Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 18

Napatayo siya bigla nang matanggap ang tawag ng Doctor na siyang pina DNA test niya. Isang linggo na ang nagdaan at ito ang ‘yong pinakakahintay niya sa sa lahat. Halu-halo ang kaniyang nararamdaman at hindi niya alam ang unang gagawin nang sinabi nitong pumunta siya sa office nito at do’n sila mag-usap. Wala si Theon, nasa Cebu pa rin ito kaya dali-dali niyang tinungo ang sasakyan at mabilis na pinasibad papalayo.

Nang makita siya ni Dr. Alferez, ngumiti ito sa kaniya at agad na binigay ang puting sobre nang makaupo siya paharap dito. Kinalma niya muna ang sarili at sa nanginginig na kamay ay sinimulan niyang buksan ang sobre at tiningnan ang resulta. Napatuptop siya ng bibig. Napaluha siya sa nabasa at agad na tumingin sa Doctor.

“Doc, hindi ko maintindihan binabasa ko.”

Ang kaninang seryusong mukha ng matandang lalaki ay napalitan ng ngiti. “The result is 99.9998%!”

Napatanga si Amara at ‘yong luha na kanina pa niya pinipigalan ay tuluyang nagsibagsakan. Wait, binibiro yata siya ng Doctor na ito, eh.

“Ibig niyong sabihin anak siya ng Mommy ko?”

“Malamang hija, mahirap naman kung anak mo siya. Ano ‘yon, 1 month old ka pa lang lumandi ka na? Malabo ‘yon kung nagkataon kaya anak siya ng Mommy mo.”

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa sagot nito or maiinis dahil baka mali-mali ang ginawa nitong test.

“Doc, sure ba talaga kayo na tama ito?”

“Pakiramdam mo ba isa kang pagkakamali ng magulang mo?”

Napailing siya, “Hindi naman po.”

Ngumiti ito at inayos ang eyeglass na suot. “Hindi naman pala, malamang tama ‘yan! Maliban na lang kung may tama ang utak mo hija.”

Biglang naglinya ang kaniya kilay. Gigil mo ako Doc! Imbes maglulupasay na siya ng iyak sa nalaman, mukhang makakapatay yata siya ng matanda ngayon araw.

“Doc ang cute mo. Kurutin kita diyan ng nailcutter! Nanggigigil ako sa inyo, eh.”

Napakamot ito ng batok at natawa. “Joke lang hija, ikaw naman hindi mabiro. Hampasin kita ng oxygen tank diyan, eh.”

“Ano Doc?”

“Wala. Ang sabi ko, kapatid mo siya.”

Doon siya natigilan. Magkapatid nga ba sila? Siya ba, totoo ba siyang anak? Anak nga ba talaga siya ng Legrand? Since baby may picture siya kaya malabo ang kaniyang iniisip.

Biglang sumakit ang kaniyang ulo. Paano nangyari iyon na magkapatid sila ni Celestine?! May anak ba ang Mommy niya sa labas... Wait, same lang sila ng edad dalawa nito. Kambal sila? Fraternal twins? Ha? Malabo! Bitbit ang resulta ay mabilis siyang nawala sa opisinang iyon.

Nasagot na ang gumulo sa kaniyang utak pero hindi pa rin siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay nananagip lang siya sa mga rebelesasyon nalaman. Bullshit! Tanging ang kanilang ina lang ang makakasagot sa lahat ng mga tanong niya sa utak. Pero wala siyang planong biglain ito, sa ngayon itatago muna niya ang kaniyang nalaman. Kunwari, wala siyang alam.

Para masagot ang mga libong tanong niya, nagpa-DNA test siya sa sarili. Kinakabahan siya sa magiging resulta pero malaki ang tiwala niyang anak siya ng mga Legrand. Siya na ang maghahanap ng kasagutan sa lahat ng mga tanong niya.

Nagmamadali siyang lumabas sa opisina ni Doc. Alferez matapos niyang maibigay ang sample. Sa pagmamadali niya, nabangga pa siya sa isang bulto ng katawan.

“Pwede ba tumingin ka sa dinaraanan mo!” Siya pa ang may ganang magalit. Hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino ito at hinintay na mag-sorry, basta na lang siyang umalis.

May hinahabol siyang klase. Sadyang inuna lang talaga niya itong pagpapa-DNA test para mawala ang maraming mga katanungan sa kaniyang utak. Imagine, si Celestine na galing probinsya at lumuwas ng Manila, na muntikan ng mabangga ng Daddy niya at kinupkop ay isa pala talagang Legrand.

Jusko mababaliw na yata siya. Kailangan na naman yata niya ang tulong ng gwapong si Doc. Herrence para sa kaniyang utak. Pero kaso, snob ito at hindi marunong ngumiti kaya ipagpaliban na lang muna niya ang pagpapa-mental.

“Do you know that lady earlier?” Biglang tanong ni Azael nang pumasok siya sa opisina ni Dr. Alferez.

Agad ngumiti ang matandang Doctor nang makita siya. “She’s my client.”

Tumango siya at tumiim ang tingin sa Doctor. “How’s my DNA test? Tell me the result. I badly need it.”

Agad natigilan ang Doctor at tumalima. Kinuha nito ang puting sobreng naglalaman ng kaniyang DNA test. Wala rin siyang amnesia. Pakulo lang niya ang bagay na iyon para hindi siya tuluyan layuan ni Amara.

Sa ilang taon ba niyang pagtatago sa totoong naram-damam niya sa babae, ang umarte ay hindi mahirap. He can act like a vatican actor. Talent yata niya iyon maliban sa masaktan at hindi mahalin ni Amara. Kasama sa pakulo niya ay mawala ng ilang buwan at pakasalan kunwari si Penelople para hindi siya mahalata. Kung tutuusin, fake ang kasal nilang dalawa.

Umarte siyang naayon sa kaniyang plano at lahat sumangayon sa plano niya pati ang panahon. Walang nakakapansin at nakakaalam maliban kay Cuhen at Herrence. Sinabi niya rito ang plano niya nung dumalaw ang mga ito sa Hospital kung saan siya naka-confine.

Kailangan niyang gawin ang bagay na iyon, ang magpanggap kung ito lang tanging paraan para hindi siya layuan, pandirihan at itulak papalayo ng babaeng mahal niya. Pero ngayon ay pag-aari na ng iba but who cares, sa ngayon kontento muna siya na makita ito araw-araw kahit hindi sila masyadong nag-uusap. Sapat na iyon, hindi tulad nang dati na lagi niya itong nakikitang takot at galit.

Nilamukos niya ang resulta. Alam naman talaga niyang isa siyang Legrand pero bakit pumasok pa rin sa utak niya ang magpa-test. Nababaliw na naman siya at iniisip na hindi sila magkapatid na kung pagtutuusin ay alam naman niya talagang kapatid niya ang babae at dugong Legrand ang nananalaytay sa kanilang dalawa.

“I gotta go.” Lumabas na siya nang opisinang iyon. Kailangan niya nang makakausap at kainuman saglit ng beer at si Cuhen ang pwede niyang lapitan.

Fuck this life! Kailan ba siya magpapanggap na may amnesia at matanggap para mahalin ni Amara. Puta talaga! Galit niyang sinuntok ang manibela at napasabunot ng buhok. Fuck! Fuck! Fuck! Hirap na hirap na siya at kahit kailan hindi niya magawang kalimutan ang babae.

Sa tuwing ginagawa niya ito, mas lalo lang siyang nahihirapan at hinahanap ang presinsya ni Amara. Sana nga lang nagkaroon na lang siya ng amnesia at tuluyan nawala ang alaala niya para hindi na siya mahirapan. Ang hirap! Ang hirap magmahal.

Pero agad din siyang natigilan nang maalala ang nakakabatang kapatid na galing ito sa opisina ni Dr. Alferez. Sa pagmamadali nito, hindi man lang siya tiningnan. Isa lang ang pumasok sa kaniyang isip, nagpa-test ito tulad niya.

Damn! Bakit hindi niya ba naisip ‘yon kanina? Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at agad na tumakbo pabalik sa itaas kung saan ando’n ang opisina ng Doctor.

“Name the amount you want. Ang kailangan mo lang gawin ay sabihin sa`kin lahat ng impormasyon na nalaman mo sa babaeng nagngangalang Amara Legrand Willoughby,” deritsahang saad niya nang makapasok siya. Nagulat pa ito sa biglaan pagpasok niya at agad na lumabas ang nurse na kausap nito.

Money is nothing when it comes to him. Kaya niyang bumili nang sampong yatch on his own saving kaya kung kina-kailangan niyang bilhin si kamatayan para mag-iba ang ikot ng kapalaran, gagawin niya. Not to mentioned na grabeng pagtitimpi ang kaniyang ginawa para hindi magawang patayin si Theon sa sariling kamay. Fuck!

Gulat na napatingin sa kaniya si Cuhen sa pabiglang dating niya sa opisina nito. Kaharap nito ang laptop at mukhang busy sa ginagawa.

“Problema mo?”

Napangisi siya na parang nanalo ng lotto sa sobrang saya. Agad siyang umupo sa isang sofang nandoon sa opisina ng kaibigan. “I have a good news!”

“Okay, ano ba ‘yon? Siguraduhin mong good news ‘yan.” Natatawang saad ni Cuhen at umayos ng upo sa swivel chair nito.

Nagsimula siyang magkwento sa mga nalaman niya. Every details. Alam nito ang mga plano niya pero hindi siya nito pinakikialaman kahit malaki ang tutol nito.

“Fuck. You’re kidding aren’t you?” Napatayo si Cuhen at humakbang papalapit sa kaniya.

“No. Here’s my proof of Celestine and my Mom’s DNA test. Kapatid ko si Celestine, dude! Fuck! Pati ako nabaliw sa balitang ‘yan, like what the hell man. How can I and Celestine are siblings?! It’s mind blowing I know.”

Napaupo ito sa katabing sofa at napahilot ng sentido. “Yeah, but how? Alam natin na si Amara lang ang nag-iisang kapatid mo. Maliban na lang kung...”

“Kung hindi siya totoong Legrand,” lumarawan ang saya sa mukha niya nang banggitin ang bagay na iyon.

“Or she is. Alam natin pareho na totoong kapatid mo siya. Baka nagkamali lang sa test,” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Cuhen at tila nag-iisip, “Wait, it’s you who can find out...”

“I did. Days from now, lalabas na ang result na pinagawa ni Amara at kay Mommy nang pasekreto. For that, malalaman natin kung ano ba talaga. Damn! I should have done these before.”

Naiiling na lang na napatingin sa kaniya si Cuhen at hindi alam kung ano ang iisipin nang nga sandaling iyon. Naiisip nito, nababaliw na naman siya pero gano’n talaga siguro kapag nagmahal ka sa panahong mali. Pero nabuhayan siya ngayon nang malaman na may tendency na hindi sila magkapatid ni Amara.

He’ll move heaven and earth this time oras na malalaman niyang hindi sila totoong magkapatid! Wala siyang pakialam kung pagmamay-ari na ito ng ibang lalaki dahil sa simula pa lang nang lahat, siya na ang nagmamay-ari kay Amara. Hinarangan lang siya ng panahon.

“Gotta go. Penny just texted me, asking me where am I. Damn that woman, she’s fucking annoying.” Tumayo na siya at walang paalam na umalis sa opisina ng kaibigan.

Hindi niya mahal ang babae. Ginawa lang niya itong gamit para pagtakpan ang ginawa niyang pagpapanggap na hindi siya kailanman pagdududahan at lalayuan ni Amara. Napaniwala niya lahat maliban kay Cuhen at Herrence. Those two morons are his alleys. Masasandalan sa kahit anong bagay kaya siguro mag-kaibigan silang tatlo.

Aligaga si Amara habang hinihintay ang tawag ni Dr. Alferez. Ito ang araw na lalabas ang resulta ng kaniyang DNA test. Ang daming mga tanong na pumasok sa kaniyang isipan at imbes na mabigyan iyon nang mga kasagutan, mas lalong naging malabo ang lahat.

Napaigtad siya nang matanggap ang tawag ni Dr. Alferez, mabilis siyang umu-oo at pumunta sa office nito. Pero imbes na masaya siya nang makita ang resulta ng test, parang dinaganan siya ng mundo nang makita ito. Bakit hindi yata siya masaya? Anong nangyari?

“Doc...”

“Bakit?”

“Totoo ba itong nabasa ko?”

“Gusto mo ba gawin natin mali?”

Nagsimula na siyang mainis sa asal ng matandang Doctor. Bakit ba hindi siya nagdala ng nailcutter na kasinlaki ng palakol! Kagigil, eh.

“Doc, nakakita na ba kayo ng Doctor na pinatay ng pasyente nila?” nakataas ang kilay na saad niya habang nakaharap dito.

Umiling ito at tila nag-isip. “Hindi hija, bakit?”

“Mukhang sa morgue ka na mag-oopisina after nito Doc.”

Natawa naman ito. “Ikaw naman hija, masyado kang psycho! Recommend kita diyan sa mental.” Naglinya ang kaniyang kilay. Nauubos ang kaniyang pasensya. Agad naman tumikhim si Dr. Alferez at nagseryuso. “Kung ano nakita at nabasa mo ay lahat totoo.”

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga. Bakit hindi siya masaya na isa siyang tunay na Legrand? Bakit hindi siya masaya na anak siyang tunay, na magkapatid sila ni Azael, na kapatid din niya si Celestine? Bakit? Bakit parang may mali at nararamdaman niya iyon? Imposible naman na nagkamali ang test.

Agad siyang tumayo at umalis na bitbit ang resulta. Uulitin niya at ngayon ang uunahin niya muna ay kung bakit at paano niya naging kapatid si Celestine. Kailangan niyang alamin muna ang lahat sa babae at kung kailangan magpaulit siyang magpatest, gagawin niya. Hindi siya titigil hangga’t hindi nasasagot mga tanong na nagpapagulo sa kaniyang utak.

Lumabas siya ng Hospital na iyon na puno ng pagtatanong sa sarili. Mas lalo siyang naguguluhan sa mga nangyayari o sad-yang kalahati talaga ng isip niya ay nag-expect ng ibang resulta?

Gamit ang sariling pera, nag-hired siya ng private investigator para kay Celestine. After a week na paghihintay niya, wala siyang nakuhang impormasyon laban dito. Nakakainis isipin pero sumubok siyang mag-hired ulit ng PI, after couple of days may binigay ito sa kaniyang address at lugar kung saan lumaki si Celestine. Larawan ng bahay nito at pamilyang pinagmulan.

Biglang sumikdo ang kaniyang dibdib habang pinag-titingnan bawat picture na kaniyang hawak. Bumigat ang kaniyang pakiramdam at mas lalong nadagdagan ang kagustuhan niyang masagot ang katanungan kung bakit kapatid nila ang babae at hindi man lang alam ng ina nila ang bagay na iyon.

Ilang beses na lumunok ng hangin si Amara habang pababa ng plane. Nasa Zamboanga Airport siya at ramdam niya ang mainit na hangin na sumalubong. Halu-halo ang kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon at hindi niya alam kung tama ba itong ang ginawa niya.

Nag-paalam siya kay Theon na may fieldtrip ang kanilang klase at ibang lugar ang kaniyang binanggit. Isang linggo siyang mawawala at nagpasa na rin siya ng excuse letter sa kaniyang prof na magpapagamot siya sa kaniyang utak. Nababaliw na kasi siya.

Naglibot siya ng tingin at pinapakalma ang sarili. Dito niya mahahanap ang ilan sa mga tanong na gusto niyang masagot. Gusto lang niyang tingnan ang pamilyang pinagmulan mismo ni Celestine.

Sa isang hotel siya planong mag-stay. Papalapit pa lang siya sa receptionist para mag-check in nang mahagip ng mata niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan ng receptionist. Wait, parang kilala niya ito, ah.

“Berkham?”

Agad napalingon ang lalaki at nagulat ito nang makita siya. “Amara!” Hindi ito makapaniwala na nakita siya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at niyakap siya nang sobrang higpit.

“How’s my baby Amara?” naglalambing agad na bungad nito at pinisil ang kaniyang magkabilang pisngi.

Napaismid siya. Ginagawa na naman siya nitong batang paslit. “Bwesit ka talaga!” pinanlakihan niya ito ng mata saka siya natawa, “Okay lang.”

“I can’t believe you’re here!”

“Siguro multo ako. Minumulto ka na ng kagandahan ko gano’n.”

Natawa ito sa kaniyang pagtataray. Nasanay na ito sa ugali niya at kung itrato siya nito ay parang kapatid nitong ini-spoiled sa lahat ng bagay. Pwede na nga niyang gawin itong ninong niya sa sobrang responsable at maalalahanin nito.

Sabay na silang nag-check in dalawa sa hotel na iyon at magkaharap lang din ang kinuha nilang room. Nalaman niyang may importante itong gagawin pero hindi na nito binanggit kung ano. Sinabi lang din niya sa lalaki na nagbakasyon siya nung nagtanong ito. Walang pwedeng makakaalam sa gagawin niyang paghahanap ng mga sagot kahit hindi naman talaga nararapat.

Sabay silang kumain ng tanghalian sa isang restaurant nang tumunog phone nito. Nagtaka siya kung bakit hindi nito sinagot ang tawag.

“Ayaw mong sagutin?”

“My Mom. Hindi niya alam na andito ako sa Pilipinas,” simpleng sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

Napakunot siya ng noo, “Bakit hindi niya alam?”

Nagtaas ito ng tingin at tumingin sa kaniya. “Ha?”

“Lemme rephrase it. Ano ba talaga ang rason kung bakit ka andito? Alam kong nagsisinungaling ka, Berkham.”

Natigil ito sa ginawang pagsubo at napabuntunghinga. “I’m looking for my sister.”

Tama ba ang narinig niya? Napatitig siya rito. Hindi ito nagkikwento about sa family nito kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon.

“What happened?”

Ngumiti ito ng tipid. “Ikaw talaga dami mong tanong. But yeah, I treat you as my little sister kaya magkikwento na ako,” huminga muna ito ng malalim saka nagsimulang magkwento.

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kalahati ng kaniyang puso ay parang kinurot. Hindi niya alam na ganito na pala katagal hinahanap ni Berkham ang nawawala nitong babaeng kapatid.

May nag-iisang kapatid itong babae pero tinangay ng mga masasamang tao. Hindi tumigil ang pamilya nito sa paghahanap sa nawawalang anak pero wala. Bigo ang mga ito. Nadakip nito ang nagnakaw pero ang sabi ng mga ito ay binenta ang sanggol at hindi nito kilala ang bumili. Tumigil at huminto na ang pamilya nito sa paghahanap at kinalimutan na lang ang lahat pero hindi si Berkham. Ang sabi nito, titigil lang ito pagnahanap na at nakita ang nawawala nitong kapatid na babae kahit ilang taon pa ang abutin.

“Hoy bakit ka umiyak?” natatawang saad nito at nag-abot ng tissue.

Mabilis niyang inabut iyon at nagpahid. Eh, sa nakakaiyak ang kwento nitong mala-MMK ang dating. “Wala. Ang swerte naman ng kapatid mo.”

Ngumiti lang ito bilang tugon at pinisil ang kaniyang pisngi. “You’re cute talaga! Papisil nga.”

Inirapan na lang niya ito at pabirong tinampal ang kamay. “Pinisil mo na. Sapakin kita d’yan, eh.” Saka siya nagpatuloy sa pag-ubos ng pagkain niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.