Campus Romance Chapter 6

“Hey, pretty lady, cupcakes!” pagpapa-cute ni Zac habang nagbebenta ng cupcakes niya. Ito ang pinaka-playboy na varsity player nila. Hindi napigilang mapangiti ni Drea. Kasama niya ngayon ang pito sa player ng basketball varsity team nila na sina Zac, Colby, Zephyr, JM, Jethro, Prime at siyempre, si Dereck. Hindi naman sila nahirapang mangumbinsi sa mga ito dahil pati si Coach Andrade ay pumayag. Tumutulong ang mga ito sa pagbebenta niya tuwing walang praktis at klase ang mga ito.

“Ang gwapo talaga nilang lahat, Drea!” kinikilig na saad ng ka-grupo niyang si Mylene.

“Mababango pa.” sabi naman ng silahis na kaklase niyang si Xian saka impit na tumili.

“Pero kay Dereck pa rin ako. Para sa’kin, siya ang pinaka-gwapo sa kanilang lahat.” pabulong na sabi ni Yana dahil nasa tabi lang niya si Dereck at nagbibilang ng napagbentahan nila. Marahil ay napakinggan nito ang sinabi ni Yana kaya nakakunot-noong bumaling ito sa kanila. Narinig niyang napa-singhap si Yana at saka umiwas ng tingin dito.

“Kaya pa ba, Dereck?” tanong niya rito.

Sa mga nakaraang araw ay inseparable na sila. Hindi na rin niya ito inaaway kaya hindi na sila nagbabangayan. Sa tuwing nang-aasar ito sa kanya ay sinasakyan na lang niya ito. Hindi na rin ito nagiging moody maliban na lang noong kumbinsihin nila ang team. Tila naging instant friends with benefits sila at isasali na nga yata ng barangay captain nila ang kanilang barangay sa friendliest barangay dahil zero crime doon at tahimik din dahil hindi na sila nagbabangayan ni Dereck. Parang pasttime na lang sa kanila ang mag-asaran.

At hindi na rin katulad ng dati ang nararamdaman niya para rito. She was starting to see him as a man, a friend and not an enemy. She must admit that she is beginning to like this guy. At hindi iyon basta na lang like. At hula niya’y nagsimula iyon noong muntikan na silang maghalikan habang gumagawa sila ng cupcake sa bahay nila na nalaman ng kanilang mga ina. Hindi siya magkandaugaga noon sa pag-iwas sa makahulugang ngiti at tingin na ibinibigay sa kanila ng Mama at Tita Mafie niya. Pero in the end ay pinabayaan na lang sila ng mga ito.

Nakita niya ang bright side ni Dereck na natatabunan ng snob side nito tuwing kasama siya dati. Kapag magkasabay silang umuwi o pumasok at huminto ang kotse nito sa stop light at may mag-alok na bata sa kanila ng sampaguita, pinapakyaw nito ang tinda ng mga bata at dino-donate nila sa chapel sa village nila.

Nakita rin niyang mahilig talaga itong magluto maliban sa mag-bake lang ng cupcakes. Paborito niya ang recipe nito ng lasagna. Minsan din ay nagsasabay silang mag-jogging at umaga pa lang ay kumakain na sila ng ice cream sa TresKas. Nagulat nga ang crew ng TresKas cafe sa unang umagang magkasama sila at hindi nag-aaway. Pero ngayon ay hindi na nagugulat ang mga ito maging ang mga naninirahan sa village nila tuwing magkasama sila dahil normal na iyon sa kanila.

May mga espekulasyon nga na “sila” na raw ni Dereck lalo na nang kumalat sa Facebook ang mga stolen shots nilang magkasama care of Lesley sa fan page ni Dereck. Pero itinatanggi niya iyon dahil hindi naman totoo. Wala pa naman talaga silang relasyon ni Dereck. Ni hindi nga naging malinaw sa pagitan nila ang nangyaring ‘halikan’ na iyon sa bahay nila dahil sumingit agad ang mga nanay nila.

Hindi na rin niya isinasaisip at isinasapuso ang misyon niyang “make-Dereck-like-you-for-his-brother”. Hindi lang iyon, naging mag-study partner na sila at hindi na rin siya nagpapa-tutor kay Dominic dahil kayang-kaya na nila ni Dereck iyon. Tutal, magkaklase naman sila.

All in all, she likes him.

“Oo naman. Pero nagugutom na ako.” sagot nito.

“O, sige. Kami na ang bahala rito.” aniya.

“Eh ikaw?”

“Kakakain ko lang ng cupcakes eh.”

“Hindi ka pa ba nagsasawa riyan? Baka naman bukas ay magmukha ka ng cupcake.” pang-aasar nito.

“Well, I’ll make sure that I’ll be the cutest and prettiest cupcake in the whole world.”

“Hmmm...That’s for sure.” He smiled and his chinky eyes became one line. She suddenly wish that he shouldn’t have smiled ‘cause her heart seemed to skip a beat. He has a perfect set of teeth. And he is really glowing. She wanted to cover his face so nobody would see him smile except for her. Pinaghirapan niyang pangitiin ito kaya nararapat lang na siya lang ang makakita ng ngiti nito.

Oh, my gosh! Don’t smile like that, damn it! Shit! Stop, heart. Please? Hindi niya ma-kontrol ang sariling puso sa pagtibok ng mabilis at malakas. Why this man just smiled and made her heart thump like crazy. Hindi iyon nagagawa ng kahit na sinong lalaking nakilala niya at nagka-crush siya kahit na ang mga artistang nakita niya sa personal. Come to think of it, hindi rin niya nararanasan iyon sa tuwing ngumingiti sa kanya si Dominic gayong ito ang matagal na niyang gusto. Unbelievable, this man!

“Ang gwapo mo talaga, Dereck!” sigaw ni Xian.

“Gwapo!” sigaw rin ng tatlo.

“Hey, girls. Hindi lang naman si Dereck ang gwapo ah.” sabad ni Zac.

“Siyempre, gwapo ka rin Zac.” sabi ni Mylene.

“Oh, that’s good. Thanks.”

“Kain na tayo, Drea.” yaya ni Dereck sa kanya.

“Ano’ng sabi mo?”

“Kain na tayo.”

“Did you just call me by my name?”

“Yeah. ‘Drea’. Is that bad?” maang na tanong nito. No, actually, it’s perfect. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya nito sa kanyang pangalan.

“Sige na. Samahan mo nang kumain si Dereck. Baka ikaw ang kainin niyan.” biro ni Mylene.

“Sigurado kayo?”

“Oo naman.” sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Naglakad sila ni Dereck patungo sa Mcdo. Sabi kasi niya’y gusto niyang doon kumain dahil snack lang naman. Pagpasok nila’y may crew na nagbigay sa kanila ng isang pirasong papel. Maglagay daw sila doon ng kung anu-anong banat lines o cheesy quotes basta sweet at may patama. Noong una’y ayaw pa ni Dereck tanggapin ang isa pero pinilit niya ito. Um-order muna sila bago humanap ng pwesto. Nang matapos ay nagpasya silang pumwesto sa pinaka-sulok.

Definition of destiny: something that was meant to be or is going to be.

For example: You and Me! ^_^

Iyon ang isinulat niya sa papel. Hindi siya mahilig sa mga ganoong lines. Natutunan lang kasi niya iyon kina Xian na mahilig sa quotes. Ipinakita niya iyon kay Dereck at ngumiwi ito.

“Bakit?”

“Ang corny mo.” komento nito.

“Ang yabang mo naman! Sige nga. Magsulat ka ng hindi corny diyan at maganda, ha. Maganda.” Ngumisi lang ito sa kanya pagkatapos ay nagsulat na. Nang makita niyang hindi na ito nagsusulat ay kinukuha niya rito ang papel pero ayaw naman nitong ibigay. “Ang daya mo naman! Basahin mo.” utos niya rito.

“Ayaw ko nga.” tanggi nito.

“Sus! Ang sabihin mo, mas corny iyan kaysa sa sinulat ko.” tudyo niya rito.

“Sweet ‘to.” anito.

“Pa-tingin ako.” Tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at sinunggaban ito para kunin ang papel pero iniiwas pa rin nito iyon sa kanya dahilan para kulitin niya ito at makuha iyon.

“Ang sweet naman!” narinig niyang kinikilig na saad ng isang babae sa katabi nilang mesa. Tumigil siya sa ginagawa at masamang tiningnan si Dereck pero pakiramdam niya’y biglang uminit ang paligid dahil sa pag-init ng kanyang mga pisngi.

“’Di ba si Dereck Enriquez iyon? Iyon pala iyong girlfriend niya. Bagay sila.” sabi naman ng isa pang babae na kasama noong naunang magsalita. Lalong nag-init ang mukha niya.

“O, ano’ng nangyari sa’yo? Bakit namumula ka?” tanong sa kanya ni Dereck.

“Akina ‘yan!” aniya saka hinaglit dito ang papel. Bumalik siya sa kanyang upuan at binasa iyon.

Sabi sa Science, nasa dibdib daw ang PUSO. Pero bakit iyong sa’kin, nasa’yo?! :))

“Spell ‘corny’, Dereck. Y-O-U.” tatawa-tawang tukso niya rito. “Pero tama ka ha, sweet.”

“Whatever. Kumain ka na lang nga.” masungit na sabi nito. Nginisihan lang niya ito. Inaabot niya ang fries pero ayaw nitong ibigay iyon sa kanya.

“Did you know that a stick of cigarette is equivalent to a stick of french fries?” anito. Inirapan lang niya ito. Trivia-trivia pa ito. Pero may naisip siya.

“Girlfriend mo na ba ako?” tanong niya rito na pina-seryoso ang mukha. Napatigil ito sa pagkain at mataman siyang tiningnan.

“Huwag kang magtanong ng ganyan.” pa-supladong sabi nito.

“C’mon, just answer it.”

“Gusto mo ba?” seryosong tanong nito. Bigla naman siyang hindi makapagsalita. She was trying to do the Mcdo commercial about the little girl and the little boy. Pero sa tono ng pananalita ni Dereck ay hindi nito nasakyan ang trip niya. Siya rin naman ang may kasalanan. Hindi niya nililinaw ang gusto niyang sabihin. Siya tuloy ngayon ang hindi makapagsalita.

“Forget it.” sabi na lang nito.

“I-I was trying to do the commercial. Iyong sa dalawang bata.” nakayukong paliwanag niya.

“Ulitin mo.” anito.

“Ha?”

“Ask me again.” nakangiting udyok nito sa kanya.

“Girlfriend mo na ba ako?”

“Ayoko nga.” kaswal na saad nito.

“Bakit?” nakapangalumbabang tanong niya.

“Demanding kasi iyong girlfriend eh. Gusto ganito, gusto ganyan. Hay, ewan!”

“Gusto ko lang naman ng Mcdo fries eh.”

Pagkatapos ng kanilang drama-dramahan ay sabay pa silang napatawa. Saka lang nito binigay sa kanya ang fries na kanina pa niya hinihingi rito.

“Love ko ‘to.” sabay pa nilang kanta.

Oh, God. She have to check her heart out.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.