Napaatras si Drea nang makita ang animosidad sa titig at tono ng pananalita ni Dereck sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ito.
“Ano? Masaya ka na ba dahil kayo na ni Kuya? Ang galing mo rin, ‘no? Nakipaglapit ka sa’kin habang wala si Kuya para makuha ang loob ko at hindi na ako maging kontrabida sa inaakala mong fairy tale love story niyo. Pinaglaruan mo lang ako! Ano iyong mga ipinakita mo sa’king parang gustong-gusto mo na ako? Iyon pala, palabas lang ang lahat ng iyon dahil sa misyon mo! Misyon mo ang mapaamo ako para wala ng hadlang sa pagtingin mo kay Kuya!”
“Dereck...” Nasapol siya sa mga sinabi nito. Totoo naman ang sinabi nito tungkol sa una niyang hangarin kung bakit siya nakipaglapit dito. But only God knows what came next. Iyon ba ang tinutukoy nina Freya at Tracy? Kailan pa nito nalaman ang tungkol doon?
“Cat got your tongue? Tama ang lahat ng sinabi ko ‘di ba? Damn you, Drea! Ginawa mo iyon dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo. Mahal na mahal kita, alam mo ba? O, hindi nga pala. Dahil kung alam mo iyon, sigurado akong hindi mo ako paglalaruan ng ganito.”
“Dereck, please...” Hindi na niya napigilang maluha dahil hinaharap na niya ngayon ang consequence ng sinimulan niyang laro.
“Ano?” galit na tanong nito. Padabog na tumayo ito.
“Dereck, lasing ka na. Tara na.” awat dito ni Dominic.
“Kuya, alam mo ba kung ano ang naramdaman ko kagabi nang sabihin sa’kin nina Freya at Tracy na pumunta sa’yo si Drea? Ramdam na ramdam ko ang pagkatalo sa isang kalabang hindi naman lumalaban. Kuya, inggit na inggit ako sa’yo dahil nayayakap at nakakausap mo ng maayos si Drea. Samantalang ako, kailangan ko pang inisin siya makausap ko lang siya. Hindi kita sinisisi, hindi rin masama ang loob ko sa’yo dahil alam kong wala kang kasalanan. Pero hindi ko mapigilang mainggit sa’yo dahil mahal ka ng babaeng mahal ko.”
“Kung mahal mo si Drea, bakit hindi ka gumawa nang paraan na malaman niya iyon noon pa?” ani Dominic.
“Dahil ikaw ang mahal niya.”
“Pero ikaw na rin ang nagsabing hindi ako lumalaban. You had all the chance to make your move but you never did.” sabi pa ni Dominic.
“Dominic, tama na. Ako ang may kasalanan nito. I’m sorry.” umiiyak na sabi niya.
“Drea, paki-explain nga ang mga nangyayari dahil hindi ko maintindihan.” singit ni Tita Mafie. Hindi naman siya makatingin dito ng diretso dahil hiyang-hiya siya. Siguro ay pakiramdam nito’y pinaglaruan niya rin ito katulad ni Dereck.
“’Ma, halika na muna. Hayaan na muna nating silang dalawa ang mag-usap.” yaya rito ni Dominic. Iginiya nito ang ina patungo sa itaas at naiwan sila ni Dereck sa sala.
“Dereck, I’m sorry. Let me explain.” aniya.
“Kahit na ano pang pagpapaliwanag ang gawin mo, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanang pinaglaruan mo ako!” galit na sigaw nito.
“Pero hindi ko na itinuloy ang sinimulan ko.” paliwanag niya.
“Nonetheless, nagawa mo pa rin ang plano mo dahil kayo na ni Kuya.” giit nito.
“Hindi kami ni Dominic dahil si Ate Kamhya ang mahal niya.”
He smirked. “So, nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon?”
“Dereck, maniwala ka sa’kin. Simula nang maging close tayo, kinalimutan ko na ang plano kong iyon. In fact, I fell in love with you.” pag-amin niya. Titig na titig siya dito. Nagawa niyang salubungin ang nakakamatay nitong tingin para lang masabi iyon.
“That’s bullshit! Damn you, Drea! Huwag ka ng magsinungaling dahil hindi mo na mabibilog ang ulo ko. Malinaw na sa’kin na pinaglaruan mo lang ako.” galit na sabi nito pagkatapos ay iniwan siya roong umiiyak. Pumanhik na ito pataas.
“Dereck, mahal kita!” pigil niya rito pero hindi man lang ito lumingon.
Iyon na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa kanya pero kasalanan naman talaga niya.
I guess that this is really the real meaning of love, when it hits you, you just have to take it and bleed in the end.
Masakit pero tinatanggap ni Drea ang lahat ng masasamang tingin at cold treatment sa kanya ni Dereck. Simula nang komprontahin siya nito’y itinuring na siya nitong tila hindi nag-e-exist. Ipinagpasalamat na rin niyang matatapos na ang semester para hindi na maipit sa pagitan nilang dalawa ang kanilang mga kaklase. Kung may kailangan kasi siya rito o ito sa kanya para sa ilang subject nila’y kailangan pa nila iyong padaanin sa isa sa mga kaklase nila. It’s childish but it’s how Dereck wants it to be.
Natandaan pa niya kung ano ang sinabi sa kanya ni Tita Mafie kahit na hiyang-hiya siya rito noong araw na komprontahin siya ni Dereck.
“Give him space to breathe and figure everything out, hija. Nasabi mo na ang kailangan mong sabihin. Hindi man siya maniwala ngayon, I’m sure maliliwanagan din siya sa huli. Palamigin na lang muna natin ang ulo niya. It’s for the better.” payo ni Tita Mafie sa kanya.
Marahil ay tama ito. Pero tila kay sikip pa rin ng paligid para sa kanila ni Dereck dahil maliban sa magkaklase sila’y magkapitbahay din sila.
“Miss Marquez, pinapatawag ka ni Dean Espino.” sabi ng assisstant ni Dean Espino kay Drea nang magpunta ito sa classroom nila nang araw na iyon.
“Okay, Sir. Susunod na po ako. Thank you.”
Tumingin siya sa gawi ni Dereck pero hindi ito nakatingin sa kanya. Nagbabasa ito ng libro. Bumuntong-hininga muna siya bago lumabas ng classroom nila.
Malapit lang naman sa classroom nila ang Dean’s office kaya madali siyang nakapunta roon.
“Good afternoon po!” bati niya sa mga staff na naroon.
“Good afternoon, Miss Marquez. Pumunta ka na sa loob at hinahanap ka ni Dean.” sabi ni Ma’am Thelma.
“Okay po.” Nang makapasok siya sa opisina ng Dean ay agad na binati niya ito. May binabasa itong ilang papeles nang batiin niya ito.
“Good afternoon, Miss Marquez. Please sit down.”
“Bakit niyo po ako pinatawag, Dean?”
“Aware ka naman siguro sa partnership ng St. Joseph’s College sa Singapore State University.”
“Opo.” sagot niya.
Taun-taon ay may ipinapadalang estudyante sa Singapore State University para maging exchange student. Naitanong na rin nila dati noong orientation kung pwedeng mag-extend ang stay roon at sinabi ng mga itong pwede naman daw as long as ang university ang magbabayad sa pag-aaral ng exchange student doon. Ilang buwan lang kasi ang itatagal ng exchange na iyon at kailangang bumalik na sa kani-kanilang bansa ang mga exchange students.
May kutob siya na siya ang gustong ipadala ng institute nila sa Singapore para maging exchange student. Iyon ang dahilan kung kaya siya pinatawag ni Dean Espino ngayon.
“Congratulations! We chose you to be the university’s representative in SSU. Dean’s lister ka, you are qualified for this activity. I’m sure you’ll definitely get big benefits after this. Maraming naghahangad na scholar na mapili para rito pero ikaw ang napili namin dahil alam kong hindi mo kami ipapahiya sa Singapore State University. You’re beautiful and intelligent. You’re the best candidate for this activity.” paliwanag ng Dean.
“Sigurado po kayo?” It’s an honor for her to be chosen as the university’s representative to Singapore. Pero hindi siya makaramdam ng saya ngayon dahil sa nangyayari sa pagitan nila ni Dereck.
“Actually, kayo ni Dereck Enriquez ang pinagpilian namin dahil alam nating lahat kung ano ang kapasidad ninyong dalawa. Pero dahil kasama si Dereck sa varsity team, ikaw na ang pinili namin. Hindi rin kasi pumayag ang administration na si Dereck ang ipadala sa Singapore dahil player siya. So, ikaw na lang ang last choice namin.” Napangiwi siya. Si Dereck pa pala ang isang napagpilian. “Miss Marquez, this is your chance to have the privelege to study abroad for free. Siguradong pagbalik mo dito ay maraming kompanya ang mag-aagawan para sa kanila ka magtrabaho.”
“I’ll be working for our company, Dean.”
“I see. Pero kilala kita, Miss Marquez. You won’t let our university down. Sumumpa ka noong nag-orientation kayo.”
At nangonsensiya pa siya.
“Isa pa, sigurado akong papayag ang mga magulang mo dito. Kung si Dereck din ang tatanungin, ikaw din sigurado ang ire-reto niya sa’min. Tatlong buwan lang naman iyon eh.”
“Then, I guess I have no choice. I’m in.” aniya.
“Well, congratulations, Miss Marquez! I know you won’t let us down. Ipapatawag ka na lang ulit namin para sa schedule ng pag-alis mo.”
“Okay po.”
Nagpaalam na siya rito at lumabas ng opisina nito. Paglabas niya’y pigil na pigil niya ang sariling mapaiyak. Iyon na siguro ang binigay ng Diyos na paraan para pareho silang makapag-isip ni Dereck. Ang pagpunta siguro niya sa Singapore ang magiging daan para makahinga si Dereck. Tama si Tita Mafie na dapat ay bigyan niya ito ng space.
Nagpunta siya sa isang sulok ng mga benches at doon umiyak. Kasalanan niya ang lahat. Akala niya’y magiging maayos ang lahat noon pero mali siya. Hindi kasi niya inaasahang mai-inlove siya kay Dereck.
“O, ano’ng drama mo?” anang isang boses. Pinahid niya ang kanyang mga luha bago tumingin dito. Alam niyang si Tracy iyon.
“I’m going to Singapore.” balita niya rito.
“Bakit?”
“Ako ang magiging representative ng university sa exchange nila. I’ll be staying there for three months. Kapag nagustuhan ko, maybe I’ll ask Papa to pay my extended stay there.” aniya.
“Tinanggap mo iyon? Drea, malayo ang Singapore. Paano kung may mangyaring masama sa’yo doon? Wala kang matatawagan dahil lahat kami, nandito sa Pilipinas.” nag-aalalang sabi ni Tracy.
“Huwag ka ngang praning. Hindi na ako baby. Paano ako magiging independent niyan kung palagi niyo akong bine-baby? Kaya ko ang sarili ko, ‘no. At patutunayan ko iyon sa inyo.” may pagmamalaking sabi niya.
“Drea, kung ginagawa mo ito dahil kay Dereck, huwag. Kung gusto mo, kakausapin namin siya.”
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Look, this is a big opportunity for me, don’t you think so? Kailangan ko ‘to to grow. At tama si Tita Mafie. Kailangan ko munang bigyan space si Dereck bago kami muling mag-usap. Kailangan ko munang palamigin ang ulo niya.” paliwanag niya.
“Drea, I’m sorry.”
“Ano ka ba? Bakit ka nagso-sorry diyan?”
“Kung hindi ko binigay ang ideyang iyon sa’yo, hindi kayo magkakaganyan ni Dereck.”
“Sus! Ano ka ba? Ginusto ko rin namang gawin ‘to eh. Kasi, akala ko hindi ako mai-inlove kay Dereck. Pakiramdam ko, in-underestimate ko ang pag-ibig. Iyong mga warning niyo sa’kin ni Freya dati. I just laughed in all those. Kaya heto ako ngayon at nasasaktan.” umiiyak na sabi niya.
“Nagsisisi ka na naman doon, ‘di ba? Pati ako nagsisisi na rin.”
Pagak na natawa siya sa sinabi nito. “Oo. Nagsisisi na ako ng sobra-sobra. Do you know what’s the best thing you could ever feel in the world? It’s to love and be loved. Pero iyon din ang pinaka-masakit. Pero kahit na alam ko na iyon, hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal. ‘Cause above all things, it’s the best there ever was. Dadaan ka sa sakit, pero kapag na-solve mo na ang problemang iyon, makakaramdam ka ng saya. And that’s what you call extreme happiness. I’ll do everything to achieve that, Tracy.”
“O, siya, siya. Tahan na at baka maiyak din ako. For now, tama ka nga siguro na dapat niyong bigyan ni Dereck ng space ang isa’t isa para makapag-isip-isip.”