Isang linggo ang nagdaan, naging okay na ang lahat Pero isang araw nakatanggap ng tawag si Amara sa isang un-known caller. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tumatawag pero sa huli, hindi niya ito sinagot.
`Papatayin kita.ʼ
Sunod-sunod ang text na iyon hanggang sa pinatay niya ang cellphone at mabilis na isinilid sa bag. Nanlamig ang kaniyang buong kamay sa nabasa. Kung prank man ito, sino naman ang ga-gawa ng gano’n kung sakali? Dapat na ba siyang matakot?
Humugot siya ng malalim na hangin. No. Masyado siyang maganda para matakot. Nagtaas siya ng noo at hinawi ang buhok. Wala siyang panahon para sa ganiyang death threat.
“My,” tawag niya ginang. Simula nung lumabas na ito sa Hospital, apat na araw na ang nakaraan, hindi pa sila nag-uusap. Halatang iniiwasan siya nito.
“Amara, alam kong malaki ang galit mo sa`min ng Dad mo but making up those stories is out of boundaries. Ang sakit sa`kin bilang ina mo.”
Lumapit siya rito at umupo sa tabi kung saan pareho silang nasa balkonahe. “Okay My, next time na lang natin pag-uusapan ito. But for now, kumain na kayo. Nagluto na si Celestine at hinihintay na lang tayo.”
Tumango ito at sumunod sa kaniya. Napabuntunghinga na lang siya at walang magawa. Kahit anong pilit niya, ayaw talaga nitong maniwala. Siguro, ayaw lang nitong tanggapin pero sa nakikita niya, mahal na mahal nito si Celestine. Ayaw lang siguro nitong tanggapin ang rebelesasyon na ang unica hija nito ay hindi nito totoong anak.
Hindi rin niya nakita si Azael pagkatapos nung sa rooftop. Halatang iniiwasan siya ng lalaki at wala naman siyang pakialam doon, kahit pa nga habangbuhay siyang iwasan nito. Gusto niyang isipin na kaya naman pala mahal siya ni Azael dahil hindi naman pala talaga sila magkadugo pero sa isipin na tinuring niya itong nakakatandang kapatid ay parehas pa rin iyon.
Ginulo na naman ni Azael ang kaniyang sistema! Hindi pwede, kasal na ang kaniyang kuya at siya kay Theon. May kaniya-kaniya na silang asawa at... Hindi siya tunay na Legrand. Napapiksi siya. Kung anu-anong pumasok sa kaniyang isipan. Siguro gutom lang talaga siya kaya sa lalaki na naman naglilikot ang kaniyang utak. Parang gusto niya tuloy makita ang gwapo nitong mukha.
NAPAUNAT ng likod si Azael nang biglang bumagsak ang mug na iniinuman niyang kape. Nasa kaniyang opisina siya at nagpipirma ng mga papeles na kailangan niyang matapos dahil sa kasusunod niya kay Amara kaya ilang araw itong tambak sa kaniyang mesa. Napatingin siya sa nabasag na baso at napatitig doon. Nagkibit siya ng balikat at hindi na pinansin ang bagay na iyon saka niya tinawag ang kaniyang secretary at pinalinisan ito.
“K-kuya Azael!” boses ni Celestine mula sa kabilang linya ang pumukaw sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito. Napangiti siya sa paraan ng pagtawag nito. Sa wakas, nagawa na rin siya nitong tawaging kuya. “S-si Ma’m Amara! Si Ma’m Amara, kuya!”
Para siyang napapasong napatayo bigla at agad na kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa. Fuck! Wala itong sinabi pero parang alam niya na kung anong nangyari. Agad niyang pinatay ang tawag at patakbong tinungo ang pintuan.
“Cancel all my appointments!” Nagawa pa rin niyang magbilin sa kaniyang sekretaryang hindi makahuma at nakatingin lang sa kaniya papalabas.
Agad niyang dinial ang numero ni Penelope nang makasakay siya ng elevator pababa ng building kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan.
“What did you do to her?!” Malakas na sigaw niya rito bago sagutin ang ilang tawag niya. “Penelope answer me!”
“What are you talking about? Bakit ako ang pinagbi-bintangan mo?”
Napakuyom siya ng kamao. Puta! Kahit wala itong sabihin alam niya na may ginawa ito sa kaniyang prinsesa. Ito na nga ba ang karma sa mga maling desisyon ginawa niya, ibang tao nadadamay. Fuck!
“Anong ginawa mo?! Anong ginawa mo sa kaniya? Ano?!” galit na sigaw niya. Hindi niya ma-control ang kaniyang galit at kung sino man ang makakakita sa kaniyang gano’n ay matatakot. Kilala siya ng lahat na malumanay, down to earth kausap at mabait. Pero ngayon? Papatay yata siya kung kinakailangan.
“I don’t know what you’re blabbering about Azael!” At pinatay nito ang tawag sa kabilang linya.
Gigil na sinuntok niya ang salamin dingding ng elevator. Tamang-tama nang bumukas ito ay siyang pagpasok ni Cuhen at Farhistt. Pero wala ang kaniyang atensyon sa mga ito, nagtuloy-tuloy lang siya sa kaniyang sasakyan.
Isang text kay Celestine ang kaniyang natanggap. Address ito ng Hospital. Napakuyom siya ng kamao at mabilis na pinalipad ang sasakyan sa sinasabi nitong Hospital. Oras na may masamang nangyari kay Amara, patawarin siya ng Diyos pero hindi siya pinanganak para lang umupo sa tabi.
Magkasabay na dumating sila ni Theon pero nauna siyang nagtanong sa kapatid niya na umiiyak habang nanginginig pa rin ang katawan na nakaupo sa lobby. Kung hindi pa niya hinawakan ang balikat nito, hindi ito kakalma.
“Magkasama kami nang h-huminto ako sandali dahil na-hulog ang panyo ko. S-saka m-may isang rumaragasang sasakyan ang bumangga kay Ma’m Amara…”
“Saan si Amara?!”
“N-nasa Emergency Room, kuya...” umiiyak na ganting sagot nito.
Fuck! Fuck!
Nanghihinang napaupo na lang si Azael nang makita niya mula sa pintuan kung paano inasikaso si Amara ng mga Doctor at Nurse. Damn it! Sana walang masamang nangyari kindi magba-bayad nang mas higit pa ang gumawa nito.
Galit na dinial niya ulit ang numero ni Penelope pero hindi niya ito ma-contact. Iisa lang naman ang pwedeng gumawa nito, at alam niyang walang iba kundi ang babae. Sa ngayon, si Amara muna ang kaniyang aasikasuhin. Maghaharap pa sila ni Penelope.
NAKANGISING pinagmasdan ni Penelope ang babaeng mahimbing na natutulog sa isang room. Hindi siya nahirapan sa pagpasok dahil na rin sa suot na face mask at white suit ng pang-Doctor. Dati pa, gusto niyang maging Doctor pero hindi siya matalino kaya ganito siya. Arghh! At ngayon, pati itong haliparot na babaeng ito ay kukunin sa kaniya si Azael? No way, hindi siya makakapayag! What’s her, is her.
“Aww, look at you bitch. You slept like a baby and—Eww.” Napairap siya at nilapitan pa ito para makita lalo ang mukha ng babaeng salot sa buhay niya kahit nung mga sanggol pa sila.
Nung nakaraan taon lang din niya nalaman ang lahat. Hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng kaniyang ina at ama sa silid ng mga ito. Ang kaniyang ina ang mastermind sa pagdukot kay Amara at binigay sa sister in law nito na isang dakilang surrogate mother ang trabaho. Nung lumabas na ang sanggol na dinala, nagbago ang isip at si Amara ang pinalit sa kliyente.
Sanhi? Sa inggit at selos dahil nakapag-asawa ng maya-mang tao ang ina ni Amara. Ginawa ng magulang niya ang bagay na iyon para saktan ang buong pamilya nito at planadong ipa-ampon siya sa pamilyang Farragher para humuthot ng pera at lumaking sunod sa layaw pero hindi umubra ang plano. Ayaw siyang ampunin ng pamilya bilang kapalit kaya ang nangyari, nagalit ang kaniyang mukhang perang ina at iniwan siya sa bahay ampunan.
Binalikan lang siya ng mga ito nung sampung taong gulang na siya at mayaman na ang mga ito dahil sa sariling negosyong naipundar. Kung saan hindi niya alam kung anong klaseng negosyo.
The world was really, really, really not fair. Look, sino ba’ng mag-aakalang magkadugo sila ng babaeng ito? Buong buhay niya, akala niya ay magkapatid lang si Amara at Azael. Huh! Akala niya normal lang na makita niya ang lalaking minamahal na tinitigan ang picture ng nakakabatang kapatid nito, normal lang na nasa wallet nito ang picture ni Amara at kahit sa phone nito!
Tapos malalaman na lang niya na hindi ito magkapatid nung sinabi sa kaniya ni Berkham na si Amara ang nawawalang kapatid! Pero tahimik pa rin siya. Tinago niya ang sekretong iyon pero ito ngayon ang bubungad ng hayop na ito?!
Hindi basta-basta ang nadaanan niya sa bahay-ampunan! Araw-araw siyang nabu-bully. Walang umampon sa kaniya dahil ‘di siya biniyayaan ng magandang mukha. Nung tumuntong siya ng highschool, doon na siya nag-undergo ng plastic surgery at ginamit ang ganda para manakit ng damdamin at humuthut ng pera sa iba’t ibang lalaking ikinakama siya. But not Azael, mahal niya ito.
Sobrang mahal kaya hindi siya papayag na mapupunta sa wala ang ilang taon na pinagsamahan nilang dalawa. Hindi peke ang kanilang kasal at mas lalong, hindi siya papayag na si Amara na naman! Puro na lang ito, ito, ito, ito! Kaya naman pala ang init ng dugo niya sa haliparot na ito, may history pala ang kanilang angkan.
Hmm, hindi siya baliw para isumbong ang ginawa ng kaniyang mga magulang. Kahit malaki ang kaniyang galit dahil sa ginawang pag-ambandona ng mga ito sa kaniya, hindi pa rin niya ito isusumbong. Kaso, dito na yata magtatapos ang lahat. Tatapusin niya na ang buhay nito para sa kaniya lang ang lalaki at magpapakasal sila sa simbahan pagkatapos nito! Walang makakapagpigil sa kaniyang gagawin.
Kinuha niya ang puting unan sa uluhan ng babae at nakasingising pinagmasdan ito sandali. Tsk-tsk, mamaalam na ito sa mundo at wala ng haliparot na sisira sa pagmamahalan nila ng lalaki. Ito lang naman ang problema, eh. Bakit kasi hindi ito namatay agad nung binangga niya?
Sinigurado naman niyang malakas ang kaniyang pagka-kabangga rito kahapon. Napangisi siya at napatingin sa oras, kailangan niyang madaliin ang pagpatay nito at uuwi pa siya para handaan ng hapunan ang pinakamamahal niyang asawang si Azael. Sayang, kung hindi lang sana nalaglag ‘yong batang nasa sinapupunan niya na sana’y maging anak nila ni Azael kahit hindi ito ang ama.
“So bitch, see you in hell? I’ll follow later,” pabulong na usal niya. Una niyang tinanggal ang oxygen sa ilong ni Amara na nakasabit, “Ganiyan, dapat ganiyan ka.” Napangisi siya. Sinunod niyang tanggalin ang nasa bibig nito. “Siguro naman mamamatay ka na niyan.”
What’s next? Ah, makakalimutan pa ba niya? Mahigpit na napahawak siya sa unan at isang sulyap pa ang kaniyang binigay kay Amara bago siya namaalam ng tuluyan. “Bye, slut!” Saka niya diniin ang unan sa mukha nito.
“Penelope! Anong ginagawa mo?!”
Biglang bumagsak sa isang tabi si Penelope nang haklitin ni Azael ang babae sa braso. Agad niyang tinanggal ang unan na nilagay ng babae. Fuck! Fuck! Natataranta siya sa kung anong gagawin.
“I will kill that bitch!” Tumayo ito at pinagsisira ang mga aparatung sumusuporta sa katawan ni Amara.
“Stop it!” Isang malakas na sampal ang binigay niya rito nang hilain niya ang dalaga para tumigil. Sa sobrang lakas, napa-subsub ito sa sahig.
“I hate you! I hate you!”
Wala siyang panahon sa galit nito, ang importante sa kaniya ay ang kaligtasan ni Amara. Damn! Fuck! Malakas siyang napasigaw ng Doctor at Nurse. Minuto lang ay sunod-sunod na pumasok ang mga ito.
For holy sake! Bakit hindi man lang niya natimbrehan na babalikan ito ni Penelope?!
Nang maalala niya ang babae, galit na hinarap niya ito at tinulak pasalampa sa pader. Sa lakas ng kaniyang sampal kanina, dumugo ang labi nito at namaga ang mukha.
“Bakit? Bakit mo ginawa iyon? Bakit?!”
“Dahil mahal kita!”
“Fuck Penny! Nakakamatay ang pagmamahal mo. Dina-may mo ‘yong walang malay na tao dito, at oras na may masamang mangyari sa kaniya, fuck, alam mo na ang mangyayari sa`yo.”
Tumalim ang mata nito na kanina lang ay umiiyak at nagpapamakaawa. “Dinamay? Huh, she deserves to die! Rotten in hell! Ang mga kagaya niyang mang-aagaw dapat pinapatay.”
Isang malakas na suntok ang tumama sa pader at galit na tiningnan ito. “Baliw ka nga.” pinipigil niyang ‘wag saktan ang babae. Baka saan ito pulutin kapag nasuntok niya.
“Dapat sa kaniya namatay, eh! Bakit kasi hindi na lang ‘yan pinatay ng magulang ko ang pesteng Amara na ‘yan nung sanggol pa siya! Bakit kasi nagkrus ulit ang landas namin dalawa at ang lalaking mahal ko pa ang inagaw niya! Dapat pinatay na lang siya ng magulang ko nung dinukot nila si Amara. Papatayin ko siya Azael, papatayin ko ang babaeng kinababaliwan mo. Papatayin ko siya!”
Napamulagat siya sa narinig at hindi makapaniwala. Napaatras siya sandali at biglang nalito sa sinabi ng babae. May hindi pa ba siya alam? May dapat pa ba siyang malaman sa pagkatao nito? Yeah, dahil sa walang pakialam niya rito, hindi niya inalam kung ano ang tunay na pagkatao ni Penelope. Masyado siyang fucos kay Amara.
“What did you say?” Hinaklit niya ang dalawang balikat nito at malakas na niyugyog. Nag-abot ang kaniyang kilay at ilang sandali lang ay mananakit na siya ng tao. Wala na siyang pakialam kung babae itong kaharap niya.
“Oo, Azael! Kaya papatayin ko siya para bumalik ka sa`kin. Hindi ang Amara na iyan ang maghihiwalay sa`tin dal’wa! Akin ka lang at akin.”
“Enough!” Napahiyaw ito nang tumama ang kaniyang kamao sa pader. “Mapapatay kita Penelope oras na may mangyaring masama kay Amara, tandaan mo ‘yan. Papatayin kita.” Mabilis niya itong tinalikuran.
Saka na sila magtutuos dalawa, gusto niya munang masiguradong okay na ang kalagayan ng babaeng mahal niya. Papaimbistegahan niya ang pamilya nito at ipapakulong kasama ang babae. Naaawa siya rito pero kung ganito na lang din naman, mainam nga na magkita sila sa korte.
MABILIS na napasugod si Berkham sa Pilipinas nang malaman niya ang nangyari. Tumawag siya sa phone ng kapatid niyang si Amara pero si Azael ang nakasagot. Ilang segundo rin ang nagdaan bago sinabi ni Azael ang totoong nangyari. Nagma-madaling nagtungo siya sa Hospital kung saan naka-confine ang kaniyang kapatid kahit kararating lang niya at may hangover pa.
“Hey watch out!” Inis na pakli niya nang muntik na bumangga sa kaniya ang papasalubong na babae.
“Pasensya na ho,” at nagbaba ito ng tingin.
Napakunot siya ng noo at nang tingnan niya ito, si Celestine ang bumungad sa kaniya. He knows her. Ayon kay Amara, si Celestine ang tunay na Legrand. Nawala ang kaniyang inis at ngumiti sa dalaga.
“How’s my sister?” deritsahang tanong niya.
“Nagising na si Ma’m Amara pero hindi pa siya nagsasalita. Sige po.” Nagmamadaling lumayo ito.
Napakunot ng noo si Berkham at napailing. She’s pretty and he admit it. Masyado lang itong mahiyain at hindi ito pasok sa taste niya sa mga babae.
“Amara!”
Nagliwanag ang mukha ni Amara nang makita siya. Pansin niyang ando’n sa loob ng silid na iyon si Theon ang asawa nito, si Azael at ang pamilya Legrand. Nagulat ang mga ito pero nanatiling walang emosyon si Azael na nasa couch at simpleng nakaupo. Bumati siya at ngumiti. Mabait na sumagot ang mga ito at iyon ang hudyat para lapitan niya si Amara.
“Hey baby sis,” aniya. Hinaplos niya ang pisngi nito at marahang ginanap ang kamay. Pinag-alala siya nito ng sobra.
Ngumiti ito. “H-hey...” Nakabenda ang ulo nito at may plaster sa leeg at paa. Limang araw na ang nagdaan simula nung sa aksidente ayon kay Azael.
“Maaari ba namin malaman ang pangalan mo hijo?” hindi makatiis na singit ng lalaking unang namulatan ng kaniyang kapatid bilang ama.
Kung sabagay, baka nakalimutan ng mga ito ang kaniyang mukha. Ilang taon na rin nung huli niyang apak sa mansiyon ng Legrand. Kung natatandaan niya, kasal iyon.
“Ako si Berkham Farragher, ang tunay na kapatid po ni Amara.”
Walang nakasagot sa kaniyang sinabi. Lahat napatitig sa kaniya maliban kay Azael na ngayon naglalaro ng mansanas sa palad. Doon lang pumasok sa kaniyang utak na baka hindi pa nasabi ni Amara ang tunay na pagkatao nito. Mabilis siyang napatingin dito at napangiwi... Kulang na lang ay kutusan siya nito. Kung wala siguro ito sa kamang kinahihigaan, baka piniktusan na siya. Hindi siya dapat ang pwedeng magsabi sa katauhan ni Amara pero nung nakiusap ang matandang Legrand na kausapin siya ng pribado ay wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa mga ito.
“Sorry sis,” he mouthed.