Nagtagpo ang kilay ni Amara nang makita ang bisita nila nang araw na iyon, si Azael at ang girlfriend nitong si Penelope. May dalang pagkain ang babae at ang lawak ng ngiti nito, na parang pinapahiwatig na talo siya sa lahat ng bagay.
“Hindi ko alam honey, na sister mo si Amara. Like, we’re schoolmates in abroad,” maarteng saad ng babae kay Azael at bahagyang tumaas ang kilay na tumingin sa kaniya. Wala naman tugon mula kay Azael, sumisimsim lang ito sa kopitang may laman wine.
“Yeah we are. Remember how bitchy and fuck whore you are? Tapos wala naman binatbat sa`kin kaya ang ginawa ay nagsumbong sa uncle?” Ngumisi siya.
Natawa naman si Theon sa kaniyang sinabi. Inakbayan siya nito sabay bulong. “Wife, don’t be so rude. Mamaya mo na siya ipahiya ng bonga.”
Alam ng lalaki ang alitan nilang dalawa ni Penelope. Sa sobrang inis niya nung nakaraang araw na pangyayari sa Spa, kinenwento niya sa lalaki ang nangyari kaya tawang-tawa ito.
Tumalim ang mga mata ni Penelope sa kaniya at maarteng sumandal sa dibdib ng kapatid niya. “Baby sabihin mo nga sa kanila kung bakit tayo andito sa pamamahay ng kapatid mo.”
Nagkibit lang siya nang balikat at hindi na nag-abalang tingnan si Azael. Masyadong advantage rito ang pagkakaroon ng memory loss samantalang sa parte niya, hindi.
“Magpapakasal na kami at gusto namin kayong pumunta sa`min kasal,” deritsahang saad ni Azael.
“Woah!” Si Theon.
Habang siya ay hindi na nagulat sa sinabi nito. Pero bakit tutol ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon? Parang gusto niyang magwala at sabihin sa lalaki na hindi ang babaeng ‘to ang nababagay, na nagbabalat-kayo lang ito, na ang sama-sama ng ugali nito!
“Akala namin hindi ka pa nakarecover?” segundang tanong ng asawa niya.
Ngumiti naman ng matamis ang babaeng nasa harapan niya na ang sarap buhusan ng malamig na yelo. “Yeah hindi pa. Civil wedding muna at kapag tuluyan na bumalik ang alaala ni Azael, doon na kami magpapakasal ng engrande. Gusto ko nga sana kami-kami lang. Pero dahil kapatid niya si Amara, kaya iimbitahan namin kayo. And alam mo na, mag-officially sister na rin kami niyang si Amara.”
Natawa siya nang malakas sa sinabi nito. Ang sarap ng biro nito sa huling part. Sister? Sino sila? Nag-ikot siya ng mata at nag-congrats pa rin. Dati pinangarap niyang magkaroon ng kapatid na babae pero kung si Penelope lang din? Huwag na lang.
Kapagkuwa’y napatayo siya para kunin ang kagagawa lang ni Theon na salad na kaniyang request. Hindi niya ipapagpalit ang gawa nito sa dalang pagkain ng hindut ng babaeng iyon at baka may lason pa.
Nasa kusina siya at kinuha ang bowl of salad na nasa ref nang mapansin niyang sumunod si Penelope sa kaniya. Ngumisi siya at maarteng humarap dito.
“Gusto mo? Ang asawa ko ang may gawa nito at alam kong mas masarap ito kesa sa dala mong pagkain kaya kung ‘di man nakaka-offend sa part mo tutal makapal naman mukha mo ‘di ba, ito na ang kakainin ko,” simpleng saad niya sabay subo ng isang kutsarang macaroni salad.
Ngumisi ito sa kaniyang sinabi at gano’n din siya. Good at tanggap nito ang kaniyang sinabi. Well, hindi naman siya nagsi-sinungaling pagdating sa pagkain, eh. Food is life kaya siya. Kaya unang tingin pa lang niya sa mga dala nito, mukha ng pagkain ng baboy.
Nagtitigan silang dalawa habang kumakain siya. Hindi problema iyon sa kaniya kung iyon ang pag-uusapan, kahit umabot pa sila buong umaga magtitigan. How romantic!
“Masarap?” nang-iinis na tanong nito.
“Yep,” agarang saad niya. “And mas sasarap pa kung alisin mo ‘yan pangit mong pagmumukha sa pamamahay ko. Ano kasi, naalibadbaran ako since I have allergies from slut— Ops!” Sinadya niyang takpan ang bibig at tinalikuran ito para magtungo na sa lanai. Sayang naman kasi kung ipanghilamos niya sa mukha nito ang pagkain niya.
“Bitch! Gagawin ko lahat para makuha pamilya mo.” May ibang ibig sabihin ang binitawan nitong salita.
Natigilan siya sa paghakbang at nakangising lumingon dito. “Wanna start it from me?” nga pala, hindi niya nakalimutan ang ginawa nito sa kaniya. Sisingilin niya lang pero naisip niyang hindi siya dapat bumaba sa klase ng ugaling meron ito kaya pinili niyang tumalikod at iwan ang babae.
Shit!
Hinila nito ang kaniyang buhok nang hindi niya napaghandaan. Pero dahil food is life siya, hindi niya binitawan ang bitbit na pagkain. Walang kahirap-hirap na hinila niya ang kamay na humila sa kaniyang buhok at hindi rin nito napaghandaan ang kaniyang ginawa, pinaligo lang naman niya ang salad sa ulo nito.
Napatili ito at binitawan siya. Habang si Amara nakangisi lang at malademonyong tiningnan ito. Mabilis itong tumakbo papalayo sa labas at madramang umiiyak. Oh well, magdadrama na naman ito. Expected na iyon.
“Wife!” Si Theon.
Pero alam niyang natatawa ito sa kaniyang ginawa dahil sa kindat na ginawa nito na para bang sinasabi nito sa kaniya, `good job!’ Nakita niya ang pagtalim ng mga mata ni Azael sa kaniya at wala siyang pakialam do’n.
“I don’t know why they insist that you’re my little sister. Kung hindi mo siya gusto at wala kang respito sa kaniya, ito na ang huling pagtungtong namin sa bahay na ‘to. Have a goodnight, Mr and Mrs. Willoughby.” nagpipigil sa galit si Azael nang harapin siya saka ito umalis. Hawak-hawak ang kamay ni Penelope.
Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Azael. Wow! Parang dati lang ay baliw na baliw ito sa kaniya, ah. Gusto niyang matawa, oh yeah ito nga pala ang gusto niya pero bakit hindi siya masaya? Naguguluhan na rin siya sa hindi niya alam na paraan.
Walang magawa si Amara kundi ang mapasimangot habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan ng judge. Hindi sana siya pupunta kung hindi siya pinuntahan ng ina sa bahay nila ni Theon at pinilit na sumama. Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang nga oras na iyon habang sinabi ng judge na pwede ng halikan ang babae. Mabilis na nilayo niya ang tingin at iniwasan makita ang tagpong iyon.
Isang masigabong palakpakan at congratulations ang naririnig niya nang magpasya siyang umalis. For what? Hindi naman niya ginusto ang maging parte ng pag-iisang dibdib ng mga ‘to.
“Where you going?”
Napatingin siya sa kaniyang ina at nagkunwaring masakit ang ulo. “Kailangan ko ng umuwi My, sobrang sakit ng ulo ko kanina pa.” Hindi niya na hinayaan tumugon ito. Deri-deritso siyang lumabas at umalis.
Now what? Gusto niyang magpakasaya dahil sa wakas, hindi na siya ginulo pa ni Azael. Tumigil na rin ito pero bakit hindi niya naramdamang masaya siya? Bakit may bahagi ng puso niya ang masakit? Nasasaktan siya sa anong paraan? Hindi niya maintindihan kaya kailangan niyang umalis at magpahangin.
Biglang pumatak ang kaniyang luha na hindi niya alam kung bakit. Hanggang sabay-sabay na ang mga ito sa pagbagsak na akala mo ay may karera. Ano ba talaga?! Bakit tutol siya sa isipin nagpakasal na ito? Hindi ba ito ang gusto niya? Bakit masakit? O baka namimiss lang niya ang dating closeness nila ni Azael na alam niyang hindi na maibabalik? O dahil ayaw niyang sa higad na mukhang pugito ito matatali? Whatever reason it is, wala siyang pakialam. Mabilis niyang pinalayo ang sasakyan at naghanap ng lugar kung saan siya makakahinga.
NAPATIGIL sa pagpasok si Amara sa kaniyang sasakyan na nakahimpil sa parking lot nang marinig niya ang boses ni Azael.
“Can we talk?”
Nagtaas siya ng kilay na humarap dito. Odd. First time itong lumapit sa kaniya. Nasa Legrand’s Empire nga pala siya dahil binisita niya ang ama at nando’n ang lalaki kausap ang kanilang ama. Hindi niya alam kung bumalik na ba ang alaala nito or what, if ever na bumalik man. She don’t fucking care.
“Why?”
“Ang sabi ni Dad, magkasundo tayo rati. Anong nangyari sa`tin?”
Pumasok siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Walang kwentang tanong. Sumunod ito sa kaniya mula parking lot para tanungin siya ng bagay na iyon? Really?
“I don’t like you kahit noon pa. At pwede ba, huwag mo akong kausapin. Get lost!” mabilis niyang pinagsarhan ito ng pintuan at walang sabing umalis. Mula sa rear view mirror, kitang-kita niya ang pagkagulat nito sa kaniyang ginawa. Napa-buntunghinga siya at nagseryuso na sa pagmamaneho.
NAIILING na tumingin si Amara kay Celestine. Kanina pa niya kasi ito tinititigan na halos ayaw niya ng iwaglit ang mata. Bumalik na ang kalusugan ng babae, though hindi tulad sa kaniya. Ilan sa mga piklat nito ay nawala na rin dahil sa mga beauty product na pinagamit ng kaniyang ina sa dalaga.
Same age sila pero mukha pa rin itong seventeen. Late ang pag-developed ng katawan dahil na rin siguro sa pambubugbog na nakuha at halos ‘di makakain ng isang beses sa isang araw nung nasa probinsya pa ito. Halos umiyak ito sa sobrang tuwa nung nag-celebrate sila sa 18th birthday nito.
“Bakit po Ma’m Amara?”
Napangiwi siya sa pagtawag nito sa kaniyang pangalan at may Ma’m nakadugtong. Masyado talaga itong pormal at ma-hiyain.
“Wala.” ngumiti siya pero ang totoo, may katanungan nabubuo sa kaniyang utak.
Habang tinititigan niya ang dalaga, napapansin niyang nagiging kahawig ito ng Mommy nila ni Azael. Posible ba ang bagay na ito? Una-unang mapapansin hawig ay ang mga mata nito. It was round, surrounded by thick lashes like a Barbie.
“Naglilihi ka na ba hija? Pansin kong kanina mo pa tini-tigan si Celestine,” nanunuksong saad ng ginang nang makalapit ito sa kaniya sa lanai. Bumisita siya nang araw na iyon sa mansyon.
Natawa lang siya. Gustong-gusto na talaga nito magkaapo pero paano mangyayari iyon, walang nangyayari sa kanila ni Theon. Mag-asawa nga sila pero sa papel lang iyon at sa mata ng mga tao.
“Just wondered. Pansin mo My, magkahawig kayo ni Celestine. Weird, right?”
Napatingin naman ang kaniyang ina kay Celestine na ngayon ay tumalikod at may bitbit na bagong pitas na bulaklak. Mahilig ito sa halaman.
“Of course I do. Pero gaya nga nang sabi ko, sa 8 billion katao sa mundo, there’s a big possibilities na magkakamukha ang tao kahit hindi sila magkadugo.”
Tama nga naman. Nagkibit lang siya sa bagay na iyon at hindi na pinansin. Kung anu-ano na ang napapansin niya at naiisip, na alam niyang sobrang imposible.
Pero biglang umasim ang kaniyang mukha nang makita ang mukha ng babaeng ayaw niyang makita. Plastikan itong yumakap sa kaniyang ina at humalik sa pisngi. Anghel na anghel ito tingnan, ah. Pakpak ng lang at sungay ang kulang.
Nang makita siya nito, ngumiti ito at kumaway na akala mo close sila. Tiningnan lang niya ito at inirapan. Wala siyang planong makipagplastikan. Maarteng umupo ito sa harapan niya at sandali naman umalis ang kaniyang ina at iniwan silang dalawa.
“Kung alam ko lang na makikita ko ‘yang pagmumukha mo rito, hindi na sana ako nagpunta. Nakakawalang gana kasi.”
Tinaasan niya ito ng kilay, “Nauna akong nawalan ng gana. Mukha ka kasing naglalakad na kubeta. Mabaho.”
Galit na tumayo ito nang biglang dating ni Azael kasama ang kanilang ina. Gano’n pa rin, mahaba ang buhok nito at rugged manamit. Hindi yata uso ang haircut sa kapatid niya. Nagkatitigan sila pero wala siyang makita at mabasa sa mga mata nito. Para lang siyang estranghero na hindi nito kilala.
“Where’s Theon, honey?” Mommy nila.
“Out of town, My,” simpleng sagot niya.
Nagkibit ito ng balikat at nag-excuse ulit sa kanilang harapan. Nagpunta ito sa kusina. Magpapahanda raw ito ng lunch at doon na sila kumain kasama ang ama nila.
Nagkunwari siyang kinuha ang cellphone para hindi ma-out of place nang umupo si Azael sa tabi ni Penelope. Mula sa kaniyang peripheral vision, kitang-kita niyang malambing na sumandal ang babae sa balikat nito at hinaplos ang pisngi. PDA lang? Napairap siya nang akbayan ito ni Azael at hinalikan sa noo.
Hindi niya napansin na napadiin na lang ang paghawak niya sa cellphone. Bumalik lang siya sa tamang hwesyo nang makitang numero ni Theon ang kaniyang dinial at nag-ring iyon.
Mabilisan niyang pinatay ang tawag. Hindi pwedeng isturbuhin ang asawa niya dahil nasa meeting ito sa Cebu. Nagbukas na lang siya nang isang gaming app at naglaro.
“I hope we could have twins.”
Napaurong siya sandali nang marinig ang sinabi ni Azael. Twins? Agad siyang napatingin sa mga ‘to na hindi alintana ang kaniyang presinsya. Natuon ang kaniyang atensyon sa tiyan ng babae, at tinitigan iyon. Buntis ito? Yeah, mag-asawa na nga pala ang mga ito. Good good, magkakaroon na siya ng pamangkin at sa isipin iyon ay biglang pagsugod ng sakit sa puso niya. Para siyang kinapos ng hininga at hindi niya mapigilan huminga ng malalim.
“I hope so baby. I love you.”
Nag-iwas siya ng tingin at tinuon ulit ang mga mata sa screen ng kaniyang cellphone. Ano ‘tong nararamdaman niyang sakit? Bakit hindi niya maintindihan ang sarili? Para saan ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone at nagpasyang tumayo. Nagtungo siya sa kusina at nag-presintang tumulong kesa pagmamasdan ang paghaharutan ng mga ito.
“Bakit ka nandito hija? Ayaw mo ba makasama sila at makipagkwentuhan?”
Nag-ikot siya ng mata at umupo sa silyang nando’n. Personal itong naghanda at may mga kasambahay na nag-assist sa mga lulutuin para sa family lunch.
“Hindi ko ugaling makipagplastikan. Alam niyo na po iyon,” nababagot na sagot niya.
Nagkibit lang ng balikat ang ginang at hinarap ang pagluluto habang siya ay tumayo na at tumulong na sa ina sa paghanda. Habang hinihiwa niya ang gulay, iniisip niyang ang mukha ito ng babaeng hindut na iyon ang pinaghihiwa niya. Gigil siya, eh. Bwesit!
Natigilan naman siya agad nang masulyapan si Celestine na bagong pasok at may bitbit na bulaklak. Ando’n na naman ‘yong pakiramdam na isang Legrand ang babae or nahihibang na naman siya. Pinagkibit na lang niya ng balikat ang bagay na iyon at gigil na pinaghihiwa ulit ang mga gulay.
“Mom.” Mula sa labas ay pumasok si Azael at hindi na siya nag-abalang magtaas ng tingin dahil sa gigil niya. Hiwa lang siya nang hiwa ng carrots.
“Yes son?”
Hindi ba talaga siya maalala ni Azael? Ang galing ah, dapat siya rin para maganda! Hindi ‘yong ito lang meron. The worse is, bakit hindi niya na makapa ang galit niya sa lalaki? Ang lagi niyang nararamdaman ay inis, pagkabwesit sa asawa nitong puting balat lang ang panglaban. Balatan niya ito ng buhay, eh. Subukan lang siya nitong pestehin at babalatan talaga niya ito. Hayop!
“My wife Penny asked some yogurt, do we have here?"”
My wife Pennywise wants yogurt nyeh nyeh.
Nag-irap siya ng mata sa sinabing iyon ni Azael. Anong akala sa bahay nila? Nagtitinda ng yogurt? Factory sila? May ari ng pagawaan ng mga pesteng yogurt na iyan.
“Ouch!” napasigaw siya sa sakit at biglang nabitawan ang kutsilyong hawak.
Kitang-kita niya ang malakas na pagdugo ng kaniyang daliri. Hindi niya napansin na ang sariling daliri niya ang hiniwa. Shit talaga! Itatago sana niya ang kamay sa likuran pero nagulat na lang siya nang nasa harapan niya na mismo si Azael at kinuha ang kaniyang kamay. Seryuso lang ang mukha nito at hindi niya makita ang pag-aalala na lagi niyang nakikita rito sa tuwing napapahamak siya dati.
Wala sa loob na napasunod siya ni Azael nang hilain siya nito patungong faucet at hinugasan ang kaniyang daliring may sugat. Napatitig lang siya sa ginawa nito at hindi umimik habang ang kanilang ina ay halos magsisigaw sa nakita.
Ang OA din minsan ng Mommy nila. Inutusan nito ang kaniyang kuya na dalhin siya sa sala at linisin ang kaniyang sugat. Parang wala sa loob na napasunod siya rito. Nang bumalik na ito, may bitbit na itong medicine kit.
Saka lang siya natauhan nang kunin na nito ang kaniyang kamay at nilagyan ng alcohol. Mabilis niyang binawi ang kamay at masamang tiningnan ito. Ang sakit! Bakit nilagyan pa ng alcohol kung pwede naman balutin na iyon.
“Hey li’l sis, masakit pa ba?”
Nag-aalala ba ito? Dahil nakakatouch naman ang pag-aalala nito, mukhang galit at handang manakit. Bwesit.
“Siguro kung ilagay ko sa mata mo ‘yang alcohol malaman mo kung gaano kasakit at kahapdi!” inis na pakli niya.
“Sorry. Promise kuya will be gentle.”
Hindi na siya nakapag-react nang kunin nito ang kani-yang kamay ulit at marahan ginamot saka binendahan. Napatitig na lang siya sa ginagawa nito at hindi alam kung paano at ano ang gagawin. Ano bang nangyayari sa kaniya? God!
NAPALINGON si Amara sa kinaroroonan ni Celestine. Nasa kaniyang tabi ito at tahimik na nakatingin sa unahan. Kasama niya itong bibisita sa araw na iyon sa Beauty and Spa Clinic ng kaniyang ina. Sinadya niya itong isama at wala naman naging problema sa dalaga dahil lahat naman yata ng sinasabi niya ay sinusunod nito.
Tapos na ang kaniyang klase sa araw na ito kaya nakuha niyang dalawin ang ina. Gusto niyang i-open up dito ang tungkol sa nabasa niyang article sa isang site at yayain itong gumawa ng test kay Celestine. Well, suggestion lang niya ito at nasa kaniyang ina pa rin ang desisyon.
“Okay lang ba sa`yo na isinama kita?” mabait na tanong niya at sumulyap dito.
Ngumiti lang ito nang tipid, “Wala naman po problema. Okay lang sa`kin.”
Tumango siya. Ayon sa article na kaniyang nabasa, maraming cases na magkakahawig ang mukha ng tao. May iba na parang kambal pero kapag nag-run ng test ng DNA, negative. Hindi niya ini-insist na kadugo nila ang babae. Pero sa loob nang buong linggo, naiisip niya ang pagkakahawig ni Celestine at nang kaniyang ina.
Nung nagsama silang tatlo sa pag-shopping, hindi siya ang napagkamalan anak, kundi si Celestine. Ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon pero dahil curious siyang tao at maraming tanong sa buhay, gusto niyang subukan. Walang mawawala kung sakaling gagawin niya iyon.
Shit! Mabilis niyang naapakan ang preno nang mag-karoon ng rambulan ng sasakyan sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at agad niyang nakabig ang manibela pakanan, kung hindi masasali sila sa salpukan ng mga sasakyan. That was close! Ang lakas ng tahip ng puso niya. Bakit ba kasi may mga reckless driver sa daan at basta na lang maneho nang maneho at mandamay pa.
“Celestine okay ka lang?” tumingin siya rito para lang magulat nang makitang napatulala ito at nang lumingon sa kaniya, bigla na lang itong nawalan ng malay.
Nataranta siya sa reaksyon ng babae. Anong nangyari?! May sakit ba ito sa puso at bawal itong magulat o gulatin? Whatever! Mabilis niyang pinaatras ang sasakyan at dinala sa malapit na Hospital ang babae. Wala sa plano niyang patayin ito, jusko! Si Penelope, pwede pa.
Ang sabi ng Doctor na tumingin dito, nagulat lang ito sa nangyari. Mukhang may phobia at matinding trauma ito kaya gano’n ang naging reaksyon pero okay na ito. Akala pa naman niya kung ano na! Kinabahan tuloy siya pero sa kabilang part ay naawa rin. Ini-imagine niya kung anong klaseng buhay ang pinagdaanan nito sa probinsya.
Nalaman din niyang Type AB+ ang dugo nito, same ng kaniyang ina. She’s Type B pagkakatanda niya. Wait, what does it mean? Hindi kaya... No, imposible nga pero pwede rin posible.
Tulog ang dalaga habang may nakakabit na IV fluid sa kamay nito. Kumuha siya ng lakas ng loob na kunan ito ng limang hibla ng buhok at nilagay iyon sa malinis na lalagyan. She’ll run some short investigation at hindi na siya magpapaalam sa ina. Patago niyang gagawin ang test.
Kailangan niyang makakuha rin ng hibla ng buhok ng kaniyang ina at magpasagawa ng test without her consent. Kahit alam niyang negative ang result pero bakit iba ang kaniyang pakiramdam?
Nagtagumpay siyang kumuha ng buhok sa kaniyang ina. Sa kwarto ng ginang, nakakuha siya ng buhok. Nilagay niya ito sa ibang lalagyan at nang araw din na iyon, ay pina-test niya ang nakuhang buhok ng mga ito. Tumawag din siya sa ina na hindi siya makakatuloy sa pagbisita dahil may biglaan siyang lakad. Hindi na rin niya binanggit na muntikan na silang bumangga at na Hospital ang babae, makukurot siya nito nang wala sa oras. Sa ngayon, okay na si Celestine at inuwi niya na ito sa mansyon ng Legrand.