Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 22

“ Wife!”

Nagliwanag ang kaniya mukha nang makita si Theon na bumisita sa mansiyo kinabukasan. Nasa bakuran siya at nagdidilig ng halaman kasama si Celestine. Nakalimutan niyang may asawa din pala siyang iniwan. Mahigpit niya itong niyakap at umiiyak na nag-sorry dito.

“I know... I know it’s against your will. Pero hindi ako masamang tao para itali ka sa`kin Amara, we can divorce our marriage for you to—”

“So you’re here.” Si Azael.

Kumawala siya sa pagkakayakap kay Theon. Nakita niya si Azael at nasa tabi nito si Penelope. Biglang tumahip ang kaniyang puso at halos magrambulan ang buong sistema niya. Kung hindi pa siya inakbayan ni Theon, baka natunaw na si Azael sa titig na ginawad niya rito.

Pero nang mapasulyap siya sa babaeng nasa tabi nito, tumalim ang kaniyang mata. Akala ba niya naglayas ito? Bakit bumalik agad ito? Nakakawalang gana ang pagmumukha, parang pagong pa rin. Sea monsters. Hindi niya akalain, magpinsan sila ng hinayupak na ito.

“Oh Amara! We’re glad you’re back,” pag-inarte nito at umarteng yumakap sa kaniya. “Bitch! Why don’t you die?” bulong nito.

Ang sarap tusukin ng mata nito sa totoo lang. “I’ll kill you first, no worries,” ganting bulong niya.

Saka na ito naunang pumasok sa loob habang sinabayan siya ni Theon sa labas. Nag-usap muna sila nang pangyayari sa buhay niya at hindi niya hinayaan ito na i-open ang topic about divorce. Not now. Hindi naman ito talaga ang dahilan though hindi nila mahal ang isa’t isa.

Pagkatapos nilang mag-family lunch nang araw na iyon ay nagpaalam siya para pumunta sa kaniyang silid. Nagpanggap siyang masakit ang kaniyang ulo at magpapahinga. Agad naman siyang pinayagan ng ina.

Sinama niya si Celestine at pinaupo ito sa Queen size bed ng kaniyang silid na sa totoo lang, ito dapat ang magmamay-ari ng silid niya.

“Ma’m Amara, may ipapagawa ba kayo sa`kin?”

Napangiti siya at parang maiiyak. Buong buhay ay pinagkait dito ang tunay na halaga nito bilang Legrand. Ito sana ang Amara ngayon. Napaluha siya nung umupo siya sa tabi nito at ginanap ang kamay.

“Celestine, thank you.”

Nagulat ito nang umiyak siya. “B-bakit?” inosenteng tanong nito. Natuliro ito kung anong gagawin sa mga luhang nagsiunahan bumagsak sa kaniyang mga mata.

“Thank you kasi habang wala ako, ikaw ang nand’yan kay Mommy at Daddy. Ikaw ‘yong pumuno nang ilang taon kong pagkawala. Nand’yan ka para hindi ako masyadong mamiss ni Mommy.”

Namula ang mukha nito at nagyuko. Parang na-guilty sa kaniyang sinabi. “Ma’m Amara, hindi ko po ginawa iyon para agawan ka po ng pwesto. Totoo po! Hindi.”

Pinisil niya ang kamay nito. Kung alam lang nito kung gaano kasaya at guilt ang kumain sa pagkatao niya ngayon. Masaya dahil nakita niya ang tunay na pamilya, guilt dahil hindi pa rin alam ng Mommy nila na si Celestine ang tunay na unica hija nito at hindi siya. Pero desidido na siya, sasabihin niya sa babae ang totoo at saka niya sasabihin lahat sa unang babeng namulatan niya bilang Ina. Kung sino ang mas may karapatan dito sa mansion ang malaman ang katotohanan, walang iba kundi si Celestine.

“Masaya ako dahil sa totoo lang hindi ako ang tunay na Legrand. Celestine ikaw ang tunay na anak ng pamilyang ito at ako ay hindi.”

“A-ano pong pinagsasabi—”

“Amara?!”

“Mom!”

Nanlaki ang mata niya nang makita ang ina na nasa pintuan at gulat na gulat sa kaniyang sinabi. Napahawak ito sa puso at sa sumunod na nangyari ay nagsigawan silang dalawa ni Celestine at mabilis na sumugod papalapit dito.

Walang reaksyong nakatingin si Azael sa inang mahimbing na natutulog. Sari-saring emosyong ang nara-ramdaman niya pero nanatili siyang kalmado kahit ang totoo, hindi. Ang daming nangyari nung nawala sa loob ng tatlong taon si Amara at sa loob ng taon na iyon, nakasubaybay lang siya rito ng palihim at nasa malayo.

Alam din niyang bumisita ito sa Pilipinas ng tatlong beses at palihim na pinagmamasdan ang kanilang ina sa loob nang tatlong taon. Lahat ng galaw nito, alam niya at nakasunod lang siya kahit na nung araw na nakita nila ito nung kasama niya si Vraiellah habang tinakas niya sandali kay Cuhen.

Kung alam lang nito kung gaano siya nagpipigil para hilain ito at itakas papalayo, ginawa niya na. Pero dahil mahal niya ang babae, hinayaan niya itong magpakalayo-layo kahit labag sa kaniyang kalooban.

Amara loathed him but the fact that he loves her, kaya niyang magtiiis kahit ilan taon pa ang aabutin. Maybe the only worst decision he ever did, was having Penelope in his life. Alam niyang masamang idea iyon pero pinagpatuloy niya dahil akala niya, makukuha niya ang atensyon ni Amara pero hindi, hindi niya nakuha and that fucks him for real.

Nag-ring ang kaniyang cellphone, nang tingnan niya ito, si Cuhen ang nasa kabilang linya. Pinatay niya ang tawag at siya naman pagpasok ni Amara. Nagulat ito pero sandali lang iyon at walang kibong lumapit sa tabi ng kanilang ina— nang kaniyang ina.

Hindi sila magkapatid. Matagal niya nang alam ang bagay na ito pero pinili niyang manahimik. Hinintay niyang ito ang magsalita. Namumula at namumugto ang mata nito nang ganapin ang kamay ng ginang. Dinig niya sa mga labi nito ang salitang `sorry’.

“Umalis ka nang walang paalam at ito ang ginawa mo.”

Walang sagot mula kay Amara. Nanatili lang itong tahimik at marahan hinaplos ang buhok nang kaniyang ina. Kitang kita niya kung gaano nito na-miss ang magulang na una nitong namulatan. Parang kinurot ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang babae. Hanggang ngayon, walang pinagbago ang kaniyang puso.

Saka biglang pumasok si Celestine, ngumiti ito sa kaniya ng tipid nang makita siya at nagbaba ng tingin.

“Celestine, maiwan ka muna rito. Amara and I need to talk.” Sa sinabi niyang iyon, biglang napalingon sa kaniya si Amara at nagtatanong ang mga mata. “Follow me.” At nauna siyang lumabas nang silid na iyon.

Rooftop ang tinahak ng kaniyang mga paa. Ilang minuto ang kaniyang hinintay bago niya naramdaman ang presinsya ni Amara.

“How are you?” Iyan ang unang lumabas sa kaniyang bibig.

“I’m okay,” kiming sagot nito.

Walang emosyong humarap siya at namulsa. Tinitigan niya ito at hindi ito nagbawi ng tingin. Hindi niya mabasa kung ano ang tinatakbo ng isip nito ngayon. Minsan gusto niyang tanungin, kung gaano nito kamahal si Theon para pumayag itong pakasalan agad ang lalaki pero hindi niya magawa sa takot na baka masaktan siya lalo.

“I was 10 years old that time when I saw you. Nasa Ame-rica ako with grandpa and grandma for the whole year nung dumating ka sa buhay namin. I didn’t know Mom hired a surrogate mother to bear a child for them. Kaya nung dumating ako ng mansiyon, sobrang tuwa ko dahil sa wakas may kapatid na ako. At first, I treat you as my little sister. Hanggang sa dahan-dahan na-develop feelings ko sa`yo at nauwi sa pagmamahal. Yes, I love you since we’re kids Amara. Ayuko pero wala akong magawa sa puso ko. Nakaya kong itago sa lahat ang nararamdaman ko pero mapaglaro ang tadhana,” sandali siyang tumigil at humugot ng hangin, “I digged our family background. Celestine was been stoled by her surrogate mother. Ayaw nitong ibigay ang bata pagkatapos nitong isilang. Walang kaalam-alam ang parents natin, correction, parents namin na ikaw ang pinalit sa part ni Celestine. Ninakaw ka para pagtakpan si Celestine na siyang totoong kapatid ko. Pag-katapos nilang ibigay ka sa pamilya namin at inabutan ng dalawang milyon bilang kabayaran bilang surrogate mother naglaho sila bigla dala si Celestine...”

“A-alam mo na ang lahat?”

“Nung nawala ka... Oo.” Nakita niya ang paninigas nito sa kinatatayuan at hindi makasagot. “Ngayon, iisa lang ang masasabi ko; hindi tayo magkapatid. Nahanap ko na rin ang taong nagnakaw sa`yo nung sanggol ka pa. Nasa kulungan na sila sa kasong human trafficking at kidnapping. Hindi nila inamin kung sino ang nag-utos na nakawin ka pero iisa lang masasabi ko, mabubulok sila hanggang sa mamatay.”

“Azael...”

Nagulat siya nang walang awang bumagsak ang mga luha nito sa mga mata. Sunod-sunod iyon at kasabay ang pagbiglang yakap nito. Para siyang nabunutan ng tinik. Hindi siya makagalaw sa ginawa ng kaniyang nag-iisang prinsesa. Naiwan sa kaniyang bulsa ang kaniyang kamay at hinayaan umiyak ito nang umiyak sa kaniyang dibdib. Galit ba ito dahil nangialam siya? Ginawa lang naman niya ang bagay na ito para rin dito. Sa ibang parte, wala siyang makitang mali.

Ilang pagtitimpi ba ang ginawa niya para dito? Pagsa-sakrapisyo? Halos mabaliw siya nung araw na pumayag itong magpakasal. Gusto niya itong itakas, ilayo sa napakalayong lugar na walang makakakilala sa kanila pero napahinto lang siya sa katanungan pumasok sa utak niya, mamahalin na ba siya nito ‘pag ginawa niya?

Ilang pagtitiis ba ang ginawa niyang pagmasdan ito bawat himbing na tulog nito sa kwarto. Umaalis lang siya kapag nakita niyang okay na ito.

Ilang suntok sa dibdib ba ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita itong magkasama ng walanghiyang Theon na iyon? Kulang na lang ay bigwasan niya ito at sakmalin ang leeg pero kung gagawin naman niya ang bagay na ito, baka mas lalo lang siyang kamuhian ni Amara. Damn! Kung alam lang nito kung gaano kalaking gulo ang binigay sa kaniyang buong pagkatao, baka sakali maiintindihan siya.

Stalker na kung stalker pero sa loob nang tatlong taon, iyon ang ginawa niya. Nasa malayo lang siya, pinagmamasdan ito sa bagong pamilya. Nasaktan siya sa bagay na iyon pero napangisi sa huli, ito ang ebidensyang pwedeng magkaroon ng `sila’ ni Amara. Hindi ito tunay na Legrand, ibig sabihin pwedeng ma-void ang kasal nito sa lalaki.

Nakikita niyang masayang-masaya ito sa tunay na pamilya. Hanga siya sa kaniyang prinsesa, kaya nitong sagutan ang mga katanungan at ang mga problemang gusto nitong masulosyunan. Nando’n siya, sa Zambonga kung saan naghahanap ng kasagutan si Amara.

Nasa malayo lang siya at pinagmamasdan bawat galaw nito. Nung kasama nito si Berkham na muntik niyang pagselosan at bugbugin sa sobrang galit. Nung pumasok ito sa isang bahay, kinausap ang mag-asawang nasa kulungan na ngayon. Nung na-by pass niya ang PI na kinuha nito para malaman kung ano ang imbitigasyon ginawa ni Amara. Ang mamahalagang impormasyon ay kinukuha niya at ‘yong hindi ang pinapaabot niya sa babae.

Hindi niya alam na sa kaniyang ginawa, mas lalong nagbigay ng pursigido kay Amara na malaman lahat ang katoto-hanan sa buong pagkatao nito.

Malungkot na pinagmasdan ni Azael si Amara na tumalikod at humakbang papaalis. Pagkatapos siya nitong yakapin, bumitaw agad ito. Walang kahit isang salita na lumabas sa bibig nito. Naiwan siyang maraming katanungan sa isip kaya nagpasya na lang siyang manatili sa rooftop at do’n magpalipas nang ilang oras para makapag-isip. Hindi niya alam kung anong hakbang ulit ang gagawin. Nasasaktan siya, iyon ang totoo.

Wala si Amara nung bumalik siya sa silid. Ang nabungaran niya ro’n ay si Penelope. Nakapagdesisyon na si Azael, sasabihin niya kay Penelope na peke ang kanilang kasal at kahit kailan hindi niya ito magawang mahalin. Sinubukan niyang mahalin ito pero bigo siya. Ang kaniyang nag-iisang prinsesa pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso.

“Let’s talk Penny.”

“Bakit?”

Hindi siya sumagot. Deritso lang siyang tumalikod at sumunod ito sa kaniya. Nasa kotse siya nang pumasok ito sa passenger side. Walang sabing tinanggal niya ang singsing at nilagay sa dashboard. Nagulat ito sa kaniyang ginawa at hindi makapaniwala. 3 years with her was like a fucking hell. Though, pinaparamdam nito sa kaniya kung gaano siya kamahal pero hindi niya hawak ang kaniyang puso.

“W-what does it mean? You’re joking, right baby?”

“Honestly Penelope, hindi tayo kasal. Fake marriage lang ang meron tayo. Pardon me for doing that to you but I did tried my best to love you... But I can’t.”

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha nito at halatang hindi makapaniwala. “Liar! You love me! Kasal tayo. Gusto ako ng pamilya mo!”

“Pero hindi mo sila gusto. Alam kong pinipeke mo lang ang aking ina. Pero hindi iyan ang usapan dito kundi tayo. Patawad Penny pero aaminin kong parte ka lang ng mga plano ko. Kung sana ang bilis lang turuan ng puso, ikaw na minahal ko.”

Isang malakas na sampal ang tumama sa kaniyang pisngi. Manhid na nga siya dahil hindi man lang siya nasaktan. He deserves it. Hind lang dapat sampal dapat sa kaniya, alam niyang sobra-sobrang sakit ang ginawa niya rito.

“Tell me you’re lying! Tell me!”

“I’m not.”

Mabilis itong yumakap sa kaniya at nag-iiyak sa kaniyang balikat. “Baby please... I love you! You can’t do this to me. Totoo ang kasal natin. You’re pranking, right? You love me, I know it! Azael please, mahal na mahal kita. Nagsisinungaling ka lang. Oo! Nagsisinungaling ka lang. You can’t break us. Tayo lang dapat. I’ll kill a bitch if someone try to steal you away from me!”

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at binaklas ang kamay nito sa kaniyang leeg. “Tama na. I’s over now, Penelope.” Binuksan niya ang pintuan nang kaniyang sasakyan para lumabas.

Isang yakap sa kaniyang likuran ang pumigil sa kaniya. “Hindi! Hindi Azael. Walang mang-iiwan at maiiwan! Gagawin ko lahat, just please stay. I knew since from the start, you love someone else but I don’t care! I fucking don’t care. I love you and that all matters to me!”

Kung pwede lang pero hindi. Binaklas niya ang kamay nito. Tapos na sila. Kailangan na rin niyang tapusin itong pag-papanggap na ito.

“Si Amara, ba? Ha?!”

Bigla siyang natigilan, “Huwag mong idamay ang ibang tao rito.”

“Wala akong makitang ibang dahilan kundi ang pekeng kapatid mo! Alam kong mahal mo siya! Dati kampante ako dahil imposible maging sa`yo siya pero nung malaman ko sa pinsan kong si Berkham na si Amara ang matagal nilang nawawalang kapatid... Bullshit! Siya ang dahilan diba?! Papatayin ko siya.”

Agad siyang humarap dito at mariin na niyugyog ang balikat. “Stop it! Hindi si Amara ang pinag-uusapan dito?!”

Malakas itong umiyak at nag-hysterical. Ilan sa mga taong nando’n sa parking lot ay napatangin sa kanilang gawi.

“Kung gano’n, sino? Ha?! Sino? How dare you for using and dump me afterwards! Akin ka lang Azael, tandaan mo iyan. AKIN ka lang!” At malakas nitong sinara ang pintuan ng sasakyan nang lumabas ito at nagmamadaling tumakbo papalayo.

Napasabunot siya sa ulo. Fuck! Ito na nga ba ang kaniyang sinasabi. Sa dami-daming magagandang desisyong ginawa niya, ito ang pinakamalaking pagkakamaling kaniyang ginawa. Fuck it! Kung sana dati pa niya nalaman na hindi sila magkapatid ni Amara. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig, iyon ang totoo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.