Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 18

Nang matapos magpakapagod sa pagliligo, umahon na si Cuhen at deritso tinungong ang punong kahoy. Sinuntok niya ito nang sinuntok. Damn! Kailangan niyang maglabas ng galit sa mga oras na ito. Naiinis pa rin siya sa mabilis na pagbabago ng babae. Nagdurugo ang kaniyang kamao at balikat nang bumalik siya ng bahay.

Nagkasalubong sila nang papasok na siya ng bahay. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito at pagtaas ng kilay nang sulyapan ang sugat niyang nagdurugo.

Wala naman siyang naramdaman sakit. Manhid na ang buong katawan niya simula nung nanatay ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. Pero bakit nakakaramdam na siya ng kakaibang sakit sa tuwing iniiwasan na siya nito?

Akala niya lalapitan siya ni Ellah, pero tumalikod lang ito at umakyat sa itaas ng silid nito. Napabuntunghinga siyang pumanhik ng hagdan at tinungo ang sariling silid. Tamang-tama, pagod na ang kaniyang katawan at pwede na siyang makakatulog nito.

Walang saplot na sumalampak siya sa kama at patihayang nakatingin sa kesame. Nasa gano’n siyang ayos nang maramdaman niyang bumukas ang pintuan. Hindi siya gumalaw. Agad niyang pinikit ang mata at nagpanggap na tulog. Naramdaman niya ang yabag ng dalaga na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Buti na lamang at may kumot sa bandang ibaba niya kundi makikita nito na gising na gising na ang kaniyang sundalo. May sariling isip ito at minsan nahihirapan na siya kung paano ito pigilin.

Narinig niya ang pagbuntunghinga ng dalaga at bahagyang umupo sa kama. Dumaan ang ilang segundo at naramdaman niya ang palad nito na humaplos sa kaniyang pisngi, tulad nung ginawa nito sa kaniya dati pero hinayaan lang niya at nagpanggap na tulog. Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pinsgi at gusto niyang sumigaw sa tuwa pero pinigilan niya.

Saka niya naramdamang dinama nito kaniyang ang balikat na may tama ng bala. Ang nakuha niya mula kay Kleve. Ilang sandali pa, naramdaman niyang ginamot nito ang sugat niya sa balikat at pinalitan ng bagong bendahe. Sinunod nito ang kaniyang kamay. May ingat na nilinis nito ang sugat at tinapalan ng bendahe para tumigil sa pagdurugo.

Tila ilang libong karayom ang tumusok sa puso niya sa simpleng gestures na iyon ng dalaga at gusto niyang yakapin ito ng sobrang higpit. Bakit nasasaktan siya imbes na matuwa? Nababakla na talaga siya.

Napakuyom ang isang kamay niya at pinigilan ang sariling huwag itong yakapin. Hindi niya na gusto ang nangyayari sa kaniyang sarili.

“Kahit naaalibadbaran ako sa pagmumukha mong lalaki ka, ayaw ko naman makitang ganito ka. Napakagwapo mo sana... pero mas bet ko si Azael...” At dumeritso na itong tumayo at iniwan siya.

Fuck what?!

Napabangon siya ng wala sa oras pero pintuan na ang sumalubong sa kaniya. Fuckkkk! Gusto niyang magwala! Hindi pwede nitong magustuhan ang pinsan niyang hopeless na inlagago sa mismong kapatid nito! Magkakamatayan silang dalawa ni Azael nito! Hindi pwede!

Napaikot na lang ng mata si Ellah nang pumasok siya ng kaniyang silid. Minsan gusto na talaga niyang tuktukan ang ulo ni Cuhen, pasalamat lang talaga ito at mahal na mahal niya ito pero sa tuwing nakikita niya ang gwapong pagmumukha ng binata, naiinis siya at ang sarap pagsisipain nito hanggang sa tumakbo na umiiyak. Kung hindi lang sa sugat at kamay nitong nagdudurugo, hindi niya na ito nilapitan at ginamot.

Puro prutas lang ang kaniyang kinain nang araw na iyon dahil iyon ang kaya niyang sikmurain para hindi siya magsuka. Wala rin siyang planong ipaalam sa binata at sa kilos nito, mukhang wala pa itong alam na nagdadalang tao siya sa anak nila. Mas okay na iyon, ayaw niyang may alam ito.

Balang-araw rin ay aalis siya sa islang iyon. Naghihinatay lang siya nang tamang pagkakataon na makaalis. Naiiinis siya at nagagalit sa tuwing nakikita niya ang mukha nito kaya bago pa niya ito tirisin, kailangan niya munang makalayo sa lugar na iyon at ang tanong paano niya gawin iyon?

ISANG linggo. Isang linggong dumaan na laging mainit ang kaniyang ulo at si Cuhen ang lagi niyang nagpapabuntungan. Kung hindi sampal, bugbug ang inabot nito sa kaniya. Ang kinapapagtaka lang niya ay hindi ito nagrereklamo o dinadaan siya sa dahas tulad ng dati. Tatahimik lang ito at iilag pero kapag iilag naman ito, mas lalo siyang nagwawala sa inis. Kaya ang nangyayari, nauuwi sa walk out ang ganda niya at hindi lalabas ng silid buong maghapon. Lalabas lang siya kung pakiramdam niya wala na ang binata o pumunta ito sa ibaba kung saan ang private resort nito na sa pagkakaalam niya ay sinimulan na nitong buksan at maraming mabibigating tao ang dumalaw at pumapasyal.

At pagkakaalam din niya, pupunta ng Pensylvannia si Cuhen para raw sa pinsan nitong maglalaro ng Hockey. Gusto siya nitong isama pero matinding ayaw ang nakuha nito sa kaniyang kasagutan. Ano ang gagawin niya ro’n? At isa pa, mas natutuwa siya sa ideyang aalis ito. Ibig sabihin siya lang mag-isa sa isla at napakagandang ideya iyon para sa kaniya.

“Damn! I can’t leave her alone. Fuck dude! I’ll see you on your game next year. Bye.”

Nagtagpo ang kilay niya nang marinig ang pag-uusap nito sa cellphone at nakatalikod sa gawi niya. Bwesit! Akala ba niya ay aalis ito ngayon linggo?

Inis na nagmartsa siyang pumasok sa kaniyang silid na hindi nito napansin pero hindi pa man siya tuluyan nakapasok, nagmamadali na itong tumakbo papalabas ng bahay nang makatanggap ito ng panibagong tawag. Hindi niya na inalam at pagod siyang alamin ang bagay na iyon.

Sobrang bagot na bagot na siya na nakahiga sa kama nang muntik na siyang atakehin sa gulat nang makita si Azael na umakyat mula sa bintana at natatawang lumundag sa kaniyang harapan.

“Hi, Ellah!”

God! Bibigyan yata siya ng sakit ng taong ‘to! Kaya sa inis niya, binato niya ang unan sa lalaki na tinawanan lamang nito at umupo sa couch na naroon sa loob ng kaniyang silid. Kampante lang itong nakaupo at mukhang may binabalak na naman ang loko. Bumangon siya at tinaasan ito ng kilay.

“Bakit ka nandito at sa bintana pa talaga dumaan. Ano ka, may lahing tarzan?” pakli niya.

“Chillax, Ellah! May plano ako.” Nakangising sabi nito.

“Itatakas mo ba ako? Sige! Pwede ba?” biglang nag-liwanag ang mata niya.

Humalakhak ito at tila aliw-aliw sa naging reaksiyon niya. Napaubo pa ito at halos hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi rito. “Damn Ellah, gustong gusto mo yata akong ipapatay sa pinsan ko?”

Napasimangot siya, “Wala ka naman pala maitutulong. Umalis ka na at baka bayagan kita diyan!”

“Hooh easy woman! Gusto ko pa magkaanak. Unfair naman kung kayo lang ni Cuhen.”

Napatingin siya rito. May alam ba itong buntis siya?

Ngumisi ito. “Alam kong buntis ka at mahal mo ang pinsan ko. Nakikita ko sa mga mata at kilos mo nung araw na tumuntong ako rito at hindi maikakaila ang pagmamahal mo,” bigla itong naging seryuso at tinitigan siya ng maigi, “Pero sa sitwasyon ngayon, gulong-gulo ka dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar sa buhay ni Cuhen. Kung mahal ka rin ba niya o hindi awa lang ba ang nararamdaman niya para sa iyo.”

Natahimik siya at nag-iwas ng tingin. Ayon na naman ang pakiramdam na nasasaktan siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Alam niya iyon at matagal niya ng alam na hindi siya magagawang mahalin ni Cuhen dahil nananatili ang puso nito sa babaeng minahal nito. Kaya nga hindi niya sinabing buntis siya at nagpapasalamat din siya na hindi sinabi ni Herrence at Azael sa binata na buntis siya. Ayaw niyang ang bata ang maging dahilan para mananatili siya sa buhay nito. Kung mananatili man siya, iyon ay ang dahilan na mahal din siya ng binata pero mukhang imposible ang bagay na iyon para sa kaniya.

“Sa tingin mo, mahal ka ba ni Cuhen?”

Napatingin siya rito at umiling, “Alam kong hindi. Alam ko kung gaano niya kamahal si Dr. Florae kaya alam kong hindi niya ako kayang mahalin. Kung ano man ang namagitan sa`min, iyo ay dahil hinayaan ko siya na ituring ako nang ganito,” biglang gumuhit ang lungkot sa hitsura niya pero nang maalala ang nakakainis na mukha ni Cuhen ay biglang nagtagpo ang kaniyang kilay.

Hindi niya alam kung bakit ganito kainit ang dugo niya sa binata. Huwag naman sanang ito ang pinaglilihian niya. Ayaw niyang pati anak nila ay kamukha pa nito. Masyado naman yatang unfair ‘yon samantalang siya ang nagdala.

“Gusto mo tulungan kitang itakas rito, ulit?” tumitig ito sa kaniya, “Madali kitang maitatakas dahil nasa Manila ngayon si Cuhen. Nagkaroon ng malaking problema ang pinaka-main company niya at kailangan na kailangan siya ro’n kahit pa na siya ang may-ari.”

Napasinghap siya at umilaw ang saya sa kaniyang mga mata. Mukhang maganda ‘tong sinabi sa kaniya ni Azael at sobra siyang na-excite. Kung gano’n makakatakas na siya sa lugar na ito.

“Itatakas kita hindi dahil sa ilalayo kita sa kaniya Ellah, kundi, aalamin mo kung mahal ka rin ba niya tulad nang pagmamahal mo sa kaniya. Titingnan natin kung saan ang kaya ni Cuhen pag makita niyang wala ka sa isla pag uwi niya.” Huma-galpak ito ng tawa. Mukhang may iniisip itong kalokohan pero nagustuhan niya ang suhestiyon nito.

Tama. Titingnan niya sa pag-alis niya kung hahanapin din ba siya ng binata o mahal ba talaga siya nito, “Game! Gusto ko ‘yan.”

Namilog ang mata nito na halatang hindi makapaniwala, “Patay kang Cuhen ka!” Tumawa ulit ito at palakad-lakad sa gitna ng silid na parang nag-iisip na maaring gawin. “Dahil sinunog niya ang isang rest house ko sa Tagaytay na kabibili ko lang, maka-kaganti na rin ako sa pamamagitan ng pagtulong ko sa`yo na makatakas. Hindi na ako makapaghintay!”

Napipilihan naman si Ellah sa narinig, “Teka anong sinunog?” minsan naguguluhan na talaga siya sa takbo ng magpinsan na ito. Ganito ba kakomplikado ang mga pag-iisip ng mga ito?

“Forget it. Ang dapat gawin natin ngayon ay tumakas na!”

Hindi niya alam kung ano ang sumunod basta ang alam niya ay sumama na siya kay Azael. Nakahimpil ang motorboat nito sa kabilang panid ng isla, dumaan sila sa isang yungib at ang shortcut ay dagat na ang tumambad na sa kanila. Nabasa niya ito sa mapa dati pero hindi niya akalain na madadaanan niya ito ngayon kasama ang lalaking ito.

“This is so exciting, Ellah. Hooh! Of course, the plan is running away from him. Mayroon akong lugar na hindi niya kayang apakan ulit, sa Russia. Pwede ka ro’n sa rest house ko...”

“Bakit hindi niya kayang apakan ulit? Anong meron?" pasampa na siya sa motorboat nito.

Nagkibit ito ng balikat at tumawa. “Nagbakasyon sila dati ni Florae sa Russia, I think 4 years ago na yata, nasunog ‘yong vacation house nila habang nasa loob si Florae. Muntik na nga mamatay at nasunog talaga ang kalahati ng katawan ng fiancee niya, buti na lang may pakpak ang pera at naibalik naman sa dati ang katawan nito.” Saka nito sinimulan paandarin ang sasakyan pandagat. “Nagka-phobia si Cuhen no`n at ilang buwan din nag-stay si Florae sa Hospital. Kaya ayaw na ayaw niya ng tumuntong sa Russia.”

“Gano’n?” napataas ang kaniyang kilay.

“Baliw talaga ang lalaking ‘yan, pati ang tahimik na lugar sinumpa niya buong buhay kaya kung mapapansin mo... Walang kompaniya or negosyong tinayo ang gagong ‘yon sa Russia. Sobrang mahal na mahal kasi ng gagong ‘yon si Florae kaya ang mga bagay na nagpapasakit at nanakit dito ay handa niyang burahin sa mundo.”

Napaismid siya, “Ang liit naman na dahilan iyon. Ano siya bata!” himutok niya at naiinis siya sa sariling pakiramdam na pinagseselosan niya ang namayapang babae. Mahal na mahal talaga ito ni Cuhen kaya malabo na mamahalin siya nito.

Nakakatawa! Ano ba itong pinag-iisip ni Azael... Kung sabagay gusto rin niyang lumayo at magpakalayo. Alam niyang mismo sa sarili na hindi kailanman matutugunan ang pagmamahal niya sa binata. Hindi niya kailanman mapapalitan ang puwang ni Florae sa puso ng lalaki. Mananatili at mananatiling ang babae lang ang mamahalin nito at siya... Wala. Walang pag-asa kahit maliit na porsyento.

Sa sobrang makapangyarihan ng pera, nakalabas siya ng Pilipinas na walang ginasto kahit piso o anuman dalang damit. Basta lang siyang sinakay ni Azael sa private plane nito na halatang nakahanda na sa araw na iyon patungong Russia.

This is it! Malaya na nga siya... Pero pakiramdam niya biglang nakaramdam ng hungkag ang puso niya. Hindi! Inis siya sa lalaki at hindi siya mahal nito kaya mabuti itong ginagawa niya. Nagtataka lang siya kung matalik na magkaibigan at magpinsan ba talaga ang dalawa at mukhang nagpapatayan ito patalikod. Pinagkibit na lamang niya iyon ng balikat at hinayaan ang mga ito, wala siyang pakialam. Basta ang tanging gusto niya ay makatakas at makalayo.

Kompleto ang kagamitan ng rest house ni Azael ng dumating sila ro’n mula sa napakahabang byahe. Malapit ito sa dagat at malayo sa kabihasnan. Mula sa damit pambuntis hanggang sa pagkain ay nakahanda. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang lahat na talagang sasama siya.

Ang nakakatuwa pa, may kasama siyang isang pinay na medyo matanda sa kaniya ng ilang taon... Katulong na ini-hired nito para makasama niya sa pananatili ro’n. Malaki ang rest house at hindi siya mababagot. May cellphone itong binigay sa kaniya at numero lang nito ang naka-save kung sakaling may kailangan daw siya.

Umalis din ito matapos siyang iwanan ng konting cash at credit card kung sakaling gusto niyang bumili at magwaldas raw. Napairap na lamang siya sa kaartehan nito.

Para siyang ibon na nakalaya nang dumungaw siya sa balkonahe at nilamyos ang preskong hangin. Pagod na pagod siya sa byahe pero pakiramdam niya, nawala lahat iyon dahil sa isipin malayo na siya kay Cuhen. Saka niya dinama ang tiyan at napangiti. Kanino kaya magmana ng kagwapuhan ang anak niya? Pakiramdam niya, lalaki ang kaniyang anak.

“Ma’m, gusto niyo po ba ipaghanda ko kayo ng makakain?” bungad sa kaniya ng katulong.

“Hindi na saka Ellah na lang din itawag mo sa`kin, nakakailang ang Ma’m kasi...” nakangiwing saad niya nang bumaling rito.

Tumango naman ito at maayos na nagpaalam na sa kusina muna ito at maglilinis. Kapagkuwan ay nagpasya siyang mag-pahinga sa silid na pinagdalhan sa kaniya ni Azael. Malaki ang naturang silid at malambot ang higaan kaya hindi niya namalayan na nakatulog siya agad.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.