“Pikutin na natin siya!”
Xanthia let out a frustrated groan for what Jackie had said. Kumakain sila sa unit nito kasama ang mga kasama nito sa call center agency dahil birthday ni Jackie. Naroon din sina Cresia at ang boyfriend nitong si Dylan pati na rin sina Zara, Lovie at Yelena. Sinabi na niya sa mga ito kung paano siya na-‘basted’ ni Nicko.
Sinubukan talaga niyang kunin ang loob ni Nicko pero masyadong matigas, malaki at makapal ang pader na humaharang sa totoo nitong nararamdaman. Si Nicko ang taong pipigilan ang tunay na emosyon dahil lang ayaw nitong ipakilala ang tunay nitong pagkatao sa iba. Sabi nila, maswerte pa nga daw siya dahil nakapasok siya sa unit ni Nicko at nakapunta rin siya sa opisina ng mga ito sa AlCom.
Pero pampalubag-loob lang pala para sa kanya ang lahat ng iyon dahil ‘basted’ na siya agad. She was expecting to ‘court’ Nicko long enough to discover the secret of why he’s so afraid to fall in love and too engrossed on hating girls. Pero na-‘basted’ na nga siya nito kaya hindi niya alam kung paano pa niya malalaman ang mga bagay na iyon ngayon.
Sa totoo lang, nasaktan siya. She felt heavily rejected. It actually felt like the biggest major rejection in her life. And then, she realized what Nicko really meant for her. Hindi lang ito isang ‘project’ na dapat ay mayroong result sa huli. He’s the man she first love.
“I don’t like you, Xanthia. And I would never will.”
Ito ang sinabi sa kanya ni Nicko nang ma-‘basted’ siya nito. And it truly hurts. Hindi siya umiyak sa kotse ni Nicko dahil hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi nito. Pero nang makauwi siya ng bahay at humarap sa kanyang laptop para magsulat ay bigla na lang siyang naiyak. Kay Nicko siya unang umiyak at isang sign iyon na gusto niya nga talaga ito.
No! I love him! That heartless monster! Kahit na puro kasungitan ang ipinakita niya sa’kin. Na-in love pa rin ako sa kanya. Pesteng spark kasi na iyan! Umasa-asa pa ako.
Bakit nakakagawa siya ng happy endings sa mga istorya niya, samantalang hindi niya iyon magawa-gawa sa buhay pag-ibig niya? She creates love between her hero and heroine, but why can’t she do it between her and Nicko?
And the ‘spark’ thing? She really believed that that would have something to do between her and Nicko but it turns out that it ruined everything. Umasa kasi siya na may magandang mangyayari sa pagitan nila ni Nicko dahil may naramdaman siyang ‘spark’ nang hawakan niya ito pero sa parte lang pala niya iyon. Walang nagawa ang spark na iyon para magustuhan din siya ni Nicko.
Hindi nga pala siya nakakaramdam ng kahit ano dahil napaka-manhid niya! Nag-assume ka kasi agad kaya mas masakit.
“Humanap na lang kasi kayo ng ibang mamahalin, girls.” payo sa kanila ni Cresia na sweet na sweet habang nakayapos sa nobyo nitong si Dylan.
“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman namin dahil may boyfriend ka na.” ani Zara rito.
“Eh ‘di humanap na rin kayo ng magiging boyfriend niyo. Hindi iyang ipinagpipilitan niyo ang mga sarili niyo sa taong ayaw sa inyo. Mas mahirap iyon.” ani Cresia.
“Eh, sa mahal nga namin si Nicko eh!” sigaw niya. She blurted out too soon. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao roon. “Continue. Nag-e-emo lang ako.” sabi niya sa mga ito.
“Obvious naman kasi na pinagti-trip-an mo lang siya, Xanthia.” ani Cresia.
“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nangti-trip lang?”
“You mean, you’re really in love with him?” nanlalaki ang matang tanong ni Jackie.
“Yes. Aren’t you?” kunot-noong tanong niya sa mga ito.
“Well, we like him. Crush na crush namin siya. Pero hindi pa iyong umaabot sa tunay na pagmamahal level.” paliwanag ni Yelena.
“Oh my gosh!” bulalas niya.
“Oh my gosh!” sabay-sabay rin na bulalas ng mga ito.
“In love ka talaga kay Sir Nicko?” tanong ni Cresia.
“I wouldn’t be hurting now if I’m not, won’t I?” Naiikot niya ang kanyang mata dito.
“Akala namin, nagbibiro ka lang. Akala namin, trip mo lang talagang asarin si Nicko kasi nga luka-luka ka.” ani Lovie.
“What? Paano iyon magiging trip eh siya ang unang lalaking nagparamdam sa’kin ng spark?”
Napamaang lang sa kanya ang mga ito dahil sa sinabi niya. Halatang hindi makapaniwala ang mga ito na in love nga talaga siya kay Nicko.
“Hindi pa tapos ang laban mo, girl.” ani Zara.
“Ano’ng sinasabi mo? Basted na nga ako eh.”
“May isa pang paraan para malaman mo kung tapos na ba talaga ang laban mo kay Nicko.”
“Paano?”
“The art of jealousy.”
Napangiti si Xanthia nang makita niyang nasa labas si Nicko ng unit nito. Tamang-tama ang akyat niya kasama si Zanti na kaopisina ni Jackie. Isa iyon daw iyon sa ‘art of jealousy’ technique. Umangkla siya sa braso ni Zanti at inihilig pa niya ang ulo sa balikat nito. Nakuha naman ni Zanti ang message niya kaya yumakap ito sa baywang niya.
Alam ni Rodjun kung ano ang ginagawa nila dahil kinasabwat ito ni Jackie. Nagulat pa nga siya ng sabihin nitong nakaka-relate ito sa pinagdaraanan niya. Iyon pala’y ka-federacion ito.
“I had a nice time with you, Zanti.” senswal na sabi niya kay Zanti. Pinapungay niya ang mga mata rito. And then, she licked her lips afterwards. It was one of the rules coming from the ‘art of seduction’. Siyempre, care of Zara na naman. Mahilig pala itong magbasa ng mga articles tungkol sa mga ganoong bagay.
“I had a nice time with you too, babe. I was wondering.” malamyos ang boses na sabi ni Zanti.
“What?” tanong niya rito. Nagulat siya nang isandal siya nito sa pader pero nakuha niya ang gusto nitong mangyari.
“Will you have a date with me?”
“Sure.” nakangiti niyang sabi rito.
“Great! I’ll pick you up on Friday night, then?”
“Yes!” napabungisngis na sabi niya. In the corner of her eye, she saw Nicko’s built finally forming in her left side. Nang tumikhim ito’y alam niyang may kinapuntahan ang pagpapanggap nila ni Zanti. “Oh, hi, Nicko.” bati niya rito.
“You’re drunk.” pormal na wika nito.
“No, I’m not. Nakainom lang ako.” Nagulat siya nang hawakan nito ang mga kamay niya at hilahin siya palayo kay Zanti. You know what comes next? Sparks!
“Pare, nag-uusap pa kami ni Xanthia.” ani Zanti sa napakalagong na boses. Machong-macho ito, outside lang nga.
“Pare, ako na ang bahala sa kanya.” ani Nicko. Napamaang lang siya rito.
“Sino ka ba?” maangas na tanong ni Zanti rito.
“I’m Nicko Alonzo.”
“You’re ‘the Nicko Alonzo’.” ani Zanti pagkatapos ay hinila nito ang isang kamay niya dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. “The more na ilayo ko si Xanthia sa’yo.”
“What? Why?”
“You’ve hurt her.” pormal na sabi rito ni Zanti. “Xanthia, do you want to sleep at my place tonight?” baling ni Zanti sa kanya. Kung hindi sila nagpapanggap ay nabatukan na niya ito sa sinabi nito sa kanya. Pero napangiti lang siya.
“Sure. I’m sure I would sleep tight, secured and comfy at your place.”
“Let’s go, then?” yaya ni Zanti sa kanya.
“Wait, Xanthia!”
“Yes?” tanong niya rito. Muli siya nitong hinila palapit dito at dahil doo’y napasubsob din siya sa dibdib nito. But unlike in Zanti’s, she would love to stay there.
“Bakit ka sasama sa lalaking iyan? Kilala mo na ba talaga siya? Baka napulot mo lang iyan sa kung saan? Nag-iisip ka ba? Huwag kang magpaka-tanga, Xanthia!” sermon nito sa kanya.
“Hindi ikaw ang nanay ko para sermunan mo ako ng ganyan, Nicko. Oo nga. Naisip ko. Ano ka ba sa buhay ko para pagsalitaan mo ako ng ganyan?”
Bulls-eye siya, mare! naghuhumiyaw na sabi ng isang bahagi ng isip niya. Nakita niyang nagtagis ang mga bagang ni Nicko.
“Fine! Bahala ka sa buhay mo!” inis na wika nito pagkatapos ay pumasok sa loob ng unit nito at pabalabag na isinarado ang pinto.
Nag-appear sila ni Zanti at nagbungisngisan ng mahina. Their plan worked!
“Akala ko, papatayin na niya ako sa tingin kanina. Okay lang sana kung hindi ganoon ka-deadly ang tingin niya eh. Kikiligin pa ako. Pero feeling ko, papatayin niya ako eh. Kalurkey itech!” ani Zanti.
“Nagselos ba siya sa tingin mo?”
“Juskoh, day! Kung hindi ba naman siya nagselos ng lagay na iyon eh paano pa kaya kapag nagselos na talaga siya ng totoo? Maawa ka na sa’kin.”
Natawa siya. Nicko Alonzo, I got you now.
Nicko cursed under his breath. Inis na inis siya sa ipinakitang walang pag-aalala sa sarili ni Xanthia kanina sa labas. Nang makita niyang lumabas ito ng elevator yakap ng isang lalaking hindi pa niya nakita kahit kailan at sweet na sweet ito sa isa’t isa’y pakiramdam niya’y may mabigat na bagay na biglang dumagan sa dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos.
Paano kung manyakin ng lalaking iyon si Xanthia? Paano kung may masamang gawin ang lalaking iyon kay Xanthia? Paano kung...
Shit! Ano ba ang iniisip mo, Nicko? Gusto niya iyon. Hayaan mo siya. You’re losing your grip. Tighten up. Sino ba siya? Babae lang siya. sabi niya sa sarili.