Kinansela ni Kleve ang kanilang kasal. Dinala siya nito sa States para magpagaling dahil sa matinding trauma ang kaniyang nakuha. Nagigising siya bawat gabi na umiiyak. Sa panaginip niya, hinahabol siya ni Cuhen.
Pero isang araw, umalis Si Kleve at may ka-business meeting. Naiwan siyang mag-isa sa bahay na pagmamay-ari ng magulang nito.
Napakislot siya nang may narinig siyang kaluskos sa kusina. Dali-dali siyang umakyat ng silid niya sa ikalawang palapag ng bahay.
Simula nung nalaman niyang pinatay ni Cuhen ang matandang Ama niya, naging matatakutin na siya at itong takot niya ang kaniyang nilalabanan ngayon. Gusto niya isang araw na maghaharap sila ni Cuhen, makukulong na ito at kaya niyang makipaglabanan ng ayon sa gusto nitong laro.
Naalala niya, nakita niya sa online news ang mukha ng binata nung nakaraang araw. Madilim pa rin ang aura nito at handang lalapa ng tao anuman oras.
“Mr. Malcogn nung nakaraang linggo sana ang kasal niyo, may lead na ba kayo kung sino ang pumatay kay Doc. Florae at sa’yong ina?” tanong ng reporter dito na kalalabas lang ang lalaki sa mamahalin sasakyan.
Tumalim naman ang hitsura ng binata at biglang sinakal ang kawawang reporter kaya nagkagulo. “Don’t you ever mentioned my fiancée’s name. Get lost or I’ll kill you.” galit na saad nito at iniwan ang kawawang reporter na habol ang hininga.
Nayakap niya ang sariling tuhod that time at dali-daling pinatay ang cellphone. He is ruthless demon! Pero ngayon, ang pagmamahal niya ay napalitan na lang ng poot at suklam. Nawala na ang pagmamahal niya. Pati ang mga kawawang tao at inosente, nadadamay dahil sa kademonyuhan nito. Nagising na siya sa kahibangan niya rito.
Ni-lock niya ang pintuan at deritsong tinungo ang kama. Hawak-hawak niya ang phone sa isang kamay para tawagan sana si Kleve na umuwi na dahil natatakot siya nang biglang bumukas ang pintuan.
No! Not again please.
Ang taong ayaw niyang makita, ang taong tinakasan niya sa isla at pumatay sa ama niya ay nasa kaniyang harapan ngayon. Matikas ang tindig at... Madilim ang anyo.
Agad niyang dinial ang numero ni Kleve pero mabilis itong nakalapit sa kaniya at dinurog ang cellphone hawak niya sa pamamagitan lang ng kamay. Nag-apoy ang galit sa dibdib niya sa ginawa nito kaya hindi niya mapigilang sampalin ang lalaki.
“You! You killed my father. Mamatay ka na!”
Hinawakan nito ang pisnging nasampal at matalim siyang tiningnan. Hinawakan nito ang kaniyang kamay na sumampal dito at bigla siyang ipininid sa kama kaya lumubog siya.
“And the next target I have is your Kleve, sweetheart...” pabulong na sambit nito sa kaniyang teynga.
Sumigaw siya sa sobrang galit at pinaghahampas ito. Hindi nito pwedeng basta-bastang patayin ang mga mahal niya! “Anong kasalan namin sa`yo at ginagawa mo ito?! I’ll sue you. Mamamatay ka sa kulungan!”
Ngumisi ito. Kita niya ang ibang kislap sa mata ng binata, “Then sue me. There’s no point in running away from me, Ellah. Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Saan ka magtatago, nandoon ako at ibabalik kita sa lugar kung saan ka nababagay; sa isla, kasama ako.” Umalis ito at mabilis na naglaho sa kaniyang harapan.
Nangangatal sa takot ang kaniyang katawan at nagsimulang pumatak ang mga luha sa kaniyang mata. Mababasag yata ang ulo niya sa mga nangyayari. Bigla niyang sinapo niya ang noo dahil sumakit iyon. Akala niya ligtas siya rito sa States pero bakit mas lalong malapit sa kaniya ang kamatayan? Ano pa ba ang kailangan nito?
God! Tulungan mo akong makatakas sa bangungot na ito.
“Ellah!” Si Kleve iyon na pahangos na tumakbo sa kaniya. Nakalarawan ang takot sa mukha nitong yakapin siya. “What happened? I was calling your phone but you’re unattended. Are you okay? Fuck! I should not let you leave alone by yourself.” napasabunot ito sa sariling buhok nang bitawan siya.
Napahikbi siya at niyakap ito. Kahit wala na siyang pagmamahal na makapa sa binata, nag-aalala pa rin siya at ayaw niyang may masamang mangyayari kay Kleve.
“Please itago mo ako sa lugar na hindi niya mahahanap o masusundan. Natatakot ako na baka ikaw na ang isusunod.”
Naguguluhan itong nagtaas ng tingin at tinitigan siya, “Ayukong ibalik ka sa nakaraan pero pwede mo ba sabihin sa`kin ang lahat? I promise, I will protect you.”
Nagdadalawang isip siya. Paano kung ando’n pa rin si Cuhen at nagmamasid sa kanila. Hindi ito ang tamang panahon pa para sabihin niya rito. Saka na siguro pag makaalis sila sa States.
NASA eroplano sila papuntang Spain. Takot na takot siya pero nasa tabi niya lagi ang si Kleve at siyang nagpapalakas ng kaniyang loob at nagbibigay ng lakas para lumaban. Paano na lang kaya siya kung wala ang lalaki? Nabaliw na siguro siya ngayon.
Sinimulan niyang ikwento sa binata ang nangyari sa kaniya at kung sino ang kaniyang abductor. Kinwento rin niya kung sino ang pumatay sa kaniyang ama at gano’n na lang ang pagtatagis ng bagang nito.
“That piece of shit! Ipapakulong natin siya. Fuck him!”
“Huwag muna ngayon Kleve, natatakot ako sa anong kaya niyang gawin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ginugulo niya ako. Pinatay niya na ang ama ko. Hayop siya! Hindi ko siya mapapatawad.”
Sandali itong natigilan at napatingin sa kaniya, “Paano kung hindi siya ang pumatay ng ama mo?”
“Narinig ko sa mismong bibig niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad,” napuno ng suklam at poot ang dibdib niya, “At ayukong gawin din niya sa iyo iyon. Huwag mo rin akong iwan, Kleve. Ayukong maiwan mag-isa. Mangako kang hindi mo ako iiwan at gagawa ng hakbang na ikakahamak mo.”
Lumambot ang ekspresyon nito at masuyong ginanap ang kaniyang mukha. “I love you so much.” Saka siya nito niyakap ng mahigpit.
Habang napangising napakuyom ng kamay si Cuhen habang pinagmamasdan ang hotel na tinuluyan ng dalawang taong kaniyang sinundan mula States hanggang Spain. Hindi siya nito matatakasan kahit saan ito magtatago. Araw lang ang kaniyang bibilangin at dadanak ulit ang dugo. Damn! Naging hilig niya na ang pumatay. Psychopath? No, naniningil lang siya ng may utang...
“Honey, aalis muna kami ni Mommy. Pupunta kami sa favorite restaurant,” bungad sa kaniya ni Florae nang mag-video call sila. Ang lawak ng ngiti nito at masayang-masaya.
Her sweet Florae. Napangiti siya. Sino ba siya para pigilan ang dalaga. Lahat ng gusto nito ay binibigay niya. “Okay just take good care of yourself and—”
“Our baby! Of course,” tumawa ito sa kabila at naglalambing pa sa kaniya bago pinatay ang tawag.
And that’s the ending. The next call he received from her best friend Herrence, wala na ito. Gumuho ang kaniyang mundo at hindi naniwala kaya kinailangan niyang umuwi agad ng araw na iyon. Only to find out na wala na nga ang dalawang taong importante sa kaniya kasama ang kaniyang anak na hindi pa naisilang.
Nag-self invistigate siya sa pinangyarihan ng krimen. Sa isang abandonadong nasunog na Hospital. Malinis ang pagka-kagawa. Walang lead makakapagturo pero hindi siya, kaya niyang palitawin ang itim sa puti. Lumabas sa tatlong araw niyang pag-imbistiga, si Don Hernandez ang salarin at siyang dapat managot.
NAKAYAKAP si Ellah sa malaking unan habang nasa kabilang kwarto naman si Kleve at mukhang tulog na. Panay baling niya rin sa kama at halos naikot niya na buong sulok pero hindi pa rin siya dinalaw ng antok. Ang daming tumatakbo sa kaniyang isipan. Ipinikit niya ang mata at pinilit matulog.
“You sleep like a baby,” anas ni Cuhen.
Sa kaniyang panahinip, nasa kaniyang kwarto ito at pinagmasdan siya. Sa panaginip niya, hindi siya nakaramdam ng takot dito.
“Ayukong makita ka. Lumayo ka sa`kin,” paanas na sabi niya rito sa panaginip at bahagya itong inismiran.
Tumiim lang ang titig nito sa kaniya, “Hindi pa tapos ang lahat. Magbabayad ang dapat magbayad.” Saka ito naglaho.
“What?! Fuck! What happened?”
Nagising si Ellah sa ingay ni Kleve sa sala. May katawag ito sa cellphone at nakatalikod sa kaniyang gawi nung lumabas siya para puntahan ito.
“Paanong bumagsak ang dalawang Hospital ko?! Bullshit! Gawan niyo ng paraan na maisalba.” Tinapon nito ang cellphone sa ibabaw ng sofa at tulirong napasabunot sa buhok. Ilang beses nagmura at galit na tinadyakan ang nuebles na sahig.
“Okay ka lang?”
Mabilis na lumingon sa kaniya si Kleve at nilapitan siya saka hinalikan sa pisngi. “Bumagsak ang dalawang Hospital ko. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong magiging okay rin ang lahat,” napabuntunghinga ito, “Anong gusto ng baby ko? Name it.” ngumiti ito pero ngiting hindi abut sa mata.
Ginanap niya ang pisngi nito at pinisil iyon. “Just you,” lies! Ayaw niyang dagdagan ang problema nito.
“You make my heart fluttered, baby.” Hinalikan nito ang kamay niyang pumisil sa pisngi nito nang ganapin iyon.
Naputol lang iyon nang tumunog ang phone nito. Sinagot nito ang tawag at napasigaw sa sobrang galit. Tinawag ng sekretarya nito na tatlo sa Pharmaceutical Company nito ay biglang nag-bankrupt ngayon-ngayon lang.
Walang ibang pumasok sa isip ni Ellah nang mga sandaling iyon. Si Cuhen Malcogn lang ay may kayang gumawa ng ganito. Mayaman ng pamilyang pinagmulan ni Kleve at meron itong mga Hospitals sa panig ng Pilipinas at Pharmaceutical Companies sa iba’t ibang bansa. Pero alam niyang mas makapangyarihan at mayaman si Cuhen. He is well known multi-billionaire in Asia. Marami itong pag-aaring companies at negosyo. From real estate, hotels and restaurants, to AirCef Airport na naglalayag sa iba’t ibang panig ng Asia. Napakayaman nito at isang pilantik lang ng kamay, kaya nitong bumawi ng buhay tulad ng ginawa nito sa kaniyang ama.
Kahit ayaw ni Ellah, napilitan silang umuwi pabalik ng Pilipinas para personal na ayusin ni Kleve ang kompaniya. Gusto niyang magpaiwan pero pag ginawa niya iyon, binibigyan niya lang ng rason si Cuhen na mabilis siyang patayin.