Cupid's Match Chapter 5

“Yes, hija. Salamat.” narinig ni Nicko na sabi ng daddy niya sa kausap nito sa telepono.

“Dad, sino iyon?” tanong niya.

“Caraleigh.” simpleng sagot nito.

“And who is Caraleigh?” tanong naman ni Kyle.

“A girl.”

“Your girl?” biro ni Cage.

“Ikaw, Carl, kung makaasta ka, parang walang dinaramdam ang daddy mo.” anang kanyang Tita Trina kay Cage.

“Tita, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ‘Cage’ na ang itawag mo sa’kin? Para sa bata lang ang ‘Carl’ at hindi na ako bata.” ani Cage. Mababaw lang ang ibinibigay nitong rason sa tao kung bakit ayaw nitong magpatawag ng ‘Carl’ pero alam niyang tuwing tinatawag itong ‘Carl’ ay naalala lang nito ang kanilang ina na umabandona sa kanila dahil sa ibang lalaki.

“Kayong magkakapatid, hindi niyo matatakasan ang nakaraan ng basta na lang. Kailangan niyo iyong harapin, ‘di ba, Lucille?” sabi ni Tita Trina sabay baling sa anak nito.

“Yes, ‘Ma.” natatawang sagot ni Lucille.

Mas bata sa kanya ng isang taon si Lucille. Sa kanilang buong magpipinsan ay ito ang natatanging babae at ito ang pinaka-bata. Pero sa kanilang magpipinsan ay ito rin ang unang mag-aasawa. Ikakasal na kasi ito sa high school sweetheart nitong si Johann at nakikita niyang masaya ang pinsan niya ngayon sa piling ng huli.

“Tita Trins, you’re too serious, it can kill you, you know.” ani Cage sa Tita Trina nila.

“Tumahimik ka, Cage!”

“Finally, tinawag mo rin akong ‘Cage’.”

“Seriously, Nicko, Cage, you have to face your mother. May karapatan din siyang malaman kung ano ang nangyari sa daddy niyo. Asawa pa rin siya ni Kuya Albert at nanay niyo pa rin siya.” seryosong saad ni Tita Trina.

“Tita, nang umalis siya’y kinalimutan na niya ang pagiging asawa kay daddy at pagiging ina sa’min.” matabang na sabi niya.

“You have to learn how to forgive, mga anak.” anang daddy nila.

“Why don’t you tell them the truth now, Kuya?”

“There will be a right time for that, Trina. Inaayos ko na ang lahat.”

“Ano bang sinasabi niyo, Dad?” naguguluhang tanong ni Kyle.

“I’ll tell you about it real soon. I promise, sons.”

“Whatever that is, huli na ang lahat.” aniya.

“Alam mo, Kuya Nicko. I’d suggest you should date starting from now. Iyong kaibigan kong si Reese, free siya ngayon. You could ask her out for lunch.” ani Lucille.

“I don’t ask for dates, Lucille.”

“Oo nga, Cille. Babae ang lumalapit diyan eh. Hindi na niya kailangang magyaya pa. He can have any one any time.” singit ni Cage.

“Itutulad mo pa sa’yo si Nicko, Cage.” ani Lucille.

“Oo nga, Cage. Isa pa iyan. Tigil-tigilan mo na ang paglalaro sa mga babae ha. Baka makabuntis ka ng wala sa oras, akala mo.” anang Tita Trina nila.

“Tita, hindi mangyayari iyon.” kampanteng saad ni Cage.

“Oh, eh, may napipili ka na bang pakasalan sa kanila?” tanong ni Tita Trina.

“What? Who says something about marriage? Tita! Hinding-hindi ako magpapakasal, ‘no.” tanggi ni Cage. He knows exactly what he feels.

“Sus! Kayo talagang tatlo. Eh, ikaw naman, Nicko?” baling nito sa kanya.

“Tita, hindi nga ako nakikipag-date, kasal pa kaya?” sabi naman niya.

“’Ma, sa paglalaro lang sa babae ang alam ng mga iyan. Palibhasa, lumaki silang walang---never mind.” ani Lucille.

“I got to go.” paalam niya sa mga ito. Kailangan niyang bumawi ng tulong para sa isang araw ay makapagbantay siya ng nasa kondisyon sa daddy niya sa ospital.

“Kuya Nicko, ide-date mo pa si Reese. You’ll have fun with her, I promise.” ani Lucille.

“Ano ka ba, Lucille? Hindi na pwede si Reese.” sabi naman ni Cage.

“At bakit naman, Cage? Hinding-hindi ko papayagan si Reese na makipag-date sa’yo, ‘no. Wala kang puso.”

“Ano’ng pinag-kaiba sa’kin ni Nicko? At least, ako hindi lang marunong magmahal. Pero iyang si Nicko, iyan talaga ang walang puso. Mamaya niyan, babati pa lang si Reese, iiyak na agad iyon dahil baka kung anong masakit na salita ang sabihin niyan.” ani Cage.

“Hey, bro. I’m not talking behind your back like that.” kunwa’y reklamo niya rito.

“Nakaharap ka pa rin naman sa’min ngayon ah.” sarkastikong sabi ni Cage. Napailing lang siya.

“At least, kay Kuya Nicko, masasakit na salita lang ang maririnig ni Reese. Eh, sa’yo siguradong sakit sa puso.” ani Lucille dito.

“Wala pa ring pinagkaiba ang problema ni Nicko sa’kin, ‘no.” ani Cage.

“Tita Trina, Dad, una na ako. Mabibingi lang ako sa dalawang iyan. Bibisitahin ko pa iyong site sa Parañaque ngayon, pero babalik din ako mamaya.” paalam niya sa Tita Trina niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka siya lumabas doon.

Palabas na siya ng ospital nang Makita niyang nakatayo sa reception area ng ospital si Xanthia habang may bitbit itong isang paper bag. Kausap nito ang receptionist.

“What are you doing here?” agad na tanong niya rito.

“Mr. Alonzo, your girlfriend is asking for your father’s hospital room.” anang receptionist. Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.

“Miss, sabi ko naman sa’yo secret lang muna natin iyon eh.” biro ni Xanthia saka ito bumati sa kanya. “Hi, Nicko!” He didn’t know why he seemed so amazed by the way she says his name and when he believed that he brought that loving shine in her eyes.

Damn it, Nicko! You’re being cheesy all of a sudden!

Lumapit siya kay Xanthia at hinawakan ito sa braso. “Sinabi ko na sa’yong ‘wag ako ang pag-trip-an mo, ‘di ba? Hindi ka ba marunong umintindi?”

“Marunong. Pero ilang beses ko bang sinabi sa’yo na hindi ako nangti-trip lang? Hindi ka ba marunong umintindi?” balik-tanong nito sa kanya na mas ikinairita niya.

I would go crazy with this girl! Binitawan niya ang kamay nito at tinalikuran. Pero bago pa man siya makahakbang palayo rito’y naramdaman niyang pumulupot ang mga kamay nito sa baywang niya.

“Jesus Christ!” bulalas niya. Nagulat siya sa ginawa nitong hantarang pagyakap siya kanya mula sa tagiliran. Itinaon pang kalalabas lang ng Tita Trina niya, kasunod sina Lucille at Cage mula sa elevator at nakita ang anyo nila ni Xanthia.

“My, my, my! So much for the ‘I don’t ask for dates’ ha.” pang-aasar ni Cage. Doon kumawala si Xanthia sa kanya. And he never felt fine again.

“Nicko, who is this beautiful lady you have here?” tanong ng Tita Trina niya.

“Tita---------------“

“I’m Xanthia dela Paz, Ma’am.” pagpapakilala ni Xanthia sa sarili sabay abot ng kamay nito sa tita niya. Pero hindi nakipagkamay ang tita niya rito, sa halip ay nakipagbeso pa. Sumunod si Lucille at maging si Cage.

“Nice to see you again, Miss Xanthia.” nakangiting sabi ni Lucille dito. Nagtaka pa siya kung bakit kilala nito sa Xanthia.

“Si Miss Lucille talaga, napaka-galang. Same here.” sabi naman ni Xanthia.

“You two know each other?” tanong niya sa mga ito.

“Yeah. Siya iyong isa sa tumulong kay Johann na i-set up ang Ferriz Art Gallery Museum para sa proposal niya sa’kin. I‘ve been into one of her exhibits and she’s a great artist. I’ve heard na novelist din siya. Right, Miss Xanthia?” ani Lucille.

“Miss Lucille, ‘Xanthia’ na lang. And, actually, romance writer ako. Kumusta na nga pala kayo ni Johann? I hope you could come to my next exhibit before the year ends.” ani Xanthia.

“Of course, we would. Buong family naman ngayon. I assure you of that. And, about Johann, we’re getting married next month!” Lucille beamed.

“Wow! Congratulations! I’m looking forward to your wedding. Nakakainggit ka naman. Mabuti ka pa ikakasal na.” ani Xanthia.

“Your time will come, for sure.” sabi rito ni Lucille.

“May boyfriend ka na ba, hija?” tanong naman dito ng Tita Trina niya.

Umiling naman si Xanthia. “Nanliligaw pa lang po, Ma’am. Ang hirap kasing ligawan ni Nicko eh.” sabi ni Xanthia pagkatapos ay tumitig sa kanya. Napatingin din sa kanya ang lahat ng taong naroon.

“Nicko! Hinahayaan mong si Xanthia ang manligaw sa’yo? That is so ungentlemanly! Dapat ikaw ang nanliligaw sa babae.” sermon sa kanya ng Tita Trina niya.

“Tita, I have no plan of courting her. Wala akong oras na makipaglaro sa kanya.” sabi niya habang naniningkit ang matang nakatitig kay Xanthia. To his horror, she just smiled at him.

“Okay lang po iyon, Tita. I’ll court Nicko until his heart turned to marshmallow. Handa akong maghintay hanggang...pumuti ang uwak.” natatawang saad ni Xanthia. He rolled his eyes. It was one of the things he didn’t know he could do until this annoying girl comes into his life.

“Pikutin mo na lang siya. Hindi puputi ang uwak, Xanthia.” ani Lucille.

“Good luck, dear brother. You badly need it. I think she’s deadly.” pabirong bulong sa kanya ni Cage. Hindi lang niya iyon pinansin.

“Hoy! Carl Gerrod, saan ka pupunta?” tanong ni Lucille kay Cage nang makita nitong naglalakad na ito paalis doon.

“Aalis na. Baka manganib ako rito eh. Sa’kin pa ma-in love si Xanthia.” biro ni Cage.

“Don’t worry, Cage. I won’t. Kay Nicko lang talaga ang puso ko.” nakangising saad ni Xanthia. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis ba siya dahil doon.

“Right. So, bye, everybody.” paalam ni Cage saka ito lumabas.

“I’ll go ahead, tita.” paalam din niya pero pinigilan siya ni Xanthia.

“Let’s go, then. Kanina pa kita hinihintay.”

“Saan ka pupunta?”

“Wherever you will go.”

“I don’t want you to come.”

“Hindi ko naman hinihingi ang permiso mo para sumama ako.”

Nakakakunsumi talaga ang babaeng ito! What did I ever do to deserve such fate?

“Bahala ka sa buhay mo!” inis na sabi niya rito saka naglakad na papunta sa labas. Sumunod pa rin sa kanya si Xanthia. Hanggang sa parking lot ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Nang buksan niya ang pinto ng kotse niya sa driver’s side ay ito pa ang umupo roon.

“What are you doing?”

“Umuupo.” sagot nito saka lumipat sa passenger seat. “Naniniguro lang ako. Baka iwan mo kasi ako.” He rolled his eyes again, for the second time. Umupo na siya sa driver’s seat dahil alam niyang wala rin namang balak si Xanthia na lumabas ng kotse niya.

“Ano ba talaga ang gusto mo sa’kin, Xanthia?”

“All of you. Your dark piercing eyes, your snobbish features,” tumingin ito sa ibabang bahagi ng katawan niya. He absentmindedly swallowed hard. “Your...”

“Cut the crap, will you?” inis na sigaw niya rito. Damn! This woman could ignite a fire inside him and he doesn’t love it. Then, he heard her giggle. And, all hell broke loose! “Stop it or I’ll throw you out of my car window.”

“What did I do?” maang na tanong pa nito.

Naipikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Xanthia. Hindi niya hahayaang paglaruan lang nito. Wala siyang panahon para sa mga larong gusto ni Xanthia.

“I don’t like you, Xanthia. And I would never will.”

“Sa tingin mo, mapapaalis mo ako dahil lang sa sinabi mong iyan? You’ve go to try harder, Nicko.” matapang na sabi niya rito.

“You are not my type. First, hindi ka marunong magluto at hindi marunong mag-intindi sa sarili. I don’t like the way you dress. Bungangera ka pa, ipinapakita mo sa lahat ng tao kung gaano ka kaisip-bata at ginugulo mo ang mundo ko. In short, you’re a nuisance to my wonderful life! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?” naiinis na wika nito.

“I was hoping...”

“Then, stop hoping! Wala kang mapapala sa’kin, Xanthia! Kung sa tingin mo na kaya mo akong paibigin, nagkakamali ka. Pareho lang tayong nag-aaksaya ng oras sa isa’t isa. Ikaw sa kakahabol sa’kin at ako, sa kakataboy sa’yo. I don’t do love, Xanthia.”

“Everybody loves, Nicko.” giit niya. She was trying to hold herself back. She should not fall apart in front of Nicko. She can’t.

“Not me, Xanthia. Hindi gumagana ang salitang ‘pag-ibig’ sa buong sistema ko.”

“You’re a heartless monster.”

“Yes, I am so don’t waste your time on someone like me. Go find someone who knows how to love. Someone who’s capable of loving you, of seeing you as a woman, because I can’t be that guy, Xanthia.”

“Stop!” sigaw niya rito. No, don’t. I won’t cry in front of him. I won’t cry. “Thank you for being honest, Nicko.” sabi niya rito saka bumaba ng sasakyan nito at nagtatakbo palayo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero wala na siyang pakialam. She badly need a place she could cry into. Iyong walang makakakita sa kanya.

She started the day bright and sunny, suddenly it fell apart. All because of Nicko. Bakit ba kadugtong na ng buhay niya ang rejection pagdating sa usaping pag-ibig? Ngayon lang nga siya na-in love, rejected naman agad.

Now, it was confirmed that she is really in love with Nicko. She wouldn’t be in love with him if she isn’t feeling hurt this way. Why did she fall in love with such a heartless man like him anyway?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.