MASAYANG-masaya na nagtrabaho si Yngrid kinabukasan. Magaan ang pakiramdam niya at wala siyang ibang maramdaman kundi saya at pagmamahal. Sila na, officialy, ni Kyle. Sabi nito kahapon sa kanya ay mamayang gabi ito magpapakilala sa kanya kung sino ba talaga ito kay excited na siya para mamayang gabi. Makikilala na niya ito sa wakas.
“Good afternoon. This is Yngrid. How may I help you?” sagot niya sa isang tawag na pumutol sa kanyang pag-iisip.
“Ahm, hi, Yngrid. It’s me.” anang boses ni Kyle mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya sa tono ng pananalita nito dahil para itong problemado.
“Okay, me. May problema ka ba?” nag-aalalang tanong niya rito.
“W-wala naman. Hey, pwede mo ba akong i-connect kay Nick? I just need to talk to him.” anito.
“Okay.” pagsang-ayon niya rito pero nag-aalala pa rin siya. Pinindot niya ang intercom button na nakakonekta sa opisina ni Nick at sinabi ritong gusto itong makausap ni Kyle. Agad naman itong pumayag kaya ikinonekta na niya ang dalawa saka niya ibinaba ang telepono.
Ano ang problema niya? Hindi ba niya pwedeng ikwento ‘yon sa’kin?
“May problema ka ba, Yngrid?” bungad sa kanya ni Rodge na kadarating lang. Kasabay niya ito sa pagkain kanina. Naghiwalay lang sila dahil tumuloy na siya sa opisina at may iniutos naman dito si Nick kaya ngayon lang ito nakabalik doon.
“Wala naman. Nag-aalala lang ako kay Kyle. Kausap siya ngayon ni Nick at mukhang may problema siya.” aniya.
“Eh, bakit hindi mo alamin?”
“Tinanong ko naman siya. Sabi niya, wala daw. Pero malakas ang kutob ko na mayro’n eh.”
“Alamin mo nga.” sabi ni Rodge saka lumapit sa kanya. Hinila nito ang swivel chair nito at itinabi sa kanya. Saka nito dahan-dahang iniangat ang teleponong naka-konekta sa telepono ni Nick sa loob. “Here.” anitong inaabot sa kanya ang telepono.
Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng may usapan pero may kakaibang kutob siya ngayon sa maaaring problema ni Kyle. Gusto niyang malaman ang problema nito dahil girlfriend na siya nito.
Inilapat niya sa kanyang tainga ang awditibo at pati si Rodge ay nakilapat din ng tainga roon.
“I told you before that your plan might backfire to you. Nakinig ka kasi kina Chord at Red, eh mga ulol ‘yon.” anang boses ni Nick.
“I didn’t see this coming.” sabi naman ng boses ni Kyle.
“What? Hindi mo nakita no’ng una pa lang na pwede kang ma-in love kay Yngrid? Kyle, Yngrid’s adorable. Anyone can fall for her including you.”
Naguguluhan na siya sa mga pinag-uusapan ng dalawang lalaki sa telepono. Pero isa lang ang malinaw sa kanya. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero ano ang sinasabi ni Nick na plano ni Kyle?
“I fell in love with her. It’s something unexpected but I fell for her. Tama ka, Nick. Nag-backfire nga sa’kin ang plano ko. Hindi na sana ako gumanti pa sa Tatay niya dahil ako ang nahihirapan ngayon. How can I tell her the truth? That I pursued her for revenge? I love her. Pero paano ko pa siya mapapaniwala na mahal ko siya hindi lang dahil sa paghihiganti ko?”
Isang Alonzo si Kyle? Natandaan niya ang ikinwento nito sa kanya tungkol sa nangyaring aksidente sa ama nito. Bakit hindi niya naisip noon pa man na maaaring ang ikinikwento nito’y ang aksidente rin na kinasangkutan ng Tatay Baldo niya? At ang Tatay Baldo niya ang sinasabi nitong kinagagalitan nito. Na ang taong gusto nitong paghigantihan at paramdaman ng sakit na naranasan nito nang maaksidente ang ama nito. Mahal mo na kasi siya noon, Yngrid. Kaya hindi ka na makapag-isip pa ng maayos.
Narinig niyang napasinghap sa tabi niya si Rodge pero hindi niya ito pinansin. Mataman lang siyang nakinig sa usapan ng dalawang lalaki kahit ramdam na niya ang pagkawasak ng kanyang puso.
“Try telling her about your feelings. Na mahal mo na siya ngayon at nakalimutan mo na ang paghihiganti mo sa Tatay niya. Ipaliwanag mo rin sa kanya kung bakit niya ginawa ‘yon. Maybe she would listen.” suhestiyon ni Nick.
“I don’t know what to do anymore. Magkikita kami mamayang gabi. Nangako ako sa kanya na magpapakilala na ako ng buong-buo sa kanya.”
“Pare, I really don’t know what to say to you. Kung ako rin ang nasa kalagayan mo, maloloko rin ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.”
“Thanks, Nick. For listening. Wish me luck, then.” sabi ni Kyle.
“Good luck, pare. ‘Wag kang mag-alala, magalit man sa’yo si Yngrid, nandito pa rin kami para sa’yo.” sabi ni Nick. Doon lang niya ibinaba ang telepono.
“What kind of advice is that?” sabi ni Rodge sa kanya. “Ulol talaga ang magkakaibigan na ‘yan! Ang dapat sa kanila, ipa-salvage!” inis na wika nito.
Pero hindi na niya masyadong inintindi ang sinabi ni Rodge. Abala pa kasi ang utak niya sa pagpo-proseso ng lahat ng nalaman niya tungkol sa lahat ng nangyari sa buhay niya simula nang makilala niya si Kyle. Isang kalokohan lang ang lahat!
Pinaibig lang siya ni Kyle para makapaghiganti sa Tatay Baldo niya. Pagkatapos, mamayang gabi na siya nito hihiwalayan at wawasakin ang puso. Sorry ka na lang, Kyle. Pero mas maaga na akong nasaktan. Siguro, iyong pagpanalo niya sa contest ay pakana rin ni Kyle para makilala siya nito at simulang paibigin. Kumbaga, iyon ang ‘step one’ sa plano nito.
Naniwala siya rito. Naniwala siya sa lahat ng sinabi nito. Naniwala siyang mahal siya nito. Pero pulos kasinungalingan at pagpapanggap lang ang lahat dahil gusto nitong paghigantihan ang Tatay Baldo niya. Siguro’y iniisip nitong kapag nasaktan siya at kapag nakita iyon ng Tatay Baldo niya ay masasaktan din ang huli. Puwes, nagkakamali ito.
Kayang-kaya niyang solusyunan ang problemang iyon nang siya lang ang nakakaalam. Bakit pa niya iyon sasabihin sa Tatay Baldo niya o sa Mama niya? Ang pagkakamali ni Kyle ay hindi siya nito kinilalang mabuti. Kung inaakala nitong ito ang panalo sa larong ito, nagkakamali ito. Siya ang mananalo at ipapakita niya ritong hindi lang siya si Yngrid. Siya si Yngrid Hidalgo, at hindi siya basta na lang papayag na matapos ang lahat na siya lang ang masasaktan.
Pero, sabi niya, mahal ka niya. anang munting tinig na galing sa kanyang puso.
Kalokohan lang ang lahat. Pati siyang niloloko lang ang sarili niya. Walang mabubuong pagmamahal sa puso ng isang taong ang tanging gusto’y makapaghiganti.
Ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay ipakita kay Kyle na hindi ito nagtagumpay sa plano nitong paibigin siya.
BALISANG nagpunta si Kyle sa bahay nina Yngrid nang gabing iyon. Hindi niya pa rin alam kung paano sasabihin kay Yngrid ang lahat. Parang hindi niya kakayaning magalit ito sa kanya nang dahil sa malaking kasalanang ginawa niya rito.
He didn’t saw this coming. He didn’t expect that he’d fall for Yngrid. Ang tanging nasa isip niya sa pakikipaglapit dito at panliligaw dito ay ang plano niyang makapaghiganti sa amain nito. Plano niyang paibigin ito at basta na lang iiwanan. Pero bumalik sa kanya ang plinano siya.
Umibig siya kay Yngrid na hindi niya sinasadya at hindi niya rin inaasahan. Hindi nga niya alam na mahal na pala niya ito. Basta nagtaka na lang siya sa sarili na tuwing hindi niya ito kasama’y hinahanap-hanap niya ito. Napagtanto niya rin na ang mga sinasabi niya rito nitong mga huling linggo lang ay wala na rin sa control niya.
Hindi na niya ma-kontrol pa ang sariling ipakita kay Yngrid na mahal na niya ito. Hindi na rin niya pinigilan pa ang kanyang sariling mahalin ito dahil kahit na ano pa ang gawin niyang pagpapaalala sa kanyang sarili na parte lang ng plano ang lahat ay hindi pumapayag ang puso niya.
Ngayon siguro’y ang tanging paraan para hindi ito mawala sa kanya’y ipaliwanag niya rito ang lahat tungkol sa ginawa niyang plano hanggang sa mahulog ang loob niya rito. Baka may pag-asa pa siyang patawarin nito.
Oh, God. Please help me… piping dalangin niya sa Maykapal.
Malalim ang hinugot niyang buntong-hininga bago kumatok sa gate nina Yngrid. Pero napakunot ang noo niya nang makitang may nakatayong isang lalaki sa pintuan ng mga ito.
“Ang lalim no’n ah.” anito sa kanya. Lumapit ito sa gate at binuksan iyon. “Pasok ka. Sino ba’ng hinahanap mo?”
“I’m here for Yngrid.” aniya. Pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
“Ah, si mahal. Bakit? Ano’ng kailangan mo sa kanya?” tanong nito. Ikinakunot ng kanyang noo ang ginamit nitong endearment kay Yngrid.
Mahal? What the hell is he talking about?
Hindi pa sana siya papasok sa loob ng gate dahil akala niya’y nagkakamali lang siya ng pinuntahang bahay pero nakita niyang lumabas ng pinto si Yngrid.
“Kyle.” sambit nito sa kanyang pangalan.
“Mahal, kilala mo ba siya?” tanong ng lalaki kay Yngrid. Nakadagdag parusa pa sa kanya ang pagpulupot ng braso ng lalaki sa baywang ni Yngrid na kadalasan niyang ginagawa rito.
“Mahal, natural. Tinawag ko nga siya, ‘di ba?” pamimilosopo naman dito ni Yngrid.
Kung sa ibang pagkakataon siguro’y matatawa siya sa sinabi nito pero hindi ngayon dahil kinakabahan siya at natatakot sa maaaring sabihin ni Yngrid sa kanya, tungkol sa mga sasabihin niya rito at kung kaanu-ano nito ang lakaking ito.
“Oo nga naman. Pasok ka na, Kyle. Ako nga pala si Brandon James Delos Santos, Badong na lang.” pakilala ng lalaki sa kanya pero hindi man lang ito nag-abot ng kamay sa kanya para makipag-kamay. Sa halip ay pumasok na ito sa loob at iniwan sila ni Yngrid doon.
Nakilala na niya ito. Ito nga si Brandon James na isang international travel photographer. Nai-feature na ito sa programa ng isang DJ sa kanilang istasyon at nakita na niya ito dati. Matagal na panahon na iyon kaya siguro hindi niya ito maalala kanina.
“Pasok ka.” pormal na sabi sa kanya ni Yngrid.
“Yngrid, we’re going to talk, right?”
“Oo naman. May sasabihin din naman ako sa’yo eh.”
“Ano ‘yon?”
“Tara sa loob.”
Nagpatiuna ito sa pagpasok sa loob. Pagpasok nila’y nadatnan niyang nakaupo sa sala ang Mama ni Yngrid pati na rin ang kapatid nitong si Xavier at ang lalaking nagngangalang Badong. Isang hilerang nakaupo ang mga ito sa mahabang sofa. Nagtaka pa nga siya dahil may isang upuan na nasa gitna ng sala na parang ‘hot seat’.
“O, Kyle, d’yan ka maupo.” mataray na saad ng ina ni Yngrid.
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Nagtataka man sa inasal ng ginang ay sumunod pa rin siya rito. Hindi naman kasi ito ganoon kung humarap sa kanya dati. Magiliw ito sa kanya.
“Yngrid, kasama ba sila sa pag-uusap natin?” tanong niya kay Yngrid.
“Aba’y natural!” sabay na sagot sa kanya ng ina ni Yngrid at ni Badong.
“Kyle, sabihin mo na sa’kin ang totoo.” ani Yngrid.
This is it, Kyle.
“Yngrid, I------------“
“Let me guess, lokohan lang ang lahat ng nangyari, ‘di ba? Na nakipaglapit ka sa’kin, niligawan mo ako at pinaibig dahil gusto mong makaganti sa Tatay Baldo ko, ‘di ba?” dugtong ni Yngrid sa iba pa niyang sasabihin.
Nagulat siya sa sinabi nito. Alam na niya ang lahat? “Yngrid, paanong-----------“
“Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Besides, quits lang tayo. Niloko rin kita. Matagal ko nang alam kung sino ka talaga. Nakipaglapit din ako sa’yo at pinaibig din kita dahil naisip kong kapag nakuha ko na ang loob mo’y baka pwede mo nang sabihin sa mga abogado n’yo na palabasin na ang Tatay ko sa kulungan. Itong si Baldo, siya talaga ang boyfriend ko. At kung magtataka ka man kung bakit hindi mo siya nakikita dati, nasa ibang bansa siya dahil isa siyang international travel photographer.”
Hindi maproseso ng utak niya ang lahat ng sinabi ni Yngrid. Mas lalong hindi matanggap ng puso niyang may boyfriend na pala itong iba. Iba ang ipinararamdam nito sa kanya noon sa sinasabi nito ngayon.
Well, she says it all. Ginamit ka lang niya dahil gusto niyang makalabas ang tatay niya.
“Yngrid, you must be kidding me. Hindi mo siya boyfriend.” aniya.
“I’m sorry, Kyle. Boyfriend ko siya.” anito saka binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti. “Oh. Mukhang na-in love ka talaga sa’kin ah. Sorry na lang ha. Hindi kasi ako nai-in love sa mga katulad mo.”
Tumawa siya ng pagak saka pumalakpak sa harap nito. Do your thing, man. Hindi ikaw ang matatalo rito. “Tama ka nga, Yngrid. Quits lang tayo.” aniya saka tumayo. “I never did fall in love with you. Though, I enjoyed our little charade.” mapait na sabi niya rito saka lumabas ng bahay ng mga ito.
Pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay naihampas niya ang kanyang kamay sa manibela saka niya pinasibad ang kanyang kotse paalis sa lugar na iyon.
I hate you, Yngrid! I hate this! I hate myself!