Alas-onse ng gabi na nakauwi si Nicko sa unit niya dahil halos mag-zero visibility na ang kalsada kaninang nagbibiyahe siya. Malakas na kasi ang ulan at wala iyong tigil. Si Cage at si Kyle ang nagbabantay ngayon sa daddy nila. Wala naman daw kasing gagawin si Cage ngayong weekend kaya nagdesisyon itong magbantay. Si Kyle naman ay walang pasok sa istasyon tuwing weekend kaya nakakapagbantay rin ito.
Naninibago man siya kay Kyle ngayon ay hindi na lang niya pinansin ang mga kakaibang ikinikilos nito. Kitang-kita kasi kung gaano ito ka-in love kay Yngrid. Dati-rati kasi’y takot itong magpakita sa ibang tao maliban sa immediate family nila, ang dela Merced family. Pero ngayon ay nagmo-mall na ito at pumayag na rin itong mag-host ng bagong promo ng AlCom na ilo-launch sa isang buwan. At babae ang hula niyang rason sa pagbabago nito dahil tinutudyo ito ni Cage sa bagong sekretarya ni Lucille na si Yngrid. Si Kyle pala ang nagpasok kay Yngrid sa trabahong iyon.
Ang nabuong plano sa isip niya dati tungkol sa pagpapaimbestiga kay Yngrid ay hindi na niya gagawin pa. Nag-alala kasi siya noon na baka kapag tuluyang na-in love dito si Kyle ay masaktan lang muli ang kapatid niya. Baka katulad din ni Jodi si Yngrid na may kailangan lang kay Kyle kaya mabait ito sa kapatid niya. Mabuti na iyong may alam siya sa babaeng iyon. At kapag may nalaman siyang hindi maganda sa babaeng iyon ay agad niyang ilalayo rito ang kapatid niyang si Kyle.
Sabihin nang masama siyang tao pero importante sa kanya ang kapakanan ng pamilya niya. Ayaw na niyang masaktan pang muli ang kahit sino sa pamilya nila at gagawin niya ang lahat hindi lang mangyari iyon. Pero hindi na ngayon.
Mabuti na lang at nakapunta na siya sa Batangas. May pinapagawa silang resthouse doon na paglilipatan nila sa daddy nila kapag nagkamalay na ito. Siya kasi ang nag-aasikaso ng pagpapagawa niyon. Kailangan din niyang bisitahin ang pinapagawa nilang subdivision sa may Parañaque City na extension ng Alonzo Tower. Sinimulan iyon ng daddy niya at tatapusin niya para rito.
Siya naman ang mag-aayos ng love life niya ngayon. Alam na raw nina Caraleigh at Cage kung saan matatagpuan ang puntod ng mommy nila kaya sasabihan na lang siya ng mga ito kung kailan sila pwedeng pumunta roon. Sa ngayon ay aayusin muna niya ang problema niya kay Xanthia. He would face this incredible feeling now, headstrong, heart-soft.
Kumatok siya sa pinto ng unit ni Xanthia pero walang nagbubukas. Nang tanungin niya ang isang housekeeper doo’y sinabing hindi raw nito napansin si Xanthia kung nasa tower ba o wala.
Nang kumulog ng malakas at kumidlat ay nakarinig siya ng malakas na sigaw at iyak. Nasa loob si Xanthia. Nakailang katok na siya pero hindi pa rin iyon binubuksan ni Xanthia. Naka-lock ang pinto kaya hindi siya makapasok.
“Xanthia, open the door!” sigaw niya rito habang patuloy ang pagkatok. Maya-maya nama’y bumukas ang pintuan nito. Kung hindi siguro niya napakinggang umiiyak ito kanina’y aasarin niya ito ngayon dahil nakatalukbong ito sa comforter na hila-hila nito. There are tears streaking in her cute face that made him groan.
Damn!
“I...I’m s-sorry kung na-istorbo na naman k-kita.” nanginginig na sabi sa kanya ni Xanthia.
He couldn’t help himself to hug her, to take away all her fears and sadness, to comfort her, to be with her. It’s like that thing again; the thing he felt the last time Xanthia and him had been together in this room. Hindi na naman niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Basta ayaw niyang makitang umiiyak si Xanthia. I love her.
“Sssh...don’t worry. I’ll just be here.” konsola niya rito habang yakap ito ng mahigpit. He had never felt good hugging a woman before. Ngayon lang kay Xanthia.
“Iyong kulog at kidlat kasi.” anito.
“Ang tapang mo kapag ako ang kaharap mo pero sa kulog at kidlat ka lang pala takot.” natatawang saad niya. He actually laughed. Ikinagulat niya iyon at maging ni Xanthia rin.
“Kasi ako, may laban sa’yo. Eh, may laban ba ako sa kidlat at kulog? Mamatay muna ako bago ko sila matalo, ‘no.” anito.
Umiiling na binuhat niya ito patungo sa kama nito. Hindi na niya ito binigyan pa ng rason para makapagreklamo dahil nang muling kumidlat ay mahigpit itong yumakap sa kanya na nanginginig pa. Marahang inihiga niya ito sa kama nito habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Pati tuloy siya’y napahiga rin.
Their lying positon was more dangerous than the last time they both touched each other. Pareho silang nakatagilid paharap sa isa’t isa. Yakap din nila ang isa’t isa. He rested his chin above her head and Xanthia buried her face in his chest. It felt so damn good hugging and lying with this annoying woman tonight.
“Ang Mama ko dati ang yumayakap at tumatabi sa’kin tuwing kumukulog at kumikidlat.” sabi nito sa kanya. Hindi siya nakasagot. Maswerte si Xanthia dahil may nanay itong sumasama rito tuwing may nararamdaman itong takot. Maswerte si Xanthia dahil may nanay itong nagmamahal dito. Maswerte si Xanthia dahil may nanay itong hindi nang-iiwan.
“Thank you.” bulong nito sa kanya. He took a deep breath and let the negative thoughts get out of his mind. Pareho sila ni Xanthia na komportableng nakatulog sa ganoong posisyon. At hindi sila nag-away sa kauna-unahang pagkakataon.
Nagising si Xanthia sa lamig ng paligid pero nagtataka siya kung bakit ang init ng pakiramdam niya. Masakit at mabigat ang ulo niya. Hindi pa siya nagmumulat nang mata nang salatin niya ang noo at leeg niya. Mainit siya at dahil doon ay napaungol siya. Nagulat naman siya dahil biglang yumunda ang kama niya at dumantay ang isang braso sa baywang niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata’y nakita niya ang gwapong mukha ni Nicko.
Oh-my-gulaaaay! hiyaw ng isip niya. Agad na nagbalik-tanaw siya sa nangyari kagabi. Pagkatapos ay kumalma siya. Hindi siya dapat na mag-panic dahil hinayaan niyang doon matulog sa tabi niya si Nicko. Sinamahan siya nito kagabi dahil takot na takot siya sa kulog at kidlat at nagpapasalamat siya rito.
Sinubukan niyang bumangon at alisin ang kamay nitong nakadantay sa kanya pero hindi niya magawa dahil hinang-hina siya. Stupid rain! aniya. Naulanan nga pala siya kahapon dahil lumabas siya para bumili nang ilang materials na kakailanganin niya sa ginagawang sculpture para sa gaganapin na exhibit isang buwan mula ngayon at iyon siguro ang dahilan kung bakit nilalagnat siya ngayon. Nanghihina siya at masakit ang ulo niya. Muli niyang sinubukang alisin ang kamay ni Nicko pero mas lalo lang siya nitong niyakap nang mahigpit. Napangiwi siya dahil mabigat ang katawan nito pero gusto niya ang init na hatid ng katawan nito sa kanya. Malamig ang paligid pero hindi niya iyon gaanong nararamdaman dahil nakayakap sa kanya si Nicko.
She looked at the most handsome face she had ever seen. Hindi mukhang nakakatakot si Nicko kapag natutulog. It was like his monster side was kept hidden by that gorgeous angelic face. She felt a sudden crazy thump of her heart that was like saying, ‘kiss him’. What the heck am I thinking? Hinilot niya ang sumasakit na ulo na lalo yatang sumakit sa iniisip niya. Pero hindi niya maintindihan ang nagririgodon niyang puso habang nakatingin kay Nicko. Ngayon niya lang na-realize na ito ang ginagawa niyang estatwa para sa kanyang exhibit. Mukhang ito ang naging inspirasyon niya sa paggawa niyon. That made her smile.
Maya-maya ay gumalaw ito at niluwangan ang pagkakayakap sa kanya. And then, he opened his eyes with written concern all over his face.
“Mainit ka ah.” anito.
“Must be because of the rain yesterday. Naulanan kasi ako eh.” nakangiwing sabi niya rito habang sapo ang kanyang masakit na ulo. He muttered something bad and get up fast.
“Bakit ka nagpapaulan? Hindi ka ba nag-iisip? Bakit hindi ka nagdala ng payong? Hindi ka ba nakikinig sa balita? Hindi mo alam na may darating na bagyo? Ano ka ba naman, Xanthia!” iritadong sabi nito sa kanya. Nagulat naman siya sa reaksyon nito dahil hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon nito. She was expecting him to just ignore her condition and leave her alone; but he didn’t.
“Sorry...” tanging nasabi niya. Bumangon siya pero nanatiling nakaupo lang sa kanyang kama. Si Nicko naman ay nagpalakad-lakad sa silid niya na para bang isang malaking problema nito ang pagkakasakit niya.
“Damn! Why are you living independently, anyway? Hindi mo naman kaya ang sarili mo. Paano kung mas malala pa kaysa diyan ang abutin mo dito? Sino ang tutulong sa’yo?” sermon pa nito.
“Nicko, I’m going to be fine. Naulanan lang ako. Mawawala na rin ito bukas. Besides, I feel fine.” paninigurado niya rito.
“Ano’ng ‘fine’? Mainit ka nga eh, ang taas ng lagnat mo, ‘tapos namumutla ka! Ano ang ‘fine’ sa’yo ngayon, Xanthia?”
“Look, okay lang ako. Iinom lang ako ng gamot, mamaya lang wala na ‘to.”
“No! Stay where you are. Putlang-putla ka na nga, kikilos ka pa.” naiinis na sabi nito sa kanya.
She stared at him in disbelief. “Nicholas Alonzo, mas marunong ka pa sa’kin eh katawan ko ‘to? Okay lang ako, okay? Masyado kang high blood. Daig mo pa ang mama ko kung makapag-react ka ah.”
“Damn it, Xanthia! May gana ka pang magbiro ngayon. Tingnan mo nga iyang sarili mo. Stay where you are. I’ll make you breakfast. Nasaan nga pala ang medicine cabinet mo?” tanong nito.
“Ahm, actually, wala akong medicine cabinet. Kaya nga sabi ko sa’yo, bibili ako, ‘di ba?” alanganing sabi niya.
“Damn! If I were your mother, I won’t allow you to be alone like this.”
“Nicko, alam mo, okay lang. Bumalik ka na sa unit mo. Kaya ko na. Iniistorbo na naman kita. Sorry nga pala sa istorbo kagabi ha. Thank you rin sa pagsama mo sa’kin ngayon.” aniya rito.
“Mang-iistorbo ka rin lang, lubusin mo na. Kahit gaano ka pa ka-naive, kahit gaano pa ako kainis sa’yo, hindi kita basta na lang iiwan dito sa ganyang ayos. You looked like I raped you. But nobody would believe you if you say so.”
“Why?”
“I don’t leave women unsatisfied. And you looked like you’re unsatisfied.” tila nag-iisip pang sabi nito. Hindi ito ngumingiti at hindi rin ito nakatingin sa kanya nang sabihin nito iyon pero kung malakas lang sana ang katawan niya ngayon, nabatukan na niya ito. But instead, she just laughed. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi nito.
He just doesn’t seem like the Nicko she used to know. He’s the other guy. The other Nicko who has a heart. The Nicko Alonzo he should have been before they first met. Siguro, kung ito ang Nicko na nakilala niya noon, in love na in love na kaagad siya rito at hindi na niya kailangan pang dumaan sa ganitong proseso para lang mapaibig ito dahil magiging madali ang lahat kung hindi ito masungit at manhid.
Oh, what the heck? Iba na pala ang nagagawa ng ulan ngayon, ‘no? kastigo niya sa sarili. Kung anu-ano kasi ang naiisip niya na hindi naman dapat. Lalong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay.
“Go back to bed and try to get more sleep. I’ll make you breakfast. Titingnan ko rin kung may biogesic pa ako sa medicine cabinet ko. Sa susunod, ipapaalala ko na sa’yo na bumili ka ng mga gamot.” anito.
“At payong.” nakangiting sabi niya.
“You’re really one of a kind, Xanthia. May lagnat ka na nga, putlang-putla ka pa, nagagawa mo pa ring ngumiti.” umiiling na sabi nito habang palabas ng kanyang silid.
“I know. I’m the only one who has the guts to face a monster like you, ‘di ba?”
“Yeah. Because you are one annoying little devil.”
Maghapong binantayan si Xanthia ni Nicko. He made her breakfast like he promised and cooked lunch for the two of them. Hindi rin kasi ito makalabas ng gusali dahil malakas pa rin ang ulan sa labas. Tumama na kasi sa Metro Manila ang bagyo. Hindi na rin masakit ang ulo niya ngayon, nadala sa biogesic, pero may lagnat pa rin siya at medyo mataas pa iyon. Sa susunod talaga, hindi na niya kalilimutang magdala ng payong. Siya rin kasi ang labis na nahihirapan. Imbes na nagta-trabaho siya ngayon ay hindi niya magawa dahil nanghihina pa rin siya.
Mabuti na lang nga at kasama niya ngayon si Nicko dahil binabantayan siya nito. Kada-apat na oras ay pinapainom siya nito ng biogesic. Wala silang ibang ginawa kundi ang manood ng tv o kaya nama’y mag-Scrabble at palagi siya nitong natatalo. Magkatabi silang nakaupo sa kanyang sofa habang naglalaro.
“Round eight na. Dali.” aniya. Sa laban kasi nila nang pito ay isa pa lang ang naipapanalo niya at sa tingin niya’y pinagbigyan lang siya nito kanina.
“Aren’t you tired?” tanong nito. Sinalat nito ang leeg at noo niya. “Nilalagnat ka pa rin.”
Oh-my-gosh! Na-touched ako. kinikilig na sabi niya sa sarili.
“Ahm, okay lang iyan. Gagaling din ako. Baka bukas, magaling na ako.” aniya. Pinipigilan niya ang kanyang sariling mapangiti dahil sa labis na pinapakita nitong pag-aalala sa kanya.
“Bukas? Okay lang.”
“What do you mean?” naguguluhang tanong niya rito dahil sa sagot nito sa kanya.
“Bukas pa ako makakalipat sa kabila. Mamaya niyan, masuka ka, o kaya sumakit ang tiyan mo, o kaya sumakit na naman ang ulo mo. Para may kasama ka rito. At saka, nanghihina ka pa rin eh.” paliwanag nito na itinaas pa ang braso niyang nanghihina dahil sa bigat at sama ng pakiramdam.
Wushu, sinasabi mo lang iyan para makasama mo pa ako. ngali-ngaling sabihin niya rito. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Ano ba ang mga naiisip niya? Puro kalokahan.
“Nasaan nga pala ang boyfriend mo? Alam ba niyang nilalagnat ka?” tanong nito.
“Ha? Sinong boyfriend?” nagtatakang tanong niya rito.
“Iyong kasama mo no’ng gabi na huli tayong nagkita.”
“Ah. Si Zanti. He’s a just a friend. Actually, kakikilala ko lang sa kanya nang gabing iyon sa party ni Jackie. Officemate siya ni Jackie eh.”
“What? Kakikilala mo pa lang sa kanya nang gabing iyon, ‘tapos ang lakas pa ng loob mong doon matulog sa bahay niya? Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan lang?” inis na tanong ni Nicko. Nagulat na naman siya sa naging outburst nito.
“Tanga lang siguro ako kasi sa’yo pa ako na-in love.” halos pabulong na sabi niya.
“Ano’ng sabi mo?”
“W-wala.” Oh, crap! Bakit hindi ko na masabi ngayon kay Nicko ang totoong nararamdaman ko samantalang dati, lantaran ako kung makapanligaw sa kanya?
“Akala mo ba, maloloko mo ako? Narinig kong may sinabi ka. Ano iyon?”
“Wala nga. Tinatanong ko lang sa sarili ko kung bakit mo ako b-in-asted. Pangit ba ako?” Hindi ito sumagot. “Sabihin mo sa’kin ang totoo. Ano bang mali sa’kin at hindi mo ako magustuhan? Pangit ba akong manamit? Hindi bagay sa’kin ang buhok ko? Ano?” sunud-sunod na tanong niya rito.
“Pangit ka lang manamit pero hindi ka pangit.” anito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito dahil hindi niya inaasahan ang papuring ganoon mula rito.
“Bakit nanlaki ang mga mata mo? May mali ba akong nasabi?” tanong nito.
“Wala naman. I didn’t expect you to say nice things.” agad na sagot niya.
“Minsan lang akong magsalita ng maganda kaya lubusin mo na. Bukas, uuwi na ako sa kabila.”
“Huwag!”
“Ano?”
“Ahm, huwag ka munang umuwi. Ah...eh...Kasi siyempre, mabo-bore ka sa kabila, wala kang ka-kwentuhan do’n. At least dito, kahit asar tayo sa isa’t isa, hindi mapapanis mga laway natin. ‘Di ba? At saka, tama ka. Hindi pa ako magaling. Baka kung ano’ng mangyari sa’kin. Baka mamaya...iyon.” agad na paliwanag niya. Pakiramdam niyang namumula na siya ngayon dahil mainit na mainit ang pakiramdam niya sa magkabilang pisngi niya.
Bakit mas mahirap humarap kay Nicko ngayong alam kong mahal ko na siya?
“Okay. I’ll stay.” nakangiting sabi nito na umiiling-iling pa. Oh-my-gulaaaay! “O, bakit ka naman umiiling?” tanong nito.
“Ikaw kasi. Hindi mo pa sabihin nang diretso na nagkakagusto ka na sa’kin.” biro niya.
“You’ve got to try harder.” sabi nito. Napamaang na naman siya rito.
“Joke ba iyon?” tanong niya. Hindi ito sumagot. Akalain mo iyon, ang isang katulad ni Nicko Alonzo na kilalang walang puso, nagbibiro? Himala! Kailangan lang palang bumagyo para maghimala.
“Kapag tumigil mamaya ang bagyo, makikipag-date ka sa’kin.” sabi niya rito.
Tumingin ito sa labas ng bintana niya. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at iyon pa ang sinabi niya?
Ngumiti ito sa kanya. Oh, God! “Okay. Kapag tumigil ang ulan, I’ll have a date with you.”
Oh, please Lord God, let the rain stop now. Pretty, pretty please...
Hindi makapaniwala si Nicko na nagawa niyang makiapagpustahan na lang kay Xanthia. Aminin man kasi niya o hindi, gusto niya rin itong maka-date. In fact, he is ready to face the reality now. The reality that he liked Xanthia from the very start and he already found out that he was in love with her now. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagseselos niya sa Zanti na iyon at kung gaano rin niya na-miss ang kakulitan ni Xanthia noong mga panahong pilit niya itong iniiwasan. Nakatulong sa kanya ang ikinwento ni Caraleigh sa kanila tungkol sa kanilang ina. Naging bukas na ang puso niya sa posibilidad ng pag-ibig at pinakawalan na rin niya ang anumang agam-agam, takot at galit na namamayani sa puso niya.
Simula nang makilala niya si Xanthia, alam niyang magugulo ang buhay niya. Makulit ito, nakakainis, pero ito lang ang nakakuha ng atensyon niya. Cheesy na kung cheesy para sa isang lalaki pero kay Xanthia lang siya nakaramdam ng…sparks!