NAGISING si Cage dahil sa mumunting halik na nararamdaman niya sa kanyang mukha. Napaungol siya dahil ayaw pa niyang gumising. It’s a Sunday after all.
“Babe, your phone is ringing. Should I answer it?” a sweet voice asked him.
Minulat niya ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang isang magandang babae na nakahubad at nakayakap sa kanya. What’s her name again?
“No, babe. I’ll answer it.” nakangiting sabi niya rito. I don’t care whatever her name is. Man, we had some fun last night. Napangisi siya sa naisip. Pero pumormal ang anyo niya ng makita ang pangalan ng bunso niyang kapatid na si Kyle sa screen ng kanyang cell phone. “Kyle?”
“Dad’s woke up. Come right here fast!” agad na sabi nitong mahahalata ang pananabik sa boses.
“Really? I’ll be there as fast as I could. Bye.” sabi niya rito saka tinapos ang tawag. Agad siyang bumangon sa mula sa kama at sinuot ang kanyang mga damit. Medyo malapit lang naman ang ospital kung saan naka-confine ang daddy niya kaya makakarating agad siya roon.
“You’re leaving too soon?” pa-cute na tanong ng babaeng kasama niya.
“Yeah. Dad’s woke up and I need to see him.”
“Oh. Good. Well, can we go out maybe tomorrow, then?”
“I’m sorry but I don’t think I can. I have too much in my plate right now. Maybe next time.” sabi niya saka ito binigyan ng isang tipid na ngiti.
Well, yes. He’d been busier for three weeks now than those weeks where he’s just Alonzo Communications Company’s Public Relations Officer. Now that he’s the acting CEO of the company, he’d had too much things to do.
Naaksidente kasi ang kanyang ama tatlong linggo na ang nakalilipas. He felt relieved when Kyle said their father had finally woken up earlier. Siya ang pumalit sa pwesto nito sa AlCom bilang CEO dahil matagal nang nag-resign ang Tita Trina niya na kapatid ng kanyang ama. Ang anak nitong si Lucille ang naging vice president ng kompanya. Dahil siya rin naman daw ang tatayong CEO ng kompanya sa hinaharap ay minabuti ng board of directors ng AlCom na siya na ang gawing tagapamahala ng kompanya. Kahit na ang board ay ang kanyang mga kapamilya.
His father Alberto Alonzo owns forty-five percent of the shares while his Tita Trina owns thirty-five percent of the shares. Minana iyon ng dalawang magkapatid sa kanilang namayapang ama na si Don Adalberto Alonzo. The remaining twenty-percent of the shares was given to Alberto and Trina’s only cousin, Freddie Alonzo. Mas matanda ang Tito Freddie niya sa dalawa kaya nag-resign na rin ito. Ang anak nitong si Nathaniel Alonzo ang pumalit sa pwesto nito bilang COO ng kompanya.
Ayon sa mga matandang Alonzo, habang maaga at buhay pa ang mga ito’y maturuan na silang mga bata ng mga dapat matutunan sa pagne-negosyo. Kaya maaga pa lang daw ay isinalin na ng mga ito sa pamamahala nilang tatlo nina Lucille at Nate ang AlCom.
Ang dalawa naman niyang kapatid na sina Nicko at Kyle ay hindi nakikialam sa AlCom. Uma-attend lang ang mga ito ng meeting para magbigay ng suhestyon at para malaman ang nangyayari sa kompanya. Si Nicko kasi ang namamahala sa real estate business nila, ang Alonzo Towers. Samantalang si Kyle ay disc jock sa Dream Radio.
“Well, maybe I could accompany you to the hospital. I’d surely want to know how Mr. Alonzo’s doing.” anang babae.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. “You know who I am, do you?”
“Yes, of course, I know you. You’re Cage Alonzo. You’re Manila’s top hottest bachelor.”
“I see. And do you know what my game is?”
“What game?” kunot-noong tanong ng babae.
“That I dump women after I had my way with them.” he then, put a crooked smile on his lips.
“W-what do you mean?”
“Why? Did you expect we would hit it off after we had sex? I’m so sorry, babe, but I don’t do silly things like commit myself to women like you.” seryosong sabi niya rito.
He hates women who are too clingy on their first morning together. Pakiramdam kasi niya’y gusto na siya nitong itali. He hates it. Para sa kanya, what they and what they’ve been last night was just for last night. That is how Carl Gerrod Alonzo plays. And women, knowing that, want to play with him more. Women who are pleasure-seeker are his favorites. But good ones can do too, if they would agree to his terms.
“You…You...You…”
“You liked what we did, right?” aniya rito. Pero tila ito isang estatwa na hindi gumagalaw sa kama. “I enjoyed playing with you last night.” sabi niya rito bilang paalam saka niya tinungo ang pinto ng hotel room at lumabas doon.
Napailing lang siya. Hindi naman iyon ang unang babae na naging ganoon sa kanya. Pero ayaw niyang makasama sa isang gabi ang mga ganoong babae. He’s just not into commitments. And he would never ever commit himself to anyone. Kahit na gaano pa ka-ganda, ka-sexy at ka-talino ng babaeng iyon, hindi siya makikipagrelasyon dito.
Furthermore, Cage Alonzo would never ever fall in love with anybody.
“YOU HAVE to listen to this, Ate Caraleigh.” pangungulit kay Caraleigh ng step-sister niyang si Lemon.
“Ayoko, Lemon. Hindi ako interesado sa mga ganyan.” seryosong sabi niya rito.
“Pero kailangan mong basahin ‘to. Or at least, makinig ka man lang sa’kin. You’re twenty-eight already but you still don’t have a boyfriend. Ikaw ang babaeng anak na panganay ni Papa pero wala ka pa ring maipakilalang boyfriend sa kanya. Nag-aalala na kami na baka hindi ka makapag-asawa. Gusto na ni Papa ng apo at gusto ko na rin ng pamangkin.”
Napatingin siya ng diretso rito at napa-kunot noo. Sinasabi ko na nga ba kung ano ang misyon dito ng isang ‘to. Sa tuwing pumupunta ito roon ay may mga dala itong
Cosmopolitan magazine at kung anu-ano pang magazine na may picture ng mga lalaking gwapo at sexy. Kung sinu-sino na rin ang ipinakilala nitong lalaki sa kanya na mga kaibigan daw nito at ng mga kuya nito pero lahat iyon ay hindi man lang niya pinansin. Kung anu-ano rin ang itinuturo nito sa kanya na hindi naman niya kailangan dahil hindi niya iyon magagamit sa kanyang trabaho.
Obviously, this girl would want her to fall in love. But she won’t rush herself in love. Isa pa… She sighed deeply.
“I’m just twenty-eight and I don’t need a boyfriend. Ate mo ako. Dalawa lang tayong anak na babae ni Papa kaya malamang na ako ang panganay. Bakit hindi si Calyx ang itaboy niyo para mag-asawa? Tutal naman, marami siyang pagpipilian sa mga girlfriends niya.”
“Ate, ikaw ang panganay sa’ting lahat. They’re expecting you to be the first one to get married. Kaya ang mabuti pa, makinig ka na sa’kin, okay? Importante ‘to.” makulit na sabi nito. Hinila pa siya nito paupo sa kanyang kama at ini-lock ang braso niya sirkulo ng dalawang braso nito.
“Inutos ba ‘to ni Papa?”
“Oo. At saka, gusto ko na rin naman na magka-love life ka na.”
“Is this about me being an agent again? Look, kahit na ano’ng gawin n’yo, I would still be a detective. Iyon ang gusto ko sa buhay at wala kayong magagawa para pigilan ako. Besides, nakapasok na ako sa MDA kaya ‘wag niyo na akong pakialaman.” mariing sabi niya rito. Ang MDA ay ang Maximus Detective Agency na pinapamahalaan ni Maximo Martinez na kanyang ama.
Nakapasok siya sa agency dahil ang ginamit niyang apelyido ay Concio na siyang apelyido ni Arturo, ang taong umampon sa kanya. Ayaw kasi siyang payagan ng kanyang tunay na ama na maging isang detective pero iyon ang gusto niyang gawin nasa high school pa lang siya.
Nagtataka siya noon dahil ang hilig niya’y mag-research sa computer ng kung anu-anong bagay. Masyado rin siyang matanong at gustong tuklasin ang mga gusto niyang malaman tungkol sa isang bagay. She excels in Physical Education and engages herself in different sports especially tae kwon do. Samantalang ang kinalakhang ama niyang si Arturo ay hindi sa mahilig sa mga ganoon.
Nang mamatay si Arturo ay doon lang niya nalaman na hindi siya totoong anak ng mga ito dahil inampon lang siya ng mga ito. Inihabilin daw siya sa mga ito ng matalik nitong kaibigan na si Maximo na isang detective.
Nang malaman niya iyon ay nagalit siya sa kanyang tunay na ama dahil iniwan siya nito ng basta na lamang. Hinanap din niya ang kanyang tunay na ina pero namatay pala iyon sa isang engkwentro. Kaya pala siya iniwan ng kanyang ama sa pangangalaga ng matalik nitong kaibigan na si Arturo ay dahil nagtago ito. Namatay ang kanyang tunay na ina dahil in-ambush ang sasakyang sinasakyan ng kanilang mag-anak---isang sanggol pa lang siya noon---ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang lalaki. Namatay ang kanyang ina. At pinaampon naman siya ng kanyang ama kay Arturo Concio.
Noon kasing mga panahon na iyon ay humawak ng isang kaso ang kanyang ama na si Maximo tungkol sa isang sindikato na nagbebenta ng droga mula Pilipinas hanggang sa iba’t ibang bansa, and vice versa. Isang maimpluwemsiyang tao raw ang nagmamay-ari ng sindikatong iyon kaya pinatatahimik na ang kanyang ama.
Nagtungo ang kanyang ama sa iba’t ibang lugar hanggang sa matapos ang kasong hinahawakan nito. Tinapos nito ang kaso dahil nagbago ito ng anyo para walang makakilala rito. Matagal bago siya balikan nito dahil lumipat na mula Quezon sa Maynila ang pamilya ni Arturo. Ilang taon bago nahanap ni Maximo si Arturo ang nakita siya.
Bago pa man mamatay ang kanyang kinilalang ama ay nakita na niya si Maximo na parang nagmamanman sa tapat ng bahay nilang iyon. Tinanong niya kung sino ito at ano ang ginagawa roon at sinabi nitong ito ang kanyang tunay na ama. Hindi siya naniwala rito. Pero noon ngang mamatay ang kanyang kinilalang ama ay sinabi nito sa kanya ang totoo.
Nagpaliwanag sa kanya si Maximo at tinanggap naman niya iyon. Pati ang pamilya nito ngayon ay tinanggap niya. Hindi nga lang niya tinanggap ang alok nitong pumisan siya sa mga ito dahil nangako siyang pangangalagaan ang bahay na iyon ng kinilala niyang pamilya.
“Hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan n’yo nina Papa. Basta labas ako do’n. Kaya ngayon, Ate, sit back, relax and listen to me, okay? I want you to be happy and you will be happy if you listen to this.” ani Lemon.
“Ano ba ‘yan?”
“Ninety-nine facts about guys.” nakangiting saad nito.
“Lemon, that’s full of crap!”
“Ate, it’s not! Nagamit na ‘to ng isang friend ko. Ngayon, ‘yong guy na gusto niya, sila na. So, see? Kailangan dapat marami kang alam sa mga lalaki.” giit nito.
“Lemon, marami akong alam sa mga lalaki. I don’t need a book to teach me about guys. Isa pa, detective ako. I can know about them just with keen observation.” aniya.
“Yeah, you can know about them easily, pero malalaman mo ba kung in love ka na sa kanila o in love na sila sa’yo?” tanong nito.
Napatingin siya rito. “Lemon, I don’t need that kind of information. Pampagulo lang ‘yan sa utak ko.”
“Ate, are you some kind of-------------“
“No. I’m not a man-hater or anything. I’m a woman with a heart. I just haven’t found the guy who could make me trip and fall, who’d make my jaw drop and who’d make me care less of the world around us. So, stop giving me those craps. Dahil kahit na gaano pa ang dami kong alam sa kanila, kung hindi ko sila gusto, wala rin ang mga bagay na ‘yan.” paliwanag niya rito.
Gusto niyang matawa sa nakitang reaksyon sa mukha nito. Napanganga ito sa sinabi niya at nabitawan ang hawak na libro.
“Ate, you’re-----------“
“A genius. I know.” biro niya rito. Magsasalita pa sana ito pero tumunog ang doorbell ng kanyang bahay at tinungo niya ang pintuan upang tingnan kung sino iyon.
Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang isang Benz na nakaparada sa labas ng kanyang gate. Isang lalaking naka-two-piece business suit ang nakatayo sa labas niyon at nakatingin sa kanyang bahay—particularly—sa kanya.
Umatake na naman ang investigative instinct niya. Dahil hindi niya makita kung sino ang taong iyon ay kinuha niya ang personal mini-telescope niya at nagtago sa wall curtain sa may salas ng kanyang bahay. Isang matandang lalaki iyon na ang edad ay naglalaro sa early fifties to mid-fifties.
“Ate, OA ka. Pwede mo namang tanungin kung sino siya at ano ang ginagawa niya sa labas.” ani Lemon saka lumabas ng pinto at tinawag ang atensyon ng matandang lalaki. “Sino po ang hinahanap niyo?”
“Nandiyan ba si Caraleigh Martinez? I have an assignment for her.”
Nagpanting ang magkabilang tainga niya sa sinabing iyon ng matandang lalaki.
Assignment? Assignment!