Cupid's Match Chapter 7

“May problema ka ba, Kuya?” tanong kay Nicko ng bunso niyang kapatid na si Kyle. Nagbabantay sila ngayon sa daddy nila na hindi pa rin pinapayagang umuwi ng doktor.

“Bakit mo naitanong?” nakakunot-noong tanong niya rito.

“Pwede namang sumagot ng ‘wala’ o ‘meron’. Tanong pa ang isinagot mo sa’kin.” anito.

“Ano ba kasi ang napapansin mo sa’kin, Kyle?”

“You look like you’re having the biggest problem anyone could ever have.” sagot ng daddy nila.

“Don’t worry about me. I could handle every problem I’ll face.” seryosong sabi niya.

“Except love problems. Expert ako do’n, ‘bro.” nakangising sabi ni Kyle.

“At bakit mo naman naisip na may problema ako sa pag-ibig?”

“Well, you wouldn’t act like that if you have a problem with your business. Confident ka palagi pagdating sa Alonzo Tower dahil maganda na ang lagay niyon. Monitored naman natin ang kalagayan ni Dad. I can’t think of any problem why you’re frowning like that except about girls. Are you having a serious relationship now?”

“Huwag mong ipasa sa’kin ang problema mo, Kyle.” paiwas na sabi niya rito.

“Seriously, Kuya, may problema ka ba?”

“Ikaw, Kyle, wala ka bang problema ngayon?”

“None that I can think of except Dad’s condition. Stable naman ang income ko at...love life. Eh, ikaw, Kuya?” nakangiting sabi ni Kyle.

“You mean, may girlfriend ka na ulit?” gulat na tanong niya rito.

“Wala pa. Pero malapit na siguro.” nakangising saad nito.

“Kyle, hindi ka ba natatakot na maulit muli ang nangyari sa’yo dati? What if she’s like Jodi? What if she leaves you like how mom left dad? Doesn’t it bother you?”

“Nicko, no two love stories are exactly alike. Huwag mong ikompara ang nangyari sa’min ng mommy mo sa love stories niyo.” anang daddy nila.

“It did pero hindi na ngayon. It didn’t mean that if it didn’t work out between mom and dad and me and Jodi, doesn’t mean it wouldn’t work out between me and...her. Hindi lahat ng pagmamahalan ay humahantong sa failure, Kuya. When love strikes you, you just have to take it.”

“And bleed in the end.” dugtong niya sa sinabi nitong huli. “What if, iwan ka nga niya para sa ibang lalaki? Kyle, it happened to you not once but twice. Hindi ka ba natatakot masaktan muli?”

“Kuya, mas masasaktan ako kung makikita ko ang mahal ko kapiling ang ibang lalaki. I wouldn’t risk my love just because I’m afraid to fall in love again. And that goes for you too. Hindi mo pa nga nasusubukan ang magmahal, inaayawan mo na agad.”

“I don’t do love, Kyle.”

“Hindi mo pa lang nasusubukan. Or, you love now but you just didn’t know you do. You’re not made of steel, Kuya. Hindi mo pahahalagahan ang pamilyang ito kung hindi ka marunong magmahal.”

“This conversation is going nowhere.” aniya.

Natatakot siyang baka kung ano pa ang masabi ni Kyle at maniwala na siya rito. Tawagin na siyang duwag pero nag-iingat lang siya. Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari kay Kyle at sa daddy niya. Pero namomroblema siya kung ano ang nararamdaman niya para kay Xanthia. Dati’y iniwasan na niya ito pero hindi niya napigilan ang kanyang sariling mag-alala rito. She had a share of women in his life but he never felt something strong and nice like he felt with Xanthia. Iba talaga ang dating nito sa kanya. May... Sparks!

He can’t believe he let his guard down. Alam niyang may malalim siyang nararamdaman para kay Xanthia kaya ganoon ang ikinikilos niya. Simula pa lang naman nang una silang magkita ay may kakaibang atraksiyon na na namagitan sa kanilang dalawa pero pilit niya iyong nilalabanan.

Pakiramdam kasi niya’y hindi siya nararapat kay Xanthia dahil hindi siya marunong magmahal. Pero ngayong nakararamdam na siya ng pagmamahal para rito, sapat na ba iyon para maipahayag niya ang nararamdaman niya para rito? At saka, sigurado na ba siyang hindi katulad si Xanthia ng ibang babaeng basta na lang nang-iiwan at hindi pinahahalagahan ang mga nagmamahal dito? I don’t know. All I know is I like her.

“Kuya, lahat naman tayo natatakot masaktan eh. Pero mas nakakapanghinayang iyong hindi mo nasusubukan. Malay mo, true love na pala ang nahanap mo ngayon, pinakawalan mo pa. At kapag napunta siya sa ibang lalaki, magsisisi ka. Mas masakit iyon. So, I suggest that you start making a move for that girl before it’s too late.”

Bumuntong-hininga siya sa pahabol nitong paliwanag.

“You’re in love with her, Kuya. Don’t fight it. Sinasabi ko sa’yo, kapag hinayaan mo lang iyan, mararanasan mo kung paano maging masaya dahil in love ka. Believe me. I did.”

Mataman lang na tumingin sa kanya ang daddy niya saka napangiti.

“Malakas talaga ang tama mo sa babaeng iyon, ano, Kyle?”

“Kuya, hindi lang siya ‘babaeng iyon’! Her name’s-----------“

“Yngrid Hidalgo.” dugtong ng daddy nila.

“How did you know that, Dad?” gulat na tanong ni Kyle.

“I have my sources.” makahulugang sabi nito. “And you’re in love with Xanthia Dela Paz, Nicko.” baling nito sa kanya.

“How did you know her?” takadong tanong niya rito.

“You’ll all know very soon.”

Napailing na lang siya. Baka kay Cage lang nalaman ng daddy niya ang tungkol kay Xanthia dahil nakilala na nga pala ni Cage si Xanthia noong araw na... Basted-in mo siya. anang isang bahagi ng isip niya.

Magsasalita pa sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng hospital suite ng daddy niya at pumasok doon si Cage kasunod ang isang babaeng naka-khaki pants at plain white shirt. Mala-porselana ang kutis ng babae. Matangkad ito, mahaba ang tuwid na buhok at magandang-maganda ito. Higit na mas maganda pa ang babaeng ito sa mga artistang nakita na niya sa personal maging sa tv. Higit na maganda rin ito sa mga beauty queen. The woman was simple yet she looked like a goddess who had fallen from heaven. Kahit na parang lalaki ito kung kumilos.

“Hello, dear brothers!” masiglang bungad ni Cage sa kanila. “By the way, this is---------“

“I’m Caraleigh, guys. It’s nice to finally meet the both of you.” nakangiting pakilala sa kanila ng babae.

Napangiti siya dahil akmang aakbayan ito kanina ni Cage pero lumayo rito ang babae at lumapit sa kanila ni Kyle. He should laugh because that’s the very first time a girl ignored Cage. Nakipag-kamay naman sa kanila si Caraleigh.

“Who are you?” tanong ni Kyle kay Caraleigh kahit na kasasabi lang ng huli ng pangalan nito.

“Sinabi ko na nga, eh. Ako si Caraleigh.” sabi nang babae.

“Narinig ko iyon. Pero sino ka at nagpunta ka rito?” ani Kyle.

“Don’t talk to her like that, Kyle. Mas matanda siya sa’yo.” singit ni Cage pero pinukol ito ng masamang titig ni Caraleigh.

“Yeah. Twenty-five ka pa lang, Kyle, ‘di ba? I’m already twenty-eight pero hindi ako katulad ng ibang tao dito na isip-bata.” sabi ni Caraleigh habang pinupukol ng masamang tingin si Cage. Mukhang nakahanap ng katapat nito si Cage sa katauhan ni Caraleigh.

“Hey, don’t give me that look, babe. Matutunaw ang puso ko niyan.” ani Cage.

“Ano ‘kamo? Matutunaw ang puso mo? May puso ka pala?” sarkastikong saad ni Caraleigh.

“Oo naman, ‘no! Itong si Nicko ang walang puso.” sabi ni Cage sabay turo sa kanya.

“At least, marunong nang magmahal ngayon si Nicko.” sabi rito ni Caraleigh. How the hell did she know that?

“Paano’ng---------“

“Well, katulad ni Nicko, marunong na rin akong magmahal ngayon. I’m already in love with you, Caraleigh.” madamdaming sabi ni Cage kay Caraleigh. Tangkang yayakapin nito si Caraleigh pero agad na umiwas ang huli.

“Ito talagang mahal ko, masyadong malihim. Sige. Mamaya na lang tayo maglambingan ‘pag wala na ang dalawang ‘to.” ani Cage. Napailing lang siya sa mga hirit nito na hindi naman tinatanggap ni Caraleigh.

“So, ano ang role mo sa buhay ni Cage, Caraleigh?” putol niya sa ‘lambingan’ ng dalawa.

“Wala. Well, actually, ako ay magsisilbing messenger niyong tatlo ngayon. I have a message...well, a long story to tell you.” pormal na sabi ni Caraleigh saka ito bumaling sa daddy nila. “Sir?”

“Go on, Caraleigh.” anang daddy nila rito.

“Wait. Kilala mo siya, Dad?” ani Cage.

“Yes.”

“Why?” sabay-sabay na tanong nilang tatlo.

“Siya ang kinuha kong detectrive. Oh, you’ll all get the chance to know the whole story afterwards. So, you might as well listen to her now.” paliwanag ng daddy nila.

Tumango si Kyle. “Kanino galing ang message?” tanong dito ni Kyle.

“Okay. Magsisimula na ako.” ani Caraleigh.

“Wait lang. Saan mo ba siya napulot, Cage?” tanong niya.

“Hoy! Ano ako, pick-up girl na basta na lang napupulot? Matalas pala talaga ang dila mo, Nicko, ano?” sabi ni Caraleigh sa kanya.

“Actually, dear brother, siya ang pumulot sa’kin sa bar kagabi. I brought her home last night and today, here. Kailangan daw kasi niya tayong makausap na tatlo na magkasama. So, here we are. Let the story-telling, begin!” nakangiting sabi ni Cage.

“Importante ba ang sasabihin mo?” tanong niya kay Caraleigh.

“Hindi ko kayo hahanaping tatlo kung hindi ito importante.” sagot nito sa kanya.

“Huwag ka ng magtanong, Kuya. Makinig na lang tayo sa kanya.” saway sa kanya ni Kyle. Umayos ng upo si Kyle sa single-seater sofa at magkatabi namang umupo sa isang sofa sina Cage at Caraleigh samantalang sa hospital bed ng daddy niya siya nakiupo.

“This is not a happy ending, okay?” babala sa kanila ni Caraleigh. Tumango silang tatlo. “I’ll tell you one of the greatest love stories in the world today. Ahem! Okay. Yuuki believed in love. Naniniwala siya na nag-e-exist sa mundo ang true love at napatunayan niya iyon nang makilala niya si Kaname. Nakita ni Yuuki kay Kaname ang lahat ng katangian ng lalaking gusto niya at hindi lang iyon, sa una pa lang nilang pagkikita’y nakaramdam na siya ng kakaiba rito. They fell in love at a very young age and they then, decided to get married.”

“Pero hindi natuloy ang pagpapakasal nila dahil biglang dumating sa buhay ni Yuuki si Zero. Zero fell in love with Yuuki the very first time he laid his eyes on her. Mahirap lang ang pamilya nina Yuuki. Magsasaka lang ang tatay niya. Hindi nito kayang ibigay ang lahat ng luho ng nanay niya dahil kakarampot lang nitong kinikita. Kaya nagagalit ang nanay ni Yuuki sa kanya tuwing nakikipagkita siya kay Kaname dahil katulad nila’y mahirap lang si Kaname. Ang gusto ng mga magulang ni Yuuki para sa kanya’y si Zero dahil mayaman si Zero.”

“Habang masaya sina Yuuki at Kaname sa pagmamahalan ng mga ito, nagpa-plano naman ng isang engrandeng kasalan ang mga magulang ni Yuuki. Pero hindi iyon para sa kanila ni Kaname kundi para sa kanila ni Zero. One week before the wedding, doon lang ipinaalam ng mga magulang ni Yuuki sa kanya ang tungkol sa kasal. Hindi na siya nito hinayaan pang lumabas ng bahay at makipagkita kay Kaname. Lumipat na rin sila ng bahay bago pa man sila maikasal ni Zero para hindi na raw siya makatakas pa sa kasalang ayaw naman talaga niya.”

“Kailangan niyang pakasalan si Zero para mabayaran ang lahat ng utang ng mga magulang niya dahil kung hindi ay makukulong ang tatay niya. Naipit si Yuuki sa pagitan ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya at sa pagmamahal niya kay Kaname. Mabait naman si Zero pero hindi niya ito mahal. Naisip ni Yuuki na pwede naman nilang bigyang katuparan ni Kaname ang kanilang pagmamahalan kapag nabayaran na nila ang lahat ng kanilang utang. Kaya pinili niyang magpakasal kay Zero. Binigyan naman siya ng option ni Zero pero nagpakasal pa rin siya rito para sa pamilya niya.”

“Hindi katulad nang inaasahan niya, minahal din niya si Zero. Pero hindi iyon katulad nang pagmamahalan nila ni Kaname. Nagkaanak ng tatlo sina Zero at Yuuki dahil iyon ang hinihingi ng sitwasyon nila. Nanatili pa sa isang relasyong hindi naman talaga niya gusto si Yuuki para sa kanyang mga anak at para na rin sa kasiyahan ng mga taong nakapalibot sa kanilang mag-asawa. Pero isang araw ay nakita niya si Kaname. At katulad nang una nilang pagkikita, naramdaman muli niya ang kakaibang pagmamahal na naramdaman niya rito noon.”

“Hindi pa raw ito nagkakaasawa dahil hinihintay siya nito katulad nang ipinangako niya rito. Nalaman din ni Yuuki na may taning na noon ang buhay ni Kaname. Kaname had leukemia. Selfish man sa iba pero nangibabaw ang pagmamahal ni Yuuki kay Kaname nang panahong iyon. She had to make a choice whether she should leave her family for the one she truly love or not. Pero naisip niya, paano kung hindi na niya makasama pang muli si Kaname kung hindi pa niya ito pupuntahan?”

“That’s when she decided on leaving her family for Kaname, her one true love. Marami ang hindi nakaintindi sa kanya pero naintindihan siya ni Zero dahil alam ni Zero ang totoo. So, nagkasama nga nang ilang taon sina Yuuki at Kaname, pero katulad nang kanilang nalalaman, Kaname died of leukemia. Ilang taon ding nagluksa si Yuuki pero kinaya niya. That’s when she decided to come back to her family. Pero nalaman niyang galit na galit na sa kanya ang kanyang mga anak. She tried to come back to them, but her family wouldn’t let her.”

“After a few years, Yuuki died of a heart attack. Pero may napagkwentuhan siya ng lahat ng nangyari sa buhay niya. One of her neighbors. Yuuki in the story is your mother, guys.”

Hindi sana siya maniniwala sa mga sinabi nito pero may inabot itong tig-isang envelope sa kanilang tatlo na naglalaman ng mensahe sa kanila ng kanilang ina. At nakilala niya ang penmanship ng mommy nila.

Mom...had already gone. Truly gone. Bakit hindi nila iyon nalaman? Bakit hindi nila nalamang bumabalik sa kanila ang mommy nila?

Tumingin siya sa daddy nilang hanggang ngayo’y wala pa ring malay. Hindi niya ito sinisisi pero sana man lang ay sinabi nito sa kanila ang totoo. Hindi na sana sila naghihirap ngayon. Hindi na sana siya nakabuo ng isang rason para magalit at ayawan ang mga babae. Hindi na sana siya ngayon nahihirapang lutasin ang problema niya kay Xanthia.

At ang masakit pa doon, wala sila roon para alagaan ang mommy nila. Hindi man lang sila nakapagpaalam dito.

Pero ngayong malinaw na sa kanya ang lahat ay hindi na niya hahayaan pang matulad ang love story niya sa love story na nangyari sa kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ang pagmamahal niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.