Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 19

Napatitig si Amara sa isang bahay mula sa kalayuan. Nasa loob siya ng pamparadang motorsiklo. Walang taxi sa kaniyang pupuntahan at hindi naman siya maarte. Binayaran lang niya ng malaki ang matandang driver para arkilahin buong araw nito sa pamamasada.

Mula sa kaniyang kinaroroonan, kitang-kita niya ang bahay na gawa sa semento at kahoy. Puro patay na mga rosas at halaman sa bakuran at maraming mga damong ‘di nawawalisan. Gusto sana niyang puntahan at tingnan ang nasa loob pero baka mapapadali ang pagkakamatay niya. Though alam niya kung sino-sino ang nakatira doon.

“Ayaw niyo po ba tumao, Ma’m? Napapansin ko po kasing kanina pa kayo nakatingin sa bahay ni Ka Brusko.”

Agad siyang napatingin sa matanda. “Kilala mo ang nakatira d’yan, Tay?”

Napakamot ito sa ulong napapanot. “Bakit hindi Ma’m, kilalang-kilala ang pamilyang iyan na batugan, suki ng away at walang direksyon ang mga buhay. Buti na lang si Celestina nakawala na sa poder nila, ‘yon nga lang hindi namin alam kung saan nagpunta. Sobrang kawawa ng batang iyon. Alam mo Ma’m, bugbog sarado lagi nakukuha kay Ka Brusko at puro pang-aapi naman sa mga kapatid at ina niya. Nag-aaral ito habang nagtatrabaho. Iyon nga lang, pinahinto rin ng mga kupal niyang magulang nung nasa high-school, pinagtrabaho at ginawang alipin. Awang-awa kami sa batang iyon kaya kaming mga magkakapit-bahay ay nag-ambagan at binigyan siya ng pera para gamitin niya sa kaniyang pagtakas,” bigla itong nalungkot, “Sana nasa mabuting kalagayan ngayon ang batang iyon. Sobrang napakabait ni Celestina.”

Palihim niyang pinunasan ang luha habang nakikinig sa napakahabang kwento nito. Nagpapahid din ng luha ang matanda at halatang napaiyak habang nagkikwento. Samantalang siya, parang kinukurot ang kaniyang puso.

Walang kinwento ang babae sa kanila. Nanatili itong tahimik kaya hindi niya alam na ganito kasakit ang dinanas nito sa pamilyang akala nito ay tunay. Ipapangako niya, sa pagbalik niya sa Manila ay sasabihin niya sa ina ang buong pagkatao ni Celestine. Hindi siya sakim para ipagdamot sa babae na parte ito ng kanilang pamilya.

Bigla, gusto niyang makita sa personal at harap-harapan ang pamilyang nagpalaki sa kaniyang kapatid. Kapatid nga ba? Pati siya ay kinukwestyon ang existence niya sa mga sandaling iyon.

Agad siyang umibis at lakas loob na lumapit sa bakal na gate na sira-sira. Lakas loob siyang nagtao po at ilang minuto din ang kaniyang hinintay bago may sumagot sa loob na tila galit. Isang matabang ale ang lumabas at galit na humarap sa kaniya.

“Wala mi kwarta ibayad! Balik ugma. Isturbo kang punyeta ka!” Wala kaming perang pambayad! Balik ka bukas. Disturbo kang punyeta ka! At agad itong pumasok pero mabilis niya itong napigilan.

“Ma’m teka lang po, kaibigan po ako ni Celestine!” wala siyang ibang masabi kundi ang bagay na iyon.

Bigla itong napalingon at tumingin sa kaniya. Nakataas ang nakatattoo nitong kilay at maarte siyang tiningnan. “May tagalog pa lang kaibigan ang walang kwentang batang iyon. Ano kailangan mo? Wala siya rito!”

Tumikhim siya at nagtaas ng noo. Kailangan niyang gawin ang bagay na ito para mawala ang inis na naramdaman niya. Baka makalimutan niyang tao ang kaharap niya at hindi hayop.

“Saan po ba siya?”

“Matagal ng patay!” Malakas siya nitong pinagsarhan ng pintuan.

“May pera akong iaabot sa kaniya.”

Bigla nitong binuksan ang pintuan at nanlaki ang malaki nitong mata. Nagliwanag ito na parang nakarinig ng isang napakagandang balita. Mga mukhang pera! Agad itong lumabas ng bahay at pinagbuksan siya ng gate. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay. Nagtaas ito ng kamay na parang may perang pinatago sa kaniya.

“Akin na! Ako na mag-abot sa kaniya.”

Ibang klase! Timping-timpi siyang huwag sigawan at tarayan ito. Marunong siyang rumespito pero nang mga sandaling iyon, nawala lahat ng respito sa kaniyang katawan. Lahi ni Penelope!

“Papasukin niyo muna ako. Kaibigan ako ni Celestine at kaklase na galing pa sa Manila. Kakauwi ko lang after 4 years kaya gusto ko siyang makita at ibigay ang pasalubong at perang panggamit niya sa next semester.”

Halata ang inis sa pagmumukha ng babae at padarag na binuksan ang gate nitong sira-sira. Pinaupo siya nito sa sofang sira na rin at nangangamoy pero dahil hindi naman siya maarte, umupo pa rin siya. Makalat ang buong kabahayan. Saan-saan lang naka-lagay ang mga damit at gamit ng mga ito pero ang nakakuha ng pansin niya ay ang larawan ng sanggol na nakasabit sa dingding.

“Si Celestine ba ‘yan?”

“Halata ba? Daming tanong. Saan na ba ang perang ibibigay mo? Nasa palengke ang babaeng iyon at matagalan bago umuwi. Sa`kin mo na ibigay.”

“Hihintayin ko na lang siya—” Hindi niya natapos ang ibang sabihin nang may lumabas na lalaking malaki ang tyan at kalbo. Maitim ito at maraming tattoo. Ito siguro ang sinasabi nung driver na si Ka Brusko.

Imbes makaramdam ng takot. Nagtaas lang siya ng kilay. Ang kapal ng mukha nitong bugbuging ang kapatid niya! Biglang tumaas ang kaniyang dugo at gigil siyang tumayo.

“Kinsa naman sab na! Dealer ug bra’g panty? Sige raka kuha’g panty unya ‘di kabalo manlaba.” Sino na naman ‘yan! Dealer ng bra at panty? Lagi ka na lang kumukuha ng panty pero ‘di marunong maglaba.

“Tumahimik ka. Kaibigan daw ni Celestine at magbibigay ng pera.”

Nag-ilaw ang mata nito sa sinabi ng asawa, “Talaga?” Bigla itong lumapit sa kaniya at akmang hahawakan siya pero mabilis siyang umilag.

“Subukan mo lang hawakan ako at hindi ako mangi-ngiming balian ka ng kamay.”

“Aba’t!” galit na sambit na babae at hinila siya nito sa braso. “Hoy! Pamamahay namin ito! Ang kapal ng mukha mong umarteng maldita sa sarili kong pamamahay. Brusko, kunin mo nga ang bag ng babaeng ito tutal ibibigay naman niya kay Celestina iyan, eh! Tayo na kukuha.”

Natawa siya ng malakas sa sinabi ng mga ito at ang kakapal ng mga mukha. Gigil siya mga bente. Napakunot ang mga noo nitong nakatingin sa kaniya.

“Akala niyo hindi ko alam ang pambubugbog na ginawa niyo sa kapatid ko? Magtutuos tayo sa korte. Ipapakulong ko kayo mga gahol sa pera at asal hayop!”

Parehong natigilan ang dalawa sa kaniyang sinabi. Gulat na gulat ang mga ito at hindi makaimik. Nagsitinginan ang mga ito at nag-uusap sa lenggwaheng bisaya. Wala siyang pakialam kung nasa pamamahay siya ng mga ito dahil alam niya kung paano iligtas ang sarili saka-sakali. Hindi siya tanga para magpunta dito at basta na lang ilagay ang sarili sa panganib. Hindi siya bobo.

“Ngayon sabihin niyo sa`kin ang lahat kung bakit at paano napadpad sa inyo si Celestine at baka maawa pa ako sa inyo.” Ngumisi siya at maarteng umupo pabalik sa sofa na parang reyna.

“A-anong pinagsasabi mong kapatid? B-baliw ka ba? Anak namin si Celestine,” utal-utal na sagot ng babae. Himala! Nawala yata ang tapang nito.

“Umalis ka sa pamamahay namin bago kita patayin.” Kumuha naman ng baril sa isang drawer ang lalaki at itinuon sa kaniya.

Bigla siyang kinain ng takot at kaba nang mga sandaling iyon pero iniisip niyang kapag nagpapadala siya ng takot, hindi niya makukuha ang mga sagot na hinahanap niya. It’s now or never! Alam niya paano paiikutin ang mga taong tulad nito. Pera lang ang labanan at isang pilantik lang niya ng daliri, luluhod ang mga ito.

“Isang milyon. Isang milyong pera katumbas sa mga impormasyon gusto kong malaman. Ngayon, it’s either pala-lampasin niyo ang milyon o patayin niyo ako. Pag pinatay niyo ako, naka-record ang usapan natin sa cellphone ko at direktang naka-connect sa`kin private investigator.” Pero hindi totoo ‘yon. Bluff lang niya. “Now, uupo kayo at makipag-usap ng maayos sa`kin bago magbago ang isip ko!” tumaas ang kaniyang kilay.

Parang asong bahag ang buntot na agad umupo ang mga ito sa kaharap na sofa. Hindi niya alam kung natakot dahil ba sa sinabi niyang nakarecord lahat ng pag-uusap nila o dahil sa pera. Well, halata naman na sa pera.

“Sinong unang magsasalita sa inyong dalawa?” matigas ang kaniyang tono pero sa totoo lang, kabado siya. Isang kalabit lang ng lalaki sa baril nito, alam niyang sementeryo pag-pupuntahan niya.

Hindi ito ang kaniyang plano sa araw na iyon pero na-triggered siya at lahat nagbago. Ang gagawin lang sana niya ay magmamasid muna at kukuha ng konting impormasyon pero andito na siya, kaya kailangan niyang panindigan lahat. Mas mabuti rin at nang makabalik na siya ng Manila.

Pakiramdam ni Amara ay biglang nanghina ang buong kaniyang katawan nang marinig ang kwento kung paano at bakit napadpad sa mga ito si Celestine. Magulo ang kwento pero iisa lang ang nasisiguro niya, may tinatago ang mga ito at ayaw sabihin sa kaniya kung ano iyon.

Agad siyang tumayo at walang sabing nagtungo sa may pintuan. Hindi siya tanga para tuparin ang sinabing halaga na ibibigay niya sa mga ito. Pero nagkunwari siyang pumirma ng cheke na may isang milyon halagang pera at maling perma ang gamit. Umalis siya na parang walang nangyari habang iniwan ang mga ito na parang nanalo sa lotto. Isa sa isip ni Amara, ipakulong ang mag-asawang nagmaltrato kay Celestine ng ilang buwan o taon sa bilangguan para turuan ng leksyon.

Nakahinga ng maluwang ang matandang driver nang makita siyang lumabas. Muntik na raw itong tumawag ng pulis sa takot na baka may masamang nangyari sa kaniya sa loob. Napangiti siya sa kagandahan asal na pinakita ni tatang kaya tinreple niya ang binayad dito.

Pagod siyang bumalik sa hotel na kung saan siya nag-check in. Agad siyang humiga sa malambot na kama at pilit ina-analyze ang nangyari sa buong araw. May isang tao pa siyang da-pat hanapin pero bago ang paghahanap na gagawin niya, kina-kailangan niya munang kumain at magpahinga. Masyado siyang na-drain sa mga pangyayari at pakiramdam niya, naubos ang buong lakas niya.

Sanggol si Celestine nang mapadpad sa mga ito nung nasa Manila pa ang mga ito nakatira. Inabot lang daw ito ng isang babaeng tumatakbo at nag-iwan ng sulat na babalikan nito ang sanggol pero hindi na ito bumalik.

Balak sana ng mga ito na ibenta ang sanggol pero masyado raw napakagandang bata ni Celestine. Kaya nagpasya ang pamilya na dalhin sa Mindanao tutal walang babaeng anak ang mag-asawa. Doon nagtapos ang kwento ng mag-asawa na mukhang pera.

Ngayon, ang naglalaro sa kaniyang utak ay kung paano napunta sa sinasabing babae si Celestine. Diyan siya naguguluhan. Bakit hindi alam ng Mommy niya? May kambal ba siya? Malabo pa sa malabo ang bagay na iyon. Isa ba talaga siyang Legrand? Shit! Napabangon siya mula sa kama at nagpalakad-lakad.

Una, hindi alam ng kaniyang ina about sa existence ng ni Celestine. Pangalawa, kung sakaling pinagpalit sila nung sanggol, bakit positive ang resulta ng test? Pangatlo, sino ang babaeng nagnakaw sa kapatid niya at anong motibo nito? Pang-apat, kung malalaman niyang hindi siya tunay na anak, ano nang mangyayari sa kaniya pagnagkataon? Saan siya pupulutin? Sino ang mga magulang niya sakali?

Iisang tao lang talaga ang makakasagot nito, kailangan niyang makausap ang sariling ina at tanungin ito ng personal. Of course hindi niya sasabihin dito ang kaniyang mga nalalaman. Mananatili muna siyang tahimik hanggang sa pwede niya ng sabihin ang pwedeng sabihin at malinaw na ang lahat.

Agad niyang pinagbuksan ng pintuan si Berkham nang kumatok ito. Nakangiti ang binata at kumalma siya nang masilayan ang magandang ngiti ng binata. Ang gwapo rin ng hinayupak na ito, eh. Nag-aya itong kumain sila at mabilis niya itong pina-unlakan. Basta pagkain talaga, ang hirap sa kaniyang tanggihan. Sandali siyang napatigil sa pagnguya at napatitig sa lalaking nakaupo sa kalayuan. Naka-sideview ito at sunglasses.

“Azael?”

“Hey? Are you with me? Napatulala ka na naman d’yan.” Pinitik ni Berkham ang kaniyang noo kaya napatingin siya rito.

“Ano nga ulit sinabi mo?” parang sirang plakang tanong niya at ibinalik ang tingin sa lalaking kumuha ng kaniyang atensyon pero wala na ito do’n. Baka namamalikmata lang siya. Oo, tama. Imposible naman andito ang lalaki.

“Ang sabi ko sa bingi mong teynga, meron na akong clue kung saan hanapin ang kapatid ko. I got some lead, though not really sure. But there’s no harm in trying... Or there is. But who cares, at least there’s a progress. Para akong naghanap ng karayom sa haystack.”

Ngumiti siya at inabot ang buhok nito saka ginulo. “You’ll soon to find her. Tiwala lang, okay? Laban lang. Masyado tayong magaganda at gwapo para sumuko! Fighting lang, gano’n.”

“Baliw.” Tinawanan lang siya nito at nagpatuloy sa pagkain.

Habang siya ay naglalakbay na naman ang kaniyang utak at iniisip ang nakita niya kamakailan lang. Si Azael nga ba iyon?

Kakatapos lang niyang inumin ang tsaa nang gabing iyon. Sunod-sunod siyang naghikab. Inaantok na talaga siya at kailangan niyang magpahinga. Hindi pa tuluyan pumikit ang kaniyang mata nang maramdaman niyang lumubog ang katabing higaan. Gusto niyang tingnan kung sino ito, pero naramdaman na lang niya ang kamay na humaplos sa kaniyang pisngi. Bwesit, heto na naman siya sa mga wet dreams na ito. Wet dreams nga ba?

Napaigtad siya nang maramdaman ang mainit na palad sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Manipis lang ang kaniyang suot pantulog at wala siyang suot na bra sa loob. Napaungol siya. Gusto niyang magmulat ng mata pero parang dinuduyan ang kaniyang diwa. Nadroga na naman ba siya?

Pero sino naman ang gagawa? Samantalang siya lang mag-isa sa hotel na iyon. Siguro isang wet dream ulit at ang masama lang kasi, sa bawat wet dreams na meron siya, ang kaniyang kuya Azael ang laging nasa panaginip niya at inaangkin siya ng paulit-ulit.

Isang mainit na halik ang sumalubong sa kaniyang labi at hindi na siya nag-inarte pa, agad niyang tinugon ang halik na iyon. Parang ang unang halik niya at sino ba ang unang taong unang humalik sa kaniya?

Gusto niyang magmulat ng mata pero parang kay bigat ng kaniyang talukap. Basta lang siyang nakapikit at hirap siyang gawin para buksan iyon. Pakiramdam niya, dinuduyan siya sa mga halik na pinagsaluhan nila. Halos ayaw niyang matapos ang halik na iyon kung kaya nung lumayo ito sa kaniya ay biglang pumulupot ang kaniyang mga braso sa leeg nito at siya na mismo ang nagpatuloy sa halik na ayaw niyang maputol.

Napaungol siya nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg. Shit! Gusto niyang kapusan ng hininga sa nakakaliting halik na binigay nito. Ang mga kamay nito ay dumama, pumisil at parang sabik na sabik sa kaniyang katawan. Nagpumilit siyang buksan ulit ang mga mata pero tulad kanina, hirap siyang gawin ang bagay na iyon. Para siyang nahihipotismo.

Napakagat siya ng labi nang dumako ang bibig nito sa kaniyang malulusog na dibdib. Naramdaman din niyang wala na siyang saplot sa katawan. Gusto niyang itulak ang lalaki, pero walang lakas ang kaniyang mga kamay. Confirmed. Nananaginip na naman siya at alam niyang imposible na magising siya sa pantasyang ito.

Marahan dumausdos ang labi nito sa kaniyang tiyan, hanggang sa kaniyang pusod at nag-iwan ng mga munting halik sa parteng iyon. Napaliyad siya at napahagikhik. Nakikiliti siya at gusto niyang pahintuin ito pero walang lumabas na salita sa kaniyang bibig. Tanging ungol lang lumabas at mariin siyang napapikit nang bumaba ang labi nito sa ibabaw ng kaniyang pagkababae.

Gusto niyang magwala nang halikan nito ang kaniyang hita at hinaplos iyon para kusang bumuka. Ano bang ginagawa nito sa kaniya? Nababaliw na siya. Napaungol si Amara ng malakas nang dilaan nito ang kaniyang hiyas at marahan sinipsip ang kaniyang clitoris. Napaigtad siya at gusto niyang magwala pero mahigpit siya nitong hinawakan sa magkabilang hita.

“Ahhhh!” Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo sa sobrang sarap ng sensasyong naramdaman. Napasabunot siya sa buhok nito at mas lalong diniin ang ulo nito sa kaniyang pagkababae.

“P-please...” Hindi niya alam kung ano ang kaniyang pinapakiusap basta ang alam lang niya nang mga sandaling iyon, may hinahanap ang kaniyang katawan.

Nakagat niya ang kaniyang labi nang ipasok nito ang daliri sa kaniya. Halos hindi siya makahinga nang magsabay ang dila at daliri nito. Shit! Someone save her from this drowning sensation. Mamamatay na siya sa sarap!

“A-Azael...” out of nowhere nasambit niya ang pangalan iyon.

Sandaling natigilan ang lalaki pero narinig niya ang sinabi nito, “Hmm princess...”

At ang sumunod na nangyari ay tuluyan nagpawala nang kaniyang katinuan. Puro ungol niya ang maririnig sa buong silid na iyon...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.