Napamura si Nicko sa sinabi ni Cresia. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at wala siyang ideya kung bakit nangyayari ito. He just got the news that Xanthia left her unit in the Alonzo Tower and they didn’t know where to find her. Tinawagan niya ang bahay ng mga ito pero ang sabi ng ina nito’y hindi raw ito napapadpad doon. Ayaw naman niyang mag-aalala pa ang Tita Alodia niya kaya hindi niya sinabi ritong umalis na sa tower si Xanthia. Tinawagan din niya ang mga kaibigan nito pati na ang mga pinagta-trabahuhan nito pero hindi alam ng mga ito kung nasaan si Xanthia dahil hindi pa raw nagpapakita sa mga ito ang huli.
“Damn it, Cresia! Bakit hindi mo sinabi sa’kin agad na umalis siya?” galit na tanong niya sa kanyang operations manager.
“Eh, Sir, kasi hindi ko naman alam na you care about her pala. At saka, ang bilin sa’kin ni Xanthia, kahit na ano’ng mangyari, huwag ko daw munang sasabihin sa’yo na umalis na siya.” paliwanag ni Cresia.
“That’s bull shit!” sunud-sunod ang ginawa niyang pagmumura dahil may inihanda pa naman siyang isang malaking sorpresa para kay Xanthia pero nawawala ito ngayon. “Hindi mo ba talaga alam kung saan siya nagpunta?”
“Hindi po, Sir. Basta ang sabi niya, hahanap daw muna siya ng isang totoong boyfriend bago magpakita sa mga tao. Iyong isang lalaki na hindi siya ire-reject at ia-appreciate kung ano at sino talaga siya. Sabi pa nga niya, kailangan muna niyang paghilumin ang nasugatan niyang puso.” kwento ni Cresia.
“Nasaan ako nang umalis siya?”
“Nasa Parañaque po yata, Sir.”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Saan niya ngayon hahanapin si Xanthia? Ano ba ang dahilan kung bakit bigla na lang itong muling nagalit sa kanya at umalis ng unit nito? Ano ang ginawa niyang masama? Ayos naman sila, hindi ba? Nag-date pa sila.
“Sir, babalik din naman siya kapag nakahanap na siya ng lalaking mamahalin niya talaga eh.” ani Cresia.
“Damn!” mura niya.
“Kayo kasi, Sir, eh. May paiwas-iwas effect pa kayo. ‘Ayan tuloy, umalis na si Xanthia.” bulong ni Cresia.
“Anong sabi mo?” iritadong tanong niya rito.
“Wala po, Sir. Ang sabi ko, babalik din po si Xanthia kapag gusto na niyang bumalik. Hayaan na muna natin siya ngayon dahil brokenhearted siya. Kapag naghilom na ang puso niya, babalik din iyon. Ipag-pray na lang natin na maka-recover na siya at makahanap muli nang bagong Fafa.”
Pinukol niya ng isang masamang tingin si Cresia. “Subukan mo lang ipagdasal na mahakanap ng iba si Xanthia, mawawalan ka ng trabaho.”
“Ah...eh...ipagpe-pray ko na lang po na bumalik na agad siya.” bawi nito sa sinabi.
Damn it, Xanthia! Bakit ngayon ka pa umalis kung kailan mahal na kita at handa na akong sabihin iyon sa’yo?
Minura niya ang sarili dahil hindi talaga niya alam kung bakit bigla na lang umalis si Xanthia.
Well, what do you expect? She’s a girl, dude. Girls are capable of leaving guys. sabi ng isang bahagi ng isipan niya. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Xanthia pero nag-akala na rin siya. Akala niya’y pareho sila ng nararamdaman? Umalis ba si Xanthia dahil hindi kayang pakisamahan pa siya? Pero ito ang nagsabi dati na may ibang parte ng pagkatao niya na gusto nitong makilala. O, isa lang iyong paraan para subukan siya nito?
Damn!
“Pwede bang manahimik naman kayo?!” inis na sigaw ni Xanthia sa buong bahay nila. Kinailangan pa niyang dumipa at magpapadyak sa hagdanan ng two-storey house ng pamilya dela Paz para mabigyang diin ang punto niya. Isang linggo na siyang nakababalik sa bahay nila pagkatapos niyang manggaling sa Singapore para magbakasyon.
Pero hindi niya nakuha ang reaksyon na gusto niyang manggaling sa mga kasama niya sa bahay. Sa halip ay tinaasan lang siya ng kilay ng mga ito na animo hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Well, hindi naman talaga siya nababagay sa lugar na iyon dahil puro barako ang nakatira roon. Ang mga Kuya niyang walang pakiramdam basta maging masaya ang mga ito.
Biglang may sumaging mukha sa kanyang isipan pero agad niyang inalis iyon sa kanyang balintataw.
“Kuya!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya.
Hindi siya makatapos-tapos sa ginagawa niyang nobela dahil sa ingay ng mga ito. Hindi man lang makisama ang mga ito sa pinagdadaanan niya sa buhay. Kailangan niyang maipasa ang tinatapos niyang istorya bukas dahil matagal na iyong hinihiling sa kanya ng kanyang mga mambabasa pati na rin ng editor niya.
“Yes?” anang Kuya Jim niya na nakikipaglaro ng tong-its sa iba pa niyang kuya habang may hawak na siyansi. Malamang ay nagluluto na naman ito. Bumaba siya sa hagdan at lumapit sa mga ito.
“Sino ba sa’min ang tinatawag mo, bunso?” tanong naman ng Kuya Alvin niyang naglalaro ng PS3 na nakiki-tong-its din.
“Kayong lima! Kuya Jim, Kuya Alvin, Kuya Ned, Kuya Dan at Kuya Iggy! Patahimikin niyo naman itong bahay kahit isang minuto lang. Utang-na-loob!” sabi niya sa mga ito na diniinan ang huling pangungusap.
Pagkatapos niyang magsalita’y tumakbo ang Kuya Jim niya papunta sa kusina. Sabay sigaw naman ng Kuya Alvin niya dahil nanalo ito sa kalaban nitong si Kuya Ned. Tumataginting na mga pusang gala ang nagkalat sa buong bahay nila nang matalo ang Kuya Ned niya. Ito pa naman ang klase ng tao na hindi nagpapatalo kahit na sino.
Samantalang ang Kuya Alvin niya’y sigaw ng sigaw sa buong bahay dahil base sa bilang niya, ngayon lang ito nanalo sa PS3 sa kanyang Kuya Ned.
“Huwag mo na lang kaming pakialaman, bunso. Hindi ka rin naman namin pinakikialaman ah.” sabi naman ng Kuya Dan niya na parang may ibang kahulugan. Sa mga kuya niya, ang kanyang Kuya Dan ang pinaka-tahimik pero ito rin ang pinaka-masamang magalit at ito rin ang tanging masungit.
Magandang pangangatwiran, ‘bro. Lintik naman o!
“Xanthia, bakit ka ba bumaba? Alam mo namang namamalas ako kapag nasa malapit ka eh. Tingnan mo, natalo ako ng five thousand.” reklamo ng Kuya Ned niya.
“Bakit ba ako na lang lagi ang may kasalanan tuwing natatalo ka, Kuya Ned?” sumbat niya rito. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil lumagabog sa buong bahay nila ang malakas na musikang nanggagaling sa kanilang stereo.
“Hey, chill, guys! Come on, it’s a weekend. Bonding time natin ngayon. Let’s enjoy each other’s company. ‘Di ba, bunso?” nakangising saad ng Kuya Iggy niya.
“Bakit ba binalikan ko pa kayo?” nayayamot na tanong niya sa sarili.
“Oo nga, bunso. Bakit ba bumalik ka pa rito? Ano’ng nangyari sa inyo nang boyfriend mong hilaw?” usisa nang Kuya Jim niya.
“Nauntog na ba?” anang Kuya Alvin niya. Napakunot-noo siya sa sinasabi ng mga ito.
“Mukhang may LQ sila, mga ‘tol.” ani Kuya Ned.
“Sus! LQ agad eh parang kailan lang no’ng birthday mo at napaka-makata nang Nicko na iyon. Akalain mo iyon? May magmamahal pala rito kay bunso?” sabi naman ng Kuya Iggy niya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng mga ito.
“Ano’ng ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa mga ito.
“Huwag mong sabihing na-torpe sa’yo si Nicko at hindi niya sinabi sa’yo ang kanyang pagmamahal?” ani Kuya Jim.
“Aba, eh para saan pa ang pagpapaalam niya sa’tin?” sabi ni Kuya Alvin.
“Na-torpe, mga ‘tol! Mukhang wala talagang alam si bunso, o.” natatawang saad naman ni Kuya Ned.
“Lintik! Mukha akong tanga! Ano bang pinagsasasabi niyo riyan?” inis na sigaw niya sa mga ito.
“Mahal ka ni Nicko!” sabay na sigaw ng limang kapatid niya.
Hindi siya makahuma sa sinabi ng mga ito. Hindi siya sigurado kung inaasar lang ba siya ng mga ito o kaya ay hinuhuli para mapaamin siya kung bakit bumalik siya sa bahay nila. Hindi kasi siya nagsasalita kung bakit bumalik siya sa bahay nila. Pero gusto niyang maniwala sa mga ito.
Stop hoping already, Xanthia! Masyado mo lang sasaktan ang puso mo! sabi niya sa sarili. Tumuwid siya ng tayo at inirapan ang kanyang mga kapatid.
“Ewan ko sa inyo!” inis na sigaw niya sa mga ito.
“Bunso, bakit ka ba nagsisigaw kay Nicko no’ng birthday ni Kuya Ned?” seryosong tanong sa kanya nang kanyang Kuya Dan bago pa man siya makaakyat ng hagdanan.
Biglang namatay ang stereo na kanina lang ang pumuno sa buong bahay nila. Tumahimik ang paligid at halatang hinihintay ng anim na kapatid niya ang kanyang sagot.
“Eh, kasi, katulad niyo rin siya! Walang pakundangan sa nararamdaman ng ibang tao basta masabi lang ang gustong masabi! Nakakainis siya!” sigaw niya.
“Hindi namin sinabing umiyak ka, bunso.” anang Kuya Iggy niya. Doon lang niya na-realize na umiiyak na naman siya dahil basa na ang kanyang pisngi. Pinahid ng kanyang mga kamay ang mga luha sa kanyang pisngi.
Na naman?!
“In love din si bunso, mga ‘tol!”
“Oo nga!”
“Wuuuu! Kasalan na ito!”
“Magsi-tigil kayo!” saway niya sa mga ito pero lumuluha pa rin siya.
“Ano bang ginawa niya sa’yo?” tanong ng Kuya Dan niya. Nilapitan siya ng Kuya Alvin niya at walang anu-anong binuhat siya paupo sa kanilang sala. Pinagitnaan siya ng mga mapang-asar na kuya niyang sina Ned at Iggy.
“Eh kasi, no’ng birthday ni Kuya Ned, narinig ko kayong pinag-uusapan ako. Narinig ko siya ng sabihin niyang hindi niya ako type. I felt rejected. Feeling ko, wala na talaga akong silbi bilang isang babae sa mundo dahil walang nagkaka-gusto sa’kin, hindi niya ako gusto. Tama kayong lahat sa sinabi niyo sa’kin dati. ‘Tapos, sinabihan pa niya akong, hindi marunong magluto, hindi marunong mag-intindi sa sarili, pangit daw akong manamit, bungangera at ginulo ko daw ang mundo niya. Hindi ko naman kasi sinasadyang mapadpad sa mundo niya at mahalin siya eh. Masakit marinig mismo sa lalaking mahal mo na hindi ka niya gusto.” kwento niya sa mga ito.
“Anak naman ng tipaklong, oo!” palatak ng Kuya Ned niya.
“Bakit?”
“Hindi pa tapos iyon.”
“Ha?” naguguluhang tanong niya.
“Sus! Ang sabi niya sa huli, kahit na ganoon ka daw, minahal ka pa rin niya.” sabi ng Kuya Jim niya.
“Actually, his exact words are, ‘ginulo niya ang tahimik kong mundo...pero mahal ko siya. I don’t care if she wears tattered and rugged clothes. I don’t care if she’s even the most nerve-shattering person in the world. I don’t care that she can’t cook. I don’t care if she isn’t the most beautiful person on earth. Pakialam din ba nila sa nararamdaman ko? All I care about is I love her.’”
“I...uh...that’s...” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
“Sweet.”
“Real love.”
“Nerve-shattering. I like that word.”
“Very good.”
“It’s a miracle!”
Natawa siya dahil ang mga kapatid na niya ang nagsabi ng lahat ng dapat niyang sabihin. Na-overwhelm siya sa kanyang nalaman mula sa mga ito. Naniniwala siya sa mga ito dahil ang Kuya Dan niyang seryoso at matino mismo ang nagsabi niyon. Ngayon ay kailangan na lang niya iyong malaman mula mismo kay Nicko.
Nagmamadaling pumasok sa Alonzo Tower si Xanthia. Kahit hindi na muna niya matapos ang nobelang tinatapos niya. Ang mahalaga ngayo’y ang makausap niya si Nicko. Pagpasok niya’y nakita niyang nakalupaypay sa sahig si Cresia at nakatayo naman sa harap nito ang dalawang matangkad na lalaki at isang babaeng napaka-ganda.
“Cresia, ano’ng nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong niya rito. Nang makalapit siya ng tuluyan dito’y nakita niyang umiiyak ito.
“Xanthia! Mabuti at bumalik ka na!” masayang salubong nito sa kanya na para bang siya ang nakasagot sa problema ng buong mundo. Dinaluhan niya ito sa pagkakalugmok sa sahig at hinagod ang likod nito.
“Bakit? Ano’ng nangyari sa’yo?”
“Ikaw pala si Xanthia Dela Paz.” anang nakasuot ng pale blue na polo at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. He reminded her of Nicko. They have the same built, same stance, same powerful authority. Parehong gwapo rin ang mga ito.
“Ikaw ang may kasalanan kung bakit umiiyak si Cresia.” sabi naman ng lalaking nakilala niyang si Cage pala. Mas gwapo talaga ito sa tatlong magkakapatid pero si Nicko pa rin ang mahal niya.
“Don’t talk to her like that, kakalbuhin kita!” sabi naman ng isang babaeng may mala-anghel na mukha pero mabangis pala kung magsalita.
“Sabi ko nga eh.” parang tutang sumunod na lang basta sa kanyang amo na sabi ni Cage.
“Xanthia, you have to help us. Lahat ng babae sa building na ‘to, pinapalayas na ni Sir Nicko.” ani Cresia.
“Ano? Bakit?” gulat na tanong niya.
“Dahil sa’yo.” sabi ng seryosong lalaki.
“Kasi iniwan mo si Nicko.” sabi naman ng makulit na lalaki.
“Huwag mo silang intindihin. Let’s just say, nadagdagan lang ang monster side ni Nicko ngayon kaya ganoon siya. Ikaw lang ang makakapagbago ng isip niya kaya puntahan mo na siya sa unit niya.” paliwanag naman ng babae.
“Ano ba kasing--------------“
“Puntahan mo na siya!” sigaw ng mga ito sa kanya.
“Teka, sino ba kayo?” nagtatakang tanong niya sa mga ito.
“I’m Kyle.” pakilala ng lalaking seryoso. Ito pala ang bunsong kapatid ni Nicko.
“I’m Caraleigh.” anang babae.
“Sige. Pupuntahan ko na siya sa taas.”
“Good luck!” sabay na sabi sa kanya nina Cage at Caraleigh.
Nang bumukas ang elevator ay wala iyong sakay kaya agad siyang sumakay doon. Kinakabahan siya dahil sa nakita niyang hitsura ni Cresia kanina’y mukhang matindi ang topak ni Nicko ngayon. At base na rin sa sinabi ng mga kapatid nito at ni Caraleigh.
Nang maabot niya ang pinakatuktok ng Alonzo Tower ay agad na tinungo niya ang pinto ng unit ni Nicko. Kinakabahan man siya’y kailangan niya itong harapin. Kailangan niyang mapatunayan sa kanyang sarili na totoo ang sinabi ng kanyang mga kapatid. Kailangan niyang malaman mismo kay Nicko na mahal siya nito.
Kumatok siya sa pintuan ng unit ni Nicko. Nakatatlong katok siya bago nito buksan ang pinto at halatang nagulat ito pagkakita sa kanya. Maging siya’y nagulat din sa hitsura nito ngayon. Parang pumayat ito. Lubog ang mga mata nito at nangingitim ang tagiliran niyon tanda na puyat ito.
Akmang isasarado nito ang pintuan pero agad na iniharang niya ang kanyang mga kamay doon.
“Why the hell did you come back?” galit na tanong nito sa kanya. Hinila siya nito papasok sa loob pagkatapos ay isinandal sa isinarado nitong pinto.
She swallowed the lump on her throat hard. Umaapoy na galit ang nakita niya sa mga mata ni Nicko ngayon. Kung pagbubuhatan siya nito ng kamay ay kayang-kaya nitong gawin dahil nakakulong siya sa mga braso nito.
“Because I l---------“
Hindi na niya naituloy pa ang iba pa niyang sasabihin dahil siniil na siya ng halik ni Nicko. Nagulat siya sa ginawa nito pero mahal niya ito kaya hinayaan niya ito sa ginagawa nito. Besides, gusto naman niya ang ginagawa nito.
She closed her eyes and let his kisses penetrate her whole being especially her heart. She felt the ultra-mega fire bolt brought by his intense kiss. Puno ng pananabik at pagmamahal ang halik na ipinadarama sa kanya ni Nicko. Ang akala niyang sa mga nobela lang niya mararamdaman ay naramdaman na niya ngayon, umaapaw pa. Kaya naman ng bahagyang humiwalay ang mga labi ni Nicko sa kanya’y napaungol siya.
“Why did you have to leave me, Xanthia? Hindi mo ba alam kung gaano ko dinamdam na maiwan muli ng isang babaeng mahalaga sa buhay ko at mahal na mahal ko? I have to go through the process of shielding myself from too much pain again.” anito. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kumalma na ito at nawala na ang galit sa mga mata. Mukhang nasabik lang talaga ito sa kanya kanina at nagalit sa kanya dahil umalis siya.
“I’m sorry, Nicko. Kasi ang tanga ko.” nakangiwing sabi niya.
Huminga ito ng malalim na para bang itinataboy ang lahat ng galit sa dibdib nito bago nagsalita. “Kahit na ikaw pa ang pinaka-tangang tao sa buong mundo, mahal pa rin kita.” masuyong saad nito.
Natawa siya. “Ang corny mo.” kantiyaw niya rito.
“There’s nothing corny about being true.” seryosong sabi nito pagkatapos ay umayos ng tayo. She gave him a pleading look. “Bakit ka naging tanga?”
“Mahal mo ba talaga ako?” sa halip ay tanong niya rito.
“Listen very carefully because I will only say this once. Yes, I love you, Xanthia. I set myself ready for a lifetime of loneliness and single-blessedness. I never thought I’d fall in love until I met you. Hindi ako na-in love noon dahil hindi ako naniniwala sa love. Bakit naman ako maniniwala kung base sa karanasan ko’y hindi naman magandang ma-in love?”
“Noong bata pa kasi ako, my mom left our family for another guy. Iyon ang pagkakaalam namin pero hindi naman pala iyon ang buong katotohanan. Para sa’kin, lahat ng babae ay nang-iiwan nang basta na lang. I have proven that because my mom left my father and my brother Kyle’s ex-girlfriend left him too. So, I’m talking based from experience here. I saw how devasted and broken my dad and brother was.”
“Ayaw kong mangyari sa’kin ang nangyari sa kanila kaya sinabi ko sa sarili kong hindi ako magmamahal kahit kailan. I became the heartless monster you knew. I’ve got a tight grip on reality, but when you came into my life, I knew that I have had my sweet serendipity. Maybe mom is watching over me.”
“Dati, hindi ko ma-explain sa sarili ko kung ano iyong nararamdaman ko para sa’yo dahil bago lang sa’kin ang lahat ng ‘to. Iyong sinabi ko sa’yo sa kotse na iyon, all of it was just part of my scheme. Natatakot kasi ako sa nararamdaman ko para sa’yo. Natakot ako na baka kapag hinayaan kitang makapasok sa buhay ko, posibleng saktan mo rin ako. Pinilit kitang iwasan pero hindi ko magawa. Nang makita kitang yakap ng lalaking iyon habang palabas kayo ng elevator, mas lalo akong naging halimaw. Selos na selos ako sa lalaking iyon. Noon ko nalaman na malaki pala talaga ang halaga mo sa buhay ko. Kailangan ko lang munang makasiguro sa nararamdaman ko sa’yo at para na rin maliwanagan ako sa sarili ko kaya iniiwasan kita noon.”
“The day that we first had a date was supposed to be the day that I’ll surrender my heart to you. Pero naduwag ako. The next thing I knew, wala ka na. I love you, Xanthia. Please believe me. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa susunod kapag nawala ka pa sa tabi ko.”
She giggled. “I love you too, Nicko. Ang tanga ko kasi akala ko hindi mo ako gusto. Narinig ko kasi iyong sinabi mo kina Kuya Ned no’ng birthday niya dati. You said that I’m not your type. But don’t worry, na-explain na sa’kin nina Kuya. Ang kailangan mo lang ngayon ay kumpirmahin iyon.”
“I confirm it. Hindi ka nakinig sa buong sinabi ko no’n? Kaya ba galit na galit ka sa’kin ng tawagin kita? Kaya ka umalis?” Tango lahat ang isinagot niya sa lahat ng tanong nito. “Hay, masyado kang presumptuous. At hindi ka nakikinig mabuti.” natatawang sabi nito.
“Okay lang iyon. Mahal mo naman ako eh.” nakangising sabi niya.
“Yeah. And because of that, you have to kiss me.” ungot nito.
“With pleasure!” Yumakap siya rito at siniil niya ito ng halik. Pinutol niya lang iyon ng maalala ang kalagayan ni Cresia sa baba. “Wait. Huwag mo na nga palang sesantehin si Cresia at huwag mo na ring paalisin ang mga babae dito ha?”
“Ha? Sino’ng may sabi na paaalisin ko ang lahat ng babae dito?”
“Sina Cresia, Caraleigh at ang dalawan kapatid mo.”
“Mga baliw talaga iyon. Hindi, ‘no. Nagkakaroon lang kami ng arrangements ng units. Ganoon lang si Cresia kasi break na raw sila ni Dylan.” paliwanag nito.
“Bakit?”
“Tanungin na lang natin siya mamaya. For now, let’s do some loving, okay?”
“Sure. Whatever you say, babe.”
“Aw. I love you, babe.”
“And I love you, too!”
Oh-my-gulaaaaay! Ka-kilig!
Natuwa si Albert sa kinahinatnan ng love story ng anak niyang si Nicko at si Xanthia. Si Xanthia lang ang nakasalungat kay Nicko maliban sa kanya at si Xanthia rin lang ang hindi natakot kay Nicko sa lahat ng taong nakikilala nito. Gwapo si Nicko at hindi nakakatakot sa unang tingin pero kapag tiningnan ka na nito’y matatakot ka talaga dahil matalim ito kung tumingin na para bang kaaway nito ang buong mundo.
Maganda nga ang kinalabasan ng ginawa ni Angel Gabriel dahil nagkakilala sina Nicko at Xanthia at nagkatuluyan pa ang mga ito. He was so happy that he wanted to be with Nicko and congratulate him.
Pero may isa rin siyang na-realize habang inaalam ang nangyayari sa love stories ng kanyang mga anak. Kasalanan niya kung bakit naging ‘bitter’ ang mga anak niya.
Kasalanan niya kung bakit hindi naging maganda ang love insight ng mga ito. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag nang malutas ni Caraleigh binigay niyang suliranin sa mga ito.
Pero iyon pa lang ang simula ng lahat. Kailangan pa niyang siguraduhing makakahanap ng babaeng mamahalin sina Kyle at Cage. At alam naman niyang tutulungan siya ng kanyang guardian angel sa trabahong iyon. Nariyan si Angel Gabriel.