Great! Just great! isip-isip ni Drea.
Nasa isang sulok siya ng canteen ng kanilang eskwelahan at nagbe-benta ng kanyang unusual flavoured cupcakes. Dalawang araw na siyang naka-pwesto roon pero lilima pa lang ang bumibili sa kanya. Imagine? Dalawang araw na siyang nagtitinda pero lima pa lang ang nabe-benta niya.
“I’m doomed!” aniya.
“Keri mo ‘to, sistah! Kailangan mo lang ng magandang strategy para maka-benta.” pag-e-encourage sa kanya ni Xian na kasama niyang magbenta ng araw na iyon. Kaklase niya ito pero magkaiba sila ng product.
“Hindi kasi pumayag si Dereck na tulungan ako eh. Eh ‘di san, marami na akong benta ngayon kung ang varsity team ang endorser ko.” mangiyak-ngiyak na sabi niya. Ayaw niyang bumagsak. Hindi siya pwedeng bumagsak. Manganganib ang scholarship niya.
“Eh alam mo namang busy ang varsity ngayon sa pagpa-practice ‘di ba? At saka, may sariling project din si Dereck. We have to be selfish for sometime, you know.” konsola nito sa kanya.
“Ano’ng gagawin ko ngayon?”
“Oh my, sistah! Zac Castillo is coming.” bahagyang bulong sa kanya ni Xian saka ito pa-simpleng nag-ayos ng sarili.
Nakita naman niya ang tinutukoy nito. Papunta sa gawi nila si Zac Castillo na isa sa mga varsity players nila. Naghanda siya ng isang matamis na ngiti. Pero laglag ang balikat niya nang hindi sa pwesto nila ito lumapit kundi sa kabilang stall. Pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa.
“Hi, Zac!” nakangiting bati niya rito.
“Hello, miss beautiful!” ganting bati nito sa kanya.
“Ang gwapo mo pala talaga, ‘no?”
“Oo naman. Thank you! That’s a very pleasing compliment from a beautiful lady like you.” sabi nito saka hinaplos ang kanyang pisngi. Impit na napatili sa tabi niya si Xian at ang iba pang mga babaeng nakakita sa ginawa nito.
“You sure know how to please a lady, huh?” aniya.
“Siyempre naman.”
“Really? Alam mo ba kung ano ang makakapag-please sa’kin?”
“A date with me?” A typical conceited playboy.
“No. Perhaps you could buy some of my cupcakes. Sigurado akong magugustuhan mo ito.” agad na sabi niya. This is it. Hindi niya kailangan si Dereck para lang magkaroon siya ng varsity player bilang endorser.
“Cupcakes? Ano namang flavor nitong mga ‘to?” curious na tanong nito habang tinitingnan ang kanyang mga paninda.
“Squash, avocado at potato.” nakangiting saad niya.
“What? Ano’ng lasa no’n?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Masarap. Promise!” aniya. Ipinagbalat niya ito ng isang kalabasa cupcake. “Tikman mo.” alok niya rito.
Ngumisi ito. “Hindi kaya mamatay ako niyan pagkatapos kong kumain? How about, if you give me a kiss and I’ll buy ten cupcakes?”
“That’s it!” sigaw ni Xian. Nagulat siya sa sinabi nito na para bang nanalo ito sa lotto.
“Ano?” tanong niya.
“Free kiss in every ten or five cupcakes. Makakabenta ka, girl. Sino ba naman ang makakatanggi sa halik mo, ‘di ba? You’re Miss SJC! Nobody would resist your kiss.” ani Xian.
“You’ve go to be kidding me!” aniya.
“Project niyo ba ito?” tanong naman ni Zac.
“Oo. Kailangan niyang makabenta ng at least five hundred cupcakes before our finals.” sagot dito ni Xian.
“Well, Drea?”
“Kilala mo ako?” takadong tanong niya rito.
“Well, of course. You are Miss SJC. I would love to date you pero masyadong complicated.”
“Bakit?”
“Basta. So, balik tayo sa problema mo. Drea, napaka-unusual flavors ng cupcakes mo, imposibleng maka-benta ka nito ng five hundred unless you have a very good strategy in selling it. I suggest na sundin mo ang kaibigan mo. A kiss on the cheek in every purchaser wouldn’t hurt. Pasasalamat mo na rin iyon dahil natulungan ka nila sa project mo, ‘di ba? How about that?” paliwanag ni Zac.
“Hmmm...may punto kayo. Teka, sinasabi mo lang ba ‘to dahil makakahalik ka rin?” tanong niya.
“Tinutulungan lang kita. Ilang araw ka na ba rito at ilan na ang nabebenta mo?”
“Dalawa at lima pa lang ang nabebenta ko.”
Malakas ang naging pagtawa nito. “See? I doubt it if you could reach your quota if you wouldn’t grab the chance.”
“Fine!” sumusukong saad niya. Kung pwede lang sanang baguhin ang project niya ay nabago na niya. Pero dahil akala niya’y makukumbinsi niya si Dereck, nagpasa na siya ng printed project niya sa professor nila na ang binebenta niyang cupcake ang subject. Kung hindi niya maaabot ang kanyang quota ay babagsak siya. Kaya hindi siya hahayaang mangyari iyon.
Tama naman si Zac. Wala namang mangyayaring masama sa kanya kung hahalikan niya sa pisngi ang lahat ng bibili sa kanya. Baka nga sa araw na iyon ay ubos na agad ang paninda niya.
“Great! So, ano ang ratio niyo?” interesadong tanong ni Zac.
“A free kiss in every ten cupcakes.” aniya.
“Masyadong mataas naman iyon. Pagkatapos, magkano per cupcake niyo?” anito.
Napasimangot siya. Fifteen pesos ang isang cupcake. “Fine. Five.”
“No. Make it three.” payo nito.
“Oo na. Keri mo na iyon, girl. Magpatulong na lang tayo sa iba pa nating friends kapag madami na ang nakapila dito.” ani Xian.
“Yeah, right. Whatever.”
Nakakunot-noong pinagmasdan ni Dereck ang masayang mukha ng kapapasok lang na si Zac Castillo sa dug out nila. Kanina pa nila ito hinihintay para makapagsimula na silang mag-practice pero ngayon lang ito dumating at may dala-dala pang pagkain.
“Anyone want a cupcake?” alok nito sa kanila.
“Bakit late ka na naman, Castillo?” sita rito ng team captain nilang si Prime.
“Hey, chill, dude! Bumili lang ako ng pagkain. Binilhan ko naman kayo eh. And you won’t believe kung magkano lang ito at kung ano ang discount.” nakangising saad nito.
“Grabe ka, Zac! Pati mga tindera pinatulan mo.” kantiyaw rito ni Jethro.
“Oh, but she’s not your ordinary vendor.” pagmamalaki pa nito.
“Really? Patikim nga ng cupcake.” baluktot ang tagalog na sabi ni Colby. Ang half-Australian nilang center. Agad naman itong inabutan ni Zac ng cupcake pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at pati siya’y binigyan.
“Ano’ng flavor nito? Masarap ah.” komento ni Colby.
“Tingin ko, kalabasa iyan.” ani Zac. Lalong siyang napakunot-noo sa sinabi nito.
“Kalabasa? What’s that?” tanong ni Colby.
“Squash iyon.” turo naman dito ni Zephyr.
“Talaga? Masarap siya.”
“Well, I suggest na bumili na kayo niyan sa canteen dahil sigurado akong mauubos na iyan mamaya dahil sa special promo nila. Imagine? I got to eat delicious cupcakes and get a free kiss. How cool is that?” ani Zac.
“What? Sino ang napagbilhan mo nito, Castillo?” agad na tanong niya rito. May kutob na siya kung sino ang napagbilhan niyon ni Zac pero gusto niyang makasiguro.
“Si Miss SJC, ‘Drea Marquez’. She’s pretty and hot, dude. And these cupcakes--------“
Hindi na niya pinatapos pang magsalita si Zac. Agad siyang lumabas ng dug out at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ni Prime para puntahan ang makulit na babaeng iyon.
Hindi siya makapaniwala na kayang gumawa ni Drea ng ganoon. Inis na inis naman siya kay Zac dahil sinamantala nito si Drea. Mamaya na niya ito babalikan kapag naayos na niya ang problemang iyon ni Drea. Naiinis siya sa sarili kung bakit kailangan na naman niyang makaramdam ng ganoon para kay Drea pero kailangan niya itong pigilan sa walang kakwenta-kwenta nitong strategy.
Huwag ka ng magpalusot, Dereck. Ayaw mo lang na may ibang makakahalik kay Drea kasi, gusto mo, ikaw lang ang makakagawa niyon! sita sa kanya ng kanyang pag-iisip.
Yeah, right. Stupid!
Tuwang-tuwa si Drea dahil effective ang strategy nila salamat kay Zac. Ilang minuto pa lang silang naglalagay ng ‘Free Kiss’ sign sa stall niya ay marami nang nakapila para bumili ng cupcakes niya. Kinailangan tuloy niyang ipatawag sina Tracy, Freya at ang iba pa niyang kaklase pati na rin ang mga lalaki para magbigay ng libreng kiss. Mabuti na lang at hindi mahirap kumbinsihin ang mga ito.
“Drea, utang ito ha.” sabi sa kanya ng nakairap na si Tracy.
“Oo ba. Don’t worry, hindi ito malalaman ni Francis.” aniya. Si Francis ay ang boyfriend nito.
“Hay naku! Ipaalam natin kay Francis para mag-break na sila, ‘no. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-pinpoint kung ano ba talaga ang nagustuhan mo sa lalaking iyon.” sabi naman ni Freya.
“Ang nakita ko sa kanya ay pag-ibig kaya tumahimik ka na lang diyan, Free.” sagot naman dito ni Tracy. Natawa lang siya sa sagutan ng dalawa.
Maya-maya’y nakarinig sila ng tili ng ilang babae sabay sigaw ng mga ito nang, “Dereck!” Agad naman siyang napatingin sa ginawi ng tingin ng mga ito at nakita niyang kapapasok lang ni Dereck sa kanilang canteen at nakatingin ito sa kanya.
Oh, rephrase that, masama ang tingin niya sa’kin.
Iniiwas naman niya ang tingin dito dahil bigla niyang naalala ang ginawa nilang eksena noon sa TresKas. Hanggang ngayon kasi’y mainit na issue pa rin iyon sa village nila. At kahit siya’y hindi pa rin makalimutan iyon. Pero sinasabi na lang niya sa sarili niyang ginawa iyon ni Dereck dahil na-provoke niya itong gawin iyon. Siya ang may kasalanan.
“Uy, Drea, si Dereck o!” turo dito ni Yana.
“Hayaan mo siya.” aniya.
“Miss Drea, bibili ako ng twenty-one cupcakes.” pagkuha ng isang estudyante sa atensyon niya.
“Okay. Xian, bigyan mo siya ng twenty-one cupcakes.” utos niya kay Xian.
“Pero gusto ko, ikaw ang magbigay ng free kiss.” request ng lalaki.
Napatingin siya rito. Parang nama-manyakan siya sa tingin na ibinibigay nito sa kanya. He looked like he’s ready to swallow her. Mukha itong nerd. Hindi naman sa dini-discriminate niya ang mga nerd pero kinikilabutan siya maisip pa lang niyang hahalikan niya ito.
“Sorry, pare, pero nauna na akong magsabi sa’yo. Bibilhin ko ang lahat ng tinda mo ngayon.” singit ni Dereck habang nakatingin sa kanya.
“Pero ako ang nauna.” protesta ng lalaki.
“Naku, sorry po. Nauna kasi talagang magpa-reserve kanina si Dereck eh. Bukas ka na lang.” paliwanag dito ni Tracy pagkatapos ay nakangising tiningnan siya.
“Can I talk to you in private?” bulong sa kanya ni Dereck.
“Bakit?”
“Kailangan pa bang may rason para kausapin ka?” iritadong tanong nito.
“Hindi naman pwede ang ganyan. Favoritism na iyan eh.” protesta pa rin ng lalaking bumibili.
“Xian, sige. Ibigay mo sa kanya ang binibili niyang twenty-one cupcakes pero ikaw ang magbigay ng free kiss sa kanya. If you’ll excuse us, my girlfriend and I would have some private matters to deal with.” seryosong saad ni Dereck habang masamang tinitingnan ang makulit na lalaking customer pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila palabas ng canteen.
Na-shock siya sa lantarang pagsabi nito na ‘girlfriend’ siya nito sa harap ng maraming estudyante considering na campus figure ito at kakalat sa buong campus anuman ang sabihin nito. Bigla tuloy ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil naalala na naman niya ang nangyaring eksena sa TresKas.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit na tanong nito sa kanya ng makarating sila sa isang bench na malayo sa maraming tao.
“N-nagbebenta ng cupcakes?” alanganing sagot niya. Nakakatakot kasi ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya.
“Nagbebenta? You’re selling yourself low! Ano na lang ang iisipin nang mga nakakakita sa’yo? At sino ba ang nagbigay sa’yo ng ideyang iyan? Matalino ka! Hindi lang ito ang maiisip mong strategy!” galit na sermon nito sa kanya.
“I’m not selling myself low! Ginagawa ko ito para sa project ko. At kung hindi mo tinanggihan ang hinihingi kong tulong sa’yo, I wouldn’t have to come up with this strategy. At, FYI, wala akong pakialam sa kung anumang sasabihin sa’kin ng ibang tao dahil alam ko ang ginagawa ko. This is for my grade! At least ako, nag-e-effort ako para sa grade ko.” inis na paliwanag niya rito. Hindi man nito sabihin ng diretso, pakiramdam niya’y iniinsulto siya nito.
“Fine.”
“Ha?”
“Tutulungan na kita.”
“Talaga?” Tumango ito. “Yey! I wouldn’t have to gargle and brush my teeth just so I could kiss them freshly.” masayang saad niya.
“Promise me you won’t do that again.” pagkuwa’y sabi nito.
“Alin?”
“Magbigay ng free kiss para lang sa isang project. Sino ba kasi ang nagbigay sa’yo ng ideyang iyon?”
“Si Zac at si Xian.”
“Zac Castillo?” Tumango siya. “I can’t believe you’ve kissed that jerk!” inis na sigaw nito.
“Bakit? Gusto mo ikaw lang ang makakahalik sa’kin?” pabulong na tanong niya na para sa kanya lang.
“Ano’ng sabi mo?”
“H-ha? Ahm, wala. Sabi ko, gwapo ka sana kung palagi kang naka-ngiti. It’s not bad if you always smile, you know. Mas guma-gwapo ka.” puri niya rito.
At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pinuri niya ito.
“Okay.” Tama pala sina Tracy at Freya na magpa-good shot dito. Tila gumaan ang loob nito sa kanya nang aminin niyang gwapo ito. Nice.
“So, Wednesday? Sa bahay namin?” aniya.
“Okay.”
“Yes! It’s a date. Thank you so much!” masayang sigaw niya saka napayakap dito. Tila nagulat ito sa ginawa niya dahil bahagya pa itong napaatras pero hindi naman siya nito inawat.
“Let’s go.” yaya nito sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Parang gusto na niyang makita ang lahat ng good sides nito dahil mas natutuwa siya rito sa tuwing good sides nito ang nakikita niya.