Nasagot ang katanungan ni Xanthia kay Cresia noon nang minsan niyang makasabay mag-jogging sa inilaang jogging path ng Alonzo Tower’s management para sa kanilang tenants si Nicko. Kung tutuusin ay wala pa siyang tulog dahil nagtapos siya ng isang nobelang ipinasa niya kaninang madaling araw, pero nagawa pa rin niyang magbihis ng pang-jogging nang makita niyang nagdya-jogging si Nicko. Ito kasi ang naging inspirasyon niya para matapos ang nobelang iyon at gusto niya itong makita. Tanaw kasi ang jogging path ng residents ng Alonzo Tower sa unit niya.
Agad siyang nagbihis at sumabay mag-jogging dito. Pero babati pa lang siya ng isang magandang umaga ay tumigil na sa pagtakbo si Nicko at pumasok na sa loob ng tower. Dismayadong sinundan niya ito.
“Nicholas Alonzo!” malakas na tawag niya rito. Nasiyahan siya dahil nakuha niya ang atensyon nito maging ang mga babaeng nasa lobby at kausap si Cresia.
“What?” nakakunot-noong tanong ni Nicko sa kanya. Iyon ang cue niya para lapitan ito.
“I just want to thank you.” ubod lapad ng ngiting sabi niya rito.
“For what?” naguguluhang tanong nito.
“Wala lang.” nakangising sabi niya.
“You’re crazy.”
“I know.” nakangiti pa ring sabi niya. Nagulat pa siya ng bigla itong lumapit pa sa kanya at bumulong. They now looked like their kissing.
“Sa susunod na tatawagin mo ulit ako nang gano’n at wala ka namang sasabihing maganda, I’ll hang your head there.” banta nito sabay turo sa chandelier ng lobby.
Tinawanan lang niya ang sinabi nito. “Ikaw talaga, Nicko, puro ka biro.” sabi niya sabay tampal sa balikat nito.
“Baliw ka talaga.” walang kaemo-emosyong sabi nito saka iniwan siyang tawa ng tawa sa gitna ng lobby.
Napapailing lang siyang pinanood itong maglakad. Sexy butt. pilyang sabi niya sa sarili. Umagang-umaga, Xanthia! Magtigil ka! saway sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya pero napangiti lang siya. Lumapit siya sa mga babaeng naging audience nila ni Nicko at binati ang mga ito.
“Good morning, girls!” masiglang bati niya sa mga ito.
“What’s good in the morning if the one you love doesn’t even care if you’re hurting.” malungkot na saad ni Zara. Nagtaka siya sa itinuran nito. Anong problema ng mga ito ngayon?
“Tama!” sang-ayon ng mga babaeng naroon.
“Ano’ng nangyari at busangot ang mga mukha niyo?” tanong niya sa mga ito.
“Instead of ‘good morning’, ang natanggap nami’y isang tumataginting na ‘leave me alone’ kanina!” palatak ni Heidi.
“Kanino?”
“Kanino pa, eh ‘di kay Sir Nicko.” ani Cresia.
“Sinabi niya iyon?” tanong niya. Sabay na tumango ang mga ito.
“Mabuti ka pa nga eh. Kinakausap niya ng matagal. Bakit kami, hindi?” takadong tanong ni Jackie.
“Anong sabi niya sa’yo?” tanong ni Lovie.
“Sabi niya sa’kin, baliw daw ako. ‘Tapos binulungan pa niya ako.” aniya.
“Anong binulong niya?” excited na tanong ng mga babae.
“Sa susunod daw na tatawagin ko siya at wala akong magandang sasabihin sa kanya, ibibitin daw niya ang ulo ko sa chandelier. Ang sweet niya, ‘no?” may pagka-sarkastikong sabi niya.
“Baliw! Sinabi ko na sa’yo na huwag ka ng magtangka pang mahalin si Sir Nicko dahil mabibigo ka lang. Tingnan mo sila, tingnan mo ang pakikitungo niya sa’yo.” ani Cresia.
“Mahal mo na rin si Nicko?” manghang tanong ni Yelena. Mga luka-luka din pala ang mga babaeng ito. aniya sa sarili.
Ang mga nakatira kasi sa Alonzo Tower ay puro professional. Panay magaganda rin ang mga babaeng ito at hindi mo aakalaing maghahabol pa sa isang lalaki, pero heto’t patay na patay ang mga ito kay Nicko Alonzo. Who wouldn’t be in love or ‘in crush’ with Nicko Alonzo? He’s gorgeous, educated and rich. Every girl would love to date him.
“I guess so. Pero hindi iyong mahal na mahal talaga ha. I like him.” pag-amin niya.
“Hindi ka natakot sa kanya?” tanong naman ni Jackie.
“Hindi. Ang may katawang ganoon at ang mukhang iyon, nakakatakot? Hindi ah.”
“You mean, nakita mo na siyang nakahubad?” malisyosong tanong ni Lovie.
“Yeah. Three days ago.” nakangiting sabi niya. Kanya-kanyang bulalas ang mga ito kasabay ang ilang pagmumura, pagkainggit at panghihinayang.
“Mga baliw talaga kayo!” sabi sa mga ito ni Cresia.
“Huwag ka ngang ano, Cresia. Palibhasa may jowa ka na kaya ganyan ka.” sabi ni Heidi kay Cresia. Ang boyfriend ni Cresia ay ang kapwa niya tenant na si Kirk, isa itong bank accountant.
“Seryoso nga. Huwag na kayong mag-aksaya ng panahong magpa-cute at paamuin si Sir Nicko dahil wala kayong mapapala. Masasayang lang ang oras niyo.” payo ni Cresia sa kanila.
“Kahit man lang isang magandang salita ang matanggap ko sa kanya, ayos na ako.” eksahaderang saad ni Jackie.
“Oo nga. Kahit isang ngiti lang nga, ayos na sa’kin.” segunda ni Lovie.
“Asa pa kayo! Bitter si Sir Nicko sa buong mundo lalo na sa mga babae.” ani Cresia.
“Huh? Bitter siya? Bakit naman?” interesadong tanong niya.
“Actually, hindi ko alam. Basta ubod siya ng sungit at lupit magsalita. Lahat na yata ng bad words na nasa bokabularyo ng pinaka-masamang tao sa buong mundo ay alam niya. Prangka rin siya. Minsan talaga nakakasakit na siya pero wala siyang pakialam basta masabi niya ang gusto niyang sabihin. ‘Tapos, lahat ng babaeng idine-date niya’y iniiwan din niya kapag nagsawa na siya dahil ang turing niya sa mga ito’y ‘need satisfier’ lang. Unfair para sa mga babaeng iyon pero tinatanggap nila dahil ayon sa kanila, isang privelege ang maka-date si Sir Nicko.” paliwanag ni Cresia.
Tumangu-tango lang siya habang nakikinig sa paliwanag ni Cresia. Nakita niyang laglag ang mga balikat ng mga babaeng kasama niyang nakikinig doon pero hindi siya.
“Nagka-girlfriend na ba siya? As in, a serious one? Iyong hindi lang date?” tanong niya.
“Sa pagkakaalam ko, hindi pa. At ayaw na ayaw niyang makipag-commit. Masyado rin siyang mapili sa mga babaeng ide-date niya. Alam niyo bang naka-line up dito ang mga babaeng tumatawag para mag-set ng date sa kanya?” ani Cresia pagkatapos ay ipinakita nito sa kanila ang isang notebook na naglalaman ng mga pangalan ng mga babaeng hindi pamilyar sa kanya.
“Hindi pa siya nagkaka-girlfriend at napaka-swerte ng babaeng unang magiging girlfriend niya.” sabi ni Jackie.
“At sana, ako na iyon!” kinikilig na sigaw ni Lovie. Napailing lang naman si Cresia. Siya naman ay natatawa sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng bawat isa. If these girls love Nicko no matter what he is, then she guessed that Nicko has some quality that is so much loveable. She would love to figure that out.
“Ewan ko sa inyong mga baliw kayo! Kumain na kayo ng umagahan dahil baka nahahanginan na iyang mga utak niyo kaya ganyan kayo.” ani Cresia sa kanila.
“Hey, girls, wait. Matanong ko lang, bakit niyo gusto or mahal si Nicko sa kabila ng nalalaman niyo na snob siya, heartless at well...gwapo siya. Bakit?” tanong niya sa mga ito.
“He’s hot and he’s intelligent, he’s one of a kind and he takes my breath away.” kinikilig na saad ni Yelena.
“Baka naman sa sobrang takot mo lang sa kanya kaya ka nawawalan ng hininga.” ani Cresia. Inirapan lang ito ni Yelena.
“Ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya’y hindi siya natatakot subukan ang ibang bagay. Like for example, bungee jumping in Europe or motorcross or an adventure to the Africas. Kahanga-hanga siya.” sabi ni Zara. Nice...
“Sa’kin naman, he once helped me out. No’ng muntikan na akong ma-snatch-an ng bag diyan sa harap ng tower. Nag-aabang kasi ako no’n ng taxi. ‘Tapos, may motor na dumaan sa harap ko. Bago pa makuha ng mga naka-motor ang bag ko, nasipa na ni Nicko ang motor at natumba ang mga snatcher na sakay no’n. Siguro, nakita na ni Nicko kung ano ang mangyayari kaya naagapan niya. Hayun, dahil do’n, na-in love ako sa kanya hanggang ngayon. He’s my hero.” kwento naman ni Lovie.
Ooooh. A super hero, huh? Mabait naman pala siya at matulungin eh.
“He’s a brilliant man! Imagine? Napalago niya ang capital para rito sa Alonzo Tower at nagtayo pa siya ng ibang branch sa Visayas maging sa ibang bahagi ng Luzon? He’s so adorable.” tila nangangarap na sabi ni Heidi.
“Basta ako, gusto ko siya kasi ang gwapo niya at ang hot! He’s the perfect hero for a romance novel.” sabi ni Jackie. Natawa naman siya roon.
Yeah. He seemed to be perfect, pero hindi siya marunong magmahal. Hindi siya marunong mag-appreciate sa mga babaeng nagmamahal sa kanya. Hindi siya marunong rumespeto sa mga babae. And a romance novel hero should not be like that. sabi niya sa sarili.
“Pero, hindi pa rin kayo papatulan ni Sir Nicko.” singit ni Cresia.
“Oh, he would!” bulalas niya. Gulat na napatingin sa kanya ang mga kausap niya. Nagulat din siya sa kanyang naisip pero bigla na lang iyong nag-pop-up sa isipan niya. “I would teach him how to appreciate women. I would show him love. Alam niyo iyon, kailangan kasi niyang matutong rumespeto sa isang babae bago niya ma-appreciate ang mga babae. In that case, matututo siyang magmahal. I wonder kung nasaan ang mother niya at hindi siya naturuang rumespeto sa isang babae?”
“Wala na ang mommy niya. Hindi ko alam kung wala na, as in nasa heaven na siya ah. Basta ang sabi ni Henry, wala na ang mommy niya.”
“Sino’ng Henry?” tanong ni Jackie.
“Iyong nag-alaga sa kanilang magkakapatid at ang kanang kamay ni Don Alberto.” ani Cresia. Napatango siya sa sinabi nito. Pero napaisip siya. Nasaan ang ina ni Nicko at bakit si Henry ang nag-alaga rito?
“Sa tingin ko, may punto si Xanthia. Hindi siya marunong mag-appreciate sa isang babae kaya hindi niya pinapansin ang mga pagpapa-cute natin. Kung may magtuturo or magpapakita sa kanya kung paano rumespeto ng isang babae, mapapansin na niya tayo.” ani Zara.
“Oo nga!” excited na sabi naman ni Yelena.
“Good luck, Xanthia.” ani Zara. Nagulat siya sa sinabi nito.
“Thanks, ha.” sabi niya sa mga ito.
“Ang swerte mo nga dahil magkatabi lang ang unit niyo ni Nicko.” ani Jackie.
“Magkatabi ang units namin?” gulat na tanong niya. Hindi niya alam iyon.
“Yup. ‘Tapos, isa kang romance writer kaya alam mo kung paano ipakita sa kanya kung paano magmahal at kung paano mag-appreciate ang mga ginagawa ng isang babae. You’re manipulative, kaya mo si Nicko. Hindi ka nga natakot sa kanya, ‘di ba? Go, go, go!” paliwanag ni Zara.
“Basta sabihin mo lang sa’min kung nagkakamabutihan na kayo ha.” ani Jackie.
“Of course!” ngiting-ngiting sabi niya. “I would make sure he’ll fall for me. Kailangan niyang ma-experience ma-in love at magka-girlfriend. And I would do anything just to do that.” aniya.
“Okay lang. Oh-my-gosh! This would be fun!” nasisiyahang saad ni Jackie.
Kinakabahan siya pero excited din siya sa gagawin niya. Gusto niya talagang turuan kung paano rumespeto ng babae si Nicko. Isang misteryo sa kanya ang pagkatao ni Nicko at kung bakit tila galit nga ito sa buong mundo lalo na sa mga babae. Isa pa, aminado siyang crush niya si Nicko sa kabila ng ipinapakita nitong kasamaan ng ugali. Ito kasi ang kauna-unahang lalaking nagparamdam sa kanya ng ‘sparks’ at hindi niya basta na lang dapat palampasin ang pagkakataong makipaglapit dito. There’s something about him that draws her near him. She would love to find out the mystery behind Nicko’s behavior. She would teach him how to love. Surely...