Ilang beses nagkakatagpo ang landas nila ni Azael sa labas. Pero sa kalagayan at kondisyon nito, para lang itong est-ranghero. Titingin lang ito sa kaniya at tatango. Minsan ngumingiti, minsan hindi. Minsan siya ang umiiwas. Minsan kakausapin siya pero mas madalas kausapin nito si Theon pero hindi nagtatagal umaalis din ito sa tuwing sumasakit ulo nito. Not fair.
Dapat pareho silang may amnesia para naman hindi unfair sa kalagayan niya. Madalang na lang din siyang umuuwi ng mansiyon ng Legrand. Sa isang linggo, isang beses lang and after that ay balik agad sa bahay nila ni Theon. Nasasaktan siya sa tuwing bumabalik siya sa bahay na iyon. Marami siyang naaalala. Pero ang ayaw talaga niyang makita sa mansiyon ay ang family portrait nila sa sala. Ang saya niya ro’n at walang kahit na problema. Iyon ‘yon panahon na kapatid pa ang turing niya sa lalaki at hindi estranghero na lang.
Natigil siya sandali nang makita si Azael na papalabas ng gate. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na bigay sa kaniya ni Theon nung nakaraan buwan. Papalabas na siya ng gate pero naudlot iyon. Nakatali ang hanggang balikat nitong buhok at rugged ang suot. Gusto niyang bawiin ang paningin at ibaling sa minamanehong sasakyan pero nakapako ang tingin niya rito.
Nakita niyang sumulyap ito sa kaniyang gawi pero agad din nagbawi ng tingin at namulsa. Ibang iba ito sa Azael na kilala niya. Nagmukha itong ibang tao. Napakunot siya ng noo nang may huminto na taxi sa harapan nito. Naghintay siya kung sino ang bumaba o kung sino ang bisita nito. Pero ang hindi niya inaasahan, ang sumunod na bumaba ay ang babaeng higad!
Agad kumulo ang dugo ni Amara at nangangati yata siyang puntahan ito at lampasuhin ang pagmumukha! Nakita niya ang mabilis na pagyakap ng babae kay Azael. Humalik ito sa labi ng kuya niya at malambing na naglambitin. Ano ito, unggoy?
Tiningnan niya ang reaksyon ni Azael. Nakita niya ang masayang mukha nito na hindi niya nakita dati. Ang lapad ng ngiti at parang nakakita ng anghel. Mahigpit nitong niyakap ang babae at para siyang nanonood ng koreanovela sa nakita pero ‘yon nga lang, hindi siya kinilig. Nakakasuka kasi ang pagmumukha ng bumida at hindi bagay sa hindut na gumanap ng teleserye. Pwe!
Pinagpatuloy niya ang paglabas ng gate at hindi pinansin ang nakita. Dito siya ngayon susubukan ng babae dahil nag-aral na siya ng martial arts, walang iyakan talaga. Sinadya niyang pindutin ang busina ng sasakyan. Natawa siya ng umigtad ang babae sa gulat at galit na galit na bumitaw sa lalaki. Mabilis itong nagtungo sa gawi niya. Napangisi siya, ano nga ulit iyon sinabi niya kanina?
“Hey! Get the hella you!” galit na lumapit ito sa tinted niyang bintana. Nakapameywang at umuusok ang ilong.
Nyeh nyeh hella bitch!
“Ano, bingi ka ba?! Ang sabi ko, bumaba ka sa sasakyan mo—”
Hindi niya ‘to pinatapos sa pagsasalita. Mabilis niya pina-atras ang sasakyan at agad na pinaharurot papalayo sa ibang direksyon. Ang lakas ng tawa niya nang paliguan niya ito ng usok. Ito ‘yong tamang salitang, `Eat My Dust’.
Ayan, nababagay iyon dito tutal ginawa nitong peste ang buhay niya sa abroad, gagawin din niyang peste ang buhay nito sa Pinas! Pasalamat ito at may amnesia ang kapatid niya. It’s one of her welcome appreciation sa napakagandang tulad nito. Duh! Ang sweet niya kaya. Not to mention na maagang pinakulo ng babae ang dugo niya nang araw na iyon.
NASANAY siyang mag-jogging every morning sa loob ng Fobres Park bago papasok sa sikat na University kung saan siya nag-aaral. Minsan kasabay niya mag-jogging ang asawang si Theon, minsan naman hindi.
Napaikot siya ng mata nang makita si Azael na nag-jogging din. Naka-jogging pants at simpleng sando lang ito habang naka-man bun ang buhok. Mas lalaki itong tingnan sa Polynesian Tribal Tattoo nitong halos sakupin ang buong braso. Naka-headset din ito at seryuso. Nag-iwas siya ng tingin nang tumingin ito sa kaniya at nag-iba ng daan.
Sunod-sunod na nilagok niya ang bottled water nung pauwi na siya. Akmang papasok siya ng gate ng kanilang bahay nang tawagin siya nang bwesitang kapitbahay niya. Hindi siya nag-abalang lumingon nang makita niya mula sa kaniyang peripheral vision na si higad pala.
Ano ba kailangan nito? As far as she remember, wala siyang atraso sa pagmumukha nito at mas lalong wala siyang oras. Baka sa mga sandaling ito, tapos na si Theon at nakapagluto na rin. Ito lagi ang naghahanda ng pagkain sa kanila tuwing umaga. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok ng gate.
“Bitch!”
Ningisihan niya lang ito nang makapasok na siya nang tuluyan sa gate. “You mean yourself?”
Tumalim ang mga mata nito at handa yata siyang sakalin. “There will be a second war for us. Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kahapon and I know it’s you who did it!”
Nagkibit siya ng balikat at ningitian ito ng ubod tamis. “Yep. And I loveee to do it again. Let’s try it now?” Binuksan niya ulit ang gate. Dito sila magsukatan ng tapang ng babaeng ito! Pero agad siyang natigilan nang makita si Azael na pabalik at basang-basa ng pawis.
Kung dati hindi niya kayang tingnan ang pagmumukha nito, ngayon napatitig siya sandali sa lalaki. Naliligo ito ng pawis pero imbes na maruming tingnan dahil sa balbas at mahabang buhok, mas lalong nag-umigting ang kagwapuhan nito. Hindi pinangalanan ang kapatid niya ng Azael Aadi kung wala itong mabubuga.
Sandaling sumulyap ito sa kaniya pero saglit lang dahil mabilis natuon ang atensyon nito sa babaeng akala mo nasa bar nagtrabaho dahil sa ikli ng dress na suot. Wala ba itong planong mag-apply as pole dancer? Kakasa ito dahil mukha naman itong malandi sa tingin niya.
“Honey…” Si Azael.
“Hey hon, let’s go inside? I’m so done here with your neighbour. Akala mo maganda.”
Pinigilan niya ang sarili. Masyado pa naman maaga para makipagpatayan kaya kinalma niya muna ang sarili. Alam niyang maganda talaga siya kahit ikompara pa sila ngayon. 19 years old siya pero may panglaban ang kagandahan. Nasa tamang proposyon na ang kaniyang katawan at samantalang ang babae, puting balat lang ang pinaglalaban nito. Kung hindi pa siguro ito maputi, ano na lang kaya ang hitsura nito kung gano’n? Pagong? Hay, ang abd niya na talaga. Natawa siya sa naisip at nagderitso na sa loob ng kabahayan. Alam niyang naghihintay na si Theon sa kaniya.
“BYE wife,” Si Theon.
Tinawanan lang niya si Theon sa tuwing tatawagin siya nito ng gano’n. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mag-asawa na sila ng pokpok na ‘to.
“Take care hubby,” panggagaya niya sa tono ng lalaki.
“Without kiss?”
Pinakitaan niya ito ng kamao at braso. Tumatawang umalis ito sa kaniyang harapan at nagtungo na sa garahe kung saan naghihintay ang sasakyan nito. Naalala pa niyang sa noo lang siya hinalikan ng asawa nung araw ng kasal nila at pagkatapos, wala ng sumunod pa.
Pero nung magsama sila sa iisang bubong, doon niya napagtanto na hindi naman talaga pokpok ang lalaki tulad ng pagkakilala niya rito. Theon was the most sweetest guy she ever known. Sobrang maalalahanin ito taliwas sa kapokpokan at kalandian na pinapakita nito sa kaniya dati.
Wala siyang pasok sa araw na iyon, kaya nagpasya siyang bisitahin ang ina sa Beauty and Spa business na personal nitong pinapatakbo. Naging hobby nito iyon, habang ang kaniyang ama ay nagpatuloy sa pagpapatakbo ng company lalo na at ganito ang kalagayan ni Azael.
Ang lawak ng ngiti ng Ginang nang makita siyang pumasok. Agad siyang niyakap nito nang mahigpit.
“I’m expecting a good news from my lovely daughter,” bungad nito.
“Mom!” pinandilatan niya ito ng mata. Alam niya ang ibig sabihin nito. Naniningil ito ng batang matatawag na apo sa kaniya. Parang gusto niyang pandirihan at magpatirik ng kandila sa bagay na iyon. Malabong maiibigay nila ni Theon ang apo na sinasabi nito.
“What?” natawa ito. “Wala naman akong sinabi, ah.”
Umirap lang siya. Alam niya ang tono ng boses nito. Ito ba naman lagi ang binubungad sa kaniya o kaya naman ay tinatanong kung kumusta ang marriage life nilang mag-asawa at may nabuo na ba. Kung malalaman siguro ng mga ito ang gap at boundaries nila ni Theon, baka batok at kurot ang makuha niya sa ina.
Umupo siya sa bakanteng upuan paharap sa malaking salamin, kasama ang ibang mabibigating customer. May nag-aasikaso sa mga ito isa-isa. Mayamaya, lumapit ang ginang sa kaniya at pinagtabi ang kanilang mukha at sa malaking salamin sa loob ng Beauty Spa na iyon, napatitig siya sa mukha nilang mag-ina. Matagal niyang tinitigan ang repleksyon nilang dalawa.
“Ang ganda-ganda mo. Kamukhang kamukha mo ang lola mo.” Ang tamis ng ngiti nito at hinalikan siya sa pisngi.
Napatingin siya rito mula sa repleksyon. “My...” medyo nag-alangan siyang sabihin sa gumugulo sa utak niya, “Hindi ba ako ampon?”
Napatingin ang ilan sa mga customer sa kaniya at ang lakas naman ng tawa ng Ginang. “Of course, you’re not.”
Tinitigan niya ang mata nito at kitang-kita niyang nagsa-sabi ito ng totoo. Mabilis niyang pinilig ang ulo at pinagalitan ang sarili. Bakit nga niya pala naisip na ampon siya? Imposible nga kasing hindi siya anak dahil kung nangyari iyon, 10 years ang gap nila ni Azael. Dapat ang lalaki ang magsasabi agad sa kaniya na ampon lang siya dahil may isip na ito nung nasilang siya sa mundo. Iisa lang ibig sabihin nito, magkapatid sila mula dugo at laman at hindi na magbabago ang bagay na iyon.
“Nakita mo na ba ang girlfriend ng kuya mo? She’s beautiful. Hindi lang sa panglabas na anyo and I really like her for Azael!”
Napatanga siya sa sinabi nito. Wait, kilala nito ang babaeng pagong na iyon? Ano kaya kung sabihin niya rito, na ito ang mortal na kaaway niya sa Australia. Alam niyang nagpa-plastic lang ang babaeng iyon. Kilala pa naman niya ang ina, mabilis itong madala sa konting drama at actingan na parang Maria Clara.
“Nung naaksidente ang kuya mo, siya ang nagbantay sa Hospital. Nalaman ko rin na nag-propose na ang gwapo mong kapatid sa kaniya,” sandali itong tumigil at sinuklay ang kaniyang mahabang buhok, “And finally, your brother found his love of his life.” nakangiting wika nito.
Biglang umasim ang kaniyang pakiramdam. Bakit nagustuhan agad ito ng Mommy nila? That’s fucking unfair! Alam niya ang totoong ugali ng babaeng iyon at isa siya sa aayaw na makakatuluyan ito ni Azael. Hindi ang maarteng tulad nito ang nababagay sa lalaki.
“Mom, hindi man lang ba kayo tutol? I mean, baka masama ang ugali ng babaeng ‘yan o kaya nagpapanggap lang na mabait para magustuhan mo.”
Tumingin ito sa kaniya mula sa salamin at pinisil ang baba niya. “Galing siya sa mataas na pamilya at may dignidad. Her father is a lawyer at the same time, Senator. Ang Mommy naman niya ay nangangasiwa ng foundation sa mga babaeng inaabuso ng mga kalalakihan. Trust me honey, mabait siya. Ilang beses ko na siyang nakita at nakasama at sobrang bait niyang bata. I can’t wait them to get married.”
Talaga lang, ha? Parang gusto niyang mapangisi sa lan-tarang papuri ng ginang sa babae. Ayaw niyang mainis pero nang mga sandaling iyon, kinain siya ng inis. Anong ginawa ng Penelope na iyon para makuha ang loob ng Mommy niya? Pang-famas ang acting nito. Bagay dito ang mag-artista! Pero wait, siya ang kontrabida at hindi ito deserving sa pamilya nila lalo na sa kaniyang ina.
“I gotta go Mom.” Bigla siyang tumayo. “Nakalimutan kong may lakad pala kami ni Theon today after his meeting. See you around.” Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam. Hindi na siya nito napigilan dahil mabilis siyang naglakad palayo.
And speaking of the bitch, nakasalubong niya ito sa pintuan. Papasok ito at may bitbit na lutong bahay na pagkain. Napataas ang kilay niya. Hindi lang pala ito peste, sipsip din. Nagtinginan silang dalawa at himala, para itong asong bahag ang buntot dahil walang salitang lumabas sa bibig nito pero kitang-kita niya ang matalim nitong tingin.
“Hey slut!” bati niya rito at inirapan. Ang sarap nitong kutusan sa mukha. Pero dahil ayaw niyang magsimula ng away ngayon, agad na siyang nagtuloy papalabas. Hindi niya inasahan ang pasimpleng pagharang nito ng paa sa daraanan niya para dahilan na madapa siya.
That’s it! Sinagad na ng hayop na ito ang kaniyang pasensya. Sa sobrang gigil niya at inis, mabilis siyang tumayo at isang malakas na sampal ang ginawad niya sa pisngi nito. Sa sobrang lakas ng sampal niya, nabaling ang mukha nito bumakat ang kaniyang kamay. Agad naman itong pumalahaw ng iyak at nag-inarte. Letse! Pinapalabas nitong siya ang may kasalanan ng hayop na ito.
“What happened here?!”
“Tita-Mom!” Mabilis itong lumapit sa kaniyang ina at maarteng umiyak na yumakap dito. “She slapped me. Wala naman akong ginawa, bigla na lang akong sinampal ng anak niyong si Amara.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Paano nito nalaman na isa siyang Legrand? So, alam na rin nito na magkapatid sila ni Azael? Great! That’s wow. Gusto niyang pumalakpak sa sobrang bilib sa acting nito. Anong gusto nitong palabasin sa ginawa nito ngayon? Matagal na ba nitong alam na isa siyang Legrand? Well in that case, wala siyang pakialam.
“Amara, why did you that to her? Hindi mo ba alam siya ang fiancée ng kuya mo? Siya ‘yong kinikwento ko sa`yo.”
Hindi siya sumagot. Kung nakakamatay lang ang titig niya, malamang patay na ang babae. Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito at walang sabing umalis sa lugar. Mali ito nang taong binangga. Kung gusto ito ng Mommy nila, pwes siya hindi. Magaling pala itong magdrama, well magaling din siya makipagsabayan. Titingnan niya kung sino ang gaganap ng best actress sa kanilang dalawa.
`Where are you, wife? What do you want for dinner?’
Napangiti siya sa nabasang text ni Theon pero agad din napawi iyon. Masyadong okupado ang utak niya sa babaeng iyon. Maghintay lang ito, maghaharap din sila mamaya pagdating niya ng mansiyon. Tamang-tama, magkapit-bahay lang sila. Mas madaling makipagpatayan.