Cupid's Match Chapter 2

“Aaaaaaaaah!” malakas na sigaw ni Xanthia.

Nailaglag niya sa gulat ang stick figure na sculpture na hawak niya dahil sa nakita. Isang hubad na hubad na lalaki ang naliligo sa kanyang shower at tila sarap na sarap talaga ito. Nang sumigaw siya ay nagulat ito at agad na nagtago sa shower curtain niya.

Oh-my-gulaaaaay! Kalurkey itech! A gorgeous man was bathing under her shower without anything on. Hindi niya maipikit ang kanyang mga mata at nakatingin pa rin siya sa lalaki habang sumisigaw dahil parang na-magnet na ang mga mata niya rito. She was eyeing him unstoppably. Pero hindi siya tumitingin sa ibabang parte ng katawan nito. Jusko, Lord, patawarin Niyo po ako. piping dalangin niya pero sumisigaw pa rin siya.

“Damn it! Huwag kang sumigaw! I won’t do anything bad to you.” sabi nito sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw. Nakita niyang hinablot nito ang towel mula sa kanyang towel rack at ibinalot iyon sa katawan nito. “Hindi kita re-rape-in, ‘no!” pagkuwa’y sabi nito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa dahilan para ma-conscious siya sa kanyang hitsura. Simpleng puting t-shirt, maong pants at rubber shoes lang ang suot niya dahil sa bahay lang naman niya siya pumunta. Shit! Bakit ba hindi ako nag-dress? pilyang sabi niya sa sarili.

“Hindi kita type.” sabi ng lalaki na tila nandidiri pa sa kanya.

Aray! Ano daw?

“Sino ka?” tanong niya rito nang mahulasan siya ng pagkabigla.

“I’m Nicko Alonzo.” pakilala nito. Mukhang nahulasan na rin ito ng pagkabigla.

Tinaasan niya ito ng kilay? “So?” mataray na sabi niya. Kung akala nito’y palalampasin niya ang pagsabi nito sa kanya na hindi siya nito type, nagkakamali ito.

“I own this place.” pormal na sabi nito.

“Hindi ah. Ako ang nakatira rito at ako ang nagbabayad ng kwartong ‘to. Masaya ka, Nicko!” aniya. Nagkamali ba ito ng unit na pinasukan? Ang swerte ko naman!

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I’m Nicko Alonzo and I own this place.” sabi nito na may inis sa tono ng pananalita.

“So, you’re Nicko Alonzo and you own this place. I don’t------------Oh-my-gosh!” bulalas niya.

Natutop niya ang kanyang bibig at natigil sa pagsasalita saka hindi makapaniwalang napatitig dito. Ito si Nicholas Alonzo na may-ari ng Alonzo Tower. Ito ang pangalawang anak ni Alberto Alonzo na isa sa tagapagmana ng Alonzo Telecommunications Company, ang pinakasikat at pinakamalaking telecommunications company sa buong bansa.

“You’re Nicko Alonzo.” wala sa sariling sabi niya.

“I am Nicko Alonzo. So, kilala mo pala ako? Can I go now?”

“Yeah...” nakatitig pa rin na sabi niya rito.

That chiseled body looks so good to lean on. Ooh-la-la! Ang sexy niya! Ang gwapo pa at ang bango. Winner na winner maging hero sa nobela ko. sabi na siya sarili.

“Good. Will you please step aside?” anito. Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. “Sumo-sobra ka naman yata, Miss.” anito.

“Huh? Bakit?” maang na tanong niya.

“Kanina pa pinagpipyestahan ng mga mata mo ang katawan ko.” sabi nito na diretsong nakatingin sa mga mata niya. Bigla siyang nahiya sa mga ginawa at inisip niya dahil buking na buking siya ng lalaking ito.

“Hindi ako tumitingin sa katawan mo ha!” mariing tanggi niya at sinabayan pa niya iyon ng iling. Pakiramdam niya’y nanghahaba na ang ilong niya katulad nang kay Pinocchio dahil sa pagsisinungaling.

“Yeah, right. Whatever!” bale-walang sabi nito. Hinawakan siya nito sa magkabilanhg balikat at itinabi sa isang gilid ng banyo. She jumped at the sudden feel of his skin against hers. It’s like a megaton volt of electricity seeped inside her through her heart and then a million fireworks crossed over the sky. Sparks! sigaw ng puso’t isip niya.

“’Ayan, makakaraan na ako.” narinig niyang sabi ni Nicko. Bahagya siyang natauhan. Lumabas na ito ng banyo habang nakasunod naman siya rito. Aalis na siya! tutol ng puso’t isip niya. Pagkalabas nila ng banyo ay nakita niya si Cresia na nasa sala at gulat na gulat ang hitsura.

“Xanthia, I’m so sorry!” hinging-paumanhin ni Cresia. Nagulat pa siya nang lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. “Sorry talaga. Kasalanan ko, walang kasalanan si Sir Nicko dito. Alam kong mali pero emergency lang talaga. Please, huwag ka ng magrereklamo ha? Bibigyan na lang kita ng compensation at bibilhin ko na lang ang lahat ng libro mo. I promise, I swear, cross my heart, hope to die.”

“You don’t need to do that, Cresia. Hindi siya magsusumbong.” ani Nicko.

“Sir?” ani Cresia.

“Nakabayad na tayo sa atraso sa kanya.”

“Anong sinasabi mo?” nagtatakang tanong niya rito.

“You almost saw my whole being. Tamang kabayaran na iyon sa pakikiligo ko sa unit mo.”

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito sa halip ay pakiramdam niya’y nag-init ang buong mukha niya sa hiya. Hindi na lang nito iyon itinago sa pagitan nilang dalawa, sinabi pa nito iyon sa harap ni Cresia.

“Cresia, ikaw na ang bahala dito. Male-late na ako sa meeting ko.” sabi pa ni Nicko.

“Hoy! Ibang klaseng lalaki ka. Basta mo na lang iniiwan ang sarili mong problema. You’re an irresponsible, overbearing..uh..monster!” sigaw niya rito. Nagulat din siya sa sinabi niyang iyon pero nakaramdam kasi siya ng kaunting inis rito dahil lumalabas itong ungentleman sa pangyayaring iyon at kay Cresia nito iniiwan ang lahat.

“What did you call me?” tanong ng lalaki. Nagulat pa siya ng muli siyang harapin nito at titigan. Oh-my-gulay talaga!

“M-monster.” alanganing sabi niya. Nakakatakot ang tinging ibinigay nito sa kanya pero kinikilig siya. Baliw na ba ako? tanong niya sa sarili.

“Don’t you ever call me that again. Pasalamat ka, kami ang may kasalanan nito. Kung hindi, mananagot ka sa sinabi mong iyan.” nanakot na sabi nito.

“Okay.” nakangiting sabi niya. Kahit na parang flying daggers ang dating ng mga salitang iyon ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti. Nakita kasi niya nang mas malapit ang mukha ni Nicko Alonzo. He was surely endowed with good looks, great body and oozing sex appeal that made him so sexy. She would go head over heels in love with this guy if Cupid will give her a chance to love him.

“Sa susunod na tawagin mo akong ganoon, sa labas ng tower mo na makikita ang mga gamit mo.” banta nito saka walang lingon-likod na lumabas ng unit niya.

“Okay...” sabi niya sa hangin habang habol ng tingin si Nicko.

She had never met such a guy who has that effect on her. Siya na! Siya na ang hinihintay ko! May capital S-P-A-R-K-S akong naramdaman sa kanya! kinikilig na sabi niya sa sarili.

“Okay ka lang, Xanthia? Pagpasensiyahan mo na si Sir Nicko ha. Ganoon talaga iyon. Parating parang galit sa mundo.” paliwanag ni Cresia.

“It’s okay.” she said dreamily. Umupo siya sa sofa na nasa sala niya at niyakap ang isang throw pillow. Pakiramdam niya’y nakaupo siya sa isang malaking cotton candy at maraming bulaklak ang nasa palagid. Everything seemed so sweet and nice.

“I’m sorry talaga, Xanthia. Hindi na ‘to mauulit, promise.” ani Cresia.

“Sige. Okay lang.” aniya.

“Talaga? Hindi ka magsasampa ng kaso laban sa Alonzo Tower?”

“Hindi.” aniya.

“Thank you!” sabi ni Cresia sa kanya pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.

“You’re welcome.” wala sa sariling sabi niya. Pinipilit kasi niyang i-rewind sa isip niya ang nangyari kanina.

“Oh-my-gosh! You like him!” Cresia exclaimed.

“Yeah...” ngiting-ngiting sabi niya. Hinimas-himas pa niya ang yakap na unan dahil kinikilig siya. Maya-maya’y naramdaman niya ang isang pwersang nakapagpagising sa natutulog niyang diwa. “Aray naman!” reklamo niya kay Cresia. Binatukan siya nito.

“Umayos ka nga. Nawi-weird-uhan ako sa’yo.” anito.

“Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan.” aniya.

“Crush mo si Sir Nicko?”

“No. I like him. Oh-my-gosh, no! I love him!” kinikilig na sabi niya.

“Sira! Ano’ng ‘I love him’ eh halos kainin ka na ng buhay no’n?”

“Hindi ah. Ina-admire niya lang ako kaya ganoon siya tumingin.”

“Simula yata ng ipanganak iyon, galit na siya sa mundo, ‘te. Wala iyong puso kaya huwag kang mag-ilusyon na magkakagusto rin siya sa’yo. Marami na akong nakitang babae na lumuha dahil diyan kay Sir Nicko. Kaya ang mabuti pa, habang maaga pa lang, supilin mo na iyang kung anumang nararamdaman mo para sa kanya. Wala kang makukuhang kapalit kay Sir Nicko diyan.” mahabang litanya ni Cresia.

Sinimangutan niya ito. “Spoiler ka sa kilig ko, ‘te. Ngayon lang ako nakaramdam ng sparks sa isang lalaki. Ngayon lang kaya pagbigyan mo na ako.”

“Okay. Sige. Bahala ka. I’m warning you, Xanthia. Don’t fall in love with Sir Nicko.”

“And why not?”

Pagdating ni Nicko sa kwartong inookupa ng kanyang ama sa Medical City at nakita itong nakangiti sa mga taong naroroon ay agad na dinaluhong niya ito ng yakap. Piping umusal siya ng panalangin sa Maykapal dahil sa pagbalik ng kamalayan ng kanilang ama.

“I’m so glad you’re back, Dad.” halos maiyak na sabi niya.

“It’s because I have an important mission to do.” makahulugang sabi nito.

“Ano po iyon?” sabay na tanong nilang tatlong magkakapatid. Ngunit makahulugan rin lang na ngumiti ang kanilang ama saka nito tinawag ang kanang-kamay nitong si Henry.

Binulungan nito si Henry at tumangu-tango naman ang huli. Napakunot lang ang noo nilang tatlong magkakapatid. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ng silid si Henry na hindi nila nalaman kung bakit.

“Ano’ng pinag-tsismisan niyo ni Henry, Dad?” pabirong tanong ng panganay nilang si Cage sa kanilang ama.

“Oh, I’m sure you’ll love to hear about it Cage. Tungkol sa babae, actually.” nakangiting sagot ng kanilang ama.

“Dad, ha, kagagaling niyo lang, babae agad iyan.” ani Kyle.

“I’m actually asking Henry to look for suitable women to be your wives.”

“What?!” bulalas nilang tatlo. Nagtawanan lang ang pamilya nina Lucille na nakikinig sa usapan nilang mag-aama roon.

“Nagbibiro lang ako mga anak. Pero kailan ba kayo magpapakilala sa’kin ng girlfriends niyo? Wala pa akong nakikilala ah. Ikaw Kyle, it’s been a long time since Jodi and you had broken up. Baka gusto mo na siyang palitan ngayon. Cage, stop playing. Mag-seryoso ka na. And, Nicko, please be more soft with girls. They’re not as hard as you.”

“Oh, no. That’s your mission. Ruining our lives.” biro na naman ni Cage.

“Hindi ako nagbibiro, Cage.” seryosong saad ng kanilang ama.

“That is not going to happen, Dad.” sabay-sabay nilang wika. Ngunit ngumiti lang ang kanilang ama.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.