“Dominic, how are you?” masayang bungad ni Drea kay Dominic. Sabado iyon ng gabi. Nagdesisyon siyang tawagan ito para kumustahin at para na rin makasigurado sa nararamdaman niya dahil ilang linggo na itong nananatili sa Cebu. Nami-miss na rin niya ito pero hindi na ganoon kasidhi katulad ng dati na isang oras lang niya itong hindi makikita ay magte-text agad siya rito. Hindi na ganoon katindi ang pagkasabik niya rito dahil si Dereck ang umu-okupa sa isipan niya.
“Drea? Bakit ka napatawag? Disoras na ng gabi ah.”
“Dominic, I was asking about you.”
“I’m fine. Thank you for asking. How about you?” sarkastikong saad nito.
“The typical answer to a greeting, huh? Nakakainis ka!” aniya.
“Bakit naman? Okay lang naman ako eh. So, bakit ka nga napatawag?” tanong nito. Narinig niya ang maliliit na tawa nito mula sa kabilang linya.
“Kukumustahin lang nga kita.”
“Pwede mo namang i-text na lang ako. O, baka naman may problema ka? Care to tell me what is it?” tanong nito.
Hindi niya pwedeng sabihin dito kung ano ang bumabagabag sa kanya dahil alam niyang mali ang ginawa niya. Gusto lang niyang makasiguro kung si Dominic pa ba ang gusto niya o si Dereck na kaya niya ito tinawagan. She wondered if she could feel the same thrill, eagerness and excitement whenever she hears of Dominic’s voice. Pero wala siyang nararamdamang ganoon ngayon. Parang na-flatline na lang ang kilig na dati niyang nararamdaman dito dati.
“W-wala naman. Umuwi ka na ha. Nami-miss ka na namin dito.” Natawa ito.
“Uuwi na rin ako riyan. Malapit na. May tinatapos lang ako rito.”
“Kailan?”
“Surprise. O, sige na, Drea. I’m kinda tired so I want to sleep well tonight. Do you mind if I----“
“No. Of course not. It’s okay. Sorry sa istorbo ha. Ingat. Bye.” aniya. Nakangiting ibinaba niya ang cell phone niya saka idinial ang numero ng kanyang mga kaibigan.
Napapailing at napapatawa na lang si Drea sa sarili habang nag-aabang sa paglabas ni Dereck sa bahay ng mga ito para mag-jogging. Daig pa niya ang lalaking naghihintay sa date nito. Kung tutuusin ay wala namang ipinagkaiba ang araw na iyon sa karaniwang jogging day nila ni Dereck maliban sa isang bagay. Napagtanto niyang hindi na lang basta kaibigan o kaaway ang tingin niya rito. Mahal na niya si Dereck. Naalala pa niya ang naging reaksiyon ni Tracy nang i-kwento niya rito ang nangyayari sa “misyon” niya sa nakaraang mga linggo.
“You’re in love with him!” sabi ni Tracy na para bang nanalo ito sa lotto. And yes she was. Sa tingin niya ay nagsimula iyon noong araw na muntikan na silang maghalikan ni Dereck habang nagbe-bake sila ng cupcakes. Simula kasi noon ay hindi na siya nakakatulog ng maayos dahil ina-anticipate niya na may kasunod iyon. Kung luka-luka lang nga siya’y pinatulan na niya ang seryosong tanong ni Dereck sa kanya noong nasa Mcdo sila kung gusto ba niyang maging sila. Aminin man niya o hindi, nanghinayang talaga siya sa pagkakataong iyon.
Nang marinig niyang bumukas ang gate ng bahay ng mga Enriquez ay agad siyang umayos ng tayo. Nakita niyang nakatunghay sa kanya si Mang Isko.
“Drea, ang aga mo ah.” puna nito.
“Ahm, magdya-jogging na po sana ako.” aniya.
“Ah. Ay, mainam nga na maaga kang gumising para hindi mainit mamaya. Hinihintay mo ba si Dereck?”
“Ahm, opo sana eh. Gising na po ba siya?”
“Oo. Hintayin mo na lang at lalabas na iyon. Mukhang maganda na naman ang araw na ito para sa inyo, ano?” anito saka siya binigyan ng isang makahulugang ngiti. Napangiti din lang siya rito. “Alam mo bang matagal ko na kayong pinagmamasdan ni Dereck. Aso’t pusa kayo kung mag-away pero tingnan mo ngayon at nagkakamabutihan na kayo.”
“Masaya po kasi kung walang away sa paligid, ‘di ba?”
“Sana lang ay magtuloy-tuloy na ‘yang sa inyo, Drea.” Ngiti lang ang isinagot niya rito. Pagkatapos ay nagpaalam itong may bibilhin sa palengke. Sakto namang labas ni Dereck nang gate.
“Good morning.” bati niya rito.
“Good morning.” ganting bati rin nito. “Ang aga mo yata.”
“Ahm, maaga lang akong nagising. Tara na?” yaya niya rito.
“Okay.”
Nagsimula na silang tumakbo. Tahimik pa ang buong village nila dahil maaga pa. May ibang mga naglalakad-lakad na sa kalye pero marami pa rin ang tulog. Nang tumapat sila sa bahay nina Freya ay nagulat pa sila pareho ni Dereck dahil tila nag-aaway ito at si Prime. Nakita pa nilang padabog na isinara ni Freya ang pinto ng kotse ni Prime at sumigaw-sigaw ito.
“’Something wrong?” nag-aalalang tanong niya sa mga ito ng makalapit sila.
“LQ lang ‘yan.” ani Dereck.
“Excuse me. Wala kaming relasyon.” tanggi ni Freya.
“Oh, meron. Alipin kita, ‘no.” sabi naman ni Prime.
“Talaga? Kelan ka pa naging alipin, Free?” amused na tanong niya sa kaibigan.
“Drea, I’ll talk to you later.” naiinis na sabi ni Freya pagkatapos ay padabog itong pumasok sa bahay ng mga ito.
“Hey, slave, hindi pa tayo tapos!” awat dito ni Prime.
“Bahala ka sa buhay mo!” sigaw naman dito ni Freya.
“Ano’ng mayro’n sa inyo ng kaibigan ko?” intregerang tanong niya kay Prime.
“Alipin ko nga siya. Eh, kayo? Ano’ng mayro’n sa inyo?” balik tanong nito sa kanya. Hindi siya nakasagot agad dahil nagsalita si Dereck.
“Sino isasama mo sa victory party?” tanong ni Dereck dito.
“I don’t know. May dadating naman. Kung wala, baka si Daphne na lang.”
“Why don’t you take Freya?” aniya.
“Nah. It would be...complicated.”
“Bakit naman?” tanong niya. Nagkibit lang ito ng balikat at saka walang anu-anong sumakay sa kotse nito. Ang ipinagtataka niya’y kung bakit kahahatid lang nito kay Freya ngayong umaga. Mukhang may namumuong ‘something’ sa dalawa.
“Let’s go.” yaya sa kanya ni Dereck.
“Kelan iyong victory party niyo?” interesadong tanong niya.
“Next Friday pagkatapos ng game three, if ever kami nga ang manalo.”
“Sus! Panalo na kayo no’n, pustahan pa tayo.”
“You’ll never know.”
“So, magiging busy ka this coming week kasi simula na ng championship?”
“Oo. Sana nga hanggang game three lang. Iyon ang plano namin.”
“Sana nga manalo kayo. Pero, kung manalo nga kayo, sino ang isasama mo sa party?” lakas-loob na tanong niya rito.
“I don’t know. Hindi naman importante kung may kasama ako o wala.” kaswal na sabi nito. She was hurt because she was hoping that he will ask her to go with him. Mukhang one-sided na naman ang kaso ng pagmamahal niya sa isang Enriquez. Mukhang mali rin ang sapantaha nina Freya at Tracy tungkol sa kanila. Mukhang mabibigo na naman siya.
Lumungkot ang anyo niya at napatigil siya sa pagtakbo. Tumigil din ito at nag-aalalang tumingin sa kanya.
“Can I come? I-I mean...can we come? Kami nina Freya at Tracy. Gusto ko lang ma-experience iyong gano’n. You know...” nahihiyang sabi niya rito. Sa hindi niya malaman na dahilan ay nakangiti itong tumingin sa kanya.
Sa mga nakalipas na araw, he doesn’t seem to be so villanous anymore. He seemed to grow more like a prince that was hidden a long time ago when her heart starts to beat.
“Sabihin mo nga ng diretso kung ano ang gusto mo.” udyok nito sa kanya.
“I-I want to come with you...I mean, with Freya and----------------“
She didn’t finish her sentence because his lips descended upon hers. Napamulagat siya sa ginawa nito. He nibbled her lower lip. Ito ang naging first kiss niya since noong eksena nila sa TresKas at ito rin ang second kiss niya ngayon.
And then, his warm right hand went up to her nape, the other to carress her face. She closed her eyes absentmindedly enjoying the sensation the kiss brought to her senses. She slowly opened her mouth and his tongue came in probing, urging her to kiss him back. And she did. She didn’t know how to, she just copied what he’s doing. She clung into him which felt like he was her strength, that if she didn’t hold onto him, she would collapse.
“Bawal ang PDA dito.” anang boses na Tracy dahilan para maghiwalay sila ni Dereck. Nang tingnan niya ito’y nanunuksong tingin ang ibinigay nito sa kanila. Ang kapatid naman nitong si Yanah na pitong taong gulang ay nakanganga habang nakatingin sa kanila ni Dereck.
“Ate, magboyfriend na ba sila? ‘Di ba dapat magboyfriend at girlfriend or mga mag-asawa lang ang nagki-kiss?” inosenteng tanong ni Yanah kay Tracy. Natawa si Tracy pero ramdam niyang gusto na niyang sumabog dahil sa init ng pakiramdam niya.
“Ano sa palagay mo, Yanah?” nakangising tanong ni Tracy.
“Ikaw talaga, Trace. Kung anu-ano ang tinuturo mo riyan kay Yanah.” palusot na sabi niya sa mga ito.
“Eh, ano’ng ibig sabihin no’ng kissing scene na iyon? Huwag niyong sabihing nagpustahan na naman kayo at hindi pa nakakarating sa TresKas pero naghalikan na kayo? Huwag mo rin sabihin sa’kin na ikaw naman ang hinamon ni Dereck at sinabing tomboy ka?”
“Tracy!” saway niya rito. Ngising-ngisi naman ito at saka hinila palayo si Yanah.
“Halika na, Yanah. Major disturbance na tayo eh.”
“So...”
“Friday? Manonood ka ng game namin?” tanong ni Dereck.
“Yeah.”
“Thanks.” nakangiting sabi nito.
Dumating ang araw ng Biyernes at tumupad si Drea sa usapan nila ni Dereck. Nanood siya ng game ng mga ito kasama sina Freya at Tracy. Doon sila sa may ringside nakaupo dahil sa kanya ipinahawak ni Dereck ang mga personal na gamit nito katulad ng cell phone. Tuwing nakaka-score si Dereck ay siya na yata ang pinaka-malakas ang sigaw. Natutuwa pa nga siya kay Freya dahil panay rin ang cheer nito para kay Prime. Nang intrigahin naman nila ito ni Tracy ay pasinghal sila nitong sinagot. Wala raw itong pakialam kay Prime pero todo ang cheer nito sa kanilang team captain.
“Kasama ‘to sa utos niya sa’kin bilang slave niya.” katwiran nito.
“Hindi naman niya sinabing magpakamatay ka sa kaka-sigaw sa pagtsi-cheer sa kanya ah.” kantiyaw rito ni Tracy.
“Hay naku! Ewan ko sa inyo. Manood na nga lang kayo. O, Drea, magpi-free throw ang asawa mo.” sabi nito sa kanya sabay turo kay Dereck na naka-pwesto na sa free throw line.
“Go, Dereck! Shoot!” ubod-lakas na sigaw niya.
“O, ‘yan ang intrigahin mo, Trace. Mukhang inlove na inlove ‘yan eh.” ani Freya.
“So, kumusta ang kissing scene?” tanong ni Tracy.
“Pwede ba? Private ‘yan.”
“Private eh sa gitna kayo ng kalsada naghalikan?”
“Huwag mong ipangalandakan.” aniya.
“So, kayo na?” excited na tanong ni Tracy. Pero umiling lang siya. Hindi naman kasi nila napag-usapan ang pagkakaroon nila ng relasyon. Basta alam lang niyang may mutual understanding sila. Tama na iyon sa ngayon.
“Hindi pa eh--------------“ Naputol ang pagsasalita ni Freya nang marinig nilang tumutunog ang cell phone ni Dereck. Numero ni Dominic ang nakarehistro sa screen niyon. Sinagot niya iyon kahit na maingay sa paligid.
“Hello, Dominic?”
“D-Drea?” narinig niyang sambit nito.
“Oo. Ako ‘to. Naglalaro pa kasi si Dereck ngayon eh.”
“Talaga? S-Sho...ibig shabihin wala akong kara-hamay ngayon?” parang lasing na sabi nito. Bigla siyang kinabahan.
“Dominic, lasing ka ba? Nasaan ka?” tanong niya rito pero hindi na nito nasagot ang mga iyon dahil naputol na ang tawag.
Nag-aalalang idinial niya ang numero nito sa cell phone ni Dereck pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ilang beses niyang sinubukan itong tawagan pero hindi talaga nito sinasagot. Nang ang cell phone naman niya ang ginamit niya’y hindi pa rin nito sinasagot. Kaya napagpasyahan niyang tawagan si Tita Mafie. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya at sinabing nasa condo unit nito si Dominic. Kadarating lang daw ni Dominic galing sa Cebu.
Nang tawagan muli niya si Dominic ay laking pasasalamat niya dahil sa wakas ay sinagot na nito.
“Dominic? Bakit ka naglasing?” malakas na tanong niya rito dahil baka hindi nito marinig sa ingay doon.
“D-Drea, can you come here?”
“Okay ka lang ba? Nasa condo mo ikaw, ‘di ba?” tanong niya.
“Yesh...And I’m not ok-hay. She...Ssshe left me for that shtupid guy.” anito na parang umiiyak.
“Stay put, Dominic. I’ll be there.” nag-aalalang sabi niya rito at saka tinapos ang tawag. “Girls, I need to go.”
“Bakit?” sabay na tanong ng mga ito.
“Lasing si Dominic. Nag-aalala ako dahil baka kung ano’ng gawin niya sa sarili niya. Tingin ko’y malaki ang problema niya ngayon. I need to make sure na okay lang siya.” paliwanag niya.
“Paano si Dereck?” ani Freya.
“Susunod na lang ako sa party. Basta i-text niyo ako ha. Susunod ako do’n.”
“Sasamahan na lang kita.” alok ni Tracy.
“No. Dito ka na lang, Trace. Ikaw na muna ang bahalang mag-intindi mamaya kay Dereck habang wala pa ako ha.” bilin niya rito. Ibinigay niya sa mga ito ang mga gamit ni Dereck at saka siya lumabas ng coliseum.