Campus Romance Chapter 3

“Hi!” bungad ni Drea kay Dereck pagkalabas ng huli sa gate ng bahay ng mga ito. Inagahan niya ng gising para makasabay siya rito. Seven-thirty kasi ang schedule ng klase nila ngayong Lunes. Hindi niya nasimulan kahapon ang plano niya dahil wala si Dereck sa bahay ng mga ito maghapon. Hayun na naman ito at kunot-noo na naman ang sagot sa kanya. “Pwede mo namang sundin ang rule ng speech sa pagsasabi ng ‘hello’ eh.” nakangiting sabi niya rito.

Gusto niyang purihin ang sarili sa pag-arte dahil sa totoo lang ay gusto na niyang kutusan ang lalaking ito.

“What are you doing here?”

“Sasabay sana ako sa’yo kung okay lang.”

“Hindi pwede.”

“Ha? Eh pareho naman tayong papasok ah.”

“Hindi pa ako papasok.”

“Magpa-praktis ka muna bago pumasok sa klase?” Baka kasi may practice ito ng basketball ngayon.

“Hindi.”

“Eh saan ka pa pupunta? Seven-thirty kaya ang klase natin.”

“Bakit ba marami kang tanong?” Lalong nagsalubong ang mga kilay nito ngayon.

“Nagtatanong lang naman ako ah. Isabay mo na ako, please?” pilit niya rito.

“Hindi ko gagamitin ang kotse.”

“Okay lang. Wala naman akong bitbit eh.”

“Bakit hindi ka na lang magpahatid sa ate mo?” tila nauubos na ang pasensyang tanong nito na ang tinutukoy ay ang Ate Toni niya.

“Mamayang nine pa ang pasok ni ate.”

“Sa Papa mo na lang.”

“Hindi pa pwedeng mag-drive si Papa dahil hindi pa magaling ang kamay niya.” aniya. Alam nitong may pilay pa sa kamay ang Papa niya dahil nag-basketball ang mga ito last week. Na-slide ang Papa niya sa court na naging sanhi ng pagka-sprain ng kamay nito.

“Bakit ba kasi hindi ka pa mag-aral mag-drive?”

“Natatakot ako eh. Wala akong tiwala sa sarili ‘pag dating sa driving. Baka mabangga ako.” aniya. Mukhang nakuha naman niya ang simpatya nito dahil mataman siya nitong tiningnan.

“Okay. What are you cooking here?”

“What?”

“Bakit ngayon ay parang isa kang anghel na lumapit sa’kin samantalang kahapon ay kulang na lang ay balatan mo ako ng buhay sa inis.”

Patay! Bakit ba naman kasi kailangang maging mapang-obserba ito?

“Naisip ko lang na hindi naman natin kailangang magbangayan parati dahil nakakadagdag lang tayo sa problema ng Pilipinas. Mas maganda kung magiging friends tayo, ‘di ba? Good friends. Para naman maari ng sumali sa the friendliest barangay in the world ang barangay natin, ‘di ba?” mahabang litanya niya.

Ngunit mukhang hindi ito kumbinsido sa rason niya. Nakakunot pa rin ang noo nito. Um-abra siete siya rito. Hindi rin niya alam kung bakit niya ginawa iyon pero gusto lang niya itong kumbinsihin. Ganoon siyang maglambing. Ngunit mali yata ang ginawa niya dahil napakalapit nila sa isa’t isa ngayon. Naalala tuloy niya ang nangyari noong isang araw.

She felt a tinge of electrifying volt from her arms through her body that made her suddenly nervous from the inside. It was preceded by her heart thumping hard and fast.

Naitanong niya sa sarili kung bakit ganoon ang naramdaman niya pero hindi niya alam kung ano ang isasagot. Nang mapatingin siya kay Dereck ay nag-init ang magkabilang pisngi niya dahil nakatingin din pala ito sa kanya.

“What are you doing?”

“J-just h-holding your a-arm?” What the...? Why the sudden buckle? Kahit na pakiramdam niya ay kailangan na niyang bumitaw ay hindi niya ginawa dahil parang sinabi na rin niya rito na apektado siya. Kahit iyon ang totoo.

Tinanggal nito ang kamay niya mula sa braso nito at saka kinuha ang back pack niya mula sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin dito. At parang ayaw na niyang sumabay dito dahil hanggang ngayon na hindi na siya nakadikit kay Dereck ay nag-iinit pa rin ang pisngi niya. Kinakabahan pa rin siya at malakas at mabilis pa rin ang pintig ng puso niya.

“Are you coming or not?” pukaw sa kanya ni Dereck.

“H-ha?” tanong niya. Tila wala ng pasensyang lumapit ito sa kanya at saka hinila siya pasakay sa kotse nito. Muli ay na-kuryente na naman siya sa paghawak nito sa kamay niya.

Bakit ganoon?

“Sa susunod ay huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli.” sabi nito. Tumingin siya rito at hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon pero may lungkot siyang nakita sa mga mata nito. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila habang nagbibiyahe.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi siya dapat umaakto ng ganito sa harap ni Dereck. Kailangang magawa niya ang misyon niya dahil dito nakasalalay ang ikagaganda ng love life niya. Higit sa lahat, hindi siya dapat magpaapekto kay Dereck.

“May gagawin ka ba after class?” basag niya sa katahimikan.

“Meron.”

“Ano?”

“It’s none of your business.” Heto na naman sila.

“Magpapatulong sana ako para sa gagawin kong marketing plan sa’yo.” Kay Dominic sana siya magpapatulong pero dahil may misyon siya kay Dereck ay minabuti niyang ito na lang ang hingan ng tulong. Tutal, magaling din naman ito sa marketing at magkaklase pa sila.

“Hindi ba nagpaturo ka na kay Kuya kahapon. Hmmm...Oo nga pala. Wala ka nga palang ginawa kahapon doon kundi ang magpa-cute at tumunganga habang salita ng salita si Kuya at hindi ka naman nakikinig.” Nag-init ang magkabilang tainga niya sa sinabi nito. He’s mocking her. Alam nito ang matinding pagkagusto niya sa kapatid nito. Pilit niyang inignora ang sinabi nito.

Umisip siya ng magandang dahilan para masagot niya ito ng tama.

“’Di ba kasali ka na sa varsity ngayon?”

“Eh ano ngayon?” Ngali-ngaling batukan na niya ito sa pambabara nito sa kanya pero nagpigil siya. Patience is the real virtue, Alexandrea. Chillax. paalala niya sa sarili.

“Gagawin ko sana kayong promoter ng magiging product ko.” Pinapahaba lang niya ang usapan. Mas maganda na iyon kaysa tahimik sila pareho. And besides, making them her product endorser isn’t bad. Actually, it’s perfect. Nagkaroon siya ng magandang ideya. Tama nga na ang varsity team ang gawin niyang endorser dahil tiyak na mauubos agad ang produkto niya kapag ibenenta niya iyon sa school. Sino nga ba naman ang hindi bibili ng mga cup cakes na kahit na mahal at hindi pang-karaniwan ay ang mga ito naman ang magbebenta? Sikat na sikat ang varsity team nila dahil ilang beses nang nagtsa-champion ang mga ito sa UAAP.

“At sa tingin mo naman ay papayag kami?”

“Why not? Babayaran ko naman kayo o kaya, gagawan ko kayo ng projects.”

“I don’t need your help.”

“Sila pala. Iyong teammates mo.”

“And what’s going to be your product?”

“Squash, avocado at potato cup cakes.”

“What? Ano’ng magiging lasa no’n?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Masarap.”

“Nasubukan mo na ba?”

“Hindi pa.” pag-amin niya.

“Hindi naman sinabi ni Ma’am Lut na kailangan mo munang pumatay ng tao para lang makabenta.”

“Ang yabang mo naman! Kahit na hindi ko pa nasusubukan iyon, sigurado akong magiging masarap ang lasa no’n. Kapag natikman mo, hahanap-hanapin mo.”

“Yeah, right.”

“Bakit ikaw? Ano ang magiging product mo?”

“Wala ka na do’n.”

“Ang daya mo naman. So, tutulungan mo ba ako?”

“Hindi ako marunong mag-bake.”

“Weh? Marunong ka eh. I remembered when you baked chocolate chip cookies. Masarap naman iyon ah.” High school sila noon at ni-require sila ng teacher nila sa Home Economics na mag-bake ng cookies. Natikman lang niya ang cookies nito dahil binigyan siya ni Tita Mafie. Masarap naman talaga iyon. Mas masarap kaysa sa gawa niya kaya sinabi niyang hindi masarap iyon sa harap nito dahil ayaw niyang magpatalo dito.

“Aha! You told me it tasted awful. So, masarap pala.” nakangiting saad nito na tila amused. Nagulat siya sa naging ekspresyon nito. He looked gorgeous when he smiles. At noon lang niya nakita ang good side nito. His bright side.

“Yeah. Masarap. Kaya tutulungan mo akong gumawa niyon sa Wedsneday.” sabi niya na hindi mapuknat ang tingin dito. Wala kasi silang pasok sa Miyerkules.

Tumingin ito sa kanya at tila ba isa siyang “eye-sore” na agad nawala ang ngiti sa mga labi nito.

“May gagawin ako sa Miyerkules.”

“Ano?”

“Wala ka na do’n.”

“Hihintayin na lang kita. Bibili na muna ako ng ingredients, ‘tapos, pagdating mo na lang tayo mag-bake. Okay ba iyon?”

“I don’t know.”

“Dereck naman eh. Umayos ka nga!” reklamo niya.

“Ayoko. At kapag hindi ka pa tumigil sa kakasalita riyan, itatapon kita sa labas ng bintana.” banta nito.

“But--------------“

“Isa.”

“Fine, sungit!”

“Kumain ka na muna, Dereck.” nakangiting sabi ni Drea kay Dereck habang ibinibigay dito ang plastic bag ng in-order niyang pork teriyaki sa paborito nitong restaurant malapit sa school nila.

Kasunod niya sina Mylene, Yana at Xian na pawang mga nakanganga. Nagtataka ang mga ito kung bakit niya siguro binibigyan ng pagkain si Dereck. Nasa benches sila katapat ng building nila. It was lunch time. Alam niyang hindi pa kumakain si Dereck dahil nakita niyang pumunta ito sa gym kanina. Marahil ay nag-practice muna ito.

Hindi siya nagpapaapekto sa mga naramdaman niya tuwing magkakalapit sila ni Dereck dahil baka kinakabahan lang talaga siya. Hindi kasi niya alam kung anong approach ang gagawin para mapaamo si Dereck. At saka, nag-a-adjust pa siya sa paglapit dito kaya nakakaramdam siya ng kung anu-ano. Iyon ang nabuo niyang dahilan sa sarili.

“What’s that for? Suhol?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.

“Nope. Treat ko iyan. Dahil simula ngayon, magiging friends na tayo.”

“Ayaw kitang maging kaibigan.” Bahagya siyang nasaktan sa narinig.

“Eh ano? Super friends?” tanong niya rito.

“Baka naman more than friends!” patiling sabad ni Xian. Ang silahis niyang kaklase. Pinandilatan niya ito ng mata. Maliban sa kanilang tatlo nina Freya at Tracy ay walang sinuman ang nakakaalam sa plano niya kaya hindi na siya nagugulat kung maraming nagtaka nang makitang magkasama sila ni Dereck. “Oh, come on. Huwag nga kayong showbiz. Matagal na naming napapansin na may something sa inyo, ‘no.”

“Ano?” bulalas niya.

“Parang aso’t pusa kayo kung mag-away. Alam niyo bang diyan nagsimula ang Lolo’t Lola ko?” ani Mylene.

“Mylene, hindi kami ang Lolo’t Lola mo.” aniya.

“Well, siguro dinadaan niyo lang sa asaran ang pagtingin niyo sa isa’t isa. Walang gustong magpatalo sa isa kaya nagtataguan lang kayo ng nararamdaman.” sabi naman ni Yana.

No! Shit, huwag kayong magsalita ng ganyan! Kung hindi lang niya pinapaamo si Dereck ay kanina pa siya nagtatatalak.

“’Di ba mag-iisip pa kayo ng project niyo? Hala! Magsilayas na kayo!” pagtataboy niya sa mga ito dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya.

“Uuuuuy! Gusto nang ma-solo si Papa Dereck.” tukso ni Xian.

“Xian!”

“O, siya. Aalis na muna kami para makapag-solo kayo. Halina kayo, girls. Babush!” paalam ni Xian saka hinila sina Mylene at Yana. Nang sila na lang ni Dereck ang naiwan doon ay nakaramdam siya ng awkwardness. Mukhang hindi tama na pinaalis niya ang tatlo.

“Ano ba talaga ang gusto mo sa’kin?” pagkuwa’y tanong ni Dereck.

“F-friendship?” alanganing sabi niya. Baka kasi hindi ito maniwala. At tulad ng inaasahan niya, nangunot ang noo nito. “What? Hindi ba talaga tayo pwedeng maging magkaibigan? For Pete’s sake, Dereck! Magkaklase na tayo simula nursery. Okay naman tayo noon ‘di ba? Hindi ko lang alam kung bakit mo ako palaging inaasar at sinisiraan kay Dominic.”

“Hindi kita inaasar at hindi rin kita sinisiraan kay Kuya dahil nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Inaasar mo ako! Tuwing magsasalita na lang ako, palagi mo akong binabara. Kapag tinatanong kita, pini-pilosopo mo ako.”

“As much as I wanted to be friends with you, you wouldn’t want me to.” sa sinabi nito ay napatingin siya rito pero hindi ito nakatingin sa kanya.

“Bakit? Naitanong mo ba sa’kin kung ayaw ko talaga?” tanong niya rito.

“Paano ko naman maitatanong kung puro talak na lang ang binibigay mo sa’kin?”

“Kasi palagi mo akong inaasar!” sigaw niya rito.

“I think this talk ain’t going anywhere. So, bago pa tayo magkabangayan, aalis na ako. Ayaw kong mapa-Dean’s office.” paalam nito. Kinuha nito ang mga gamit at akmang tatayo na ngunit pinigilan niya ito. Hinawakan niya ito sa braso.

“Teka, nag-uusap pa tayo ah. Mind your manners naman.”

“Pag-uusap ba ito? Siguro, iniisip noong mga nakakakita sa’tin, may LQ tayo.” may nanunudyong ngiti na pumorma sa mga labi nito. He looked at her amusingly.

“Okay. Fine. I promise I won’t nag about those things anymore. Just stay.” pakiusap niya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay biglang kumislap ang mga mata nito. Hindi rin nito naitago sa kanya ang amused na ngiti nito na umabot sa nagniningning na mga mata nito.

“Ano ba iyan?” tanong nito na inginuso ay ang plastic na dala niya. Napangiti siya.

“Pork teriyaki. Favorite mo ito, ‘di ba?”

“How did you know?”

“I just know.” nakangiting sabi niya. Alam niyang iyon ang paborito nito dahil tuwing kumakain sila sa paborito nitong restaurant, in separate tables, ay nakikita niyang iyon ang palaging order nito.

Kinuha nito sa kanya ang plastic bag at binuksan ang styro foam at nagsimulang kumain.

“Thanks.” he said in between eating. Naging malapad ang ngiti niya.

“So, friends na tayo?” tanong niya.

“I’ll think about it. Kapag siguro dinire-deretso mo ang paglilibre sa’kin, posible.”

“Hoy! Sinu-swerte ka yata!” natatawang sabi niya na sa gulat niya ay ikinatawa nito. His laughter was like a beautiful music in her hearing. She was put into a trance for a couple of second there when she saw how she made this guy laugh and smile. Pagkatapos ay napangiti uli siya. “So, tutulungan mo na ako sa project ko?”

“No.” he said flatly.

Inip na inip na si Drea habang hinihintay na lumabas ng bahay ng mga Enriquez si Dereck. Maaga siyang gumising para maabutan itong mag-jogging pero ang tagal-tagal nitong lumabas. Nakayukyok na siya sa harap ng bahay nito sa kahihintay sa paglabas nito. At nang marinig niyang tumunog ang gate ng mga ito’y nabuhayan siya ng loob.

Nakita niyang nakatunghay sa kanya si Dereck pagtayo niya at katulad ng dati ay nakakunot na naman ang noo nito.

“What are you doing?”

“Hinihintay ka. Ang tagal mo naman. Malapit ng tumirik ang araw.” aniya.

“Hindi ko sinabing hintayin mo ‘ko.” supladong saad nito at nagsimula nang mag-jogging. Agad naman niyang sinundan ito.

“Dereck, twelve pa ang klase natin. Baka gusto mo akong samahang mamili.” Kunot-noo lang ang sagot nito sa kanya. “You are really a man of few words, huh? Okay. I’ll race you to TresKas. Kapag ako ang nauna, tutulungan mo ako sa project ko. If you win, you’ll name your price.” nakangiting alok niya rito.

“Bahala ka sa buhay mo.” anito. Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis na hinawakan niya ito sa damit at hinila palapit sa kanya. Sa lakas ng hatak niya’y muntikan na sila parehong ma-out balance. “Ano ba?”

“Ano ba talagang problema mo sa’kin? Tell me, Dereck. May mali ba sa mga sinasabi ko? May mali ba sa mga ikinikilos ko?” sunud-sunod na tanong niya rito pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya. “Ano?!” inis na untag niya rito.

“Hoy! Ang aga-aga, nag-aaway na agad kayo. Pwede bang humanap kayo ng mas malawak na ‘sigawan-area’?” sigaw sa kanila ng yamot na si Tracy. Nasa tapat na pala sila ng bahay ng mga ito. Dahil doon ay nakatakas sa mga tanong niya si Dereck. Tumakbo na ito ng mabilis palayo sa lugar na iyon at hingal na hingal naman siya maabutan lang ito.

“Bahala ka, Dereck. Kapag hindi mo pinatulan ang hamon ko sa’yo at nauna ako sa TresKas, ipagsisigawan ko roon na bading ka!” banta niya rito at mabilis na kumaripas ng takbo patungong TresKas.

“You wouldn’t do that.” kampanteng sabi nito habang mabagal pa rin ang takbo.

“Oh, I would.” nakangising saad niya habang patuloy ang pagtakbo. Nang makita niyang bumilis ang takbo ni Dereck ay lalo niyang binilisan ang pagtakbo hanggang sa matanaw niya ang logo ng TresKas. Mas naging matulin ang pagtakbo niya at ang tanging nasa isip lang niya ay maunahan si Dereck sa TresKas.

Pagkarating na pagkarating niya sa loob ng TresKas café ay sumigaw siya.

“Good morning everybody! Gusto ko lang pong malaman niyong lahat na si Dereck Enriquez ay isang bading!” nakangising hayag niya. She heard somebody smirk from behind her. Nakita naman niya ang ibang kababaihan na nasa mid-twenties ang edad na nabigla samantalang ang iba’y umiiling lang.

“Drea?” tawag sa kanya ni Ate Khamya. Ito ang namamahala talaga sa buong TresKas.

“Hi, Ate! Gusto ko lang gawing official ang pag-a-announce na----------“

Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may nagtakip ng kamay sa kanyang bibig. Alam niyang si Dereck iyon. Nagtangka siyang kumawala pero mahigpit naman siyang niyakap nito.

“Kung anuman po ang sinabi sa inyo ng babaeng ito, hindi po iyon totoo.” mahinahong saad ni Dereck. Kinagat niya ang kamay nito at dahil doon ay nabitawan nito ang bibig niya.

“Naku! Sa’kin po kayo maniwala dahil tingnan niyo po, pumapatol siya sa babae. Kaya, I therefore conclude, na bading si Dereck!” nakangising saad niya. Lahat ng tao’y nagsitawanan dahil sa kakulitan niya. Nang tingnan niya si Dereck ay gusto sana niya itong ngisihan pero nawala na iyon sa isip niya dahil nakakamatay ang tinging ibinigay nito sa kanya.

“Hindi nga, Dereck? Bading ka?” curious na tanong ng isang babaeng nagkakape na nakilala niyang taga-kabilang village. Bago sumagot ay lumapit muna sa kanya si Dereck at bumulong.

“You’ll regret ever saying that I’m gay.” mariing bulong nito sa kanya pagkatapos ay humarap sa nagtanong. “Kaya ba itong gawin ng isang bading?” anito pagkatapos ay sinapo ang kanyang mukha at hinalikan siya. At dahil nagulat ay napaawang ang mga labi niya, giving Dereck the chance to explore her. She gasped at the urgency of his kiss. Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya makagalaw pero ramdam na ramdam niya ang halik nito.

“Kaya ba iyong gawin ng isang bading?” nakangising tanong nito sa kanya.

Well, they both knew the answer to that question. And judging by the look in their audience’s eyes, they loved their show.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.