything more. Loving him and being loved by him in return is enough to make her feel complete.
“Teka, teka lang,” awat niya rito nang bahagyang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Parang ako lang ang umaamin ah.”
“I love you.” malambing na sabi nito.
“Talaga?”
“Yes! Since we were kids. I love you, Drea.” masuyong sabi nito habang yakap-yakap siya.
“Weh?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Oo. Simula pa noong mga bata tayo. Alam mo ba kung bakit hindi pa rin ako nagkakaroon ng seryosong girlfriend ngayon? Iyon ay dahil hinihintay kita. Tama si Zac, torpe nga ako. Mali ang naging way ko para ma-express ang totoong nararamdaman ko sa’yo. Huwag ka ng magtaka kung bakit ginugulo ko na lang palagi ang tutorial session niyo ni Kuya, dahil gusto kong mapansin mo ako.”
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin iyan dati pa?”
“Ikaw kasi eh. Naisip ko kasi na kapag sinabi ko sa’yo at nalaman ni Kuya, lalayuan ka niya. Hindi naman ako selfish. Ayaw kong layuan ka niya dahil lang nakiusap ako. Ayaw kong makiusap kay Kuya. Sa’yo lang sana ako makikiusap kung hindi pa tayo nakapag-usap ngayon. I was waiting for you to realize that Kuya doesn’t like you. Kapatid lang ang tingin niya sa’yo.”
“So, tama pala ang speculation ni Tracy at ni Freya tungkol sa’yo, gano’n?”
“Na?”
“Dinadaan mo lang sa pang-aasar sa’kin ang pagka-gusto mo sa’kin.” natatawang saad nito. “Ang sabi pa nga nila, baka kaya mo raw ako sinisiraan sa Kuya mo ay dahil ayaw mong ma-impress sa’kin si Dominic.”
“Sinabi ko na sa’yo na hindi kita sinisiraan kay Kuya. It was one way of pissing you off. Inaamin ko ring may pagkakataon noon na naisip kong kapag nabuking ka ni Kuya na hindi mo naman talaga kailangan ng tutor at sinasayang mo lang ang oras niya ay magalit siya sa’yo. I was hoping then that you’ll run for help from me. Sasamantalahin ko iyon at liligawan kita. Pero mas maganda ang nangyari ngayon.”
“Oo nga eh.”
“Ang tagal mo kasing nangarap kay Kuya eh. Kung ayaw niya sa’yo, hindi mo na sana siya hinabol-habol. Dahil pwede ka namang maglakad papunta sa’kin.” nakangising saad nito.
“Ang corny mo! At hinintay mo pang dumaan ang three months bago tayo makapag-usap ng ganito. Ang arte mo kasi!” tatawa-tawang sabi niya rito.
“Ang sakit kasi ng ginawa mo eh. At saka, gusto ko ring maging corny.” anito.
“Sorry na. Hindi ko naman talaga itinuloy ang plano kong iyon dahil nga na-inlove na ako sa’yo. Iyong sinabi noon nina Freya at Tracy, opinyon lang nila iyon dahil hindi ko masyadong nasabi sa kanila ang lahat ng nangyayari sa’tin. Sorry na ha.” She gave him a light peck on the lips. Maya-maya ay narinig na niya itong tumawa.
“Kailan ka ba matututo? I told you not to kiss me like that. Hay! Ganito nga.” His lips, warm, soft and sweet came down on hers. He urged her to open her mouth by his tongue. She did. Hindi na niya kailangan pang mag-isip. She clung unto him like it will never be like that anymore. Missed na missed niya ito.
“I missed you.” masuyong saad ni Dereck.
“Teka, may naalala nga pala ako. Sino iyong babaeng kasama mo sa café?”
“Ah. That’s Daphne. Younger sister siya ni Prime.” anito.
“Really?”
“Oo nga.”
“Sige na nga. I missed you more.”
“Arte ng babe ko.” Nginisihan lang niya ito.
“O, sige. Diyan ka na lang.” biro niya rito. Tangkang kakalas siya sa yakap nito pero mas lalo nito iyong hinigpitan.
“I want you to know that I will never ever let you go, babe. I swear to God. Promise me that if ever we’ll have a problem again, we’ll talk about it first before anything else, okay? I don’t want this to happen again. Promise me.”
“I promise.” nakangiting pangako niya.
“Happy birthday!”
“Thanks. Sino nag-ayos ng lahat ng ito?”
“Sina Freya at Tracy, ang family mo at sina Kuya at Mommy. Nakapag-explain na sila sa akin lahat kaya malinaw na ang isip ko ngayon.”
“Good.”
“Am I really the villain in your fairy tale?”
“Not anymore. You are my real prince and I love you so much!”
“I love you most, my princess!”