Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 21

Nagising si Amara na ibang kwarto ang nabungawan. Para siyang sinabuyan ng asido nang makita ang happy couple wedding photo ni Azael at Penelope sa dingding. Which mean, nasa kwarto siya ni Azael at nang balikan niya ang nangyari kagabi, napapikit siya at napasabunot sa buhok. Nangyari na naman! Dinig na dinig niya ang malakas na lagaslag ng tubig sa banyo at bago pa man siya makita ng lalaki, mabilis siyang nagsuot ng damit at agad na umalis sa pamamahay nito.

Shit! Shit! Ano na naman ba ang kaniyang ginawa? Shit talaga! Gusto niyang magpalamon sa lupa. Naiiyak na tumakbo siya loob ng kabahayan. This is wrong! Oo mali lahat nang ito, kaya nga siya pumayag ikasal kay Theon kahit wala silang pagmamahal sa isa’t isa para lang makalayo at layuan siya ni Azael.

Pero sa nangyari ngayon, mukhang nagkaletse-letse na ang lahat at... Napatakip siya ng bibig. Kilala na siya nito? May nangyari sa kanila at isa lang ibig sabihin nito, wala na itong amnesia?!

Anong pwede niyang gawin? Kailangan niyang lumayo muna at mag-isip. Naguguluhan na din siya sa nangyari at mas lalo yatang gumulo ang kaniyang sistema nang malaman hindi sila tunay na magkapatid. Agad niyang binuksan ang closet at naghablot ng gamit do’n. Kumuha siya ng malaking maleta.

“Amara!”

Napatili siya sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at hinablot ni Azael ang kaniyang braso. Anong ginagawa nito sa pamamahay nila ni Theon?! And worse, naka-boxer lang ito at pumapatak-patak pa ang tubig mula sa buhok, halatang kagagaling lang nito sa shower.

“Saan ka pupunta?”

Agad niyang tinulak ito at nag-iwas ng tingin. Ngayon alam niyang hindi sila magkadugo, parang kalahati ng pagkatao niya ay sinaksak ng kutsilyo. Nasasaktan siya.

“Trespassing ang ginawa mo. Pwede kitang kasuhan kaya please lang, umalis ka sa pamamahay ko!”

“Ang tanong ko ang sagutin mo, saan ka pupunta?!” Hinila siya nito ulit pero sampal ang nakuha nito mula sa kaniya.

“Pwede ba tigilan mo na ako! Pakiusap naman Azael.” Akmang tatalikuran niya ito nang mag-ring ang cellphone na tanging dala nito.

“Fuck! Okay coming Dad. Yes, I am. On my way.” Nagmamadaling tumakbo ito papalabas.

TULALANG nakatingin lang si Amara sa nag-gagan-dahang halaman sa balcony nang araw na iyon habang hawak niya ang isang libro. Tapos na niya itong basahin at tinatamad na siyang magbasa ulit nang panibagong libro.

“Bes, attitude ka?”

Napataas ang kaniyang kilay sa sinabing iyon ni Trinity. Nasa condo siya nito at pansamantalang dito tumambay. Balak din yata nitong gawin flowershop ang unit nito.

Dahil maliban sa hanging plants, may mga bulaklak pa ito sa mga pots na nando’n and not to mention pati mga cactus.

“Alam ba ito nila tita? Like naglayas ka and especially sa hubby mo. How about school mo?” Saka nito binigay ang isang basong tsaa sa kaniya at kape naman dito.

Napabuntunghinga siya nang maluwang. Hindi niya pa sinabi rito ang buong kwento. Ang alam lang ng dalaga ay nabagot siya sa buhay Pinas at naglayas.

“Have you seen Berkham?” out of the blue natanong niya. Saan na nga pala ang lalaking iyon? Parehas sila nang problemang kinasasangkutan, kaya siguro naalala niya ito. Wala na itong contact sa kaniya simula nung bumalik ito sa sariling lugar na hindi niya matandaan kung saan.

“Nope! Wala na siya sa Australia, remember?” mabilis na sagot nito pero agad napatuptop ng bibig, “Wait, wait... You mean, you were here because of him?! Gusto mo siya!”

Kinurot niya ang singit nito. Bwesit talaga ang matabang babaeng ito saka inirapan. Saan ba siya nagkulang at ganito ang kaniyang naging kaibigan?

“Buang,” iningusan niya ito at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape.

Napabuntunghinga siya. Sa ngayon, hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin hakbang. Nawawala siya sa tempo at kailangan muna niyang ipagpahinga ang isip at katawan. Hindi pa niya kinausap si Theon sa pansamantalang pag-alis niya. 2 weeks ito sa ibang bansa.

Saan ba siya magsisimula sa paghahanap ng mga sagot na hindi niya alam kung ano mismo ang unang katanungan niya? Sino ba siya? Kanino siyang anak? Paano siya napunta sa Legrand? May bahagi ng isip niya na bumalik siya sa Pinas at tanungin ng seryuso ang ina pero kapag ginawa niya iyon, tatawanan lang siya nito. Hindi siya nito seseryuhin. And worse, makikita niya si Azael. Ngayon alam niyang hindi sila magkapatid dalawa, pakiramdam niya mas nanganganib siya. Nanganganib siya sa sariling damdamin.

“Berkham?”

Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang binata na papalabas sa isang convenient store. Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at agad siyang niyakap nang mahigpit.

“Amara my princess!”

“Ha?” Natigilan siya at napatingin dito. Princess... It reminds her of Azael.

“It’s been a months. I missed you!”

Napaingos siya. Buti na lang at nakita niya ito ngayon sa Australia. Bakit ang sabi ni Trinidad ay wala ito sa lugar na iyon? Well, nevermind as long andito na ito ngayon sa harapan niya. Kailangan niya itong makausap. Sa kakaikot niya sa kama kagabi para makatulog, bigla na lang pumasok sa utak niya ang sinabi ni Berkham laban sa nakakabatang kapatid nitong matagal na nitong hinahanap.

“I need to tell you something. Can we talk?” Bigla siyang nagseryuso.

“We’re talking.” Natatawang sagot nito.

Naglinya ang kaniyang kilay at hinila ito sa malapit na Coffee Shop. Sa mga sandaling ito, si Berkham lang ang pwede niyang sabihan.

“Bakit ka nga pala narito? And oh, how’s the investigation go? Got the answers?” panimula nito nang dumating ang order nila.

She chose tea while he asked for latte. Una niyang napan-sin sa binata ay medyo nangayat ito at gusto sana niyang tanungin ang bagay na ito pero napabuntunghinga na lang siya at ininom ang tsaa.

“About sa kapatid mong nawawala.” Ewan kung bakit ito ang lumabas sa kaniyang bibig.

Hindi naman niya sinasabing siya ang kapatid na hina-hanap nito. Sa bilyon katao ba naman sa mundo, sobrang labo naman yata ‘yon. Ilang case ba ang ganito ngayon sa mundo? Napailing siya.

“Yeah, and still no lead for her. I’m about to give up,” napahugot ito ng hangin at saka ininom ang kape.

Matagal siya bago sumagot. Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin pero nang tumingin siya sa mga mata nitong malamlam, bigla siyang nagkaroon ng lakas loob kung ano ang sasabihin niya.

“Berkham, I just found out na hindi ako tunay na Legrand.”

Natigil ito sa pagsimsim at gulat na napatingin sa kaniya, “Really?”

Napailing siya at napatingin sa chocolate cake na inorder. “Hindi ko alam. I never asked them. I just run a test secretly. It turns out, si Celestine ang tunay na anak and I’m just a nobody but they never know it yet. Hindi ko pa kayang ipaalam. Natatakot din ako kasi kapag nalaman nilang si Celestine ang tunay na Legrand, what will happen to me then? Gusto ko ipaalam sa kanila ang nalaman ko pero nagdadalawang isip ako ngayon sa mangyayari.”

“Amara...”

“Berkham... I know, I may sounds silly but my curiosity drove me crazy all night. I have this guts na gusto ko magpa-test tayong dalawa,” deritsahang saad niya.

Bigla nitong nabitawan ang tasang hawak pero hindi nito pinansin iyon. Napatitig lang ito sa kaniya na parang nababaliw siya. Napakagat siya ng labi at nagbaba ng tingin. Ano pa nga ba ang iisipin niya? Sino ba ang baliw na sabihin ang bagay na iyon kundi siya lang, ‘di ba? Nakakatawa.

“You’re kidding, right?”

Bigla siyang nagtaas ng tingin at tumingin ng matiim dito, “Hindi.”

“Damn!” Saka lang ito kumuha ng tissue at pinunasan ang kapeng nagkalat habang siya ay nakatingin lang dito.

Yeah, iisipin talaga nito na baliw na siya. Bago pa man siya lamunin ng hiya agad na siyang tumayo para umalis.

“Wait don’t go, hindi pa tayo tapos Amara.” Pinigilan nito ang kaniyang kamay.

“You mean naniniwala ka sa`kin?”

Tumango ito, “Yes and there’s no harm in trying. We could run a test of us together. I know what it feels like and I understand. You’re like my baby sister to me.” Kinindatan siya nito at agad siyang hinila papalabas sa Coffee Shop na iyon at nagpa-test dalawa.

Tama si Berkham, wala naman mawawala kung susu-bukan nilang dalawa. Alam niyang imposible naman na mangyari na siya iyon nawawalang kapatid nito pero ewan ba at bakit pumasok sa utak niya na magpatest sila. Well, who knows. Sana makita niya ang tunay niyang pamilya para magkaroon na nang puwang si Celestine sa pamilyang para naman talaga dito.

KALMADONG nakaupo lang si Azael sa loob ng kaniyang opisina nang pumasok ang kanilang ina. Puno nang pag-aalala ang mukha nito pero kahit gano’n pa man, hindi nabawasan ang angkin ganda. It’s been a fucking years na walang paramdam si Amara kahit sa kanilang ina.

Hindi niya masisisi si Amara, marami itong katanungan at alam niyang nagpasagawa ito ng ibang test pero huli nang malaman niya iyon, sabay-sabay kasing nagkaroon ng problema sa kompaniya at ilan sa company na stock holder sila ay nag-bankrupt. Sunod-sunod ang pagkaroon ng problema kung kaya nang araw na tinawagan siya ng ama, nawala sandali sa utak niya ang babae.

“Have you seen your sister? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat hindi ko na lang siya pinakasal kay Theon. Nagrerebelde ang kapatid mo at naglayas. Holy Mary! Sumasakit na ang ulo ko sa paghahanap sa kaniya.”

“Mom, I told you please don’t stressed yourself. Okay lang ang kapatid kong iyon. Hayaan muna natin siya at masama sa iyo ang mag-alala. Don’t worry, I’ll do everything to find her and bring her back.” Tumayo siya at giniya itong umupo.

Napabuntunghinga na lang ang ginang at napasandal na parang nag-iisip. “I hope she’s doing okay.”

Napatitig siya sa rito at napahugot ng malalim na hininga. Gusto niyang magtanong pero pinili niyang manahimik para hindi madagdagan ang pag-aalala nito. Mabuti at nand’yan ang kapatid niyang si Celestine at pinapasaya ang mga ito. Gusto niyang sabihin sa ina ang nalaman pero baka atakehin ito kaya maghihintay siya ng tamang panahon.

Hindi siya nagkulang bilang kuya ni Celestine, pinaram-dam niya rito na magkapatid sila at sinasama niya ito minsan sa mga business trip niya. Lahat ng mga taong nakakakita sa kanila ay iisa ang sinasabi, ang ganda ng kaniyang kapatid at hindi naglalayo ang kanilang hitsura. Fate was playing them at kahit pinaglaruan sila ng tadhana, sa parteng kay Amara lang niya na-appreciate ang paglalarong ginawa ng tadhana sa buhay nilang pamilya.

Amara, his princess. Hindi niya ito hahanapin, alam niyang babalik ito ng mansiyon at oras na bumalik ito, aagawin niya na ito sa taong nagmamay-ari sa papel at batas. Amara is his and only his.

NAPANGITI si Amara nang matanawan ang isang may edad na ginang na papalapit sa kaniyang gawi. Mula sa hugis ng mukha at mata nito, masasabi niyang mag-ina sila. She looks like her kahit may edad na ito. God! Kung hindi dahil sa test nila ni Berkham, hindi pa niya malalaman na siya ‘yong kapatid na tinutukoy nitong matagal ng nawawala.

Buhay nga naman, sobrang mapagbiro at siya itong napa-gtripan at paglaruan. Buti na lang at nag-insist siyang magpa-test dahil kung hindi pala, hindi pa niya malalalaman na hindi siya Legrand at isa pala siyang Farragher.

Half pinay at half irish. Dating nakatira sa Pinas pero nung nawala at hindi siya mahanap ilan taong na ang lumipas ay umalis ang buong pamilya at nanirahan sa America para kalimutan ang nangyari. Lima silang magkakapatid. Siya ang pang-apat at nag-iisang prinsesa.

“Amara anak...” Tumabi ito ng upo sa kaniya.

Ayon sa mga ito, hindi Amara ang tunay niyang pangalan kundi Ailidh. Pero bilang respito at pasasalamat ng mga ito dahil buhay at malusog siya, tinanggap ng buong puso ng mga ito ang kaniyang pangalan.

“Ma!”

“Anak, tatlong taon na rin. I think it’s the time that we should go back to Philippines and personally thank the family who raised you.”

Bigla siyang nalungkot nang maalala ang Daddy at Mommy niya. Kinain siya ng konsensya. Iniwan niya ang mga ito na walang paalam kundi tanging sulat lang na hindi niya gusto ang ginawang pagpapakasal ng mga ito sa kaniya kay Theon. And that, naglalayas siya at babalik lang kapag okay na. Lame reason pero iyon lang ang pumasok sa kaniyang utak nang araw na iyon. Letse, kahit kailan talaga sakit siya sa ulo!

“Hindi muna Ma, ako muna ang uuwi at magsasabi sa kanila. They don’t even know yet. Ako pa lang ang nakakaalam na hindi nila ako tunay na anak.”

Masuyo itong ngumiti at hinaplos ang kaniyang buhok. Pumayag ito sa kaniyang gusto. Hindi na rin siya nagpasama kahit kay Berkham nung umuwi siya, simula nung malaman nilang magkapatid sila, parang glue sila sa isa’t isa. Sila ang mabilis na nagkasundo at para pa silang tanga na nag-iyakan nung makita nila ang resulta. Indeed, life is full of shit. Kung hindi siya kumilos, nganga pa rin siya hanggang ngayon.

Deritso sa mansiyon ng Legrand siya umuwi at halos habulin siya ng tsinelas ng Mommy niya nang makita siya. Iyak ito nang iyak na parang namatayan

“My, buhay pa ho ako.”

“Peste kang bata ka!” Kinurot siya nito sa singit pero nang makitang ngumiwi siya at umaray-aray ay natawang niyakap siya habang umiiyak. “Saan ka nagsusuot ha? Halos mabaliw ako sayo!”

Parang kinurot ang kaniyang puso. Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksyon nito sa kaniyang pagkawala.

Nang gabing iyon halos hindi siya makatulog. Sampung kilometro din ang nakuha niyang sermon sa ina at ama, pero in the end ay niyakap siya at pinakiusapang ‘wag na ‘wag niyang gawin iyong maglayas. Kung sana alam ng mga ito. Hahanap lang siya ng tyempo na sabihin sa mga ito ang lahat. Alam niyang masasaktan ang Mommy at Daddy niya pero alam niyang para sa ikabubuti iyon ng lahat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.