Cupid's Match Chapter 4

Iidlip muna sana kahit kaunti si Nicko bago pumunta sa ospital at magbantay sa daddy nila pero pahiga pa lang siya nang makaamoy siya ng hindi magandang amoy. Amoy-sunog sa kwarto niya. Napabalikwas siya ng bangon at hinahanap agad ang pinanggalingan ng amoy na iyon pero wala naman siyang nakasaksak na appliances maliban sa aircon. Lumabas siya ng balkonahe na mayroon ang unit niya at hinanap ang amoy niyon. Nanggagaling ang amoy sa katabing unit niya. Iisa lang naman ang katabing unit niya. Ang unit ni Xanthia, ang babaeng parang baliw.

He stormed out of his room and knocked heavily on the woman’s door. May narinig siyang kalampagan ng mga kaldero sa loob kaya nagkahinala siyang baka nasunog ang niluluto ng nasa loob. Ilang segundo pa ang dumaan bago siya pagbuksan ng pinto ni Xanthia.

“Bakit?”

“Ano iyong nasusunog?” agad na tanong niya rito.

“Ah, iyon. Wala naman. Hindi naman seryoso.” alanganing sabi nito.

“What did you do exactly?” nakahalukipkip na tanong niya rito.

“I just fried...something.” anito. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi siya kontento sa sagot nito dahil mukhang may itinatago ito sa kanya.

Itinulak niya ang pinto na hawak nito at walang anu-anong pumasok siya sa loob ng unit nito. Hinanap agad niya ang nasusunog na bagay at dinala siya ng kanyang pang-amoy sa kusina. Doon niya nakita ang kawaling umuusok pa dahil nilagyan ng tubig at ang ngayo’y lumulutang na itim na bagay doon.

“Ano ‘to?” tanong niya sabay turo sa itim na bagay na lumulutang sa tubig.

“Steak?”

“Ka-babae mong tao, pagprito lang hindi ka pa marunong?”

“Sorry...” hinging paumahin nito. Tumungo ito at tiningnan ang mga paa. Pati naman siya’y napatingin din sa mga paa nito.

Her toes are cute. anang isang bahagi ng isip niya. And then, he cursed silently to himself. What’s with this girl? Damn it! kastigo niya sa sarili. Xanthia looks like any other ordinary girl. Pero ito ang unang babaeng tumatagal sa kanya kahit na puro singhal ang ginagawa niya. Gumaganda ito sa paningin niya tuwing nakikita niya itong nakangiti o bumubungisngis tuwing bumabati sa kanya at kahit na pabaling ang sagot niya rito’y todo ngiti pa rin ito. And he had to admit that she looks cute whenever she does that.

Kailan ka pa natutong mag-appreciate ng isang babae? Their just trash, right? muling kastigo niya sa sarili.

“Alam mo bang nakaka-istorbo ka sa pagtulog ko?” aniya rito.

“Kasalanan no’ng karne eh.” sarkastikong sabi nito.

“You know what; I wonder where your guts are coming from? For a little devil like you, you’re really annoying.” nakapamaywang na sabi niya rito.

“Sa bumbunan siguro.” pabirong sabi nito. Itong babaeng ito yata ang kukunsumi sa kanya. Naiirita siya sa ipinapakita nitong katapangan tuwing kaharap siya. Tila hindi talaga ito natatakot sa kanya o kung ano pa man.

“Nasaan ang pinirito mong sunog?” tanong na lang niya rito.

“Gusto mong tingnan? Sigurado ka? Hindi na kasi makilalang karne pala siya eh.” anito. Pero hinawakan siya nito sa braso niya at hinila papasok sa kusina nito.

Hindi niya mawari kung bakit pero biglang may dumaloy na init sa braso niya at hindi kalaunan ay nag-init na rin ang buong katawan niya. Bigla ring namawis ang noo niya at bigla namang nanlamig ang mga kamay niya nang hawakan ni Xanthia ang braso niya.

“Tingnan mo.” sabi ni Xanthia sa kanya. Itinuro nito ang ngayo’y lumulutang na itim na bagay sa frying pan na pinuno ng tubig. Hindi mo nga makikilalang karne nga iyon dahil itim na itim na ito.

“Bakit ka nagprito kung hindi ka naman pala marunong magluto? Paano kung hindi mo naagapan ang sunog at nasunog ang buong building?” sita niya rito.

“OA ka ha. Karne lang ‘yan. Hindi iyan makakasunog ng isang malaking building.” kaswal na sabi nito.

“Kahit na. Paano kung--------------“

“Hindi nasunog ang building. Tapos.” putol nito sa iba pa niyang sasabihin pagkatapos ay nakangiting tumunghay sa kanya.

“What?” naiiritang tanong niya rito. Ito ang kauna-unahang babaeng nakagawa nang ganoon sa kanya.

“Bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend?”

Nagulat siya sa tanong nito. “Sino’ng may sabi sa’yong hindi pa ako nagkaka--------------“

“Ang isang mapagkakatiwalaang source. So, bakit nga? Kung may girlfriend ka ngayon, malamang na palagi siya dito sa tower. Pero wala eh.” muling putol nito sa kanya.

“Alam mo naman pala eh. Bakit mo pa tinatanong?” masungit na saad niya.

“I was just curious. Bakit hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend?” makulit na tanong nito. Matamang tiningnan niya ito.

Labing-apat na taong gulang siya nang iwan sila ng kanyang ina para sumama sa ibang lalaki na mahal na mahal daw nito. Para sa isang inang may tatlong anak, ang kanilang ina ang pinaka-selfish. Hindi man lang nito naisip kung ano ang mangyayari sa kanila sakaling iwan sila nito. Hindi man lang nito naisip kung gaano sila masasaktan kapag umalis ito. Hindi nito naisip na dadalhin nila ang sakit na iyon hanggang sa pagtanda nila. Pinili nitong iwan sila para sa sarili nitong kaligayahan.

When their mother left them, he witnessed how devastated their father was for the first three years. Hindi kasi ganoon kadaling itapon lang ang sixteen years nilang pagsasama. Their father drank to death. He had so many sleepless nights thinking about their selfish mother who left them. Naging selfless ang ama nila sa dahil sa pagmamahal sa kanilang ina. But years gone by, their father realized what he’d done and decided to be on the right track again; for them.

Ang kanilang ina ang naging dahilan kung bakit ganito siya ngayon. Siya ang dahilan kung bakit maraming tao ang nangingilag sa kanya. Pero wala siyang pakialam sa mga taong iyon katulad nang wala ring naging pakialam sa kanila ang kanilang ina. Naging isang ‘monster’ siya sa paningin ng iba dahil hindi siya marunong magpatawad sa ginawang mali ng mga ito. Ang dating niya sa mga tao ay parang palagi siyang galit sa mundo. Pero may dapat ba siyang ikasiya?

Malaki ang naging epekto sa kanya ng pag-iwan sa kanila ng kanilang ina dahil mahal na mahal niya ito. Pero hindi pala siya nito kasing mahal katulad ng pagmamahal niya rito. Sapat na dahilan na ang pag-iwan nito sa kanila sa sinabi niyang iyon. Masakit para sa kanya ang mawalan ng isang ina lalo pa’t naging close talaga siya rito. Pero katulad ng daddy niya, bumangon siya at ginawang isang aral ang nangyaring iyon para maging isang taong walang pakiramdam.

He faces all his problems headstrong. Natutunan niyang hindi umiyak, hindi magmakaawa at hindi magmahal sa isang babaeng iiwan din sila sa huli. He tried to love because his father suggested it could do him good, but after seeing how a family member had been hurt again by a girl, he swore to himself never to fall in love. Nang makita niyang nasaktan si Kyle dahil sa tanging naging girlfriend nitong si Jodi ay hindi na niya sinubukan pang pumasok sa mundo ng pag-ibig. It was enough that his father and his younger brother had experience pain that was caused by love. Ayaw na niyang marananasan pang masaktan at ma-reject. Sinigurado niyang hinding-hindi siya magmamahal ng isang babae maliban sa mga kapamilya niya.

He had his share of women but he had only affiliated himself with them because of his manly needs. Nothing more, nothing less.

“Ayaw ko lang.” sagot niya sa tanong ni Xanthia.

“Gano’n? Eh paano kung may mag-apply na maging girlfriend mo, papayag ka ba?”

“Where is this conversation going?”

“Sagutin mo na lang kasi.” udyok nito.

“Sa trash bin.”

“Gano’n? Wala bang chance na tanggapin mo siyang applicant para maging girlfriend mo?”

“Bakit mo ba ito tinatanong?”

“Kasi, crush kita.” pag-amin nito habang matamang nakatingin sa kanya. Napatitig siya rito dahil sa sinabi nito. Ngumiti ito sa kanya. She has the most radiant face he had ever seen and it amazes him.

Jesus Christ!

“Huwag mo akong pag-trip-an, Xanthia.” sabi niya rito. Tinalikuran niya ito at dire-diretsong lumabas ng unit nito pero nakasunod ito sa kanya hanggang sa makapasok siya sa loob ng unit niya. Hindi naman niya ito pinigilan.

“Sino’ng may sabi sa’yo na nangti-trip lang ako? I’m serious.” sabi nito pero may kakaibang kislap ang mga mata nito.

“Okay, sige. Hubad!” utos niya rito.

“What?” gulat na tanong nito.

“You said you wanted to apply as my girlfriend. Ito na ang interview mo.” pormal na sabi niya.

“Talaga?” tila inosenteng-inosenteng saad nito.

“Oo. So, ano? Maghuhubad ka ba o hindi? I’ll count ‘til-----------“

“Ikaw muna.” sabi nito na pinutol na naman ang iba pa niyang sasabihin. Nagulat siya sa tinuran nito. He cursed under his breath. She’s playing him. Sumu-sobra na ang babaeng ito. sabi niya sa sarili.

“Bakit ako eh ikaw nga itong nag-a-apply?” tanggi niya.

“Bakit ayaw mong maghubad? May tinatago ka ba? May hadhad ka ba diyan sa katawan mo na ayaw mong ipakita sa’kin?”

“What?” bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito sa kanya. Siya? May hadhad? No way!

“Fine! Ako na.” Tangka niyang huhubarin ang suot na t-shirt nang biglang hawakan ni Xanthia ang mga kamay niya.

Nang tingnan niya si Xanthia ay nakatingin din ito sa kanya. Napalunok siya. They were standing dangerously close to each other. They were not supposed to be that close.

But the thing is, he had never felt that way before. He felt a sudden change in the atmosphere. It was like they were both enchanted by a powerful magic. A magic that let his guard down which is not a good sign.

“O, bakit?” tanong niya rito.

“Ahm, next time na lang. Maaga pa ako bukas eh. Pero, utang mo ‘to sa’kin ha.” sabi nito sa kanya sabay kindat at pagkatapos ay walang anu-anong lumabas ng unit niya.

Inayos niya ang kanyang t-shirt. Ibang klase ang babaeng iyon. aniya sa sarili. Pero labis siyang napaisip. What he felt just awhile back is not a very good sign for him. Hindi niya iyon dapat maramdaman. Kung anuman ang naramdaman niyang kakaiba kanina’y hindi na niya dapat pang maramdaman.

Pero ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Xanthia kanina? What was that feeling he felt just now towards her? Wala siyang nasagot isa man sa mga tanong niya dahil hindi pa niya nararamdaman kailanman ang naramdaman niya kanina. At dapat niyang iwasang maramdaman muli iyon dahil naramdaman niya kaninang tila lumambot ang puso niya.

Alas dos na ng madaling araw siya nakatulog ng gabing iyon sa kaiisip sa naramdaman niya nang hawakan ni Xanthia ang mga kamay niya. Pagkagising niya kinabukasan ay kinausap niya si Cresia tungkol sa operasyon ng tower. Dapat ay kagabi pa siya pupunta sa ospital pero nakatulog siya at nakalimutan niyang kailangan nga pala niyang puntahan na ang daddy niya sa ospital dahil sa nangyari sa kanila ni Xanthia. Kahit na kasi gising na ang daddy nila’y patuloy pa ring ino-obserbahan ng mga doktor ang kondisyon nito.

Shit! I can’t believe I wasted my time because of her! aniya sa sarili.

Aalis kasi papuntang Cebu si Cage samantalang patutulugin naman niya ng maayos si Kyle para makapag-trabaho ito mamayang gabi para sa radio program nitong Dream Love.

“Sir!” narinig niyang tawag sa kanya ni Cresia sa lobby nang makababa na siya. Iniabot nito sa kanya ang isang cup ng brewed coffee galing sa Starbucks na ikinagulat niya. Kunot-noong tinanggap niya iyon. Hindi pa siya nabigyan ng kahit na sino sa mga empleyado niya ng kape o ng kahit na anong bagay.

“Sir, may note po iyan.” nakangiting sabi pa ni Cresia. Tiningnan niya ang cup at nakita ang sinasabi nito.

Good morning, Nicko. Sabi ni Cresia, sa ospital ka raw matutulog ng ilang araw. I’ll miss you. Balik ka agad ha? Your future girlfriend, Xanthia

Iyon ang sabi ng note. He fought the urge to accept the coffee because he’ve sworn not to entertain Xanthia anymore. Ibinalik niya kay Cresia ang cup.

“Sabihin mo sa kanya, huwag ako ang pag-trip-an.” pormal na sabi niya.

“Sir, nag-effort pa naman siya na bumili ng coffee na ito sa kabilang kanto. Kawawa naman siya dahil puyat pa siya. Tinapos kasi niya ang ginagawa niyang sculpture para sa kaibigan niya.” pagbibigay alam nito.

“Hindi ko sinabing ibili niya ako niyan.” malamig na sabi niya.

“Eh, Sir, hindi na iyon ngingiti kapag sinabi ko sa kanya iyan.”

“I don’t care.”

“Ah...okay po.”

Sinukbit niya ang back pack na naglalaman ng kanyang mga gamit para sa isang linggong pananatili sa ospital. Ayos na rin iyon dahil hindi niya muna makikita at makakabangayan si Xanthia. Nagpaalam siya kay Cresia pagkatapos niyang magbilin dito at saka siya nag-drive papunta sa Medical City. Xanthia is just like one of those adventure trips he’d gone before to spice up his life. She would just pass by...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.