“Aaaaaah! This is life!” masayang sigaw ni Yngrid habang kumakain ng strawberry parfait na in-order niya. Buhay-prinsesa siya sa resort na iyon sa Palawan. All-expense paid pa ni Badong mismo. Basta ang sabi nito sa kanya’y magpakasaya siya at pag-isipang mabuti ang tungkol sa kanila ni Kyle.
Pero gusto niyang magsaya kaya hindi niya muna iniisip ang tungkol kay Kyle. Pangatlong araw na niya sa Palawan at ang unang pinuntahan niya’y ang underground river nito. Talaga namang maganda ang lugar. Natakot siya noon dahil baka tumaob ang Bangka at baka malunod siya pero dalawang life guard ang katabi niya kaya napanatag ang loob niya. Sulit naman ang ginawa niyang pagsubok na mawala ang takot niya sa malalaking bahagi ng tubig kaya tuwang-tuwa siya ng makaalis sa bangkang iyon.
Ngayon ay nangako ang personal tour guide niyang ililibot siya sa bayan doon kaya kumain muna siya sa balkonahe ng kanyang silid.
“Yngrid…” narinig niyang tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. Paglingon niya’y nakita niya si Kyle at napatalon siya mula sa kanyang kinauupuan.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” sigaw niya rito. Peste! Bakit nandito siya?
“Binabantayan ka.”
“Hindi na ako bata para bantayan mo pa! Paano mo nalaman na nandito ako?”
“Because I paid for all your expenses from Manila up to here.”
“Ano?” bulalas niya.
Hindi maaari…
“Kinausap ko si Badong at sinabi ko sa kanyang mahal na mahal kita. Pinaliwanag ko na rin sa pamilya mo ang lahat ng nagawa ko. Sa’yo na lang ang hindi.” sabi nito.
Pero hindi niya ito pinansin. Sa halip ay iniwan niya ito roon at tinungo ang pinto ng balkonahe. Aalis na siya roon. Pero sa panggigilalas niya’y naka-lock ang pinto.
“Buksan n’yo ‘tong pinto!” inis na sigaw niya.
“Yngrid…”
“Ano?! Peste ka, Kyle! Ano bang gusto mo at ginawa mo pa ‘to?” inis na tanong niya rito pero hindi pa rin niya ito nililingon.
“Yngrid, I’m so sorry.”
Huwag kang tumingin sa kanya, Yngrid!
“Yngrid… Alam kong nasaktan kita ng sobra-sobra dahil sa ginawa kong panloloko at pagpapanggap sa’yo. I’m sorry.” anito. Ramdam niyang malapit na ito sa kanya pero hindi pa rin niya ito nililingon.
“Ewan ko sa’yo! Pabuksan mo ‘tong pinto! Ngayon na!” pasigaw na utos niya rito.
“Yngrid, hindi ko alam kung sino ang nag-lock n’yan. Pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil makakapagpaliwanag ako ng maayos sa’yo.” masuyong sabi nito sa kanya.
Pilit niyang sinasarado ang pandinig at isip sa mga sinasabi nito. “Peste ka! Kung sinuman ang nandiyan sa loob, lagot ka sa’kin ‘pag nakapasok ako d’yan!”
“Yngrid, I love you.” ani Kyle.
Peste naman o! Tinakpan niya ang magkabilang tainga niya para hindi niya marinig ang mga sinasabi nito. “Na, na, na, na, na, na, na, na. Lalalala, lalala, lalalala, lalalala.” kanta niya.
Ngunit sa panggigilalas niya’y naramdaman niyang hinawakan siya ni Kyle sa magkabilang balikat at iniharap dito saka siya mabilis na hinalikan. Napaawang ang labi niya sa ginawa nito. He kissed her sweetly and deeply until they both ran out of breath.
Akala niya’y natabunan na ng galit ang pagtingin niya kay Kyle pero nagkamali siya. Nang halikan siya nito’y naramdaman niyang naroon pa rin ang kakaibang tibok ng kanyang puso na tanging nararamdaman lang niya kay Kyle.
“Yngrid, I love you, even the world curse me to.” masuyong sabi nito sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at bahagyang tinuktok iyon.
“So?” tanging sabi niya rito. Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito at saka lumapit sa balkonahe. “Kapag hindi mo pinabuksan ang pintong ‘yan, tatalon talaga ako dito!” banta niya rito.
Bumuntong-hininga ito bago kinatok ang pinto ng balkonahe. Bumukas naman iyon pero hindi niya makita kung sino ang nagsarado noon kanina.
“Yngrid, I’ll do everything just so you could forgive me.”
“Good luck na lang sa’yo dahil wala akong balak na patawarin ka. Mas lalong wala akong kabalak-balak na pansinsin ka.” taas-noong sabi niya rito saka umalis doon at lumabas ng kanyang kwarto.
PAGBALIK ni Yngrid sa kanyang silid sa resort ay tahimik at patay ang ilaw. Inaasahan naman na niya iyon dahil maliwanag pa kaninang pag-alis niya roon dahil kay Kyle.
Pesteng ‘yon! Kung alam ko lang na siya ang gumastos ng lahat nang ‘to, hindi na sana ako tumuloy. Isa pa ‘yang Badong na ‘yan!
Kanina pa niya tinatawagan si Badong pero hindi nito agad sinagot ang tawag niya. At nang sagutin naman nito ang tawag niya’y sinermonan pa siya nito.
“You love him still, Yeng. Hindi mo basta-basta ‘yon maiaalis agad sa puso mo. And don’t you dare deny it. Kapag d-in-eny mo, walang maniniwala sa’yo. Ilang araw kang umiyak. Wala kang ibang bukang bibig kapag dumadalaw ako sa’yo kundi ‘I hate you, Kyle. I hate you,’ only to convince yourself that you really hate him.”
Napasimangot siya ng maalala iyon. Maghapon siyang nasa tabing dagat at nakikipaglaro lang sa mga bata. Hindi na siya nagmeryenda dahil utang-na-loob pa niya iyon kay Kyle.
Peste talagang lalaking ‘yon! Nagpunta ako dito para makalimutan siya pero, lintik talaga, sumunod pa!
Nang buksan niya ang ilaw ng kanyang silid ay laking gulat niya nang makitang may limang bata na naroon---mga batang nakalaro niya kanina sa may tabing dagat---kasama si Kyle na may hawak ng isang gitara. Noon din niya nakita ang rose petals na nakakalat sa sahig.
“Wouldn't it be nice if we were older? Then, we wouldn't have to wait so long. And wouldn't it be nice to live together in the kind of world where we belong. You know it's gonna make it that much better. When we can say good night and stay together.” kanta ng limang bata sa popular na awitin ng Beach Boys na “Wouldn’t It Be Nice” habang naggi-gitara naman si Kyle.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa ginawa ng mga ito. Effort kung effort, ‘te. anang munting tinig ng isang bahagi ng isip niya.
“Tito Kyle really loves you, Tita Yngrid!” sabay-sabay na wika ng mga bata na lalong nakapagpangiti sa kanya.
“Halina nga kayo rito.” aniya sa mga ito saka nagmuwestra ng yakap para sa mga ito. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at saka nagyakapan sila. “Thank you, kids.”
“Tita Yngrid, make sagot-sagot na Tito Kyle so you could be happy na.” anang isang batang nagngangalang Sue Anne. Natawa lang siya rito. Nang may pumasok na isang staff doon ay sinama nito ang mga bata at hinarap naman niya si Kyle.
“Ano’ng drama mo?” tanong niya rito.
“’Di ba sabi ko sa’yo, gagawin ko ang lahat mapatawad lang kita?”
“O?”
“Yngrid, maawa ka naman sa mga bata. Nagpakahirap silang sauluhin ang kantang ‘yon para sa’yo.”
“Pinilit mo sila para dito kaya hindi ko ‘yon kasalanan.”
“Yngrid…”
“Kyle, nasaktan ako nang marinig ko ang pag-uusap n’yo ni Boss Nick noon. Ang tanging pumasok sa isipan ko ay ang hindi mo makitang nasaktan ako at ako ang talo kaya nasabi ko ang lahat ng ‘yon nang magpunta ka sa bahay. Best friend ko lang talaga si Badong.” paliwanag niya rito. Hindi dapat siya ang nagpapaliwanag pero pakiramdam niya’y kailangan din niyang magpaliwanag dito.
Oh, shit! Mahal mo pa rin siya talaga! anang isang bahagi ng isip niya.
“Yngrid, ako ang dapat na magpaliwanag. Alam mo kung ano ang nangyaring aksidente na may kinalaman sa mga ama natin. Naikwento ko na rin sa’yo no’ng nasa Batangas tayo ang tungkol sa naramdaman ko para sa may kagagawan niyon. Galit talaga ako noon sa Tatay mo. Pero sinabihan ako ni Daddy na hindi daw ako dapat magalit sa kanya dahil aksidente lang ang lahat. Sinabi pa nga niya na ipasok kita sa AlCom pero hindi kita roon pinasok kundi sa kompanya ni Nick dahil hindi ko magagawa ng maayos ang plano ko.”
“Yes, my infamous plan. Nang gabing nag-date tayo, hindi pa kita kilala noon. I was there to really date you for the simple reason that you won our contest. Pagkatapos ay nalaman kong related ka kay Baldonado Gener dahil sa report ng imbestigasyon na pinagawa ng daddy ko. Nagkaroon ako ng ideya para makapaghiganti sa tatay mo. Gagamitin kita. Paiibigin kita pagkatapos ay basta na lang kita iiwan. Iniisip kong kapag nasaktan ka’y masasaktan din ang tatay mo kapag nakita ka niyang nagdurusa.”
“But my plan backfired to me. Hindi ko namalayang nai-in love na pala ako sa’yo. Yes. I fell in love with you unexpectedly, but it was great! I’ve never felt that happy feeling ever before. Nabalewala ang plano kong makapaghiganti sa tatay mo dahil na-in love ako sa’yo. I felt like I’m in a fairy tale. You woke me up from a bad dream and drag me into a happy place. A place of love.”
“Nang sabihin mo sa’king boyfriend mo si Badong at ginamit mo rin lang ako, hindi ako naniwala dahil alam kong hindi mo magagawa ang gano’ng bagay. Mabuti na lang at nag-imbestiga sina Kuya Cage at sinabi niya sa’kin lahat. Tinawagan ko si Rodgine at sinabi niya sa’kin kung paano mo nalaman ang lahat. I’m really sorry, Yngrid. Pero maniwala kang mahal kita at wala ‘yon sa plano ko.”
Oh-my-gosh!
“O, eh ano ngayon?” taray-tarayan na tanong niya rito.
“Please say you love me too.”
“Hindi na.” aniya. Yumuko ito at napangisi naman siya. Katulad nang ginawa nito sa kanya dati, iniangat niya ang mukha nito saka ito binigyan ng halik sa mga labi. But he held her nape and deepened the kiss. She opened her lips and welcomed his probing tongue. Wala eh, bumigay na naman ang buong sistema ko dahil sa damuhong ito.
“Do you know that I’m incredibly easy to get? Pero sa’yo lang.” sabi niya ng matapos ang halik na ‘yon.
“So, I’m forgiven?”
“Ano sa tingin mo?”
“Hindi ka na galit sa’kin?” Umiling siya. Bibigyan niya ito ng isa pang pagkakataon dahil nakikita at nararamdaman naman niyang nagsisi na ito at talagang mahal siya nito.
“We're in love. Nothing else matters.” masuyong sabi niya rito.
“Sabi mo eh.” sabi nito saka yumakap sa kanya. He kissed her and she never cared of anything else.
Mahal nila ang isa’t isa at wala ng mahalaga pa kaysa roon.