Campus Romance Chapter 20

HALOS kapusin ng hininga si Freya nang marating niya ang condominium unit ni Prime. Tinawagan siya nito kanina at sinabing pakiramdam nito’y mamamatay na ito sa sakit na nararamdaman nito ngayon. Hindi niya alam kung ano ang masakit dito dahil noong sinabi nito sa kanya na may sakit ito’y agad siyang kumuha ng taxi papunta sa condo nito. Hindi na nga nagawang magpaalam sa mommy niya. Kinakabahan kasi siya na hindi niya mawari. Nag-aalala kasi siya kay Prime. Baka kung ano ang nangyari dito.

Pagtapat niya sa sinabi nitong number ng unit nito’y kumatok siya.

“Bukas ‘yan…” anang matamlay na boses ni Prime.

Napataas ang isang kilay niya dahil bukas ang pinto nito. Pagbukas niya niyon at tumambad sa kanya ang malaking bulto ni Prime na nakahiga sa sofa. Nakasuot ito ng maluwang na sweatshirt at pajamas. Medyo maputla ang mukha nito. Pero kahit na ganoon ang hitsura nito’y hindi pa rin nagbago ang pagtibok ng puso niya para rito.

“Bakit nakabukas ang pinto mo? Paano kung—“ Tumawa ito. Nagagawa pa nitong tumawa gayong may sakit na nga ito. “Ano’ng nakakatawa?” nakahalukipkip na tanong niya rito.

“Mahigpit ang security namin dito. And besides, I’m a guy. Walang mawawala sa’kin,” paliwanag nito.

“Sa higpit, pinapasok agad nila ako,” sarkastikong saad niya.

“Siyempre, sinabi ko na sa kanila.”

Sumimangot siya. “Ano ba ang sakit mo?” tanong niyang tumabi siya rito. Sinalat niya ang noo nito at napabulalas siya. “Ano’ng nangyari sa’yo?” Napamura siya ng masalat niyang mainit ang noo nito.

Umungol lang ito saka tinabunan ng unan ang mukha. “I need you to take care of me, Freya…”

Clearly, he wants her to take care of him. Nakaramdam siya ng kung anong kilig sa isiping iyon pero agad niyang sinupil ang damdaming iyon dahil hindi naman sa kanya may gusto si Prime. Wala siyang karapatan para maramdaman iyon.

“Nakakain ka na ba?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Hindi pa.”

“Bakit hindi pa?” Ungol lang ang naging sagot nito sa kanya. “Sige. Ipagluluto na lang kita ng lugaw.” Tumayo siya ngunit pinigilan siya nito. Tinanggal nito ang unan na nakatabon sa mukha nito at namamanghang tumingin sa kanya.

“Marunong ka ng magluto? Baka malason ako n’yan ha,” anito.

“Nagpaturo na po akong magluto kina mama at Letty ‘no!”

“Para sa’kin?”

Hay…talaga naman, oo! “Assuming ka na naman, Prime! Ipagluluto na kita dahil nakakaawa ka,” aniya rito.

Pumitik ito sa hangin. “Effective pala talaga ang bawang! Magaling talaga si Jon Drix,” sabi nito sa sariling parang wala siya roon.

“Ano’ng bawang?” nagtatakang tanong niya rito.

Ngumisi ito. “Dahil iniiwasan mo ako, nag-suggest si Jon Drix na magpanggap akong may sakit at maglagay ng bawang sa kili-kili ko para magkalagnat ako. Maaawa ka daw sa akin at pupuntahan mo ako dito. You actually did,” nasisiyahan saad nito.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi siya nangiming sampalin ito. “Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala kanina nang sabihin mong halos mamatay ka na sa sakit! Selfish ka, Prime! Hindi mo man lang naisip na mag-aalala ako sa’yo,” naluluhang saad niya rito.

Hinawakan nito ang kamay niya. “I’m sorry,” hinging-paumanhin nito sa kanya. Ipiniksi niya ang kamay nito at itinulak ito. Tinungo niya ang pinto ng unit nito. Aalis na siya roon. Ngunit napigilan siya nito.

Niyakap siya nito mula sa likuran at binuhat papunta sa may sala. “Let’s talk, Freya. Please…pinapatay mo ako sa kagaganyan mo. Hindi ko kayang hindi ka makita sa araw-araw.”

Ano raw? “What do you mean?” nagtatakang tanong niya rito. Her heart beat crazily wild like it will never beat again. Tila nilulubos na nito ang pagtibok ng mabilis sa mga oras na iyon.

“I love you. I always have and I’ll always will,” masuyong sabi nito sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya. Pinilit niyang makawala mula sa pagkakayakap ni Prime dahil tila dinadaya siya ng kanyang pandinig.

Totoo ba ang narinig niya? Totoo bang sinabi nito na mahal siya nito? Paano si Tracy kung ganoon?

She felt him bury his face at her back. “I love you,” masuyong sabi nito sa kanya.

“I hate you. Ilang beses ko nang nasabi ‘yon sa’yo. Pero sa tuwing sinasabi ko ‘yon, hindi lang pala ikaw ang pinaniniwala ko kundi ang sarili ko. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa’yo. Narinig ko ang pag-uusap n’yo ni Iñigo noon. I hated you for saying that you could have another man in an instant gayong kahihiwalay mo pa lang kay Iñigo. Paiyak-iyak ka pa no’n at sinira mo pa ang sasakyan ko dahil sa paghihiwalay n’yo ‘tapos basta mo na lang sasabihin na may boyfriend ka na agad.”

“Sinabi ko na sa’yo ang tungkol—“

“Yeah. I know and I’m sorry for hating you,” anito saka huminga ng malalim na para bang kay hirap ng sitwasyon nito. Ikinwento nito sa kanya ang tungkol sa ex-girlfriend nitong si Emma at kung bakit naging “cold and distant” ito sa mga babae. Naintindihan na niya ngayon kung bakit ito ganoon pero inaamin niyang nasaktan siya sa panghuhusga nito.

“Hindi ko naman talaga balak paabutin pa sa pulisya ‘yong ginawa mong paninira sa Hammer ko. Gusto lang kitang takutin dahil nainis na agad ako sa’yo unang kita ko pa lang sa’yo. You want to know why? Because you’re too damn pretty. At natatakot akong baka magustuhan kita ng lubos. Nang kausapin ako ni Tito Franz para turuan ka ng leksyon ay agad na pumayag ako para makaganti na rin ako sa’yo. Ginawa kitang alipin dahil alam kong mahihirapan ka. Pero mas pinahirapan mo ako sa pangungunsinti sa sarili ko na hindi kita gusto sa araw-araw na pagsasama natin. It made a way for me to get to know you, like you and love you in the end.”

“Wala naman talaga akong balak na pabilhin ang papa mo ng bagong Hammer. Kaya kong bumili muli ng isa niyon. Gusto lang kitang ma-guilty para pumayag ka sa gusto kong mangyari. Hindi ko tinanggap ang biniling Hammer ng papa mo dahil katulad ng sinabi ko noon, tama nang kabayaran ang pagiging slave mo sa’kin. Dahil sa’yo natuto muli akong magmahal.”

“I realized that I loved you after our arcade date,” anitong ang tinutukoy ay ang paglalaro nila noon sa arcade. “Simula noon, sinubukan ko ng mapalapit sa’yo. And I’ve hoped that you’ll fall for me too. Then, Daphne ruined everything. Sinabi niya sa’yo na si Tracy ang gusto ko which is definitely not true! Si Tracy ang pinakamahalagang babae sa buhay ni Zac. Tinutulungan ko lang si Zac kay Tracy kaya ako ang naging messenger niya sa mga regalong gusto niyang ibigay kay Tracy. Alam ko kasi kung ano ang pinagdadaanan ni Zac noon.”

“You should’ve waited me to come back then. I’ve prepared a very special dinner for you in Hotel Elyse’s penthouse. Pero umuwi ka at inindyan mo ako sa date natin. ‘Yon na sana ang pagkakataon ko para sabihin ko sa’yo na mahal kita. Forgive me for being too slow. Pagdating kasi sa’yo, hindi ko alam kung paano gumalaw ng tama. Gano’n yata ang in love, naloloko.”

He cupped her face with both hands. “I love you so much, Freya. Please fall in love with me too. Kung hindi pa, handa akong i-seduce ka pa para bumigay ka na,” masuyong sabi nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang mapatawa dito. Kanina’y umiiyak siya habang ikinukwento nito ang lahat ng pinagdaanan nito, ang lahat ng nararamdaman nito. Hindi naman pala nasayang ang pagmamahal niya rito. Na kahit na nagkaroon ng kaunting problema, ayos lang dahil ngayon ay alam na niya kung ano ang totoo.

Naalala niya ang ikinwento noon sa kanya ni Minie. Iyong kung papaano malalaman ng isang tao kung in love na ba siya sa isang tao.

“Yakapin mo ako sa likod,” utos niya kay Prime.

“What? Bakit?” nagtatakang tanong nito.

“Gawin mo na lang!”

“Grabe! Pagkatapos kong maging ma-drama, ganyan lang ang sasabihin mo?” reklamo nito.

“O, sige. Aalis na lang ako,” banta niya rito. Pinigilan siya nito sa kanyang braso.

“Gagawin na nga,” anito sabay pinaikot sa kanyang baywang ang kamay at niyakap siya mula sa kanyang likod. May kung anong nakakakilig na sensasyon siyang naramdaman na ikinangiti niya.

“Ano’ng nararamdaman mo?”

“I feel like I love you. I really do. Gusto kong ganito na lang tayo palagi,” masuyong sabi nito sa kanya na lalong nagpasaya sa kanya. She felt really loved by him.

Kumalas siya mula sa yakap nito at siya naman ang yumakap sa likuran nito. Iyon ang unang beses na nayakap niya si Prime at naramadaman nga niya ang sinasabi ni Minie. Her heart simply played a thug-thug-thug song and her mind sang a chuva-chuchu. She’s really in love with this man, no doubt about that.

“Crush kita noon pa man. Actually, lahat kayong Princes. But you’re the one who won my heart. Kahit na masungit ka, seryoso at masyadong cold, minahal pa rin kita. There are times that I hated you, pero mas lamang ang mga oras na gusto kita. Noong dumating ka sa buhay ko, nagdesisyon na akong hindi na muna magmahal pero makulit ka dahil binago mo ang desisyon ko,” sabi niya rito habang yakap pa rin niya ito mula sa likod.

Kumalas si Prime mula sa kanyang pagkakayakap at saka siya nito iniharap dito. Nagtama ang kanilang mga mata at doon pa lang ay naiintindihan na nila ang isa’t isa.

“I love you, Prime. So…very…much! Thank you for coming into my life. Thank you for teaching me how to believe in love again. Ngayon ko talaga na-realize na may “tamang pag-ibig” sa tamang panahon at kinailangan ko lang maghintay para doon. You came,” madamdaming sabi niya rito saka niya tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi.

They kissed with eagerness, gentleness, sweetness and loving. Every love story, fairytale-themed or not, always ends up with a happily ever after. So fall in love and have one.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.