Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 11

Mangiyak-ngiyak na yumakap si Ellah sa binatang Doctor. Bugbug-sarado ito nang pumasok sa mansiyon at punit ang damit. Umalis ito at nang umuwi kinagabihan, marami na itong pasa. Pasan ito ng isa sa mga tauhan nito.

Ginamot niya ang sugat nito nang maihiga niya ito sa kama. Walang makakapagsabi kung sino raw ang bumugbog ayon sa tauhan nito na nagdala sa binata. Basta nakita na lang daw ng mga ito na bulagta ang amo sa loob ng opisina. Walang CCTV na nakapagturo kung sino ang salarin pero alam niya na kung sino. Walang ibang demonyo na gustong pumatay sa buhay niya, si Cuhen lang.

Umiiyak siya habang pinagmamasdan ang lalaki na mahimbing ng nakatulog. Pinalitan na rin niya ito ng damit at naiinis siya dahil hindi man lang niya magawang humingi ng tulong sa mga nagtataasang opisyal. Hindi man lang niya kayang iligtas ang binata.

“I am sorry Kleve, nasali ka pa. Kung hindi siguro kita tinawagan ng araw na iyon, hindi ka sana nasali sa gulong ito. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Kleve.” Yumakap siya rito at namalayan niyang nakatulog siya sa tabi ng lalaki.

Naalimpungatan lang si Ellah nang maramdamang gising na ito pero hindi masyadong makakilos. Umayos siya sa pagkakaupo at ngumiti. Nagsiunahang pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata.

“I’m sorry... It is all my fault,” malungkot na lumabas sa kaniyang bibig ang katagang iyon.

Nakapagdesisyon na siya. Iiwan niya si Kleve for good. Ipapangako niya sa sarili na sa susunod na pagkikita nila, mamahalin niya na ito ng buong buo. Iyong pagmamahal na walang Cuhen na makikihati rito. Pipilitin niya ang puso niya pero sa mga sandaling ito, kailangan niyang piliin ang buhay ng binata. Hindi ito madadamay sana in the first place kung hindi siya tumakas. Ang tanga niya! Dahil sa kaniya may ibang inosenteng tao ang nasasaktan.

“Dito ka lang ha, magluluto lang ako para mainitan na ‘yan tiyan mo.” Hindi niya hinintay na sumagot ang lalaki, agad na siyang nagtungo sa kusina.

Nagulat siya nang nmabungawan niya si Cuhen paglabas ng silid. Nakasandal ito sa dingding at may bitbit na baril. Madilim ang anyo at nakakatakot ang aura. Napapikit siya at pilit kinalma ang sarili. Nagdesisyon na siya at iyon ang tingin niyang tama. Hindi siya nagpumiglas nang hilain siya nito papasok sa kabilang silid.

“Ako ang kailangan mo, ‘di ba? Pwes sasama ako ngayon sa`yo pero layuan mo si Kleve! He has nothing to do with you. Ibalik mo ang inagaw sa kaniya. Leave him alone. Please, sasama na ako. Huwag ka lang mandamay ng mga inosenteng tao.”

Bwesit! Kakasabi lang niya sa isip kagabi na hindi na siya iiyak pero heto, ginupo na naman siya ng sariling kahinaan.

“Nagpapatawa ka? Isa ka lang tagapagpainit ko sa kama. Alila lang kita na tumakas at sumama sa ibang amo.” Ngumisi ito. Napasinghap siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniyang pisngi. Masakit iyon. “At kaya kitang dalhin sa isla kapag gusto ko. Pero dahil mahilig ako sa laro, hinahayaan kitang tumakbo nang tumakbo. Hindi mo ako mapipigilan pumatay kahit na sumama ka pa sa`kin. Dahil sasama ka man o hindi, papatayin ko pa rin ang lalaking mahal mo.”

God! Bakit ba siya nakatagpo ng demonyong nag-anyong tao? Bago pa man siya makasagot, tumalikod na ito at tinalon ang bintana.

“Kleve!” Dali-dali niyang tinakbo ang silid ng lalaki at niyakap ang binata ng sobrang higpit. Ayaw niya itong bitawan dahil baka sa oras na bitawan niya ito ay hindi niya na ito makikitang buhay.

“Hey, why crying?” Napabangon ito at puno ng pag-aalala ang mukha.

“Umalis tayo rito, kahit ngayon lang. Dalhin mo ako sa pinaka-safe mong isla. Papatayin ka niya! Hindi ko kayang mag-isa pag nangyari iyon. Please, umalis na tayo! Hindi sapat ang mga tauhan mo. Andito si Cuhen ngayon-ngayon lang at desidido na siyang patayin tayo!” halos manginig nag kaniyang buong katawan sa sinabi.

Natahimik naman ito at matagal bago nakasagot. Hinagod nito ang kaniyang buhok at kapagkuwa’y may tinawagan sa cellphone. “Prepare the chopper. We’re heading north, now.” Nakaramdam siya ng kasiyahan sa narinig. “Don’t cry. Hindi niya ako mapapatay. Bago niya ako mapapatay, uunahan ko siya. Hindi niya ako kaya. Papatayin ko siya.”

Napasinghap siya sa kakaibang kislap ng mata ni Kleve pero agad din naglaho nang haplusin nito ang kaniyang pisngi. “Hindi ang tulad ni Cuhen ang makakapagbagsak sa`kin. Magpapatayan kami at sa huli, siya ang ililibing ko. So, tahan na baby, everything will be alright. Hindi tayo maghihiwalay. Akin ka lang. Akin ka lang at akin.”

Ewan pero biglang nanindig ang kaniyang mga balahibo sa narinig. Gayunpaman ay ngumiti siya para sa lalaki saka ito niyakap. Natawa pa ito sa ginawa niya. Pero bakit mabigat ang puso niya sa sinabi nitong papatayin ang si Cuhen? Hindi ba ito naman ang gusto niya?

“Damn!” nagpipigil sa galit si Cuhen. Hindi niya naabutan ang dalawa. Tinakasan siya. Kung sabagay, gusto rin naman niya ang laro nito. Siya ang taya, at siya ang papatay.

Binuksan niya ang cellphone at mula rito, tiningnan niya ang tracking device ng dalaga na kinabit niya sa pendat ng kwentas nito. “Azael,” bungad niya sa pinsan ng tawagan ito.

“Yeah?” nababagot na sagot nito. Halatang kagagaling lang sa tulog.

“Follow me at La Priza Island. Now!” saka niya binaba ang tawag. Bago iyon, narinig niya pa ang malutong nitong mura sa kabilang linya.

Maniningil na ako. Makakamit ko na rin ang hustisyang gusto ko. Mananahimik na rin ang kaluluwa mo baby. Bibigyan ko ng tuldok ang pagkamatay mo.

Sandali niyang pinikit ang mata at inalala ang nakaraan niya kasama ang babaeng minahal ng sobra kaya siya nasasaktan ngayon...

“I want a baby boy twins. What do you think baby?” tanong niya sa dalaga habang hinimas ang isa't kalahating buwan na tiyan nito. Hindi na siya makapaghintay. Excited na excited na siya.

Tumawa naman ng mahina ang dalaga at piningot ang kaniyang ilong. “Your wish is my command, master.”

“But I change my mind. Let’s make it triplets, baby.”

Napuno ng halakhakan ang kwarto nila nang sinimulan niya na itong kilitiin at hanggang sa nauwi sa mainit na pagmamahalan sa kama.

Bumagsak ang luha sa mata niya nang maalala ang nakaraan. Kumuyom ang kaniyang kamao at hindi na siya makapaghintay na pumatay. Magbabaha ngayon ng dugo. Pina-pangako niyang dugo mismo ito ng lalaking papatayin niya ngayon.

Hintayin mo ako Ellah. Papatayin ko rin ang taong mahal mo tulad ng ginawa nila sa taong mahal ko.

Sandaling natigilan si Ellah nang makita niya ang kabuuan ng isla, maganda pero nababalot ng misteryo. Naramdaman niya ang pagsitaasan ng mga balahibo sa kaniyang katawan.

Pagbaba nila, sinalubong agad sila ng maraming armadong tao. Yumukod ito ng bahagya sa kasama niyang Doctor at nagsalita sa ibang lenggwahe para hindi siguro niya maintindihan.

Napakapit siya sa braso ni Kleve at biglang nakaramdam ng kakaibang takot. Hindi pa rin ito gaanong maayos pero kaya nito ang sariling tumayo. Ang mukha nitong laging soft spoken at tila anghel na laging nakatunghay sa kaniya ay biglang tumigas at nag-iba ang kislap ng mga mata.

“No, I won’t let him. Pinagbigyan ko lang siyang bugbugin ako pero ngayon, hindi na,” hindi mapigilang sagot nito sa lalaking may malaking tatto sa kabilang braso. Nakasabit ang malaking armas sa maskuladong katawan at may pilat ito sa gilid ng pisngi.

“Kleve...” pagkukuha niya sa atensyon ng binata, “Magpa-hinga ka muna, saka na natin isipin ito.”

Tumango ito at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi niya mapigilan mapakislot sa ginawa nito. Bigla siyang nanibago sa pinapakita nitong galaw sa kaniya. “Okay, let’s go...” Niyaya siya nitong tumuloy sa malaking resthouse na nakatayo sa unahan.

Mula sa malaking resthouse nito, may nakapaligid pa na mga armadong gwardiya. Nagtataka tuloy siya kung bakit sobrang dami ng tauhan nito. Inisip na lang niya na baka siguro pinaghandaan lang nito ang pagsalakay ni Cuhen. Sana naman ay hindi na siya masundan nito at patahimikin na nito ang kaniyang buhay. Ito pa ang may atraso sa kaniya pero kung umasta ay siya itong may malaking kasalanan.

Kung kaya lang niya sanang ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng pera, ginawa niya na. Pero alam niya kung pera ang basehan, talo na siya. Walang-wala siya rito at hindi sapat ang ebidensya niya laban sa lalaki. Hindi niya ito basta-basta maipapakulong gaya ng gusto niyang mangyari.

Hindi siya makatulog sa gabing iyon at kahit anong pilit niya, hindi siya dinalaw ng antok. Halos baliktarin na yata niya ang sarili sa malambot na kama para makatulog, pero wala pa rin. Ang lakas din ng tahip ng puso niya, parang may pinapahiwatig na panganib kaya lalo siyang hindi makatulog.

Napabangon siya at sumilip sa bintana. Madilim sa labas pero sapat na ang repleksyon ng buwan para makita niya ang kagandahan taglay ng karagatan at sa mahinang pag-alon nito. Habang ang ibang nagbabantay sa isla, patuloy na nagroronda. Nagbabantay talaga ang mga ito at sa tingin niya, hindi-hindi basta-basta ang mga tauhang nakuha ni Kleve.

Marahan siyang napahinga ng maluwang sa isipin na hindi na sila masusundan pa ni Cuhen. Hindi magtatagumpay ang lalaki sa kung ano man ang plano nito. Pero agad siyang mapakislot sa nakitang may gumagalaw mula sa malayo. Tinitigan niya ito ng maiigi kung ano ito. Malinaw ang kaniyang mata kaya hindi siya nagkakamali, tao ang gumagalaw sa kabilang dako ng dalam-pasigan. Kakaahon lang ito sa dagat at mabilis na nagtago sa kadiliman kaya hindi niya na makita.

Cuhen!

Pinanlamigan siya sa pangalan lumabas sa utak niya. Imposible! Hindi siya pwedeng masundan nito. Hindi!

Nagmamadaling tinungo niya ang silid ni Kleve pero pagbukas niya, wala ito roon. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan at baka nasa kusina lang ang lalaki. Kailangan niya itong sabihan na nasundan sila ng lalaki at kailangan nitong proteksyunan ang sarili pero naikot niya na ang buong bahay, walang Kleve siyang nakita.

No! Hindi pa naman siguro patay si Kleve, right? Hindi. Hahanapin ko lang siya ulit. Alam ko...

Napatingin siya sa tatlong armadong lalaki na sabay pumasok sa isang silid. Hinintay niyang lumabas ito para tanungin ang mga iyon pero inabot siya ng bente minuto, hindi ito lumabas kaya naglakas loob siyang pumasok.

Isang library room ang bumungad sa kaniya na puno ng libro. Tumingin siya sa bawat sulok pero wala siyang makitang tao sa loob.

Napakunot ang kaniyang noo hanggang sa makita niya ang sariling pinihit ang pader na puno ng libro. Dahan-dahan itong umikot at hindi na siya nagulat doon. Isa sa pagkakaalam niya sa binata, mahilig ito sa mga invention. Ngunit ang nagpagulo sa kaniya, bakit may ganito sa resthouse nito. Anong purpose?

Puting kapaligiran ang sumalubong sa kaniya. Walang tao. May nakita siyang hagdanan at elevator, pero pinili niya ang hagdanan. Habang marahan siyang naglalakad sa hagdanan papun-tang ibaba, may naririnig siyang mga nag-uusap na tao. Pinakinggan niya ng maiigi kung kaninong boses iyon hanggang sa mapagtanto niyang boses iyon ni Kleve.

Nag-uusap ang nga ito sa lenggwaheng Spanish kaya hindi niya maintindihan. Hula niya nasa limang tao ang kausap nito ayon sa boses na naririnig niyang sumasagot at sumasang-ayon sa binata.

“I already sent someone to assasinate Mr. Malcogn like you told me but he’s quick as wind.”

Sandali siyang natigilan sa narinig. Naiintindihan niya ang lenggwaheng gamit ng mga ito. Pinili niyang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

“Hired more professional killer. I don’t care how much money it cost. I need to get rid of him as soon as possible!” galit na saad ng binata.

“Ginawa na natin ‘yan, Doc. Vergan. We hired the most well known assassin in the whole Asia, pero anong nangyari? Inunahan niyang patayin. Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ng isang Malcogn.”

Napasinghap siya sa nalaman. Kung gano’n, hindi pala basta-basta tao ang lalaki. Kaya pala nito silang patayin kahit siguro magtago siya sa ilalim ng dagat. God!

“I don’t fucking care!” malakas na sigaw ng binata, “Ako ang papatay sa kaniya.”

Napatigil siya sa paglalakad nung nasa huling batyang na siya at tila may hangin na pumipigil sa kaniyang paa na ‘wag magpatuloy.

“Wala na sana tayong problema ngayon kung hindi lang sana kumanta si Don Hernandez. That useless old man!”

Kumabog ang kaniyang dibdib at napasandal sa dingding. Bakit nasali ang kaniyang ama? May kailangan ba siyang malaman? Nagsimula siyang kainin ng maraming tanong. May kinalaman ba si Kleve?

“Pero tama ang desisyon mo Doc. Ang patayin ang ama ng fiancée mo. Sagabal lang siya.”

No!

Bigla siyang pinanlamigan sa narinig. Pakiramdam niya, babagsak siya ilang sandali kaya napakapit siya sa dingding at do’n kumukuha ng lakas. Tila sirang plakang nag-replay sa utak niya ang narinig.

Patayin ang ama ng fiancee mo.

Patayin ang ama ng fiancée mo.

Naramdaman na lang niyang masaganang lumabas ang mga luha sa kaniyang mata. Mali ba siya ng taong sinamahan? Nang pinagkatiwalaan? Ibig-sabihin, hindi si Cuhen ang salarin dito? Bigla siyang nalilito sa mga nangyayari kung bakit nagkakaganito. Nasapo niya ang kaniyang bibig habang walang tigil sa pagpatak ang kani-yang luha. Nagsimula siyang manginig sa kaniyang kinatatayuan.

“That’s the right thing to do. Ang mawala sa eksena ang matandang iyon,” kampanteng sagot nito.

“How could you!” Hindi niya mapigilang sugurin ito ng sampal at bayo sa dibdib.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.